Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO:  Magandang araw po sa lahat ng ating mga kababayan sa buong mundo, ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO.

ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. Rocky. Tuluy-tuloy po ang ating balitaan tungkol sa iba’t ibang mga mahahalagang impormasyon sa ating bansa. Ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Simulan po natin ang ating talakayan ngayong October 21, 2020, araw ng Miyerkules.

Sa ginanap na public hearing ng Senate Committee on Health sa pangunguna ni Senator Bong Go, binigyan-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng health care system na siguradong tutugon sa pangangailangan ng mga tao. Ayon sa Senador, bago pa man magkaroon ng COVID-19 ay may kakulangan na talaga sa mga pasilidad at equipment para tugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga Pilipino.

Dagdag pa niya na sa kaniyang pag-iikot sa mga ospital sa bansa ay nakikita niya mismo ang paghihirap na dinaraanan ng mga Pilipino para makakuha ng medical treatment. Ilan sa mga panukalang batas na tinalakay sa public hearing ay may kaugnayan sa pagpaparami ng bed capacity ng ilang local hospitals sa bansa.

Kaugnay niyan ay nabanggit din ng Senate Bill 1226 o ang Proposed Department of Health Hospital Bed Capacity Rationalization Act.

Kasama rin sa mga tinalakay ang panukala na italaga ang Secretary of Finance bilang chairperson ng PhilHealth board of members dahil ang naturang ahensiya ay isa pa ring insurance corporation at kailangang pamunuan ng may alam sa fiscal management.

ALJO BENDIJO: Sa kaparehong public hearing sa Senado ay tinanong ni Senador Bong Go kay Department of Health Secretary Francis Duque III ang updates tungkol sa clinical trials para sa bakuna ng COVID-19 kung saan sinabi ng Kalihim na patuloy ang kanilang koordinasyon sa World Health Organization o WHO at DOST sa pangunguna ni Secretary Fortunato dela Peña.

Ayon kay Secretary Duque, may anim na tinitingnang posibleng vaccine o bakuna na dadalhin sa bansa. Anim na buwan din umano ang inaasahang itatagal ng Phase 3 ng clinical trials sa mga ito na matatapos sa Abril ng susunod na taon.

Sinabi rin ng Kalihim na bibigyan ng prayoridad ang mga health workers, frontliners at iba pang mga priority groups sa pagbibigay ng COVID-19 vaccine.

Pinaalalahanan naman ni Senator Go ang Kalihim na dapat ding unahin ang mga nasa poor and vulnerable sector dahil sila ang pangunahing nangangailangang magtrabaho araw-araw para mabuhay.

USEC. IGNACIO: Para mabilis o mapabilis ang economic recovery ng bansa, nararapat lang na magkaroon nang mas malaking suporta mula sa pamahalaan ang sektor ng turismo. Iyan ang naging pahayag ni Senator Bong Go sa ginanap na budget hearing ng Senate Committee on Finance kamakailan sa proposed 2021 budget ng Department of Tourism kung saan nagpahayag din siya ng buong suporta sa nasabing budget proposal.

Sa kabila ng malaking epekto ng pandemya sa turismo ng bansa, nagawa naman aniya ng Department of Tourism na makiisa sa mga programa ng pamahalaan na tutugon sa COVID-19 pandemic gaya na lang ng pag-o-organize sa mga sweeper at commercial recovery flights para tulungang makauwi ang mga na-stranded na turista at iba.

Sa huli ay sinabi ng Senador na kasabay ng pagpapalakas natin sa turismo ng bansa ay nararapat lang din na siguruhing mapapanatiling malinis at hindi masisira ang ating likas na yaman.

ALJO BENDIJO: No excuses sa delayed na pag-release ng pondo sa ilalim ng Bayanihan II, iyan po ang naging pahayag ni Senador Bong Go tungkol sa pondo na hanggang ngayon ay hindi pa umano nari-release ng Department of Budget and Management. Aniya’y minadali na ng Senado ang pagpasa sa Bayanihan II para agad matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.

Sa isang media interview, sinabi ni Senator Go na nakausap na niya si DBM Secretary Wendel Avisado. Sinabi naman ng Kalihim na mayroon na raw siyang marching order sa buong Kagawaran para rumisponde sa lahat ng budget requests sa 24 oras, ngunit hindi posible ang omnibus release dahil ang bawat requests ay kailangan pa ring dumaan sa tamang proseso.

Sa huli ay nagpaalala rin ang Senador na dapat makarating at maramdaman ng pinakanangangailangan ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa kanila sa ilalim pa rin iyan ng Bayanihan II.

USEC. IGNACIO: Muli ring nagpahatid ng tulong ang opisina ni Senator Bong Go para sa mga biktima ng sunog sa Davao City. Muling namahagi ng libreng facemasks, face shield, food packs at mga gamot sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay Panacan sa Lungsod ng Davao. Namahagi rin ng bisikleta at computer tablets ang Senador sa mga piling benepisyaryo sa lugar.

Sa pamamagitan naman ng Pangkabuhayan para sa Pagbangon at Ginhawa Program, nagbigay din ng negosyo kit ang Department of Trade and Industry sa tatlumpu’t apat na qualified na beneficiaries.

