USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Ngayon po ay Miyerkules, September 2. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO. Good morning, Aljo.
ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Rocky. Maayong buntag sa tanan – Luzon, Visayas at Mindanao. Ako naman po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: At ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Silipin na natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa. Kahapon ng alas kwatro po ay nakapagtala ang Department of Health ng 3,483 new COVID-19 cases sa bansa, sa kabuuan ay umakyat na sa 224,264 ang bilang ng mga nagpositibo mula sa sakit at 62,655 sa mga iyan ay nananatiling aktibo o active cases. Nasa 464 naman ang dagdag na naitalang gumaling mula sa COVID-19 na sa kabuuan ay nasa 158,012 recoveries na. Umabot naman sa 3,597 ang mga nasawi matapos itong madagdagan ng talumpu’t siyam kahapon.
ALJO BENDIJO: Bagaman tila naging taas-baba ang pattern po ng reported cases kada araw, mapapansin na bahagya lang ang inangat ng kaso kahapon, 37 cases lamang ang diperensiya nito sa sinundang araw – malayo sa mga nagdaang araw na hindi bumababa sa animnaraan ang agwat.
Ang National Capital Region o NCR pa rin ang major contributor ng COVID cases na kahapon ay nakapagtala ng 1,824 new cases; pangalawa pa rin sa puwesto ang Laguna with 223 cases. Hindi naman nalalayo ang Cavite na nakapag-ulat ng 184 na bagong kaso. Nasa talaan din ang Rizal na may 161 cases; panlima ang Batangas na may 126 na bagong kaso.
Samantala, mula sa 27% na ating naiulat kahapon, umangat sa 27.9% ng total cases ang nananatiling aktibong na may kabuuang bilang na 62,655.
USEC. IGNACIO: Karamihan sa mga aktibong kaso o 91.3% ang mild cases lamang, nasa 6.3% naman ang asymptomatic. Samantalang nananatili sa one percent ang severe cases at bumababa naman sa 1.4% ang nasa kritikal na kundisyon.
Samantala, tulad ng ating araw-araw na paalala, maging BIDA solusyon sa laban kontra COVID-19. Ugaliin po ang pagsusuot ng face mask dahil sa pamamagitan po nito, napipigilan ang pagkalat ng droplets mula sa inyong bibig at ilong. Nababawasan din nito ng 67% ang chance po na makahawa at mahawa ng sakit. At bukod sa ating kaligtasan, ang pagsusuot ng mask ay pagpapakita rin ng respeto at courtesy sa mga taong ating nakakasalamuha. Simpleng paraan lang po iyan pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.
ALJO BENDIJO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns, reaction tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay o2-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial lamang ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, bisitahin ninyo po ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Samantala, Aljo, makakapanayam din natin ang tagapagsalita ng Department of Interior and Local Government, Usec. Jonathan Malaya; at Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega.
Maya-maya lang po ay kasama rin nating magbabalita sina John Mogol mula po sa PBS-Radyo Pilipinas at si Regine Lanuza mula sa PTV-Davao.
ALJO BENDIJO: Para naman sa ating mga balita: Kahapon ay pinirmahan na ng mga senador ang inilabas na committee report ng Senate Committee of the Whole tungkol sa investigation ng diumano ay korapsyon sa PhilHealth kung saan kakasuhan ang ilang mga opisyal ng PhilHealth.
Sumasang-ayon naman si Senate Committee Chairman on Health and Demography, Senator Christopher “Bong” Go, sa mga recommendation na nakasaad sa committee report pero nasa Pangulo pa rin aniya ang desisyon kung may dapat baguhin sa miyembro ng kaniyang Gabinete. Sa kabilang banda naman ay nagpapasalamat siya sa buong komite sa isinagawang investigation.
Dagdag pa ni Senador Go na dalawang taon na lang ang nalalabi sa termino ng Pangulong Duterte kaya mahalaga na patuloy na tayong magtulungan para tuluyang masugpo ang korapsiyon sa bansa.
USEC. IGNACIO: Kaugnay niyan ay ipinagtanggol din ni Senator Bong Go ang pagkaluklok kay dating NBI Director Dante Gierran bilang bagong Chief Executive Officer ng PhilHealth. Highly qualified aniya si Attorney Gierran sa puwesto dahil sa kaniyang legal at accounting background, idagdag pa ang clean record nito na angkop sa zero tolerance policy ng pamahalaan sa korapsyon. Malalim din ang karanasan nito sa pagsugpo sa anomalya.
