USEC. IGNACIO: Magandang araw po sa ating mga kababayang nakatutok ngayon sa ating programa sa loob at labas ng bansa, gayun din sa lahat ng nakasubaybay sa ating online streaming.
Panibagong araw na naman ng pagbabalita sa mga hakbang ng pamahalaan upang masugpo ang health crisis na patuloy nating kinakaharap; ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Good morning, Aljo.
ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. At ako naman po si Aljo Bendijo at kasama ninyong aalam sa mga panibagong impormasyon tungkol sa COVID-19. Stay put lang diyan, mga kababayan, at samahan ninyo po kami sa loob ng isang oras para isang makabuluhang talakayan.
USEC. IGNACIO: Kaya naman atin na pong simulan ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At para po sa ating mga balita ngayong araw ng Martes, October 13, 2020: Senator Bong Go ayaw manghimasok sa alitan sa loob ng Mababang Kapulungan bagkus nanawagan ang Senador na isantabi muna ng mga mambabatas ang alitan at pagtuunan ng pansin ang krisis na kinakaharap natin sa ngayon. Nararapat na rin umano nilang maipasa agad ang 2021 national budget para tuluyang masolusyunan ang pandemya, mapasigla ang ekonomiya at matulungan ang ating mga kababayan lalo na iyong mga mahihirap at nangangailangan. Paalala pa rin ni Senator Bong Go na huwag nilang antayin na ang ating Pangulo ang magresolba sa isyung ito.
Samantala, sa usapin naman ng 13th month pay ay ipinahayag ni Senator Go na makikipag-usap siya kay Pangulong Rodrigo Duterte at DOLE upang maibigay ang 13th month pay sa mga empleyado sa takdang oras. Binigyan-diin niya na dapat maibigay kung ano ang nararapat sa kanila ayon na rin sa ating batas.
Sa kabilang banda, dapat ding tulungan ng pamahalaan ang mga maliliit na negosyo sa bansa na makaahon sa dinaranas na krisis upang mapangalagaan ang kanilang mga empleyado.
Patuloy umano namang pagmalasakitan ang isa’t isa at unahin ang kapakanan lalo na ng ating mga maliliit na manggagawa.
ALJO BENDIJO: Nitong nakaraang Biyernes ay namahagi naman ang Senador ng tulong sa dalawandaang residente ng Malolos sa Bulacan na labis pong naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sa pagbisita ng tanggapan ni Senator Bong Go sa General Isidro Torres Memorial Elementary School, namigay sila ng pagkain, facemasks at face shields habang may mga piling indibidwal ang nakatanggap ng bisikleta at tablets naman ang ipinagkaloob sa ilang mga mag-aaral doon.
Sa pamamagitan ng video call ay hinikayat ni Senator Bong Go ang mga estudyante sa lugar na mag-aral nang mabuti sa kabila ng pandemya. Patuloy din niyang pinaalalahanan ang lahat na sumunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng pamahalaan upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Tiniyak din ni Senator Bong Go sa kaniyang opening statement sa hearing ng proposed budget ng Office of the President at ng Presidential Management Staff na buo ang tiwala ng Senador na maisasakatuparan ng Pangulo ang maayos na paggamit ng nasabing pondo. At iyong nasabing pondo ay mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng bansa kung kaya’t ang bilang ng krimen sa bansa ay nabawasan mula nang siya ay umupo sa posisyon.
Ayon pa kay Senator Bong Go, nanawagan din ang Pangulong Duterte sa Senado at Kamara na magpasa ng isang hakbang na pipigil sa red tape upang maiwasan ang katiwalian. Sampu ng kaniyang kasamahan sa Senado, sila ang may akda sa Senate Bill #1844 na pinapahintulutan ng Pangulo na ma-expedite ang pagproseso ng mga permit, lisensiya at certification. Idinagdag pa ng Senador, ang hakbang na ito ay mahalaga sapagka’t makakatulong ito sa ating ekonomiya na makabawi mula sa epekto sa atin ng pandemya.