Nauna nang binisita ni Senator Go ang naturang lugar noong Agosto kasama ang DSWD, DOH, PCSO at Davao City Social Services. Bago pa man ang follow up aid distribution sa Barangay Panacan ay naabutan na rin ng tulong ang apatnapu’t pitong fire victims din sa barangay at sa ilan sa mga lungsod na rin ng Davao.

Bukod po sa COVID-19 pandemic, isa rin sa nagpapahirap po sa ating mga kababayan ang patuloy na pananalasa din ng African Swine Fever. At hindi lang po ang mga hog raisers ang apektado niyan kung hindi maging ang mga consumers din. Kaugnay niyan po ay makakausap natin si Secretary William Dar mula po sa Department of Agriculture. Magandang umaga po, Secretary, and welcome back po sa Public Briefing.

SEC. DAR: Magandang umaga po naman, Usec. Rocky. Kumusta po tayong lahat?

USEC. IGNACIO: Opo, mabuti naman po. Secretary Dar, ilang buwan na pong usapin itong ASF sa ating bansa pero hanggang ngayon po ay hindi pa rin naku-contain ang sakit sa mga swine o sa baboy. How many ASF cases po do we have as of recently; at may update po ba tayo, Secretary, kung ilan pong probinsiya pa rin po ang apektado ng African Swine Fever?

SEC. DAR: Twenty-five provinces po ay apektado ng African Swine Fever at apektado—almost 350,000 na iyong na-depopulate so this has some significant bearing doon sa ating hog industry. Pero gusto kong banggitin din, Usec. Rocky, na imbentaryo natin sa frozen pork, nandiyan na sa warehouses and cold storages, mas lalo dito sa bansa natin, Metro Manila even, ay nasa 55% more inventory compared po doon sa last year na pork inventory natin. So mayroon pa rin tayong sapat.

So mayroon tayong tinitingnan na minamanipula nila iyong paglabas ng frozen pork kasi mayroon naman nandiyan na sa mga cold storages natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Dar, ilang buwan na pong usapin itong ASF sa ating bansa pero hanggang ngayon po ay iyon na nga po ang nagiging problema pa rin. So far po, ilang hogs o swine na ang kinakailangang pong i-cull para talaga pong masabi nating na-contain natin ang sakit?

SEC. DAR: Mayroon na tayong datos. Almost 350,000 na iyong na-depopulate and it continues to be a threat to the Philippine swine industry, and let me further mention na there are just a few countries in the world which have successfully eradicated ASF. Pero it took them… kagaya ng Spain, 30 years. Other European countries are now even experiencing ASF intrusions and [unclear] among wild boar population. Dito sa atin, ito ay tinatawag natin na trans-boundary disease ng baboy. So it’s a very complex problem.

And ito—kung mayroon lang kooperasyon iyong mga nagbababoy at iyong mga hog traders ay puwedeng mapatay doon sa lugar na iyan, ma-contain at mapapatay iyong virus na iyan. Pero kapag kinalat nila by way of marketing this in other provinces, doon tayo nagkakaproblema kasi they are distributing the virus in other places in the country. So iyon po ang problema.

It’s like the COVID-19 as of now, wala pa namang bakuna or vaccine para hindi apektado iyong hog industry.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, paano naman po iyong mga backyard hog raisers? Last month po ay nasa halos 700 million pesos na raw po ang inilabas ng Department of Agriculture para po mabigyan ng assistance ang mga naapektuhang farm owners. Ano na po ang update dito, Secretary?

SEC. DAR: Continuous po iyong restarting of the hog industry. At doon sa mga areas na gaya ng probinsiya na naapektuhan pero mayroong mga areas within those provinces at doon namin inuumpisahan muli itong hog industry and helping, mas lalo na iyong small and backyard hog raisers. So, patuloy po iyon. And this is a big project that we are doing, doon sa mga apektado ng ASF ay nagbibigay kami ng iba’t ibang livelihood opportunities, livelihood projects.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, siyempre ang pinaka-epekto po nitong ASF sa consumers, iyong kakulangan ng supply ng baboy sa merkado dahil nga sa pagtaas ng presyo nito. So paano po nakikipagtulungan ang Department of Agriculture sa DTI para tugunan po ito?

SEC. DAR:  We are monitoring iyong prices sa merkado, pero beyond that, ang ginagawa po natin ay facilitating iyong pag-transport ng mga baboy o pork and beef coming from Mindanao to Metro Manila, from Visayas to Metro Manila. So mayroon pong ongoing facilitation po iyon na ginagawa po natin and very substantial lang iyong mga number ng hogs or mga volume of pork that’s been transported from Mindanao to Manila, from Visayas to Manila.  Pero idiin ko rin palagi itong imbentaryo natin, Usec. Rocky, na dito karamihan sa Metro Manila, mayroon tayong sobra-sobrang frozen pork at dapat ipalabas din ng mga nag-import o iyong mga bumili dito sa local, kasi ito nga, tightness of supply in the market. So, we will do what is necessary para mapalabas regularly itong mga nasa warehouses.

USEC. IGNACIO:  Secretary, bigyang daan ko po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Tanong po ni Joseph Morong sa inyo ng GMA 7, ang tanong po niya: Kung we have enough stock ng baboy and manok for the Christmas season?

