USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Puno ng mahahalagang balita at impormasyon ukol sa ating laban kontra COVID-19 ang ihahatid namin sa inyo ngayong Huwebes ng umaga. Makakasama pa rin po natin ang iba’t ibang kawani ng pamahalaan kaya naman tutok na para sa isang makabuluhang talakayan. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, Secretary William Dar ng Department of Agriculture, Usec. Rene Glen Paje ng Department of Social Welfare and Development.
Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.
Samantala, para naman po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Sa unang balita, suportado po ni Senator Bong Go ang planong pagkakaroon ng bagong paliparan sa probinsiya ng Bulacan sa tulong ng San Miguel Corporation. Aniya, kapag natapos nang obserbahan ang mga karagdagang batas, panuntunan at regulasyon pagdating sa usapin ng kalikasan, labor laws at iba pa ay susuportahan niya ang pagtatayo ng nasabing airport. Dagdag pa ng Senador, malaking tulong ito upang ma-decongest ang daloy ng trapiko sa Maynila.
Samantala, kumpiyansa rin si Senator Go sa Department of Finance sa pamumuno ni Secretary Carlos Dominguez at suportado rin aniya nito ang proposed budget ng kagawaran. Matatandaang malaki ang naging ang papel ng Department of Finance sa pagharap natin sa krisis dulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng programang Small, Business Wage Subsidy na nakatulong sa mga kwalipikadong empleyado ng mga maliliit na negosyo na maibsan ang impact ng pandemya.
Dagdag pa riyan, ang DOF din ay nag-secure ng pondo mula sa PAGCOR at PCSO upang suportahan ang Department of Health sa laban natin sa COVID-19. Paalala naman ng Senador sa DOF na tukuyin at imbestigahan ang mga opisyal ng BOC at BIR na nasasangkot sa umano’y korapsyon.
Sa iba pang balita, nagpaabot din ng tulong ang tanggapan ni Senator Go sa mga apektado ng pagbaha sa Zamboanga City. Aniya, dapat na magkaroon ng patas at sapat na access sa economic opportunities at public services ang lahat ng mga Pilipino sa kabila ng pagkakaiba-iba ng relihiyon, ethnicity at social class. Ang residenteng apektado ng pagbaha sa Zamboanga City ay pinamahagian ng food packs, meals at mask. Nagpaabot din ng tulong-pinansiyal ang DSWD sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program at ilang mga pagkain na makatutulong sa mga residente.
Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine, pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito: [VTR]
Samantala, puntahan naman natin si Alah Sungduan mula po sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORTING]
Maraming salamat, Alah Sungduan ng PTV-Cordillera.
Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of September 23, 2020, umabot na po sa 294,591 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 2,833 new COVID-19 cases. Naitala rin kahapon ang 44 katao na nasawi kaya umabot na po ito sa 5,091 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa, ngunit patuloy din naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 231,373 with 765 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total po ng ating active cases ay 58,127.
Sa puntong ito, updates at mga hakbang po sa Senado para makatulong sa ating laban kontra COVID-19, iyan po ang ating pag-uusapan kasama po si Senator Koko Pimentel III. Magandang umaga po, Senator.
SEN. PIMENTEL: Magandang umaga, Usec. Rocky. Sa lahat po ng nakikinig at nanunood, magandang araw, kasi worldwide yata tayo eh.
USEC. IGNACIO: Opo. Senator, welcome po sa Laging Handa Public Briefing. During the Senate deliberation po kung saan na-discuss po iyong SAP budget ng DSWD, mayroon po silang 10 billion savings. Ano po ang reaksiyon ninyo dito? At may suggestion po ba kayo kung ano po iyong mga dapat nilang gawin sa savings na ito?
