Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Isang oras na naman na siksik sa impormasyon kaugnay sa pagharap sa new normal ang muli naming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Sabado.

BENDIJO: Kasama pa rin siyempre ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, samahan ninyo kaming muli upang alamin ang pinakamahahalagang update tungkol sa mga hakbangin ng pamahalaan sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic. Ako po si Aljo Bendijo. Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Pablito Gonzales ng National Committee on Central Cultural Communities at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maari po kayong mag-comment sa livestreaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

At una sa ating mga balita: Nasa 450, apat na raan at limampung mga market vendors ng Kamuning Public Market sa Lungsod Quezon ang nabigyan ng tulong ng tanggapan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na isinagawa sa Bernardo Basketball Court Kamuning. Ang ilan sa naibigay ay mga pagkain, masks at face shields at piling mga vendors ang binigyan ng bisikleta at ilang mga estudyante rin ang nabigyan ng tablet na magagamit sa kanilang online classes.

Naroon din ang Department of Social Welfare and Development upang magbigay ng tulong-pinansiyal at ilang mga pagkain sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation Program; at ang Department of Agriculture naman ay nagbigay ng assistance sa mga vendors sa ilalim ng kanilang Enhanced KADIWA Ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program.

Samantala, nagpahayag naman ng pagsuporta si Senator Bong Go sa Department of Health kaugnay sa proposed budget nito sa taong 2021 at ayon sa Senador, hindi kakayanin ng bansa na magkaroon ng reenacted budget para sa susunod na taon habang nasa gitna pa rin tayo ng krisis dulot pa rin ng COVID-19. Binigyang-diin ng Senador na dapat aniyang siguruhin na mayroong sapat na budget para sa procurement ng mga PPEs, mga masks at COVID-19 test kits – sapat para sa nararapat na compensation benefits ng healthworkers at sapat din aniya para sa operation ng pampublikong ospital.

Sa iba pang mga balita, Philippine Red Cross nagpamahagi naman ng aabot sa 42 milyong multipurpose cash sa tinatayang 8,820 vulnerable families sa Cebu, Lapu-Lapu, Cordova, Western Samar at Leyte. Kaya naman hinikayat ni PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon ang mga nakatanggap nito na gawin itong investment na makatutulong sa pagsisimula ng kanilang kabuhayan. Sa isang International Federation of Red Cross and Red Cross Society na nagbigay rin ng MPCG sa mga apektadong indibiduwal sa mga lungsod ng Maynila, Mandaluyong, San Juan, Antipolo at Cainta sa Rizal.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang kumustahin ang kalagayan ng mga kababayan nating katutubo sa gitna po ng pandemya at para alamin ang update kaugnay sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month, makakausap natin ngayon si Sir Pablito Gonzales, ang Head po ng National Committee on Central Cultural Communities. Magandang araw po sa inyo, sir.

MR. GONZALES: [Garbled] makasama kayo sa programang ito [garbled] maka-share ng mga tanong ninyo tungkol sa sitwasyon ng mga indigenous people natin at mailahad ko rin ang mga programa ng NCCA sa lahat ng nakikinig ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Welcome po sa Public Briefing LagingHandaPH. Gaano po kalaki ang epekto ng COVID-19 pandemic na nararanasan ngayon sa mga katutubo at paano ninyo po ito mino-monitor iyon pong kalagayan nila ngayong nasa gitna po ng pandemya?

MR. GONZALES: Sa case po ng National Commission on Cultural Communities—ang National Commission on Cultural Communities [garbled] Commission on Cultural Communities and Traditional Arts. [Garbled] may mga cluster heads po kami, committee kasi kami [garbled] so may cluster heads na ako iyong pinupuntahan ng mga indigenous peoples. Sila po iyong nagmu-monitor kung ano na iyong sitwasyon ngayong nasa community-based na mga indigenous peoples, mga cultural communities nasa community kaya nakapagbigay tayo ng iba’t ibang programa sa kanila since mag-start ang mga ECQ, mga lockdowns.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta po iyong kasalukuyan nilang sitwasyon? Alam naman po natin ang epekto nitong COVID-19, mayroon po ba kayong mga programa para makatulong na maprotektahan sila laban sa COVID-19?