Sinabi pa ng Senador, pinupuri niya si Pangulong Duterte sa paglabas ng proclamation order na tumatawag para sa isang espesyal na sesyon ng Kongreso upang matiyak ang napapanahong pagpasa ng ipinapanukalang 4.5 trilyong pisong pambansang budget para sa taong 2021.
USEC. IGNACIO: Aljo, unti-unti na ngang nakakabangon ang Pilipinas mula sa dagok ng COVID-19, patunay na dito ang patuloy na pagbubukas ng mga negosyo, business establishment at iba’t ibang tourist attraction gaya po ng Tagaytay at Boracay.
Kaugnay niyan, nitong Sabado po ay isinagawa ang aesthetic test lighting ng San Juanico Bridge na itinuturing na pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas. At upang pag-usapan ang aesthetic lighting project na ito ay makakausap natin sina Regional Director Karen Tiopes ng Department of Tourism Eastern Visayas, at Samar Governor Reynolds Michael Tan. Good morning po, Director Karen and Governor Tan.
REGIONAL DIRECTOR TIOPES: Magandang umaga po, Usec. Rocky at saka Aljo. Good morning also to Gov. Michael.
GOVERNOR TAN: Good morning.
USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa inyo. Director Karen at Governor Tan, namangha po ang sambayanang Pilipino sa isinagawang aesthetic test lighting sa ilang bahagi po ng San Juanico Bridge noong nakaraang Sabado. Puwede ninyo ba sa aming ikuwento kung ano po ang nagbigay-inspirasyon sa inyo para lagyan ng mga pailaw ang naturang tulay; at saan po nagmula ang konseptong ito? Unahin ko po si Governor at susunod po si Director Karen.
GOVERNOR TAN: Actually, this is part of the Spark Samar Development Agenda. So kasama po ito sa tourism campaign that we have been doing since when the former Governor, now Congresswoman Sharee Ann Tan who happens to be my sister. They were together, RD Karen which is the Regional Director of Tourism and very supportive talaga sa Samar in our endeavors regarding tourism.
So, the San Juanico lighting project was just a proposal na hindi naman namin inaasahan na mabibigyan agad or matutugunan agad ng TIEZA [Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority] and we were very lucky enough na binigyan kami ng pondo which amounts to 80 million pesos para tuluyang ma-implement iyong project.
Of course, this was not that easy also because we had also to make difficult na mga leg-work and I know that iyong leg-works na iyon were done by my sister, Congresswoman Sharee Ann Tan, and of course RD Karen. So iyon, iyon po iyong brief kuwento noon.
But iyong sa ano naman po, with regard dito, we believe kasi that Samar should be put on the map for tourism. Magaganda pa iyong mga sites namin dito, and we are very proud of it. So with the addition of the tourism lighting sa San Juanico Bridge, we hope and we expect that mas mapapansin pa iyong Samar with regard to tourism.
USEC. IGNACIO: Opo. Director Karen?
REGIONAL DIRECTOR TIOPES: Usec. Rocky, actually nagsimula itong ating San Juanico Bridge aesthetic lighting program noong iniisip ni then Governor and now Congresswoman Sharee Ann Tan kung ano iyong puwedeng gawin sa second district ng Samar which is very much adjacent to Tacloban City, iyong aming regional gateway. So itong area na ito, iyong second district, iyon ang in-identify niya as the priority development area for tourism because it is strategically located; so nakita niya ang San Juanico Bridge.
Actually, before this project, iconic site at iconic destination na namin itong San Juanico. Everybody who comes to Region VIII ay iyong una talagang tinatanong is, “Mayroon ba tayong tour papuntang San Juanico Bridge?” because everybody wants to have a photo in a very scenic area by a contact of the bridge. So noong we were looking at the bridge, naisip ni Cong. na probably we can do a project that will create ultimately economic activities because dadami ang volume of tourist na pupunta.