SEN. PIMENTEL: Well, binalikan natin iyong Bayanihan II Law, at nakita naman natin doon ay mayroong flexibility ang DSWD na gumawa ng mga programa para itulong nila sa ating taumbayan, sa mga mamamayan natin na nangangailangan ng tulong. At saka, nakasulat din kasi doon sa batas na dapat iyong listahan kasi ng binibigyan ng tulong ay verified, so siguro iyon ang dahilan bakit sila nagkaroon ng savings. Noong tiningnan nila iyong listahan, iyong na-budget ay mas marami and then iyong na-verify ay mas kaunti, so may savings.
Pero nandoon na rin sa batas, sa tingin ko, iyong flexibility kasi marami pang dapat silang gawin. Mayroon silang cash aid, mayroon silang relief goods distribution, so marami pa pong puwedeng paggamitan ng pera na na-save ng DSWD dahil sa sinunod yata nila iyong Bayanihan II na maging istrikto sa listahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Senator, dito naman po sa US-ASEAN Business Council Meeting. Ano po iyong mga napag-usapan ninyong mga plano na makakatulong naman po sa ating economic recovery sa gitna po ng COVID-19 pandemic?
SEN. PIMENTEL: Dapat magpasalamat tayo sa blessings natin ‘no, like iyong ating bansa ay marami tayong kaibigan. So, ang US-ASEAN Business Council ay parating sinasabi sa amin, sa mga lumahok sa online conference namin, na handang-handa silang tulungan ang Pilipinas hindi lang sa pagtulong sa pagpapadala ng mga goods o ng mga medical equipment na ginawa na nila. Nagbigay si Ambassador Sung Kim ng 100 ventilators bago siya umalis, plus iyong iba pa nilang tulong. Kinompyut [compute] nga namin, more than one billion pesos na iyon, wala pa doon iyong ventilators.
Sabi ng mga businessmen doon sa council, puwede silang tumulong, pati investment po kasi iyan ang kailangan natin, iyong actual investment para magkaroon ng negosyo sa Pilipinas, malaki man o maliit na negosyo, iyong tinatawag na micro, small or medium enterprises. Kasi ang kailangan ng taumbayan ngayon ay trabaho para mayroon tayong flow ng income.
So, sabi ko nga sa kanila at nag-offer sila na sa mga bills na pending sa Senate, puwede silang gawing mga resource persons. So doon sa isang bill na pending sa committee ko na medyo high-tech kasi ito dahil internet transactions bill ito, so may kasamang technology diyan, sabi ko, ‘Sige, please participate para ma-guide ninyo kami kung ano ang trends na sa mas developed na mga ekonomiya.’
So iyan po, at iyan ang mga magagandang balita na kinu-consider ko na blessings ng ating bansa na marami tayong mga kaibigan at nagmamahal sa atin na handang-handang tumulong, magsabi lang tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Senator, isinusulong ninyo nga po sa Senado iyong proposed bill na Internet Transactions Act. So ano po iyong update dito? At papaano po ba mapuprotektahan ng batas na ito o panukalang ito iyong mga consumers and online businesses?
SEN. PIMENTEL: Iyon, tama ka, Usec. Rocky, ang talagang dahilan kung bakit natin gusto ng batas na ito ay para po proteksiyunan ang ating mga online consumers. So, iyon po iyong ano doon… iyon iyong pinakamalaking dahilan bakit kailangan nating pabilisin or tutukan iyang Internet Transactions Act. You’ll have to protect our consumer. Tapos dagdagan na rin doon ng mga mandates sa ating government agencies na ayusin nila iyong mga online connectivity nila para iyong registration ng mga negosyo, iyong pagreklamo streamlined at mayroong klaro na proseso.
USEC. ROCKY: Opo. Senator, napakahalaga po ng panukalang iyan lalo ngayon sa panahon ng pandemya diyan natin nakikita iyong kahalagahan siyempre ng teknolohiya. So, sa tingin ninyo anu-ano pa ba ang mga dapat ma-improve dito sa proposed bill na ito bago po tuluyan talagang maging batas?