MR. GONZALES: Noong mag-start po ang ECQ, ang ginawa ng NCCA ay namigay siya ng cash assistance program sa mga cultural workers at mga traditional artists na nangangailangan ng tulong. So hindi lang iyon po sa cultural communities but lahat po ng mga cultural workers at mga artists. So may mga cash assistance tayong ibinigay, isa pa po dito ay iyong assistance to artisan. Nagbigay din kami ng tulong sa mga artisans natin at mayroon din ang NCCA na programa na—assistance program for cultural communities.

Mayroon din kaming programa na tinatawag natin na School of Living Tradition with iyong ibang School of Living Tradition na hindi kaagad ito naka-start, iyong iba naman nag-stop for two months. Like in our case here in Negros nag-stop kami for two months pero noong June nag-start kami uli pero of course observing the protocols na. Itong School of Living Tradition kasi kailangan—importante din ito kasi dahil nagbibigay ito ng—like for example, isang art form kasi na weaving. So nagbibigay ito ng mga income din sa mga cultural workers natin at estudyante natin na—may estudyante doon na [garbled] their culture.

Another program ay iyong IP Month celebration. So we’ll be celebrating IP Month—actually, we are celebrating Indigenous Peoples Month ngayon. Ang sa NCCA—actually, ang tema namin ay “Pinagmamalaking Buhay na Dunong.” At sa NCIP mayroon din sila, so maganda rin itong tema nila ngayon – “Collecting Historical Injustices for Indigenous Peoples Rights and Welfare.” So maganda itong mga tema rin at ginagawa ng NCIP na kung saan may mga kaugnayan din kami especially dito sa amin sa Negros, may kaugnayan kami with the NCIP.

So maraming mga programa kaming ginagawa ngayon saka ng pandemya like may na-trap na mga pamilya doon sa Kabankalan so tinulungan [garbled]. Tumulong kami ng NCIP sa pagtulong sa mga indigenous peoples.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pupunta po tayo doon sa Indigenous Peoples Month ano po. Pero ang tanong ko lang po muna ay: Mayroon po ba kayong data o bilang ng mga IPs na nagkaroon ng sakit at kung mayroon po, papaano po sila matutulungan at kanino po sila lalapit?

MR. GONZALES: [Garbled] data, sa NCIP data na iyan naka [garbled]. In terms of tulong naman like may mga indigenous peoples kasi na alam ko nakikipag-usap din sa amin ang NCIP dito. So may nurse sila kasi like in our case here in Negros, may nurse sila, na siya ang nakikipag-ugnayan sa LGU, sa province, sa DOH para po matingnan kung ano iyong mga pangangailangan ng mga indigenous peoples lalo na sa health.

Ngayon po naman—actually, 3 days ago nag-start ang isang lockdown din dito sa isa pang IP community sa Isabela dahil may isang positive doon. Pero ang NCIP sa alam ko ay pumunta doon at nakikipag-ugnayan din siya sa whole community – anong pangangailangan nila, paano sila matulungan at para ano ang [garbled] doon. So iyong mga health protocols naman ay pinapa-implement, sila iyong [garbled] ng tao doon kung ano ang dapat gawin din ngayong lockdown. So, iyon po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon nga pong Indigenous Peoples’ Month, gaano po ba kahalaga iyong maipagdiwang ito para po sa ating mga katutubo?

MR. PABLITO GONZALES: Importante po ito para sa cultural communities natin dahil alam naman natin na [garbled] ang higit sa atin ay discriminated, marginalized sila sa sosyedad natin at palaging hindi sila nabibigyan ng pansin.

Like ngayon, kung titingnan natin, may Indigenous Peoples’ Rights Act of the Philippines, so itong indigenous peoples ay may apat siya na major rights na dapat nating tingnan. Ang unang right diyan ay “The rights to ancestral domain”; iyong pangalawang right ay “Right to social justice and human rights”; and pangatlo ay iyong right nila to self-governance and empowerment; at iyong pang-apat, iyong “Right to cultural integrity” kung saan po kami sa NCCI ay pumapasok.

