Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #82
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga. Isang araw na naman po na siksik sa balita’t impormasyon na dapat ninyong malaman ang muli naming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Sabado.

BENDIJO: Kaisa po ang mga opisyal ng pamahalaan, bibigyan natin ng kasagutan ang mga katanungan ng ating mga kababayan patungkol sa ating kinakaharap na COVID-19 pandemic.

USEC. IGNACIO: Kasabay ng pagtutok sa inyong mga tahanan, makiisa at makialam sa mga ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan upang malampasan natin ang hamong dulot ng pandemya.

BENDIJO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Mula naman po sa PCOO, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina Presidential Spokesperson Secretary Attorney Harry Roque; DSWD Undersecretary Rene Glen Paje; at DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga report ang ating mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala para naman sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

USEC. IGNACIO: Para po sa ating pinakaunang balita, patuloy pa rin ang pagsusulong ni Senator Bong Go sa implementasyon ng Universal Healthcare Law, ito po’y matapos irekomenda ng Philippine Health Insurance Corporation na i-delay ang implementation ng nasabing batas. Aniya may dahilan kung bakit na-certify as urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang UHC Law noong panukala pa lamang ito.

Dagdag pa ng Senador, ngayong simula na ng tag-ulan mas tataas ang bilang ng mga infectious disease cases katulad ng Dengue, dagdag pa riyan ang iba’t ibang kondisyong medikal ng mga kababayan natin katulad ng cancer, kidney failure, hypertension na kailangan din ng tulong mula sa PhilHealth. Kaya naman hinihimok ni Senator Go ang gobyerno na ituloy ang implementasyon ng UHC Law na kailangan ng mga Pilipino lalo na ngayong may banta ng COVID-19 at iba pang mga sakit.

At upang alamin Aljo ang pinakabagong update sa mga ipinatutupad na guidelines ng IATF, sa puntong ito makakausap natin si Presidential Spokesperson Attorney Harry Roque. Magandang araw, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Usec. Rocky at Aljo. Advance Happy Father’s Day po sa lahat ng mga ama.

Balitang IATF po tayo. Nagpulong po ang mga miyembro ng IATF kahapon at ito po ang mga salient points, ipaliliwanag ko po ito nang mas detalyado sa aking briefing sa Malacañang sa Lunes:

Inatasan ng National Task Force na evaluate ang ground level response ng Cebu City po ‘no simula Lunes para magkaroon ng mas magaling na calibrated response. Paano po ito maisasagawa?

Una, ang pag-aaral sa posibilidad na maglagay ng NTF Emergency Operations Center at magtalaga ng Visayas Deputy Implementer para sa Visayas, Region VII at ng buong Visayas.

Pangalawa, ang paglalagay ng out patient service sa mga temporary treatment and monitoring facilities dahil sa mababang utilization ng TTMFs at pagtaas ng bilang ng isolated individuals sa bahay.

Pangatlo, ang pag-harmonize ng regional at national data ng DOH, DILG at ng NTF.

Pang-apat, ang pag-improve ng management ng Locally Stranded Individuals.

At panlima, ang mahigpit at pare-parehas na pagpapatupad ng minimum public health standards sa high risk areas katulad ng healthcare settings, palengke, supermarkets, government offices, workplaces at iba pa.

Inatasan din po ang NTF na umpisahan ang assessment at planning para sa second at third phases ng National Action Plan. Para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, ang NTF ay inasahan na i-harmonize ang Balik Probinsya Program at ang Locally Stranded Individuals.

Ang DOTr kasama ang DOST, DOH, MMDA at DTI, Bureau of Philippine Standards ay inatasan na magpulong at alamin ang pinakaligtas at pinakaepektibong paraan para mabawasan ang transmission sa back riding sa mga motorsiklo. So malapit na po ang back riding, pero kinakailangan ang NTF po ang mag-issue ng mga guidelines. Pinapayagan na in principle ang back riding upon the approval of the requirements na isi-set ng Technical Working Group. Antay-antay na lang po muna at baka puwede nang mapayagan ang back riding.

Ang DFA kasama ang DOH, DOLE, OWWA, DOTr, MARINA, PPA, Immigration at iba pang ahensya at mga tanggapan ay inatasan gumawa ng guidelines para payagan ang pagpasok ng foreign seafarers para sa ship new rotation.

Tungkol naman sa COVID-19 vaccine, in-adopt din ng IATF ang mga sumusunod na rekomendasyon ng ating DOST: Una, ang partisipasyon ng Pilipinas sa World Health Organization Solidarity Trial para sa bakuna sa COVID-19. Pangalawa, ang paglaan ng pondo para sa partisipasyon sa mga nasabing trial sa panukalang 2021 DOST budget. Pangatlo, ang pagbuo ng separate panel under the Sub-Technical Working Group on Vaccine Development para mabigyan ng technical support ang local pharmaceutical companies.

Kasama sa napagkasunduan sa IATF kahapon ay ang pag-amyenda ng Omnibus Guidelines on Community Quarantine in the Philippines. Una, pinayagan na po ang Technical-Vocational Education Training (TVET) ng TESDA sa GCQ at face-to-face TVET training sa hanggang 50% site capacity naman sa MGCQ subject to compliance with minimum public health standards and TESDA guidelines at may konsultasyon sa mga LGU.

Pinayagan na rin ang mass gathering sa higher educational institutions ngunit kailangan silang sumunod sa existing guidelines sa ilalim ng MGCQ.

Pangatlo, pinagtibay ang hindi pagsama o exemption ng Public Utility Vehicles sa local curfew ordinances.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon, kung may tanong po ang mga kasama natin sa Malacañang Press Corps, I welcome them to 1 or 3 questions now.

USEC. IGNACIO: Okay, good morning ulit Secretary Roque. Ang unang tanong natin mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Kung may update na daw po sa Anti-Terrorism Bill?

SEC. ROQUE: Wala pa po, nag-aantay pa rin tayo ng aksiyon ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO: Ang second question niya: Paano natin ipapaliwanag sa ating mga kababayan ang laman daw po ng nasabing bill?

