Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, hindi po tumitigil ang talakayan at balitaan. Ngayong araw ng Sabado, hatid namin sa inyo ang pinakahuling impormasyon sa mga hakbang ng pamahalaan para sa ikabubuti ng taumbayan. Good morning, Aljo.

BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Edukasyon, trabaho at ang kalusugan iyan po ang mga puntong ating pag-uusapan sa loob ng isang oras; ang inyong lingkod Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At tumutok lamang po kayo, dahil maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Senator Win Gatchalian, ang Chairperson ng Committee on Basic Education Arts and Culture; DOLE Secretary Silvestre Bello III; at DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

BENDIJO: Samantala, kung mayroon po kayong mga katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

USEC. IGNACIO: At para po sa unang balita: Pinangunahan po ni Senator Bong Go ang naging public hearing kaugnay sa mga panukalang batas na maglalatag ng mga panuntunan para sa better normal na pamumuhay sa panahon ng pandemya. Para sa iba pang detalye narito po ang report:

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Nang ipatupad ang distance learning sa bansa, hindi po maikakaila na isa ang mabagal na internet connection sa nakikita pong problema kung magtatagumpay ba ang school year 2020-2021 sa gitna po ng pandemya. Ano nga ba ang naging epekto sa pagpapabilis ng proseso ng mga permits ng Telcos para makapagtayo ng cell site para naman po tugunan ang problemang ito. Makibalita tungkol diyan mula kay Senator Sherwin Gatchalian, ang Chairperson po ng Committee on Basic Education, Arts and Culture. Magandang araw po, Senator!

SEN. GATCHALIAN: Magandang araw, good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Senator Win, simula po noong maisabatas itong Bayanihan 2 kung saan tinanggal po iyong napakaraming tinatawag nating rekisitos para po sa pagtatayo ng cell site ng Telcos, may nakita po ba kayong pagbabago sa serbisyo nila lalo na sa mga mag-aaral na nag-online class po?

SEN. GATCHALIAN: Actually, dalawa ang problema natin, Usec. Unang-una, iyong tinatawag nating access, dahil hindi naman lahat ng ating mga kababayan ay mayroong kakayahan na kumabit sa internet ng araw-araw; at pangalawa, iyong pagpapatayo ng cell sites at mabilis na access.

So iyong una ay less than 30% ng ating mga kababayan ay mayroong access sa internet at iyong mga may access sa internet ay problema rin po iyong gadgets na gagamitin nila. Kaya isa sa mga bagay na ating isinusulong at maghahain po tayo ng batas dito ay itong tinatawag kong ‘one learner, one laptop.’ Dahil nakita natin dito sa pandemyang ito napakahalaga na po ang may access sa internet at may laptop. At hindi na po ito pang-may kaya lang, ang access sa internet ay kahalintulad na rin po ng kuryente, ng tubig na napakahalaga na wala na pong tahanan at wala na pong pamilyang mabubuhay kung wala pong access sa tubig at sa kuryente, kaya puwede na natin ito, kapantay ang internet dito po sa tubig at kuryente. Kaya maghahain po tayo ng isang batas para mabigyan po lahat ng ating mga mag-aaral ng laptop at mabibigyan po ng access sa internet.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Senator, nakakarating po ba sa bawat barangay sa Pilipinas ang kanilang koneksiyon at ano po iyong magandang gawin, para po makatiyak na maitatayo nila iyong bawat cell sites, sa bawat pook po sa bansa o bawat lugar sa bansa?

SEN. GATCHALIAN: Magandang tanong iyan, Usec. Talagang nagiging problema po iyong tinatawag nating red tape, umaabot po sa katakot-takot na oras bago po magpatayo ng cell site at kung walang cell site, wala pong access, wala po tayong mabilis na internet. At iyon nga po ang nakakalungkot dahil marami rin pong mga subdivisions dito po sa Metro Manila na hindi po pinapayagang magtayo ng cell site at marami pong lugar na pinahihirapan po ang Telcos para magtayo po ng cell site. At iyon nga ang nakakalungkot, kung sino ang malakas magreklamo, iyon pa ang balakid sa pagpapatayo ng mga cell sites.

Kaya dito po sa Bayanihan 2 at mayroon din pong isang batas, Usec. Gusto ko pong bigyang-diin, ito po iyong nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan sa ating Pangulo na tanggalin po lahat ng mga balakid at red tape.

So Bayanihan 2, sinimplify na lang po ang sistema doon, very simple lang po, kukuha lang po ng building permit at puwede na pong magpatayo ng cell site. Pero karagdagan diyan ay mayroon na pong isang batas na pinirmahan po ang ating Pangulo na magbibigay po sa kanya ng kapangyarihan sa loob po nitong pandemya na tanggalin pa lahat ng mga red tape at mga hindi kailangang dokumento sa pagpapatayo ng cell site. So, itong dalawang batas na ito ay pinapatupad na at importante po ngayon ay maitanggal na, tanggalin na po iyong mga balakid po sa pagpapatayo ng cell site lalung-lalo na dito sa Metro Manila, dahil napakadami po talagang papeles bago magpatayo po ng cell site.

USEC. IGNACIO: Senator, nabanggit nga po ninyo, isa doon sa ipinapanukala ninyo ito pong pagbibigay o pagkakaloob ng libreng laptop at internet allowance sa lahat ng mga mag-aaral. So, kakayanin ba natin tustusan ito, Senator, at kumusta po iyong pag-usad ng panukalang batas na ito?

SEN. GATCHALIAN: iyan talaga ang pinakapunto nito, Usec, kung sino po ang magbabayad at kakayanin ba ho ng gobyerno.

Ang nakikita ko ho dito shared responsibility. Ang mga magulang, dapat din po ay may responsibilidad sa pagbibigay po ng ganitong gadget at access sa internet. Ang bansa po natin sa pamamagitan ng ating pamahalaan ay may responsibilidad rin at pangatlo tayo bilang mamamayan po ng ating bansa ay may responsibilidad rin. Sama-sama po tayo dapat mag-ambag para makita ang magandang kinabukasan ng mga batang mag-aaral dahil itong mga mag-aaral na ito ay ang susunod pong mamamayan at susunod pong work force ng ating bansa. So gusto po natin na magagaling sila at matatalino. Pero kung hindi po tayo magtutulung-tulong, hindi po iyan mangyayari. Kaya po ang aking sistema po dito ay ito iyong tinatawag nating shared responsibility, matulung-tulong po tayo.

Alam ninyo ho, pagdating po sa kuryente, kung makikita natin sa electricity bill natin mayroon ho doong missionary electrification. Ang ibig sabihin ho dito, tayo bilang mamamayan po ng ating bansa ay nag-aambag po para magkaroon ng kuryente iyong mga malalayong lugar sa ating bansa dahil kung hindi wala ho silang kuryente, brownout ho sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, kahapon po ay nakausap namin iyong opisyal ng DepEd dito sa Laging Handa tungkol doon sa isinusulong nilang limited face-to-face classes. Kayo ho ba, Senator, ano po bang mas pagtuunan ng pansin ngayon – itong face-to-face classes o ang kasalukuyang blended learning at dapat po ba ay ipagpatuloy pa rin iyong online learning kahit may face-to-face classes na, Senator?

