USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Samahan ninyo kaming muli sa aming patuloy na paghahatid ng mahalagang impormasyon na dapat malaman ng bawat Pilipino.
BENDIJO: Kasama ang mga kawani ng pamahalaan, isang oras ng makabuluhang talakayan kaugnay pa rin sa mga hakbangin ng pamahalaan para labanan ang COVID-19 ang aming inihanda ngayong araw ng Sabado. Ako po si Aljo Bendijo. Good morning, Usec.
USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina DSWD Secretary Rolando Bautista, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire at Batangas Governor Hermilando Mandanas.
Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng aming programa sa PTV Facebook page.
BENDIJO: At una po sa ating mga balita, nanawagan si Senator Bong Go sa lahat ng mga Pilipino na magkaisa at magtulungan ngayong nahaharap pa rin ang bansa sa mga hamon dulot pa rin ng COVID-19. At kaugnay diyan nagpaabot ng tulong ang tanggapan ng senador sa ilang residente sa Cebu City, apatnapu’t pitong benepisyaryo na nabigyan ng mga pagkain at vitamins, reusable medical grade masks, at face shields. Ito ay upang hikayatin ang lahat na makiisa sa pag-iwas sa pagkalat ng virus. Dagdag pa riyan, nagpamahagi rin ng bisikleta sa piling mga residente na bahagi ng poorest sections ng komunidad. At sa pamamagitan naman ng AICS Program ay nakapagpaabot ang DSWD ng cash aid at karagdagang mga pagkain sa mga nasabing mga residente.
Sa iba pang mga balita, tinulungan din ni Senator Bong Go ang frontline utility workers ng Ninoy Aquino International Airport upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kapakanan. Matatandaang nitong nakaraang buwan ay binisita ng senador ang mga empleyado ng NAIA kaugnay sa sahod at hazard pay o food allowance ng mga ito. Kasabay din nito ang pamamahagi ng kaniyang tanggapan ng grocery packs at iba pang tulong sa mahigit tatlong libong contractual workers sa NAIA Terminals 1, 2 at 3.
Nito lamang Miyerkules ay nagpamahagi naman ng essential aid ang staff ni Senator Go sa 345 utility workers ng NAIA at apatnapung bisikleta naman ang pinamigay sa mga piling benepisyaryo. Naroon din ang DSWD upang magpahamagi ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng AICS Program.
Samantala, sa naganap na Senate Committee on Finance hearing para sa budget ng Department of Education, nagpahayag ng pagsuporta si Senator Go sa Kagawaran. Aniya, sa nalalapit na pasukan, dapat na sundin ang direktiba ng Pangulo na wala munang magaganap na face-to-face classes dahil sa kasalukuyan ay wala pa ring bakuna na pupuksa sa COVID-19. Sinabi rin niya na nakadepende sa DepEd at iba pang mga ahensiya na in-charge sa education sector ang paghahanda sa mga kabataan para sa pagharap nito sa new normal. Dapat din aniyang siguruhin na sa kabila ng mga pagbabagong ito ay magiging equipped pa rin ang estudyante upang magtagumpay sa buhay.
Sa kabilang banda naman, pinuri ng senador ang aksiyon ng kagawaran kaugnay sa pagtugon sa lahat ng mga concerns ng mga estudyante, mga magulang, teaching at non-teaching personnel sa kabila ng pandemya na ating kinakaharap.
USEC. IGNACIO: Samantala upang alamin ang pinakahuling update kaugnay sa pamamahagi ng kanilang ahensiya ng financial assistance sa ilalim po ng Social Amelioration Program, makakasama natin ngayon si DSWD Secretary Rolando Bautista. Magandang umaga po, Secretary.
DSWD SEC. BAUTISTA: Magandang umaga sa iyo Ma’am Rocky, Sir Aljo at sa inyong mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. Good morning din po. Para po sa kaalaman ng mga mamamayan, ano po ang paliwanag kung bakit mayroon pong natitirang 10 bilyong pondo ang Social Amelioration Program po ng DSWD?
DSWD SEC. BAUTISTA: Una po sa lahat, wala po tayong idinideklara na savings dahil patuloy pa po ang distribyusyon ng SAP. Mayroon po tayong nakikita na available funds na hindi magagamit para sa emergency subsidy dahil nagkaroon ng kabawasan sa bilang ng mga benepisyaryo. Nabawasan ang bilang ng mga benepisyaryo dahil una, ang mga residente lamang ng mga naideklarang ECQ areas ang siyang kabilang sa second tranche. Ito ay ayon sa Executive Order No. 112 Series of 2020 at memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong May 2. Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng Region III maliban sa Aurora Province, National Capital Region, CALABARZON Region, probinsiya ng Benguet, Pangasinan, Iloilo, Albay at Cebu at siyudad ng Bacolod, Davao at Zamboanga.
Nabawasan pa lalo ang bilang ng benepisyaryo dahil nagsasagawa ng balidasyon ang DSWD upang matiyak na ang kaban ng bayan ay mapupunta sa tunay at lubos na nangangailangan. Higit 200,000 ang nakitang hindi kuwalipikado at higit 1.1 million ang nakitang tumanggap nang higit sa isang emergency package mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad din ng social amelioration measures.
Kung matatandaan, nagbigay ng kautusan ang ating mahal na Presidente, Presidente Rodrigo Roa Duterte na dagdagan ng limang milyong benepisyaryo ang Social Amelioration Program. Ngunit 3.3 million lamang ang naisumite na listahan ng ating mga lokal na pamahalaan at 2.1 million mula dito ay nakatira sa mga nabanggit na ECQ areas. Ito Ma’am Rocky, ang mga kadahilanan kung bakit nagkaroon ng kabawasan sa bilang ng mga benepisyaryo at siya ding dahilan sa pagkakaroon ng projected unutilized funds.
