USEC. IGNACIO: Masiglang araw Luzon, Visayas at Mindanao. Ganoon din po sa lahat ng mga nakatutok sa ating programa ngayong Martes, September 29, 2020. Ako po ang inyong lingkod, Rocky Ignacio mula sa Presidential Communications Operations Office. Maayong buntag, Aljo.
ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. Rocky. At ako naman po si Aljo Bendijo, pansamantalang hahalili kay PCOO Secretary Martin Andanar para sa pagbabahagi ng mga makabuluhang impormasyon kontra COVID-19.
Lagi po naming paalala sa lahat: Ugaliing magsuot ng face masks, mag-sanitize, i-observe ang physical distancing sa mga kasama. At kung wala namang importanteng lakad, manatili na lamang po sa loob ng bahay.
USEC. IGNACIO: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
As of 4P.M. kahapon, September 28, 2020, ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 3,073 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan po ay umabot na sa 307,288 na kaso; 49,242 sa bilang na iyan ang nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 163 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umabot na sa 252,665 habang tatlumpu’t pito naman po ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 5,381 na.
Mapapansin sa ating illustration na muling umangat ang bilang ng COVID-19 cases na naitala kada araw. Kahapon ay muli itong pumalo sa 3,073, ang pinakamataas sa nakalipas na isang linggo. Ang Metro Manila pa rin ang nananatiling epicenter ng COVID-19 sa bansa na nakapagtala kahapon ng 1,158 cases. Sumunod pa rin ang Cavite na may 225 new cases, ang Laguna with 203 cases, samantala ang Rizal ay nasa ikaapat na puwesto na may 173 cases, at bumaba naman sa ikalimang puwesto ang Batangas na nakapagtala ng 169 na bagong kaso.
Umangat naman sa 16% na confirmed cases ang active cases na may kabuuang bilang na 49,242, mas mataas ito nang bahagya sa 15.2% na ating nai-report kahapon.
ALJO BENDIJO: Sa mga aktibong kaso naman, 3.4% dito ay nasa kritikal na kundisyon, 1.5% ang severe, 8.7% ang asymptomatic o hindi kinakitaan ng sintomas. Samantala ang malaking bahagdan o 86.4% ay mild cases lamang.
Muli po naming paalala, maging BIDA Solusyon sa laban kontra COVID-19. Magagawa po natin ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask dahil napipigilan nito ang pagkalat ng droplets mula sa ating bibig at ilong. Nababawasan din nito ng 67% ang tsansa na tayo ay makahawa o ‘di kaya ay mahawa ng sakit. Pagpapakita rin ito ng respeto at kortesiya sa mga taong ating nakakasalamuha. Muli, maging BIDA Solusyon sa COVID-19.
At para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang mga numerong 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang numerong 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: At para naman sa ating mga balita: Sa pakikipagtulungan sa Department of Social of Welfare and Development at Department of Trade and Industry, nitong September 24 hanggang 25 ay nagpahatid ng tulong si Senator Go sa mga recovered COVID-19 patients sa Samar National High School at Catbalogan Central Elementary School.
Namahagi rin sila ng libreng pagkain at face masks sa tinatayang nasa dalawandaan at dalawampu’t anim na benepisyaryo. Mayroon din sa kanila ang nakatanggap ng bisikleta na magagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na biyahe. Sa ilalim naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng DSWD, nabigyan ang ating mga kababayan doon ng cash assistance. Samantala, pinagkalooban naman sila ng livelihood starter kits sa pamamagitan ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program ng DTI.
Sa isang video call ay muling pinanawagan ng senador sa publiko ang pagsunod at kooperasyon sa mga patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan kagaya ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar, at pananatili ng physical distancing upang mapangalagaan ang ating mga sarili sa panganib na dulot ng COVID-19.
Para naman sa kababayan natin na nangangailangan ng tulong ay ipinahayag din ni Senator Go na may Malasakit Center na matatagpuan sa Samar Provincial Hospital na maaari nilang dulugan ng kanilang suliranin.
Samantala, nagbahagi rin ng tulong ang grupo ni Senator Bong Go sa dalawampu’t anim na pamilya na naapektuhan ng sunog sa Dumaguete City sa Negros Oriental noong nakaraang Biyernes. Bukod sa food packs, face masks, vitamins, cash assistance mula sa DSWD at livelihood starter kits mula sa DTI ay nagbahagi rin ng ayuda ang National Housing Authority sa ilalim ng kanilang emergency housing assistance program, kung saan sa pamamagitan nito ay maaaring makabili ang ating mga kababayan na nasunugan ng mga materyales para maipantayo ng kanilang bagong tahanan.