So after Yolanda, there were some people from the private sector who threw this idea to some LGUs. So I also mentioned this to Cong, then Governor Sharee Ann Tan, and she liked the idea. So that was the start. We proposed it to TIEZA and we focused more on the economic activities that will later on grow in that area along the San Juanico Strait.
Iyong tinitingnan kasi ni Congresswoman Tan na magkakaroon tayo diyan ng… we will have a boardwalk area where we can put up stalls and other tourism services para naman when the visitors go there, they can also become good tourists by spending really and making an impact on the local community. So iyon ang kuwento ko, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Director Karen, sa haba po ng San Juanico Bridge ay hindi po naging madali na isakatuparan ang lighting project na ito. Magkano po ang budget ang inilaan ninyo dito?
DIR. TIOPES: Ang TIEZA po ay nagbigay ng 80 million, pero ang Provincial Government of Samar ay mayroon din silang in-invest. They actually spend 14 million for the power plant at saka iyong direct connection sa SAMELCO, iyong ating local electric cooperative in that area and I think Governor Michael also share iyong mga plans nila because they will be taking care of the maintenance at saka iyong overhead.
USEC. IGNACIO: Opo. Matanong lang din po namin, Director Karen at Governor Michael Tan, sa laki po ng pondo inilaan ninyo dito, wala po bang, I mean, nagkuwestiyon doon sa project na ito; at sigurado ba na may iba diyan na nagsasabi na mas dapat pagtuunan ng pansin iyong pagtulong sa mga kababayan pong naging apektado ng pandemya? Paano ninyo po ina-address ito?
Unahin po natin si Director Karen and then si Governor po.
DIR. TIOPES: Usec., this project was proposed way back 2018, so, wala pa tayong COVID-19 noong panahon na iyon, and nagkaroon kami ng groundbreaking in the middle of 2019, it was supposed to be completed last year kaso marami rin tayong mga naging challenges lalo na noong nagkaroon ng bagyo noong December, nadaanan ng bagyo ang Region VIII. So, nahirapan ang ating contractor, nahirapan magpadala ng kanilang materials from Manila to Samar, and then inabutan tayo ng COVID pandemic.
So, the majority of the people have been reacting to our post and the news items align with the San Juanico Bridge. Actually, kakaunti lang while a large majority said they’re for this project, they’re happy that we have this project. Kaunti lang talaga ang medyo mayroong negative na mga feedback but ultimately we are all proud. Kaming lahat na taga-Eastern Visayas, we’re all proud of this project because we know that this will put us in the map; madagdagan ang aming reasons for inviting people to visit Eastern Visayas particularly Samar.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor Tan?
GOV. TAN: Hello po. Sorry na-cut ako kanina.
USEC. IGNACIO: Opo.
GOV. TAN: In regards dito po sa lighting project, as mentioned earlier by RD Karen, this was supposed to be launched prior to the COVID-19 pandemic. So, with this, despite sa naging challenges of COVID, we are very positive that this will also help sa COVID-19 recovery.
Why?
Because this time I know that it’s very difficult for us to travel abroad, so, we can offer tourism package wherein travelers from within the region or inside the Philippines can visit Samar and see the beauty that we can offer. So, it’s part of it po. Sana this will be, kumbaga, a catalyst na maging mas progressive pa ang Samar through tourism.
USEC. IGNACIO: Opo. Dahil na rin po sa pandemic ay bahagyang naantala ang proyektong ito. Anu-ano po ang inyong ginawa para maihabol ito ngayong Christmas season? Sinu-sino po naging katuwang ninyo para mapabilis ang pagtatapos nito, Governor?
GOV. TAN: Iyong naging katuwang po namin para mapabilis ito?
Of course, the DOT through TIEZA and RD Karen, the contractors, na kung saan nakikiusap po talaga si RD Karen and my sister, Congresswoman, na bilisan ito kasi even though may pandemic tayo life doesn’t stop, so, we have to move forward and to have to move on at ipagpatuloy rin iyong mga nakabinbin na kailangan nating gawin for us to be able to achieve prosperity dito sa Samar and sa buong Eastern Visayas.