Dagdag pa niya na malaki ang tungkuling gagampanan ni Attorney Gierran para puksain ang aniya’y deep-rooted at systematic corruption sa ahensiya, habang sinisiguro rin ang tapat at sapat na serbisyo para sa mga Pilipino pagdating sa kanilang kalusugan sa gitna ng pandemya.
ALJO BENDIJO: Hindi rin ito umano ang panahon ng pamumulitika, kung hindi panahon po ng pagkakaisa para isantabi ang pagkakaiba. Iyan din ang dagdag na panawagan ni Senator Bong Go sa patuloy na pagharap ng ating bansa dito po sa pandemic dulot ng COVID-19, idagdag pa ang isyu ng korapsyon sa ilang ahensiya ng pamahalaan. Dapat umanong magkaisa ang lahat anuman ang political color at paniniwala.
Sa isang panayam, binanggit ni Senador Christopher “Bong” Go na bilang isang baguhang mambabatas ay malaki ang respeto at mataas ang pagtingin niya sa mga kapwa senador na nasa oposisyon. Magpapatuloy din umano ang Pangulo sa laban nito kontra korapsyon, iligal na droga at kriminalidad para sa mapayapang pamumuhay ng bawat Pilipino sa bansa.
USEC. IGNACIO: Aljo, nasa kabilang linya na natin, ng ating komunikasyon si DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya. Magandang umaga po sa iyo, Usec., welcome back po.
USEC. MALAYA: Yes. Magandang umaga din sa’yo, Usec. Rocky. At magandang umaga, Aljo. At congratulations sa Channel 4, nakabalik na rin iyong ating paboritong programa.
USEC. IGNACIO: Salamat. Salamat, Usec. Usec., unahin na natin iyong tanong ng media para sa iyo. Mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror. May update na raw po ba kayo tungkol sa aksyon ng mga concerned LGUs sa 428 pending permits para po sa construction ng communication towers?
USEC. MALAYA: Yes, naisumite na po sa amin iyong lahat ng listahang iyan para po sa mga permits na iyan. And ginagamit na po natin iyong joint memorandum circular na inisyu ng DILG, ARTA, ng Department of Transportation, DICT at iba pang mga ahensiya ng gobyerno upang sila ay kausapin at siguruhin na sinusunod nila iyong mga pamantayan ng joint memorandum circular na ito.
At sinabi rin po natin sa mga LGUs na kung hindi nila ito ilalabas within the prescribed period, maglalabas ang ARTA ng certificate of compliance. Ibig pong sabihin, kung kumpleto na iyong dokumentong isinumite ng iba’t ibang mga telecommunication companies ngunit ito ay inupuan nang matagal ng mga LGUs ay hindi na hihintayin ng pamahalaan na ilabas pa nila iyong permit, bagkus ang ARTA ang maglalabas ng certificate of compliance na iyon.
So siguro in the next few weeks, Usec., ay ilalabas na natin iyong mga iba pang mga updates dito at kung ilan na lamang ang pending applications ng mga telco companies sa mga local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol na tanong pa rin si Sam Medenilla: Since DILG is closely involved with contact tracing efforts, na-determine ninyo na daw po ba kung saan nag-originate ang initial COVID-19 cases sa bansa at paano ito nag-spread to more areas?
USEC. MALAYA: Well, noong panahon po ‘yun na nagsimula iyong COVID-19 sa bansa, it was still the Department of Health who was the lead in contact tracing. Kami po ay pumasok lamang sa kalagitnaan. So mas maganda siguro po ay itong tanong na ito ay ibigay natin sa DOH kasi sila iyong nagko-contact trace noong simula nitong ating pandemya way back in February.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong si Joseph Morong ng GMA-7: Paano daw po ang magiging movement sa pagitan ng GCQ at MGCQ areas? Ano daw po ang protocols at kung kailangan pa ba ng travel authority?
USEC. MALAYA: Opo. Wala pa pong pagbabago doon sa ating pamantayan sa movement between GCQ and MGCQ areas dahil patuloy pa rin naman po iyong mga insidente ng COVID transmission sa mga probinsiya dahil doon sa movement ng tao from the hot zones to the low risk areas. So hindi pa po ito lifted, so inter-zonal movement as mentioned continues to be governed by the old guidelines. So kailangan pa rin po ng travel authority [garbled] ng medical certification na manggagaling sa municipal or city health office na siyang isusumite sa mga health desk ng mga PNP police stations at iyong mga PNP police stations po ang mag-i-issue noong mga travel authority as required under the IATF and National Task Force guidelines.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Paano naman daw po iyong provincial buses, kailan daw po papayagan?