Ipinangako naman ni Senator Bong Go na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maserbisyuhan ang lahat.
ALJO BENDIJO: Matapos pong mag-viral naman sa social media ang ilang learning modules na naglalaman ng proactive at malisyosong material, agad na tinawagan ng pansin ni Senator Bong Go ang ilang education authorities para dito.
Ayon kay Senator Go, dapat tiyakin na nasa kalidad at maayos ang pagkakagawa ng mga learning modules na ginagamit ng mga estudyante lalo na’t ngayon ay limitado ang oportunidad ng mga guro na gabayan ang kanilang mga mag-aaral.
Ayon naman sa Kagawaran ng Edukasyon, hindi raw galing sa kanila ang nag-viral na learning material kung hindi galing sa isang private Catholic school sa Zambales. Agad namang humingi ng dispensa ang pamunuan nito at sinigurong binawi na ang mga learning modules at kasalukuyan nang binabago. Alinsunod nito, hinikayat din ng Senador ang Kagawaran ng Edukasyon na gawing mas accessible at inclusive ang kanilang mga education program para sa mga estudyanteng walang access sa internet.
Hinamon naman ni Senador Bong Go ang mga telecommunication at internet providers na ayusin ang kanilang serbisyo sa taumbayan upang mas makatulong din sa bansa ngayong may pandemya. Halos lahat nga raw kasi ng transaksiyon ngayong new normal ay ginagawa na through online at kinakailangan nito ng malakas at mabilis na internet connection.
Inihain din ng senador ang Senate Bill # 1803 o E-Health System and Services Act na makatutulong sa Philippine Healthcare System. Bukod pa rito, inihain din ni Senator Bong Go ang Senate Bill # 1738 o ang E-Governance Act of 2020 na naglalayong magbigay ng efficient, responsive at cost-effective use of information and communication technologies upang maiwasan ang face-to-face transactions, red tape at pataasin ang service standards sa pagitan ng taumbayan at ng pamahalaan.
Kasama nating magbabalita mamaya sina Ria Arevalo mula sa Philippine Broadcasting Services, Breves Bulsao mula sa PTV-Cordillera, John Aroa mula sa PTV-Cebu at Jay Lagang mula sa PTV-Davao.
USEC. IGNACIO: Samantala, makakapanayam naman natin sina Dr. Butch Ong ng OCTA Research Group, Iloilo City Mayor Jerry Treñas, at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis Chavit Singson.
ALJO BENDIJO: Kung may mga nais po kayong linawin sa ating mga resource persons, i-comment ninyo lang po iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyong mga katanungan.
USEC. IGNACIO: Para po sa ating unang panayam ngayong umaga, makakasama natin ang ilan sa mga eksperto pagdating sa pananaliksik ng mga datos at impormasyon na may kaugnayan po sa COVID-19 nang sa ganoon po ay matukoy, hindi lamang ng ating pamahalaan, kung hindi pati ng pribadong sektor ang tamang pagharap po sa krisis na ito. Welcome po sa aming programa, sa ating programa, Dr. Butch ng OCTA Research Group. Good morning po, Doctor.
DR. BUTCH ONG: Good morning. Good morning sa ating mga nanunood at tagapakinig. Ako ay nagagalak na inimbitahan ninyo ako for today’s updates.
USEC. IGNACIO: Sa inyo pong inilabas na report noong September 6 ay ipinakita ninyo na nagsimula na pong mag-flatten ang COVID19 curve partikular po sa Metro Manila. Samantala, batay po sa inyong pinakahuling ulat nitong Sabado ay nagkaroon po ng downtrends sa kaso ng COVID-19 sa bansa, with .82 reproduction number po mula September 16 to 23, at transmission number na nasa .74. As of September 23, anu-ano na po ang mga naging factors natin para ma-determine po o maibahagi sa publiko ang ganitong projection?
DR. ONG:Kung naaalala ninyo noong bandang umpisa nang Agosto nagkaroon tayo ng mungkahi galing sa ating mga healthcare workers for a time out at ito ay napagbigyan ng IATF at nagkaroon tayo ng dalawang linggong timeout. At ang nangyari dito ay mula noong nag-timeout tayo, nagkaroon tayo ng MECQ, steadily bumababa na ang ating number of new cases.
Before the timeout, we had almost 4,500 to 5,000 new cases per day and then we instituted the MECQ and right after that we began seeing a downtrend sa ating mga bagong daily new cases.
