Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #99
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang araw Luzon, Visayas at Mindanao. Samahan ninyo ulit kami sa isang oras na diskusyon at pagbibigay impormasyon tungkol sa COVID-19

MR. BENDIJO: Kasama pa rin ang mga resource persons mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, ating sasagutin at bibigyan ng linaw ang mga tanong ng ating mga kababayan. Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng taumbayan, maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Department of Interior and Local Government Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya, Civil Service Commissioner Attorney Aileen Lizada, ITM Business Process Association of the Philippines President and CEO Rey Untal.

MR. BENDIJO: Usec. Rocky, maayong buntag. Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, kung kayo po ay may mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

USEC. IGNACIO: Aljo, ngayong buwan ng Hulyo ay National Disaster Resilience Month kaya naman po muling isinusulong ni Senator Bong Go ang kaniyang proposal na magkaroon ng Department of Disaster Resilience o DDR at ang panukalang batas para sa establishment ng mandatory evacuation center sa buong bansa. Aniya, likas sa ating bansa ang pagiging prone sa iba’t ibang uri ng natural na kalamidad at disaster tulad ng mga bagyo, lindol at volcanic eruptions.

Makakatulong umano ang DDR upang lalong mapaigting ang edukasyon ng mamamayang Pilipino ukol sa disaster preparedness. Ang Senate Bill 1228 naman o ang Mandatory Evacuation Center Act ay magmamandato sa bawat probinsiya, siyudad at munisipalidad na magkaroon ng evacuation centers na kumpleto po sa mga emergency packs, medisina at iba pang basic necessities na kailangan sa oras ng sakuna

Dumako naman po tayo sa update kaugnay sa tulong-pinansiyal sa ating mga kababayan, with 2.5-billion-peso budget for AKAP cash assistance ng Department of Labor and Employment. Sa 250,000 na target beneficiaries nito, umabot na po sa 232,247 ang naaprubahang aplikante at 194,187 na po ang nabigyan ng tulong.

Samantala, balitang OFW naman po tayo. Marami sa ating mga kababayang OFWs ang nagnanais na makabalik ng ating bansa at muling makasama ang kani-kanilang pamilya. At sa tulong nga po ng POLO Riyadh ngayong araw, inaasahang darating ang 614 distressed OFWs mula sa Riyadh patungong NAIA. Asahan po ninyo na patuloy na tutugon ang pamahalaan sa mga pangangailangan ng bawat mamamayang Pilipino.

Samantala, upang alamin ang pinakabagong updates sa mga ginagawa po ng DILG kaugnay pa rin sa umiiral na community quarantine, makakausap po natin si Usec. Jonathan Malaya. Usec., magandang araw po.

DILG USEC. MALAYA: Yes. Magandang araw sa iyo Usec. Rocky at kay Aljo. Magandang araw po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Naku, alam po naming talagang abalang-abala kayo sa mga panahong ito. Unahin na po natin ang mga katanungan mula sa ating mga kasamahan sa media, mula po kay Patrick De Jesus ng PTV: Kumusta po ang hiring sa additional contact tracers at ano po ang timeframe natin para dito upang makumpleto ang target na karagdagang 50,000 contact tracers? Ilan po ba iyong contact tracing teams as of today, at ilang contact tracers po ang bumubuo rito?

DILG USEC. MALAYA: Well, kung kami lang po sana ang masusunod sa DILG ay kahit kahapon nag-hire na kami ng additional na contact tracers kasi alam po natin na napakahalaga ng tungkulin ng mga contact tracing teams natin ngayon. Mayroon na po tayong mahigit kumulang 50,000 contact tracing teams sa buong bansa, araw-araw po nadadagdagan ito. May mga volunteers din po tayong tumutulong sa atin ngunit ang gusto po talaga natin ay madoble ito ‘no, lumampas tayo sa 100,000.

Kaya inaantay pa rin po namin hanggang sa ngayon ang abiso mula sa Department of Budget and Management kung kailan po kami makakapag-hire ng mga karagdagang contact tracers ‘no, dito iyong katanungan ni Patrick na 50,000 ‘no. And ang target po sana ng DILG ay makapag-hire kami before the end of the month – ma-hire na po natin ito dahil kinakailangan po natin itong mga contact tracers na ito para ma-deploy na natin kaagad-agad especially doon sa mga lugar na hanggang ngayon ay may mga mataas pa rin na numero ng mga COVID positive patients.

MR. BENDIJO: Opo. Usec. Malaya, magandang umaga. Maibang issue tayo Usec. ‘no, pinapayagan na ito pong back riding sa mga motor ng mag-asawa at kaugnay po riyan, anu-ano po iyong mga dokumento na kailangan nilang ipakita sa ating kapulisan at minimum health and safety measures na required ng IATF?

DILG USEC. MALAYA: Tama po iyan Aljo ‘no, inaprubahan na po ng National Task Force COVID iyong mga regulasyon tungkol sa pagpapapayag natin ng angkas or back riding at ngayong araw po ito ilalabas ng NTF, iyong mga rules and regulations diyan. So ang kailangan lang po diyan sa mga mag-asawa ay kailangan po talagang mayroon silang maipakitang mga dokumento sa ating kapulisan na sila nga ay mag-asawa.

Ibig pong sabihin ay kailangan ay mayroon silang ID na dala, preferably government issued ID at iyong kanilang kaangkas na asawa nila ay kailangan ding may ID din at magkapareho sila ng apelyido. At iyong address din kailangan magkapareho dahil importante po iyon bilang katunayan na sila ay nakatira sa isang bubong.

Most importantly iyon pong physical barrier na inaprubahan ng NTF ay kailangan nakakabit na rin po. Sa ngayon po magwa-warning muna ang ating kapulisan ngunit sa mga susunod na araw, kung wala pa rin pong mga dokumento man or mga physical barrier na nakakabit ay baka po magkaroon na ng apprehension ang ating kapulisan.

MR. BENDIJO: Opo. Kasali din dito Usec., ito pong mag-live in ‘no, common law wife, common law husband, basta’t nakatira lang sila sa iisang bahay. Papaano na po iyong miyembro ng LGBTQ?

DILG USEC. MALAYA: Diyan po sa topic na iyan ay mayroon pong magiging paglilinaw ang Office of the Presidential Spokesperson dahil nga po ngayong araw po ay lalabas lahat ang guidelines ng National Task Force, so antabayanan na lang po muna natin iyong mga specific rules and regulations tungkol diyan sa isyung iyan.

