USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Anim na buwan na po makalipas simula nang sumailalim tayo sa community quarantine, kaya naman patuloy ang ating pagbibigay ng mahalagang impormasyon na dapat malaman ng bawat Pilipino.
BENDIJO: Samahan ninyo po kaming muli sa isa na namang araw nang makabuluhang talakayan kasama pa rin ang mga kawani ng pamahalaan. Hindi po kami matitinag sa pagbibigay ng napapanahong balita kaugnay sa mga hakbangin ng pamahalaan kontra COVID-19.
Ako po si Aljo Bendijo. Good morning, Usec.
USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar mula sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Technical Education and Skills Development Authority Deputy Director General Aniceto ‘John’ Bertiz III.
BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.
Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
USEC. IGNACIO: Una po sa ating mga balita, Senator Bong Go nagpaabot ng kaniyang pasasalamat para sa mga private donors na walang sawang nagbibigay-tulong ngayong panahon ng pandemya. Nito lamang Miyerkules ay nag-turnover ang kaniyang team ng mga ultrasound machine na donasyon mula sa Pilipinas Shell Foundation, Incorporated para sa Batangas Provincial Hospital.
Matatandaang una na ring pinangunahan ng kaniyang opisina ang pamamahagi ng ultrasound machine at 200 food packs na donasyon mula pa rin sa PSFI para sa mga frontliners ng Malasakit Center sa Junior Borja General Hospital sa Cagayan De Oro City. Kaya naman nagpasalamat ang senador sa kabayanihan at patuloy na pagtulong ng mga private institutions sa bansa ngayong may COVID-19 pandemic. Nagpasalamat din ang senador sa tiwalang ibinibigay ng PSFI sa kaniyang opisina na pangunahan ang pamamahagi ng kanilang mga donasyon.
Sa iba pang balita, sinang-ayunan ni Senator Bong Go ang proposal na ilipat ang cutoff date ng kontrata mula sa March 8, 2020 to August 31st 2020 na sakop ng exemption sa deployment ban. Matatandaang ipinataw ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA noong April 2, 2020 ang temporary deployment ban. Ayon sa senador, ang pag-extend ng cutoff date ay para makapagbigay ng oportunidad sa mga healthcare professionals na magampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin at makatulong sa pagligtas ng mga buhay laban sa COVID-19 pandemic kahit na maging serbisyo nila ay nasa ibang bansa.
Samantala, suportado rin ni Senator Bong Go ang extension ng state of calamity sa bansa upang masiguro ang patuloy na pagtugon sa pakikipaglaban kontra COVID-19. Matatandaang naglabas si President Rodrigo Roa Duterte ng Proclamation No. 1021 na naglalayong i-extend ang state of calamity mula September 13, 2020 hanggang September 12, 2021. Nanawagan din ang Senador sa DOH na gamitin ang pagkakataong ito na magplano, isakatuparan at palakasin ang mga ginagawa ng ahensiya kontra COVID-19 at iba pang health threat partikular ang mga lugar na may disease surveillance and contact tracing.
BENDIJO: Ngayon naman alamin natin anu-ano ang mga programa ang laan ng kanilang tanggapan para sa ating mga kababayan sa kabila ng umiiral na community quarantine. Makakausap natin si TESDA Deputy Director General Aniceto ‘John’ Bertiz III. Magandang araw po, Congressman Bertiz.
TESDA DEP. DIR. GEN. BERTIZ: Magandang umaga po Sir Aljo at Usec. Rocky.
BENDIJO: Opo. Sir sa kabila po ng pagpapaigting ng contact tracing sa bansa, isa po sa pinakabagong programa na ino-offer ng TESDA, ito pong contact tracing program. Can you tell us more about this?
TESDA DEP. DIR. GEN. BERTIZ: Yes, sir. Ito po ay nailunsad na natin, actually simula pa lamang po, part po ito ng Oplan TESDA Abot Lahat. Isa po sa aming mandato ay, first, food security and health security rin po. Isa po ito sa mga programa na nilunsad ng ating mahal na Secretary Lapeña, iyong contact tracing po. Dalawang level po ito, isa iyong contact tracing training para protektahan ang ating sarili at dahil nga po napakataas ng pangangailangan ng ating bansa lalung-lalo na po for contact tracer, we are expecting, according to Mayor Magalong, na at least 150,000 or more para po maserbisyuhan ang lahat.
So inilunsad po natin iyong Level 2—Contact Tracing Training Program Level 2 na para po i-train ang mga magiging contact tracer po at ito po ay open sa lahat. Of course under IATF regulations, dapat po 21 and above and not more than 59 at ito po ay napakadali lang po dahil kailangan lang naman po ay at least high school graduate. At once na makapasa po, iyong certificate will serve, they can present it to DOH and DILG or DOLE kasi nga po mayroon po tayong memorandum of agreement to those other agencies, sir.
BENDIJO: Opo. Deputy Director General John, para lamang po sa kaalaman ng mga manonood natin, available po ba ito sa lahat ng training centers sa buong kapuluan?
TESDA DEP. DIR. GEN. BERTIZ: Yes po, available ito. Nagsimula na po ito, ang first launch natin sa NCR, in-open po just a few days ago sa PAMAMARISAN po at kasama po rin diyan ang Taguig. And of course, because of the leaning modality ngayon, iyong dual training po natin, 80% naman po nito Sir Aljo ay online, iyong 20% po ang assessment. So puwede na po nilang i-take up at mag-download po sila sa TESDA website natin noong Contact Tracing Training Program Level 2.
BENDIJO: Opo. Ito ba ay libre at ilang linggo/buwan po ba ang itatagal po ng training nito, Sir John?
TESDA DEP. DIR. GEN. BERTIZ: Opo. Wala po silang babayaran at under po ito ng TESDA scholarship program po natin at libre po ito at wala po silang babayaran. At ito ay I think will only last for maximum of 5 days. Tatlo pong ano ‘to, iyong tinatawag nating modules at ito po ang kanilang iti-take up before they can be assessed, iyong face-to-face pero limited lang po. Iyong face-to-face naman po natin kasi po, Sir Aljo, tinuturo po rin sa TESDA ultimo iyong paghubad noong mga PPEs kapag ikaw ay galing ka na sa field at nag-perform ka na ng trabaho mo, pati na rin po iyong mga disposal or how we can dispose all those or sanitize or clean our own PPEs po, sir.