SEC. DAR:  Okay, mamayang hapon mayroon kaming ugnayan with San Miguel at sila iyong nagsasabi na iyong hamon natin sa Christmas ay mayroong sapat na supply. Now, another thing is iyong gustong umangkat sa ibang countries, this time around, ito ay isang commodity na puwede naming payagan, kasi kulang iyong supply natin ng pork dito sa Pilipinas.

Number three iyong ating supplemental source ng protein ay mayroon tayong enough chicken, marami tayong imbentaryo ng chicken dito sa bansa. If we compare iyong datos ng imbentaryo last year kumpara ngayong taon because of the pandemic, ang laki po iyong hindi naibenta, 260% more inventory in chicken compared to last year.

Now, hopefully na ito ay magagamit na, mayu-utilize kasi nag-o-open na ang mga establisyimento, mga restaurants ang others at tumataas na rin iyong presyo, farm gate price ng chicken, nasa 86-88 na per kilo. So magandang pangitain po ito na nagri-recover na rin ang poultry industry. So highlighting once more that the chicken will be our alternative source of protein. So, please this is what is being projected now, iyong kakulangan po natin sa pork ay puwede namang punuan galing po sa chicken.

USEC. IGNACIO:  Ang question po ni Joseph Morong para sa inyo: Sino daw po iyong nagma-manipulate nang release of pork?

SEC. DAR:  Titingnan nga namin at iyong may mga cold storages ay imi-meeting namin kaagad at makiusap tayo na ilabas nila, ibenta nila iyong mga nasa cold storage nila.

USEC. IGNACIO:  Clarification din daw po ni Joseph Morong:  Kulang or madami po iyong pork?

SEC. DAR:  Marami pa tayong imbentaryo, if we compare iyong imbentaryo natin last year, the same period, mayroon tayong 55% more pork.

USEC. IGNACIO:  Ang question pa rin po niya: How much po should the pork and chicken sell?

SEC. DAR:  Well, mag-adjust kaunti iyan sa merkado, because of the supply. But,  once we will meet with these owners of these cold storages ay dapat hindi masyadong mataas po iyong sa merkado.

USEC. IGNACIO:  Opo, iyon lang po iyong mga tanong ni Joseph Morong. Marami pong mga kababayan natin ang bumaling po sa online selling ng iba’t ibang pork cuts or pork products usually po sa murang halaga. May paraan po ba ang Department of Agriculture o DTI para po ma-monitor kung ASF-free ang mga produktong ito?

SEC. DAR:  Nagpalabas na po ang National Meat Inspection Service (NMIS) na kung may mga report na ganiyan ay sila dapat ay ma-involved diyan para pupuntahan din nila agad iyong mga nagbibenta ng may sakit na pork, premium karne na may ASF.

USEC. IGNACIO:  Secretary sa ibang balita naman po. Sisimulan na rin daw po ng Department of Agriculture ang programa para i-introduce ang local food sa international market sa tulong po ng Department of Tourism. Papaano po ang pagpa-plano dito para gawin ito, Secretary?

SEC. DAR:  Well, this is a joint project with the Department of Tourism at ongoing po ang usapan.  What we will just have to do is produce enough and present the best of cuisine to the international market.

USEC. IGNACIO:  Secretary, kunin ko na lang po ang panghuling mensahe ninyo para sa ating mga kababayan?

SEC. DAR:  Gusto ko ring i-highlight dito po Usec. Rocky, na doon din sa concern natin sa pagbagsak ng presyo ng palay ay palagi naming tinututukan iyan. Ang National Food Authority kahapon, iyong council ay nag-approve kami ng roll over plan nila and now they can buy, have a market participation sa market buying ng 6% of total production. So malaking improvement iyan na involvement, engagement ng NFA.

Ganoon din ang mga local government units may pautang ang Landbank of the Philippines, naka-set aside P10 billion iyan, pero ang pautang nila as of now at 4.3 billion. Ganoon din ang mga multi-purpose cooperatives ay bumibili din. Alam natin na may pagbagsak and that is why mayroon din tayong ayuda na tinatawag natin, kinakasa na, approved na sa Senado iyong excess tariff na 2019 at saka 2020 ay mga almost 5 billion na iyon at iyon ay maibibigay sa almost a million na rice farmers tilling one hectare and below.  So aasahan po ninyo na nandiyan palagi ang gobyerno na tumutulong sa kanayunan. Alam natin na ang problema natin na kagaya ng kulang ng post-harvest facilities – kulang ang warehouses, kulang ang drying facilities, our milling facilities – iyon po ay panukala po natin dito sa 2021 budget ng Department of Agriculture.

USEC. IGNACIO:  Secretary, pasensiya na po, may pahabol pong tanong ang ating kasamahan na si Joyce Balancio ng ABS-CBN. Ang tanong po niya ay under the Bayanihan II: Mayroon na po ba tayong nakuhang pondo, especially iyong para pong assistance sa mga magsasaka, sa mga farmers?

SEC. DAR:  Iyong cash and food assistance ay wala pa, wala pa kaming natanggap po na pera na galing sa Bayanihan II.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Secretary sa inyong panahon. Secretary William Dar mula po sa Department of Agriculture. Ingat po at stay safe, Secretary.

SEC. DAR:  Ganoon din sa inyo po, God Bless.