MR. BENDIJO: Opo. Doon naman po sa sistema sa paglalagay po ng barrier sa pagitan ng driver at ng pasahero, masisiguro ba natin na hindi ito magiging dahilan ng pagkadisgrasya ng nagmamaneho, iyon pong rider at ang kaniyang back ride, iyong sakay po niya, iyong angkas, Usec.?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Iyon pong inaprubahan ng NTF na disenyo, iyon po iyong galing sa mga local government units ‘no. Madami pong disenyong isinumite and bukas pa rin po ang NTF sa mga iba pang disenyo. So kung mayroon po iyong mga LGUs diyan o may mga kumpanya, kagaya po ng pinapakita natin sa screen ngayon na mga disenyo, puwede ninyo po itong isumite kaagad-agad sa National Task Force COVID-19 sa pangunguna ni Gen. Lorenzana at Gen. Año para ito po ay ma-assess din ng ating Task Force.

Iyon pong specifications ay inilabas na rin po kahapon at iyong prototype po na galing sa Provincial Government of Bohol led by Gov. Yap, iyon po iyong unang naaprubahang disenyo. At iyong disenyo pong iyon ay may mga specifications, adjustable po iyon depending on the height and the width of the motorcycle kasi batid naman po natin na iba-iba ang sizes ng ating mga motorsiklo. Mayroon din pong specifications iyon in so far as the sizes are concerned but as I said, puwede ito pong i-adjust.

Now ito po ay nasuri din ng ating mga eksperto at maging ang Land Transportation Office ay sumusuporta po sa paglalagay ng physical barrier. So we do not see this as a possible safety concern. Kailangan lang po talagang maging maingat kasi kahit po walang physical barrier ay mayroon po talagang nangyayaring aksidente kapag tayo ay nakamotor ‘no as compared to, kung ang gamit natin ay 4-wheel. So kailangan lang po magdoble ingat ang ating mga kababayan kapag sila ay gumagamit ng motorsiklo.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Malaya, bigyan-daan ko naman po iyong tanong ng ating kasamahan sa media, si Joyce Balancio po ng ABC-CBN. Ang tanong po niya, ang reaksiyon ninyo raw po sa some motorcycle riders saying the protective shield should no longer be required for back riding couples since couples naman daw po sila na staying in the same house and are still in close contact with each other when at home. And aside daw po sa couples, is the government also planning to allow back riding for other family members? If yes, when and how are we going to implement this po?

USEC. MALAYA: Ang naging sistema po kasi natin, ang atin pong istratehiya ay dahan-dahan lamang po iyong pagbubukas natin ng lahat ‘no, maging sa mga restaurants, maging sa mga religious services; kahit po sa public transportation, dahan-dahan din po.

So kahit po dito sa pagpapayag ng back ride ay nagsisimula muna tayo sa maliliit na steps. And the first step nga po is iyong sa mag-asawa muna natin pinapayagan ang pagba-back ride.

Eventually po, Usec. Rocky, I can see the possibility na mabubuksan na rin ito sa ibang miyembro ng pamilya. Ngunit sa kasalukuyan po, gaya nga po ng laging sinasabi ng ating pamahalaan, we have to take baby steps muna because iyong ating suliranin sa COVID ay hindi pa naman natin totally nai-eradicate.

Given the situation, we are doing this slowly. And kagaya nga po nang sinabi ko, I can foresee in the future na kapag nasawata na nating ang COVID na papayagan na rin natin iyong mga ibang miyembro ng pamilya. Ngunit sa ngayon po ay hindi pa natin masabi. It will depend upon the situation on the ground.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., from Joseph Morong naman po ng GMA-7. Ang tanong po niya: Paano daw po iyong hiring process ng contact tracers? At saan daw po maaaring mag-apply?

USEC. MALAYA: Opo. Ang desisyon po ng IATF ay ang DILG ang mangunguna sa hiring ng contact tracers. Iyon nga lang po, gaya ng sagot ko kanina sa simula ng ating programa ay hindi pa namin natatanggap mula sa DBM iyong pondo para sa hiring nito.

Mayroon na po kaming mga suggested regulations na sinumite sa Department of Health, at nagkasundo na po kami na iyong mga iha-hire natin na priority will be those graduates of medical allied sciences ‘no at pangalawa, iyong mga graduate ng criminology and similar courses. And of course, kung wala pong mga ganiyan, the third priority will be graduates of other courses.

We expect, as I said, na makapag-hire tayo sana kahapon ngunit since wala pa naman iyong pondo, we hope to be able to hire before the end of the month, God willing, kung malalabas sa DILG iyong pondo.

In the meantime, sa atin pong mga kababayan na nag-iisip na mag-apply bilang contact tracers, ihanda na po siguro natin iyong ating personal data sheet. At the very least ay ihanda na natin ang ating personal data sheet, puwede naman pong ma-download iyan sa internet, fill-up-an ninyo na para po kapag nag-anunsiyo na ang DILG na may hiring na po tayo sa buong bansa ay puwede po kaagad kayong makapag-apply sa amin.

USEC. IGNACIO: Usec. Malaya, pahabol pa rin po ni Joseph Morong, pahabol pa rin niya, iyong tanong: Magkano daw po iyong budget para sa pag-hire ng mga contact tracers?

USEC. MALAYA: Usec., gustuhin ko mang sagutin iyong tanong ni Joseph, as I said, hindi po kasi kontrolado ng DILG iyong amount na ilalabas ng DBM. It would be premature on my part kung sasagutin ko iyan at hindi naman pala mari-realize.

So, as of now po, iyon lamang—mayroon po kaming binigay na mga menu on how much will the compensation be and the total. But as I said, as of now, it would be premature for me to make an announcement without the official communication from the DBM.

ALJO BENDIJO: Opo. Usec. Malaya, isa rin po sa mainit na balita ang pagharap sa imbestigasyon ng ilang mga barangay officials dahil umano sa paglabag sa ipinatutupad na community quarantine sa Cebu City. Ano po ba ang update ukol diyan?