BENDIJO: Opo. Ano po iyong mga requirements na kailangan nilang ipasa? May age limit ba ito, Sir John?
TESDA DEP. DIR. GEN. BERTIZ: Opo. Sa ngayon po kasi ay according to IATF, 21 and above pa rin po tayo at at least high school graduate puwede na pong kumuha nito at malaking tulong din po ito. Siyempre po hindi naman po ito iyong permanenteng trabaho kasi nga po those kind of functions cannot work more than 2 weeks for security rin po, para proteksiyon din po nila. So this will last for 5 days, ito pong complete modules nito po and they can avail it online.
BENDIJO: Opo. Sa ngayon bukod po sa contact tracing program, ano pa iyong mga ilan sa mga online o latest online courses o mga trainings ninyo na maaaring pagkaabalahan ng atin pong mga kababayan?
TESDA DEP. DIR. GEN. BERTIZ: Isa rin po sa Oplan TESDA Abot Lahat ay nag-launch po tayo ng tinatawag nating TESDA Online Program. Mayroon po tayong 71 online courses na puwede pong i-avail ng ating mga kababayan lalung-lalo na po iyong mga OFW natin na iba’t ibang pong kurso iyan, Sir Aljo. Libre po iyan and we are giving also scholarship programs under that. At ito po ay puwede nilang i-take up – 70 courses po iyan from electronic, web design, cookery at mapapakinabangan po ito lalung-lalo na po iyong mga work-from-home na gustong magkaroon ng extra na kita. At siyempre ang concentration pa rin po natin iyong major priority sector which is agriculture, construction, healthcare at iyan po ang ating mga tinututukan na programa.
At ang TESDA po sir ay mayroon po tayong 200 plus courses. And actually from March to September 13 alone we already have 71,000 OFW na naserbisyuhan po at sila po ay nag-enroll at nag-avail po noong ating mga TESDA online program at ito po ay tuluy-tuloy at open na po. Mayroon na rin po tayong mga ibang mga lugar na nagko-conduct na rin po ng mga assessment para naman po doon sa ating mga seafarers or iyong mga ibang OFW na nagpapa-assess po, at siyempre tuluy-tuloy din po ang ating skills and development training pagdating po sa agrikultura, Sir Aljo.
ALJO BENDIJO: Opo. Itong mga trainings na ito at mga skill trainings maganda po iyan. Sir John, saan sila puwedeng mag-register, iyong mga Interesado?
DEPUTY DIRECTOR GENERAL BERTIZ III: Opo. Iyong 71 online courses po natin available iyan sa www.e-tesda.gov.ph or puwede na po kayong dumirekta sa ating mga regional offices; at lalung-lalo na po iyong medyo mababa na po iyong quarantine level niya ay may nagbubukas na rin po.
At siyempre, alam naman din po natin na hindi lahat naman po ay masiserbisyuhan dito sa ating bayan pero ito po ang ka-partner ng ating Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program, iyong paghahanda sa kanila. Kaya nga iyong mga OFWs natin, may help desk na po tayo sa airport. At katuwang din natin ang iba’t ibang mga private companies nang sa ganoon po iyong mga matutunan nila ay mayroon pong mga livelihood program or trabaho na naghihintay po sa kanila. So the TESDA approach now is ‘TESDA Abot Lahat,’ it’s an end-to-end approach – kaalaman, kakayahan hanggang kabuhayan po.
Sa mga OFW naman po, iyong mga nati-train natin, they can access too our partners sa government agencies tulad ng DOLE, OWWA, DTI po, sir. So napakarami pong magandang programa ngayon ang TESDA na papakinabangan po ng ating mga kababayan.
ALJO BENDIJO: Opo. Sa inyo pong tala, kumusta iyong dami ng mga nag-e-enroll sa TESDA? Mas bumababa ito kumpara noong nakaraang mga taon at ano rin iyong in demand na kurso ngayon ng TESDA, Deputy Director Bertiz?
DEPUTY DIRECTOR GENERAL BERTIZ III: Sa ngayon po, Sir Aljo, mas tumaas po tayo kaya nga po ito rin po ang aming pakiusap sana sa Kongreso at Senado na madagdagan ang aming budget. Nobody is expecting this … ever expected this COVID-19, so lalung-lalo na po iyong mga OFWs natin na aabot na po sa mahigit 300,000 iyan by December. Siyempre kailangan din po natin silang paghandaan at i-prepare kung paano po sila matutulungan habang hindi pa po bukas iyong mga bansang kanilang pinanggalingan.
Although, mayroon din po tayong pakikipag-ugnayan sa mga ibang bansa na nagpi-prepare na rin po ng mga skilled workers, tulad po ng Japan, andiyan ang Germany, Canada. Hong Kong and Taiwan also may pakikipag-ugnayan na rin po ang TESDA. We are matching our own skills training doon sa mga demand po nila. But, of course, it’s not going to happen until next year, but we are preparing for them to be trained na.
At isa pa po, ang ating mga enrollees tumaas dahil po iyong mga ibang gusto pong pumasok ng kolehiyo sana itong taon na ito ay ninais po nilang mag-take ng mga skills training kasi nga mas marami na pong napapakinabangan or kumikita sa kanilang mga tahanan tulad po ng ating sinusulong na urban farming, organic farming, hydroponics. At pati na rin po iyong mga high value crops natin na puwede rin po kahit sa inyong tahanan or sa inyong bakuran dito sa Kamaynilaan ay puwede na rin po kayong … iyong tinatawag nating grow your own food in terms of food security.
At hindi lamang po iyan ang inaabot natin, Sir Aljo, abot din ng TESDA at ng pamahalaang Duterte, pati po iyong mga IPs at saka mga former rebels natin under our PRLEC [Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster] Program din po iyan.
Iyong mga dating nagsasaka ng kopra, nasa 8,000 to 12,000 lang ang kinikita, ngayon po ay nasa 80,000 plus na sila per month kasi nga natuto na sila ng mga bagong modernong teknolohiya at kaalaman kung paano po mapakinabangan iyong kanilang mga ani tulad po ng from kopra, naging po siyang coco sugar. So mayroon na rin pong ka-partner ang TESDA diyan na mga buying companies tulad po ng …isa po diyan ay SM Foundations na nag-pilot test po tayo sa mga ibang regions, iyong mga magsasaka, sila na po ang bumibili ng kanilang mga produce. At iyong hindi naman po papasa sa kanilang standard ay binibili pa rin po nila at ito naman po ay part of food processing.