Baka ngayon nagkaroon tayo ng slight increase ang ating daily new case, pumalo ulit tayo sa 3,000 as reported lately. We are still holding the reproduction number below one. Ito po ay magandang balita kasi ang reproduction number ito ay ibig sabihin na ito iyong ating transmissibility number, meaning reproduction number of more than one, ang ibig sabihin niyan ay actively transmitted ang virus in the communities and an R value or production number below one, it means that it is now being controlled, hindi na masyadong kumakalat sa komunidad.
Currently, ang production number ng Pilipinas ay sa 0.80 to 0.85. Ito ay magandang senyales na ang ating… iyong infection natin sa komunidad ay bumababa na steadily.
And sa NCR naman, tama kayo na sa pagsasabi na ito ay… ang epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa NCR naman ay gumaganda na rin ang ating reproduction number, I think, 0.77 ang reproduction number ng NCR.
So, ang downtrend na ito, ito ay ating – sana ano – ma-sustain natin ang downtrend even if nakikita natin na medyo may kaunting fluctuations, up and down, sa ating daily reported new cases, we should maintain our minimal health standards – wearing of mask for example, social distancing, wearing of face shields when go outside, and staying home if there is no necessary reason to go out.
All these minimal health standards have contribute to the decrease in the reproduction number.
In fact, there’s another—medyo magandang balita na rin, positivity rate din ng NCR, that’s how many positives are found for every 100 tested is at 9%. Ang una naming target is 10% for NCR, bumaba na to 9%. Iyong WHO ang target niya talaga for positivity is 5%, so papunta na rin tayo doon. Nagkaroon tayo ng positivity rate of as high as 14%, now it’s down to 9%.
So, kung mayroon mang panahon kung kailan tayo magkaroon ng mas strict na disiplina, mas strict tayo sa sarili natin, it is now is the time. Ngayon na pababa na huwag na nating hayaan ang ating gains, ang ating benefits for the last month and half ever since we began the MECQ, we should still maintain the minimal health standards.
The downtrend is encouraging but the message here is it can actually surge at any time, so ang ating stopgap diyan, ang ating pinakadahilan to control it is our discipline. In fact, I believe that everyone knows what to do, hindi naman nagkulang talaga sa pag-uulat o pag-communicate kung ano talaga ang dapat gawin and I think everyone knows what to do and ang ating disiplina sa pagsunod nito.
Perhaps we will see further downtrend to 5% of the positivity rate and further down to 0.5 – our reproduction number and perhaps at that time we will see a further easing of the quarantine restrictions.
And as you know, the President has announced the restrictions lately and this is to sustain the gains that we have had in August, in September. It will sustain it the downtrend until October.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, iyan nga po iyong susunod kong tanong sa inyo. Dahil diyan nga para ma-sustain po iyong positive trend na ito ng pamahalaan, pinaalalahanan ninyo po ang ating gobyerno na panatilihin po iyong sa ilalim ng General Community Quarantine. As you said nga po, sinabi na ni Pangulong Duterte kasama po iyong National Capital Region na ito po iyong itinatalang napakarami po ng mga naitatalang kaso ng COVID-19. So, sa palagay po ninyo, hanggang kailan po nararapat na manatili under this classification ang National Capital Region? Bakit po?
DR. ONG:All right. Ang obserbasyon po namin sa research group namin ay every two weeks nakikita namin iyong epekto ng quarantine restrictions. So, ibig sabihin noong humingi iyong mga doktor ng timeout noong umpisa ng Agosto, two weeks later nakita iyong gains nila. So, nag-timeout tayo for two weeks and two weeks later pagpasok ng Setyembre nakita natin na bumaba na ang number of new cases at bumaba na ang ating production number and positivity rate.
So, the recommendation still follows the two-week period of observation and monitoring. So, kapag in-announce o inanunsiyo na minentain ang General Community Quarantine at the very least dalawang linggo ang ating observation noon and at the end of two weeks, medyo bandang first two weeks of October o first week of October kung nakita natin na bumaba na further to 5% ang positivity rate and further down to 0.5 or even less ng ating reproduction number or iyong “R” value perhaps we can ease the restriction. But for now, we cannot say as I’ve said a while ago, at any time there could be a slight increase or uptrend.
So, nakita na natin in our report today na pumalo na ulit sa 3,000 per day ang ating new cases, naibaba na natin sa 2,000 plus eh ‘no.
So let us try this week and next week, let’s try to maintain the positivity rate—or even lower the positivity rate, maintain the R value.
