Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang araw po sa lahat ng ating mga kababayang palaging nakatutok sa ating programa sa telebisyon man, radyo o sa online streaming. Ako ko ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Good morning, Aljo.

ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Ako naman si Aljo Bendijo at makakatuwang ninyo sa pagbabalita hinggil sa patuloy na mga hakbang ng pamahalaan kontra COVID-19.

USEC. IGNACIO: Atin na pong simulan ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Para sa ating mga balita ngayong araw ng Martes, October 20, 2020: Senator Bong Go nanawagan para sa mas pinahusay na health care system sa bansa sa pamamagitan ng mga repormang ipatutupad sa PhilHealth.

Sa ginanap na Senate hearing nitong Lunes ay nanawagan ang Senate Committee Chair on Health and Demography na si Senator Bong Go para sa mas responsive at mas pinahusay na health care system sa bansa, at ito ay magsisimula umano sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga reporma at pagbabago sa PhilHealth.

Sa nasabing pagpupulong ay pinag-usapan sa Senado ang suggestion na italaga ang Kalihim ng Department of Finance bilang chairperson ng PhilHealth. Binigyang papuri naman ni Senator Go ang pagsisikap ni DOH Secretary Francisco Duque III para matulungan ang mga kababayan nating apektado ng pandemya.

Sa kabilang bansa ay sinuportahan niya ang pagsusulong ng Senate Bill # 1829 upang masolusyunan ang mga naging suliranin ng PhilHealth; kung sakali mang maipasa ito ay mananatili bilang member ng board si Secretary Duque.

Hinikayat din ni Senator Bong Go na agapan ng PhilHealth sa mas madaling panahon ang kanilang naging hindi pagkakaunawaan ng Philippine Red Cross upang hindi maapektuhan ang kapakanan ng ating mga kababayan na kailangang sumailalim sa COVID-19 testing gaya ng ating OFWs, returning individuals, medical frontliners at marami pang iba.

[VTR]

ALJO BENDIJO: Samantala, good news pa rin: Muli na namang nagpahatid ng tulong sa ating mga kababayan ang tanggapan ni Senator Bong Go. Personal na namigay ng libreng pagkain, mask at face shields sa 980 market vendors na apektado ng COVID-19 sa Cainta, Rizal si Senator Go.

Bukod pa riyan ay namahagi rin siya ng mga tablets at bisikleta sa ilang mga indibidwal doon. At dahil po malapit ang kaniyang puso sa mga palengke ay pinaalalahanan ni Senator Bong Go ang mga market vendors doon na mag-ingat palagi at patuloy na tuparin ang mga protocol na ipinatutupad ng pamahalaan.

Noong araw ding iyon ay pinuntahan din ni Senator Bong Go ang pagbubukas ng Malasakit Center sa naturang lugar bilang pangunahing proponent ng Malasakit Center Act of 2019.

Sa hiwalay na insidente ay namahagi din ang opisina ng Senador ng pagkain, masks, face shields sa tatlondaan at limampung mga sepulturero ng Manila Memorial Parks sa Parañaque City. Nagbigay din sila ng tablets at bisikleta sa piling mga benepisyaryo.

Kung matatandaan ay tinulungan din ni Senator Bong Go ang isandaan at limampung mga residente ng Barangay Merville at isandaang pamilya naman ng Barangay Don Bosco na inabutan din niya ng tulong sa pakikipag-ugnayan sa DSWD.

USEC. IGNACIO: Aljo, pitong buwan na rin tayong nasa ilalim ng community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic. Marami ang nabago sa pamumuhay ng bawat isa sa atin. Marami ring sektor ng ating lipunan ang labis na naapektuhan. Kaugnay niyan po ay alamin natin ang patuloy na hakbang ng ating gobyerno upang tuluyan na itong masugpo sa pamamagitan ng National Task Force Against COVID-19, makakausap po natin ang Chief of Staff and Spokesperson ng Office of the Presidential Adviser for the Peace Process Assistant Secretary Wilben Mayor. Magandang umaga po, Asec.

ASEC. WILBEN MAYOR: Usec. Rocky and Aljo, magandang umaga po sa inyong lahat at sa mga nanunood ng inyong palatuntunan/programa. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., mahigit dalawang linggo na po nating ipinatutupad ang ikatlong yugto ng National Action Plan. So far, ano na po ang nakikita nating improvement sa ekonomiya kasabay din po ng ating public health safety; at maaari ninyo po ba itong isa-isahin natin?