SEC. ROQUE: Well tingin ko naman po, mabuti naman ang mga paliwanag na binibigay ng mga awtor ng panukalang batas na ito na si Senator Lacson at saka si Senator Sotto at ang buong gobyerno naman po, dahil ito po’y sinertify urgent ay iniisa-isa at hinihimay-himay ang benepisyo ng isang Anti-Terror Law sa panahon na talagang banta po ang modern day terrorism.

USEC. IGNACIO: Mula po kay Trish Terada ng CNN Philippines: Ano na po ang latest status ng Talisay; mananatili po ba sila sa MECQ?

SEC. ROQUE: Sa ngayon po nasa MECQ pa rin ang Talisay, bagama’t ang alam ko po, sila po ay nag-apela sa Governor ng Cebu at inaantay po natin ang aksiyon ng Local Regional IATF dito sa apela ng Talisay City.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Joseph Morong: OFWs in Kuwait gusto na daw pong umuwi ng Pilipinas pero hindi pa daw po kasi ina-allow iyong mga flights.

SEC. ROQUE: Tama po iyan, iyan po ang problema natin. Gagawin po ng gobyerno ang lahat ng magagawa natin para mapauwi na po ang lahat ng gustong umuwing mga OFWs. Pero intindihin ninyo lang po dahil naka-lockdown pa po ang karamihan ng mga bansa sa Gitnang Silangan kasama na po ang Kuwait. Meanwhile po, kung mayroon po kayong mga pangangailangan, pumunta po kayo sa POLO office o ‘di naman kaya sa embahada natin diyan sa Kuwait.

BENDIJO: Secretary Harry, good morning. From Bella Cariaso naman ng Bandera: Tama po bang i-charge ng isang hospital ang PPE sa pasyente kasama na diyan iyong face mask N-95? Iyong Pacific Global sa Quezon City, ultimo gloves naka-charge sa pasyente. Everyday may 20 face masks na Tsina-charge na gamit ng hospital personnel kahit nasa regular na kuwarto na.

SEC. ROQUE: Well wala pong guidelines sa bagay na ganiyan ang ating DOH, tinanong ko na po ito kay Usec. Vergeire ‘no at mamaya po puwede ninyong itanong sa kaniya ‘no. Pero nakikiusap nga po ang ating DOH, kung hindi naman talaga ginamit ng pasyente, dapat hindi po talaga sisingilin sa mga pasyente.

BENDIJO: Follow up pa rin mula kay Bella Cariaso, Sec. Iyong cases sa Quezon City almost 3,000 na at sa mismong barangay namin hindi lang dumoble ang kaso ng COVID sa isang araw dahil from 5 naging 16 sa span lang na isang araw. Di po ba masyadong nag-relax ang mga LGUs particularly ang mga barangay officials sa ginagawang kampanya kontra COVID? Bukod kasi sa pagsusuot ng face mask at pagbabawal sa pagbibiyahe ng mga jeepney, normal na normal ang mga lansangan na parang wala nang banta ng COVID, Secretary.

SEC.ROQUE: Well, nanawagan po tayo sa lahat, nasa kamay po natin ang kinabukasan natin sa panahon ng COVID-19. Nakikiusap po kami kung hindi talaga kinakailangang lumabas maging homeliners, magsuot ng mask, manatiling malusog, maghugas ng kamay, gumamit ng mga disinfectants at mag-observe po ng social distancing.

At nananawagan din po kami sa lokal na opisyales ang guidelines po ng IATF kung tumaas po ang kaso sa isang lugar, barangay, zona, building, kalye o subdivision puwede pong mag-lockdown at huwag na po tayong mag-atubili dahil kapag kumalat pa po iyong mga kasong iyan sa mga localized areas mas malaking problema, mag-localized lockdown na po tayo at ipatupad po natin ang localized ECQs.

BENDIJO: From Kris Jose of Remate Online: Isinusulong po ng labindalawang mga mambabatas sa Eastern Visayas ang pag-review sa Hatid Probinsya program ng pamahalaan dahil sa pagtaas po ng bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon. Sa joint statement po ng mga mambabatas, Secretary, nakasaad na karamihan sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay iyong mga nagbalik na mga residente na Locally Stranded Individuals sa Metro Manila ng ilang araw at mga Overseas Filipino workers na na-stranded din dito sa Kalakhang Maynila matapos umuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa. Welcome naman daw po sa kanila ang pagpapauwi sa Eastern Visayas ang kanilang mga residente, pero responsibilidad pa rin ng pamahalaan na hindi na kumalat pa ang COVID-19.

SEC. ROQUE: Tama po iyan at sa ngayon po ay talagang nirerepaso at binubuo natin ang polisiya para sa Locally Stranded Individuals dahil ang ating mga existing protocols ay para po sa mga returning OFWs at Overseas Filipinos ‘no. Sa ngayon po ang proseso ay kukuha sila ng medical certificate bago sila pauuwiin at pagdating po sa probinsya nila kung mayroong kakayahan na PCR testing dapat i-PCR testing, kung wala po ay diretso po sila sa 14-day quarantine.

Pero napag-usapan po ito kahapon sa IATF at napagkasunduan na kapag dumating na po iyong mga in-order nating mga PCR testing kits ay puwede naman pong i-subject din sa PCR testing ang mga pauwi na mga Locally Stranded Individuals; at bubuo nga po ng konkretong polisiya at protocol pagdating po sa mga Locally Stranded Individuals.

BENDIJO: Follow up pa rin mula kay Kris Jose. Humirit din po ang mga mambabatas sa national government na dagdagan ang pondo para po sa COVID-19 response program. Salamat po, sabi niya, Secretary.

SEC. ROQUE: Well, talaga naman pong humahanap tayo paraan para dagdagan pa ang pondo sa COVID respond program. Nakikita naman po ninyo napakalaking halaga ang ginagastos natin pagdating pa lang sa PCR testing ng mga OFWs. Mula po noong Mayo hanggang ngayon, nakauwi na po ang 54,000 OFWs. Lahat po iyan ay binigyan ng PCR test na lahat po ay binayaran ng PhilHealth at ng gobyerno.