And one of those also – dagdag ko lang – is siyempre iyong facemask for all natin na binibigay po ng ating mahal na Presidente sa mga poorest of the poor and especially iyong mga kababayan natin para po makatulong din to flatten the curve or fight against COVID-19. Mayroon din po ang TESDA iyong tinatawag nating Training-Cum-Productions (TCP) po – tini-train natin sila at the same time, iyong mga graduates natin ay nakikinabang na rin po at kumikita dahil po mismo ang pamahalaan natin ang bumibili ng mga facemask na kanilang ginagawa.
ALJO BENDIJO: Opo. Sir John, ano po ang inyong paraan o method ng mga trainings diyan sa TESDA? May online ba o kinakailangang personal silang tumungo sa mga training centers?
DEPUTY DIRECTOR GENERAL BERTIZ III: Opo, Sir Aljo. Actually, bago pa nga po nangyari iyong pandemya na ito, COVID-19, ay way ahead na po ang TESDA. We are already offering free online courses. At tuluy-tuloy din po nating dini-develop at pinagbubuti ang ating online or different learning modality tulad po ng blended learning, online. Pati na rin po iyong virtual assessment natin, nasa pipeline na rin po ng TESDA iyan nang sa ganoon po ay hindi na po kinakailangan ang ating mga kababayan na magtungo pa sa mga TESDA centers. Through virtual, online system, we can assess them. Pero ito po ay nasa pipeline na rin po ng TESDA at isa rin po ito sa hinihiling na madagdagan ang ating budget nga po sa kahilingan na rin po ng TESDA under Secretary Lapeña; at the same time po, maabot po natin ultimo po iyong mga malalayong barangay nang maibigay ang serbisyo ng TESDA.
At napakarami po talaga nating napakinabangan lalo na ngayon na dumami na po ang mga users ng motor, ito po ang mga kinakailangan din na pinagkakakitaan po ng ating mga kababayan.
Isa rin po diyan, iyong mga TODA, JODA, jeepney drivers na wala pa pong pasada, nakikipag-ugnayan po ang TESDA sa mga local government units under din iyong Build, Build, Build Program nila, iyong Job, Job naman po. Kasi sabi nga po ‘di ba, iyong iba pong mga local government unit or iyong mga contactor kaya hindi sila kumukuha doon sa mga lugar o mga cities na kung saan sila ay gumagawa ng proyekto dahil wala raw pong skilled workers. So diyan po pumapasok ang TESDA, mismong mga constituents po ng mga cities na iyon or mga probinsiya na iyon ay tini-train natin ng libre nang sa ganoon iyong mga projects nila, sila po mismo ang makikinabang. So ito po ay TESDA Abot Lahat at Pangkabuhayan, Kaalaman at Kakayahan po.
ALJO BENDIJO: Marami ng mga training centers na binuksan, Deputy Director Bertiz outside Metro Manila. At ilan po ang inaasahang bubuksan pa lalo na sa mga remote areas po?
DEPUTY DIRECTOR GENERAL BERTIZ III: Tuluy-tuloy naman po, Sir Aljo, ang ating mga TTIs, iyong mga technical training institute run by TESDA at siyempre iyong mga TVIs partner natin – na marami po iyan, ilang libo rin po iyan nationwide – ay unti-unti na pong nagbubukas lalung-lalo na po kung ang kanilang mga local government units ay medyo nagluwag na sa quarantine category po.
Pero lahat po naman ng courses natin is available online. Mayroon tayong mga short courses na kung gusto ninyo pong mag-aral, alam ko paborito ninyo po iyong mag-aral ng gumawa ng ramen ay mayroon din po tayo diyan through our website at connected po sa mga ibang social media accounts.
At iyong ating mga TVIs ay nagbubukas na rin po unti-unti at nag-o-offer na rin po tayo iyong mga assessment center lalung-lalo na po sa seafarers. And at the same time, iyong ating mga kababayan naman po na nagpa-assess ay tuluy-tuloy po iyan. And I think in the next few days po, iyong mga under the MGCQ ay makakapag-operate na po based on the memorandum circular and directives of our Secretary Lapeña po, sir.
ALJO BENDIJO: Marami na bang nakapagtapos ng mga programa po diyan sa TESDA simula nang tayo po ay nagpatupad ng mga quarantine measures, itong community quarantine?
DEPUTY DIRECTOR GENERAL BERTIZ III: Opo, sir. Ang enrollees natin ay pumapalo na po nang mahigit 800,000 po, sir. At tulad nga po ng nabanggit ko kanina, ang ating mga nag-avail na po na mga OFWs is 71,000. Although nasa 170,000 plus na po ang mga nakauwi pero patuloy pa rin natin po silang hinihikayat na mag-avail ng ating mga programa.
At ganoon na rin po iyong ating mga farm school at iyong iba pa pong mga OFWs natin, iyong mga expert na paretiro na or wala na pong planong bumalik ng ibang bansa, siyempre they were able to gain expertise abroad and at the same time TESDA graduate din naman po sila, hinihikayat po namin sila na maging trainors sa ating mga TTIs kasi sa dami nga po ng mga enrollees ngayon ng TESDA ay kailangan din po natin ng mga trainors para po makapagbigay din po tayo ng tulong at livelihood sa ating mga retiradong OFWs.
So I think nasa—since 2012, something like that, nasa dalawang milyon na rin po ang naserbisyuhan mahigit ng TESDA. At tuluy-tuloy din po ang ating enrollees everyday kasi they can access our website and online training 24/7 po, Sir Aljo.
BENDIJO: Opo, iyong mga benefits na maaaring maidudulot ng mga kababayan natin na nagti-take ng TESDA courses, nu-ano po ito Deputy Director John?