USEC. IGNACIO: Opo. Director Karen?
DIR. TIOPES: At saka Usec., we also have to be thankful to the Department of Public Works and Highways-Region VIII kasi sila actually ang national agency na may authority over that bridge, sila ang nagmi-maintain. So, we really get all the support that we need for this construction or this project is concern.
At saka suportado rin tayo ng Regional Development Council ng Easter Visayas. So, before we presented this project to TIEZA, iprinesent muna ito ni Congresswoman Tan sa aming RDC, at the RDC also believed that this can be a vehicle for economic development along the San Juanico Strait development area, so, they really endorsed this projects. So, probable just one of the reasons kung bakit ang TIEZA ay nabigyang-pansin talaga tayo at natulungan tayo by providing us with the funds.
So, sa RDC naman po, Usec., we’re not just looking at the lighting project but we also make sure that there is an inter-agency technical working group who will look into the proper development of the area kasi nag-e-expect kami na kapag natapos na itong project na ito, marami talagang magma-mushroom na small businesses along that are. So, we’re looking at security for both motorists as well as mga boats na dadaan diyan sa San Juanico Bridge. We’re also looking at the environment on how we can well-preserve the environment despite the fact na development is coming along.
So, iyong inter-agency natin nagmi-meeting actually and even… we’re coming up actually with a—we’re going to institute measures to make sure that the area will be properly developed, capitalizing on this lights and sound show na soon will be presented to the public.
USEC. IGNACIO: So, kailan po magiging fully operational ang lighting sa San Juanico Bridge at ano po ang dapat abangan ng tao dito, Director Karen?
DIR. TIOPES: According to the contractor based on their timetable, matatapos ang project na ito by the end of this month kasi as of now, we are 75% completed. But then again as we say, marami pa iyang mga legalities, the turnover, etc., so, the Provincial Government of Samar is aiming for a launch ngayong December 2020.
And we still have to agree yet kung how often we will be able to present this light show. Initially, iyong pinag-usapan was we will have this light show Fridays, Saturdays and Sundays. Siguro pagdating ng dilim, let’s say six o’clock in the evening we will have one show for every hour kasi the bridge will be lighted what we call it static lighting. So, iyong static lighting will be on from, probably, five in the afternoon until eleven in the evening but the light show will only be done for fifteen minutes in each hour of that period.
So, tuwing weekends definitely the San Juanico Strait will be a colorful place to see.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor Tan, so, papaano ninyo naman po pinaghahandaan ito?
GOV. TAN: Actually, we are preparing the adjacent na area for us to put the viewing deck. In fact, it was also funded by TIEZA worth 90 million, naantala lang po ng COVID-19, but we are doing our share po.
We have contributed 20 million for the access road leading to the viewing deck na pinondohan ng TIEZA. So, we are doing the legwork now, we are doing it and we are constantly meeting with the LGU, the stakeholders para po [garbled] the project will really serve its purpose on uplifting the livelihood of the people not only in Samar but the entire Eastern Visayas.
USEC. IGNACIO: Opo. Magtungo naman tayo sa tanong ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for Director Karen, ito po ang tanong niya: Has the Department of Tourism issued guidelines on the operation of tourism enterprises in the new normal? Also, has there been a recovery of the tourism industry in general?
DIR. TIOPES: Okay. So, the Department of Tourism, iyong central office issued a various guidelines already on the operation of tourism enterprises under the new normal like protocols for accommodation facilities, for tour operations, for tourist transport, even beach and island destinations.