SEN. GATCHALIAN: Proseso ito, Usec., dahil doon sa isang pagdinig ho natin marami hong mga dalubhasa ang nagsasabi na itong prolonged, itong mahabang pagsara ng ating face-to-face classes mayroon pong mental health impact sa mga bata ‘no.

Ang bata ho kasi napakahalaga ho sa kanila nakikipaghalubilo, mahalaga ho sa kanila na nakikita ang kanilang kaibigan at mayroon pong playtime dahil itong mga batang ito ay kapag lumalaki ay natututo rin sa kanilang kapwa. Pero dahil nga nakakulong ho sila sa bahay at hindi ho sila nakaka-face-to-face, marami ho tayong mga batang nakikita natin nagkakaroon ng mental health issues, nagkakaroon ng stress at iyong kanilang development ay hindi po kumpleto dahil hindi ho sila nakakapaghalubilo.

Kaya ho ang mahalaga ho dito ay dahan-dahan ho tayong bumalik ho sa face-to-face. Umpisahan ho natin ito sa pilot testing, Usec. May na-identify na po ang DepEd na almost 1,000 na schools na puwede hong mag-pilot testing. At kung makaka-pilot test ho tayo, makakakuha ho tayo ng impormasyon, matututo po tayo kung paaano po gagawin at kung ligtas na po ang sitwasyon, puwede na ho tayong bumalik sa face-to-face classes.

USEC. IGNACIO: Opo. Paumanhin, Senator, hindi ko po nakikita kasi iyong camera ninyo, paki-check lang po iyong camera ninyo sa inyong laptop. Pero base po ba sa inyong pag-aaral sa ibang bansa na nagkakaroon ng resumption ng face-to-face classes, tumaas ba ang kaso ng hawaan among personnel at learners?

SEN. GATCHALIAN: Dapat ho talagang bago ho tayo pumasok sa face-to-face ay siguraduhin ho natin na kumpleto po iyong health protocols. Ano ba ho ito? Ito po iyong handwashing facility, alcohol, PPEs sa eskwelahan po natin. At hindi po tayo puwedeng bumalik sa dati na – ito nakikita natin sa screen – na siksikan po ang mga estudyante.

Puwede tayo mag-umpisa ng once a week, twice a week, para hindi po siksikan. Pero ang mahalaga ho dito, kapag bumalik tayo sa face-to-face hindi na ho ito iyong dating normal na siksikan. Dapat ho dahan-dahan muna para ho makakapag-social distancing ho sila sa loob ng eskwelahan.

USEC. IGNACIO: Paano po, Senator, kung walang magbo-volunteer dito sa pilot-run ng face-to-face classes dahil siyempre hindi naman po kasali sa mga mauunang mababakunahan ang mga bata? Ibig sabihin, puwede bang – huwag naman sana – i-abandon muna natin iyong ideyang ito at mag-blended learning na lang po ulit tayo sa susunod na pasukan, Senator?

SEN. GATCHALIAN: Tingnan natin iyong sitwasyon, Usec. Walang pilitan ho ito, dito po sa pilot testing wala hong pinipilit kaya ho dapat pag-aralang mabuti ng DepEd, ng IATF kung saan po iyong tinatawag nating low risk areas. Mayroon tayong 433 municipalities na zero COVID, Usec., – 433 out of the 1,500.

So, itong mga zero COVID na makikita natin ay puwede silang tawaging mga low risk areas at umpisahan doon ang iyong pilot testing. Pero wala pong pilitan ito, hindi ho pipilitin iyong mga magulang, hindi ho pipilitin iyong mga guro.

Dapat mag-usap-usap po sila at pag-aralang mabuti ng mga dalubhasa dahil hindi lang titingnan ho dito iyong tinatawag nating zero COVID, pero titingnan din po iyong iba pang mga ginagamit pong pagsusukat. For example, iyong transmission rate, for example po iyong positivity rate.

So, pag-aralan ho ito ng mga experts, mga epidemiologists at sila ho magsasabi kung ligtas po iyong lugar o hindi.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, iyong DepEd nga po ay in-adjust iyong end of school year. Sang-ayon po ba kayo sa naging pasya nila at kung iiklian po ang bakasyon, okay lang po ba iyon, Senator?

SEN. GATCHALIAN: Ako, Usec., itong paghaba ho ay sang-ayon ako dahil maraming bata ho talaga kinakailangan po ng tinatawag nating remedial o dagdag na tulong sa kanilang pag-aaral. At alam naman ho natin noong nag-umpisa ho noong first two months talagang adjustment period iyan sa ating mga mag-aaral at guro. At kaya ho itong dagdag oras ay para ho mahabol din ng mga guro at mga estudyante iyong kanilang pag-aaral.

Iyong sa bakasyon naman Usec., importante sa mga bata ang bakasyon ‘no dahil stressful nga. Marami sa mga dalubhasa nakita nila na stress po iyong mga bata sa loob ng kanilang tahanan at itong break na ito, ako, dapat ho i-maintain natin iyang two-month break eh. Nakikita ko mahalaga po itong two-month break para ho hindi naman ho puro aral kung hindi mayroon ho silang family time at makikita rin ho nila iyong mga kaibigan ho nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Senator, so far papaano ninyo po iri-rate ang performance ng DepEd sa nagdaang first quarter po kung saan sinasabing 99% daw po ng mga estudyante ang pumasa?

SEN. GATCHALIAN: Usec., ito ang pinakamahalagang tanong ‘no, natututo ba ang ating mga mag-aaral sa loob po nitong distance learning? Iyon po ang pinakamahalaga dahil ginagawa ho natin ito para matututo ho sila ano.

At gumawa po ng mga sukat ang DepEd para po makita kung sila po ay natututo o hindi. Itong assessment ay para sa akin kailangang pag-aralan nang mabuti dahil bago pa man nagka-COVID nakita ho natin iyong National Achievement Test ho natin ay mababa, nasa around 40-50%.

Kaya noong lumabas po itong 99% nagulat po ako ‘no. Nakakagulat ho talaga. Masaya ako na 99% ang pumasa pero nagulat ako dahil kung iyan po ay ibabangga ho natin sa National Achievement Test ho natin eh malayo sa 40% to 99%, napakalayo ho. Mahalaga ho na magkaroon tayo ng tunay na assessment dahil dito natin makikita kung saan mahina iyong bata.

Hindi ho natin puwedeng ipasa na lang ang lahat tapos mahihirapan siya sa susunod na baitang, babagsak at babagsak rin po siya. Kaya itong assessment na ginawa ng DepEd ay pag-aaralan ho nating mabuti sa komite. Sisiguraduhin ho natin na tama at accurate ito.