So itong rights na ito ay dapat ibigay. Ang ibig kong sabihin ay dapat din malaman ng mga tao kahit sa mainstream, kahit dito sa baba, para ang pagrespeto sa kanila ay maisagawa natin. Para ma-correct din natin iyong historical discrimination, historical na mga [garbled] problema na mga nagawa natin. Kung titingnan ko kasi itong, like, tema ng NCCA ngayon, ang selebrasyon ng NCCA, maganda po ito. Dahil kung titingnan natin historically, mayroong, well, misappropriation na ginawa tayo, ang history, sa tradisyon ng mga indigenous peoples. Kung tingnan natin, 1903 kasi na population count or census, 1903 pa iyon, so kung makikita ninyo diyan ay dini-describe lang ang civilized or iyong converted to Christianity. At iyong mga nasa upland na mga tao, sigurado ako iyon ang mga indigenous peoples sa ngayon, wild guess ang bilang sa kanila sa nakikita kong discrepancy rin kahit pa sa population count natin.

Kaya ngayon, kung titingnan natin [garbled] indigenous Filipinos pero kaunti lang iyong masasabi natin na indigenous peoples talaga based on [garbled] because [garbled] retained their intangible trait at iyong tangible cultural heritage din nila.

So iyon, gawing IP awareness a vision, respect, importance, promotion ng mga indigenous peoples natin. Importanteng i-promote din iyong kultura nila na [garbled] palagi dahil iyong mga superior na kultura natin ay iyong mga contemporary na kultura ngayon. So iyong traditional culture ay importante rin na maipalabas, maipakita nila. So it is only through IP month’s celebration na makikita natin ito at mabigyang-pansin at maka-focus tayo dito. So iyon po.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sir, ipinahayag nga po ng NCIP iyong pagkadismaya sa mga LGU na wala daw po kasing IP representative ang ating mga legislative council. So gaano po ba ito kahalaga para naman po sa kapakanan ng ating mga katutubo?

MR. PABLITO GONZALES: Iyan, pinakamahalaga din iyan dahil self-governance and implementation kasi iyan. So dapat maka-participate ang [garbled] sa local governance. Actually, ako ngayon, on my own capacity, I’ve been helping the indigenous peoples here in our town – maliit lang itong town, Binalbagan, Negros – pero we are [garbled] for the IP representation in the LGU, municipality at barangay iyan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paglagay ng mga IP para sa alam ko, noong isang araw ay mayroong nag-take oath IPMR (Indigenous People’s Mandatory Representative) in Kabankalan City; the other week sa Oriental. So patuloy ang pagtulong rin ng [garbled] as NCCA at tumutulong sa mga indigenous people [garbled] pag-engage nila sa gobyerno in terms of [garbled] na makahingi sila ng tulong sa mga national government agencies natin lalo na sa [garbled]. So iyon po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa kasalukuyan—kasi may mga report po na mayroon umano na mga pagpatay at mga pang-aabuso sa mga miyembro ng IP communities. So ano naman po ang mga hakbang ninyo upang makatulong maprotektahan at makaiwas sa mga ganitong pang-aabuso sa ating mga IPs? Opo, sir?

MR. PABLITO GONZALEZ: Well, hindi [garbled]. Nandito nga ngayon ang isang lider namin. Ang ginagawa niya minsan ay nakikipag-ugnayan siya sa, of course, sa military natin para po makipag-usap at matulungan naman sila na maintindihan po iyong sitwasyon ng mga indigenous peoples.

Ang NCIP, ang alam ko po ay mayroon naman silang actually mga engagement with our [garbled]

USEC. IGNACIO: Okay. Babalikan po namin kayo, Sir Pablito Gonzales kasi po hindi po natin naiintindihan ang inyong mga sinasabi dahil nagkaroon po tayo ng technical problem. So babalikan po namin kayo maya-maya lamang.

ALJO BENDIJO: Sa puntong ito ay dumako naman tayo sa pinakahuling mga balita mula sa iba’t ibang lalawigan sa buong kapuluan. Makakasama natin si Aaron Bayato mula sa PBS – Philippine Broadcasting Service. Aaron?