USEC. IGNACIO: Ganoon pala ang nangyari Secretary. Pero paano ninyo po sinisiguro na tamang assessment nga po ang ginawa para sa mga pamilyang nakasama naman doon sa 14 million poor families na nabigyan na po ng SAP?
DSWD SEC. BAUTISTA: Ang listahan ng mga nabigyan sa first trance na isinumite ng mga lokal na pamahalaan ay sumailalim sa masusing balidasyon at deduplication process ng ahensiya. Isinagawa ito upang masiguro na karapat-dapat ang mga benepisyaryo na mabigyan ng ayuda at hindi magkaroon ng duplikasyon sa pagtanggap ng emergency subsidy.
Hinikayat din ang mga lokal na pamahalaan na ipaskil ang mga pangalan ng mga benepisyaryo upang makasama ang buong komunidad sa pagberipika nito ‘no. Sa ganitong paraan, natitiyak natin na magiging maayos at reliable ang assessment at pagtukoy ng mga pamilyang benepisyaryo natin ng Social Amelioration Program.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, paano ninyo naman ina-address iyong mga reklamo po o complaints sa mga pamilyang nangangailangan na hindi raw po nakatanggap ng kahit anong cash aid during the lockdown?
DSWD SEC. BAUTISTA: Ma’am Rocky, nagtatag ang ahensiya ng Agency Operation Center na nasa Central Office upang tumugon sa mga reklamo hinggil sa implementasyon ng SAP ‘no. Mayroon din po tayong mga operation center na ni-replicate sa ating mga field offices na kapareho ang ginagawa ng ating Agency Operation Center at ito ay tumatanggap sa mga reklamo sa bawat rehiyon ng Pilipinas. Sa katunayan, mula sa higit 400,000 na natanggap na mga reklamo sa pamamagitan ng iba’t ibang platform tulad ng sa telepono, sa text, email, We Serve at uSAPtayo website at ito ay tinutugunan ng ating ahensiya.
Bukod sa SAP, ang DSWD ay nagpapatupad ng ibang mga programa upang matulungan ang ating mga kababayan ngayong may pandemya ‘no. Nakapamahagi na ang DSWD ng pinansiyal na tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Kabilang sa mga tulong na ito ang medical, burial, food at transportation assistance at iba pang support services para sa ating mga kababayan. Karagdagan dito, ang DSWD ay patuloy na namamahagi ng family food packs sa mga lokal na pamahalaan upang tulungan silang matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng kanilang mga nasasakupan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, iyong proposal ninyo po para doon sa 10 billion pesos na sabi ninyo naman po ay hindi nga savings pero gagamitin ninyo po ito para sa livelihood program. Anu-ano po ang itong mga programa na ito?
SEC. BAUTISTA: Actually, nagkaroon tayo ng pagpupulong kasama ang ating mga economic managers noong Agosto pa lamang ‘no, at naiprisenta na namin ang status ng implementasyon ng SAP 1 at 2 lalung-lalo na iyong budget na nagamit. Ang projected unutilized funds ay napag-usapan at ang nakuha namin na guidance ay mag-request ng change sa purpose upang magamit na karagdagang pondo para sa probisyon ng—ito’y prinayority [prioritize] namin, iyong livelihood assistance grant na parte ng recovery phase ng Social Amelioration Program.
Ang livelihood assistance program o grant ay bahagi ng SAP na ang layunin ay mabigyan ng suporta at makabangon ang mga low income na mga pamilya na may miyembro na kabilang sa informal na sektor na ang kabuhayan ay naapektuhan ng pagpataw ng community quarantine. Ang pagpapasya sa aming panukala ay nakasalalay pa rin sa ating mga economic managers.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, after ng distribution po ng SAP, ayon po sa inyong statement, mas magpu-focus na po ang DSWD sa ibang social development programs. Ano po ang mga programang magiging priority ninyo para po makatulong sa recovery ng mamamayan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o iyong Bayanihan II?
SEC. BAUTISTA: Sa ilalim ng Bayanihan II, ang DSWD ay may mga sumusunod na response and recovery intervention para sa mga kwalipikadong low income families: Una dito, emergency subsidy para sa mga pamilyang apektado ng granular lockdowns; pangalawa, assistance to individuals in crisis situation; mayroon din tayong livelihood assistance grants; supplementary feeding program; social pension for indigent senior citizens; at probisyon ng food and non-food items.
Kasalukuyan, isinasapinal ang mga panuntunan hinggil dito upang makapag-umpisa na tayo sa implementasyon ng nakasaad sa batas. Kasi hinihimay-himay namin kung ano talaga ang espirito ng batas para maka-align kami sa magiging function ng aming ahensiya.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ayon nga po sa inyong report, kukumpletuhin ninyo ang listahan ng poor households by 2021. Gaano po sa tingin ninyo karami iyong lalabas sa listahan; at may ginagawa po ba ang ahensiya para po mas magaling accurate iyon pong assessment ninyo?
SEC. BAUTISTA: Nasa mahigit 4.3 million or 88% ng 16.1 milyong kabahayan ang na-assess na sa pagpapatuloy ng ikatlong yugto ng assessment ng Listahanan o iyong tinatawag nating National Household Targeting System for Poverty Reduction kahit na nasa gitna tayo ng pandemya ‘no. Pagkatapos po ng balidasyon o finalization phase sa Listahanan, ang mga nakuhang mga datos mula sa assessment ay ini-encode sa tinatawag na data entry form upang sumailalim sa isang Proxy Means Test ‘no.
Ang Proxy Means Test ay isang modelong istatistika na tumatantiya sa kinikita ng isang sambayanan base sa mga kapansin-pansin at madaling mapatunayang katangian ng sambahayan.