ASEC. WILBEN MAYOR: Sa aspeto po ng kalusugan, nakikita po natin ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 lalo na sa National Capital Region, at dahil po dito ay patuloy din po ang pagbaba ng occupancy rate ng mga ospital at quarantine facility kaya hindi na nao-overwhelm ang ating mga health care workers.

Tungkol naman po sa ating ekonomiya, nakita po natin na tuluy-tuloy na ang panunumbalik ang operasyon ng iba’t ibang mga industriya lalo na sa transportasyon. Itinaas na po ang passenger capacity ng ating mga tren ng 30%; ibinabalik na rin ang motorcycle taxis; hinahayaan na rin ang mga edad na 16 to 65 na lumabas ng bahay para sa mahahalagang gawain; at nag-a-adjust na rin ang curfew hours sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ang National Action Phase III ay tinagurian nating transition plan sa tinatawag po nating new normal dito sa bansa. Sa nalalabing mga buwan po ng 2020, anu-ano po iyong mga aspeto ninyo na maaari nating… sabihing irebisa sa plano na ito o puwede rin pong idagdag? Anu-ano po ang mga ito?

ASEC. WILBEN MAYOR: Katulad po ng ating binigyang halaga noong mga nakaraang linggo, nararapat na ang ating National Action Plan ay evolving at dynamic sapagka’t marami pong mga aspeto ng ating COVID-19 response efforts ay kailangan nating i-adjust ayon sa pinakahuling datos at sitwasyon pangkalusugan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Halimbawa po nito, ang mga pagbabagong ating pinapatupad sa mga quarantine guidelines and protocols katulad ng curfew hours, edad ng maaaring lumabas, pagtaas ng bilang ng pasahero sa pampublikong transportasyon, at pagbubukas ng mga tourism spots. Lahat po ng mga desisyong ito na ating ginagawa ay base sa siyensiya at datos.

USEC. IGNACIO: Asec., nabanggit po ni Secretary Carlito Galvez na labis na bumaba na ang active cases ng COVID-19 sa bansa na mula po sa 88,000 active cases nitong August 15 ay nasa around 40,000 na lamang po ito. Sa tingin po ninyo, mas bababa pa ito sa pagtatapos ng 2020 dahil na rin sa mga efforts na ginagawa ng gobyerno at sa harap na rin po ng sinasabi nating medyo pagluwag ng mga restrictions?

ASEC. WILBEN MAYOR: Kami po sa National Task Force ay naniniwalang patuloy na bababa ang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na mga linggo at buwan, at ang susi po nito ay ang pagsunod ng mga alituntunin ng ating pamahalaan. Katulad po ng ating palagiang paalala, hindi po tayo dapat magkumpiyansa. Kung tayo po ay magpabaya at babalik sa ating mga dating nakasanayan, maaaring tumaas muli ang bilang ng mga kaso.

Habang hinihintay natin ang paglabas ng bakuna, ang pinakamahusay nating depensa ay ang pagsunod ng minimum health standards kagaya ng madalas na paghugas ng kamay, pagsusuot ng facemasks, face shield, pag-obserba ng physical distancing at pag-iwas sa matataong lugar. Ingatan po natin ang ating mga sarili upang ang ating mapangalagaan ang ating mga mahal sa buhay.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit din po ni Secretary Galvez na may negative growth ng COVID-19 sa Metro Manila. Ano po ang naging basehan natin dito?

ASEC. WILBEN MAYOR: Sa kasalukuyan po ay nasa 6% na lamang po ang ating active cases kumpara sa 20% noong September na may dalawang siyudad na po ang nakapagtala ng 90% recoveries. Ibig sabihin po nito, patuloy ang downward trend ng ating mga kaso. At ang mga ito ay indikasyon ng mahusay na pagpapatupad ng mga local government units at pagsunod ng ating mga mamamayan sa minimum health standards and protocols.

USEC. IGNACIO: Asec., bigyan-daan natin iyong mga tanong ng ating mga kasamahan sa media. Ito po ay mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Tanong po ito para kay Secretary Galvez pero ito po ang tanong niya: Last night, you reported that there was a decline in the COVID-19 cases in the National Capital Region, CALABARZON, Region IV-A and Central Luzon, ang Region III. But COVID-19 infections were increasing in Baguio City, in the Cordillera Administrative Region (CAR) and Ilagan City in Cagayan Valley, Region II? And what is the overall situation of COVID-19 infections in the whole country at present?