DDG. BERTIZ: Siyempre po mayroon po tayong iba’t ibang klase ng scholarship programs, sa TWSP – Training for Work Scholarship Program, Mayroon din po tayong STEP, isa rin po ito sa skills training program po natin na kapag sila po ay—under STEP po kasi kapag sila ay nakatapos ng kurso halimbawa welders or sewers or cook, mayroon silang mga start-up kits na kasama po na binibigay under scholarship. At the same time, iyong ating mga scholar po ay mayroon din po silang daily allowance na pareho po iyan ng TWSP, STEP ay mayroon pong natatanggap na allowance, plus iyong kanilang tinatawag po ng COVID-19 allowance, one time po iyan – pagbili ng mask, alcohol which is worth 500. 160 pesos naman po iyong allowance nila per day at siyempre iyong kanilang training skills and assessment wala rin pong bayad. And under UAQTE, which is the Universal Access for Quality and Tertiary Educations, which is isa rin po tayo sa naging sponsor niyan during the last congress, ay ito po ay scholarship grant na binibigay.
At mayroon din po tayong tulong trabaho program, nandiyan din po iyong training-cum-production scholarship natin habang sila po ay gumagawa ng halimbawa, cookery, everything, ito po iyong mga training-cum-production tuluy-tuloy. At isa rin po, sir Aljo ang pinag-iigting po natin sa ngayon, sa programa ng TESDA is iyong ating enterprise-based training, industry-based training at community-based training. Ano po ba ito, ito po iyong mga apprenticeship program, in partnership doon sa malalaking manufacturing company natin.
Nandiyan po ang iba’t-ibang [company], tulad po ng mga semiconductors industry, nagbibigay po tayo ng scholarship habang po sila ay nagtatrabaho ay sumasahod na po sila at the same under scholarship po sila. Ito po iyong malalaking mga manufacturing company ng mga sasakyan and at the same po nakikipag-ugnayan na rin po tayo sa DTI, sa PEZA at Department of Labor. Isa po sa panghihikayat na ginagamit natin ay magbigay po ng libreng training lalo na po iyong mga factory na umalis po sa China at naglilipatan po sa ating bansa, para po ito sa pang-attract ng mga foreign investors po.
So, sa lahat po, pati na rin po unti-unti sa pagbubukas din po ng tourism natin, tuluy-tuloy pa rin po ang ating mga skills training and development pagdating po sa under ng tourism po.
BENDIJO: Bilang primary component ng Technical-Vocational Education Training or ASEAN-TVET Council for 2020-2022. Ano ba iyong priority projects ngayon ng TESDA, sir?
DDG. BERTIZ: Salamat po at of course we would like to congratulate our Secretary Lapeña for being the chairperson of the ASEAN-TVET Council. Malaki po ang ginagampanang papel ng TESDA rito dahil nga po, ina-adopt po ng ibang mga ASEAN countries iyong ating mga skills training at ganoon na rin po ang mga training courses and iba’t-iba pong mga modules natin and system. Kaya nga po isa sa ating pinag-iigting is iyong tinatawag nating enterprise-based training at industry-based training. Kasi nga po karamihan po ng mga investor natin is coming from other countries that we are offering this technical and skills development training.
Actually nga po, nandiyan po ang Japan na nakipag-usap na rin po sa TESDA at iba pong ASEAN country. Tulad po ng Indonesia, actually iyong HSW and national certification nila was adopted from us po, tine-train na po nila iyong kanilang mga HSW. Kaya nga po nakakatuwa, dahil sila po naghinto na ng pagpapadala ng mga HSW sa Middle East since 2015. At dahil nga po sa pag-adopt na rin noong mga sistema natin.
When I attended a several ILO conference po sa ibang bansa at saka sa Bangladesh ay talaga pong tayo po iyong kinukopyahan at pinamamarisan. So, it’s really a big news for all of us that Philippines is the chair for the ASEAN TVET Council. Tuluy-tuloy po ang pakikipag-coordinate ng iba’t iba pong divisions ng TESDA on how we can be able to improve more and to show to the ASEANs that we are really the leader for TecVoc Educational and Skills Development po.
BENDIJO: Sir John, mensahe na lang po sa ating mga kababayan na nais pong mag-avail na napakaraming trainings diyan sa TESDA?
DDG. BERTIZ: Unang-una po siyempre ay iyong mga programa po natin, ito po ay libreng ino-offer ng TESDA katuwang po sa tulong, sa pagsunod sa mandato po ng ating Presidente na tulungan po ang ating mga kababayan, hindi lamang po mga OFW at pati na rin po ang mga nawalan ng trabaho. Ito po ay isa sa major partners ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa ng ating Presidente Duterte at Senator Bong Go.
And at the same time po, iyan po iyong ating mga scholarship programs. We have 200 class courses that you can actually avail. Mas madali na pong magrehistro ngayon kasi nga po ay through online na rin at kung gusto naman po ninyo ng mga short courses o iyong tinatawag natin na hindi naman po talaga, matagal na kursong kunin, mayroon din po tayo niyan online na magre-register na po kayo doon. Bibigyan po kayo ng certificate of completion.
And para naman po doon sa mga training and skills courses na kailangan po ng assessment, you just have to visit our regional offices at handa po silang tumulong. Sa mga OFW po, mayroon po tayong mga OFW help desk nationwide magmula po sa airport. Mayroon din po sa mall tayo, iyong tinatawag nating TESDA Specialista na mga ka-partner which puwede po kayong kumonsulta kung ano po iyong mga courses na puwede ninyong pakinabangan. And at the same time ay mayroon na rin po kaming NCIII, NC VI in preparation na rin po doon sa mga iba pang demand ng ibang bansa. We are cooperating, coordinating with DOLE and POEA in regard to other skills training na papakinabangan naman po noong mga kababayan nating gustong mag-avail ng opportunity sa ibang bansa.
Ang TESDA po abot ang lahat, abot ang lahat ng OFW at libre po ang lahat ng serbisyo at mga kursong puwede po ninyong makuha sa TESDA.
BENDIJO: Maraming salamat sa pagbibigay ng oras para sa aming programa Deputy Director General John Bertiz. Ingat po sila, sir.
DDG. BERTIZ: Maraming salamat po, sir.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makakasama natin si Aaron Bayato mula Philippine Broadcasting Service.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service.
Samantala, para naman po alamin ang pinakahuling update sa COVID-19 case sa bansa at upang bigyang linaw ang katanungan ng ating mga kababayan, muli nating makakausap sa programa si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Good morning, USec.!