Ang Proxy Means Test ay mahalaga sa Listahanan sapagka’t ito ang pinakaparaan na nagtutukoy ng estadong pang-ekonomiya ng isang pamilya sa pamamagitan ng non-income indicators na siyang ikinukumpara sa mga opisyal na poverty threshold. Ito ang nagbibigay-daan upang malaman kung ang isang sambahayan ay mahirap o hindi mahirap. Patuloy ang isinasagawang assessment upang masuyod natin ang mga lugar na may mahihirap talaga na pamilya sa pakikipag-ugnayan sa ating mga lokal na pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo at siyempre iyong paalala ninyo po sa publiko at gayun din po sa DSWD staff na patuloy po na patuloy po nagbibigay serbisyo sa mamamayang Pilipino.
SEC. BAUTISTA: Unang-una, nais kong magpasalamat sa inyo, Ma’am Rocky and Sir Aljo, para sa pagkakataong ito para maibigay namin iyong update at bagong impormasyon galing sa aming ahensiya. Nais po nating ipabatid na isinusulong ng DSWD ang transparency at mabuting pamamahala. Tinitiyak ng ahensiya na gagamitin ang pondo ng SAP hanggang sa huling sentimo para sa mga kababayang naapektuhan ng pandemya. Ibibigay po natin ang ayuda sa mga kwalipikadong mga pamilya.
Patuloy nating hinihikayat ang lahat ng pamilyang Pilipino na ipagdiwang ang National Family Week sa kabila ng ating nararanasang pandemya. Batid nating hindi madali ang ating nararanasan sa kasalukuyan, ang DSWD at iba pang ahensiya ng pamahalaan kasama ang ating mga partners na non-government organizations at pribadong sektor ay kaagapay ng pamilyang Pilipino sa pagbangon mula sa hamong dala ng COVID-19.Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang tumutulong upang mapangalagaan at maprotektahan ang interes at kapakanan ng bawat isa, babangon tayong sama-sama bilang isang pamilyang Pilipino.
Muli, magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, DSWD Secretary Rolando Bautista. Mabuhay po kayo. Stay safe, Secretary.
SEC. BAUTISTA: Maraming salamat sa’yo, Ma’am Rocky, at mabuhay din kayo.
ALJO BENDIJO: Pinakahuling update naman tungkol sa COVID-19 sa bansa, muli nating makakausap sa programa ang walang kapaguran sa pagbibigay po ng impormasyon kaugnay sa laban natin sa COVID-19, si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Welcome back po sa Laging Handa, Usec.
USEC. VEREGEIRE: Magandang umaga po, Secretary.
ALJO BENDIJO: Usec., this is Aljo Bendijo, ma’am.
USEC. VEREGEIRE: Hello, sir.
ALJO BENDIJO: Naririnig ninyo kami, Usec?
USEC. VEREGEIRE: Medyo malabo po iyong linya, sir. Hindi ko po marinig, I’m sorry.
ALJO BENDIJO: Usec. Vergeire, can you hear me?
USEC. VEREGEIRE: Yes, I can hear you pero parang malabo, sir.
ALJO BENDIJO: This is Aljo Bendijo, Usec.
USEC. VEREGEIRE: Magandang umaga, Aljo. Magandang umaga po.
ALJO BENDIJO: Opo. Sa ngayon ay kumusta na po ba iyong lagay ng mga ICU lalo na sa Metro Manila Usec, bumababa na po ba ito kumpara nitong mga nakaraang linggo?
USEC. VEREGEIRE: Yes, sir. Katulad po ng sinasabi natin ano, ang atin pong critical care utilization, ito po iyong paggamit ng ating mga ICU, isolation beds, mechanical ventilators dito sa po sa Metro Manila, umabot po tayo doon sa danger zone last August, noong nag-MECQ po tayo na it’s almost 80 to 81 percent. Pero ngayon po, ang ating critical care utilization is already down ‘no. Ang ating ICU bed utilization is just at 63%, and for the ward beds and isolation beds, it is just about 50 to 53%.
So nakita ho natin iyong slow na pagdi-decongest natin ng ating mga facilities. Nakikita ho natin na mas nagkaroon na ng kapasidad ang ating health system para maka-accommodate po ng mga pasyenteng nangangailangan.
BENDIJO: Opo. Usec, sa isang pagsusuri na ginawa ng isang medical journal, itong Lancet, lumalabas po na naka-66 ang rank ng Pilipinas sa 91 na mga bansa pagdating po sa pagsugpo sa COVID-19. Ano po ang iyong masasabi tungkol dito?
USEC. VERGEIRE: Yes sir. Lagi naman po na mayroon tayong mga artikulo, international or local na may ganito pong mga ranking, may mga ganitong mga explanation. Ang sa atin po, sa atin sa gobyerno, sa Kagawaran ng Kalusugan, ito po ay nagsi-serve naman as guidance for us para po mas lalo po nating i-improve iyong ginagawa natin para po dito sa response na ito. Tuluy-tuloy lang po ang trabaho at para lang ho magkaroon tayo ng pag-prevent ng further increase in the number of cases, and our health system can be able to accommodate at saka maisaayos po natin ang ating sitwasyon.
BENDIJO: Opo, kaugnay naman po, Usec., sa isa pang pag-aaral mula naman sa bansang Brazil. Natuklasan po na mababa ang hawaan doon, infection rate ng COVID-19 sa mga nagkaroon ng dengue outbreaks. Pakilinaw lang po para sa ating mga kababayan. Posible nga ba, na kapag nagka-dengue ka ay mai-immune ka na sa COVID-19, Usec?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Gusto lang po natin paalalahanan ang ating mga kababayan ano, dito po sa mga lumalabas na ganitong mga artikulo. Unang-una po kailangan po natin ng sapat na ebidensiya para masabi natin kung talagang totoo iyang hypothesis na sinasabi nila. Kung babasahin po natin itong article na ito, sinabi nila dito na hindi pa nila naipa-publish at saka hindi pa po naipi-per review itong study na ito. So, ibig sabihin, hindi pa po iyan nakakakumpleto ng proseso para masabi natin na valid na and accurate po iyong resulta ng kanilang pag-aaral.