ASEC. MAYOR: In general po, kung titingnan po natin, kagaya ng nabanggit ko kanina sa NCR at iba pang mga lugar kagaya ng Cebu at Davao ay bumababa po ang COVID cases natin. Pero nakikita rin natin na mayroong mga pagtaas lalung-lalo nasa CALABARZON area, sa Region IV at iyong nabanggit mo nga kanina rin, doon sa Ilagan at saka sa Baguio City. Subalit ito po ay ating nirirespondehan at sa mga susunod na araw nga po, ang CODE teams natin ay pupunta sa mga lugar na ito para po mabigyan sila ng suporta, technical advice, guidance, as well as assessment ng mga CODE teams at kung ano pang mga kailangan nila ay dapat nating suportahan dahil nga po ang programang National Action Plan ay nakasaad po doon ang principle na nationally supported at locally led.

Iyan po ang focus ngayon ng ating pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., may tanong din po para sana ito kay Secretary Galvez. Mula po kay Joseph Morong ng GMA 7: Can we get the areas where there is an uptick in COVID cases as reported to the President last night?

ASEC. MAYOR: Kagaya rin ng banggit ko kanina, isa rito iyon ngang CALABARZON area (Region IV-A), mayroon po tayong nakikitang pagtaas. Iyon na po ang isa sa mga ni-report po ng ating chief implementer sa ating Pangulo at iyon po ay tutukan po natin. May mga ibang areas din po na nabanggit namin kanina na iyon nga po, iyong sa Baguio at saka sa Ilagan, Isabela.

But again, as per report ng ating chief implementer bago nga po siya pumunta sa ating Pangulo ay ang nakita nga pong pagtaas ng mga spikes po dito ng COVID-19 cases po ay karamihan po nito ay sa CALABARZON area.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Does this trend worry you and where do you attribute the increase?

ASEC. MAYOR: Mayroon na pong nakasaad na panuntunan kung paano po respondehan ang pagtaas po ng mga cases. Ang palagi pong panindigan ng ating chief implementer ay iwasan po iyong tinatawag na home quarantine dahil noon pa po iyon na nakikita nga po iyan po ang nagiging cause ng pag-spread or transmission ng COVID-19 dahil ito nga pong may infection ay nakakahawa rin doon sa mga nasa loob ng bahay.

Kaya iyon po ang palaging sinasabi niya, na as much as possible wala pong home quarantine dahil naman po ang ating pamahalaan ay mayroon na pong mga quarantine facilities na itinayo sa mga bawat lugar ng bawat region. Ito po ang isa sa mga nakikita natin na cause at mga solusyon at mga responde ng ating pamahalaan.

USEC. IGNACIO: ASec., aside from that, ano po iyong nakikita ninyong mga dahilan? Kasi katulad po niyan, sinabi ninyo nga po na may mga pagtaas sa mga ilang lugar na iyan pero nagluluwag po tayo ng restrictions?

ASEC. MAYOR: Despite nagluluwag tayo ng restriction, kailangan lang talaga dito, as we have always emphasize at binibigyan natin ng halaga, ang pagsunod nga po doon sa minimum health standard – pagsusuot ng face mask, face shield at paghuhugas ng kamay, maintain natin ang social distancing. Dito naman po sa transportasyon, mayroon pong bagong panuntunan na ibinibigay, iyong ‘7 commandments’ na inilahad ng ating Department of Transportation.

Itong mga panuntunan na ito, ito iyong mga minimum na dapat sundin ng ating mga mamamayan. Huwag tayong makalimot na sundin po ito dahil basic po ito na mga alituntunin na nakikita ng ating mga siyentipiko at mga doktor na kapag ito ay ating sinunod ay definitely mapapababa po natin ang confirmed cases natin. Sabi nga, we have to live with the virus but we have to ensure that this minimum health standards should be strictly observed by the public and of course by everybody.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., sa inyo naman pong opinyon, ano po iyong mabuting naidulot ng mas pinahabang implementasyon ng community quarantine measures sa buong bansa lalo na ngayong buwan ng Oktubre? Hindi po kagaya ng dati na every two weeks, kasi nag-aanunsiyo ng bagong quarantine category si Pangulong Duterte?

ASEC. MAYOR: Sa pinahaba pong implementasyon ng community quarantine ay nagkaroon po tayo ng pagkakataon na mas ma-refine pa ang ating mga polisiya at guidelines upang mas matugunan ang sitwasyong pangkalusugan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nagkaroon din tayo ng oras para palakasin ang mga health facilities at testing capacities.