SEN. PIMENTEL: Well una sa lahat, iyong panukalang batas kasi sa ngayon napakalawak noong subject matter niya, iyong kino-cover niya. So, siguro para mas mapabilis ito kasi mas maraming—kung malawak masyado maraming maaapektuhan, maraming mag-o-object. So, lilimitahin lang natin iyong subject matter ng batas doon lang sa pagproteksyon sa ating online consumers.
Iyong mga mode of payment online, ibang batas na po iyan; basta ang importante walang lokohan sa mga online na transaksyon at iyon ang dapat na siguraduhin ng gobyerno para confident si consumer na, “Ay, mayroon akong gustong bilhin online dito sa online platform na ito, bibilhin ko na.”
So, pati iyong ekonomiya, mga taxes na binabayaran eh ano po… umaandar iyong ekonomiya natin at sa mga transactions mayroon ding income iyong ating gobyerno.
USEC. ROCKY: Opo. Kasi Senator mukhang iyan po talaga iyong magiging new normal natin ano po. Pero bilang Senate committee chair on international relations, ano naman po iyong dapat maging direksiyon ng ating Philippine foreign relations and policies particular po sa US and China?
SEN. PIMENTEL: Well, generally speaking, ang ating Philippine foreign policy is that—independent foreign policy ito na the Philippines is a friend to all nations. So, ibig sabihin noon, tayo ang nagdedesisyon kung ano iyong ating best interest. Hindi tayo sunud-sunuran lang sa ibang bansa o sa isang bansa. So, at least na-establish na natin iyan under the Duterte administration.
Pero hindi ibig sabihin nito na dahil gusto nating maging kaibigan ng lahat ng bansa at kaibigan ng mga ibang bagong bansa hindi ibig sabihin nito na mag-u-unfriend tayo noong kaibigan na natin.
So, iyong kaibigan na natin sa matagal na panahon dapat bigyan natin ng halaga iyong ating pagkakaibigan tapos [garbled] iyong friendship natin tapos palakasin pa natin.
So, pagdating sa specifically sa US at saka sa China, kailangan magba-balancing tayo ng—ang importante balancing act iyan, wala tayong kakampihan. Ang nasa puso at isip lang natin what is for the best of the Philippines, the best interest of the country.
So, ang importante siguro sa panahon ngayon, trade. Kailangang palakasin natin ang ating trading relationship with China at ng ating trading relationship with the US. So, parati nating sinasabi sa kanila na kaibigan namin kayong dalawa at tingnan ninyo rin ang Pilipinas na tulungan ninyong umasenso at umangat ang kalagayan ng aming mga kabuhayan dito, bumili kayo ng mas maraming Philippine-made or Philippine-grown products. Iyan ang pinakamagandang tulong ninyo sa amin.
So, ganoon po ang aking way of thinking as the chairman of the Senate Committee on Foreign Relations.
USEC. ROCKY: Opo. Sa kabila po naman ng maraming kritisismo, Senator, doon po sa pagkaka-appoint naman ni Attorney Dante Gierran bilang bagong PhilHealth president. Ano po sa tingin ninyo ang magiging ambag niya sa improvement po ng pamamalakad ng PhilHealth?
SEN. PIMENTEL: Well, hindi ko alam bakit binabatikos iyon eh maganda naman ang track record ni former NBI Director Gierran. Abogado iyan, CPA pa at saka iyong haba niyang panunungkulan sa gobyerno malinis, walang bahid ng kurapsyon. Eh, iyan iyong main problem noong ahensya na nilipatan niya.
Ang pagpapatakbo ng PhilHealth ay matututunan naman po iyan. Ang importante, may abilidad iyong tao at saka iyong puso niya nasa tamang lugar, may plano at alam niya ang purpose niya bakit siya inilagay diyan ng Presidente – para nga ayusin ang pamamalakad at pagtakbo ng PhilHealth.
So, I am confident na given the dedication, buhusan lang talaga ng oras at panahon at puso at isip ni former NBI Director Gierran iyan sa tingin ko he can establish systems. Systems ang importante ilagay eh hindi naman kailangan lahat ng transaksyon i-clear sa kaniya. He can establish systems and then siyempre, iyong systems kasi ang nagpapatakbo tao din so bring in good people din. Good, honest people sa PhilHealth.