Dito po sa artiklulo na ito pinagkumpara nila ang number of dengue cases from 2019 and 202o in these specific areas at tiningnan din po nila, kinumpara nila kung gaano din kadami ang mga COVID-19 cases. So, ito po iyong kanilang ginawa at wala pa hong masyadong pag-aaral na ginagawa ukol dito para masabi talaga kung mayroong relasyon talaga itong pagdami ng dengue o madaming dengue at mababang COVID-19 na mga kaso. Kailangan pa po ng patuloy na pag-aaral, kailangan pa ng mas masidhing pag-aaral para po maging valid itong ebidensiyang ito. So, sa ngayon po wala pa po tayong masasabi ukol diyan, hihintayin natin na makumpleto nila iyong kanilang pag-aaral bago po tayo magkaroon ng rekomendasyon para dito.
BENDIJO: Nagbabala din ang Department of Health, Usec, kaugnay sa paggamit ng UV light disinfection. Gaano katagal ba dapat maaaring ma-expose ang isang indibidwal sa UV light upang maiwasan ang severe exposure at ano ba iyong masamang epekto nito sa kalusugan ng tao?
USEC. VERGEIRE: Well, mayroon po kasi tayong sinabi, na sinasabi naman talaga ng eksperto. Unang-una wala pa naman po talagang sapat na ebidensiya para magsabi na ang UV light ay talagang directly can really kill the SARS COVID 2 virus. Ito po ay matagal ng ginagamit as a procedure for disinfection sa ating mga healthcare facilities, at ang mga gumagamit po nito ay bihasa na sila at alam nila and they were trained to do that.
Ngayon para po dito sa ating mga common na mga kababayan na gagamitin sa bahay, gagamitin sa establishment, kailangan lang pong mag-ingat, kasi sinasabi nga po ng mga eksperto, iyon pong exposure dito sa UV light can cause harmful effects to the body. And mayroon pong mga lumalabas, mga lumabas na mga studies na halimbawa, na-expose po kayo kahit 60 minutes or mayroon ding sinabi ng isang study for hours, nakikita po na nagkakaroon ng pamumula ng balat, maaaring maapektuhan ang mata and of course prolonged exposure to this can be harmful also, because it is carcinogenic. Ibig sabihin, it might cause cancer also.
USEC. IGNACIO: Usec. Vergeire, magandang umaga po, si Rocky po ito. Bigyang-daan lang po natin iyong katanungan ng mga kasamahan natin sa media. Ang unang tanong po mula kay Michael Delizo ng ABS-CBN. Batay po sa datos ng Department of Health sa COVID-19 cases, handa na ba ang National Capital Region at iba pang lugar na nasa GCQ sa mas maluwag na community quarantine status o MGCQ sa darating na Oktubre? Kung oo, bakit daw po at kung hindi bakit din daw po at ano daw po ang dapat gawin?
USEC. VERGEIRE: Yes, good morning, Usec. Rocky. So alam po natin na ang Inter-Agency Task Force kapag sila ay nagdedesisyon ukol dito sa mga easing up of community quarantine measures, marami po tayong ginagamit na mga indicators, hindi lang po talaga iyong numero ng mga kaso sa isang lugar: Tinitingnan din po natin iyong ating health system capacity; tinitingnan din po iyong mga indicators katulad ng case doubling time; mortality doubling time. Kapag tiningnan po natin lahat itong mga indicators na mayroon tayo sa ngayon, nakikita natin maganda po ang indikasyon. Like the critical care utilization, katulad ng sabi ko kanina, bumaba na po to about 60% at nakikita natin na mas nakakaagapay ang ating sistema sa ngayon. Kapag tiningnan naman po natin iyong atin pong ma case doubling time, mortality doubling time, it is more than 10 days already and maganda rin pong indikasyon iyan dahil humahaba na po iyong panahon para magdoble ang mga bagong kaso dito sa ating Metro Manila.
Ang transmission rate is less than 1, it’s a good indication also. Pero kailangan din po nating tingnan iyong isang banda, na mayroon pa rin hong mga lugar na specific dito sa Metro Manila, na talagang mayroon po tayong clustering of cases at mayroon pa rin hong observed na pagtaas ng mga kaso. So, kailangan lang pong balansehin, bagama’t mayroon po tayong mga magagandang indikasyon dito po sa mga ginagamit natin na pamantayan para masabi kong mag-i-ease ng quarantine, kailangan din nating tingnan iyong mga clustering of cases sa iba’t ibang lugar. So, this has to be balanced kapag nagdesisyon po at ito naman ay gagawin ng Inter-Agency Task Force at magbibigay po sila ng rekomendasyon bago po dumating iyang October 1 na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tanong pa rin po mula kay Michael Delizo ng ABS-CBN. Ano daw po ang kailangang gawin ng mamamayan sakaling manatili sa GCQ? At kung sakali man ilagay sa MGCQ, ano po daw ang dapat nilang gawin dahil baka daw po magpakakampante na ang mga tao?
USEC. VERGEIRE: Pareho pa rin po ang paalala ng ating kagawaran, whether we be in GCQ, MGCQ kung anuman pong community quarantine level tayo, iisa lang po ang dapat gawin ng bawat isa sa atin: Dapat itutuloy pa rin po natin iyong pag-comply natin strictly to minimum health standards.