So, two weeks ang rekomendasyon ko sa pag-maintain ng ating current quarantine restrictions. After two- weeks, mag-decide ulit depending on the trending that we will see the next two weeks.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, what do you mean daw po noong sinabi ninyo iyong possible trend na po ay irreversible? Aside po sa mahigpit na quarantine measures na ipinatutupad, anu-ano pa po ba iyong significant efforts na maaaring gawin para tuluyang mapababa talaga iyong kaso ng COVID-19 sa buong bansa?
DR. ONG:As we know, iyong mga nati-test na positive in the community, ginagawan nila ng contact tracing. Ang mungkahi ko, ako ay isang doktor, ang mungkahi ko sa ating mga kababayan ay kapag mayroong dumaan sa inyo at nag-contact trace, mag-cooperate po tayo and tell the honest truth about you’re feeling and where you have been in contact with lalo na kung may biyahe kayo sa isang hotspot area.
So, ang aking mungkahi dito ay iyong ating contact tracing dapat ma-maintain natin or even add out contact tracers, add the efficiency of our testing, our RT-PCR and other testing facilities. So, with these factors we will be able to see a greater picture, we will be able to see a better trending in our projections.
Pero ang nangyayari naman ngayon ay gumaganda naman talaga ang ating reporting and gumaganda na iyong ating trending. So, i-maintain lang natin what we have now.
Our hospital capacity has improved, meaning to say, iyon ating ospital hindi na ganoon kapuno although the hospital capacity is set at 70% utilization, so 70% of beds is the red marking. Ibig sabihin danger zone na kapag nag-70% iyong utilization, bumaba na to 60—50 to 60, so gumaganda na.
So, even our hospitals are already feeling the gains of the improvement, our communities are feeling the gains of the decreased number of new cases and decreased in the positivity rate. All we have to do is sustain it, it’s just to maintain it. We should not do anything drastic; we should not suddenly open economy-wide. We still have a few more weeks to improve or increase discipline sa sarili.
I’d like to note also that one of the things na nakikita namin sa communities is iyong mga trends in exchange of money ‘no, doon talaga dumadami din iyong number of cases. So going cashless ‘no, ginagawa na ngayon iyan sa economy ‘no, going cashless. Kapag nagbayad kayo at walang barya, always wash your hands – that’s one way we can curve the transmission of the virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., may mga gusto pong itanong ang ating mga kasamahan sa media. Si Evelyn Quiroz po ng Pilipino Mirror, ito po iyong question niya: Three weeks ago Dr. Guido David of the UP-OCTA team stated that the curve of COVID-19 infection has already flattened. Given the figures at present na more than 300,000 and rising, would you say that his statement is still true?
DR. ONG: When you talk about flattening the curve, we actually means flattening it against the hospital capacity ‘no. Ibig sabihin we have to flatten or lower the number of new cases and lower the number of infected individuals in the community so that our health capacities or our healthcare workers, our hospitals, our wards, our ICU can take care of those who are sick ‘no. So now that we see that the hospital utilization is going down already ‘no, so ang ating curve ay napa-flatten, in a way, napa-flatten ‘no. Pero ang mensahe talaga namin is this, yes – it is maintained at a flattened rate that Dr. Guido has mentioned but it can still increase at any time ‘no.
The only way we can control it is by maintaining the R-value ‘no, the reproduction value, it’s now at .77; if we can maintain it to .5 and lower, that will surely bring the curb down to a very, very controllable stage ‘no. The positivity rate from 9% to 5 and below, that will further flatten the curve to the ideal level such that perhaps at that time we can now begin to open economies some more. We can begin to release the quarantine restrictions further ‘no. So we are going down – the number of cases ‘no, the positivity and the R-value ‘no. So the curve is already beginning to flatten ‘no. It has not flattened yet to the ideal – again the WHO says a positivity rate should be 5% or lower ‘no – so we are flattening it already but still not yet within the ideal rate to release the restriction.
USEC. IGNACIO: Opo. Question naman po from Gillian Cortez ng Business World. Ito po tanong niya: Is it possible that the Philippines will remain under lock down until the end of the year or even next year with the rate of cases now as its Asian neighbors already reopened totally their economies? The Philippines has been on lock down for over half a year already?
DR. ONG: Okay. I’d like to redefine lock down ‘no. When we day lock down, everything is locked down to the home ‘no. Economy is almost put at a halt and we had that during ECQ ‘no at the earlier part of the year ‘no. Now economies opening up a little bit, we are now longer on the strict lock down that we were talking about. Now we have to shift our definitions ‘no. What is a lock down? For me, that’s when we had ECQ, when we had the strict ECQ. Now we’re into GCQ which is a more relaxed restriction ‘no.