[NEWS REPORTING]

BENDIJO:  Aaron Bayato, mula sa Philippine Broadcasting Service.

USEC. IGNACIO:  Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pag detalye panuorin po natin ito.

VTR

USEC. IGNACIO:  Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.

Base po sa tala ng Department of Health as of October 9, 2020 umabot na sa 334,770 ang total number of confirmed cases; naitala 2,996 new COVID-19 cases. Naitala din kahapon ang 83 katao na nasawi, kaya umabot na po sa 6,152 cases ng kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa bansa. Subalit patuloy din naman ang pagdami ng mga nakaka-recover mula sa COVID-19 na umakyat na sa 275,307 with 1,045 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang bilang ng ating active cases sa bansa ay 53,311

BENDIJO:  Samantala, ngayong nahaharap tayo sa pandemic, hindi lamang po COVID-19 ang banta sa ating kalusugan. Nagbababala po ang Department of Health kaugnay sa posibleng outbreak ng tigdas sa bansa, kaya naman makakausap natin si Department Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po, USec?

USEC. VERGEIRE:  Good morning po, sir.

BENDIJO:  Opo, kasama din po natin si USec. Rocky Ignacio, Ma’am. Nababahala po ang Health Department kaugnay sa posibleng outbreak ng measles o tigdas sa taong 2021. Ano po ba ang dahilan nito, USec?

USEC. VERGEIRE:  Sir, hindi ko po kayo masyadong marinig, can you repeat the question. I’m sorry.

BENDIJO:  Opo, mayroon pong nagbabantang posibleng outbreak ng measles/tigdas this upcoming 2021.  Ano po ang dahilan nito. USec?

USEC. VERGEIRE:   Yes sir, dahil dumadami na po kasi ang susceptible children.  Kapag sinabi nating susceptible sila na po iyong at risk of having measles because mababa po ang pagbabakuna natin.

So malaking epekto din po ng naging pandemya, dahil marami po ang hindi talaga nakakapunta sa facilities para magpabakuna. Iyong ibang mga magulang naman ay hindi po sila pumapayag na bakunahan ang mga anak nila kaya bumababa ang nabakunahan na mga bata. Kaya tayo ay nagbibigay ng warning na baka magkaroon ng outbreak ng measles para sa kabataan this coming 2021.

Pero ang kagawaran naman po ay may ginagawang—mayroon na po tayong supplemental immunization na gagawin. Ito nga pong October 26 mag-u-umpisa na tayo sa mga piling lugar at tuluy-tuloy na ho ito hanggang sa isang taon.     

BENDIJO:  Ano po ang maaring maging epekto sa isang indibidwal kung sakaling lumala o hindi po maagapan ang tigdas, USec?

USEC. VERGEIRE:    Yes sir. Ito pong tigdas na ito nakakamatay siya ‘no. Iyong kumplikasyon ng measles ay nakakamatay, maaring magkapulmonya ang bata, maaring magkaroon ng walang patid na pagtatae, maaari din pong magkaroon ng mga ear infections ‘no. Kaya kapag ganito po, atin pong pinapaalalahanan ang mga nanay dahil maari pong magkaroon ng ganitong kumplikasyon at maaring mag-lead sa pagkamatay ng mga bata.     

BENDIJO:  Opo. Anong edad ba ang kinakailangang mabigyan ng bakuna kontra tigdas at gaano po ba kahalagang mabakunahan lalo na ngayong panahon po ng pandemya?

USEC. VERGEIRE:   Yes, sir. Ang mga bata po that are less than one-year-old—actually, 9 months po pataas iyan po iyong mga binibigyan natin ng bakuna. Dalawa po ang binibigay natin, isa kapag sila ay 9 months na at after niyan iyong MMR na tinatawag, may kasama na pong mumps and rubella na bakuna and this is given after 12 months old.

So, sana po iyong mga nanay tangkilikin po nila itong ating immunization program para makaiwas tayo sa mga ganitong sakit.          

BENDIJO:  Opo. May mga magulang na nag-aalangang pabakunahan ang kanilang mga anak maybe because of pandemic, dahil sa iba’t ibang rason din. Ano po ang nais ninyong sabihin po sa kanila?