Kailangan vigilant tayo, kailangang lagi tayong aware and conscious at kailangan natin pong isapuso at isaisip na kasama po tayo sa laban na ito. Proteksiyunan po ninyo iyong sarili ninyo pati iyong pamilya ninyo mapuproteksiyunan.
So, ganoon pa rin po, let us not be complacent, because we are hearing na gumaganda ang ating health system capacity, bumababa ang kaso sa ibang lugar, huwag po tayong maging complacent. Patuloy pa rin po tayo na sumunod sa mga protocols for health, para po tayo ay makaiwas na maging infected at maproteksiyunan din po natin ang ating pamilya.
USEC. IGNACIO: Pangatlong tanong po ni Michael Delizo, ano daw po ang reaksiyon ninyo sa planong resumption ng provincial buses sa katapusan ng Setyembre?
USEC. VERGEIRE: Ito naman po ay dinidesisyunan ng Inter-Agency Task Force. Kapag nagdesisyon naman po ang Inter-Agency Task Force nandiyan po iyong konsiderasyon for health. And kapag sinabi nating may konsiderasyon for health, ibig sabihin, hindi po iyan ipapatupad, kung hindi naman natin masisiguro that the minimum health standards will be enforced and complied with by those who are going to ride these provincial buses and even the operators. So kasama po iyan kapag nagpalabas nang mga polisiya ang ibang ahensiya, ang lagi pong pangunahin, iyong health po kailangan ipatupad ang mga pamantayan or mga protocol para makaiwas po tayo sa infection.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Red Mendoza ng Manila Times. According daw po to Spokesperson Harry Roque during a meeting with Presidential Adviser Joey Concepcion on the possible use of breath testing for COVD-19. He said daw po na he remains an advocate of rapid test kits. He said that ‘I was an ardent supporter of rapid test kits, arguing that it should be continued to be used for specific purposes, but of course some quarters did not like rapid test kits. That is why we were not able to derive the same benefits from RT case as other countries due to lack of openness from some individuals or some groups’. Ano daw po ang reaksiyon ng Department of Health dito sa statement ni Spox?
USEC. VERGEIRE: Alam ninyo po Usec. Rocky, ang Kagawaran ng Kalusugan ang mga desisyon po na ginagawa natin ay base sa siyensya at ebidensiya. So, kapag tayo po ay nagbigay ng isang rekomendasyon pinag-aaralan pong mabuti iyan, hindi lang po ng Kagawaran ng Kalusugan ang gumagawa nito. Mayroon ho tayong set of scientific experts na gumagawa nito kasama namin. These are the Health Technology Assessment Council which was mandated by law kaya po siya naitatag. Kaya po siya nandiyan para tulungan tayo at magbigay ng rekomendasyon ukol sa mga bagay na bago na gagamitin ng ating gobyerno. Nandiyan din po iyong iba nating eksperto sa laboratoryo at saka iyon pong ating experts na technical advisory group.
So, lahat po ng mga eksperto natin kinukonsulta po natin iyan kapag may ginagawang desisyon ang ating kagawaran para irekomenda sa IATF. And whatever the recommendations that we have provided, these were all based on science and based on evidence.
So, tayo naman po sa kagawaran and even the whole of government po, totoo naman po iyan, bukas po tayo sa mga bagong teknolohiya. Gusto rin po natin iyong mga rapid test para po hindi tayo naghihintay nang matagal sa resulta pero kailangan lang po iyong gagamitin natin base sa siyensya ay magiging accurate po iyong resulta natin at hindi po makakapag-cause ng more harm than good para po sa ating population.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., mula naman po sa GMA News Desk: Davao City Mayor Sara Duterte confirmed yesterday na mayroon pong 40 airline passengers galing sa Metro Manila ay nagpositibo sa COVID-19 pagdating nila sa Davao City. Puro raw po asymptomatic, na-report na rin po ito sa DOH ang incident. How can we avoid this kind of situation?
USEC. VERGEIRE: Well, ma’am, mayroon ho tayong mga pamantayan at protocol na ginagawa ngayon na kailangan lang masunod. Ito po ay iyong mga guidelines, iyong Omnibus guidelines natin, para lang ho tayo magkaroon tayo safeguards regarding these people who travel from one place to another.
So, ito pong mga ganito, maganda po iyong ginagawa ng City of Davao kasi bago nila papasukin sa kanilang local government talagang nagti-test po sila and that is really something na puwedeng gawin ng ibang LGUs kung may resources, nakukuha po nila. Kung hindi man natin ma-test from the point of origin, we can test people at the place of destination para mahanap po natin kung sino talaga iyong dapat nating i-isolate.
So, ito po ay kasama sa mga pinag-aaralan ngayon ng Department of Health together with the experts and of course we will be recommending to the Inter-Agency Task Force ito po iyong sinasabi naming Omnibus guidelines na makakasama po iyong mga pathways para po sa mga travelers, sa mga turista pati na rin po iyong mga returning overseas Filipinos.
USEC. IGNACIO: Okay. Ang huling tanong po ng GMA News: Ano raw po ang reaksiyon ninyo sa some business groups seek factory, office worker’s exemption from mandatory wearing of face masks, face shields? Is this recommended by DOH daw po ba?
USEC. VERGEIRE: Hindi po. Ang amin pong punto at posisyon mula po noong umpisa iyon pong pagsusuot ng mask, iyong pagsusuot ng face shield, iyong paggawa ng physical distancing, iyong paghuhugas ng kamay, iyan po ay aming isinusulong at amin pong ina-advocate sa lahat at hindi po namin iko-compromise ang posisyon na ito dahil base po sa siyensya at ebidensiya sinasabi ‘when you wear a mask you can decrease the incidence o iyong probability na ma-infect as much as 70%.’ Kapag sinamahan ninyo pa ho ng face shield at sinamahan ninyo pa ng physical distancing, you can prevent yourself from being infected as much as 99%.