So, kaunting pasensiya lang po, ngayon po ay nagbayad na tayo ng mga buwis, malalaman natin kung magkano ang laman ng kaban ng bayan ngayon para malaman natin kung magkano pa ang pupuwedeng gastusin para sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Secretary. may tanong po si Van Fernandez DZRJ. Welcome daw po kay PhilHealth Morales ang suggestion mo na iba na ang mag-implement ng Universal Healthcare Law. Sinabi pa niya na nais mo lang daw diumano ang kaniyang puwesto. Ito po iyong quote niya sa question ni Vanz Fernandez. “No problem, with me but he is not the President, he is the Spokesman, these are two different things.” Reaksiyon daw psyo?

SEC.ROQUE: I leave it to General Morales, kung sa tingin niya ako lang ang nagsasalita, think again. Bagama’t ako po ang nagsulong ng Universal Health Law, certified urgent po iyan ng Presidente at uulitin ko po itinalaga siya matapos na-dismiss ang buong board at ang dating presidente dahil sa alegasyon ng korapsyon. Kung talagang sa tingin po niya ay walang dapat gawin sa korapsyon, I leave it to him.

USEC. IGNACIO: From Bella Cariaso ng Bandera. Bukas po ipagdiriwang Father’s Day—Secretary, Happy Father’s Day po. At gaya po ng nangyari noong Mother’s Day kung saan daw po dinumog ang mga bake shop, disregarding the threat of COVID-19 lalo na ngayong bukas na po ang dine in ng mga restaurant. May panawagan po ba kayo sa publiko especially iyong sobra na daw po iyong paglobo ng kaso ng COVID kung saan halos nasa 30,000 na po tayo.

SEC. ROQUE: Well, uulitin ko po ang panawagan ng ating Presidente ‘no hangga’t maari po wala pang bakuna, wala pang gamot, ang tanging magagawa natin mapabagal ang pagkalat ng sakit, homeliners muna tayo, social distancing, good hygiene at manatiling malusog.

USEC. IGNACIO: Mula naman po ay Ted Cordero ng GMA News Online, may update na po ba sa request ng Air Carrier Associations of the Philippines doon po sa request nila for financial intervention from government such as credit guarantee and access to emergency lines, since all of the local carriers laid off employees?

SEC.ROQUE: Well, inuuna nga po natin muna iyong mga pinakamahihirap sa ating bayan kaya nga po inuuna natin ang distribution ng second tranche ng SAP na nagsimula na po at marami na pong nakatanggap ng second tranche. Sinusunod po natin iyong salary subsidy sa mga small and medium enterprises at saka iyong loan guarantees para sa mga small and medium enterprises.

Titingnan po natin kung paano pa natin matutulungan ang aviation industry, alam po natin napakadaming hanapbuhay, napakaraming pamilyang nakasandal sa aviation industry para sa hanapbuhay. Pero sa ngayon po ang prayoridad natin iyong pinakamahihirap at ang ating binibigay ay ayuda para sila ay mayroon namang kakainin tatlong beses isang araw.

USEC. IGNACIO: Question from Leila ng Philippine Daily Inquirer, kung may na-identify na daw pong sources of funds for Universal Healthcare Law?

SEC.ROQUE: Alam ninyo po naiintindihan ko na talagang dahil sa COVID, eh napakalaki ng gastos ng PhilHealth na hindi na hindi natin na-anticipate. Pero ang sinasabi ko lang po, kung kinakailangang tustusan iyan ng kaban ng gobyerno tutustusan po natin iyan kasi iyan po iyong anyo, that is the inherent nature of Universal Healthcare, hindi talaga sapat ang premiums ng isang medical insurance scheme.

So kung kulang po iyan hahanapan po ng paraan po iyan dahil kinakailangan naman ipatupad ang batas at ang tanging paraan para maitigil iyan ay para magpasa ng bagong batas ang Kongreso na pinatitigil ang Universal Healthcare at huwag naman sanang mangyari iyon. At kampante po ako walang kongresista, walang senador na magpa-file ng kahit anong panukalang batas para suspendihin ang Universal Healthcare. Hahanapan po natin ng paraan iyan. Gaya nga ng sinasabi ng Presidente, kung kinakailangan niyang magbenta ng ari-arian natin gagawin po niya iyan para sa taumbayan.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Pia Rañada ng Rappler. Does Malacanang or IATF see any lapses on the part of Cebu local officials in how they handled pandemic. Is this why the government is considering assigning a Visayas Deputy Implementer for Visayas Region?

SEC. ROQUE: Well, siguro po ang kuwento ng Cebu ay puwedeng maging kuwento ng kahit anong bayan dito sa Pilipinas. Kinakailangan talaga ma-realize na tunay ang banta ng COVID-19. Ma-realize na kinakailangan na gawin ng lahat ng hakbang para mapabagal ang pagkalat ng sakit at kinakailangan ng kooperasyon ng lahat. Tingin ko po, istorya naman po ng lahat ng siyudad iyong puwedeng mangyari sa kanila. So, ang hinihingi na lang po natin talaga ay iyong kooperasyon at pagkakapit-bisig ng lahat hindi lang po sa Cebu kung hindi sa buong Pilipinas.

BENDIJO: Secretary, as we move to the second phase of the reopening of mass transportation on Monday. What you think the riding public can expect and how will the government deal with the people who will take advantage of this just by the thought of going out?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo siguro matatapos na iyong hinagpis natin sa kakulangan ng public transportation beginning June 22 po. Kasi no less than 3,600 buses na po ang lalabas at mayroon pang mga 1,500 na iba pang mga sasakyan. Pero kinakailangan po talaga mag-social distancing dahil wala na pong alternatibo. Kinakailangan siguraduhin natin na 50% capacity lang ang mga bus kasi bagama’t kailangan natin ng transportasyon para makapagtrabaho, baka naman iyong kawalan ng social distancing ang maging dahilan para magkasakit at mamatay. So, ingat po palaging isipin na habang walang bakuna, habang walang gamot, banta po ang COVID-19.