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. Gusto lang ho naming ipahatid galing sa Kagawaran ng Kalusugan, ang mga bakuna po natin na mayroon po tayo ngayon ay subok na, base sa siyensya at ebidensiya at saka dekada na po ang paggamit natin sa mga bakunang ito. Kaya wala po silang kailangang ipag-alala para sa kanilang mga anak – Ito po ay ligtas, ito po ay libre at ito po ay binibigay ng ating gobyerno para maprotektahan natin ang kanilang mga anak.

So, sana po kayo po ay tumangkilik dito sa immunization program natin para maging malusog ang inyong mga anak at maiiwas natin sa mga ganitong sakit.

So iyon po iyong ating report and update namin. Kami po ay bukas sa mga audit reports ng COA and kami po ay patuloy na nakikipagtulungan. Mayroon na ho kaming mga repormang ginawa para po ating ma-address ito pong ating mga delay sa pagpapa-distribute ng ating mga gamot. Nagpabuo na po si Secretary Duque ng isang opisina na talagang directly in-charge of this logistics natin. So hopefully po in the coming months, in the coming years mayroon na ho tayong mas maayos na logistics management sa Kagawaran ng Kalusugan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., si Rocky po ito. Usec. Vergeire, bigyang-daan ko iyong tanong ni Leila Salaverria ng Inquire: Ilan po iyong target for measles na bakuna at ilang percent ng bata ang hindi pa nababakunahan sa measles this year?

USEC. VERGEIRE: Actually ma’am kapag tiningnan po natin iyong ating datos, ang nakalagay po sa amin 2.4 million na mga bata na nagkukulang o vulnerable sila ngayon para magkaroon ng tigdas. So iyan po iyong target natin ngayon sa buong bansa. Ang ating pagbabakuna nga po ay bumaba, mayroon lang ho tayong malaking challenge ngayon and ang atin pong accomplishment for immunization sa ngayon po is less than 50%. Kaya nga po tayo ay naghahabol at magkakaroon tayo nitong supplemental immunization activities starting October 26 kung saan ang ating mga tauhan ano, ng local government and as well as DOH would have fixed post at magbabahay-bahay din po iyong iba para po marating natin ang mga kabataan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., balikan ko lang po iyong sa distribution ng gamot. So ano po ang naging problema o challenges pagdating po sa distribution ng mga gamot at supplies?

USEC. VERGEIRE: Unang-una ma’am, kailangan po nating maintidihan na mayroon ho tayong procurement system. Ito po iyong procurement law natin na minsan po nagkakaroon po talaga tayo ng mga delays. Usually maa-award po sa amin ang mga commodities na ito in the middle of the year na so kaya nga po nagkakaroon ng 6 months na lang ang kagawaran para ma-distribute lahat po ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa. And iyan po ay ginawan na natin ng paraan, bale October pa lang ho naggagawa na kami ng mga procurement documents and all para pagdating ng January nag-uumpisa na ho tayo and magiging short of award na lang para as early as first quarter of the year nakakapag-distribute na tayo.

Pangalawa po of course, alam po natin na marami pong dumating sa ating bansa ngayon, itong pandemya, last year naman po mga iba’t ibang mga calamities, so mayroon ho din iyang epekto kapag nagdi-distribute tayo ng mga supplies natin.

And pangatlo, iyong iba pong mga facilities natin ay wala ho silang kakayanan na mag-store ng mga ganitong klaseng mga commodities kaya nagkakaroon ho tayo ng warehouse problems and iyan po na-address na dahil nagbigay tayo ng sub-allotment sa ating mga regional offices para makapagrenta ng mga warehouses para mayroon na ho tayong paglalagyan nitong mga stocks natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyang-daan ko lang din iyong tanong ni [unclear] ng GMA News Desk. Ito po ang tanong niya: Sa pag-aaral po ba ng Department of Health, may possibility ba na airborne transmission? Sa bagong abiso po kasi ng Center for Disease Control ng Amerika, dinagdag na nila ang possibility ng airborne transmission.

USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, kailangan po maintindihan ng ating mga kababayan iyan pong pinalabas ng Center for Disease Control. Binasa po natin ang artikulo na iyan, sinasabi nila ‘no, it might be airborne in specific settings at iyan naman po mula pa umpisa ang bigay natin na guidelines at rekomendasyon galing sa kagawaran na kapag po tayo ay nasa poorly ventilated area, kapag ho tayo ay nandoon tayo sa area na mayroong mga equipment na puwedeng magpa-aerosolized ng virus, the virus can stay longer in the air.

Kaya nga po ang pinakaimportante pa rin nating armas para dito ay lagi tayong naka-mask and ngayon lagi tayong naka-face shield para po kahit na mayroong ganiyang mga settings na nangyayari, iyang airborne transmission na iyan, hindi ho tayo mahahawaan, and of course iyong physical distancing na one meter.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up question po niya: Paano po iyong mga sumasakay sa PUVs, mas in danger po ba sila?

USEC. VERGEIRE: Kapag ho ganito, tayo po ay mayroong mga pamantayan ano na pinapatupad ang ating Department of Transportation na kailangan mayroon pong adequate distance ang isang pasahero from another passenger. So kailangan po iyan maipatupad natin. Katulad niyang distansiya dapat between passengers na dapat mayroon tayong isang metro and of course iyon nga pong minimum health standards natin na pagsusuot ng mask at face shield. Kung tayo naman ay magiging compliant sa mga minimum health standards, iyon pong probabilidad na tayo ay magkakaroon ng impeksiyon ay mababa.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tinawag din po ng pansin ni Senator Francis Tolentino ang DOH, DOST at ang FDA tungkol po sa isasagawang clinical trial sa bansa. Ano po ba ang masasabi ninyo dito?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Gusto ko lang hong ipagbigay-alam sa ating mga kababayan na mayroon naman ho tayong institutional structure. Ito po iyong steering committee on clinical trials kung saan po FDA, DOST and DOH are all working together kaya nga po may harmonize [garbled]. Nag-uumpisa po iyan sa Department of Science and Technology kung saan nagtalaga sila ng vaccine experts panel. So lahat po ng magki-clinical trial dito ay dadaan po dito sa panel na ito para additional safeguard po iyan ng ating gobyerno para masigurong ligtas at saka effective talaga itong bakuna na ibibigay natin sa ating mga kababayan.

Kapag tayo po ay nakalabas na diyan sa vaccine experts panel at may positive recommendations, dadaan na sa Food and Drug Administration regulatory process at kapag nabigyan din po ng positive recommendation at naaprubahan, ang Department of Health na po ang magpapatupad. So this is really a process, lahat po kami nagtatrabaho, sama-sama. This is whole of government and we have a structure for that to oversee that this process will be proper na gagawin para po masiguro natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., ano na lang po ang inyong mensahe sa ating mga manonood?

USEC. VERGEIRE: Iyon pa rin Usec. Rocky ‘no, so sana po bagama’t nakikita natin na medyo bumababa ang ating mga kaso, nakikita po natin nakakahinga ngayon ang ating mga ospital… gusto lang po nating magbigay ng reminder ‘no sa ating mga kababayan that please, let’s continue to be vigilant. Huwag po tayo magiging complacent, tuluy –tuloy pa rin po ang pagsusuot ng mask, ng face shield, physical distancing of one meter, palagiang paghuhugas ng kamay at stay at home kung wala na pong gagawin—[signal cut]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, DOH Undersecretary Rosario Vergeire.

USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.

ALJO BENDIJO: Muli po nating balikan si Ginoong Pablito Gonzales ng National Committee on Central Cultural Communities. Sa isyu pa rin ng ancestral domain na isa sa pinakamalaking isyu na kinakaharap ng atin pong mga kababayang katutubo dahil marami pa rin ang walang official claims sa mga ito.

Sir, papaano po ninyo patuloy na ina-address ang isyung iyan? Magandang araw uli.

MR. PABLITO GONZALES: Magandang araw uli. Actually, sa NCIP pa rin iyan. Pero based on my experience dito dahil pumupunta rin dito ang NCIP para diyan, may mga sina-submit na mga application na rin ang mga indigenous peoples natin dito. I think, marami naman silang pinapuproseso na mga ancestral domain claims ngayon.