Ito pong—[line disconnected]
USEC. IGNACIO: Okay… USec.?
Okay… nawala sa ating linya si USec.?
USEC. VERGEIRE: Hello?
USEC. IGNACIO: Opo, USec… USec.?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Go ahead, USec.
USEC. VERGEIRE: Iyon pa rin ho ang aming posisyon. Hindi ho namin iko-compromise ang posisyon na ito: Iyong pagsusuot ho ng face mask, pagsusuot ng face shield, physical distancing, paghuhugas ng kamay. Ito po iyong mga non-pharmaceutical interventions na base po sa siyensya at ebidensiya sinasabi na makakatulong sa atin para maging protektado tayo at it can prevent us from being infected if done together – kailangan naka-mask, naka-shield, naka-physical distance at laging naghuhugas ng kamay by as much as 99%. So, ito po ang posisyon ng DOH at ito po ay atin pong ina-advocate pa rin at isinusulong.
USEC. IGNACIO: Okay. USec., kuhanin ko na lamang po ang inyong mensahe sa publiko.
USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky. Iyon pa rin ho ang ating paalala sa ating mga kababayan. Let us not be complacent kung nakakakita man ho tayo ng mga improvement sa ating health system, sa atin pong mga numero ng mga kaso nakikita ho natin. Tuloy-tuloy pa rin po, nandito pa rin ho iyong virus. Let us remain to be vigilant, kailangan lagi po tayong aware and conscious and lagi po nating tatandaan that we can ‘BIDA Solusyon.’ So:
B – Bawal po ang walang mask;
I – I-sanitize ang kamay. Iwas hawak sa mga bagay;
D – Dumistansya ng isang metro; at
A – Alamin po natin ang tamang impormasyon.
So, maraming salamat po at sana po magkatulung-tulungan tayo para masugpo na po natin ang sitwasyon natin sa ngayon.
Thank you very much po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa pagbibigay ng oras sa aming programa, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
BENDIJO: Samantala, USec. Rocky, nitong mga nakaraang araw ay naitala ang pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa probinsiya ng Batangas kaya naman upang alamin ang kasalukuyang sitwasyon sa gitna po ng kanilang laban sa COVID-19 ay makakausap natin sa puntong ito si Batangas Governor Hermilando Mandanas.
Magandang umaga po, Gobernador!
GOVERNOR MANDANAS: Magandang umaga sa iyo at sa lahat ng nanonood at nakikinig dito sa ating programa.
BENDIJO: Opo. Nitong nakaraang araw po, Gov., isa ang Batangas sa mga probinsiyang may naitatalang mataas na kaso ng COVID-19. Ano bang sanhi nito? Gov., sa palagay ninyo ba ay naging kampante ang inyong probinsiya kaya po muling dumami ang mga nagpositibo sa COVID-19?
GOVERNOR MANDANAS: Totoo na ang ating lalawigan ng Batangas na ang kaisa-isang lalawigan sa buong CALABARZON na General Community Quarantine kapares ng Metro Manila at kami ay binisita pa ng ating Chief Implementer at ng Deputy Implementer at mga representatives ng ating National Inter-Agency Task Force nitong nakaraang linggo at para nga bigyan diin ang kalagayan dito.
Ang masasabi ko ay… kung bakit tumaas ito ay dahil na rin sa katayuan ng lalawigan ng Batangas, hindi ito dahil sa hindi kami sumusunod sa mga patakaran, sa mga protocol na sinasabi ng ating National Inter-Agency Task Force.
Ang lalawigan ng Batangas ay kauna-unahan na nagtayo ng aming provincial (inter-agency) task force noon pang February. At linggo-linggo kung hindi tatlong beses, at least isang beses na kami nagmi-meeting at naglalagay at naghahayag lahat ng patakaran natin.
Subalit ang lalawigan Batangas ay nasa kalagitnaan ng napakadaming mga bagay. Ang CALABARZON alam natin mas malaki ang populasyon kaysa sa Metro Manila. Dito sa amin sa Batangas lang ang aming power plant na kailangang-kailangan ng pang-araw-araw na buhay at lahat ng ating mga ekonomiya, mas malaki ang aming generation dito. Para lang maipakita kung gaano kadami ang nakasalalay sa lalawigan ng Batangas at gaano kadami ang nandidito ay dahil na rin iyong aming generation mahigit sa kailangan ng buong Metro Manila. Buong Luzon, nandidito ang 60%. Ang ating gasolina, ganoon din, diesel mahigit na 60% din para sa buong bansa dito nagmumula sa lalawigan ng Batangas.
At ganoon din mayroon tayong international port dito na hindi lamang ang mga tao at mga bagay na ating itina-transport ang dumadaan dito. Kaya’t napakadami ng mga nagtatrabaho dito na noong sinimulan ang lockdown kakaunti ang aming confirmed cases; pero siyempre noong niluwagan hindi lamang iyong mga overseas Filipino workers—alam ninyo, per capita number one ang lalawigan ng Batangas sa overseas lalo na doon sa mga nasa industry… iyong per capita—Kaya’t noong magbalikan at lalo na iyong ating mga nagtatrabaho na taga-Batangas, hindi lamang sa Batangas kundi sa Metro Manila at sa karatig na lalawigan. Ngayon tuluy-tuloy halimbawa itong business process outsourcing, 20% ng nagtatrabaho sa Metro Manila dito sa mga call centers eh lahat taga-Batangas, 20%.