BENDIJO:   Samantala, sunud-sunod po ang naging pagpasok ng mga bagyo sa ating bansa nitong mga nakalipas na linggo na isa rin sa dagdag na pahirap sa ating mga kababayan. ilang mga bagyo pa nga ba ang inaasahang papasok sa bansa?

Makakapanayam natin sa kabilang linya ng ating komunikasyon ang Deputy Administrator for Operations ng Office of Civil Defense, Assistant Secretary Casiano Monilla. Magandang umaga po Asec.

ASEC. MONILLA:   Magandang umaga rin sa inyo and sa ating tagapakinig.

BENDIJO:   Opo, Asec.—

ASEC. MONILLA:   Ako’y nagpapasalamat sa inyong pag-anyaya para makapagbigay-linaw sa mga katanungan tungkol sa mga—

BENDIJO:   This is Aljo Bendijo, ASec. at kasama din natin si USec. Rocky Ignacio.

ASec., sunod-sunod na malalakas na pag-ulan ang naitala ngayong buwan lang ng Oktubre at gaya nga po ng naging pahayag ninyo kahapon, inaasahang nasa lima hanggang walo pang bagyo ang papasok sa ating area of responsibility kung saan isa o dalawa dito ang maaaring magdulot ng pinsala ngayon pang mayroon pa tayong bagyo, itong Pepito. Papaano po to pinaghahandaan ng NDRRMC, ASec.?

ASEC. MONILLA:   Well, kagaya ng ano ko… for the past months, sinasabi na iyan sa atin ng PAGASA na pumapasok na tayo sa panahon kung saan nag-i-intensify doon sa kanilang sinasabi na La Niña that’s why iyong atin pong mga bagyo sa taon na ito ay medyo may kalakasan ang mga pag-ulan.

And historically, ito rin iyong mga buwan pagdating natin ng fourth quarter ay dito po ang karamihan ng ating bagyo that’s why we are saying through the estimate ng PAGASA na we will be experiencing around five to eight typhoons pa na darating sa atin of which baka mga dalawa nito ay malakas, epekto na rin ng climate change. Napansin na natin ito for the past several years na may mga bagyong pumapasok na napakalakas.

BENDIJO:   Opo.

ASEC. MONILLA:   So, iyan po ang ano po. Ang datos po natin na ginagamit ay iyong datos din na ibinibigay sa atin ng PAGASA. And ang NDRRMC po ay nakailang beses na nagpulong. Actually, before the typhoon Pepito, iyong typhoon Ofel eh nagkaroon na rin tayo ng pag-review sa mga regions na naapektuhan nito palagi for them to look into iyong mga areas kung saan malimit na bahain, tingnan na rin nila iyong kanilang mga contingency plans para immediately ma-evacuate natin ang ating kababayan kung ito ay threatened ng landslide o kung sakali man ay pagbaha.

So, ni-remind na rin natin sila na in case—to identify more evacuation centers para magkaroon tayo ng physical distancing. Maski po tayo nagmamadali para mag-evacuate we still have to ensure na iyong medical protocols because of the COVID-19 ay atin pa ring nasusunod.

BENDIJO:   Opo. Bukod sa bagyo, ASec., ilang araw lang ang nakalipas ay nagkaroon din tayo ng lindol dito po sa Occidental Mindoro. Although wala pa tayong equipment tama ho ba na makapagsasabi na may lindol o wala? Pero sa inyong tantiya po, para mapaghandaan natin ano, iyong posibilidad lang, ASec., dito po sa ganitong uri ng kalamidad.

ASEC. MONILLA:   Yes… oo. Mayroon din ang PHILVOLCS, mayroon sila iyong geohazard maps na kung ang ating mga kababayan ay puwedeng mag-log in doon at tingnan nila kung threatened ba iyong kanilang area kung saka-sakali man magkaroon ng lindol.

Tama iyong sinabi mo, Aljo, na wala pa talagang measuring data na mag-predict kung mayroong padating na lindol—

BENDIJO:   Opo.

ASEC. MONILLA:   At we have so many—ang PHILVOLCS po ay naglagay ng mga stations kung saan name-measure natin kung gaano kalakas ang mga lindol na nagaganap sa buong kapuluan ng Pilipinas. Kaya we are still continuing to put in more instruments para mas makita natin kung saan talaga tumatama ito at kung ano ang mga nagiging epekto nito sa atin.

So, for the past months, nag-raise na rin ng awareness si USec. Solidum sa atin at sa NDRRMC na tingnan iyong incidence ng earthquakes. Napansin kasi natin hindi—ito pong sa Mindoro ay although may kalakasan nga parang ano ito… it’s a movement diyan sa area na iyan na hindi madalas at ang napapansin natin diyan iyong doon sa Philippine Trench iyon po ang madalas na gumagalaw and ang Pilipinas naman nakakaranas ng mga lindol from three magnitude to sometimes iyon na nga po may paisa-isa o dala-dalawa na nasa magnitude five and above.

BENDIJO:   Opo. Sa mga nagdaang bagyo, ASec., at paglindol nitong mga nakaraang linggo, mayroon ba kayong updated na talaan kung ilang pamilya o indibidwal ang naapektuhan?