BENDIJO: Secretary, siyam na araw mula ngayon ay magtatapos na ang pinalawig pang General Community Quarantine dito po sa Kalakhang Maynila. Ano ba iyong susunod na plano/hakbang ng pamahalaan tungkol po rito?

SEC. ROQUE: Well, sa darating na linggo magkakaroon na po ng preliminary review of data kasi mayroon na pong isang linggong nakalipas by then at malalaman po natin kung mananatili ang GCQ; kung magpi-further relax to MGCQ o kung babalik sa Modified ECQ.

Lahat po iyan ay nakabase sa datos, nakabase sa siyensya; tayo pong taumbayan ang magdedesisyon kung anong mangyayari sa ating mga lugar.

BENDIJO: At kaugnay pa rin po niyan, Secretary, marami tayong mga kababayan na mga OFWs ang tumututol sa pagpapataw ng 3% premium sa buwanang sahod ng ating mga manggagawa sa abroad. Ano po ang reaksiyon ng pamunuan tungkol po diyan?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po, sinuspinde na ni Secretary Duque iyong implementasyon ng implementing rules ng Universal Healthcare na nagpapataw ng mas mataas na premiums kaya wala na po munang basehan iyang 3% na iyan.

Asahan po natin na pinag-aaralan po iyan at titingnan natin kung anong magiging desisyon pero iyong Implementing Rules and Regulation, iyong portion po na nagpapataw ng mas mataas na premiums iyan po ay sinuspinde na ni Secretary Duque.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kuhanin na lang po namin ang inyong mensahe sa ating mga kababayang ngayong araw na ito.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, uulitin ko, Happy Father’s Day sa lahat ng mga “Yes, ma’am!” sa kanilang mga misis at sa kanilang mga anak. At siguro po ang pinakamabuting regalo sa lahat ng ama ay manatiling manatili ang lahat ng pamilyang Pilipino.

Maraming salamat po! Good morning to all of you! Sa ngalan po ng inyong Presidente, Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque saying stay safe.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Sa pagsisimula naman po ng pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program, makakausap naman natin si Undersecretary Rene Glen Paje ng Department of Social Welfare and Development.

Magandang araw po, USec!

USEC. PAJE: Magandang umaga po at magandang umaga rin sa mga tagasubaybay!

USEC. IGNACIO: Opo. USec., unahin ko na po iyong tanong ni Arra Perez ng ABS-CBN para po sa DSWD: Ano na daw po iyong update ninyo sa nadiskubreng 22,000 duplicates SAP beneficiaries; paano po ito inaksyunan ng DSWD at assurance sa publikong hindi na po ito mauulit?

USEC. PAJE: Ito po iyong sinasabi natin na paulit-ulit na pinaiigi po ng DSWD ang pag-validate o iyong pagproseso sa deduplication at ito nga po ang napag-alaman natin:

Sa ngayon po, ang mga tala ng mga nalaman nating na-duplicate ay pinagbigay-alam sa mga kinauukulan lalo na sa mga LGUs upang sila ay makagawa ng aksyon at either mabawi o maitala ang mga pangalan na ito.

Kung ito naman po kasi ay mga regular beneficiaries natin katulad ng 4Ps ay mababawi po natin sapagkat hindi naman na natin isusunod iyong kanilang kabayaran sa mga buwan na darating kung kaya’t kung anong halaga ang naidoble sa kanila ay mababawi po natin.

Iyon naman pong hindi kasapi sa 4Ps, ang LGU naman po ang tututok sa kanila sapagkat iyon po naman ay nasasakupan nila.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., mula pa rin kay Arra Perez: Ano na daw po ang update sa distribusyon ng second tranche ng SAP; ilan na po ang nabigyan at saan daw po iyong mga areas na ito?

USEC. PAJE: Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin iyong pamamahagi natin sa mga areas na nabanggit lalo na—o naumpisahan po natin iyan noong isang araw iyong sa Benguet, sa Baguio ganoon din po ang nakatutok natin sa CARAGA, Region V, sa Davao Region.

At dire-diretso naman po, tuloy-tuloy naman po ang ating pamamahagi base doon sa ating Joint Memorandum Circular 2 at ito po ang mga area na tina-target natin: Iyong NCR, Region III except Aurora, Region IV-A, Benguet, Pangasinan, Iloilo, Bacolod, Davao City, Albay Province at Zamboanga City.

So, ngayon po ay naibigay na natin doon sa mga na-validate na waitlisted ang kanilang mga benefits.

USEC. IGNACIO: Opo. Nagpadala ng katanungan ang ating kasamahan po mula sa media na si Kris Jose ng Remate/Remate Online: May polisiya po ba daw ang DSWD na ipakuha po sa barangay official ang SAP form mula po sa beneficiaries nito, iyong SAP na nakakuha na ng first tranche? Hindi ba po iyong form na iyon na ginamit na basehan para malaman kung beneficiary siya o hindi po ang isang tao para naman po sa pagkuha ng second tranche ng ayuda manually?

USEC. PAJE: Hindi ko po gaanong naunawaan kung papaano iyong daloy noong tanong niya. Ang tinatanong po ba ay ibibigay ng beneficiary iyong kaniyang SAP form?

USEC. IGNACIO: Hindi po, ang tanong po niya: Iyon pong nabigyan na ng ayuda sa first tranche, iyon pong mayroon ng application form ng SAP ay basehan na daw po iyon para iyon mabigyan din sila sa second tranche?

USEC. PAJE: Tama po. Kapag nakapagrehistro na sila at nabigyan na sila samakatuwid sigurado po tayo na sila ay eligible beneficiaries at kung sila habang sa panahon nitong second tranche ay nasa mga lugar na nabanggit ko, ibig sabihin ay nakadeklarang ECQ pa ang kanilang lugar, sila po ay dapat mabigyan ng ayuda sa second tranche.

BENDIJO: Opo. USec., this is Aljo Bendijo. Last week, nagsimula na nga iyong distribution ng pangalawang bugso ng Social Amelioration Program, itong SAP. Mayroon pong 11 mga lugar na kasali po sa pangalawang bugso. Ano ba ang naging basehan ng DSWD sa pagpili po ng mga lugar na pamamahagian po ng ayuda, USec.?