Kaya’t iyong dami ng workers na iyon na pinapayagang magbalik-balikan siyempre dumadami ang ating mga confirmed cases. Pero ang gusto naming ipaabot ay hindi iyong dami ng confirmed cases lamang. Sa aming pag-aaral at ito ay lagi naming dini-discuss at aking pinaabot dito sa ating mga Chief Implementer, si Secretary at Deputy Implementer na si Secretary Vince Dizon at iba pang mga kasamahan na nagpunta dito kasama ang mga taga DOH, ang aming binibigyan ng pansin ay iyong kung tawagin ay comorbidity.
At ang nakikita namin na marami nga ang nagkakaroon ng positive dito sa ating COVID-19 pero marami rin naman ang nagri-recover. So kaya in-analyze namin iyong talagang namamatay at saka iyong critical at severe at nakita namin na halos 90% ay mayroong comorbidity. Ang ibig sabihin kung wala kang sakit sa puso, hindi ka diabetic, wala kang sakit sa baga at iba pa ay hindi ka mamamatay. Dahil sa aming pag-aaral lamang at iyon ang aking sinabi, ay kapag wala kang comorbidity, para ka lang nagka-flu. Kaya ka nagka-flu, iyon lang.
Kaya lang itong flu, dahil ang coronavirus, flu ito eh ano, virus ito ng flu – ang kaibahan lang nitong coronavirus eh ang talagang inaatake nito ay iyong iba pang sakit ng tao, pinalalala, pinatitindi ang sakit. Kaya kailangan talaga ipakita rin, kapares dito sa atin sa paglalahad ng bayan, kung ano ang dahilan noong mga namatay at comorbidity. Kaya’t ang aming sagot dito sa lalawigan ng Batangas, ang aming ginagamot bukod sa pagsunod sa ating National IATF ay amin ding binibigyan ng tuon ang pagpapagamot sa sakit sa puso, sakit sa atay, diabetic, kidney… Marami kaming binili ngayon na mga x-ray machines, mga ECG at iyong mga talagang tinitingnan kung ano ang sakit talaga at iyon ang tinututukan.
Nagpagawa kami niyan more than 200 million. Ngayon tinatapos namin ang improvement ng aming mga hospital, itinataas ang antas para gamutin hindi lamang itong COVID which in our analysis is talagang flu na nagpapasama dito sa ating mga sakit talaga nang malimit, eh iyon ang aming tinutuunan bukod sa sinasabi. Dahil, halimbawa, kapag tinuunan lamang natin itong confirmed cases ha, sinasabi nga, ngayon kami, over 6,000 na kami, over 6,000. Pero alam natin na iyong confirmed eh depende iyan eh, eh hindi iyan ang tunay na kalalagayan halimbawa sa lalawigan ng Batangas, depende iyan sa iyong tracing, depende iyan sa iyong testing.
Ngayon dalawa na ang aming accredited at ginagamit na testing lab para nga dito sa PCR. Noong una wala kaya mababa noon ang aming confirmed, dinadala pa namin sa Metro Manila. Ngayon dalawa na at ngayon nagpapalagay pa kami ng dalawa pa ulit at mayroon pang mobile na gagamitin dito sa lalawigan ng Batangas, kaya’t tataas pa rin ang aming confirmed cases ha.
Pero ang dapat nating labanan din bukod dito sa COVID ay iyon bang regime of fear, iyon ang aming tinututukan din sa lalawigan ng Batangas. Kaya dumadami ang—hindi naman dumadami, mas madami iyong talagang natatakot na ito ay sa tingin ko isa ring sakit. Ang dapat talagang matakot at kaya ilagay dapat sa ating data eh iyong nakapitan ng COVID, iyong positive na mayroon pang ibang sakit, kung tawagin ng mga doktor, iyong comorbidity. Kapag wala kang comorbidity, eh flu lang iyan! Flu lang iyan.
BENDIJO: Opo. Governor, puwede maisingit ko lang iyong tanong. Iyong quarantine facilities natin, kamusta na? Gaano ba karami ang—
GOV. MANDANAS: Kami ang kauna-unahan na nagtayo ng mga—ikinonvert—labindalawang ospital kami eh, so inayos namin kaagad iyon. Ang aming mga evacuation center, ikinonvert namin. Marami kaming evacuation centers, paghahanda na namin noon at nagamit naman nitong pumutok ang Taal Volcano noong January. Eh noong February nagsimula na tayo, so ikinu-convert namin ito ha, nagdagdag kami ngayon ng mga bagong kuwarto sa aming mga ospital at mayroon pa kami kauna-unahan sa Pilipinas na talagang—iyan, iyong aming—marami kaming ikinu-convert, hindi kami kinukulang when it comes to following this resolution/protocol ng IATF National sa paggagawa ng mga quarantine areas.
At ngayon mayroong policy na ini-announce sa lalawigan ng Batangas na iyong mga COVID positive na walang symptoms ay ang ating kalinga, at kami ay nagpapasalamat dito, ay binibigyan sila, inaanyayahan sila na lumipat sa mga hotel at ang nagastos naman ay ang national – iyan, pinasasalamatan namin. At ito gusto kong bigyang-diin at para maliwanag. Ito ay hindi compulsory, iyon ang aming paniwala.
Kaninang umaga lang mayroong tumawag sa akin, ina na hindi naman positive, taga-Ibaan ng Batangas, 10 months old na positive. Ngayon under this program, gustong kunin iyong bata at dalhin sa hotel sa Nasugbu, malayo iyong Nasugbu sa Ibaa. Eh siyempre iyong ina ay ayaw dahil ang kanila namang—mayroon silang bahay na wala namang nakatira at—so home quarantine. So—
BENDIJO: Okay. Gaano po karami Gov., gaano karami diyan ang naka-home quarantine?
GOV. MANDANAS: Sorry…
BENDIJO: Gaano na po karami ang naka-home quarantine sa Batangas at papaano po ninyo sinisiguro na nasusunod ang protocol ng Department of Health para sa mga naka-home quarantine?