USEC. MALAYA: Opo. Mayroon na po tayong walong barangay captains sa Cebu na sinampahan natin or inisyuhan natin ng show cause order dahil sa iba’t ibang paglabag. Mayroon pong mga kapitan na tinolerate nila iyong pa-basketball, violation ng curfew, mayroon pong mga cockfighting, illegal cockfighting na nangyari at hindi po nagawa ng kapitan na sila ay mapigilan or gawin iyong tungkulin na ipagbawal itong mga ganitong klaseng pagtitipon dahil nga po stay at home ang ating polisiya at naka-ECQ po ang Lungsod ng Cebu.

Sa kadahilanan pong ito, nag-isyu po ang DILG ng mga show cause orders noong nakaraan araw, two days ago, at the said barangay captains were to reply within 48 hours. Iyong iba po ay nakapagsumite ng kanilang sagot; ito po ay pinuproseso na ng aming legal office. At kung mapapatunayan po at lumalabas po doon sa aming imbestigasyon na hindi katanggap-tanggap ang kanilang naging sagot sa show cause order ay mapipilitan po ang DILG na magsampa ng kaso laban sa mga kapitan na ito sa Ombudsman for dereliction of duty and grave misconduct.

At kasama rin po sa aming referral sa Office of the Ombudsman ang posibleng prayer for preventive suspension nitong mga barangay kapitan na ito. Siguro po sa mga susunod na araw, kapag natapos na po ang processing nitong replies of the show cause orders of the DILG, we will be able to give updates kung sinu-sino po iyong aming tinuluyan sa Office of the Ombudsman.

ALJO BENDIJO: Hinihikayat din po ni Secretary Eduardo Año, Usec., iyong LGUs, local government units, to go digital. Sa papaanong paraan naman po ninyo susuportahan ang mga lokal na pamahalaan sa ganitong hakbang?

USEC. MALAYA: Opo. Nagpapaalala po ang DILG, nagpalabas po si Secretary Año ng mga memorandum circulars sa ating mga local government units na unang-una po ay tulungan ang mga telecommunications companies at mga kumpaniya na internet service providers sa mga permits and issuances, clearances, para po mapabilis ang permitting process dahil nga po importante po na masolusyunan natin iyong gaps sa ating critical infrastructure gaya po ng internet ‘no.

Dahil nga po kailangan na po natin makapaghanap ng mga bagay na makakatulong sa ating mga kababayan na hindi na sila kailangang pumunta pa sa munisipyo kung sila po ay makakapagbayad ng kanilang mga real property taxes or kaya naman kung anong fees, makakapag-apply ng mga business permits online, malaking tulong po iyan sa ating mga kababayan para hindi na po sila magkumpul-kumpulan sa mga munisipiyo o mga lungsod.

Mayroon din po tayong ginagawang hakbang na ngayon, together with the Anti-Red Tape Authority para po ma-streamline na iyong permitting process para po sa mga cell sites, iyong tinatawag nating common tower para po mapabilis na rin iyong pagsi-set up ng mga cell sites sa mga lugar all over the Philippines. At iyong paggawa din po ng mga back bone ‘no, nakapaglabas na rin po ng memorandum circular ang DILG.

So hinihikayat po namin ang ating mga local government units na sa panahon po ng COVID ay kailangan doblehin po natin iyong ating investment in digital infrastructure at tulungan po natin iyong mga internet service providers and other companies para po mapabilis iyong mga permits and clearances na pending po sa kanilang mga local government units.

ALJO BENDIJO: Sa pagbubukas po ng klase ngayong taon, Usec., ano po ba ang partisipasyon ng DILG sa Oplan Balik Eskuwela? At anu-ano rin po iyong tulong na ibinibigay natin para sa pangangailangan ng mga estudyante?

USEC. MALAYA: Opo. Ang DILG po ay miyembro ng Oplan Balik Eskuwela Committee ng Department of Education, isa po kami sa napakatagal ng miyembro ng komiteng iyan. Tumutulong po kami sa Kagawaran ng Edukasyon para po maging maayos ang pagbubukas ng ating klase ngayong Agosto.

Nagpalabas po si Secretary Año ng isang memo sa lahat ng mga mayors at gobernador na kailangan na po nilang i-meeting iyong kani-kanilang mga provincial, municipal and city school boards. Ito pong mga school boards na ito ay chaired by the mayor, at ang co-chair po nito ay ang superintendent ng DepEd o kaya naman ang supervisor ng DepEd.

At dito po sa mga meetings ng local school board, hinihikayat po namin ang mga local government units na pag-usapan kung papaano po malo-localize iyong tinatawag na “learning continuity plan” ng Department of Education. Pag-uusapan po dito kung anong klaseng pamamaraan ng edukasyon ang gagamitin ng mga local government units at ng DepEd, kung ito po ay radio and TV or kung ito naman ay printed modules o kung ito naman ay online.

At nakakatuwa po, Aljo, na napakaraming mga LGUs ay nagsabi na tutulungan nila ang DepEd sa pagbibili ng mga gadgets especially dito sa Metro Manila. Ang dami ng mga LGUs na nagsabi that they are allotting one billion or less for the purchase of gadgets para maibigay sa mga estudyante para makatulong sa online education distance learning ng ating mga kabataan.

At ang paalaala lang po namin sa mga LGUs ay sundin po natin iyong mga technical specifications na ipinalabas ng DepEd nang hindi po masayang iyong [garbled] na ating ido-[garbled] ng mga eskwelahan.

And [garbled] naman kung saka-sakali po na ang LGU hindi nila kaya ang online learning dahil wala namang malakas na internet signal sa kanilang lugar – it is going to be printed modules or is it self-learning printed modules or kaya naman radio and TV education – hinihikayat po namin ang barangay na tumulong sa distribution nitong mga printed modules at sa collection naman nito para maibalik sa mga teacher para ito po ay ma-check nila.

BENDIJO: Sa mga lugar naman kung saan pinapayagan na ang pagbubukas ng mga dental clinics, Usec., anu-ano iyong mga health and safety standards na dapat i-comply hindi lamang ng mga clinics kung hindi pati na ng mga pasyente o mga kliyente?

USEC. MALAYA: Tama po iyan, Aljo. Isa po iyan sa mga tinutukan din ng DILG. Nagpalabas na naman si Sec. Año ng advisory sa ating mga local government units naman na kanilang bantayan ang mga dental clinics sa kanilang lugar dahil ang LGU po ang may authority to regulate all types of businesses that are existing within their jurisdiction kaya may tinatawag na Mayor’s permit or business permit.