USEC. PAJE: Ito pong 11 lugar na nabanggit ko kanina na naideklarang ECQ ay ayon sa memorandum mula sa office ni Executive Secretary dated May 2 at ganoon din po, mayroon ding Executive Order No. 112 Series of 2020 na nagsasabi na ang mga lugar na ito na idinideklara na patuloy silang sumasailalim sa Enhanced Community Quarantine. Iyon po ang naging basehan ng mga ahensya na nakapaloob sa Joint Memorandum Circular.

BENDIJO: Opo. Follow-up po sa estimate ng DSWD, USec., ilang indibidwal ba ang inaasahang makakatanggap ng ayuda mula sa pangalawang bugso o second tranche ng SAP?

USEC. PAJE: Humigit-kumulang nasa 13 million plus iyong unang ating nasa talaan ngunit hindi pa po dito kasama iyong mga ibang waitlisted na makakatanggap pa muli ng ayuda para sa second tranche.

BENDIJO: Opo. Papaano po natin mas paiigtingin pa iyong pagsusuri ng DSWD sa listahan upang maiwasan ang pagkadoble-doble ng mga nakatatanggap po ng ayuda?

USEC. PAJE: Sa tulong po ng ating mga local government units at sa tulong din po ng mga computer applications natin ay nade-deduplicate po. Ang deduplicate po ay gagawin sa buong region at ipaghahambing-hambing ang mga beneficiaries natin kung may nadoble, kung may dobleng pangalan, birthday at address.

At ganoon din po, pagkatapos nito kung kakayanin ay sa national deduplication pa po sapagkat maaaring may mga ibang rehiyon na nakakuha sa NCR at sa iba pang rehiyon din. Kung kaya’t kailangan po na… ang tawag po namin ay pinagbabangga-bangga ang listahan, lalabas dito kung sino ang mga nadoble.

Or mayroon din po na iyong listahan mula sa DSWD na tumanggap ng SAP, maaaring tumanggap din ito ng ibang benepisyo mula sa Department of Agriculture, sa DOLE at sa iba pang ahensiyang nagpapatupad din ng [garbled]. Kung kaya’t… ito rin po, ibinabangga rin po natin ang mga listahan na ito sa isa’-isa at nalalaman natin, lumalabas kung mayroong nadoble.

BENDIJO: Papaano po makakapagrehistro ang isang pamilya, USec., sa ReliefAgad app kung wala silang cellphone o anumang uri ng gadget na maaaring magamit nila sa pagpaparehistro? May mga alternatibo po bang nakahanda para diyan ang inyong kagawaran DSWD?

USEC. PAJE: Tama po. Tulad nang nabanggit na dati, maaari namang gamitin nila ang cellphone ng kanilang anak, kamag-anak o iyong medyo close sa kanila at mabibigyan nila ng tiwala. Basta ito pong number na ito ang mairirehistro at dito rin po magpapadala [garbled] at kung valid iyong kanilang mga registration.

Ganoon din po ang manual payout po o iyong ginagawa nating house-to-house ay itutuloy pa rin po lalo na po sa mga senior citizens natin, sa ating mga PWD para mas convenient ito sa kanila – hindi na sila pipila, hindi na lalabas at maiiwasan pa na madagdagan ang exposure sa COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman daw po iyong assistance na binibigay ng DSWD sa mga kababayan nating stranded doon sa iba’t ibang lugar sa bansa?

USEC. PAJE: Ang mga LSI po o iyong locally stranded individuals na tinatawag natin ay ina-address po ang problema na iyan ng isang inter-agency task force [garbled] task group po na nakatutok diyan, at kabilang po dito ang DSWD.

Ang DSWD po ay [garbled] ng needs assessment profiling at lalung-lalo na ang psychosocial interventions para dito sa ating mga stranded individuals. Ganoon din po, mayroon din pong mga ibang programa ang DSWD na maaaring mai-avail ng ating mga LSI lalo na po iyong ating assistance to individuals in crisis situation. Iyon po ay ang mga programa na direktang nakatutok o puwedeng mapakinabangan ng ating mga locally stranded individuals.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa kabila ng patuloy nga na pagseserbisyo ng maraming empleyado ng DSWD, paano ninyo po sinisiguro naman iyong kaligtasan? May naitala bang nagpositibo sa COVID-19? At kung mayroon man po, ano po iyong tulong na ipinaabot ninyo sa kanila?

USEC. PAJE: Opo. Mabanggit ko lang po, dugtungan ko lamang po iyong sa SLI natin, nagbibigay din po pala tayo ng sleeping kit, sanitation kit para sa mga LSI natin. At katunayan po ay mahigit 1,202 SLIs na iyong mga natulungan natin sa pagbibigay ng mga kinakailangang bagay na ito.

Ukol naman po doon sa ating proteksyon sa ating mga kawani sa DSWD, lalo na iyong ating mga frontliners, kinalulungkot po namin na labing-isa na sa kawani ng DSWD ang natukoy na positibo sa COVID-19. Ngunit patuloy pa rin po ang ating mga empleyado, ang ating mga frontliners sa pagganap sa kanilang tungkulin. Bilang alalay po sa kanila ay ini-refer na natin iyong mga infected ng COVID sa mga hospitals at sa mga medical services sa kani-kanilang mga sariling lugar.

Ganoon din po, nag-isyu rin po tayo ng mga PPEs doon sa mga frontliners na talagang exposed. At lahat po ng measures na ginagawa rin ng mga ibang gobyerno, ng ibang sangay ng gobyerno ay ating pinatutupad sa DSWD. Patuloy lamang po ang pag-iingat at sinusuportahan naman po natin sila sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga PPEs at iba pang mga gamit na makakatulong upang maiwasan ang COVID.

BENDIJO: Opo. Usec. Rene, taun-taon ay hindi na po bago sa atin ang hagupitin ng mga malalakas na bagyo kung saan ay marami nga sa ating mga kababayan ang naaapektuhan nito. Papaano po pinaghahandaan ng DSWD ang panahong ito? May pondo ba tayo para dito?