ASEC. MONILLA:   Dito po sa nagdaang bagyo po na Pepito, we are so fortunate na ano ito… wala naman po kaming—

BENDIJO:   Opo…

ASEC. MONILLA:  Wala naman po tayong nakitang casualties nito and salamat na lang po sa Diyos na tayo ay naprotektahan because… I also would like to commend iyong ating mga kababayan na sila ay very cooperative na rin kapag sinabi na mag-e-evacuate tayo specially kung threatened po iyong kanilang area.

So, ang data po natin for the different regions,-like for example for Region II, mayroon pong 184 families or 645 persons na preemptively na-evacuate; and sa Region IV-A naman, dito po lalong-lalo na din sa area ng Quezon ay nasa 4,790 pamilyang naapektuhan po ng ating kalamidad na bagyong Pepito. So, karamihan naman nito ay preemptively na-evacuate natin, ng kanilang mga local DRRM units at safe naman po ang ating mga kababayan.

BENDIJO:   Opo. ASec., mayroong katanungan ang ating kasamang si USec. Rocky Ignacio. USec.?

USEC. IGNACIO:   Opo—

ASEC. MONILLA:   Magandang umaga, USec.

USEC. IGNACIO:   Opo. Good morning po. May tanong po si Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: Bukod po doon sa nabanggit ninyo sa Quezon Province, kung may mga inilikas na po ba ngayon at ilang pamilya at saan-saan pong mga lugar daw po ito iyong naapektuhan po ng bagyong Pepito?

ASEC. MONILLA:   Well, ang naka-report po sa atin is ang Pampanga nagkaroon rin po ng paglikas although I don’t have the factual data kung—sa current data niya ngayon. Ang Region II po ay mayroong flooding, actually for the past several days tuloy-tuloy po iyong malalakas na ulan doon sa kanila that rendered even the overflow bridges impassable but good to note na ang Region II po na bridges ay passable na except for the Cabagan – Sta. Maria overflow bridge.

Sa region… dito po sa CALABARZON kagaya ng nabanggit ko ay 4,790 iyong families that were affected in 64 barangays and for [garbled] we have—For Cagayan – 171 families and Isabela – 168 families and for Quirino – tatlong pamilya po ang naapektuhan ng ating bagyo.

USEC. IGNACIO:   Okay. Maraming salamat po. Aljo?

BENDIJO:   Opo. USec. Thank you, USec. Rocky. ASec., dahil mahalaga ang kahandaan po ng lokal na pamahalaan sa mga kalamidad na posible pang pumasok sa bansa, paano po sila inaasistihan ng NDRRMC at papaano ninyo po mas pinaigting pa ang disaster and risk reduction management ng bawat local government unit (LGU) sa bansa?

ASEC. MONILLA:  Patuloy naman po ang ating mga regional offices at ang ating regional DRRM Councils and provincial DRRM Councils sa pag-review at pagtulong sa kanilang mga lokalidad upang ma-assess nila iyong current situation nila doon sa kanilang lokalidad, especially dahil sa ini-expect natin nga na mayroong mga kalamidad na padating. Since, July po, nag-raise na rin kami ng mga protocols, ni-review na rin natin iyong ating mga protocols para ma-input na rin ang COVID situation sa mga areas na ito at ang protocols natin ay maging compliant na rin po doon sa mga sinasaad ng ating IATF, especially on the medical protocols na kailangang sundin even in the evacuation centers.

So, patuloy po ang ating pagtulong sa kanila at mayroon din po tayong mga pre-positioned na mga non-food items na immediately ay puwedeng iasiste natin especially doon sa mga  naapektuhan ng baha and nagkakaroon ng pag-i-evacuate ng ating mga kababayan. So closely po ay nakikipagtulungan din tayo sa ibang mga ahensiya like DSWD to also pre-position ng kanilang mga food items para ang ayuda sa ating mga kababayan ay mas mabilis natin maipaabot, especially nang pagdating ng mga kalamidad sa panahon na ito ay ating nararanasan nang mas malimit.

BENDIJO:  ASec, ang inyong mensahe na lang sa ating mga manunood at nakikinig sa ating programa ngayong umaga.

ASEC. MONILLA:  Well, unang-una, maraming salamat po sa pag-imbita sa akin dito. At sa atin pong mga kababayan, i-expect, kagaya nang lagi ng binabanggit ng ating PAGASA and Phivolcs na aasahan natin ang mas malalakas na pag-ulan especially kapag dumarating po ang bagyo because of the effect ng La Niña. This will still continue until … expected hanggang first quarter of next year. So, para sa ating mga kababayan, patuloy po tayong makipagtulungan sa ating mga local DRRM councils. Alamin po natin ang ating mga dapat na paghahanda para sa pagdating ng kalamidad ay hindi po ito maging disastrous para sa ating mga komunidad, so iyon lamang po. Ang kailangan lang naman talaga ay pagtutulungan at saka impormasyon para ang ating mga kababayan ay madala natin sa safety. Iyon lamang po at maraming salamat po.

BENDIJO:  Maraming salamat po sa inyong panahon, Assistant Secretary Casiano Monilla. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO:  Samantala, muli nating kumustahin ang kalagayan ng ating mga kababayan sa bansang Kuwait sa ilalim ng pangangalaga ng ating embahada doon. Makakausap po natin si Chargé d’ Affaires Charleson Hermosura mula po sa Embassy of the Philippines na nasa Kuwait. Magandang araw po.

CDA HERMOSURA:  Magandang umaga po mula dito sa Kuwait.