USEC. MALAYA: Opo. Iyan po ay pinag-uusapan na ngayon sa IATF. Wala pa pong pinal na desisyon dahil nga po lumalabas po sa mga pag-aaral sa iba’t ibang bansa na transportation is one of the fastest ways to spread COVID-19. So antabayanan na lang po natin kung magkakaroon na ng desisyon ang IATF. Sa ngayon po, wala pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., noong Lunes ng gabi po nga ay inanunsiyo na ni Pangulong Duterte iyong bagong community quarantine sa bansa – nanatili ito sa GCQ at iyong iba po ay nilagay sa MECQ. Tatagal po ng isang buwan ito, hindi lang basta 15 days gaya noong mga nakaraang buwan. Palagay ninyo, ano po ba iyong nakita ninyo, magiging maganda ba itong epekto ang ganitong uri ng tagal ng quarantine restriction sa buong bansa?
USEC. MALAYA: Opo. Minabuti po ng ating Pangulo at ng IATF na gawin nang 30 days para hindi naman po every now and then nagbabago iyong ating mga polisiya. Ngunit, of course, government, through the IATF, can always make decisions immediately as required by local conditions.
Isa po sa mga kadahilanan dahil nga po nakita po natin na bahagyang maganda iyong ating trend sa transmission ng COVID-19, iyong ating case doubling time po ay nag-de-escalate ‘no as explained by Spokesperson Harry Roque ‘no. At gumaganda naman po iyong datos natin, lumalakas iyong ating contact tracing efforts at ang mga local government units po ay kani-kanila nang deklara ng mga localized lockdown sa kanilang mga lugar kung nagkakaroon po ng outbreak.
Gumanda rin po iyong ating koordinasyon sa mga negosyante especially doon sa mga factories and workplaces kung saan nagkaroon ng clusters in the past ‘no at nakipag-ugnayan na po tayo sa kanila at maayos na po iyong koordinasyon natin – ang implementasyon nila ng minimum health standards including the provision of their own quarantine facilities para hindi na po nila pauwiin ang kani-kanilang mga empleyado kung sakaling sila ay nagpa-swab naman o nagpa-rapid test.
So given all of these situations, nagdesisyon nga po na gawin nang 30 days itong ating mga bagong community quarantine. And we are very hopeful together with greater isolation facilities and more contact tracing ay mami-maintain po natin ang GCQ level ng Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tungkol naman po sa issue ng despedida party kay dating Batangas Fire Chief Elaine Evangelista. Bukod po sa pag-withdraw na dapat sana ay assignment niya bilang hepe ng Biñan Fire Station, anu-ano pa po ba iyong mga kaso o sanction na kakaharapin niya at ng mga ni-relieve ding personnel po na napatunayang nag-violate sa quarantine protocol?
USEC. MALAYA: Tama po, Usec. Unang-una po, I would just like to emphasize na hindi po tinu-tolerate ng kagawaran, through the leadership of Secretary Eduardo Año, ang mga violations ng IATF guidelines. So lumalabas po kasi sa naibigay sa aming ebidensiya na ipinadala sa DILG at sa Bureau of Fire na at that time na this was in GCQ, ang Batangas ay may nagkaroong posibleng violation. So kaagad-agad po naman tayong umaksiyon dito upon the directive of Secretary Eduardo Año, the former fire marshal of Batangas City who was supposed to be transferred to Biñan Fire Station, the assignment has been revoked.
Pangalawa po ay may show cause order na po laban doon sa lahat ng mga BFP personnel involved and all of the involved personnel have also been relieved from their current assignments pending the investigation para hindi nga po nila maapektuhan ang imbestigasyon. We would just like to emphasize Usec. ‘no that us law enforcers, ito pong BFP ay law enforcement din dahil sila po ang nagpapatupad ng Fire Code, importante po na makita ng ating mga kababayan na ang nangunguna sa pagsunod sa mga pamantayan ng IATF ay ang mga law enforcement officials themselves otherwise we lose credibility.
Dahil nga po dito, kaagad-agad po nating inaksiyunan ito. Mayroon na pong team galing sa BFP national office na nag-iimbestiga na po sa kanila and we can assure the public that those found guilty based on the evidence presented will be meted the appropriate administrative penalties.
USEC. IGNACIO: Okay. Usec., maging iyong E911 team ng DILG pinasok na rin po ng COVID-19 matapos nga pong magpositibo rin iyong ilang emergency tele-communicators ninyo sa sakit kaya kinailangan pong sumailalim sa quarantine ang lahat ng inyong call operators. Paano ninyo po ginagawan ng paraan ng DILG para po matugunan naman iyong emergency needs ng ating mga kababayan? Nagkaroon po ba ng epekto ito?