Nalalaman din po natin kung ang mga polisiyang dapat nating baguhin o mas paigtingin pa ang implementasyon habang ipinapatupad din natin ang community quarantine. Nabibisita din natin ang mga lokal na pamahalaan ng mga CODE teams at nakikita natin kung paano nila tinutugunan ang mga hamon na dulot ng pandemya. Dito din natin nalalaman ang kanilang mga best practices na maaari o pamarisan ng ibang mga local government units.

USEC. IGNACIO: Okay. ASec. Mayor, ano na lang po iyong mensahe nating nais ipaabot sa ating mga kababayan, pati na rin po sa ating mga kasama na patuloy pong nagsisikap para tuluyang masugpo itong COVID-19?

ASEC. MAYOR: Sa ating mga frontliners – mga doktor, mga nurses, medical technicians, iba pang medical personnel, sundalo, pulis at barangay tanod at sa lahat na tumutulong, maraming salamat sa inyong sipag, tapang, dedikasyon sa gitna ng mga hamon na dulot ng pandemya. Sa ating mga lokal na pamahalaan, patuloy ninyong palakasin ang inyong COVID-19 prevention at mitigation measures.

At sa pribadong sector, maraming salamat sa lahat ng inyong naitulong sa pamahalaan upang paigtingin ang ating laban sa COVID-19. Sa ating mga kababayan, magkaisa at magtulungan po tayo para masugpo natin ang COVID-19. Ang inyong ibayong pag-iingat at pagsunod sa health guidelines ay malaking kontribusyon upang tuluyan nating mapababa ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

Sa ngalan po ng ating chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. ng NTF COVID-19, maraming salamat po at magandang umaga po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Assistant Secretary Wilben Mayor. Mabuhay po kayo. Stay safe, ASec.

ASEC. MAYOR: Salamat po.

BENDIJO: At samantala, para pag-usapan naman ang mga pinakahuling recommendation ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force patungkol sa ilang quarantine guidelines sa kalakhang Maynila, makakapanayam natin ang General Manager ng Metro Manila Development Authority, General Manager Jojo Garcia.

Magandang umaga, GM Jojo.

GM GARCIA: Good morning, sir Aljo, good morning po at Usec. Rocky, good morning po.

BENDIJO: Opo. Kasama din natin si USec. Rocky, GM. Nirekomenda ng MMC po—

GM GARCIA: Yes, USec.

BENDIJO: Opo. —na isasailalim na sa GCQ – recommendation ng MMC – ang GCQ sa Metro Manila hanggang December, i-extend natin by December. How did the MMC come up with this suggestion, GM?

GM GARCIA: Okay. That was I think two weeks ago nagkaroon kami ng botohan po at sa pagsunod naman po sa direksiyon ng IATF na gradual ang opening ng lahat. So, mas maganda siguro kung GCQ tayo hanggang December 31 as long as iyong mga sa economic activity diri-diretso ang pagbubukas. Kasi nga po napakahirap naman kung MGCQ tayo kaagad, biglang open na tayo at saka tayo maghihigpit, magkaka-resistance iyan. ‘no.

At nakita naman po natin na ang buong NCR mayors natin, 100% ang support sa ating economic team kaya nga po iyong curfew natin in-adjust natin ng 12 (P.M.) to 4 (A.M.), at iyong paglabas po ng APOR na 15 to 65, ginawa pong 18 to 65. Kung 18 to 65, hindi po tayo medyo malayo doon 15 kasi nga po alam naman po natin ang Metro Manila nasa GCQ at hindi pa ganoon ka-stable. Maganda naman po ang numero natin ngayon [garbled] active cases, so, we just want to maintain it kaya iyong pag-open is really gradual.

BENDIJO: Opo. Usually naman ay ina-adopt ng IATF ang mga suhestiyon ng MMC lalo na po dito sa Metro Manila, GM. Sa tingin ninyo ba ay mangyayari po ito at ano po ang pinakahuling impormasyon/update ng inyo pong communication with IATF regarding this?

MMDA GM GARCIA: Halos every week po ‘no ang ating 17 mayors ‘no ka-meeting namin ang IATF secretaries, almost complete po sila lagi diyan ano sa pangunguna ni Secretary Año, Secretary Lorenzana, Secretary Duque, Secretary Lopez, si CabSec Nograles, Secretary Vince Dizon, si Sec. Charlie Galvez ‘no. So [garbled] lahat ‘no at ‘pag kami po ay nagkakaroon ng pagpupulong, talagang pinapakinggan po tayo ng national government, kaya nga po tuwang-tuwa din ang ating mga mayors at least kahit iyong mga resources [garbled] Oplan Kalinga nakasuporta po lagi ang national government.