USEC. ROCKY: Opo. Senator, pero ano daw po iyong stand ninyo sa responsibilidad ni DOH Secretary Duque bilang dating chairman of the board ng PhilHealth sa mga umano’y anomalyang nangyari sa ahensya?
SEN. PIMENTEL: Well, depende na iyan sa evidence; pero ako, itong pandemic na ito talagang bago ito sa human race. Ang mga ibang bansa nagkakamali din, mas advanced sa atin, mas maraming resources sa atin, so ako hindi ako masyadong mabilis mag-blame ng tao ngayon kasi bago ito at pabago-bago din iyong characteristic noong virus eh. So, maging mas understanding po tayo and then—pero kung may evidence let us just follow the evidence. Avoid the blame game kasi hindi natin kailangan iyan but of course, we enforce the law kung mayroon pong ebidensiya.
USEC. ROCKY: Opo. Senator, bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamang si Joseph Morong ng GMA 7. Ito po ang tanong niya para sa inyo: Given the President’s statement at the United Nations General Assembly, what should change now? What can China not do anymore?
SEN. PIMENTEL: Hindi natin kontrolado ang China, ang kontrolado natin iyong actions natin. So, gaya ko, ako… credit ng Pilipinas iyon na as a responsible member of the community of nations, dumaan tayo sa legal processes. Sinunod natin iyong remedy na nasa UNCLOS; nag-file tayo ng arbitral case of purely legal and napanalo.
Ako nga matagal ko na ring sinasabi that the Philippines should be proud na naka-contribute tayo sa development ng international maritime law. Ang sabi ni Presidente, it’s now part of international law.
So, ang dapat sigurong gawin ng Pilipinas kasi iyan lang iyong mako-control lang po natin:
- Through the DFA, i-explain natin sa buong bansa, sa lahat ng ating kababayan ano ang meaning noong arbitral ruling. So, education ng Filipino muna para mas maintindihan. Para kapag lumabas tayo ng bansa, we are at least competent to talk about the issue; and then,
- And DFA should incorporate the ruling or the principles in the ruling sa mga pronouncements ng DFA in all of the conferences na ina-attend-an nila. Then ngayon lalo ang ibang government agencies din katulad din ng Congress, i-briefing din kami parati ng DFA so that we all speak with one voice kasi pagdating na siguro ng panahon na puwede ng mag-abroad, active din ang Congress, active din ibang government agencies sa pagpapadala ng mga representatives sa mga iba’t-ibang conferences so dapat we speak with one voice. And pagdating po diyan sa arbitral ruling on the West Philippine Sea, ang konduktor natin diyan should be the DFA. Siya ang mag-brief sa atin at magsabi what is the one voice that all Filipinos should be saying specially when outside of the country.
So, iyan po magagawa natin because that’s within our control.
USEC. IGNACIO: Opo. Senator paumanhin lang po pero ito po iyong tanong na kukunin ko po iyong reaction ninyo. Ano daw po ang reaction ninyo at susunod ninyong hakbang ukol naman dito po sa pagbubukas muli ng Department of Justice sa imbestigasyon ukol sa kaso ng inyong alleged violation ng quarantine protocols noong Marso.
SENATOR PIMENTEL: Ah, nasagot ko na po iyan. So submitted for resolution na iyan. So hintayin na lang natin ang DOJ pero katulad noong sinabi ko kanina follow the evidence. So if there is also no evidence, then there is nothing to follow.
USEC. IGNACIO: Opo. Senator, ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan?