USEC. MALAYA: Tama po kayo, Usec. Nakakalungkot po dahil mula po noong Pebrero hanggang sa last week ay wala pong problema ang ating 911. Ito nga pong 911 natin ay natatawagan ng lahat ng ating mga kababayan, ito po ang ating emergency dispatch system at maayos po ang patakbo nito. As a matter of fact, noong Marso, nagkaroon pa po ng partnership with the Department of Health na naglagay po ng additional tao ang Department of Health sa national call center ng Emergency 911 para nga po ma-augment iyong ating personnel dahil ang dami pong tawag tungkol sa COVID-19.
Ngunit nakakalungkot po na nitong mga nakaraang linggo ay nagkaroon po ng mga positibo doon sa ating mga emergency tele-communicators or emergency call agents. So humihingi po kami ng pang-unawa sa publiko kung hindi ninyo muna po matatawagan temporarily ang 911 na emergency call number. Ang ginawa po natin ay ni-reroute muna po, ‘pag tumawag po kayo sa 911, we rerouted/disperse doon sa mga local call centers natin at mayroon po tayo for example sa Parañaque who is handling our calls for the Metro Manila. Ngunit hindi naman po ganoon kadami ang emergency call agents sa local call centers kaya humihingi po kami uli ng pang-unawa sa ating publiko kong hindi po kayo masasagot ng 911.
In any case, nandiyan naman po iyong matatawagan na mga police stations, mga fire stations – lahat naman po sila ay puwede ninyong tawagan at mayroon din pong mga local numbers ang Makati, Quezon City at iba pang mga lungsod sa Metro Manila. Umasa po kayo na inaayos na po namin itong problemang ito at hindi po magtatagal ay babalik na po uli ang full operation ng ating 911.
USEC. IGNACIO: So, umaasa tayo, Usec., na talagang babalik kaagad iyan kasi napakalaki ng naging tulong nito kaya gusto ko rin kasing kumustahin iyong naging effectivity nitong 911 para tumugon po sa emergency needs ng ating mga kababayan. Ilang tawag po ang average kasi na pumapasok sa isang araw at ano po iyong usual concerns na itinatawag lalo pa noong nagsimula ang pandemic sa bansa?
USEC. MALAYA: Opo, bigla pong lumakas ang 911 last year no, dati po ang mga tawag diyan ay umaabot lamang sa tatlong milyon or less than 1 million tapos naging tatlong milyon. Umabot na po sa 18 million calls total last year, ganoon po kadami ang tumatawag sa ating 911. At naging malaking tulong po ito sa ating mga kababayan dahil for the first time nagkaroon po tayo ng national call number na matatawagan ng ating mga kababayan for emergency needs.
Ang problema po kasi, marami pong tumatawag sa 911 na hindi naman po emergency at iyong mga prank calls din po ay marami rin po. Ngunit patuloy lang po ang pagsisilbi ng ating mga emergency telecommunicators. But of course, we are asking the public na sana po ay huwag na silang tatawag ng prank calls sa 911, dahil a prank call is time lost for our call center agents to respond to a legitimate call. So, iyan po ang isa mga panawagaan ng DILG sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Usec, tungkol naman nga doon sa mga scammers naman. Hanggang ngayon daw po ay may gumagamit ng pangalan ng ilang DILG officials para po makapanloko o makapanlinlang ng kapwa. Ano po iyong bagong modus na ginagawa ng scammers na ito at paano po ninyo inaaksyunan o inaaksyunan ng DILG ito?
USEC. MALAYA: Tama po iyon, Usec, nakakabahala nga po dahil ang dami pong mga scam na ginagamit ang mga pangalan ng mga DILG officials, of course kabilang po diyan si Secretary Eduardo Año at ilan pang mga senior officials – undersecretaries and assistant secretaries ng kagawaran. At kami po ay nanawagan sa ating mga local government officials sa buong bansa na huwag po kaagad-agad tayong maniwala kung mayroong mga tawag sa inyo na pretending or claiming na sila ay from the DILG central office dahil madami nga pong scam na sasabihin na sila ay makakatanggap, for example, ng tulong sa gobyerno or sa DILG kung sila ay magdideposito ng ganitong amount, kung sila ay magpapadala ng ganitong pera.
Kapag mayroon na pong usapin tungkol sa pera ay huwag na huwag po kayong maniniwala. And our advice to them is, since mayroon naman po tayong local government operations officers na naka-assign sa inyong local government unit, kung mayroon pong tumawag sa inyo na claiming to be from the central office, maganda po ay kausapin po muna ninyo o validate with your local government operations officer or with the provincial director or the regional director of the DILG.