At maganda naman po iyong sinabi ng IATF secretaries na gumagawa po ng guidelines ang national government pero ang nagpapatupad po dito is really iyong LGUs ‘no, mas kabisado nila iyong nangyayari sa mga siyudad nila kaya nga po napakaimportante ng boses ng ating mga local government mayors. Usually po ano [garbled] meeting ng IATF secretaries, nagkakaroon kami nang kami-kami lang na pagpupulong ‘no pero of course, mayroong pagtatalo diyan, may debate, may suhestiyon pero at the end of the day kung ano po iyong majority iyon po ‘yung pini-present namin sa IATF at lahat naman po ay nakikisali at nakikisama.

MR. BENDIJO: Opo. Tungkol naman sa curfew hours. Magpapasko na po GM at siyempre malapit na iyong Simbang Gabi at ang simbahan naman po ay willing na mag-adjust sa oras ng misa kung kinakailangan. Iyong iba naman sinasabi mag-o-online na lang, iyong kanilang misa. Pero ang suhestiyong ng MMC, Metro Manila Council, eh puwedeng iurong pa iyong curfew mula alas dose nang madaling araw hanggang alas tres nang madaling araw. Ito ba’y naidulog na rin sa IATF, GM?

MMDA GM GARCIA: Tama po iyon ano. Kasi nga po ina-anticipate natin na magkakaroon ng Simbang Gabi at maganda lang ‘no nag-increase na rin po tayo ng capacity ng church, ginawa nang—nag-suggest kami, of course upon approval of IATF, na gawing 30% na ang capacity ng church kasi nakikita nga ng mga mayors natin at spiritually/mentally talagang [garbled] face-to-face ang [garbled]. So ngayon by December po siguro, iuusog natin ng 12 to 3 A.M. ‘to para bigyang-daan sa December 16 iyong Simbang Gabi.

Sabi nga ng mga church leaders natin dahil 30% lang ang capacity, dadamihan na lang nila po iyong misa ‘no – magsisimula ng 3 A.M., then 4 A.M., then 5 A.M. and so on and so forth ‘no. At least sa ganito po kahit 30% lang ang capacity madaming masiserbisyuhan so iyon po iyong dahilan po noon.

MR. BENDIJO: Opo. Napag-usapan na ba kung puwede na itong mga Christmas bazaars, night markets at ang pag-extend ng mall hours until midnight, GM?

MMDA GM GARCIA: Hindi pa po na-discuss ano pero of course we will support ‘no kung alin po iyong puwedeng makatulong sa atin. Pero iyong health protocols talaga nandoon pa ‘no. Sabi nga ng mga mayors natin noong simula po nag COVID 19 [garbled] masyado nating kabisado iyong virus na iyan, lagi po tayong namimili between health and economy ‘no. [Garbled] health or economy. Ngayon po natutunan na natin iyan, it should be [garbled] economy ‘no. We need to live by—iyong virus na ‘to.

So iyong talagang nga sale, mga tiangge ‘no puwede pong payagan iyan, of course sa pakikipag-coordinate din sa DILG ‘no kasi kung may mga tiangge may mga kalsadang isasara, kailangan nating pag-aralan po maigi iyan.

Iyong [garbled] extended hours, siguro part na rin iyan kaya in-extend natin ang curfew para magkaroon din sila ng activities.

Ang talagang ipinagbabawal Christmas parties ‘no, sa amin po sa MMDA po nagbigay na po ng order si Chairman Lim na wala nang Christmas party at ang iniengganyo po ‘no, ini-encourage natin ang mga private sector na wala na ring Christmas party ‘no kasi ito po talaga magsisimula pag-transmit ng virus dahil nga may mass gathering, magkakaroon ng party, magkakaroon ng games [garbled] para maiwasan na lang eh ini-encourage na huwag nang mag-Christmas party.

MR. BENDIJO: Okay. So, ano pong mga suhestiyon ninyo kung iyong iba lalo na sa pribadong sektor na gusto po nilang magkaroon ng konting pagtipun-tipon ngayon pong Kapaskuhan, GM?

MMDA GM GARCIA: Ay, hindi po talaga pupuwede ‘no kasi nga mass gathering po iyan. Alangan naman tayo mag-Zoom itong Christmas party; iyong mga bonuses, fun games, iyong mga raffle puwede naman pong i-raffle iyan nang walang presence ano. So madami naman pong paraan ‘no para ma-celebrate natin iyan. Ang importante kasi ayaw na nating bumalik sa dati, maganda po iyong numero natin. Ang hirap naman na papayagan natin lahat ng mga mass gathering na ganiyan at pagdating ng January balik na naman tayo sa MECQ ‘no.