USEC. IGNACIO:  Ang embahada po diyan sa Kuwait ay nakatuon sa pagtulong sa mga kababayan nating OFW na labis pong naapektuhan ng COVID-19. Nitong Hulyo po, nakapagtala ng nasa 23,000 na Pilipino po ang nawalan ng trabaho. Sa kasalukuyan po, ilan na po iyong bilang at paano po natin sila natulungan sa pamamagitan po ng AKAP program ng DOLE? May iba pa po ba kayong programa na ipinagkaloob sa kanila, sir?

CDA HERMOSURA:  Sa kasalukuyan po ay nasa 25,290 po ang natanggap na applications ng POLO-OWWA Kuwait para sa DOLE AKAP financial assistance. Ito pong bilang na ito ang atin pong basehan sa pagsabi kung ilan ang Pilipino sa Kuwait na nawalan ng trabaho o di kaya ay naapektuhan sa trabaho dahil sa pandemya. Sa ngayon po, naghihintay po tayo ng pagpupondo ng programang ito upang maging tuluy-tuloy ang ating pag-abot ng tulong sa pamamagitan ng programang ito.

May tulong pinansiyal din sa halagang $200 para sa mga nagpositibo sa COVID-19. Sa ngayon po ay nasa 639 ang mga aplikasyon para sa naturang programa na aming natanggap. Ito din ang ating sinasabing bilang ng mga nagkasakit ng COVID-19 na mga Pilipino dito sa COVID, at sa awa ng Diyos ay naka-survive. Nakapag-abot din po tayo ng 29,062 na food packs sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Sir, ulitin ko lang po ha, linawin lang po natin, mula po doon sa 25,000 o mula sa 23,000 na nauna pong nawalan ng trabaho hanggang sa kasalukuyan po, naghihintay pa po sila ng tulong mula po sa programang AKAP?

CDA HERMOSURA:  Mayroon na po tayong mga approved na 19,836 at sa bilang na iyon, nasa 10,000 na po ang nabayaran na po. Pero sa ngayon, naghihintay po tayo ng replenishment ng fund na ito para mas marami pa po tayong maabot na tulong doon sa mga na-approve na po.

USEC. IGNACIO:  Noong October 11 naman po ay nakapagpauwi tayo ng 310 na OFWs sa Pilipinas. Sa kabuuan po ay nasa mahigit 8,000 Pilipino po ang napauwi natin. Doon po sa maikling panahon na ito, paano po natin nagawang makapagpauwi ng ganito kadaming OFW? At sinu-sino po ang mga naging katulong ninyo?

CDA HERMOSURA:  Ang mga hakbang na ating ginawa ay ang pakikipag-ugnayan sa mga employers at sponsors para sila ang magpondo ng air tickets ng mga employees nila na gusto ng umuwi sa Pilipinas.

Pangalawa, maganda po kasi ang synergy ng embahada at ng mga attached agencies natin kagaya ng POLO-OWWA at nang mga panahon na mayroon pa tayong social welfare attaché ng DSWD. So, iyong synergy na ito ang naging dahilan maiahon namin lahat ng prosesong kinakailangan para maging matagumpay ang aming pagpapauwi.

Ikatlo, maganda ang representation ng ating mga kinatawan sa mga opisyal ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ng Kuwait. Magandang bilateral relationship at epektibong people-to-people relationship na aming nilinang sa mga nakaraang taon ang nakatulong dito. At aming ginamit upang makakuha ng kanilang suporta para sa aming mga repatriation.

Ikaapat, naging magtagumpay ang aming repatriation dahil sa aming pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas at ang kanilang suporta sa atin. So, kasama dito ang Department of Health, Department of Transportation, OWWA, Civil Aviation Authority of the Philippines, last but not the least malaking-malaki ang role ng aming mga opisyal sa Department of Foreign Affairs in ensuring to make these repatriations happened.

USEC. IGNACIO:  Sir, kamakailan lang po ay nakapagtala diyan sa Kuwait ng 739 new COVID-19 infections. Ayon naman po sa Kuwait Ministry of Health ay patuloy po iyong sinasagawang swab testing para po sa mga mamamayan diyan. Bukod po sa swab test, anu-ano pa po iyong patuloy na hakbang ng Kuwait government kontra COVID-19?

CDA HERMOSURA:  Sa Kuwait nagkaroon po ng iba’t ibang klaseng curfew at lockdown noong tumataas ang mga kaso. Natapos na po iyong yugtong ito ng pagkakaroon ng curfew at lockdown. Ngunit noong mga panahong iyon, mataas ang multa sa paglabag sa curfew dahil umaabot ito sa 10,000 Kuwaiti dinar o higit pa sa P1.6 million. Ang mga mag-aaral ngayon ay nag-aaral online. Maganda po kasi talaga ang internet signal dito. Nagkaroon ng public holiday dati mula Marso hanggang Mayo, ang buong bansa matagal na nagsara ang mga opisina ng pamahalaan ng Kuwait. Ang kinahinatnan naman po nito ay ang pagpapalawig ng mga residents visa hanggang ika-30 ng Nobyembre kung ang mga visa ay nag-expire mula ika-1 ng Marso.  Iyon nga lamang po, kasama ng pansamantalang pagsasara ng mga opisina ng pamahalaan ng Kuwait, nagsarado rin ang ibang mga opisina sa pribadong sektor at pati na rin ang mga negosyo na sanhi ng job displacement lalo na sa ating mga kababayan.