So to answer the question, until when ba talaga ang ating expectations nito ‘no? Again ‘no, we should look with a—let’s say a microscopic or everything in a microscope ‘no. So every two weeks dapat ang ating pagtingin ‘no. So when we had our projections two weeks ago, nakita natin na bumababa na. Now we’re saying na to maintain the General Community Quarantine, we look at the next two weeks kung bumababa na. Everything points toward improvement but we have to look at it every two weeks ‘no.
We cannot make a general statement na by Christmas wala na lahat, by December okay na, normal na. And even if it’s normal, even if we are COVID free on December, a new normal must happen ‘no – people should be more careful, people should wash your hands, keep disinfecting surfaces, so that’s the new normal ‘no. So we should look at the situation every two weeks, look at the trend every week, in every two weeks ‘no. Everything is looking at a very positive outlook for the next two months ‘no.
But again, baka mamaya mag-increase. I’d like to cite an example of other countries. Let’s say New Zealand ‘no, they had a COVID-free pronouncement about several weeks ago, one month or two ago COVID-free sila tapos biglang nagkaroon after 100 days of being COVID-free. So ayaw natin ng ganoon ‘no, so we are learning from the lessons from other countries ‘no – to take it step by step by step. Take it every—weekly, every two weeks, every month. I cannot make a general statement that by November 5% na ang positivity rate ‘no.
In dealing with the science of the pandemic, we should be careful. We should look at the trend. We should look at what is happening now and learn from the past and of course learn from other countries. So the answer there is – we look every two weeks.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po ni Gillian Cortez ng Business World: DTI Secretary Lopez said more industries can operate at 100% capacity. Is this safe to do so, considering this will bring more people in commute, in public areas? Will we see more cases this way?
DR. ONG: We should still follow the minimal health standards which includes social distancing. If the facility can guarantee, number one, that everyone inside there will have effective social distancing. Number two, proper ventilation. You know the occupational medicine in safety community ‘no, they have already determined that proper ventilation in the workplace is essential to curb the transmission in the workplace ‘no. So if we have a 100% back to normal situation in our industry, in commerce ‘no; if the minimal health standards cannot be guaranteed then we should not be at 100%.
We should do it slowly ‘no. Actually tama din naman ang ginagawa ‘no, initially 30% lang then 50% then 70% ‘no and we should always look at the science, we should always look at the trend ‘no. Only then can we safely and confidently say that puwede nang i-release ang restriction, puwede nang back to 100%. So right now, this is my personal opinion, that going 100% in industries which have a lot of people working closely together, with interaction everyday with each other is not recommended right now ‘no. Still follow the rules of GCQ. Still follow the follow the social distancing, mask and wash your hands ‘no in the workplace.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Butch Ong mula po sa OCTA Research Group.
DR. ONG: Maraming salamat po.
BENDIJO: All right. Bukod po sa Kalakhang Maynila, kabilang ang Lungsod ng Iloilo na isinailalim na sa General Community Quarantine ng ating Pangulong Rodrigo Duterte simula October 1 at upang bigyan tayo ng updates sa mga ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan nito upang masugpo ang naturang sakit, makakapanayam natin ang Ama ng Iloilo City, walang iba kundi si Mayor Jerry Treñas. Maayong aga, Mayor Treñas.
MAYOR TREÑAS: Maayong aga. Thank you for this opportunity. I appreciate that you are giving us time during this program.
BENDIJO: Mayor Treñas this is Aljo Bendijo; kasama din natin si USec. Rocky Ignacio.
MAYOR TREÑAS: Aljo at saka USec. Rocky, maayong aga.
BENDIJO: Opo. Okay, mula po sa sa MECQ nitong nagdaang dalawang linggo Mayor ay ilalagay na nga under GCQ ang Iloilo City effective October 1 hanggang October 31. Anu-ano po ang ginawa ninyong mga hakbang upang mapababa ang kaso sa inyong nasasakupan in a span of two weeks; nagsagawa po ba kayo ng localized lockdowns diyan?
MAYOR TREÑAS: We had several lockdowns, sinubukan namin ang surgical, sinubukan rin namin ang total lockdown.
We had a meeting this morning at 9:00 o’clock, together with the COVID team and we decided that all the barangays with three or more cases we will place on surgical lockdown. And we will provide food assistance and fortunately we already have the presence of the PNP and the City Director of the DILG and we are at the moment meeting with our barangay captains of the barangays which will be placed on surgical lockdown starting today.