SENATOR PIMENTEL: Well, sa panahon po ng pandemya kailangan po natin nang mahabang pasensiya at kailangan natin ng pag-uunawa at pagmamahalan. So iyon po – and solidarity – magtulungan po tayo. Kahit po ang mga bansang mas progresibo sa atin, mas economically advanced sa atin ay nahihirapan po sila on how to deal with COVID-19. So mag-adjust-adjust lang po tayo, we do what is best. We cannot do, what is perfect, but we do what is best and then we continually adjust our policies to find out what is best for the Philippines.
So magtulungan lang po tayo, malalampasan din po natin ito. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Senator Koko Pimentel. Stay safe po, Senator.
SENATOR PIMENTEL: Thank you. Salamat.
USEC. IGNACIO: Samantala, upang alamin naman po ang pinakahuling update kaugnay sa African Swine Flu sa bansa at iba pang supply ng agrikultura, makakausap naman po natin sa puntong ito si Department of Agriculture Secretary William Dar. Good morning po, Secretary.
SEC. DAR: Good morning po, Usec. Kumusta po kayo?
USEC. IGNACIO: Mabuti po. Welcome back po sa ating Laging Handa Public Briefing. Secretary sa kabila po ng COVID-19, isa pa rin po sa hamon na kinakaharap ng ating bansa itong African Swine Flu. Bagaman may ilang lugar po sa bansa kagaya po ng Northern Mindanao na nananatiling ASF-free. So kumusta na po iyong kasalukuyang estado nito sa ating bansa at anu-ano ba iyong mga lugar na tinamaan po?
SEC. DAR: Gusto kong bigyan kayo ng datos, Usec. Rocky. Mayroon tayong 6 regions na initially affected. Ngayon ay naging 9 regions na out of the 16 regions. So mabuti naman itong COVID-19 lockdown ay hindi po masyado nakapagbenta ng mga backyard raisers at saka iyong ham traders iyong mga may sakit na na baboy at hindi naikalat, pero mayroon pa rin nakakalusot.
Now iyon ang problema po natin, nandiyan pa. Alam naman natin walang bakuna pa ang Swine Fever at sana makikipagtulungan lahat ng ating mga magbababoy, ang hog raisers natin, backyard or commercial at sundin po iyong tamang quarantine protocols o kung paano ma-manage itong African Swine Fever. Kasi ito, mayroon pa ring mga new outbreaks dito sa Albay at saka dito sa Laguna, Quirino, Quezon, Batangas and Cavite – ito iyong bagong outbreak areas.
At ang ating mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka ay nandiyan in partnership with the local government units na nag-i-implement ng quarantine measures, elevated quarantine measures. At sana kagaya ng COVID-19 mayroon na rin dapat bakuna para mas maganda ang pagsugpo natin sa African Swine Fever.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sinabi ninyo nga po na nagkaroon ng outbreak dito sa ilang lugar kasama na iyong Laguna. So ano po iyong mga programa ninyong ipatutupad o measures upang maiwasan iyong talagang lumala po iyong sitwasyon na ito at talagang kumalat pa sa ibang mga karatig-lugar at paano ninyo po tutulungan iyong mga apektadong hog raisers?
SEC. DAR: Opo, Tama. Usec. Rocky ganito, mayroon na tayong ugnayan sa mga LGUs para sila nga iyong nakabantay doon sa mga areas na may declared na mga ASF cases at may quarantine na iyan, hindi na makakalabas. At kung ano iyong kinakailangan na i-depopulate, iyong mawala, para hindi na magkakalat ay iyon po ang ginagawa ng mga kawani ng Agriculture at saka iyong local government units.
Now, ano naman iyong tulong po natin sa mga backyard raisers na apektado nitong African Swine Fever? Mayroon po tayong binibigay na P5,000 na para indemnification fund ito kada ulo, kahit biik or malaki, basta isang ulo ng baboy galing diyan sa backyard raising ay mabibigyan iyong backyard raiser ng P5,000 per head. Now for other areas na walang ASF, kasi iyong population na na-depopulate ay halos more than 300,000 heads na though mayroon tayong re-stocking of the swine industry. Mayroon tayong re-stocking fund na 400 million pesos at ito iyong [garbled] natin doon sa mga hindi po apektado ng ASF para mas maisiguro po tayo na maging successful doon.