So ito naman, we communicated this already to our stakeholders. In fact, at the local end gumawa rin kami ng manual. So, this manual prepared by the DOT Regional Office is a compilation actually of all the issuances made by different line agencies particularly iyong aming mother office – DOT, then the Department of Health, the DTI, the DOLE, and even IATF-issuances para alam na alam ng aming stakeholders anong dapat gawin at ano ang hindi dapat gawin to make sure that we contribute also to the lowering of the positivity rate of COVID-19 in Region VIII as well as in the entire country.
So, if you ask us kailan magbubukas ulit ang Region VIII? Actually, it is a very difficult question to answer, because our answer will always be kung kailan bababa masyado ang incidence ng COVID-19 dito sa rehiyon, saka lang kami magbubukas for other people outside the region to visit our place.
Sa ngayon mayroon na kaming mga iba’t ibang tourist sites particularly mga beach resorts that are open. But our tourism enterprises only allow and even our LGUs only allow locals to visit these places because first and foremost they would like to make sure that everybody will be safe. So parang hindi pa talaga sila kampante na we will allow an intra-regional tourism. So as Secretary Berna would always say, ‘we do this slowly but surely.’
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Governor Tan, paano po makakatulong ang proyektong ito upang makabangon ang ekonomiya at turismo ng inyong rehiyon?
GOVERNOR TAN: As I have said earlier, siguro ito po iyong—lighting the project will put Samar on the map. We hope for that and we are expecting a more traffic of tourists not only in Region VIII—within Region VIII but also from outside Region VIII. Kasi I have seen sa mga—kumbaga sa social media and people are really excited of visiting the place. People from abroad who are from Region VIII wants to go back [garbled] in lights from the nearby regions wants to visit. So hopefully by then if we are open na for the intra-regional travel, then there will be more traffic for that.
We are also looking at opening some of our sites. As mentioned earlier by RD Karen, mayroon na pong manual na ginawa for the entire region and we have enacted it sa provincial government of Samar for us na makapag-open na po kahit papaano iyong local tourism kahit within Region VIII lang muna this coming November. So hopefully if everything goes well, hindi gaanong tumaas iyong positivity rate ng COVID-19 dito then we will be set by then this coming November.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor Tan at Director Karen, bukod po sa San Juanico Bridge, kailan ninyo po planong buksan sa publiko ang iba pang mga atraksiyon diyan sa Eastern Visayas at i-invite ninyo rin po ang ating mga kababayan para bisitahin kayo soon?
DIRECTOR TIOPES: Marami talaga Usec. na nagsasabing uwing-uwi na sila. So we were expecting a lot of our kababayans, fellow Easter Visayans to be coming home this December to spend their holidays here. So sana by that time mababa na talaga ang positivity ng COVID situation dito sa amin so that we can now really say that we will be able to open our doors for tourists not just within Region VIII but also from other regions. So we’re looking probably at a recovery God willing starting first quarter of 2021.
USEC. IGNACIO: Governor Tan…
GOVERNOR TAN: Yes, I agree with RD Karen. We will do this slowly but surely. We want to maintain and keep the safety of the Samarnons first and foremost iyong health ng mga taga-rito but also to make sure that tourism will be back as soon as possible. So all the necessary protocols are already in place, as I’ve mentioned earlier we are looking at November for the initial opening of inter—within the region lang na tourism. Hopefully by then makapag-practice din po iyong mga tourism site na usually they are managed by the people’s organization. So—[line cut]
USEC. IGNACIO: Okay. Nagkaroon ng problema ang linya ng komunikasyon ni Governor Tan. Anyway, congratulations po para sa inyong natatanging San Juanico Bridge Aesthetic Lighting Project. Muli maraming salamat po, Department of Tourism Eastern Visayas Regional Director Karen Tiopes at Samar Governor Reynolds Michael Tan. Salamat po. Keep safe po.
GOVERNOR TAN: Thank you. Thank you.
MR. BENDIJO: Gustung-gusto kong puntahan iyan, Usec.
USEC. IGNACIO: Iyon na nga eh ‘di ba, kung hindi lang mahirap magbiyahe ‘di ba? Kung puwede ka na talagang pumunta para makita natin ang ganda ng San Juanico Bridge ngayon.