Kasi po ang sistema po sa DILG ay we do not communicate with our partner in the local government units through unofficial way. Dinadaan po namin iyan through the chain, through official channels. So kung may kakailanganin po kami sa inyo, we will course it either through our regional director, our provincial director or the local government operations officer para po makasiguro na ang kausap ninyo talaga ay mula sa DILG.
USEC. IGNACIO: Usec., kahapon po ay kinumpirma ni DILG Secretary Eduardo Añ0 na si Lieutenant General Camilo Cascolan po ang napili ng Pangulo bilang bagong hepe ng PNP. So, ano po iyong inaasahan ng Pangulo at DILG sa pag-upo niya bilang bagong PNP Chief?
USEC. MALAYA: Opo, unang-una po, kino-congratulate natin si General Cascolan as the next Chief of the Philippine National Police. Siya po ang pinaka-senior, siya po ang second in command; iginalang po ng ating Pangulo iyong system of seniority sa ating Philippine National Police. So we are hopeful na si General Cascolan will lead the Philippine National Police with integrity, honor and commitment to duty and to the police service. At sana po ipagpatuloy niya iyong internal cleansing program na sinimulan ng ating pamahalaan under the leadership of Secretary Año.
Kami po ay nagpapasalamat din kay General Archie Gamboa for his dedicated service to the country until his mandatory retirement. Mamayang hapon nga po iyong magiging turnover ceremonies sa Kampo Crame between the outgoing and the incoming Chief of the Philippine National Police. At we, of course, expect the new incoming Chief PNP to be at the helm and to insure na iyong duties ng joint task force COVID Shield in the implementation of quarantine protocols is to be strictly implemented because ang Philippine National Police po ang isa sa mga haligi ng ating bansa at ng National Task Force COVID-19 sa paglaban sa global pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., si PNP Chief Cascolan po magsi-celebrate ng kanyang birthday, ng kanyang 56th birthday sa November, iyon pong mandatory retirement age ng police. Ano po ba ang ibig sabihin nito, dalawang buwan lang po iyong maaari siyang maglingkod bilang hepe? So papaano po sa tingin ninyo ang magiging koordinasyon ng DILG at PNP?
USEC. MALAYA: Well, Usec., it will be a challenge for him to do meaningful work in the next two months. Pero mahaba-haba din po ang two months, kahit nga po ang isang araw madami kang puwedeng gawin kung gugustuhin mo. So, now it’s a challenge for him to implement what he wants to implement in the Philippine National Police until his retirement. But of course, nasa Pangulo din po iyan kung i-extend niya iyong services ni General Cascolan beyond the retirement age. But in the meantime, since wala pa naman pong announcement ang ating Pangulo, it will now be the challenge to General Cascolan kung ano iyong magiging impact niya at legacy niya sa ating kapulisan in the next two months of his service as Chief PNP.
USEC. IGNACIO: Usec., lumagda din po si DILG Secretary Eduardo Año kasama po iyong iba pang government agencies sa isang joint admin order para po i-promote ang active transport kagaya ng biking sa ating bansa. Ito po ay sa pamamagitan ng pag-construct ng bike lanes at walking path ng mga LGU. Kumusta na po iyong naging tugon ng mga LGU dito? At sa palagay po ba ninyo ay kakayanin pa rin ito ng mga LGU lalo pa at mangangailangan po ito ng pondo?
USEC. MALAYA: Opo, nakakatawa naman po, Usec., kasi ang dami na pong LGUs ang nagsasagawa ng kanilang mga bike lanes sa buong NCR, for example, marami na nga po akong nakikita. Although alam naman natin na marami tayong mga kalsadang masikip na, ngunit ito po ay pinagsisikapan ng mga local government units even if the joint administrative order was just released recently, dahil nga po way back in March ay naglabas na po ang DILG tungkol sa mga bike lanes na ito.
So, dahan-dahan na po nilang ginagawa. Ang napapansin nga lang po natin, sa ating mga kababayan kahit may bike lane ay hindi pa rin sumusunod sa bike lane iyong iba. Although natutuwa din kami na marami na ngayon ang nagbibisikleta, and we are encouraged by this dahil maganda po ang pagbibisikleta sa atin pong kalusugan. So, dahan-dahan pa po naming itutuloy ang koordinasyon sa mga local government units para mas madami pa pong mga bike lanes ang kanilang ma-construct sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa. Ang nangunguna po talaga sa bike lane sa Metro Manila has always been Marikina. Sana po tularan pa ng marami pang mga local government units ang Marikina, kasi nauna na po sila sa bike lanes.