Kasama po sa tungkulin ng LGU ay siguraduhin na sumusunod sa mga pamantayan ng pamahalaan ang lahat ng mga establisyementong nasa kanilang nasasakupan kasama na rin po ang mga dental clinics.

At ito pong mga dental clinics natin ay kailangan pong bantayan dahil nga po mayroon pong tinatawag na close proximity between the patient and the doctor. At mayroon na pong ipinalabas na guidelines ang Philippine Dental Association at amin pong ipinapaalala sa mga LGUs na siguraduhin nilang sinusunod ang regulasyon ng Philippine Dental Association doon sa mga dental clinics na kanilang in-allow to operate.

Kasama po sa mga regulasyon na ito ay kailangan naka-PPE ang mga dentista; kailangan din po may appointment system – hindi na po puwedeng magkumpul-kumpulan ang lahat ng pasyente na nasa dental clinic – appointment system; iyong pagpasok at paglabas po ng hangin sa loob ng clinic kailangan din pong siguraduhin nila; and finally, iyon din pong disposal ng mga waste products coming from the dental services ay kailangan din pong siguraduhin ng LGU na sinusunod ng mga dental clinics or mga dentista ang mga regulasyon na ipinalabas ng Philippine Dental Association.

USEC. IGNACIO: Usec., kamakailan lang din po binuksan na iyong ating mga paliparan sa kaparehong domestic at international flights. May mga ilan po bang paalala ang DILG dito para sa ating mga kababayan kaugnay sa kanilang pagpunta sa airport ng walang confirmation sa kanilang flights?

USEC. MALAYA: Tama a po iyan, Usec., kasi po naaawa rin po kami sa ating mga kababayan na pumupunta sa airport at naii-stranded lamang doon dahil sa kanilang nais na makauwi na ngunit ang akala nila ay iyong kanilang flight ay tuloy pa when in fact ito pong ibang mga tickets na binili nila ay nabili nila last year pa or many months ago bago mag-COVID.

Ipinapaalala lang po natin sa ating mga kababayan na lahat po ng tickets na binili ninyo prior to the COVID crisis or prior to the pandemic ay kanselado na po ng mga iba’t-ibang airlines. Nagpalabas po ang Civil Aeronautics Board sa pakikipag-ugnayan sa DILG ng isang memorandum sa lahat ng airlines na ipinapaalala sa kanila na ipaalam nila sa kani-kanilang mga pasahero na iyong mga tickets na issued prior to COVID ay kanselado na at kailangan po itong i-rebook.

At ang rebooking po nito ay kailangang sumunod na doon sa panibago nating flight schedule kasi nga po ang problema, 29 airports pa lang po sa buong bansa ang bukas sa domestic flights at ang karamihan po dito ay limited flights pa lamang.

So, kung tayo po ay pupunta sa airport na hindi kinukumpirma ang ating flight sa mga airlines ay magsasayang lang po tayo ng oras o kaya naman, tayo po ay mafru-frustrate lamang.

So, ang paalala po sana ng DILG sa lahat ng ating mga kababayan, kung wala naman po kayong confirmed flight na hawak na ticket, kung hindi po ninyo ito itinawag sa airline kahit po nakita ninyo na itong petsang ito, we suggest you call your airline at i-confirm po ninyo ang inyong flight kasi kung wala pong confirmation ay hindi po kayo papapasukin sa ating mga paliparan dahil nga po sinisiguro din natin ang safety and security ng ating mga paliparan at sinisiguro rin po natin na sumusunod sila sa mga pamantayan ng ating pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Usec., next week, July 15, ano po ang paalala ninyo sa ating mga kababayan kasi iyong inaasahan na… kung ano po ang magiging status o kalagayan ng ating community quarantine by next week. Ano po ang mensahe ninyo sa ating mga mamamayan ngayon?

USEC. MALAYA: Well, medyo mahirap sagutin ang tanong na iyan, USec., kasi alam mo naman everyday is a new day insofar as the fight against COVID is concerned. Araw-araw may dumarating na datos at alam naman ng lahat na ang nagdidikta ng ating community quarantine status ay ang mga datos na galing sa ating mga eksperto. We follow what Science—it is Science that guides us in all of the major decisions that government makes.

Sa kasalukuyan po, ang Metro Manila ay may 37,627 active cases out of the 51,754. So, iyon pong 51,000, iyon ang total ngunit kung titingnan po natin iyong mga recoveries, ang dami na po nating recoveries – 12, 813 out of the 51,000. So, ang atin pong sumatotal, the active cases is 37,627.

At ang magandang balita po for example, sa Cebu ay mas madami nang mga recoveries sa Cebu kaysa sa mga new cases. So, ito pong mga local government units ay aming pinupokpok na rin para mai-report na nila iyong mga recoveries kasi the more recoveries we have, the lesser number of active cases we will get.

So, we expect po na iyong mga LGUs, iyong mga monitoring nila ng mga mild cases sa kani-kanilang mga lugar na hindi naman sa ospital, sila po ay mga mild cases na nasa mga quarantine facilities or isolation facilities run by the LGU ay mai-report na ninyo kaagad-agad sa DOH para po ma-reflect na dito sa ating national tally.

Kasi po sa tingin namin, mas malaki pa po itong ating recoveries na 12,000 dahil nga po sa late reporting ng mga local government units. So, we appeal to the various local government units listening right now na kung puwede po mai-report ninyo kaagad-agad sa DOH at ma-monitor ninyo iyong mga cases sa inyong lugar especially iyong mga nasa quarantine facilities na gumaling na at na-PCR test na para ma-update iyong datos ng DOH.

So, again, Usec. Rocky, I guess we have to wait for the latest data coming from the DOH. I’m sure kapag papalapit na po ang July 15 ay magkakaroon na po siguro ng mas maliwanag na sitwasyon kung tayo po naman ay gagalaw pa insofar as our community quarantine status here in Metro Manila is concerned.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Usec. Jonathan Malaya ng DILG. Stay safe po.

USEC. MALAYA: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Ang Civil Service Commission po ay isa rin sa walang humpay na nagtatrabaho upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga empleyado ng gobyerno ngayong may pandemya.