USEC. VERGEIRE: Good morning po, USec. Rocky!
USEC. IGNACIO: USec., ano na po ba iyong paghahandang ginagawa ng Department of Health para sa gaganaping Solidarity Trials sa October?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Kami po ay patuloy na nakikipag-ugnayan with WHO. Actually, kami po ay nakasama doon inaprubahang protocol. Of course, I cannot disclose all of the details pero siyempre ang lagi naman pong kasama diyan, unang-una, kailangan po ay mayroon tayong informed consent, that is very important. Kailangan naiintindihan ng mga tao nabibigyan ng bakuna kung para saan iyon at saka ano ang magiging benepisyo at ano iyong puwedeng maging adverse event or harmful effect sa kanila kung sakali.
Pangalawa, siyempre titingnan natin iyong mga numero ng kaso doon sa mga lugar na pipiliin na iyan. Titingnan natin kung ito ay isang high prevalence area na kailangan natin para mai-consider doon sa protocol at pag-a-analyze ng mga resulta nitong trial na ito.
And pangatlo, kailangan pumasok sila doon sa criteria when it comes to the health status of a patient. Kailangan iyong edad, kailangan kung mayroon siyang ibang mga sakit kailangan iyan lahat mai-consider para maging mas ligtas itong gagawing clinical trial na ito.
USEC. IGNACIO: USec., sinabi mo iyong sa edad, so mayroon na pong edad nabanggit na puwedeng sumama sa trial?
USEC. VERGEIRE: Ang ating kasiguruhan pa lang, of course, this will be given to adults pero iyong eksakto na edad na kailangang bigyan, iyan ay pinag-uusapan pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Nasa ilang katao po ba iyong inaasahang isasali sa vaccine trial at ano po iyong pagdadaanang proseso – iyong iba nabanggit ninyo na po kanina – para po mabigyan nito?
USEC. VERGEIRE: Ito po ay ano… kasi nasa phase 3 clinical trial na tayo, so libu-libong mga tao po ang atin pong isasama dito para mas maging makahulugan at mas maging accurate ang resulta ng trial na ito. As to the exact number, hindi pa ho iyan inilabas ng ating proponents, so malalaman ho natin iyan in the coming days.
Ang mga kailangan pong pagdaanan natin ‘no bago natin maumpisahan, katulad nga ng sabi ko, kailangan ng proper regulatory clearances; second, kailangan may informed consent. Kailangan din ma-engage iyong community. So, ito po ay isang napakaimportanteng bagay na nakausap natin ang local officials doon sa komunidad na iyon; nasabi natin sa kanila ang listahan para makatulong rin po sila sa pagbibigay ng awareness para sa ating komunidad.
USEC. IGNACIO: Opo. Inaprubahan na po ng IATF iyong paggamit ng antigen test bilang substitute po sa PCR test para sa mga local travelers. Pero USec., nito lamang po, naglabas ng babala ang World Health Organization tungkol sa paggamit nito; ano po ang masasabi ng Department of Health tungkol dito?
USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Katulad po ng sabi ninyo, nagkaroon na po ng initial discussions with IATF and it was provisionally approved already itong paggamit ng rapid antigen test. Kaya nga lang po noong September 11 nagpalabas po ang WHO ng kanilang rekomendasyon at dito po sa mga rekomendasyon na ito mayroon ho silang mga ilan na sinabi na kailangan po nating balikan ang ating mga eksperto lalung-lalo na ang Health Technology Assessment Council natin para pag-aralan pa hong mas mabuti kung paano po natin ire-revise ang pathways na naibigay natin para po mas maging accurate po ang mga resulta natin kung gagamit po tayo nitong rapid antigen test.
So, napagkasunduan po with the IATF para po mas maging sigurado tayo doon sa gagawin natin, magkakaroon po tayo ng pilot study dito po sa isang city sa ating bansa para makita po natin kung talagang puwede ho nating gamitin itong antigen test dito po sa mga sinasabing subsectors or special population of the society.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero USec., para po sa kaliwanagan ng ating manonood, ano po ba talaga iyong pinagkaiba nitong rapid antigen test sa rapid test kit pagdating po sa accuracy.
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. When you talk about rapid antibody test, ang tinitingnan ho nitong test na ito ay iyong mga antibodies. Ibig sabihin, kapag ikaw ay nagkakasakit, nagdi-develop ho ng mga panlaban sa sakit ang ating katawan and these are the antibodies (garbled). ito po iyong tinatawag na markers of infection. Ibig sabihin, kapag kayo po ay may sakit lumalabas agad iyang antigen na iyan sa ating katawan. Kaya nga po itong rapid antigen test na ito, ito po iyong talagang inirerekomenda na kapag may sakit talaga ang tao, mataas ang viral load, kapag nagpositibo siya sa rapid antigen test sigurado po kayo na positibo talaga ang pasyenteng iyan.
Ngayon, kailangan ho nating tingnan din sa diagnostic performance na sinasabi natin. There is this thing as sensitivity and specificity of a testing method. Dito po nagkakaroon po tayo ng maraming mga debate at saka variabilities kasi iyon pong mga nasa market ngayon, iba-iba ho ang kanilang sensitivity; iba-iba ang specificity. Kailangan para magamit ang isang testing method ayon po doon sa mga rekomendasyon ng mga eksperto kailangan umaabot sila sa—halimbawa, ang rapid antigen test kailangan more than 80% sensitive and more than 97% specific. Ibig sabihin po, kapag siya ay nag-test, kapag lumabas na ito ay positibo, positibo talaga at kapag ito ay lumabas na negatibo, negatibo po talaga.
Kaya nga lang po, marami hong weaknesses na nakikita ngayon lalung-lalo na po dito nga sa rapid antigen test na nakikita natin with the validations done, both locally and internationally, kakaunti pa lang kasi iyong mga pag-aaral, lumalabas po iyong sensitivity niya medyo mababa, hindi po umaabot ng 80%, so diyan po nagkakaroon ng siyempre hesitancy and ating eksperto na magbigay ng rekomendasyon para gamitin dahil baka magkaroon tayo ng mga false negative results at ito po ay magkaroon tayo ng another additional cases kung mapapabayaan natin; kaya gusto natin sigurado muna tayo bago po natin ito gamitin.