USEC. PAJE: Ang DSWD po ay talagang katuwang sa mga disaster. Matapos ang initial intervention ng mga LGUs, immediately kasunod po ang mga intervention o ang tulong ng DSWD. Ito po ay mayroong nakalaan na one billion para sa quick reaction fund natin o iyong nakalaan na pondo para sa disaster relief. At iyong mga field offices naman natin ay nakahanda diyan. At taun-taon ay mayroon din silang, kumbaga, practice para tumulong sa mga kung anumang sakuna o disaster ang magaganap.

BENDIJO: Opo. Follow up po, Usec. Papaano po iyong adjustments sa pondo ang ginagawa ng DSWD, kung saka-sakaling may mga adjustments para matugunan po ang iba pang mga pangangailangan ng ating mga kababayan tuwing may sakuna dito po sa ating bansa.

USEC. PAJE: Iyan din po ay may nakalaan din pong pondo ang DSWD diyan. Ngunit kung medyo malaki po ang mga kinakailangan, tayo po ay nagri-request pa rin ng budget sa DBM. At karaniwan naman po, dahil alam naman po nila ang kalagayan, ay naibibigay naman po at mabilis naman po itong nakakarating sa mga kinauukulan.

USEC. IGNACIO: Usec. Paje, sa ilalim po ng community quarantine, marami po ang nasa kani-kanilang tahanan lamang at prone po sa domestic violence at child abuse. Paano po inaaksyunan ito ng DSWD?

USEC. PAJE: Ang DSWD po ay naggagawad ng mga technical assistance sa ating mga frontlines, ganoon din po sa ating mga LGUs, upang matugunan ang mga pangangailangan o iyong mga hinaing ng mga abused … o mga abuses, iyong mga ating kababaihan, iyong ating mga mamamayan na nakaranas ng pang-aabuso.

At mayroon din po tayong mga tao, mga kawani na nag-i-specialize diyan sa psychosocial interventions para sa mga abused women. Nakatutok din po diyan ang ating mga field offices at mayroon pong kaniya-kaniyang mga hotlines iyan upang madaling maipagbigay-alam. At ganoon din po, mayroon din po sa ating mga local government units na mga katuwang ng DSWD sa pagpapahatid ng tulong sa mga abused women natin.

USEC. IGNACIO: Opo, follow up lang po. So far, may tala ba tayo, Usec., kung gaano po karami ang reports na natatanggap ng DSWD kaugnay pa rin ng mga ganitong nabanggit na uri ng karahasan?

USEC. PAJE: Sa ngayon po ay hindi ko po nadala iyong numero, ngunit ang huling basa ko po ay medyo tumaas po ang bilang ng mga nabiktima ng karahasan sa panahon ng COVID, sa panahon ng pandemic at community quarantine na nagaganap.

USEC. IGNACIO: Usec., mensahe na lang po sa ating mga kababayan lalo na po ngayon na ang dami pa rin pong nag-aabang sa ayudang ipinangako ng ating pamahalaan?

USEC. PAJE: Ang una po nating mensahe ay patuloy po ang ating pag-iingat, hinihikayat po natin ang ating mga kababayan na sumunod lang po sa mga naitakdang mga panuntunan upang makaiwas sa sakit ng COVID.

At ang DSWD naman po, sa kanilang panig, ay sinisikap na mapabilis ang pagpapahatid ng ayuda. At tina-target po natin na maipahatid ang ayuda na iyan bago matapos ang buwan na ito, para maging specific ay June 25 po iyong ating ibinigay o itinakdang deadline para sa ating sarili. Kung kaya’t humihingi rin po kami nang kaunti pang pag-unawa at makakarating din po iyan. Puspusan po nang pagtatrabaho ng lahat ng kawani ng DSWD upang maipahatid po ang ayuda.

Iyon lamang po at patnubayan po sana tayo ng Panginoon.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, DSWD Undersecretary Rene Glen Paje. Mabuhay po kayo and stay safe.

Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layung mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito: [VTR]

USEC IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang update, ang COVID-19 update kasama po si Department of Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire. Magandang araw po, Usec.

USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po.

USEC IGNACIO: Usec., unahin ko na po iyong tanong ng ating kasamang si Kris Jose ng Remate/Remate Online. Naniniwala daw po si Ombudsman Samuel Martires na mayroong allegedly itinatago ang DOH dahil tila iniiwasan daw po ang mga imbestigador ng hilingin ang mga dokumento at datos kaugnay ng COVID-19 response ng pamahalaan. Ang tinutukoy po daw diumano ni Ombudsman Martires ay ang kanilang dalawang linggong discreet probe sa health department bago ipatupad ang lockdown noong March 15. Ano po ang masasabi ninyo sa pahayag ni Ombudsman Martires na allegedly ay wala daw pong gustong sumagot sa tanong ng mga imbestigador hanggang naabutan na po sila ng lockdown?

USEC. VERGEIRE: Yes po. Tayo naman po ay bukas po dito sa mga ganitong klaseng mga imbestigasyon, ang mga proseso po ng gobyerno ang sabi nga namin, kami po ay makikipagtulungan, we will be cooperating with this investigation, ang Department of Health po ay naging transparent simula’t sapul po dito sa pagpapatupad ng response natin for the pandemic. Kung mayroon man ho tayong mga kailangan na kailangang ibigay as information kami po ay makikipagtulungan.

USEC IGNACIO: From Ely Dejaresco po, kumusta na daw po iyong status ng accreditation ng Silliman Medical Center and Negros Oriental Provincial Hospital as COVID testing center. Are RT-PCR test machines still available?

USEC. VERGEIRE: Hindi ko po makuha iyong tanong ‘no. Kung kumusta kung ano po ang estado ng kanilang pagpapalisensiya at kung ano po iyong tungkol sa RT-PCR machine?

USEC IGNACIO: Ito po iyong tinanong niya, kung kumusta daw po iyong status lang, iyong accreditation noong Silliman Medical—

USEC. VERGEIRE: Yes po. Iyong sa Silliman University Medical Center po, ito po ay isang GenXpert na facility dito sa Dumaguete na ito po ay naka-schedule na po ng onsite inspection and assessment po.