At mayroon ho kasing lumalabas hong mga balita tulad po, Usec., iyong tinatawag pong “sagot for sale” na marami ho tayong mga kababayan, mga enterprising na kababayan na ino-offer iyong kanilang services na sagutin iyong mga modules at bayaran mo sila at iyong mga modules po ay sasagutan ng iba. Kaya ito iyong mga bagay na dapat pong maimbestighan at tingnan kung nangyayari po sa ating mga paaralan.

USEC. IGNACIO: Opo. Agree ako diyan, Senator, kasi sinasabi nga po natin ang kabataan ang pag-asa ng bayan, pero kung hindi talaga natutunan iyong mga dapat nilang pag-aralan eh iyong susunod na henerasyon ay mukhang mahihirapan po tayo diyan. Senator, sa ibang issue naman po. Kumusta po iyong fraudulent transaction po na nangyari sa credit card ninyo? Natunton ninyo po ba iyong may kasalanan nito at ano rin po iyong usad sa Senado ng imbestigasyon ninyo sa mga ganitong mga kaso?

SEN. GATCHALIAN: Usec., bago ko sagutin ho iyan, wala pala akong video. Nakita ko lang ngayon, I think iyong internet connection, so boses ko lang iyong naririnig. Nevertheless, iyong patungkol doon sa credit card ho natin ‘no, ang lumabas dito sa issue na ito na marami pala tayong mga kababayan na ganito rin po ang naranasan. Naloko, na-hack, at marami pong mga kriminal na gumamit po sa kanilang credit card sa pagbili po ng iba’t-ibang gamit.

At hindi pala ito bago ano at marami hong lumabas at tayo lang po kasi iyong masasabi kong siguro kilala kaya na-media, pero marami hong mga kababayan ho tayong nag-email, nagpadala po ng Facebook message na sila po ay nabiktima kaya ito ay iimbestigahan po namin sa Senado dahil ang pinakatanong ho dito ay bakit nangyayari ito; pangalawa, ano po ang ginagawa ng mga bangko ‘no; at pangatlo, ang ating mga consumers ba ay napoproteksyunan ng Bangko Sentral bilang regulator po ng mga bangko at napo-proteksyunan na hindi po sila tsina-charge ng mga bangko sa mga transaction na hindi po nila ginawa.

So talaga pong dapat tingnan itong isyung ito at tingin ko kung nangyayari po ito, ibig sabihin, hindi po sapat iyong ginagawa ng mga bangko at ng Bangko Sentral sa pagbibigay proteksiyon po sa ating mga consumers, dahil nangyayari po ito hindi lang po ito isang beses, kung hindi patuloy po ang pangyayari.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po inyong pagtugon sa aming katanungan, Senator Win Gatchalian. Ingat po kayo, Senator.

SEN. GATCHALIAN: Thank you, Usec. Pasensiya na at nawala iyong video ko, tingin ko sa internet connection. But thank you very much sa pagtawag po.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Senator.

BENDIJO: At sa ibang mga balita, ilang residente ng Angeles City, Pampanga na nangangailangan ng tulong pinansiyal dulot pa rin ng pandemya ang pinuntahan ni Senador Bong Go at ng iba pang mga ahensiya ng pamahalaan upang magbigay ng agarang tulong. Narito po ang report:

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Matapos po ang pitong taong pagkakasuspinde sa pag-deploy ng household service workers sa United Arab Emirates, magandang balita dahil muli ng makapagtrabaho ang mga Pilipino doon bago matapos ang buwan ng Marso. Para po sa detalye makakausap natin si Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III. Magandang araw po, Secretary Bello.

SEC. BELLO: Magandang araw po naman.

BENDIJO: Maayong buntag, sir. This is Aljo Bendijo. Kasama din natin si Usec. Rocky.

SEC. BELLO: Usec. Rocky, good morning.

BENDIJO: Nitong nakaraang Lunes lang ay Secretary ginanap ang joint committee meeting sa pagitan ng Pilipinas at ng United Arab Emirate dito sa Maynila. Maari ba nating ibahagi kung saan sumentro ang nasabing pagpupulong, Sec; at nagkaroon na ng mga kasunduan lalo na sa usapin pang-OFWs sa pagtatapos nito, Sec?

SEC. BELLO: Okay. Thank you, Aljo. Unang-una, magandang balita, puwede ng mag-deploy muli ng ating mga OFWs especially iyong ating mga household service workers after seven years. Ang dahilan kasi nito noong araw, Aljo and Usec. Rocky, wala tayong bilateral agreement with them, kaya hindi tayo makapag-deploy ng ating mga OFW doon sa kadahilanan na ayaw nila na iyong standard contract ay mapirmahan ng apat na tao.

Ang gusto kasi ng UAE government, dalawa lang ang pipirma doon sa standard contract and that is the employer and our overseas worker. Sa atin naman ang gusto nating mangyari, dapat para sa proteksiyon ng ating mga Overseas workers, eh lalagda hindi lamang iyong employer, hindi lamang iyong employee kung hindi iyong foreign recruitment agency and specially, iyong Philippine recruitment agency para kapag may paglabag sa kontratang iyan ay mayroon tayong hahabulin na tatlo – iyong employer, iyong foreign recruitment at saka iyong Philippine recruitment agency.

Ngayon, Aljo and Usec. Rocky, nagkasundo na sila, pumayag na ang UAE government, apat na ang lalagda, kaya nagkaroon tayo ng consensus at ngayon nagkapirmahan sila and ang pinakaimportante dito, Aljo and Usec. Rocky, iyong provision noong standard contract.

Iyan for the information of our countrymen especially Overseas Filipino Workers nandiyan sa kontrata iyong mga probisyon na gusto ng ating Pangulong Duterte na nakaprovide para sa ganoon maprotektahan iyong ating mga Overseas Filipino Workers:

  • Number one, kailangan iyong passport ng ating mga OFW hawak nila, hindi hawak ng employer.
  • Pangalawa, iyong paborito nating lahat, iyong kanilang cell phone, dapat hawak ng ating Overseas Filipino Workers.
  • Pangatlo, dapat klaro sa kontrata na mayroong 12 hours sleeping time for our Overseas Workers.
  • Pang-apat, kailangan iyong pagkain nila sila ang pipili, sila ang magluluto kung gusto nila.
  • Panglima, kailangan in a weeks’ time mayroon silang one day off with pay;
  • and pinakaimportante sa lahat, kailangan kapag ang employer ay ilipat niya iyong ating overseas workers sa ibang employer, it must be with the consent of our Overseas Filipino Workers and subject to the approval of our Labor Attache’ in the country where they are deployed.

Iyan po, those are the very, very, very important provisions which our President wanted to be included in the standard employment contract. Iyan po!