USEC. IGNACIO: Okay. USec., kuhanin ko na lang iyong inyong mensahe sa ating manonood partikular na po kasi si Pangulong Duterte inaprubahan po na one-meter distancing pa rin po iyong sa public transportation natin. Ano po ang masasabi dito ng DOH ngayon?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Ito naman pong minimum health standards katulad po ng lumalabas sa ebidensiya at scientific evidence po ito, may pag-aaral po both international and local. Dito po sa local, nagkaroon po ng pag-aaral na sabi nila kapag ikaw ay nagsuot ng mask you can have about 67% protection from being infected. Kapag nagsuot ka ng face shield nadadagdagan pa ng porsiyento para ikaw ay maprotektahan. Pero pag sinamahan mo pa ng physical distancing itong dalawang minimum health standard na ito, tumataas hanggang 99% ang proteksyon mo sa virus na ito.
So, ito po ang amin pong… hanggang ngayon ay sinasabi sa ating mga mamamayan, we comply with the minimum health standards pero hindi puwedeng paisa-isa, kailangan magkakasama lahat iyan pati po iyong paghuhugas ng kamay nang sa gayon we can be protected from being infected at mas mapababa pa ho natin ang mga kasong lumalabas sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, USec. Vergeire ng Department of Health.
USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.
USEC. IGNACIO: Samantala, upang alamin ang pinakahuling update kaugnay sa mga naging pagpupulong po ng Metro Manila Council at iba pang hakbangin na ginagawa ng kanilang siyudad upang mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19, sa puntong ito makakausap po natin si Metro Manila Council chairman and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Magandang umaga po, Mayor!
MAYOR OLIVAREZ: Magandang araw po, USec.! Good morning po sa lahat po ng nakikinig po sa atin!
USEC. IGNACIO: Opo. Kasama ko rin po ngayong araw si Aljo Bendijo. Marami po tayong pag-uusapan ngayong umaga. Pero para po sa unang bahagi ng ating talakayan, Mayor, bilang Chairman po ng Metro Manila Council, ano po iyong pinakahuling napagkasunduan ninyo ukol po sa IATF guidelines sa Metro Manila at ano na po ba ang mga irirekomenda ninyo kay Pangulong Duterte?
MAYOR OLIVAREZ: Opo. Regular po na nagmi-meet po ang ating Metro Manila Council, every week po nagmi-meet po iyan at usually Sunday night po kami nagmi-meet. At doon po sa pagpupulong po natin ng Metro Manila Council na binubuo po ng labingpitong mayor, usually po nandoon po iyong atin pong mga members ng IATF. At huli po naming pinagpulungan iyong tungkol po dito po sa Undas at iyong tungkol po sa atin pong binigay na guidelines ng DOTr doon po sa reduced distancing.
Doon po sa atin pong sa Undas ay pinagkasunduan po iyon na ang irirekomenda po natin ng atin pong mga Metro Manila mayors sa IATF, iyon pong inaprubahan na po nila na iyon pong until October 29 hanggang November 4 isasarado po iyong atin pong mga sementeryo either public or private cemetery. At we do encourage them na kapag dadalaw po sa mga sementeryo sa kanilang mga mahal sa buhay ay prior, before October 29 and after November 4 pero paiiralin pa rin po natin iyong 30% occupancy ng sementeryo.
Iyong tungkol naman po sa pagri-reduce po ng atin pong DOTr regarding po sa physical distancing sa lahat ng public utility vehicle ay nirekomenda rin po ng ating MMC na i-sustain iyong one meter po para mapatupad po natin iyong ating minimum protocol para po sa paglaban po ng COVID na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kasi ngayong araw po inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan na po ni Pangulong Duterte iyong ibalik po sa one meter iyong physical distancing po sa ating public transportation. Ano po ang komento ninyo dito, Mayor?
MAYOR OLIVAREZ: Napakaganda po niyan kasi iyan po iyong naging consensus po natin noon pong Sunday meeting na kasama po sila Secretary Año po doon, pati po si Secretary Duque at binanggit po namin doon na talagang napakahirap kung babawasan po natin iyon pong atin pong pagri-reduce ng physical distance sa public utility vehicle. Pati iyong ating messaging sa atin pong mga constituents hindi po magiging consistent dahil paglabas po ng public utility vehicle one meter tapos pagdating sa loob ng PUV natin ay below one meter. So kami po ay nagagalak na ito po ay inaprubahan ng ating mahal na Presidente na we have to sustain iyong atin pong distancing regardless kung nasa labas ng PUV o nasa loob ka ng sasakyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa kabila nga po ng panunumbalik ng ating ekonomiya, so aside po doon sa public transportation na pag-iingat, ano pa po iyong rekomendasyon o nakikita ninyong solusyon, ng Metro Manila Council para muling sumigla po iyong ekonomiya nang hindi naman po masasakripisyo o makokompromiso iyong kaligtasan po ng ating mga commuters?
MAYOR OLIVAREZ: Opo. Ang isa po naming binigyan ng recommendation po rito na pinag-usapan na dati po atin pong curfew sa buong Metro Manila ay 8 o’clock. Ginawa na po ng bawat isang LGU sa Metro Manila na maging 10 o’clock at iyon pong atin pong mga take-out, iyong mga take-out po natin na ito po ay puwede i-open po na 24 hours, iyong mga delivery lang—I mean iyong delivery, so wala pong counter po siya na after 10 o’clock. At iyon pong pagbubukas po ng mga iba po natin pong mga establishment provided na iyon pong minimum protocol ay ipatutupad pa rin po sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Balikan lang po natin iyong kaugnay sa pagsasara ng mga sementeryo, Mayor. Pero hindi po maiiwasan na may mga mas maaga pong pupunta para bumisita sa mag puntod. May ipapatupad po ba rin kayong guidelines tungkol dito?
MAYOR OLIVAREZ: Opo, Usec. Ang pinag-usapan po namin po rito ay iyon pong atin pong mga—iyong atin pong magpupunta sa sementeryo ay hindi po lalampas ng 30% capacity ng sementeryo. So magkakaroon po tayo ng marshal po doon kasama rin po ang ating PNP para ipatutupad iyong physical distancing at hindi po magkakaroon po ng gatherings doon po sa sementeryo prior noong pagko-close po ng ating sementeryo.