At upang makibalita sa mga proyekto, programa po ng Civil Service Commission, makakausap po natin ngayon si Commissioner Aileen Lizada.

Attorney, magandang araw po.

COMMISSIONER LIZADA: Magandang araw po, Usec. Rocky, Sir Aljo, Usec. Malaya. Sa lahat ng nakikinig at nanonood, magandang araw po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bigyang-daan ko muna iyong katanungan mula sa ating kasamahan sa media. Mula po kay Tina Mendez ng Philippine Star, ito po ang tanong niya: There are government offices in lockdown due to COVID-19 cases such as the MMDA, DENR and the National Irrigation Administration. Under the circumstances, are employees mandated to physically report for work even as part of the skeleton force? What are the Civil Service guidelines during situations like these? Can an employee opt not to report for work or especially if he is part of vulnerable group or has comorbidity?

COMMISSIONER LIZADA: Okay. Ang MC that is in place – that is in operation ngayon ay MC No. 10, ito po iyong revised interim guidelines on alternative work arrangements. Kaya nga ho natin sini-stress dito, we rely on the wisdom of the head of the agency.

CSC has provided five alternative working arrangements po. It’s a combination of skeleton workforce for our compressed work week, work from home, and then iyong mga areas na kung saan nila puwedeng tingnan that they can work po with the combination of all five.

So, that’s why we are really impressing upon heads of government agencies while we need to serve the public, kinakailangan din ho nating protektahan iyong mga kawani ng gobyerno. Kasi kung lahat ho natin ay ipapa-report for work, one hundred percent, and if matatamaan po ang isa ng COVID, then you will no longer have a buffer. That’s why there is one department na ang pinapagawa ho niya ay two weeks-two weeks; so at least two weeks, 50%. And then as they go work from home, the other two weeks Team B is present. At iyong nagwo-work from home, if ever they were exposed ay sabay na po iyong quarantine.

Pangalawa, iyong sinabi ninyo pong with comorbidities, hindi ho talaga natin pinapa-report sila. We give them work from home and we monitor them sa mga respective homes nila because the ultimate consideration here likewise is the health of iyong employee po.

So iyong mga 60 and up, or 60 below but if you are suffering from stroke or you have underlying medical conditions, sila po ay iyong vulnerable sector natin at kailangan ho nating protektahan.

As we heard Usec. Malaya, mayroon tayong mga ECQ, mga iba-ibang klaseng quarantine po, but the fact remains that the virus is still there; the threat is present and let us protect ho iyong mga kawani ng gobyerno who are being relied upon by the public.

So to the heads of agencies, come up with a combination that is workable and acceptable para ho as you are fully operational, let there be a buffer sa mga empleyado po ninyo. Iyon po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may tanong po tayo, dalawang tanong from Nicole Lagrimas ng GMA News Online. Ito po ang una niyang tanong: Senate President Sotto said the government should offer early retirement incentives so it could cut down on personal expenses. What does the Civil Service Commission think about proposals to right size the government workforce? Is this the right time? And how much can the government save from it?

COMMISSIONER LIZADA: Thank you very much, Usec. Rocky. Kasi [garbled] personal advocacies in CSC. One of them po is aside from a better retirement pay, I am for—this is … I am talking on behalf of my office, ma’am. I am for the early retirement. Kasi I have gone around, Luzon down to Mindanao, I have spoken to 49 government agencies, LGUs, the sentiment, 99.9%, ang iba po ay pagod na. We have the highest optional age of retirement among our ASEAN countries, which is 60, optional. Ang mandatory po, we also have the highest mandatory age of retirement among ASEAN countries which is 65.

That’s why nagpapasalamat po ako kay Congressman Garbin for authoring the bill sa Lower House; pasado na po ito sa Kongreso. It is now up to the Senate po. And I hope with the words of the Honorable Senate President that this will push through kasi marami na rin hong pagod.

Let us infuse new blood to the system. Let us give them the option. Kasi ang optional age of retirement na binibigay po, na pumasa sa Kongreso is 56. Let us give it to the government employees to decide – if I want to retire early or I want to push through.

Personally, bringing my office, I am for the optional lowering of the optional age of retirement from 6o to 56 po.

USEC. IGNACIO: Attorney, mula pa rin po kay Nicole, ang tanong niya: Do you agree with the installation of a protective barrier for motorcycle back riders? Have government employees raised any concerns about this policy?

COMMISSIONER LIZADA: So far po, wala po kaming natatanggap na mga reklamo galing po sa mga kawani ng gobyerno. Kasi ang ginagawa naman po, as far as I know, ang iba ho ay nagsha-shuttle sila ng mga empleyado.

Regarding po doon sa what is my comment on the back riding? I am in no position po to comment because my knowledge is quite limited on it. I know it is based on science and they have studied it, and I respect po the comments—I’m sorry, I respect the … kung ano ho ang nilalagay nilang safety protocol po. Probably, they have studied it well and hard. And maybe from time to time, like what Usec. Malaya said kanina, calibrated, dahan-dahan and probably opening soon to a greater market and a greater ridership.

ALJO BENDIJO: Opo. Commissioner Aileen, maayong buntag, ma’am. May ibang isyu tayo. May proyekto po kayo na Government Online Career Fair o itong GOCF. Ano po ang layunin ng GOCF? Maaari ba ninyo kaming bigyan ng iba pang mga impormasyon patungkol dito?

COMMISSIONER LIZADA: Every September, iyan po, we celebrate the Philippine Civil Service anniversary. It is not the Civil Service Commission; it is the Philippine Civil Service anniversary, the whole bureaucracy.

And this coming September, we are celebrating the 120th year. Part of the activity po, sa lahat po ng mga nakikinig, this is [garbled] libre po ito, wala po kayong babayaran. This is a 2020 government online career fair. Isang activity po ito na binibigay ng Civil Service para po doon sa mga naghahanap ng trabaho or those who would like to try serving government po.

So this is an activity conducted by CSC, primarily by the Office of ERPO — Examination Recruitment and Placement Office po. This is to be conducted—it is a five-day online career fair which is from September 14 to September 18.

Right now, we are encouraging all government agencies to enroll. The period of enrollment is from July 11 to August 14. I hope, Usec. Malaya, isama ho ninyo iyong mga contact tracers ninyo sa amin para mas marami ho tayong ma-hire and we can help you.