BENDIJO: Iyong application ba nito, Secretary, retroactive sa mga existing na mga kontratang na-deploy na, napadala na diyan sa UAE, iyong mga nandoon na po sa bansang UAE?

SEC. BELLO: Aljo, wala pa kasi tayong deployment doon, since 2014, wala pa tayo, kasi sinuspend nga ang deployment doon eh dahil ayaw nilang pumirma iyong apat. So ngayon lang at with this signing, now we can start deploying our overseas workers in the United Arab Emirates effective March 31.

Mayroon pala akong dagdag, Aljo, very important ito! Kasi noong araw, kung matandaan ninyo, ang daming—despite the fact na wala tayong dine-deploy ang dami tayong Overseas Workers diyan, we have about 600,000. Itanong ninyo sa akin paano nangyari iyan.

BENDIJO: Yes, paano po.

SEC. BELLO: Paanong nangyari na wala naman tayong deployment activity, bakit ang dami tayong Pilipino workers doon. Ang nangyayari kasi… ito iyong mga illegal recruitment activities – ang nangyayari iyong ating mga kababayan, pumupunta sila sa UAE with a tourist visa, kunyari magto-tour sila, magbabakasyon sila. Pagdating doon maghahanap ng trabaho and ipapa-convert nila iyong kanilang tourist visa into working visa.

BENDIJO: Okay.

SEC. BELLO: Ngayon, under this agreement it is very clear between the Philippines and the UAE that the UAE government will no longer allow the conversion of a tourist visa into a working visa without the approval of our labor attache in the place of deployment. Ayan, proteksiyon po iyon sa ating mga overseas Filipino workers.

BENDIJO: So, how about iyong mga undocumented na mga workers na nandiyan ngayon sa sinasabi ninyo po, UAE na wala pong mga papeles? Ano pong tulong ang puwede nating maibigay? Puwede ban ating i-apply itong batas na ito sa kanila kung mayroon na sila, nandoon na sila sa kanilang mga among Arabo diyan, Secretary?

SEC. BELLO: Puwede na, puwede na. They will now be covered by this standard employment contract and they can now regularize their stay in the United Arab Emirates.

BENDIJO: Okay. Sa inyo pong datos, ilan po ba ang karaniwang bilang ng ating mga idine-deploy na mga household service workers, Sec.? At saang-saang bansa po ba ang may malalaking pangangailangan sa kanila diyan po sa UAE?

SEC. BELLO: Maliban sa UAE, nandiyan ang Middle East, nandiyan ang Hong Kong, nandiyan ang Asian countries like for example Macau, Hong Kong, Japan marami din tayo doon, at marami din tayo sa Singapore, and even in Russia marami rin tayo.

And it’s good I mentioned Russia. Now, we received a communication from the Russian government that they are willing to enter into a bilateral agreement with the Republic of the Philippines para sa ganoon with this development we can now legitimize the stay of our countrymen who are in Russia under the same mechanics na nagpupunta as tourist then they convert it into working visa. With this development, we can also legitimize the stay of our overseas workers in Russia.

BENDIJO: Opo. Balikan ko lang po iyong mga na-stranded nating mga kababayan po diyan sa Middle East na dumaan sa UAE at napunta ng Syria, kung saan-saan gamit po ang tourist visa. Nasa POLO office po sila ngayon eh kung gusto nilang mag-apply muli ano pong puwede nating gawin sa kanila or pauuwiin na lang muna natin sa Pilipinas, Sec.?

SEC. BELLO: Nasa kanila po iyan, Aljo, kung gusto nilang stay na sila legally, they can now apply in our labor offices. Kung gusto naman nilang umuwi muna, they can come home under our repatriation program. Huwag po silang mag-alala sa cost ng repatriation dahil nagbigay po ang ating Pangulong Duterte ng P5 bilyon as repatriation expense for our OFWs. Ganiyan kamahal ng ating Pangulo ang ating mga OFWs.

BENDIJO: Magandang balita po iyan. Sa usapin naman po ng pagbabakuna, Secretary, ano po ang posisyon ng DOLE hinggil sa sumbong ng ilang mga grupo ng mga manggagawa na may mga mangilan-ngilang mga business establishments ang nagpapatupad ng “No Vaccine, No Work” policy sa kanilang mga empleyado?

SEC. BELLO: Aljo, fake news iyan, fake news.

BENDIJO: Peke? Peke?

SEC. BELLO: Walang legal basis iyan and I don’t think any employer or management group will ever practice this. Alam naman nila na walang legal basis iyan. Illegal iyan, hindi puwede na pilitin mo ang isang tao na magpabakuna kung ayaw niya at lalong hindi puwede na gawin mong kondisyon para makapasok siya na kailangan mabakunahan muna siya. That is a very illegal policy, Aljo, hindi puwede iyan. Kung ayaw ng tao magpabakuna, hindi mo siya mapilit.

Pero having said that, Aljo, ako ay nakikiusap sa ating mga kababayan, kapag nandiyan na ang bakuna eh magpabakuna na tayo. Iyan ang the best way for us to ensure our return to normalcy, ayan po. Maliwanag, Aljo, iyong “No Vaccine, No Work” is an illegal policy and I’m assuring everybody that so far our office has not received any formal complaint from any labor group, from any employees group na hindi sila pinapayagang pumasok dahil hindi sila nabakunahan.

BENDIJO: Natukoy ninyo na ba kung anong tanggapan ito, Sec, kung sino itong mga inirereklamong kompanyang ito?

SEC. BELLO: Puwede silang dumiretso sa mga DOLE offices namin. Mayroon kaming city, municipal, provincial and regional offices at puwede rin silang magreklamo through our hotline 1439 and 1438.

BENDIJO: Opo. So, wala kayong pangalan ng mga kompanyang inirereklamo tungkol dito sa “No Vaccine, No Work” policy?

SEC. BELLO: Wala pa. Wala pa naman in fairness. Even no less than the President of ECOP -the Employers Confederation nagsabi sila na hindi nila gagawin iyon dahil alam naman nila hindi puwede, walang legal basis iyon. At saka paano pilitin iyong ating mga kababayan ngayon na wala pa namang vaccine? Kakaunti pa lang.

BENDIJO: Opo. At kung sakali pong naisin ng isang empleyado na magpabakuna, sino po ang dapat sumagot nito sa gastusin?

SEC. BELLO: Aljo, sagot iyan ng gobyerno.

BENDIJO: Okay, malinaw.

SEC. BELLO: Ang vaccination ng buong Pilipinas ay sagot ng gobyerno, iyan po ang pangako ng ating Pangulo.

BENDIJO: Nakapaglabas na po ba kayo ng kautusan din, Secretary, tungkol sa vaccination at workplace? Ano po ang mga lalamanin po nito?

SEC. BELLO: Sa Lunes, Monday po, magpapalabas kami, hindi po order, advisory po lamang. We will advise everyone that nobody can be forced to undergo vaccination without his/her consent at saka any policy na nagre-require ng vaccination for work will be declared illegal. So, it will be an advisory lang. And we know naman na ang ating mga employers are aware of this.