Sabi nga natin, unti-unti na na nagbubukas ang ating ekonomiya, huwag po nating sayangin ‘no iyong—huwag nating biglain, kumbaga gradual po talaga lahat. Kahit nga po iyong mga puwedeng pumasok sa restaurants, sa malls, sa ganiyan limitado [garbled] hindi todo at pati iyong paglabas sa bahay ‘no.

Sabi nga ni Secretary Año the other day noong meeting namin, siguro iyong mga leisure na paglabas medyo huwag na muna natin [garbled] sa mga tao ‘no. Talagang importante lang lumabas kayo ng bahay, kailangan ninyong magtrabaho, bibili kayo ng essentials.

Ang payo lang po talaga natin diyan is if ever talaga hindi ninyo kayang iwasang hindi lumabas, eh siguraduhin lang iyong minimum health protocols gawin po natin ano – iyong wearing of face mask, face shield, physical distancing, paghuhugas ng kamay.

Nakita naman natin natututo na iyong ating mga kababayan kaya pababa po ang numero ng NCR kahit po dumadami ang tao sa labas.

MR. BENDIJO: Opo. Mensahe na lang po GM Jojo sa atin pong mga tagapakinig at nanunood sa mga oras na ito.

MMDA GM GARCIA: Sa atin po ‘no, sa ating mga mayors po, tayo pong mga nakatira rito sa NCR, responsibilidad na po natin na [garbled] ang ating mga sarili. Tayo na po frontliners ‘no, ang medical frontliners sila po ang gagamot sa atin ‘pag tayo po ay nagkasakit.

At lagi po naming pinapaalala mayroon pong pag-aaral ang WHO at DOH na kung tayo po’y nag-face mask at face shield, 97% ang tiyansa nating hindi mahawa or makahawa, physical distancing [garbled] ay 100. So kung lahat lang po tayo susunod sa tamang protocols, in two week’s time or in three week’s time [garbled] ang ating problemang COVID ano.

So ang paalala po ulit, tayo po mismo ay mag-ingat, alagaan natin iyong mga sarili natin. Hindi ho porke’t lumuluwag at nagbubukas ang ekonomiya eh nawala na po iyong virus. Nandiyan pa rin po iyon pero we need to live ‘no side by side with the virus. Huwag tayong matakot at kung tayo po’y susunod lang sa health protocol magiging safe po tayo.

MR. BENDIJO: Maraming salamat sa pagpapaunlak General Manager Jojo Garcia ng MMDA. Stay safe po.

MMDA GM GARCIA: Maraming salamat po. Stay safe po. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ito, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Simula October 15 ang Philippine Coast Guard po ay bumalik sa manual encoding bago ang pagsusuri ng swab samples ng mga Returning Overseas Filipinos (ROFs). Alamin natin kung paano nito naapektuhan ang proseso. Makakasama natin ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard si Commodore Arman Balilo. Magandang umaga po sa inyo, sir?

COMMODORE BALILO: Usec. Rocky magandang umaga po. Magandang umaga po sa lahat ng inyong tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Sir, dahil po doon sa manual encoding ay napahaba po iyong proseso at na-extend iyong pagri-release ng swab results ng Returning Overseas Filipinos (ROFs). So, papaano na po ang ating proseso ngayon at ilang araw po daw ang naidagdag sa proseso?

COMMODORE BALILO: Tama ka diyan, Usec., kung dati ay tumatagal na lang ng isang araw iyong pagkakaroon ng resulta ng swab test, eh dahil nga doon po sa nangyaring (communication cut)

USEC. IGNACIO: Nawala sa linya natin si Sir. Hintayin nating makabalik sa linya ng ating komunikasyon, si Sir Arman Balilo ang spokesperson ng Philippine Coast Guard.

COMMODORE BALILO: Usec. punta muna tayo sa mga reports kung ready na. Ah wala pa. Wala muna tayong Christmas party, Usec.

USEC. IGNACIO: Pero mabuti rin naman na iyon, kasi kung safety ang pag-uusapan, puwede na rin iyon. Sabi nga ni Sir Jojo Garcia na iyong mga pa-raffle naman puwede namang gawin daw sa online, sa zoom. Di ba, kapag nagpapa-raffle, oh kapag wala dito, so wala na iyong kukuha ng panibagong mananalo. So ngayon talagang lahat, kung naka-online, kasama lahat sa raffle.