So far, as of July 9, we already have 11 government agencies who have enrolled. May I be allowed to name the government agencies po?

USEC. IGNACIO: Go ahead po.

COMMISSIONER LIZADA: LTO Region I, LGU [garbled] Luzon, Landbank of the Philippines, City Government of Palawan, Philippine Children Medical Center, Samar Provincial Hospital, NEDA, Masantol High School formerly Sta. Lucia High School, BJMP MIMAROPA Region, Department of Education Division City of Iligan, DOST Advanced Science and Technology Institute.

Last year, we had, more or less, 7,327 vacancy pero ang nag-apply lang po ay 5,171. Right now, ang aming ini-encourage po, government agencies, please, enroll dito ho sa ating Government Online Career Fair.

ALJO BENDIJO: Commissioner, iyon guidelines, kung may mga maidagdag po tayo. Ito pong guidelines ng CSC para po sa mga nagnanais na lumahok sa fair?

COMMISSIONER LIZADA: Okay. For the guidelines kung paano gawin ay kinakailangan ho natin i-encourage iyong mga government agencies. How to participate – so, to all government agencies ho, iyong nakikinig, iyong mga heads of agencies, iyong HR ninyo – let us fill your unfilled positions.

May programa na po iyong gobyernong Balik Probinsiya, marami na ho tayong mga JOs at iyong ating mga casuals kasi hindi na nga ho sila nakakapasok sa gobyerno but let us open our unfilled positions and as government, tayo ho iyong number one employer at kami ho sa CSC, we are the central personnel employment agency po, so we’re encouraging government agencies.

From July 1 – August 14, please register through the link po, www.surveymonkey.com. Ito po, we have a tie-up with jobstreet.com, you can check our website po. And you just provide po your complete contact details and your focal persons and then your logo and then iyong job listings ninyo and upon completion of the agency profile and submission of the needed requirements – kasi ang agency ang magbibigay kung ano ang requirements nila – ito po …then email this to jobstreet.com.

Then after that, the corresponding government agencies who have enrolled will have a seminar, an online, one-time seminar lang po on how the system works and this is from August 28 – September 11.

So, now, it’s crucial for us sa CSC, we want government agencies to participate. We’re encouraging iyong mga ibang agencies po, fill-up your unfilled positions. Let us help – marami hong nangangailangan ng trabaho ngayon. Ibigay ho natin sa kanila iyong opportunity to serve the government and likewise be financially empowered, sir.

BENDIJO: Opo. Ma’am, baka may mga nakalimutan pa kayong mga requirements para malinawan ang atin pong mga aplikante, iyon pong kanilang mga kinakailangang ihanda para po sa naturang fair at kailan at saan ito dapat i-submit.

COMMISSIONER LIZADA: Okay. Doon sa mga interesado hong mag-apply, September 14 – 18 po ito, five days. Iyong job applicant po kailangan ho mayroon kayong account sa jobstreet.com. Kung wala naman po kayong account, you can create an account by visiting jobstreet.com and then you click the free sign-up icon flash and then you follow the instruction po, ‘no.

Pangalawa po, you will see a link there and this will redirect you to the government online career fair landing page. Alam ninyo ho ang maganda dito, in the confines of your home if you are form NCR, you will see ano ang nasa Region I, Region II, Region III, nationwide. So, you do not have to go to region and see ano ang available positions po doon. So, you download your PDS and then you fill out the data and submit it to the agency that you would like to apply, sir.

BENDIJO: Opo. Napakagandang programa po iyan, Commissioner. Gaano po kalaki ang maitutulong nito sa serbisyo ng CSC, Comm?

COMMISSIONER LIZADA: Right now, we have more or less 1.8 or 1.9 employed ng gobyerno po but they are still lacking—we are still lacking in numbers po because each agency po mayroon ho kayong plantilla, mayroon ho kayong organizational structure. You know the numbers that are needed to run your respective agencies. Let us fill it up.

Kaya ho ang iba nag—they hire JOs or casuals but ilan na hong taon, ang mga ibang empleyado ay JOs pa rin, 20… 30 years. Ilan ba ho ang casuals na 20 years, 30 years? We in government, we should try as much as possible to fill in at para ho we can avoid having iyong mga JOs natin na matagal na ho and when they retire, wala naman ho silang natatanggap.

It is very important that we have the correct number of people in a corresponding agency para ho hindi ho sila mahirapan to serve the public. Kagaya ho ngayon, ano hong [garbled] natin ang parating nasa frontline kasi kulang ho iyong mga plantilla. But if we are able to fill out our plantilla structure then we will be able to respond well and do away with our JOs po.

So, if ever, let us absorb and for those who are going back to the provinces, for them—let us give them a reason to stay in the provinces by applying po if there are qualified.

BENDIJO: Opo. Mensahe na lang po ninyo, Commissioner, sa atin pong mga viewers at civil servants?

COMMISSIONER LIZADA: Sorry sir, I hardly heard you. What is the message to the viewers?

BENDIJO: Opo. Yes po, Attorney, message po sa ating mga viewers lalo na sa mga civil servants natin.

COMMISSIONER LIZADA: Okay. Before I go to the message, gusto ko lang idagdag po iyong online registration appointment ng scheduling system. Sa lahat ho ng nangangailangan ng mga civil service eligibility ninyo, iyong mga papeles po ninyo, puwede na ho kayong mag go online, we call it ORAS. This is web-based, iyong kanina hong ipinakita ninyong video, iyon po iyon. You do not have to go CSC anymore. This is for the central office. If you need your records po, your career service eligibility, SALN, employees record, iyan po iyon. You can go online and to fast track things, mas madali ho kayong mase-serve. To all our clients, please avail of this ORAS – the Online Registration Appointment and Scheduling System.

So, my message to all government employees and for those who would like to join government service mayroon ho kayong pagkakataon to serve the public, I encourage you, apply online iyong sa government online career fair which is September 14 – 18. Government is doing its best para ho to ease the burden for those who are seeking and looking for jobs, ito na ho iyong pagkakataon. It’s a good paying job, there is security of tenure but please be reminded if you want to join government service, government service is a privilege, it’s a privilege to serve. We have long working hours, overtime and ang inuuna ho natin dito ay iyong interes ng nakararami bago ho ang pansarili ho nating kapakanan. So, if you have the heart to do public service, we’re saying—we’re inviting you to join us.