BENDIJO: Bigyan-daan ko lang po iyong mga katanungan ng ating kasamahan sa media, Secretary Bebot. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ang tanong niya po: In an online briefing you mentioned that there is no legal basis for an employer to require workers to be vaccinated before they enter the workplace. What then are the sanctions against the employers who will implement a “No Vaccine, No Work” policy?

SEC. BELLO: If the employee complains to us that their employer will not allow them to enter the offices because of lack of vaccination, we will advise the employer not to implement that policy because it is against the law. And if they insist on that, we will issue a compliance order at kahit hindi nakapasok iyong employee it should be considered, they will be legally considered na present and therefore he should be paid for his day na hindi siya pinapasok.

BENDIJO: All right. Mensahe na lang, Secretary, sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga prospective na mga household service workers na makakalabas na, ide-deploy na sa UAE at iyong mga kababayan natin na stranded po ngayon, biktima ng illegal recruiter.

SEC. BELLO: Okay. Sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa mga overseas Filipino workers na first love ng ating Pangulo, good news, puwede na tayong pumunta sa United Arab Emirates. Alam ko gusto ninyo doon kasi maganda ang working condition, mataas ang suweldo, at maganda ang treatment sa inyo ng mga employers.

So, by March 31 puwede na po tayo mag-deploy ng mga overseas Filipino workers, especially iyong ating mga household service workers. And then I would like to remind everybody lalung-lalo iyong ating mga manggagawa na mayroon pa rin tayong mga programa para sa mga informal workers, para sa mga formal workers, and for our overseas Filipino workers.

Mayroon tayong TUPAD which is the emergency employment program. Pagtatrabahuin kayo ng ten days at susuweldo kayo ng minimum wage. Sa mga formal workers na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19, mayroon po kayong tinatawag na CAMP assistance. Ito ay 5,000 one-time cash assistance to all workers who were displaced because of COVID-19. And then finally, sa ating mga overseas Filipino workers who were displaced because of COVID-19, mayroon po kayong ibinigay ang ating Pangulo na P10,000 as assistance and if you’re still abroad, $200 po iyan. Iyan po ang bigay ng ating Pangulo.

And then finally, para sa mga anak ng mga OFWs iyong mga college students, mayroong kayong ‘Tabang OFW Program,’ P30,000 scholarship program from President Duterte who gave us 1 billion for children, college students children of OFWs na makatanggap ng P30,000 scholarship assistance. Iyon lamang, Aljo. Daghang salamat. Rocky good morning po—

BENDIJO: Sec., may pahabol akong isang tanong lang. Ito pong new Labor Act sa mga household service workers natin ide-deploy sa UAE. How about iyong sa Middle East po, ganoon din ba ang application ng batas na ito?

SEC.BELLO: Tuluy-tuloy naman doon, kasi mayroon naman tayong bilateral agreement with them. There was never a deployment suspension doon sa other Middle East countries, except UAE because of the lack of a bilateral agreement.

BENDIJO: Okay, thank you so much, DOLE Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III. Amping, sir Thank you so much, daghang salamat.

SEC.BELLO: Salamat Aljo. Usec. Rocky, maraming salamat. Good morning.

BENDIJO: Magtungo naman tayo sa Davao hatid ni Clodet Loreto ang pinakahuling balita. Clodet maayong ugto.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang iba pang ulat sa mga lalawigan. Makakasama natin si Aaron Bayato ng Philippine Broadcasting Service.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyo Aaron Bayato, mula sa Philippine Broadcasting Service.

Samantala, sa tatlong araw na pagiikot ng tanggapan ni Senator Bong Go sa Bohol, umabot na sa mahigit 4,000 mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang naabutan ng tulong ng kanyang outreach team kabilang na nga po dito ang habal-habal drivers. Panuorin po natin ito:

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Ito po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng Health Department kahapon, March 5, 2021, umabot na sa 587,704 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 3,045 na mga bagong kaso, pinakamataas ito po sa nagdaang limang buwan.

Labingsiyam (19) na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 12,424 ang total COVID-19 deaths. Nadaragdagan din naman ang mga kababayan nating nakaka-recover sa sakit na ngayon ay nasa 535,207 matapos makapagtala ng 178 new recoveries kahapon. Ang total active cases ngayong ay 40,074.

USEC. IGNACIO: Bukas po ay isang linggo na matapos dumating ang bakunang Coronavac sa bansa at mag-iisang linggo na rin din po na gugunitain ng Pilipinas ang unang araw nang ipinatupad ang lockdown para pigilan ang transmission ng Covid-19. Ano nga ba po ang narating ng laban natin sa nakakahawang virus na ito? Ang update mula po sa DOH, hatid sa atin ni Usec. Maria Rosario Vergeire. Magandang Araw, Usec.

USEC. VERGEIRE: Good morning po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo, Usec., as of this morning ilan na po ba iyong nababakunahan natin at ilan na rin po iyong nakaranas ng adverse effect mula po sa pagbabakuna?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky as of 6:00 pm, kahapon po ay mayroon na tayong 13,639 individuals na nabigyan na po natin ng bakuna among our 39 vaccination sites. Kahapon din po base sa datos, as of 6:00 pm mayroon po tayong 61 adverse events following immunization.

USEC. IGNACIO: So, far after 5 days po ng vaccination, Usec, ito po ba iyong in-expect natin talagang mga numero na?

USEC. VERGEIRE: Well, Nandiyan pa rin ho iyong mga tinatawag natin na refusals among our health care workers but ang maganda po dito noong nag-uumpisa po tayo ay napakababa lang ng ating mga numero. We started of which is 700 vaccinees noong unang araw, nag-increase po after two days napunta na tayo sa 3,000 o 4,000 and now we have 13,000. So, we expect na tataas pa ho ang update lalong lalo na po at meron na tayong ibibigay sa kanila na option because AstraZeneca vaccine are here already.

USEC. IGNACIO: Opo, Usec., kailan daw po magsisimula na magbakuna iyong AstraZeneca vaccine, si Sec. Duque daw po ay nakatakdang babakunahan daw nito? Kailan po mangyayari ito?

USEC. VERGEIRE: Ito pong ating ceremonial activities for these AstraZeneca vaccines would be today. So, nakapagbigay po tayo sa RITM, sa Cardinal Santos, at saka Hospital ng Parañaque kung saan iyong ating mga officials ay pupunta diyan for the ceremony. Pero si Sec. Duque po katulad ng lagi niyang sinasabi, katulad po kaming lahat sa DOH ay maghihintay po kami ng turn namin. Pauunahin muna po namin ang ating Hospital health care workers bago po kami magpabakuna dahil mas kailangan po nila itong bakunang ito.