What about iyong mga apektado na backyard hog raisers? Mayroon din, dito kagaya sa Region IV-A at saka Region III ay may mga livelihood projects, may mga iba’t ibang ayuda, iyong pag-aalaga ng native chickens, pag-aalaga goats, pag-aalaga ng karnero at iba’t iba pa, mga baka. Iyon po ang tulong po ng Kagawaran ng Agrikultura. So ganoon po ang ginagawa po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nagpatupad rin po ang Department of Agriculture ng ban sa pag-import ng mga produktong karne mula po sa mga bansa kagaya ng Germany matapos pong maitala nga iyong ASF cases. Paano po ba ito nakakaapekto pagdating sa supply ng karne sa ating bansa?
SEC. DAR: Itong mga countries na talagang may ASF ay automatic po na bina-ban po natin iyong pag-import doon kasi ayaw natin na kakalat pa itong ASF sa iba’t ibang lugar. And actually Germany is the latest, and iyong supply naman ng pork ay ang ginagawa po natin Usec. Rocky ay doon sa mga probinsya na wala pang ASF ay we are catalizing itong mga hog raisers doon na ibenta nila doon sa mga metro areas. Kagaya ng Metro Manila ay may mga baboy galing GenSan area or dito sa Visayas para maibsan iyong tightness ng pork products dito sa metro areas.
USEC. IGNACIO: Pero Secretary, paano po ninyo imo-monitor o masisiguro na talagang walang karne mula sa mga infected na baboy ang mabebenta po—
SEC. DAR: Usec. Rocky, wala kayong volume.
USEC. IGNACIO: So Secretary, paano po ninyo mamo-monitor o masisiguro na wala nga pong karne mula sa mga infected na baboy na mabebenta sa mga pamilihan po?
SEC. DAR: Well, mayroon tayong [unclear], lahat po ng pupunta sa merkado dapat ay dadaan sa slaughter houses at doon sa slaughter houses ay nakabantay ang ating mga kawani ng National Meat Inspection Service. At sila iyong mga magbibigay ng certification na ito ay walang sakit at safe na kainin itong karne na ito. So, lahat po ng slaughter houses all over the country mayroon tayong kawani.
USEC. IGNACIO: So, inaasahan po bang bababa iyong produksyon ng karne ng manok at baboy sa bansa dulot po nitong pagkalat ng ASF ngayong taon o gaano po kalaki ang ibinaba nito kumpara po noong nakaraang taon?
SEC. DAR: Doon po sa baboy, doon lang may kaunting pagbaba kasi gawa ng ASF. Sa chicken naman, USec. Rocky, ay sapat na sapat tayo, masyadong maraming supply sa chicken at ito tinutulungan din natin ang poultry industry para hindi sila malulugi. Mayroon tayong ibibigay na tinatawag natin under Bayanihan 2 sa mga pobreng-pobreng mga magsasaka, except the rice farmers kasi sila na iyong nabigyan ng ayuda una. Mayroon tayong 6 million na napamigay, social amelioration or financial subsidy sa mga rice farmers.
Ngayon naman mayroong 4 billion—nakalaan under the Bayanihan 2, 4 billion para sa mga poorest of the poor, mga fishing communities, iyong upland areas, coconut farmers, corn farmers, livestock and poultry backyard raisers; so, iyon po ang ayuda natin na tulong ng national government.
USEC. IGNACIO: Secretary, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media, si Manny Vargas po ng DZBB. Ito po ang tanong niya sa inyo: Kumusta po ang supply ng baboy para sa Disyembre na possible pong tumaas ang supply, may epekto ba ito sa presyo ng baboy?
SEC. DAR: Well, ito po dalawang strategies palagi di ba. Iyong pagtulong dito sa local hog industry, that is why may restocking na ginawa po natin. Tuluy-tuloy po iyong pagtulong natin, pero because of the ASF talagang may pagbaba iyong hog inventory natin. So, ang isang strategy ay kung ang mga countries na walang ASF ay puwede namang punuan iyan, galing sa ibang bansa during this time na kulang na kulang tayo ng mga pork or pork products.