And for those who are in government service specially now, the public health workers, maraming salamat ho sa ginagawa ninyo. Let us continue to serve the public and to the heads of agencies, let us protect ho iyong mga kawani ng gobyerno.

Maraming salamat po.

BENDIJO: Daghang salamat, Commissioner Aileen Lizada ng Civil Service Commission.

COMMISSIONER LIZADA: Thank you.

BENDIJO: Isa sa naging kasangga ng bansa ang IT-BPM industry sa pagsalba sa ekonomiya ngayong may pandemya. Upang alamin ang update kaugnay diyan, makakausap natin si president and CEO Rey Untal ng IT and Business Process Association of the Philippines.

Magandang araw po, sir Rey.

MR. UNTAL: Magandang umaga sa iyo, Sir Aljo and Usec. Rocky.

BENDIJO: Una po sa lahat, gaano po kalaki ang papel na ginagampanan ng IT-BPM industry sa economic growth ng Pilipinas, sir Rey?

MR. UNTAL: Maraming salamat po sa tanong na iyan. Napakalaking karangalan po sa amin na ibahagi sa inyong mga tagapagtangkilik na noon pong natapos ang 2019, mayroon na po tayong 1.3 million Filipinos na ini-employ ng industriyang ito. Iyong 1.3 million po na trabaho na iyon nagbibigay po sa bansa ng $26.3 billion taon-taon at saka mayroon din po kaming tinatawag na multiplier effect na sa kada isang trabaho na aming nacre-create, nakakapag-create din po tayo or nakakapag-impluwensiya tayo ng hanggang apat na trabaho sa iba’t-ibang industriya tulad ng food, retail, transportation, real estate.

So, sa tagal po ng panahon, mahigit na pong tatlong dekada na ginagawa natin ito, mabilis po iyong paglaki ng ating industriya and marami pong salamat sa ating mga kasangga sa gobyerno at saka sa private sector na nagiging tulay talaga ng ating pag-asenso lalo na at higit sa ating industriya.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, 71,000 po iyong nadagdag na bilang ng mga full time employees nitong 2019 pero sa pagpasok po ng COVID-19 sa bansa, sa papaanong paraan po naapektuhan ang IT-BPM industry sa Pilipinas at paano po iyong naging working arrangement ninyo?

MR. UNTAL: Sadya pong nakapakahirap noong pumasok itong pandemya sa ating bansa at alam naman natin na itong problemang ito ay hindi lang confined sa atin, at ito ay isang global pandemic at halos lahat ng bansa ay naghahanap ng paraan para maipagpatuloy ang kanilang mga kalakal.

So, dito sa Pilipinas, unang-una, nagpapasalamat ulit ako sa ating mga kaibigan at kasangga sa Inter-Agency Task Force na at the onset noong pandemya at noong nag-declare ng ECQ dito sa Metro Manila at subsequently sa buong Pilipinas ay itinalaga nila ang BPO bilang isa sa mga tinatawag nating essential industries.

At dahil doon, nakagawa kami ng paraan para makapag-mobilize at mapalaki ang hanay ng aming mga empleyado na naging productive. So, dalawang modelo po iyong pinayagan sa amin para makapagpatuloy ng trabaho.

Unang-una ay iyong tinatawag na onsite skeletal sa mga opisina, may requirement lang na itira namin sila sa mga malalapit na hotel o dormitory or in certain cases, onsite mismo provided that we are able to maintain the social distancing and the minimum health standards which are prescribed by both DOH and DOLE.

Iyong ikalawa pong modelo ay iyong tinatawag nating work from home. Now, before po nitong pandemya while mayroon tayong mga kakayahan na gawin na itong work from home, hindi po natin siya ginagawa as iyong normal na paraan ng ating pagdispensa ng ating trabaho so, napakalaking trabaho po logistically ang aming ginawa para ito ay maipatupad.

So, you could just imagine noong binigyan po kami ng isang linggo para ma-mobilize ang aming mga hanay para mapatakbo itong work from home arrangement and naalala ko pa noong mga panahon na iyon, that translated to us having to mobilize at least half a million Filipinos. In-activate natin iyong mga work station sa kani-kanilang mga bahay, nakipagtrabaho tayo sa mga iba’t-ibang logistics company pati sa mga telco para makapag-provide po ng nararapat na infrastructure para mapagpatuloy ang trabaho. So, sa loob po ng isang linggo, mabilis kaming nakapag-mobilize and noong tiningngan nga po namin noong first week na iyon, 50% po ng ating workforce ay naging productive kaagad.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa kabuuan po, sir, gaano kalaki iyong porsiyento ng IT BPM sa bansa, iyong kasalukuyan pong nag-o-operate sa kabila po ng umiiral na community quarantine?

MR. UNTAL: So, during the ECQ, tuloy-tuloy po iyong aming pag-mobilize. Maraming salamat ulit sa ating mga kaibigan sa IATF, pinayagan nila kaming tuloy-tuloy na makapagdagdag ng mga tao na pupuwedeng magtrabaho dito sa dalawang modelo na nabanggit ko.

So, noong natapos na po iyong ECQ at lumipat na po tayo sa GCQ, tiningnan po namin ulit ang tala at ngayon po, we are operating at above 85% productive na. Iyan po ang record namin noong gumawa kami ng survey a little more than three weeks ago and sa aking pananaw po ngayon, medyo mas mataas na dahil nagre-relax na rin po iyong ating transportation – iyong public transportation.

And gusto ko rin pong iparating sa inyo na doon sa panahon na hindi pa ganoon kadami iyong public transportation, iyong mga kompanya po ng mga IT-BPO companies ay nag-hire ng kaniya-kaniyang mga shuttles para matulungan po ang mga empleyado para makapasok at makauwi sa kanilang mga [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa inilabas na guidelines ng Department of Labor and Employment, paano ninyo po pinaghandaan iyong pagbabalik pa ng mga empleyado sa kanilang trabaho? At anu-ano po iyong industry guidelines and measures na ipatutupad ninyo para po masiguro iyong kaligtasan ng ating mga empleyado?

IT-BMP PRES. & CEO UNTAL: So sa simula pa lang po, katrabaho na po talaga namin ang DOH at saka ang DOLE, at saka ang PEZA ‘no pati na rin ang DTI dahil po sila iyong aming mga kadalasang ka-interact as we try to optimize our operation. Of course, nasa sentro po ng aming pag-o-optimize na iyan iyong pag-i-ensure, iyong magandang kalagayan ng aming mga empleyado.