USEC. IGNACIO: Opo, ihabol ko lang po iyong tanong ni Rida Reyes ng GMA news, may connection din po kasi sa AstraZeneca: Sabi daw po ni Sec. Carlito Galvez, kinumpirma ngayon na ang arrival daw po ng additional 58,400 dosage of AstraZeneca Vaccines in the country [will be] tomorrow. May schedule na po ba tayo sa rollout nito?

USEC. VERGEIRE: Iyon po iyong kargadagan lang. Kung matatandaan ninyo Usec., ang una nating indicative number of dosage na dadating sa ating bansa worth 500,000 plus. Tapos noong dumating sa atin nitong isang araw 487. So, iyong natira pa hong 38,000 plus na dapat makabuo nitong kumpletong 500 plus na unang tranche natin from COVAX, ito lang po iyong darating bukas. So idagdag lang ho natin doon sa mga allocation na ginagawa natin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo, kamakailan po ay Usec., ay nagkaroon ng isyu na diumano ay breach of protocol sa prioritization sa mga magpapabakuna. May ilang hindi daw po health worker pero nabakunahan. So sino po ba iyong humahawak sa mga ganitong kaso? At may nakakapag-file po ba?

USEC. VERGEIRE: Actually Ma’am, we had our legal service review already our provisions with different resolutions done even in the IATF resolution. Pero ang kailangan natin bigyang pansin ngayon ito po mga bakuna na AstraZeneca, these are from COVAX facility.

Ito pong COVAX facility, mayroon tayong agreement with them na nilagdaan po ng ating mga officials of government between the COVAX and us. Nakalagay po diyan sa condition diyan na kailangang sundin natin ang prioritization framework na ibinigay nila and these are vulnerable and health care workers.

So, sabi nila ito is purely for health care workers ang AstraZeneca. Kung magkakaroon tayo ng violations dito, these might jeopardize the succeeding supplies na ibibigay sa atin ng COVAX facility. So, nakikiusap po kami sa lahat, we will all have our turn. Pabayaan muna po natin ang ating hospital health care workers na makatanggap nitong bakunang ito.

USEC. IGNACIO: Opo, Usec, ano daw po ang kakaharapin sa mga lalabag sa prioritization list?

USEC. VERGEIRE: Pinag-uusapan po ngayon iyan Usec. Rocky no, unang-una maaaring may administrative case if you are a government official. So, pinag-uusapan pa rin po what would be the possible sanctions or the possible violations that can be identified base on our existing policy.

USEC. IGNACIO: Usec., may mga nanawagan na bakunahan na rin daw po ang mga government officials para daw po magpalakas ng kumpiyansa sa bakuna. So, ano po ang posisyon ng Department of Health dito?

USEC. VERGEIRE: Ang posisyon po ng Department of Health katulad po ng sinasabi rin ng ating mga eksperto no, ang inuuna po kasi natin ngayon ay hospital health care workers. Ito po iyong mga tao na alam po nila iyong mga detalye alam nila iyong mga datos.

At sa tingin po naming, though we recognize the value of our influencers dito po sa ating pagpapataas ng kumpiyansa, pero sa tingin namin iyong fellow health care workers nila ang makakapagbigay sa kanila ng influence for them to get vaccinated also. So, ang posisyon pa rin namin, lets maintain the framework and we will have the value and the role of our influencers in the succeeding sectors of priority

USEC. IGNACIO: Opo Usec., kahapon po ay nakausap namin si Philippine Ambassador to the US Romualdez, sa loob ng ilang linggo daw po ay darating na rin iyong Pfizer vaccines. Kapag nakuha na natin ito, matatapos ba natin iyong pagbabakuna sa mga frontliners? At makakatawid na tayo sa kasunod na sector kagaya po ng mga senior citizens?

USEC. VERGEIRE: Well Usec. Rocky, kapag tiningnan natin ang ating mga numero ng doses ngayon we have 300,000 na puwedeng bakunahan for Sinovac; we have 243,000 na puwedeng bakunahan ng AstraZeneca. Mayroon hong parating kung saksa-sakaling darating na nga katulad ng sinabi, ang Pfizer, ang unang commitment nila sa ating ay 117 doses, so you divide that by two, mga 55-56,000 ang mababakunahan. When you compute all of these, these would just give you approximately almost 600,000.

When you compute all of these, this would just give you approximately almost 600,000. Ang health care worker po natin sa buong bansa ay almost 1.8 million. So kailangan pa po nating mag-hintay ng mga additional doses para makumpleto muna natin ang mga health care workers and then we can go on now to the next sector which are the senior citizens.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., 58 new cases ng South African variant. Karamihan po ba dito ay galing sa mga unang naiulat sa Pasay at kung masasabi po ba natin na may local transmission na po ng bagong African variant sa bansa?

USEC. VERGEIRE: Hindi pa ho natin masabi iyan sa ngayon, Usec. Rocky. Epidemiologic investigation is being undertaken. Kagabi lamang po ay nagkaroon tayo ng pakikipag-ugnayan sa WHO at sila po ay umaasiste na sa atin dito sa surveillance and analysis of these variants. So, makakapagbigay po tayo ng ganiyang impormasyon, maybe in the coming days, kapag nakumpleto na natin ang detalye ng lahat ng nabigyan o nadetekta nitong variant na ito.

USEC. IGNACIO: Opo, marami ring mga bagong UK variants po, Usec, ang naitala sa Metro Manila. Kahapon lagpas 3,000 ang new cases at malaking porsiyento dito po ay nasa National Capital Region. Naaalarma po ang OCTA Research sa dumaraming bilang ng kaso. Tama lang po ba na mag-rely po tayo sa pagsunod ng tao sa minimum health standards instead po doon sa imposing stricter quarantine measures?

USEC. VERGEIRE: Actually, Usec. Rocky, hindi po paisa-isa ang intervention na kailangan nating gawin. Hindi pupuwedeng magmi-minimum public health standards lang tayo, ang mga tao, tapos wala naman tayong ginagawa na stricter na measure kapag sinabi nating quarantine. Pero hindi po tayo pumupunta doon sa usapin na kailangan nating isara ang buong lungsod o isara ang buong region. Nandiyan po tayo ngayon at inaasahan natin ang ating local governments will give their localized response. Katulad ng ginagawa ngayon sa Pasay kung saan mayroon na ho tayong almost 80 na mga barangays na ni-lockdown nila, localized at pagkatapos niyan kailangan sumunod lahat sa minimum public health standards. Ito lang ho ang mga paraan talagang nakikita natin ngayon, para talagang masupil natin at mapatigil natin ang patuloy na pagtaas ng kaso ngayon sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. USsec., bigyang-daan ko lang iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Mula kay Michael Delizo ng ABS-CBN News at tanong din po ito ng Red Mendoza ng Manila Times: May definite information na ba para masabing ang pagtaas ng mga kaso ay dahil sa mga bagong variant?