Ako naman, recently dito sa town namin ay mga indigenous peoples ay tinutulungan namin ano iyong mga kailangan nila, paano sila mag-apply ng claim nila sa ancestral domain para magawan sila… na maproseso ito at maging certificate of ancestral domain title ito para sa kasiguruhan ng claim nila sa ancestral domain. So iyon po.

Ang detalye naman niyan ay hindi ko rin masasabi. Pero as far as I know, patuloy pa rin ang mga applications sa mga indigenous peoples like dito sa amin, patuloy silang nag-a-apply, pinuproseso rin ito. Iyon po.

ALJO BENDIJO: Opo. Habang nasa gitna pa rin po tayo ng pandemya, papaano po kayo maaaring masuportahan o matulungan po ng ating pamahalaan, sir?

MR. PABLITO GONZALES: Well, pandemya ngayon, in fact, mayroong isang community dito sa amin na na-lockdown mga few days ago, nag-start lang few days ago, dahil may isang positive sa community. So na-lockdown na sila, buong community ngayon, hindi sila pinapalabas. Pero ang [garbled] naman nila sa [garbled] mahatid din dito sa center namin kung ano iyong mga pangangailangan so binibigyan din sila ng mga pagkain, may mga tumutulong sa kanila. NCIP ay pumunta doon noong isang araw para i-assess kung ano iyong mga pangangailangan in terms of health at saka kung may mga pagkain din sila na pangangailangan.

So tinitingnan, ina-assist pa rin ito. At NCCA naman side ay patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng mga cultural communities sa amin na tinutulungan pa rin namin kahit ngayong pandemya. So may mga proyekto kaming binibigay sa kanila para at least patuloy tayong makatulong sa kanila sa kailangan nila na sinasabi at nilalahad nila. So may mga proyekto ang NCCA para diyan.

ALJO BENDIJO: Ngayon pong pasukan, kumusta po iyong pag-aaral ng ating mga katutubo?

MR. PABLITO GONZALES: Iyon po, alam naman natin kung sa bundok iyon, ang mga katutubo ay siyempre kukunin nila iyong mga modules, dalhin sa bahay. Hindi marunong ang mga [garbled] bumasa o kung iyong iba naman, Grade 7 na ang bata, ang nanay ay Grade 1 o tatay Grade 1 so medyo problema diyan. Pero ang ginagawa naman ng iba, pumupunta sila sa mga propesyunal na IPs, iyong mga nakapag-aral na, pumupunta iyong mga bata doon at humihingi ng tulong para sa mga modules nila.

[Garbled] living tradition naman namin, actually education is to indigenous peoples education ito. So patuloy pa rin ang klase nila lalo na sa pagtuturo ng mga intangible cultural heritage at mga tangible cultural heritage ng mga cultural masters. So patuloy pa rin [garbled] well, sinabi ko na kanina [garbled] sa edukasyon din ng mga parents nila, so mahirapan magpaturo sa mga parents ang mga bata.

ALJO BENDIJO: Opo. Mensahe na lang po, Sir Gonzales, Pablito Gonzales, sa ating mga kababayan ngayong buwan po ng mga katutubo. Go ahead.

MR. PABLITO GONZALES: Okay. So nasabi ko na kanina [garbled]

ALJO BENDIJO: Okay, sige, balikan na lang natin kung may oras pa tayo. Maraming salamat po kay Ginoong Pablito Gonzales, head po ng National Committee on Central Cultural Communities.

Samantala, mula po sa PTV Davao, may ulat naman si Clodet Loreto. Clodet, maayong udto.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Clodet Loreto.

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang aming mga balitang nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

ALJO BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO – Presidential Communications Operations Office – sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy ng pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

ALJO BENDIJO: Samantala, 76 days na lang Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, lagi nating tandaan: Pagmamahal at pagtutulungan sa kapwa ay tunay pong diwa ng Pasko. Ako po si Aljo Bendijo. Usec. Rocky, thank you.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat din sa’yo, Aljo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)