So mayroon pong mga prescriptions, marami pong mga guidelines ang inilabas. Marami rin po kaming mga sessions, mga virtual sessions na ginawa, na naimbita namin ang mga ahensiya na ito at kasama namin ang aming iba’t ibang kumpanya sa ITBPO at inunti-unti po namin, pinag-usapan kung ano po iyong mga minimum health standards at ano pa iyong mga puwede naming gawin para maiwasan po at mailagay sa focus iyong health and welfare ng ating mga employees.

So kasama po natin diyan, uulitin ko lang po, ang iba’t ibang ahensiya sa pagpapatupad ng mga minimum health requirements.

ALJO BENDIJO: Opo. Sir Rey, maraming nawalan po ng trabaho ngayong may pandemya kaya naman po nakakatuwang malaman na may mga job opportunities sa ITBPM ngayon. Maaari ba ninyo kaming bigyan ng impormasyon at anu-ano po ang mga vacant positions?

IT-BMP PRES. & CEO UNTAL: So siguro po iyong—unang-una, gusto ko lang pong i-emphasize na sa aming katayuan po ngayon, hindi pa ho kami business as usual ‘no. Nabanggit ko nga po na nasa 85% iyong productive capacity, at posible pong mas malapit na sa 90% ngayon dahil nakalipas na rin ang ilang linggo noong huli naming ginawa iyong aming survey.

Pero noon pong kalagitnaan ng ECQ, at ito po ay nai-report din ng Job Street at alam ko ay nabanggit din kanina ni Commissioner Lizada, nagpahayag po ang Job Street na noong sa gitna ng pandemya – I think iyong inclusive period na kanilang ini-report ay between March 15 hanggang 30, noong naka-ECQ tayo. Although iyong ibinaba ng mga posting, posting sa online portal na ito, easily po 41% ng mga trabaho na nakatala noong panahon ay sa IT-BPO. And then sinundan po ito ng mga opening sa gobyerno at saka sa edukasyon.

So doon pa lang po ay malalaman na natin na kahit na noong mayroong tayong pandemic at nasa gitna tayo ng ECQ na tuluy-tuloy po ang recruitment ng ating mga kasamahan sa hanapbuhay.

And recently po, may mga ilan ding kumpanya na nag-announce mismo sa mga iba’t ibang media outlets, may isang kumpanya na base sa Singapore na may malaking presence dito na nag-hire o magha-hire ng dalawang libong costumer care practitioners na work from home. Mayroon din pong isang malaking BPO company – ang pagkakaalam ko ay nasa apatnapung libo ang kanilang hanay ng mga empleyado – nag-announce din po sila that they are hiring another 4,000.

Now, sila po iyong mga lumabas sa media. Sa akin po namang pakikipag-usap sa mga country heads, marami rin po akong naririnig at nai-convey nila sa akin iyong kanilang tuluy-tuloy na pag-recruit. Kasi while may mga industriya po na talagang nasaktan ng pandemyang ito, mayroon din po silang implication sa aming industriya tulad ng travel and hospitality ‘no, travel and tourism – talaga pong nag-suffer iyan sa panahon ng pandemya. At iyong mga serbisyo namin around it ay lumiit din.

Pero mayroon ding mga ibang hanay ng aming trabaho na nagkaroon ng malaking demand as a result tulad ng sa healthcare, dumami po iyong demand niyan. At may mga ilang kumpanya na nandirito na tuluy-tuloy po iyong kanilang pag-recruit dahil po sa lumaki rin ang requirements doon sa area na iyon.

Sa telekomunikasyon, ganoon din po, iyong pagkonsumo ng mga tao sa buong mundo ng iba’t ibang serbisyo sa telekomunikasyon, nag-aano rin po iyan, nagri-ripple effect pabalik dito sa atin.

And even po iyong mga online deliveries, iyong nakikita po natin dito noong pandemya, iyong pagdi-deliver ng mga pagkain. Sa ibang bansa po, marami rin pong ganiyan. And iyong support doon po sa mga ganiyang klaseng serbisyo, iyong logistics ay nagdadagdag din po dito sa mga trabaho natin.

ALJO BENDIJO: Opo. Mr. Untal, ano na lang po ang inyong mensahe sa lahat?

IT-BMP PRES. & CEO UNTAL: Uulitin ko lang po, hindi pa ho tayo business as usual pero malaki po ang confidence ng karamihan sa ating sektor na kakayanin po natin itong lampasan.

We will continue po to work with the different government executive agencies because there are still a few things that we want to iron out, and so far they have been extending all the support to us. And we commit naman po to do whatever is needed so that we can work with this country, with this administration, as well as with our affiliations so that we can help in our recovery dito sa ating pandemic.

ALJO BENDIJO: Maraming salamat po IBPAP President and CEO Rey Untal.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine, pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinisiya, Bagong Pag-asa Program. Para po sa ibang detalye, panoorin po natin ito:

[VTR]

ALJO BENDIJO: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling mga balita mula sa iba pang mga lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa PBS (Philippine Broadcasting Service). Czarinah?

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro.

[VTR]

USEC. IGNACIO: At para naman alamin ang kasalukuyang sitwasyon sa Cordillera, narito si Breves Bulsao.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Okay. Daghang salamat sa imung balita, sa iyong report, Jay Lagang—hindi po ng Cordillera kung hindi ng PTV Davao.

USEC. IGNACIO: At para naman alamin ang sitwasyon sa Cebu City, narito si John Aroa.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, John Aroa.

Dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa tala ng Department of Health, as of July 9, 2020, umabot na po sa 51,754 ang total number of confirmed cases; wala pong naitalang namatay kahapon kaya naman nananatili pa rin ito sa 1,314. Patuloy rin po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 12,813.

Pero hindi pa rin po kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng facemask at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan: Sa pagsunod at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan, makakatulong ka upang tuluyan na nating mapagtagumpayan ang laban sa COVID-19. Bahay muna, buhay muna.

ALJO BENDIJO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 sa pakikiisa sa ating programa. Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.

ALJO BENDIJO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Salamat din sa’yo, Aljo. Mula po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)