USEC. VERGEIRE: Kailangan po nating baguhin ang pananaw ng ating mga kababayan. Oo, may mga variants tayo ngayon na na-detect nan atin, pero ang kailangan nating isipin, kaya po nagkaroon ng kaso ay because we did not comply to the health protocols. So kung nakikita pa ho natin na patuluy-tuloy pa rin ang mga non-compliance to minimum health protocols, definitely tataas ang kaso. And the variants are just aggravating factors.

USEC. IGNACIO: Opo ang ikalawang tanong ni Michael Delizo: Sa tingin po ba ninyo premature ang pag-relax ng restriction at mobility, may mga particular na lugar ba kayong nakikitang kailangang higpitan ulit?

USEC. VERGEIRE: Siyempre, ating ina-analyze sa kabuuan, Usec. Rocky at makikita nga natin na mayroon talagang mga specific areas in the country na talagang patuloy ang pagtaas ng kaso. Ito po ang pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force kung ano po ang mga dapat na gawin nating measures. Mamayang hapon po may meeting kami with MMDA together with the Metro Manila Mayors para pag-usapan po natin itong whole of the national capital region response at hindi lang po per city ang gagawin natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Michael Delizo: Totoo raw po ba na may kaso na ng UK variant sa Zamboanga Peninsula?

USEC. VERGEIRE: Wala pa po tayong nakukuhang ganiyang impormasyon that there is this South African variant in Zamboanga Peninsula, wala po siya diyan sa inulat nating mga report po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi ng OCTA Research na 900 na kaso kada-araw po ang naitatala sa Metro Manila. Samantalang na may napaulat napupuno na daw po ulit ang mga private hospital tulad ng St. Luke’s sa BGC at Chinese General Hospital? Masasabi po ba natin na uncontrollable na ang sitwasyon sa mga ospital dahil sa pagtaas ng mga kaso?

USEC. VERGEIRE: Hindi naman po, nothing is uncontrollable at this point. We are trying to manage it. Actually alam ninyo nakaganda po iyong naghanda talaga tayo simula noong Nobyembre na talagang pinataas natin iyong mga number of beds sa mga ospital, hinanda natin ang mga ospital na sila ay magkaroon ng adequate capacity. Kaya kung makikita po ninyo, since November and ating healthcare utilization or hospital capacity, hindi po tayo tumataas sa 50%. Ang that is what is going to work for us right now, that we can accommodate more patients kung sakali. But of course, nandiyan din po iyong babala natin na kailangan nating tulungan iyong sistema natin. Tumulong tayo by complying with the standards. May meeting po kanina with the hospital directors dito po sa Metro Manila and later on we will be talking with the regional directors para po mas makapaghanda tayong lahat, inactivate na rin po ang One Hospital Command at saka ang Oplan Kalinga.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuling tanong ni Red Mendoza: Nakakaramdam po ulit kasi ng kaba ang mga kababayan natin na baka daw po maulit ang ECQ dito sa Metro Manila, dahil sa pagtaas ng mga kaso at baka daw po magtawag ulit ang mga health workers ng timeout. Ano daw po ang assurance ng Department of Health na walang mangyayaring ECQ dito sa Metro Manila?

USEC. VERGEIRE: Atin pong binabantayan ang ating sitwasyon, hindi po natin masasabi ngayon that we can assure you na walang mangyayaring ECQ. Kapag dumating po tayo doon sa punto na talagang kailangan muna nating isara ang ating mga siyudad dahil po dito sa nangyayari, gagawin po iyan as an additional measure. Pero kailangan ding maintindihan ng ating mga kababayan, ito pong desisyon na iyan ay puwedeng hindi mangyari kung lahat po tayo ay tutulong sa gobyerno by complying with this minimum health protocols that we have.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: How will the detection of the new COVID variants affect our vaccination program?

USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po, WHO also said, we continue vaccinating. There is still insufficient evidence to state that these variants may really affect the efficacy of the vaccines. So, hanggang nandito na po ang ating mga bakuna ipagtutuloy-tuloy po natin ang ating bakuna, para po mas maprotektahan natin ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo, ang ikalawang tanong po ni MJ Blancaflor: Aside daw po from South Africa and UK variants, a variant from Brazil also raised concerns, because it is more contagious and appears to infect those who have already recovered from other versions of the virus. Ano po ang masasabi ng DOH dito? What should we do to prevent the Brazil variant from spreading in the country?

USEC. VERGEIRE: Pare-pareho naman po ang nagiging measures natin to prevent for any type of variant to enter the country. This is still iyong mga protocols na pinapatupad natin sa ngayon. Sa ngayon po wala pa tayong nadi-detect na Brazil variant dito sa ating bansa. It is still UK variant and South African variant.

USEC. IGNACIO: Last question po niya: Does the Department of Health see the need to impose restrictions again amid the threat of this new variants?

USEC. VERGEIRE: Again, Usec. Rocky, I did not get it, I’m sorry.

USEC. IGNACIO: Opo, kung kailangan daw pong magpatupad na ng mahigpit na restrictions dahil dito sa mga bagong variants.

USEC. VERGEIRE: Well, IATF decision po iyan, itong stricter restrictions kung ang-uusapan natin per region. Pero ang local government will have that authority na sila po ay makapagpatupad ng mga restrictions within their localities. So iyan po ang una nating isinasagawa, pag-uusapan sa IATF po iyong mas mataas na restriction level.

USEC. IGNACIO: Tanong naman nina Bianca Dava and Raya Capulong ng ABS-CBN: How do you think will the arrival of AstraZeneca Vaccine affect the COVID-19 vaccination program? Do you think more people will now line up to get vaccinated? May kukuha pa rin po ba ng natitirang bakuna ng Sinovac?

USEC. VERGEIRE: Malaking bagay po iyong pagdating ng AstraZeneca na bakuna dito sa ating bansa. Unang-una po nagkaroon ng option ang ating mga healthcare workers of what type of vaccine they will receive. Pangalawa nakadagdag po ito doon sa number of doses n mayroon tayo at mas makakapagbigay tayo sa mas maraming health care workers.

Iyon pong tungkol sa Sinovac, mayroon pa rin po. Actually in our hospitals, mayroon pong may gusto Sinovac, mayroon pong may gusto AstraZeneca. So, hindi po masasayang ang mga doses na iyan. We can give it to all of the health care workers who are really in need ngayong panahon na ito.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin nila Bianca and Raya. Did people’s perception of Sinovac and vaccines in general changed after a week, and how?

USEC. VERGEIRE: I think so. I think so, that the perception of people and the trust of people dito po sa mga bakuna, specific sa Sinovac ay nagbago. Kasi nga po ay nakikita natin iyon per day na accomplishment ng bawat ospital. Noong unang araw po tayong nag-rollout and the same with the other hospitals for their initial rollout, mababa and turnout. Pero kapag tiningnan po natin iyong second to the third, to the forth days ng kanilang pagbabakuna, nakita natin iyong pagtaas noong numero ng mga empleyado o healthcare workers na gusto ng magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Tanong naman mula kay Aiko Miguel ng UNTV. Start na raw po ba ngayong araw ang rollout ng AstraZeneca. Iyong mga ospital na naka-receive ng coronavac pero nagkulang ng doses for their healthcare workers, mabibigyan po ba ng AstraZeneca doses?