BENDIJO: Puntahan natin Mayor Jerry Treñas ang tanong ng ating mga kasama sa media. From USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Mayor, may tanong po iyong kasamahan natin si Evelyn Quiroz po ng Filipino Mirror. Ito po iyong tanong niya sa inyo: The tweet made by Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. stating that you blamed your constituents for the increase of COVID cases in Iloilo has already been deleted. Has Secretary Locsin apologized or reached out to you?
MAYOR TREÑAS: Well, he has not apologized. He has not reached out. Just the same, now we understand how he treats us Ilonggos and we know we will handle it.
BENDIJO: Mayor, dahil sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic hindi lang po diyan sa Iloilo kung hindi sa buong mundo na. Anu-ano po ang efforts na ginagawa ng local government unit diyan pagdating sa reopening, unti-unting pagbubukas ng ekonomiya diyan mo sa Lungsod ng Iloilo?
MAYOR TREÑAS: Alam mo Aljo, I have been meeting with businessmen. You know, here in Iloilo, as I have explained to Secretary Locsin, we know that governance is a shared responsibility between the governors and the governed. And everything we do, we consult the business sector, those who are involved, because we do not make decisions on our own.
Decisions cannot be made in a vacuum. We need to get the support of everyone. And I am now in the process of working with a team to prepare a media campaign for Iloilo City which all the other investors in Iloilo have already committed to support; together with the broadcast companies.
We have done everything that DOH has told us, but the cases continue to go up. Now, probably we really have to think out of the box. One of these will be a massive media campaign for our people to observe na minimum health standards. And you have to understand that unless the people understand why they have to observe all the minimum health standards it will be very, very difficult. Government must work together with the people and it should not be alienated from the people. That is what I wanted Secretary Locsin to understand, that here in Iloilo is different. You attack one, you attack the whole thing, you attack everyone. And we will not allow ourselves to be attacked by someone who does not even know what is happening here.
BENDIJO: Isa po sa mga tinututukan ninyong proyekto diyan, iyon pong pamamahagi ng tulong, ayuda sa inyo pong mga constituents. Tulong po ito sa pamamagitan ng COVID-19 emergency operations center po diyan. Ano po iyong update Mayor Jerry kung ilan na po ang nabibigyan nating mga pagkain, itong family food packs?
MAYOR TREÑAS: Marami na! We have been giving since the start of this pandemic. It is only now that DSWD has started to support us. Everything has been procured by the city government. Everything has been donated by the Iloilo businessmen. It is only now that DSWD has started to support us with food packs. Marami na talaga.
BENDIJO: Maraming salamat, daghang kayong salamat sa inyong panahon at sa pagpapaunlak Mayor Jerry Treñas ng Iloilo City. Mensahe na lang po, sir, maiksing-maiksing mensahe na lang po, Mayor Jerry.
MAYOR TREÑAS: Thank you and good morning to everyone.
BENDIJO: Thank you po, Mayor Jerry Treñas ng Iloilo City.
USEC. IGNACIO: Iyan, katulad nga ng sinasabi natin, Aljo di ba. Sinabi ni Dr. Ong na although nag-flatten ng kaunti, pero hindi iyon ‘yung ideal na kailangan nating kunin. So, kailangan pa rin iyong mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols.
Bukod po sa pagtulong sa pagsasaayos ng koneksyon ng internet sa bansa at pagtataguyod ng turismo, ngayon naman po ay katuwang siya ng ating gobyerno sa paglaban sa COVID-19. Kaya naman po makakausap po natin ang alkalde ng Narvacan sa probinsya ng Ilocos Sur, good morning po Mayor Luis Chavit Singson.
MAYOR SINGSON: Good morning, magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Mayor, bukod po sa pag-aaruga sa inyong nasasakupan sa Narvacan, Ilocos Sur ay may isa po sa mga proyekto ngayong may pandemya ay upang maiwasan na rin po iyong pagkalat ng sakit, iyon pong pagkakaloob po ng automated payment machines sa mga LGU sa buong bansa. Ano po ang kinaibahan nito sa ibang payment machine?
MAYOR SINGSON: Ang payment machine na ito makakatulong sa ating COVID, dahil hindi na iikot pa ang tao. Dahil iyong machine natin c0nnected na lahat ng mga bangko at mga malalaking companies, like mga padala ng pera; hindi na sila iikot-ikot pa kung saan magpadala, doon na mismo sa palengke nila, sa munisipyo at kung saan man gusto noong Mayor doon natin ilalagay, libre iyong machine. At iyong mga partner natin na bangko, siyempre hindi libre iyon, pag tanggalin mo wala nang makikipag-partner sa atin.