Or another strategy or alternative, USec. Rocky, kasi naman itong mga meat products karamihan po ang makukuha natin niyan ay protina, tayo ay sobra-sobra naman sa manok ay isang alternatibo iyon na kung may tightness iyong pork and pork products ay iyong protein na requirements po ng isang Pilipino ay puwede namang punuan iyan galing chicken.
USEC. IGNACIO: Sir, bukod daw po dito sa ASF, paano rin ba nakakaapekto iyong ipinatutupad na anim na buwan na lockdown sa bansa sa ating meat at poultry production?
SEC. DAR: Well, iyong lockdown na iyan ay maraming nagsara na restaurant, alam natin lahat iyan, maraming apektado na institutional buyers ng poultry, that is why mayroon tayong sobrang imbentaryo sa poultry ngayon at tutulungan po natin ang poultry industry na makaahon via doon sa pamimigay natin ng 4 billion na cash and food assistance.
Now, ganito ang iskima noon, iyong P5,000 ay P3,000 cash na ibibigay, iyong 2,000 ay puwede nila bibigyan ng food kagaya ng bigas o chicken o itlog; ito, ganoon po ang arrangement natin.
So P2,000 worth of food will be given to them, hindi na cash, P3,000 lang iyong cash. At kung kokolektahin nila iyong value ng P2,000 ay may QR code na iyon, QR code at may mga outlets na puwede nilang kolektahin iyong bigas o iyong chicken o iyong itlog.
USEC. IGNACIO: Secretary, ano naman daw po iyong pinaplano ng Department of Agriculture upang maka-recover naman po mula sa epekto nga ng ASF sa bansa?
SEC. DAR: Iyon nga nasagot ko rin kanina na iyan. Mayroong dalawang pondo na—ginamit na namin iyong 400 million para magbigay ng mga livelihood projects sa mga apektado ng ASF backyard raisers—I mean, hog raisers na naapektuhan ng ASF. Ngayon mayroon ding another 400 million para sa areas na walang ASF at doon tayo magparami at magsuporta sa hog raising sa mga backyard, ika-cluster lang natin iyon. Now, sa next year tuluy-tuloy pa rin iyong pagtulong natin sa mga apektado ng African Swine Fever.
USEC. IGNACIO: Secretary, ngayong may apat na buwan na lamang po bago matapos ang taong 2020. Sinabi po ninyo na magkakaroon nga kayo ng pag-refocus sa bahagi ng remaining budget ng inyong ahensiya; maaari po ba ninyo kaming bigyan ng detalye tungkol dito?
SEC. DAR: Well ganito po, iyong budget requirement natin next year, ang proposal natin actually ay nasa more than 200 billion. Pero ang rekomendado—iyong National Expenditure Program 2021 ay nasa 86.3 billion ang naibigay na budget sa Kagawaran ng Pagsasaka.
Now, gusto ko ring banggitin USec. Rocky, na noong SONA ng ating mahal na Presidente, si Mayor Rodrigo Roa Duterte ay sinabi niya na 66 billion ang kailangan ng Kagawaran ng Pagsasaka para stimulus package ito to support the recovery of the sector.
Now out of the P66 billion, USec. Rocky, ay mayroon ng binigay ng Bayanihan 2 na 24 billion. So mayroon pang balanse doon sa P66 billion na P42 billion at ito na iyong sana maibigay na dagdag budget ng national government, ng Kongreso para pag idagdag mo itong P42 billion sa P86.3 ay magkakaroon tayo ng budget for next year totaling P128.3 billion.
At dito bibigyan natin ng malakas na suporta iyong livestock and poultry sub-sector, iyong fisheries sub-sector, iyong mga vegetables or high value crops na export plus iyong mga iba’t ibang basic commodities at iyong mga kailangan din na farm markets, mga food logistics, iyong mga trading post. So lahat po ay talagang mayroon na tayong plano kung paano magamit itong P128.3 billion for next year.