And of course, ang isa pa po sa mga partner natin dito is the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sila naman po ang nagsasagawa ng implementasyon ng bike lanes sa mga national highways sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., kunin na lang iyong inyong mensahe o paalala sa ating mga kababayan.
USEC. MALAYA: Well, iyon lamang po. Mamayang hapon po ay ila-launch ng DOH at ng DILG ang “BIDA Ang May Disiplina” at itong launch po na ito ay makakasama po namin iyong mga ibang Disiplina Muna ambassadors namin. Iyong piling Disiplina Muna ambassadors to be led by Mayor Isko Moreno, Mayor Benjie Magalong, Mayor Richard Gomez at iba pang mga mayor natin which we identified as our Disiplina Muna ambassadors.
Importante po na ang disiplina ay gawin nating parte ng ating buhay kasi po kung ito po ay magiging parte ng ating buhay, magagamit po natin ito sa pagpuksa sa COVID-19 dahil nagsisimula po sa tao, sa pamilya at sa komunidad ang ating laban sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming programa, USec. Jonathan Malaya ng DILG. Stay healthy, USec.
USEC. MALAYA: Maraming salamat din po at mabuhay po kayo.
BENDIJO: Dumako naman tayo sa mga pinakahuling hakbang ng pamahalaan para gamutin ang mga pasyenteng nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Makakapanayam natin ang Department of Health Undersecretary at COVID-19 Treatment Czar Undersecretary Leopoldo Vega.
Magandang umaga po, USec. Vega.
USEC. VEGA: Good afternoon. Good noon, Aljo. Okay ba iyong dating ko diyan? Hello?
BENDIJO: Opo, loud and clear po. USec., kumusta po?
USEC. VEGA: Can you hear me? Can you hear me?
BENDIJO: Opo, opo… Yeah, naririnig po namin kayo. Can you hear me?
USEC. VEGA: All right… okay. Good afternoon and good noon.
BENDIJO: Opo. Unahin po namin, kumusta na po kayo, USec., higit isang buwan matapos kayong i-appoint bilang Treatment Czar? May progreso ba sa treatment aspect ng laban natin sa COVID-19 although wala pa tayong vaccine? Iyang hinihintay natin na magkakaroon na tayo ng bakuna. Masasabi ba nating we are winning against COVID-19, USec.?
USEC. VEGA: Itong treatment naman being czar sa treatment, ang ibig sabihin po nito ay iyong systems capacity ng mga hospitals natin na kayang mag-take care of mga COVID clients natin dito sa Metro Manila o sa buong Pilipinas.
Ang problema ho dito sa Metro Manila, nakita naman natin naging epicenter siya, at tumaas ito parang sa Cebu noon at nakikita namin na dapat iyong treatment naman kailangan talagang i-expand ang systems capacity ng mga hospitals. Kaya nga kami naggawa ng administrative order sa mga private at saka government institutions na dapat sa mga government institutions at least mayroon silang 30% to 50% kung magkaroon ng surge at saka sa mga private institutions mga 20% minimum.
Ito po iyong ginagawa namin para sigurado kaming mabigyan ng tamang pag-uukol sa mga patients na nangangailangan ng COVID clinical management. At isa pa rito ay nag-e-expand na rin kami ng mga different extension facilities na mga hospital. Kaya ito iyong ginawa namin sa Amang Rodriguez, mag-e-extend kami ng mga 50-bed hospitals or mga 70-bed hospital nila para magkaroon sila ng more allocated beds. Ito iyong ginawa rin naman sa Rizal Medical Center at saka sa Jose Reyes.
So, sa makatuwid, itong treatment ang ibig sabihin ho nito ay to improve on the clinical services and the hospital services especially those with COVID. So, iyon ang ginagawa namin at saka ang isa pa sa nagawa po namin ay iyong One Hospital Care Command. Kung titingnan ninyo, ito iyong nagbigay ng coordinated care and referral for all COVID patients towards the hospital.
So, iyon ang ano, Aljo, in terms of where we are right now. And maganda naman po kasi iyong umpisa ho, noong last month ang critical care utilization ng ating mga beds ay nasa 82%, ngayon ho bumagsak na siya sa 71 – 72, at saka iyong mga ICUs natin naka-67 – 68, kaya ipinapatupad pa rin naman na talagang iyong mga ibang hospital magbubukas sila ng ibang mga beds dedicated for COVID para magkaroon ng better number of unutilized beds dito sa Metro Manila.
Salamat.
BENDIJO: Opo. USec., may tanong po si Joseph Morong ng GMA News. Basahin ko lang po ang text niya: What do you think of the recommendation by the Senate to file charges against PhilHealth officials including Secretary Duque?