Ngayon, like for example iyong BDO, magpadala ka ng P5,000. Mayroon silang sisingiling P50 iyon lang, pero iyong convenience ng machine, tinanggal lahat, processing fee ng machine tinanggal nating lahat. So tulong lang talaga sa taumbayan iyan at pati machine libre, walang gastos ang gobyerno, walang gastos ang munisipyo na kukuha noon. Tulong lang sa ating mga kababayan.
At mayroon ding kasama iyan na inaayos pa namin, hindi pa binibigay. Dahil magbibigay tayo ng debit card, Visa card; meaning, Visa card international with bank account. Kasi karamihan sa ating mga kababayan, 70% walang bank account, so hindi ho umiikot ang ekonomiya, itinatago-tago lang pera nila kung saan-saan. So, ngayon naisip naming tumulong ngayong COVID, hindi na sila pupunta sa bangko, iyong—tayo na ang nagpunta sa bangko, nakipag-usap na ibibigay natin iyong debit card with bank account. Marami na pong bangko, ka-partner natin lahat na bangko; pero iyong mga tumulong sa pagbibigay ng Visa card, mayroon ng ibang bangko.
Mayroong ibang bangko. Hindi namin puwedeng ibigay sa isang bangko lang, dahil ka-partner natin lahat ng bangko. So, automatic iyon, kung sino iyong bangkong iyon, like China Trust iyong isa, iba pa automatic may bank account. So malaking bagay iyong may bank account, ibig sabihin noon, mga relative o kaibigan nag-abroad can now send money direct to their account. Iyong machine naman, kapag wala kayong card, kaya binibigay namin dahil magagamit na nila ngayon iyong machine. Lalung-lalo na iyong mga negosyante na nasa palengke at puro online na ngayon.
Ngayon magbabayad sila sa bangko, pupunta pa sila sa bangko, oras kung mag-antay, magsasara pa ng alas tres. Iyong machine, 24 hours, hindi na sila pupunta sa bangko para doon lang sa machine mismo, real time, pagbayad nila roon, lilipat na siya at real time. Dahil iyong machine na iyan, hindi lang WiFi kung hindi nakakonekta sa satellite. So iyon po ang advantage ng machine, para kung binigyan ng bangko lahat ng bayan, hindi lang iisa, dalawa or more, kaysa maglagay ng mga machine na libre para sa taumbayan. Iyon ang talagang tulong dahil tinanggal po natin iyong babayarin, like iyong processing fee, convenience fee sa machine tinanggal po lahat para makatulong sa taumbayan.
USEC. IGNACIO: Mayor, kumusta naman po iyong patanggap ng mga LGUs sa inyong proyekto at ilang payment machine na po ba ang naibibigay at saan-saang lugar na po ito, Mayor?
MAYOR SINGSON: Marami na sa buong Ilocos at kahapon galing ako sa Pila, Laguna kausap ko lahat ang Mayors doon at nagri-request lahat, bawat bayan, ng machine dahil malaking tulong sa kanilang munisipyo. So nandito ako ngayon, katatapos lang Caloocan City (coverage cut) marami iyon. Ganoon din dito sa Caloocan, nag-request na si Mayor Oca Malapitan na lalagyan din iyong mga malalaking barangay niya at puwede lalagyan natin, lahat ng mga barangay niya na malalaki para hindi na iikot ang tao kung saan-saan.
Doon na sa barangay nila, puwede ng mag-transact, lahat ng mga bangko, lahat iyong mga padala, money remittances, lahat-lahat! Puwede magbayad ng Meralco, SSS, GSIS, NBI pati US visa puwede na rin diyan. Iyong machine, nag a-update from time to time, lahat iyong mga ka-partner, puwedeng i-integrate, so marami ng ka-partner iyan. Lahat ng bangko, lahat ng nagpapadala ng pera, Palawan, Western Union at GCash, PayMaya, Western Union, lahat. So, nagagamit na po lahat diyan.
USEC. IGNACIO: Pero, Mayor paano naman po makakarating itong payment machine na ito sa mga liblib na lugar na mas nangangailangan po ng ganitong uri ng serbisyo?
MAYOR SINGSON: Iyong request lang ng Mayor. Kasi lahat ng karamihan ng mayor nagri-request doon namin pinapadala. Pero kailangan i-explain ko rin, paano—useless naman pag hindi nila gagamitin, dahil maraming nangangailangan nitong machine na ito. Malaking tulong sa kanila ito, kaya lang kailangan i-explain paano ang paggamit. Madali lang, ituturo kayo ng machine mismo, huwag silang matakot, dahil kung magkamali puwedeng ulit-ulitin. Ang taumbayan natin hindi kasi sanay sa machine, kasi iyan ikakalat natin, eh magagamit na. Iyan ang bangko nila, diyan na sila magpapadala ng pera, kamag-anak. Anywhere mapapadalhan na nila ng pera.