GOV. MANDANAS: Sinusunod namin iyan, huwag nating kalilimutan na ngayon ang protocol hindi pa binabago. Kapag ika ay walang symptoms, naka-home quarantine ka. Ngayon lang binabago sa lalawigan ng Batangas na binibigyan ng hotel para pumunta doon ano ha.
So ang aming naka-home quarantine, napakadami ano, napakadami. Kung gusto mo ng mga numbers—at siyempre hindi pa magbabago, kaya nga sabi ko, iyong mga numbers, iyong sa statistics, eh pabagu-bago iyan. Hindi pa natin masabi dahil alam naman natin ang tracing ay hindi ganoon kadali. Hanggang ngayon, ang national government—kasi ang nagti-trace ay national government—ang inatasan ng national ay IATF, sila ngayon ay nagha-hire ng mga magti-trace.
ALJO BENDIJO: Opo. So papaano po ninyo mas pinahihigpit ngayon—napag-usapan natin ang contact tracing, na malaking tulong upang maiwasan po ang pagkalat pa ng virus. Gaano ba karami ang inyong mga contact tracers ninyo diyan sa Batangas, Gov.?
GOVERNOR MANDANAS: Ang dami na iyang pabagu-bago ano. Dahil uulitin ko, ang contact tracing, ang responsibilidad ay hindi ibinigay sa local government; ang nagha-hire nito ay national government. Kaya ang figures na hinahanap mo ay kailangan niyan, ang national government ang mag-report. Kapares din iyan ng social welfare, iyong mga pinapakain ano, saan nanggagaling ang mga ito? Sino ang napili? Eh siyempre ang napili ay national kaya may mga problema, matagal, may mga hindi nabibigyan.
Kaya ang aking payo na matagal ko ng sinasabi ay sundin natin iyong batas na iyong mga health procedures na mas magaling gawin ng lokal ay sila ang gumawa. Ang contact tracing, aba, sino ang nagawa? National!
ALJO BENDIJO: Opo, opo.
GOVERNOR MANDANAS: Kami, mayroon kaming network ng barangay health workers. Ang mga ito, simula pa noong ako’y unang maging governor, 1995, may monthly allowance ang mga ito dahil alam ko ang pangangailangan natin ng mga frontliners ano – hanggang ngayon mayroon sila. At ngayon, siyempre binibigyan pa rin namin ng mga food packs.
So, ang aking kuwan dito, para makuha itong tamang data ay gamitin ang mga local government na gumawa ng mga kung tawagin ay devolved services na nasa batas na. Dahil ang ating mga ginagawa ay napakatagal bago gawin at napakahirap ng implementation kapag… napakalayo ng national—
ALJO BENDIJO: Opo. Gov., mas effective ho talaga kung nandiyan ang tulong ng local government units. Well, anyway, maraming salamat po sa pagbibigay ng inyong oras sa aming programa, Governor Mandanas.
GOVERNOR MANDANAS: Sorry, hindi ko narinig iyong tanong mo.
ALJO BENDIJO: Opo. Mensahe na lang po, maiksing mensahe na lang po, Governor. Maiksing mensahe na lang para sa ating mga kababayan.
GOVERNOR MANDANAS: Ang mensahe natin sa ating mga kababayan ay napakaganda ng ginagawa ng ating pamahalaan na talagang ito ay inaasikaso. Kapares ng nasabi ng ating DOH, talagang lahat ay scientifically-based at napakalaki ng tulong na kanilang ginagawa.
At ang mga local government naman, kapares ng lalawigan ng Batangas ay kami ay talagang sumusunod ano at nagsa-suggest kung anong dapat gawin dahil sabi ko nga kinuha ng national government kung papaano patatakbuhin ito dahil ang pondo nasa kanila. So kami ay sumusunod at sa abot ng aming makakaya, kami ay talagang ginagawa ang lahat, ginagamit ang aming pondo ngayon. Halimbawa nga, dito sa pagpapatayo ng mga quarantine areas, sa pagbibigay ng pagkain dito sa ating mga kababayan, paggawa ng mga trabaho na pinapayagan [unclear] Department of Agriculture, department ng iba’t ibang kagawaran natin, Department of Trade.
At kami ay handang tumulong sa DSWD sa Social Amelioration. Noong pumutok ang Bulkan, talagang personally in the first hours ay nandudoon kaagad ang Secretary ng ating DSWD na napakaganda ng kaniyang sistema sa distribution – nakipag-ugnayan kaagad sa mga local government.
ALJO BENDIJO: Okay. Maraming salamat po, Batangas Governor Hermilando Mandanas. Ingat po kayo diyan, sir, sa Batangas. Thank you so much.
USEC. IGNACIO: Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito: [VTR]
ALJO BENDIJO: Sa puntong ito, dumako naman po tayo sa pinakahuling balita mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting.
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service.
USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV-Davao, may ulat si Clodet Loreto. Clodet?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Clodet Loreto.
Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of September 25, 2020, umabot na sa 299,361 ang total number of confirmed cases; naitala ang 2,630 new COVID-19 cases. Naitala rin kahapon ang 69 na katao na nasawi kaya umabot na po sa 5,196 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa bansa. Subalit patuloy din naman ang pagdami ng mga nakaka-recover mula sa COVID-19, umakyat na sa 232,399 with 494 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang bilang ng ating active cases sa bansa ay 61,766.
ALJO BENDIJO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang numerong 02-894-COVID o kaya ay o2-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
ALJO BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
ALJO BENDIJO: At samantala, 90 days na lang Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, lagi pa rin nating tandaan na ang pagmamahal at pagtulong sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Ako po si Aljo Bendijo. Daghang salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Salamat din sa iyo, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)