Sa ngayon po, kailangang magsuot ng face mask dito sa Kuwait kung tayo ay nasa pampublikong lugar, ang multa sa hindi sa pagsuot nito ay nasa 5,000 Kuwaiti dinar o mahigit kalahating milyong piso. May posibilidad po ng pagkulong nang hanggang tatlong buwan; at kung ang lumabag ay expatriate or migrant worker kasama ang OFWs, may automatic deportation po ito. Binabantayan ng Ministry of Commerce ang presyo ng pagbenta ng face mask. Gumagawa sila ng raid sa mga tindahang natagpuang nagbibenta ng mask sa presyong lagpas sa itinalagang price ceiling. Bawal po dito ang social gatherings tulad ng kasal at iyong kanilang kinahihiligang camping sa disyerto.

Nagkaroon po ng ilang buwang suspendido ng lahat ng incoming flights sa Kuwait, sa ngayon may incoming flights na po ngunit bawal pa rin ang incoming flights sa 34 na bansa. Nakakalungkot pong isipin, ngunit kasama ang Pilipinas sa mga bansang ito na bawal ang incoming flights.

Sa ngayon, ang ating mga kababayan sa Pilipinas na naglalayong bumalik sa Kuwait ay kinakailangang magpunta sa ibang bansa tulad ng UAE kung saan kailangan nilang manatili ng dalawang linggo at magpa-test doon ng COVID-19 na ang dapat ang resulta ay negative bago sila makauwi ng Kuwait.

Ang home quarantine po dito ay required sa lahat ng dumating galing sa ibang bansa, kasama dito ang requirement na ang mga naka-home quarantine ay mag-download ng app na nagiging paraan ng pamahalaan ng Kuwait upang mabantayan ang mga naka-home quarantine; masiguradong sila ay hindi lumalabas ng tahanan; makumusta sila o maging daan para sa mga naka-home quarantine na humingi ng tulong kung magkaroon man sila ng COVID-19 at maging malubha ang kanilang mga sintomas.

May programa rin ang Kuwait na tinatawag nilang limang hakbang patungo sa dahan-dahang pagbukas muli ng Kuwait. Dahil dito, maraming mga negosyong nagbukas muli [garbled] sinuspinde muna iyong huli at ikalimang yugto kaya sa ngayon, lahat ng opisina ng pamahalaan ng Kuwait at mga negosyo ay may more than 50% staffing lamang at pinagbabawal pa rin ang social gathering gaya ng kasal [garbled]; sarado pa rin po ang mga sinehan. So mahigpit po dito ngunit sumusunod naman po tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Marami tayong mga kababayan, sir, na nagtatrabaho sa mga klinika at ospital diyan sa Kuwait. So paano naman po natin pinangangalagaan ang kaligtasan ng ating mga kababayan diyan?

CDA HERMOSURA: So bilang embahada, pangkalahatan po ang ating approach. So madalas [garbled] post sa Facebook ng infographics, mga paalala, health protocols na galing sa official and trusted sources. We’re trying [garbled] to everyone through social media para makatulong sa ating mga kababayan [gabled] silang mag-ingat.

Mula nang magsimula ang malawakang pagbubukas ng mga opisina at negosyo sa Kuwait, wala naman po kaming natanggap na mga hinaing na kaugnay sa trabaho mula sa mga health care workers po natin sa Kuwait. Nananatili naman pong bukas ang embahada para sa kanila kung mayroon man.

I’m actually a registered nurse, so ang mga nurses po natin dito sa Kuwait at iba pang medical professional, medyo malapit po sa akin. So ako po, ang ginagawa ko po, I contact iyong ating mga contacts sa nursing and medical community dito sa Kuwait [garbled]. Kinakausap ko po sila, kinakamusta ko po sila, nag-a-update po sila sa akin. Sometimes a listening ear is enough and it’s therapeutic for all of us, and it helps na magkaroon sila ng positive mind-set na isa sa mga mahahalagang sandata panlaban sa COVID-19. So [garbled] capacity, iyon po iyong ginagawa ko po para sa mga health care workers po natin.

USEC. IGNACIO: Opo, maganda po iyan, sir. Para po makaagapay sa mga kababayan natin diyan sa Kuwait, para naman po makapag-ipon pa rin sila ng… sa kabila po ng pandemic ay inilunsad ninyo iyong Facebook page na itong PITAKA o Pinansiyal na Talino at Kaalaman. So anu-ano po iyong mga tips na nakapaloob dito, sir?

CDA HERMOSURA: Isa po iyang … iyong PITAKA is sabi ninyo nga, Pinansiyal na Talino at Kaalaman na hatid ng BDO Foundation, Bangko Sentral ng Pilipinas at OWWA.