USEC IGNACIO: Tanong naman po ni Triciah Terada ng CNN, nakarating o natanggap na daw po ba ng Department of Health ang subpoena mula sa Ombudsman?

USEC. VERGEIRE: Binigyan po kami ng pamantayan at instructions also na hindi po kami puwedeng mag-disclose ng any information ukol po dito sa bagay na ito.

USEC IGNACIO: Question from Ted Cordero po ng GMA News online. What else to do to prevent COVID-19 infection in public toilets, other areas in malls and businesses?

USEC. VERGEIRE: Ganoon pa rin naman po, hindi mababago ang ating mga pamantayan o iyong mga dapat nating gawin kapag tayo ay nasa labas. Iyon pa rin po iyong maintain physical distancing; iyong pong palagiang paghuhugas ng kamay; wear your mask, hindi lang po nasa baba, takpan po ang ilong at bibig; and of course kailangan po iyong ating katawan ay malusog, malakas para po hind po tayo easily dinadapuan ng sakit.

BENDIJO: Usec, sa kasalukuyang datos na nakalap po ng health department sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19. Ano bang ginagawa ng inyong ahensiya para maibsan ang takot at pangamba ng taumbayan sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan nitong mga nagdaang araw?

USEC. VERGEIRE: Yes sir, magandang umaga sa iyo. Ang atin lang po, lagi lang po tayong magpapaalala. Unang-una po nating ginagawa is to educate the public, kailangan po ma-imporma natin ang ating mga kababayan ukol sa mga nangyayari. So, unang-una na po iyong mga measures na sinasabi natin na kung wala naman pong importanteng gagawin sa labas ng bahay manatili sa loob ng bahay.

Pangalawa po, gawin po iyong mga sinasabi nating personal preventive measures – physical distancing, wearing of mask, washing of hands, cough etiquettes.

Pangatlo po, atin pong pinapaliwanag sa ating mga kababayan na ito pong mga datos na mayroon tayo sa ngayon ay atin pong pinag-aaralan regularly at pinapakita naman noong ating mga datos na bumababa na iyong mga taong naapektuhan katulad ng mga namamatay at ito pong case doubling time natin humahaba na rin po, ibig sabihin iyong speed po ng bilis ng pagkalat ng virus ay medyo nako-control naman po. Because of these indications sa case doubling time at saka iyong critical care utilization natin, ibig sabihin iyong critical resources natin ay sapat pa sa ngayon sa nakikita natin. Pero it doesn’t mean na magiging complacent tayo, kailangang patuloy nating ipapatupad iyong sinasabi nating mga measures.

BENDIJO: Opo, Usec, hindi maiwasan talaga na may ilan tayong mga kababayan nalilito at nagsasabing hindi raw malinaw iyong ilan sa mga inilalabas na datos ng Department of Health, may iregularidad daw na mga data. Ano po ang masasabi ninyo tungkol diyan?

USEC. VERGEIRE: Hindi nating masasabing irregular iyan ano. Hindi nating masasabi na ito ay may halong isyu. Kami po ay nagiging transparent na medyo mayroon po tayong pagka-delay sa iba nating mga datos dulot na rin ng ating pagba-validate. Kailangan pong maintindihan ng ating mga kababayan na ang ating mga datos ay nagmumula pa sa ating lower most level of facility, sa mga barangay, aakyat sa munisipyo, aakyat sa ating mga region, aakyat po sa ating mga national government.

So, kapag po ganito napaka-importante po ng role ng local governments para tulungan tayo para itong mga reports na ito ay ma-kumpleto natin, kaya nga tayo gumamit na po ng automated system, iyong COVID KAYA. Ang kailangan na lang po ay ang ating mga reporting units from the local governments and hospitals and laboratories, gamitin natin ito para mapabilis po ang datos at magkaroon tayo ng… ma-approximate natin iyong real time information na kailangan pong maibigay po sa publiko.

BENDIJO: Usec, may mga report din tayong natanggap tungkol sa klase ng mga blood type na sinasabing may kaugnayan sa kung ano at sino raw ang vulnerable na makakapitan ng COVID-19. Ano po ang katotohanan tungkol dito?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Katulad po noong iba pa pong lumalabas na experiences around the globe, atin po itong pinag-aaralang maigi. Pero hanggang wala pa pong sapat na ebidensiya para magbigay ng indikasyon na talagang ito ay magagamit para sa ating management for COVID-19, magawa natin ang strategies natin ay hindi para rin po natin ito mai-consider. Inaantay pa rin po natin ang additional evidence ukol dito para po natin masabi kung talagang ito ay katanggap-tanggap bilang ebidensiya bilang strategy for our strategies.

USEC IGNACIO: Usec, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng bayan, isa po dito sa John Cruz ng Badar. Ilang araw daw po ba talaga ang result ng swab test, kasi po 16 days na daw po dito sa isang hotel sa Maynila.

USEC. VERGEIRE: Atin pong titingnan iyan, Usec. Kasi alam ninyo ang standard talagang processing time ng test ay dapat within 48 hours ay mailabas; ngunit siyempre, iyon nga ang sinasabi natin may mga kaniya-kaniyang operational issues ang bawat laboratory. Our average turnaround time for this week is about 4 to 5 days. Pero iyan po is extreme, iyong 16 days na iyan, maaring mayroon lang po tayong nagkaroon ng problema ukol sa resulta ng ating kababayan. Paki-forward po sa amin iyong pangalan so that matulungan po nating makuha na iyong resulta niya.

USEC IGNACIO: Usec, nagbigay po ng babala ang FDA sa publiko kaugnay po sa paggamit ng dexamethasone. Maari po ba ninyong linawin sa lahat ng mga nanunuod ngayon para… saan lamang po ba ginagamit itong gamot na ito at nakakatulong nga ba daw ito sa paggaling ng COVID-19 patient?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec ‘no. Lumabas iyong articles na ito, itong galing sa international na mga publications na ito raw dexamethasone na ito ay isang uri ng gamot, steroids po siya na sinabi doon sa article na nakatulong doon sa mga severe and critical cases na nangangailangan ng oxygen o di kaya ay naka-mechanical ventilator.