USEC. VEGA: I think that’s the Senate’s prerogative in terms of the findings that they have and I guess those are the Senate’s recommendations, so I believe it has strong position, but of course those who are accused will have a day in court in terms of whether they were remiss in terms of their duties.
BENDIJO: Follow-up po, may tanong pa rin si Joseph Morong: Can you give us an update on the hospital occupancy rate? Nasagot na ninyo yata kanina ito, USec., pero follow-up na lang din.
USEC. VEGA: The hospital occupancy rate, especially for COVID, nasa ano na ngayon, 71 to 72% lalo na sa isolation and COVID beds. Sa ICU naman, nasa 67 – 68% sila as of now.
BENDIJO: Opo. Kahapon, USec., ay kasama kayong nagpauwi sa 230 repatriates na nag-quarantine sa isang treatment facility diyan sa Nueva Ecija kung saan nagpapagaling sila sa COVID-19. Kumusta po ang kalagayan ng ating mga kababayan sa mga treatment facilities? At papaano po ninyo sila namo-monitor closely ang kanila pong sitwasyon, USec.?
USEC. VEGA: Iyong mga OFWs na nag-quarantine doon sa Fort Magsaysay, maganda ang nangyari po kasi after 14 days ho they were given the privilege to go home tapos maganda naman ang treatment sa kanila doon dahil ‘community’ ang nangyari sa kanila. They can move around the treatment facility; mayroon silang social integration; mayroon po silang maraming programs po na hindi sila nainip sa 14 days nila kaya noong pagka-send-off po namin kahapon with Secretary Duque and Secretary Charlie Galvez, makikita ninyo maganda ang aura ng mga OFWs na umuwi. Masaya sila because—ang nakita po namin iyong integration as part of the quarantine, na mayroon silang iba’t-ibang programs, maganda ang nangyari po sa kanilang day to day stay doon sa quarantine sa Fort Magsaysay.
And itong quarantine na po na ito—
BENDIJO: USec., maraming mga—Go ahead po, go ahead.
USEC. VEGA: Yes. Itong quarantine facility po under ng Bureau of Quarantine kaya may mga doktor din sila doon, may mga nag-i-integrate even with the mental health na natugunan po nila.
BENDIJO: Opo. USec., maraming mga eksperto ang nagsasabi na marami na daw bagong strain ng COVID-19 ang nade-detect dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ito ba ay dapat ikabahala or cause for concern ng inyong tanggapan maging ng taumbayan bilang hindi pa rin natin alam fully kung ano talaga ang gamot sa COVID-19, USec.?
USEC. VEGA: Tama iyon, Aljo. In fact, dito sa Pilipinas na-notice na nila ang mga ibang strain ng COVID-19 pero pansinin mo naman na iyong strain na ito ay hindi sila nagbibigay ng seriousness sa sakit. In fact, ang ating mortality rate right now is 1.6%, mababa talaga compared with sa global standard na 3.5%.
Pero itong strain na ito ho, mataas ang transmission rate kaya nga ang sinasabi namin parati na parating ano talaga tayo sa discipline of prevention. Kailangan mayroon kang mask, mayroon hygiene, at saka mag-o-observe ka ng distance because this is the only way that we can prevent the transmission.
Pero sa mga bagong strain na nakikita nila, ang fatality ng strain na ito is not as much as compared yata noon at saka basically ho, ang transmission rate nitong bagong strain ay mas mataas at less serious.
ALJO BENDIJO: Opo. Usec., patungkol naman sa ating mga frontliners, mga health workers. Siyempre, sila talaga iyong pagod ‘no, pagod na pagod sa laban na ito – naiintindihan natin iyan. And after the two-week timeout na hiningi nila sa Pangulong Duterte noong nakaraang linggo, kumusta na po sila ngayon, Usec.? Papaano po kayo nakikipag-coordinate sa atin pong mga medical frontliners, medical community bilang isang doktor din, Usec?
USEC. VEGA: First of all, iyong mga frontliners ho natin, ito iyong dapat na bigyan natin ng importansiya lalung-lalo na dito sa fight against COVID. Iyong naging positive naman sa mga frontliners natin, ginawan natin ng paraan na mabigyan sila ng free hotel accommodation at saka lodging during the time of quarantine kasi karamihan naman sa kanila ay iyong mga mild cases of COVID. Kaya naka ano po sila, we have arranged hotel accommodations for them or temporary facilities na lahat sila ay naka ano ho doon, accommodated by the different hospitals.