At gusto ko rin pong ipaalam po Usec., na iyon pong normal operation ng sementeryo will be effective pa rin po. Iyon pong one week na pagsasarado, iyong paglilibing at iyon pong crematorium, pagki-cremate ay tuloy rin po iyon para hindi po ma-disrupt iyon pong ating mga serbisyo. At iyon pong mga madi-dislocate na mga vendors po natin na mga nagtitinda ng bulaklak, ia-arrange po ng bawat LGU po iyan na makapagtinda rin po sila doon po sa prior ng 29at saka after November 4 para hindi po sila mawalan ng hanapbuhay at gagawin na pong orderly iyong pagtitinda ng mga bulaklak.
USEC. IGNACIO: Mayor, so ano po iyong panawagan ninyo at paalala dito sa ating mga kababayan na dadalaw sa mga sementeryo pati na rin po doon sa mga magtitinda nga po ng bulaklak at kandila sa labas nito?
MAYOR OLIVAREZ: Okay. Ang aking paalala lang po sa kanila na pumunta po sila at iplano po nila ahead of time na iyong pagpunta nila na bago po mag-29 ng October para hindi po maging crowded po iyan. At umasa po iyong ating mga vendors po doon na iisa-isahin po iyan ng bawat local government unit na hindi po kayo ma-disrupt nang hanapbuhay. Gagawin lang po nating in order para makapaghanapbuhay kayo nang maayos during dito sa ating Undas na ito.
USEC. IGNACIO: Hinggil naman po sa Social Amelioration Program, ano po iyong mga nakikita ninyong problema, ng Metro Manila Council, pagdating po doon sa pamamahagi nito at ano naman po iyong rekomendasyon ninyo para mabigyan po ito ng solusyon at mapabilis po ang pamamahagi?
MAYOR OLIVAREZ: USec, kung natatandaan po natin iyong ating first tranche po natin, ang namahala po dito iyon pong ating mga barangay pati iyong ang ating local government unit. At alam naman po natin na nagkaroon po tayo ng problema doon po sa ibang barangay at iyon pong ating face to face, iyon pong pagbibigay ng ayuda, which dine-discourage na po natin iyong face to face.
Itong ating second tranche po nito, iyong second tranche na ginagawa po ngayon, ongoing po ito, ongoing pa ito pero sa pamamagitan ng digital po ito, pamamagitan ng GCash, sa pamamagitan po ng ibang mga service provider. Ang nagiging problema lang po natin po dito iyon pong completion ng ating mga data, iyong mga field, iyon pong ating mga cellphone. At kung wala pong cellphone number nahihirapan po sila na i-transmit digitally iyon pong ating mga ayuda.
So, ito po ay pinagtutulungan po ng ating DSWD, pati po ng ating siyudad, pati po ng ating mga barangay para makumpleto po lahat po ng ating mga data na kailangan po to transmit digitally po. Tapos iyon pong waitlisted, ganoon din po iyong ating waitlisted, doon po nagkakaproblema po doon sa mga data na kailangan ng ating DSWD.
USEC. IGNACIO: Opo, ngayon naman Mayor, nandito na tayo sa ikalawang bahagi ng ating discussion. Kukumustahin naman po natin ang inyong lungsod Mayor, as of yesterday po nasa mahigit 400 daw po ang total active case ng COVID-19 with 138 deaths. Sa ngayon po kumusta po iyong sitwasyon ng inyong isolation facilities at may mga ginagawa pa po ba o ongoing construction para dito?
MAYOR OLIVAREZ: Yes, USec. Kung makikita po natin iyong data po sa aming siyudad for the past three weeks pababa po siya eh. Ito pong kahapon, iyong latest na record po natin ng amin pong CESU, iyong aming City Epidemiologist Surveillance Unit, nag-break na po kami ng less than 500 iyong aming active cases po dito. Pina-implement po namin dito iyong pong strategy na ibinaba po sa amin ng IATF, iyong prevention, iyong detection, iyong isolation, iyong treatment at iyong reintegration; so, patuloy po naming dinadagdagan po iyong aming isolation facility. Mayroon na po kaming kulang-kulang na 1,000 po na isolation facility at mayroon din kaming isolation facility para po sa probable at suspect.
At malaking tulong po iyong ibinigay ng ating pong national government, iyong DPWH, iyon pong mga container van at in fact, iyon pong ating siyudad ang isa sa mga una all over Metro Manila na nagkaroon po kami ng turnover noong mga isolation van na mayroon pong apat na kuwarto for each isolation van, iyong container van na ito at nagkaroon po kami ng additional na 150-beds. Dalawang area po iyong amin pong pinaglagyan ng isolation van na ito at malaking bagay po ito para maalis po natin iyon pong ating mga positive, probable suspect sa community at hindi sila makahawa doon sa kanilang komunidad.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor para naman po sa mga health workers ng Parañaque. Paano naman po natin nasisiguro iyong kanilang kaligtasan, sapat po ba ang kanilang medical supplies at gaano po kadalas isinasagawa ang test para po sa kanila?
MAYOR OLIVAREZ: Unang-una, prinovide po natin sila, kumpleto po sila sa PPE po nila, iyong kanilang Personal Protective Equipment para po protected po lahat sila.
At noon pong mga una nating mga pandemic na mga buwan, kumuha po tayo ng local na hotel, iyong hindi po nakatira within sa Parañaque po, in-house po natin iyong atin pong mga healthworkers po dito.
At patuloy po nating kinu-kumpleto lahat ng ating mga supplies at in fact, nagkaroon pa po tayo ng additional na hiring ng ating mga nurses, mga doktor, mga medtech po sa atin at para ma-reinforce at hindi po ma-overwhelm iyong ating existing natin pong mga healthworkers.
At gusto ko rin pong ipaalam din sa inyo, USec. na ginagawa na rin po ng ating siyudad ang sarili po nating molecular laboratory at ito po ay bubuksan po natin by next month at tinutulungan din po tayo ng Department of Health po rito.
USEC. IGNACIO: Mayor, pagdating naman po sa contact tracing na napakahalaga. So paano po ninyo ito pinapaigting at gaano na po karami ang inyong mga contact tracers?