So, iyan po iyong machine, puwera pa iyong debit card na ipamimigay natin to follow iyon, dahil matagal ang integration ng debit card, dahil may visa ngayon. Ibig sabihin kung may visa ang card – international, worldwide. At mayroon na rin QR, mayroon na ring pang-swipe, mayroon nang cloud, pang top wave, kumpleto. So hindi ordinaryong debit card ang ibibigay natin. Mahalaga iyon, dahil libre iyon, ibibigay nating libre, tulong sa taumbayan. So, iyon po ang programang iyon na pinangungunahan lahat ng mga mayors, city mayor or municipal mayor and all the LGUs katulong po iyan. So, iyon po ang tulong natin sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Mayor, puntahan natin iyong tanong ng ating ilang mga kasama sa media. Ito po ang tanong ni Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror. In a previous Laging Handa briefing poi, you mentioned about the successful use of satellites to help Narvacan students gain access to learning resources. How is the program at the moment? Has the region followed your initiative?
MAYOR SINGSON: Ibig mong sabihin iyong satellite?
USEC. IGNACIO: Yes, Mayor, opo.
MAYOR SINGSON: Iyong satellite.
USEC. IGNACIO: Iyong last po nating interview sa inyo.
MAYOR SINGSON: Iyong satellite, iyon lang ang puwedeng magbato sa remotest areas of the Philippines. Lahat ng telebisyon dito sa Pilipinas, puro the rest iyan antenna or microwave antenna, ibig sabihin, diretso lang. Hindi po makaabot sa mga remote areas – only satellite. Dahil sa Pilipinas punung-puno ng bundok, hindi makakaabot iyong terrestrial antenna, lahat ng telebisyon, TV channel 2, channel 7, kung mayroon man silang antenna, kung saan iyong antenna, 25 to 30 kilometers lang ang bato.
Satellite lang ang puwede makabato sa mga remotest area. Hindi naman naglagay ng channel 2 or channel 7 sa mga remotest area, dahil walang pera diyan. So only satellite can reach sa remotest area, iyon ang sinabi namin sa DepEd, sinadyest (suggested) na kung gamitin itong Gracia Telecom blended learning, iyon na kaagad, puwedeng aabot to the remotest area, makaka-service sa mga walang signal. So satellite lang.
Ang gagawin natin, maglagay lang tayo sa remote areas ng satellite disk, dahil ang Gracia Telecom mayroong teleport na makakapagbato sa satellite na very clear. So iyan ang advantage sa Gracia Telecom. Iyong iba walang satellite. So, like for example iyong mga nag-suggest diyan sa DepEd, doon lang sa Metro Manila, pero paano nila mapapabot sa remote areas, wala, hindi aabot. So, iyon lang, satellite lang ang puwedeng mag-abot, as far as satellite is concerned.
USEC. IGNACIO: Okay, Mayor maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak ngayong umaga. Mayor Luis Chavit Singson ng Narvacan, Ilocos Sur. Stay safe po, Mayor.
MAYOR SINGSON: Maraming salamat din.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat Ria Arevalo. Alamin naman natin ang pinakahuling balita mula naman sa PTV-Cordillera, kasama si Breves Bulsao.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Maraming salamat Breves Bulsao ng PTV-Cordillera. Mula diyan sa Cordillera, tumungo tayo sa mga kaganapan sa Cebu, kasama si John Aroa. John, maayong udto.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa ng PTV-Cebu. Magbabalita naman diyan sa Davao City, si Jay Lagang. Jay, kumusta ang Davao?
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Daghang salamat Jay Lagang PTV-Davao.
USEC. IGNACIO: Pasalamatan na rin natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.
BENDIJO: Usec. Rocky, 87 days na lang Pasko na. Kaya naman pairalin natin ang pagkakaisa at pagbabayanihan, lalo na ngayong may krisis tayong kinakaharap.
USEC. IGNACIO: Nakita mo iyong nagbigay ng regalo, Aljo ha. At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t muli po ang aming paalala, be the part of the solution, wear mask, wash hands, keep distance, stay at home. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
BENDIJO: Ako naman po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec.
USEC. IGNACIO: Thank you, Aljo. Samahan po ninyo kami muli bukas dito sa public briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)