So iyong mga tips po, una, hinihikayat ang lahat ng OFWs na magmiyembro sa OWWA dahil may mga benepisyo po ito lalo na kung sila po ay magkasakit o maging baldado. Ikalawa, hinihikayat sila [garbled] ng mga OFWs na magbukas ng bank account na magagamit nila sa pagpapadala ng salapi sa kanilang mga kamag-anak. Ikatlo, hinihimok ang lahat ng [garbled] na magbayad at huwag kalimutang magbayad ng utang dahil ito ay sakit ng marami sa ating mga kababayan, hindi lamang sa ibayong dagat. Ikaapat, magtipid po ng sampung porsiyento ng ating kinikita. Ikalima, sinabihan ng ating mga—sabihan ang ating mga kababayang OFWs ang kanilang pamilya na iyong kanilang pinapadala, itago iyong sampung porsiyento para ipunin o di kaya’y gawin pangnegosyo. Ikaanim, hindi kailangang magbigay sa lahat—o hindi kailangang pagbigyan ang lahat ng pabilin. Pagdating sa pananalapi, kailangan natin talagang [garbled].

Isa sa mga [garbled] na hindi naman tip pero parang naging refrain sa kalagitnaan ng awit ay ang pagpapahalaga ng pagkakaroon ng positive mind-set. Malungkot naman po kasi talaga ang buhay ng OFW – malayo sa pamilya, malayo sa kaibigan, malayo sa lupang iniibig. Kaya kahit hindi kabilang sa listahan ng mga tip, sinabi sa kanta doon po sa video na kung nalulungkot, kung nalulumbay, “Kapit lang, bes.”

Nilagay po namin originally noong Pebrero itong video sa aming official Facebook page bago iyong kasagsagan ng pandemya. Ngunit nilagay po [garbled] sa kasalukuyan dahil gusto po nating makatulong sa mga kababayan dito sa Kuwait sa pamamagitan ng pagpapaalala na maging matalino sa paghawak ng salapi. May mga kababayan kasi tayo na noong kasagsagan ng pandemya, sabi nga nila noong nagkaroon ng pansamantalang pagsasarado ng mga negosyo dito na may kasamang job displacements, naging malaking realization para sa kanila kung gaano kahalaga ang pag-iimpok.

Ngayong muling nagbubukas ang mga negosyo dito at unti-unting bumabangon po ang Kuwait at lahat ng mga empleyado including mga OFWs, it is really timely na magpaalala tayo kung gaano kahalaga ang matalinong pamamahala ng sariling pananalapi.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak, Chargé d’affaires Charleson Hermosura mula po sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait. Ingat po kayo diyan, sir.

CDA HERMOSURA: Kayo rin po. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Nasa 360,775 na po ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa bansa matapos itong madagdagan ng 1,640 cases kahapon. Three hundred sixty-nine po ang nadagdag sa mga gumaling o katumbas ng 310,642 total recoveries. Labimpito naman po ang nadagdag sa mga [OFF MIC]. Malaki po ang ibinababa sa bilang ng reported cases kahapon na umabot lamang sa 1,640 – ito na po iyong pinakamababa sa nakalipas na isang linggo.

Malaki rin po ang ibinaba sa mga lugar na pangkaraniwang pinagmumulan ng mataas na kaso. Una diyan ang Cavite na nakapagtala ng 86 cases, gayun din po ang Quezon City. Ang Batangas ay nakapagtala rin ng 69 new cases. Nasa ikaapat na puwesto ang Bulacan with 62 new cases. Hindi naman po nalalayo ang Lungsod ng Maynila na may 61 na bagong kaso ng COVID-19.

Samantala, umakyat naman ang bahagdan ng active cases sa 12% ng total cases, katumbas ito ng 43,443 cases.

ALJO BENDIJO: Karamihan o 83% ng mga aktibong kasong ito ay mild cases lamang, ang asymptomatic ay nasa 11.6% — ito iyong mga walang sintomas. Samantala, nasa 2% naman ang severe at 3.4% ang nasa kritikal na kundisyon.

Muli, ang aming paalala, maging BIDA Solusyon sa COVID-19. Kung kayo po ay lalabas ng bahay, huwag kakalimutang magsuot ng inyong mga facemasks, magdala ng alcohol. Huwag din kalimutan ang inyong quarantine pass, ganoon din ang listahan ng inyong mga bibilhin o mga gagawin sa labas ng bahay. Mainam din magdala ng bottled water at tissue paper. Ito ay mga simpleng paalala pero malaki po ang maitutulong upang labanan natin ang COVID-19.

USEC. IGNACIO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para po naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

ALJO BENDIJO: Puntahan po natin ngayon ang mga balitang nakalap naman ng ating mga kasamahan sa labas ng Metro Manila. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service. John, go ahead.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa mga kaganapan sa hilagang bahagi ng bansa. Mula sa PTV-Cordillera, magbabalita si Jorton Campana. Jorton, mukhang malamig ngayon sa Baguio. Kumusta ang weather diyan?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jorton Campana ng PTV-Cordillera.

ALJO BENDIJO: Mula naman diyan sa dakbayan sa Sugbo dunay balitang hatod ni John Aroa, PTV-Cebu. John, maayong udto.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa.

USEC. IGNACIO: Mula naman po sa Visayas, punta naman tayo sa Mindanao. May balitang hatid si Regine Lanuza ng PTV-Davao. Go ahead, Regine.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV-Davao.

ALJO BENDIJO: Pasalamatan natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa, maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay kayo!

USEC. IGNACIO: At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO.

ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Usec. Ako naman si Aljo Bendijo, at 65 days na lang Merry, Merry, Merry Christmas na!

USEC. IGNACIO: Samahan ninyo kami ulit bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)