BENDIJO: Online na lahat ngayon dahil sa pandemya. Sana matapos na ito.

USEC. IGNACIO: Tayong dalawa, pinag-uusapan natin raffle.

BENDIJO: Samantala, alamin natin ang pinakahuling mga balita. Punta muna tayo diyan sa Cordillera. Kasama natin mula sa PTV-Cordillera, si Breves Bulsao, live, Breves?

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Maraming salamat Breves Bulsao ng PTV-Cordillera.

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si Commodore Arman Balilo, ang spokesperson ng Philippine Coast Guard. Sir Arman?

COMMODORE BALILO: Hello.

USEC. IGNACIO: Opo, pasensiya na po naputol tayo kanina, Commodore. Ito po iyong tanong ko kanina, ulitin ko lang po, dahil po doon sa manual encoding, napahaba po iyong proseso at na extend nga daw po iyong pagri-release ng swab results ng Returning Overseas Filipinos (RFOs). So paano na po ang ating proseso ngayon at ilang araw daw po iyong nadagdag sa proseso?

COMMODORE BALILO: Tama po kayo, diyan Usec. Kung dati po isang araw na lang iyong pinaghihintay ng ating mga kababayan, bumalik po tayo sa manual operations na katulad po ng ating ginagawa nang mga unang buwan ng lockdown nang dumating iyong ating mga OFWs. So pagdating po sa airport, katulad ng dati, imbes na CIF po na pini-fill-up-an bago po dumating dito iyong sa website ng Red Cross, eh ngayon po ay ini-interview namin isa-isa iyong mga OFWs, kinukunan ng background at pagkatapos po noon, kinukunan ng swab test, maging iyon po dati na mga specimen po ay nilalagyan na rin po ng manual na pangalan at kung kailan na-swab, hindi katulad dati na bar code.

At iyan po ang naging dahilan, kung kaya po nagtatagal nang hanggang apat o mga limang araw po iyong ating pag-release, iyon po ang procedure. May instruction na po si Admiral George Ursabia, ang amin pong commandant, na magdagdag ng mga tauhan para po maibsan o para mapadali po iyong manual procedure na ginagawa at magtalaga po ng mga IT personnel para po makapag-improvise kung paano iyong automation naman ay ma-improve namin.

USEC. IGNACIO: Opo, talagang medyo mahaba-haba iyong ating apat na araw Commodore, pero saan po pinatutuloy ang ating mga kababayan na naghihintay sa kanilang swab test result?

COMMODORE BALILO: Iyong mga quarantine facilities po na itinakda po ng OWWA, iyong mga hotels po na ibinigay ng OWWA, doon po sila tumutuloy. At mayroon din naman po dito sa Eva Macapagal Terminal na mina-manage po ng Philippine Coast Guard doon po sila puwedeng tumuloy doon sa mga quarantine facilities na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. I understand din po ay pansamantala lang ito, Commodore. Pero kailan po natin maasahan iyong pagbabalik nito sa normal o iyong sinasabi nating mas mabilis na proseso po sa paglabas ng resulta ng mga pag-swab test?

COMMODORE BALILO: Well, ginagawa po natin ang lahat ng paraan para kahit na hindi po magkaroon ng resolusyon pa sa lalong madaling panahon iyong problema ng Red Cross at ng PhilHealth. On our part, nagpadala na nga po kami ng mga tauhan, mga IT personnel, para po magaya natin kung anuman iyong sistema na pinaiiral ng Red Cross. At sa loob po ng lalong madaling panahon ay maresolba natin itong delay.

Usec. Rocky, ang result po ay hindi po manggagaling sa Coast Guard. Iyong mga mate-test po, pupuntahan po ninyo iyong website ng Bureau of Quarantine, doon po kayo magpa-follow up at doon po ilalabas iyong mga email or iyong posting sa kanila pong mga portals kung kayo po ay negative.

USEC. IGNACIO: Opo, sa kasalukuyang sitwasyon ng Coast Guard tungkol dito sa swab testing po, ilan po iyong kayang iproseso sa loob ng isang araw, para po maintindihan ng ating mga Returning Overseas Filipinos (RFOs)?