Pangalawa, ito namang mga frontliners natin na kulang naman sa workforce o kasama nila sa workforce lalo na dito sa COVID, ang Department of Health ay gumagawa na naman ng paraan ngayon para ma-augment ang health workers sa different hospitals. Kahit nga ang private hospitals po na nangangailangan ng mga workforce lalo na as frontliners ay binibigyan po namin ng priority para sa hiring, together with sa mga public and other LGU hospitals na nangangailangan ng mga frontliners.
So ito iyong ginagawa namin ngayon, at saka iyong pangatlo po, iyong pag-test ng mga health workers. Ito ay libre na ho sa lahat ng mga health workers whether … lalung-lalo na sa mga frontliners kung nasa high risk category sila, puwede ho silang ma-test ng kanilang mga hospitals or magpa-appointment sila sa mga mega facilities or kung wala silang laboratories.
So itong free testing, itong accommodation ng mga health workers natin at saka augmentation ng mga health workers lalung-lalo na sa mga hospitals with a high case of COVID ay ginagawa po ngayon para magkaroon ng better working condition po ang ating mga frontliners.
ALJO BENDIJO: Usec. Vega, tanong mula kay Red Mendoza ng Manila Times. Babasahin ko po ang tanong niya: Usec., nadagdagan na daw ba ang phone lines ng OHC? Nakikita na natin ang pagbaba ng hospital capacity sa Metro Manila, ang ibig bang sabihin nito, does this mean po na nagiging effective na ang One Hospital Command?
USEC. VEGA: Una, sa tanong po kung nadagdagan na po iyong mga phone lines, nagpapasalamat po kami kay MVP po, sa PLDT Group na binigyan po kami ng 15 to 18 direct lines po ng PLDT kaya nadagdagan na po kami kasi ito iyong pinaka-bottleneck na po namin sa pag-contact sa mga different hospitals at saka mga TTMF. Kaya mas maganda na ngayon ang coordination between iyong aming One Hospital Command responders sa mga different hospitals at saka TTMF.
Iyon namang pagbaba ho ng mga ICU beds in terms of vacancies, together with the isolation beds for COVID, ito naman ay nangyari dahil pinabuksan po namin sa mga private at saka public hospitals ang dapat na allocated beds for COVID. So maganda naman kasi itong madalas naming pag-uusap between public and private na kailangan tayong tumulong dito as a whole-of-society kind of approach para matugunan natin itong problema sa pandemic.
ALJO BENDIJO: Mensahe na lang po, Usec., o paalala sa ating mga kababayan. Go ahead po, Usec. Vega.
USEC. VEGA: Ito, nasa kalagitnaan na po tayo sa COVID crisis natin at we are now in GCQ. At dito naman po sa National Task Force, kinakailangan talaga na dapat ang lahat ay magkaroon ng disiplina sa pag-wear ng mask, paghugas at saka pag-social distancing. Ito iyong pinaka-minimum requirements po natin kasi kung iisipin mo, ito na iyong pinakabakuna. Wala pa nga tayong bakuna, pero if you are able to prevent the transmission of the disease ‘no, through these minimum health standards, malaki po ang effect.
At saka naman kung ito namang ginagawa po ngayon ng National Task Force at saka IATF, lalung-lalo na sa mga LGU, na napabilis ang testing at saka contact tracing at saka isolation, ito po iyong isa din sa mga critical factor na paghuli ng mga multipliers diyan na nasa community. So kung hindi natin sila ma-isolate po at hindi natin sila ma-trace, ito iyong … baka magkaroon tayo ng pagtaas ng ating transmission ng virus.
So overall ho, sa treatment side naman po, maganda naman ang response ng mga different hospitals towards the number of allocated beds. At saka we are … sa Department of Health, we are also trying to do recruitment and, of course, making sure that all of the hospitals will be covered by the necessary workforce in these times of the pandemic.
So I think for everybody ho, let’s be always be on the preventive side with our minimum health standards. Salamat po.
ALJO BENDIJO: Maraming salamat at mabuhay po kayo, Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega. Ingat po, sir.
USEC. VEGA: Thank you, Aljo. Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni John Mogol. Go ahead, John.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.
ALJO BENDIJO: Alamin natin ang pinakahuling mga balita mula naman sa PTV-Davao kasama si Regina Lanuza. Regine, maayong buntag.
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Daghang salamat, Regine Lanuza ng PTV-Davao.
Usec., pasalamatan natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 – mabuhay po kayo!
USEC. IGNACIO: At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t muli po ang aming paalala: Be the part of the solution – wear mask, wash hands, keep distance, stay at home. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
ALJO BENDIJO: Daghang salamat, Usec. Rocky. At ako naman po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)