USEC. VERGEIRE: Yes Aiko, itong ating ceremonial vaccinations mag-uumpisa ngayon sa tatlong lugar – RITM, Ospital ng Parañaque and Cardinal Santos, pero ang talagang full roll-out will start on Monday. So ngayong weekend mag-aasikaso na kami para mai-deliver na natin itong mga AstraZeneca vaccine sa iba’t ibang lugar. Ito pa rin iyong mga pinili nating hospital before, we will give them that option for this AstraZeneca at iyong mga nagkukulang pa na mga doses, they can just let us know, so that we can replenish their stocks based on their allocated or the targeted allocation for their hospital.

USEC. IGNACIO: Okay, tanong pa rin po ni Aiko ng UNTV. Ano po ang target ng government para matapos ang rollout ng AstraZeneca?

USEC. VERGEIRE: Limang araw ang ibinigay sa atin. So, ang gusto ng ating mga officials, dapat within five days ay matapos na natin and that would be something na talagang ideal, of course operationally, gusto nating bigyan ng mga kaunting leeway iyan, pero five days is enough for them to finish these doses.

USEC. IGNACIO: Opo, may Paglilinaw lang po. Tanong mula kay Rida Reyes ng GMA News: Paki-clarify lang po daw, kasi different hospitals have claimed an upward trend on the number of confinement and bed capacity. Can DOH confirmed this and what can be the possible implication of this?

USEC. VERGEIRE: Use. Rocky, we have been receiving reports na mayroon talagang pagtaas ng mga numero ng mga pasyente sa ating mga ospital for COVID-19 cases. Ito po ay isang bagay nga na pag-uusapan mamaya, pinatatawag namin ang mga heads ng ospital pati na rin ang ating regional directors, para makita natin iyong mga causes saka iyong ating sinasabi na mga kailangan nilang gawin. Ngayon ano ba ang implikasyon nito, kailangan po nating lahat mag-ingat, kailangang po nating lahat tumupad doon sa mga kailangan nating gawin. Huwag tayong lumabas kung hindi po natin kailangang lumabas. Iyan po ang mga implikasyon, dahil kung hindi po talaga natin mako-control ito, baka mao-overwhelm ang ating sistema. So, kailangan natin tulungan ang ating gobyerno sa panahong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Rida Reyes. With the significant rising COVID cases and hospital bed capacity. Masasabi po bang may second wave na of COVID sa bansa?

USEC. VERGEIRE: Ang sinasabi namin there is marked increase of cases. We are not going to say that it’s a wave, it’s a surge, wala na po tayong mga terminology na ganiyan dahil naguguluhan po ang ating mga kababayan. So we are saying that there is a marked increase in the number of cases.

USEC. IGNACIO: Opo, iyong third question niya bale nasagot na rin po ninyo, Usec. Kaya lang ang tanong niya: Are we considering the possibility of a return to stricter quarantine classification for NCR dahil sa study po ng OCTA Research? Iyong pang-apat po niyang tanong, do we see this rising COVID cases a direct result of the vaccination rollout which commenced this past week.

USEC. VERGEIRE: Hindi ko nakuha iyong tanong niya, pero hindi epekto ang pagtaas ng kaso sa vaccine rollout, Usec. Rocky. I’m sorry I did not get that.

USEC. IGNACIO: Kung nakikita daw po ninyo na iyong pagtaas ng COVID-19 cases ay masasabing direct or direktang resulta noong vaccination rollout na nangyari po nitong nakalipas na linggo?

USEC. VERGEIRE: Definitely not! Ang bakuna po at ang vaccination ay makakaprotekta, hindi iyan magbibigay sa atin ng mga negative outcomes katulad ng pagtaas ng kaso. Kung saka-sakaling iniisip nila na dahil doon sa mga seremonya na naisagawa, kung iyan po ang pinupunto natin, we have to wait for another two weeks to see kung magkakaroon po ng pagtaas ng kaso dahil po sa mga nangyayaring events na ito.

USEC. IGNACIO: Usec., sa isang linggo po ay nakakaisang taon na po ang lumipas na ipatupad ang lockdown sa bansa. Ang dami na pong nangyari sa pagsugpo natin sa COVID-19 dito sa Pilipinas at nakita ko po talaga iyong inyong pagsisikap para po mabigyan ng impormasyon ang taumbayan tungkol dito. So, nasaan na po ba tayo sa laban na ito at ano po ang gusto ninyong sabihin sa ating mga kababayan na maaaring napapagod na o maaaring excited na rin na bumalik sa normal ang buhay, USec.

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky no, so unang-una nasaan na ba tayo sa laban na ito. Nakita po natin for this past year na-improve po natin ang kapasidad ng ating bansa in terms of health. Nakita po natin ang ating mga laboratoryo ay dumami. Nakita natin ang ating temporary treatment and monitoring facilities dumami rin po siya. Ang atin pong ospital mas prepared na po tayo. Nakita po natin na na-maintain natin iyong mga numero ng mga pagkakamatay ng mababa at hindi mataas. So nakita rin po natin that during this year na nakita natin iyong unti-unting pagbaba ng mga kaso ay na-stabilize natin.

Ngunit ngayon pong dumarating tayo sa panahon tumataas muli ang mga kaso, ang atin pong pakiusap sa ating mga kababayan ay tulungan po natin ang ating gobyerno. Nandito na nga po ang bakuna, pero hindi po natin maipagpapatuloy ng successful ito kung patuloy na tataas po ang mga kaso. So we urge everybody, let’s follow the protocols for health na kailangan po nating gawin, maging maingat po tayo, tulungan po natin ang gobyerno para naman po makita ho natin din iyong araw na dadating, na pupuntahan natin, na lahat po ay maging normal na ulit, makabalik tayo sa dati nating mga buhay.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Mabuhay po kayo, Usec.!

USEC. VERGEIRE: Salamat po, Usec. Rocky.

BENDIJO: Samantala, gasgas na ang salitang may pera sa basura pero kung pagtutuunan ng pansin, tunay naman talagang makikita na mahuhugot sa mga patapong bagay basta marunong maghiwalay ng nabubulok sa hindi nabubulok. Tampok ngayong araw ang mga residente ng General Trias sa Cavite na nagkapit-bisig po upang ang kanilang mga basura sa kanilang lugar ay hindi na dumami pa, bagkus magkaroon pa ng magandang patutunguhan. Ang kanilang “Basuranihan”, panoorin natin sa report na ito.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang aming mga balitang nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

BENDIJO: Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Asahan ang aming patuloy na paghahatid ng impormasyon na mahalagang malaman ng bawat Filipino.

Ako po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Aljo. At ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo sa Lunes dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center