USEC. IGNACIO: Opo, iyon nga po ang sinabi ninyo na nasa ilalim ng Bayanihan to Recover as One, iyon pong P24 billion nga ay nakalaan pondo sa Department of Agriculture; so ano po iyong mga programang paglalaanan po nitong P24 billion pesos?
SEC. DAR: Okay, mayroong tatlong kategorya po kung saan gagamitin o ilalaan iyong P24 billion. Iyong first group natin dito Usec. Rocky ay tinatawag natin na Productivity Enhancement Projects, kagaya ng rice resiliency dadagdagan natin ng pondo. Kagaya iyong mga national banner programs, sa corn, sa high value crops, sa livestock, lahat po iyon, very relevant. So, mayroon tayong more than 8 billion na nakalaan dito sa Productivity Enhancement Projects.
Now, the second group or second area or group of projects ay tinatawag natin na Income Enhancement Projects. So kagaya ng mga trading post, mga cutting facilities, ng poultry, mga packing houses, para madagdagan iyong value adding in terms of packaging, lahat iyan, mga reaper vans. So mayroong more than P8 billion.
Now, the rest will be what we call—will be these are projects for social amelioration. Dalawang proyekto doon, number one, ito iyong expanded sure aid and recovery project na loan assistance ito para sa marginal small farmers and fishers at another category doon nabigyan ng budget na 2.5 ay para sa micro small agri-enterprises.
The second part of that social amelioration group ay iyong cash and food assistance for poorest of the poor farmers and fishers. Ganoon po ang general distribution ng 24 billion pesos na galing sa Bayanihan 2.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, maraming salamat po, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating publiko?
SEC. DAR: Again, maraming salamat, Usec. Rocky sa binigay po ninyo na pagkakataon na ma-appreciate naman ng publiko iyong kung ano po ang ginagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka doon sa problema natin ng African Swine Fever at saka kung ano po iyong mga tulong na naibigay po natin sa mga apektado at kung ano pa iyong mga tulong na puwedeng ibigay in the future. At the same time, ito nga ay iyong budget sana ng next year ay mayroon tayong total proposal of P128.3 billion and before the end of this interaction, you were asking also how did we allocate iyong 24 billion na galing po doon sa Bayanihan 2.
Now, my last message would be that, again we are still in the middle of the COVID-19 pandemic, we really have to continue to sustain efforts in terms of increasing food sufficiency levels for all the commodity industries in agriculture and seeing to it that this will lead to higher levels of food security for the whole country.
So with the umbrella program of the Department of Agriculture, plant, plant, plant program. This will continue to inspire everyone to be a part and encouraging our metro areas, populace to be a part of this plant, plant, plant program. This is of the household level, we also have community level in the various subdivisions of the metro areas. The Department of Agriculture will continue to help in many ways so that there will be enough food during this time that we are fighting COVID-19 pandemic and that the prices of the food commodities are acceptable, are affordable and in general stable.
So, iyon po ang tulong at gagampanan po ng mabuti ng Kagawaran ng Pagsasaka itong dalawang bagay. There is enough food for the whole country, sapat po ang pagkain at ang mga bilihin na galing sa agriculture, mga fruits, vegetables, rice, fish are affordable and should not figure in, in the inflation rate of the country. Marami pong salamat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Department of Agriculture Secretary William Dar. Stay safe, Secretary.
SEC. DAR: Salamat po, stay safe too, God bless.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito dumako naman tayo sap nakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarina Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarina Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
Ang public briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas o KBP.
Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay po kaugnay po sa ating mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
Samantala, 92 days na lang po Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin po ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, lagi pa rin nating tandaan na ang pagmamahalan at pagtutulungan sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko.
Mula po sa Presidential Communications Operations Office, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lamang sa public briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)