So nagpalabas po una ang Department of Health ng advisory and then FDA na supplement naman kami na pinalabas ito. Dahil unang-una ito ay hindi dapat gamitin over the counter lang at walang advise ang mga doctor. Kasi baka isipin po ng ating mga kababayan na magic pill ito, na kapag ininom natin ito ay hindi na tayo magkakaroon ng COVID-19 o di kaya mapi-prevent nito na mahawa tayo. Hindi po totoo iyon. Ang dexamethasone po ay hindi gamot for COVID-19. Ito po ay ginagamit para suportahan ang paggagamot sa COVID-19.

Pangalawa, ito po ay ginagamit sa loob lang ng ospital. Katulad po nang sinabi doon sa mga articles na ginamit siya sa severe and critical patients na nangangailangan ng oxygen. So hindi ito puwedeng gamitin sa bahay na basta bibili lang tayo sa botika at iinom na nito.

Pangatlo, katulad nang sabi ng FDA, kailangan ng prescription ng doktor kapag bumili nito at kailangan ay mayroon pong guidance ng doktor kapag ginamit ito.

So, ito po iyong mga paalala natin sa ating mga kababayan: this is not a magic pill for COVID-19. Ito po ay ginagamit pangsuporta sa panggagamot ng COVID-19.

Pang-apat po pala, ito pong article na ito, hindi pa ho siya nape-peer review. So ibig sabihin, hindi pa ho siya nakukumpleto para masabi natin na it is worth already for publication at kumpleto na ang ebidensiya. Kailangan pa ho natin antayin na matapos itong pagpi-peer review para masabi talaga na katanggap-tanggap na ebidensiya po ito at maaari po nating gawan ng guidelines.

USEC. IGNACIO: Okay. Ma’am, kunin na lang po natin ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan.

USEC. VERGEIRE: Opo. Ngayon pong tayo ay nagkakaroon na ng mga shifts into this community quarantine na isinasagawa sa buong bansa, ang tanging paalala po ng Kagawaran ng Kalusugan ay ituloy lang ho natin ang mga ginagawa natin na preventive measures. Tayo po ay nakarating na sa ganitong estado kung saan maganda na po ang indikasyon ng ating mga numero para masabing nandoon naman ho tayo at nakakaagapay tayo sa pandemyang ito. And hopefully lang ho, magtuluy-tuloy tayo. Ang responsibilidad po ngayon ay nasa atin, nasa ating pamilya para ma-further natin ma-stop ang transmission ng sakit na ito.

So sana po ay tulungan ninyo po kami sa gobyerno para tuluy-tuloy na ho tayong makaagapay dito sa pandemya at sa sakit na ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Department of Health Undersecretary Rosario Vergeire.

BENDIJO: At sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling mga balita mula sa iba’t ibang lalawigan sa buong kapuluan. Makakasama natin si Dennis Principe mula sa Philippine Broadcasting Service. Dennis?

[NEWS REPORTING BY DENNIS PRINCIPE]

BENDIJO: Maraming salamat, Dennis Principe.

USEC. IGNACIO: Mula po sa PTV Davao, may ulat naman ang aming kasamang si Clodet Loreto.

[NEWS REPORTING BY CLODET LORETO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Clodet Loreto.

BENDIJO: Samantala, sa kabila po ng revenue loss ng PAGCOR dahil sa pansamantalang pagsasara ng casino at iba pang mga gaming operation sa bansa, nagbigay ito ng tinatayang aabot sa mahigit siyam na milyong pisong halaga sa Philippine Sports Commission. Kaya naman kung susumahin, aabot na sa 418.55 milyon ang kabuuang halaga nang naibahagi ng PAGCOR sa nasabing ahensiya mula sa buwan ng Enero hanggang Abril.

Ayon, kay PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo, sa kabila ng epekto ng COVID-19, sisikapin nitong mabigay ang pangangailangan at pangangalagaan ang kapakanan ng ating mga atleta.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa tala ng Department of Health as of June 19, 2020, umabot na sa 28,459 ang total number of confirmed cases. Kahapon ay umakyat ito sa labing-apat na dagdag na bilang sa mga nasawi kaya umabot na ang kabuuang bilang nito sa 1,130 habang patuloy naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na po sa 7,378.

Nitong mga nakalipas na araw ay napansin din ang sunud-sunod na pagtaas na po ng bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19, makikita sa inyong mga TV screens ngayon.

Samantala, kung kahapon ay naitala ang 661 na dagdag na kaso ng confirmed cases, matatandaan noong May 31, 2020, naitala ang huling pinakamataas na kaso sa loob ng isang araw na umabot sa 862 cases. Kaya naman po hindi kami magsasawa ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng facemasks at palagiang paghuhugas ng kamay.

Tandaan: Sa pagsunod po at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan, makakatulong kayo upang tuluyan nating mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19. Bahay muna, buhay muna.

Samantala, sa kabila po ng patuloy na tugon ng pamahalaan sa gitna ng pandemya, ang kooperasyon at pakikiisa ng lahat ay mahalaga upang malampasan natin nang sama-sama ang hamon ng COVID-19.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Aljo, bago tayo magpaalam, nais nating pasalamatan si Asec. Queenie Rodulfo sa ating pagtulong kapag nagsasagawa ng press briefing si Presidential Spokesperson Harry Roque. At siyempre, Happy Father’s Day po sa lahat ng mga tatay. Nais ko rin pong batiin ng Father’s Day si Nelson and Nikko Abenojar ng Liliw, Laguna. Happy Father’s Day, Aljo.

BENDIJO: Thank you po, Usec. Sa lahat ng mga tatay, Happy Father’s Day.

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

USEC. IGNACIO: Happy Father’s Day din po kay PCOO Secretary Martin Andanar. Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.

Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

BENDIJO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar – Happy Father’s Day, Sec! – ako naman po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: At mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)