MAYOR OLIVAREZ: As of today po, ang contact tracing team na po namin sa 16 barangay po natin, umabot na po tayo ng 150 contact tracing team. At continuous po nating dinadagdagan po ito at nag-umpisa na rin po ang DILG na mag-hire ng 467 na tracing personnel para ma-augment po at madagdagan po natin iyong ating mga tracing team katulong po natin ang mga barangay po rito para ma-monitor po natin iyon pong lahat ng mga nakasalamuha ng atin pong mga positive patient. At pinipilit po natin na magkaroon po tayo ng ratio na 1 is to 37 para makuha po natin iyon pong first layer and the second layer doon sa atin pong close contact ng ating pong mga positive.
USEC. IGNACIO: Mayor, bukod po sa pamamahagi ng SAP. Namamahagi rin daw po kayo ng cash assistance para sa mga kababayan natin na kung saan hanggang ngayong araw, September 18 na lang daw iyong deadline ng pag-claim nito. Gaano na po ba karami ang nabigyan at ilan pa po iyong hindi nakakapag-claim ng kanilang ayuda?
MAYOR OLIVAREZ: Opo. Ito po iyong ‘Parañaque cash’ kung tawagan. Iyon pong hindi po nakatanggap ng ayuda from the national, iyong mga DSWD po natin, iyong hindi po nakatanggap ng ayuda mula po sa DOLE, sa SSS sa TUPAD, iyon po ang in-accommodate ng atin pong siyudad. Kasi ang total household po ng atin pong siyudad is about 170,000. Ang atin pong nakuha na beneficiary ng ating first tranche sa DSWD, iyong first tranche is 77,676. Nagkaroon po tayo ng waitlisted na 46,000. So mayroon pa tayong kulang na mga 40 to 50,000. Iyon po iyong in-absorb ng ating lungsod na bibigyan po siya ng ayuda ng ating siyudad na P5,000 per household.
So, nag-allocate po ang city po for 40,000 pero kukulangin po siya, ang aming estimate po aabutin po siya ng 60,000 na household member na bibigyan po ng ayuda ng atin pong siyudad.
Iyon pong deadline na September 18, iyan po iyong mga barangay na mayroon pong debit card na po, kasi ginamit po naming digital po iyong ating distribution. Iyon pong debit card na po ang binibigay natin at doon na lang po ipapasok sa kanilang ATM iyon pong ayuda pong iyon. Pero ito pong mga card na nagawa na po na ibinaba po namin sa barangay at binigyan po natin ng deadline sila ng 18 para makuha po nila iyong kanilang card na ito. Pero ipa-extend pa rin po natin iyan.
Pero iyon pong ating distribution noong atin pong debit card ay patuloy po iyan hanggang po magkakaroon po tayo ng second batch; kasi iyong first batch po natin, ay umabot po siya ng 42, 000. Eh mayroon pa hong 15,000 na nagparehistro na delisted po roon at iniisa-isa na po ng ating pong IT po ito. Kung based sa our guidelines ay hindi po nakakuha ng ayuda sa national, bibigyan po iyan ng Lungsod ng Parañaque.
USEC. IGNACIO: Mayor, may concern po kasi iyong ating isang netizen dito, ang pangalan po niya ay Mabel Samudio ng Barangay Sto. Niño, may kaugnayan po ito sa pinapaigting na pagpapatupad ng mga protocols. Hinihiling po sana niya sa inyo ay mabigyang pansin iyong Barangay Sto. Niño allegedly po ay may paglabag po sa health protocols po dito, Mayor.
MAYOR OLIVAREZ: Okay. Patuloy po nating ipinatutupad po iyong ordinansa na ni-reenact ng atin pong City Council, iyon pong minimum health protocol po natin, iyon pong ating pagsusuot ng face mask, pagsusuot ng ating face shield, pati ang ating physical distancing. At nag-create po ang ating siyudad ng Parañaque Task Force na bumababa po iyon at kasama po ang ating barangay para siguraduhin po na iyon pong ating mga minimum health protocol ay maipatupad po iyan at ito po ay atin pong pinapa-implement at mayroon pong penalty po ito at community services para ma-impart po natin iyong discipline among our constituents.
USEC. IGNACIO: Ano na lang po ang inyong mensahe sa mga manonood, Mayor?
MAYOR OLIVAREZ: Ako po ay nakikiusap sa atin pong mga kababayan sa Parañaque na ito pong past three weeks ay bumababa po iyong ating mga cases po natin. Ang solusyon po talaga po rito ay disiplina. Kailangan sumunod po tayo kung ano po iyong pinaiiral ng ating DOH, ng ating National Government, ng ating siyudad, ng ating barangay, doon po sa ating protocol at palagay ko po sa pagtutulungan po ng ating pamahalaan at atin pong mga constituents, ng ating pribado, ay atin pong malalabanan at definitely matatapos itong pandemic na ito.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Olivarez. Mabuhay po kayo! Stay safe, Mayor.
MAYOR OLIVAREZ: Salamat po, Usec.! Magandang, magandang tanghali po sa kanila.
BENDIJO: Samantala, upang bigyang-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Metro Manila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang sinuspinde ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program.
Para sa iba pang mga detalye, panoorin natin ito.
[VTR]
BENDIJO: Mula naman sa PTV-Davao, may ulat din si Clodet Loreto. Clodet, maayong udto!
Clodet?
Balikan natin mamaya si Clodet Loreto from Davao.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman po tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.
Base po sa tala ng Department of Health as of September 18, 2020, umabot na po sa 279,526 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 3,257 new COVID-19 cases. Naitala rin kahapon ang 47 na katao na nasawi kaya umabot na po sa 4,830 ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa bansa. Subalit, patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover mula sa COVID-19 o umakyat na sa 208,790 with 733 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang bilang ng ating active cases sa bansa ay 65,906.
BENDIJO: Okay. So, balikan natin si Clodet Loreto, PTV-Davao. Clodet, maayong udto!
Clodet?
[NEWS REPORT BY CLODET LORETO]
BENDIJO: Daghang salamat, Clodet Loreto.
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
BENDIJO: Samantala, 97 days na lang po Pasko na! Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot pa rin ng COVID-19, lagi pa rin nating tandaan na ang pagmamahal at pagtutulungan sa kapwa ay tunay na diwa ng Pasko.
Ako po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Salamat din sa iyo, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)