COMMODORE BALILO: Usec. nakipag-usap na po ang aming Chief Medical Service Officer, si Dra. Eden [unclear]. Noong una po namroblema kami sapagkat may mga quota iyong mga hospitals na pinagdadalhan natin, pero kahapon po nakapagbuo ng 12 hospital na kung saan tatanggap po ng mahigit na 4,000 po na mga swab test specimen na puwede pong i-process. So ang magiging capacity po sa isang araw po, kaya po ng mga apat na libo hanggang apat na libo limang daan (4,500) po na iti-testing.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko lang po Commodore, inaayos po ninyo iyong para magkaroon ulit ng mabilis na proseso. So, kailangan po ninyong magdagdag ng mga personnel para po makatulong dito sa pagpapabilis ng proseso?

COMMODORE BALILO: Ganoon po ang instruction ni Admiral Ursobia, Ma’am. In fact, mayroon na pong mga nauna, pati iyong mga naka-off sa shift nila ay pinatutulong na po muna para po iyon nga maibsan natin iyong delay at mapadali po iyong sistema.

USEC. IGNACIO: So, mga ilan po iyong kakailanganin na dagdag na personnel ng Coast Guard?

COMMODORE BALILO: Wala pa naman po tayong number na tinitingnan dito, pero ang talaga pong kailangan namin iyong mga IT personnel, mayroon naman pong sapat na mga tauhan na maidadagdag. Bagama’t marami pa pong trabahong iba iyong Coast Guard, pero mayroon kaming mga bagong graduates galing po ng Mindanao at Visayas at maging sa Masbate na puwede pong pumuno doon sa pangangailangang tauhan ng Philippine Coast Guard.

USEC. IGNACIO: Commodore, may mga paalala po ba kayong nais ipaabot sa ating mga kababayan na bibiyahe pabalik ng Pilipinas?

COMMODORE BALILO: Opo. Maaga pa po ay makipagtulungan na po kayo, maglalagay din po kami ng Facebook page ng Philippine Coast Guard na mga bagong procedure na dahil wala pa po iyong sa Red Cross. At doon muna tayo mag-usap kung may mga tanong po kayo, pumunta po kayo doon sa Philippine Coast Guard Facebook page.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon Commodore Arman Balilo, ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard.

COMMODORE BALILO: Salamat po, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang mga kaganapan sa Cebu, kasama si John Aroa. John?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa ng PTV Cebu.

BENDIJO: Magbabalita naman diyan sa Davao City to Julius Pacot. Julius, maayong ugto.

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Maraming salamat Julius Pacot ng PTV Davao.

USEC. IGNACIO: Samantala kahapon, October 19, 2020, ay nakapagtala ang Department of Health ng 359,169 total confirmed cases ng COVID-19 sa bansa matapos itong madagdagan ng 2,638.

310,303 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling na kahapon po ay nadagdagan ng 226; habang 26 naman ang nadagdag sa mga nasawi na kabuuan ay nasa 6,675 na.

Kahapon ay muli namang umangat ang bilang ng reported cases mula sa mahigit 2,300 noong linggo ay umangat ito sa 2,638 kahapon.

Sa Quezon City pa rin nagmumula ang pinakamataas na bilang ng kaso na nakapagtala ng 141 new cases kahapon. Ang Cavite ay nasa ikalawang puwesto with 140 new cases; sumunod naman ang Laguna, with 128 cases. Hindi naman nalalayo ang Batangas na may 120 na bagong kaso. Nasa ikalimang puwesto ang Rizal na may 108 cases.

BENDIJO: Umangat naman ng bahagdan ang active cases mula sa 11.2% ng total cases noong linggo; ito ay umangat ng 11.7% kahapon o katumbas ng 42,191 cases. Sa bilang ng active, 3.6% nito ay nasa critical na kondisyon, 2.1% ang severe at 11.3% naman ang walang sintomas o asymptomatic. Malaking bahagi or 83.1% ay mild cases lamang.

Samantala, hindi po kami magsasawang magpapaalala po sa inyo na maging BIDA Solusyon sa laban na ito kontra COVID-19. Bawal po ang walang mask, ugaliin po natin ang pagsusuot lalo na kung tayo po ay lalabas ng bahay. Ang pagsusuot po ng mask ay pagpapakita rin ng paggalang sa mga taong ating nakakasalamuha. Muli po maging BIDA Solusyon sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Para po sa inyong katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 maaari po ninyong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman po sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Pasalamatan na rin po natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo.

At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, USec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Thank you, Aljo.

BENDIJO: Thank you so much, USec at ako naman po si Aljo Bendijo. 66 days na lang po at Merry Christmas na, Pasko na!

USEC. IGNACIO: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)