Samantala kahapon po, October 12, 2020 ay nakapagtala ang Department of Health ng 342,816 total confirmed cases ng COVID-19 sa bansa matapos itong madagdagan ng 3,564; 293,152 naman po ang kabuuang bilang ng mga gumaling na kahapon ay nadagdagan ng 150; habang labing-isa naman po ang nadagdag sa mga nasawi na sa kabuuan po ay nasa 6,332 na.
Kahapon ay malaki ang itinaas ng COVID-19 cases na umaabot sa mahigit 3,500. Ito na po iyong pinakamataas na bilang sa nakalipas na isang linggo. Malaking bahagi o 38% sa mga kasong naitala kahapon ay nagmula sa NCR na umabot sa 1,344. Ang lalawigan ng Cavite ay sumunod dito na may 250 na bagong kaso. Hindi naman po nalalayo ang Laguna na nakapagtala ng 212 new cases. Ang Rizal ay mayroon ding 211 na bagong kaso. Samantalang ang Iloilo ay may 164 new cases.
MR. BENDIJO: Umakyat naman sa 12.64% ang total cases ang nananatiling aktibo, mas mataas ito nang bahagya sa ating naiulat kahapon na nasa 11.8% lamang. Sa mga aktibong kaso, 83.9% mild lamang; nasa 10.8% ang hindi kinakikitaan ng sintomas o asymptomatic; ang severe cases ay nasa 1.7% at 3.6% naman ng active cases ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, kung kayo po ay lalabas ng bahay, huwag na huwag ninyong kakalimutang magsuot ng face mask at magdala po ng alcohol. Huwag ring kakalimutan ang inyong quarantine pass lalo na sa mga lugar na nangangailangan nito. Ganoon din ang listahan ng inyong bibilhin o mga gagawin sa labas ng bahay. Muli po, maging BIDA Solusyon sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Samantala, alamin naman natin ang pinakahuling balita mula naman po sa PTV Cordillera kasama si Breves Bulsao. Breves…
[NEWS REPORTING]
MR. BENDIJO: Maraming salamat, Breves Bulsao ng PTV Cordillera. Puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa PBS, Philippine Broadcasting Service. Ihahatid sa atin iyan ni Ria Arevalo. Ria…
[NEWS REPORTING]
BENDIJO: Ria Arevalo ng Philippine Broadcasting Services sa Radyo Pilipinas. Isa po sa mga kinikilalang ahensiya pagdating sa public service, lalo na sa usapang legal ay ang Public Attorney’s Office at ngayon pong Oktubre ay kanilang idinaraos ang kanilang ika-48 anibersaryo. Ang kanilang mga ginagawang pagtulong lalo na ngayong pandemya, iyan po ang ating alamin kasama si Atty. Persida Acosta, ang hepe ng Public Attorney’s Office. Magandang umaga, Atty. Acosta.
ATTY. ACOSTA: Magandang Umaga po sa inyo at sa ating pong mga kababayan.
BENDIJO: Opo, this is Aljo Bendijo, Attorney, kasama din si Usec. Rocky Ignacio, Ma’am.
ATTY. ACOSTA: Hi, Usec. Rocky.
BENDIJO: Alam natin na ang mga restrictions na ipinatutupad ngayong may dinaranas tayong krisis, Attorney. Kumusta po ang inyong paggunita sa ika-48 anniversary ng Public Attorney’s Office?
ATTY. ACOSTA: Ito po ang ating anniversary month sapagkat ang PAO po ay nagsimula sa CLAO at natatag po ito noong October 23, 1972. CLAO pa ang pangalan, Citizens Legal Assistance Office, pero naupo si President Corazon Aquino ay ito po ay itinalaga na pangalanan na Public Attorney’s Office. Kaya po anniversary month natin ito at magbibigay po tayo, mula po sa ating mga donors, ng libreng face mask at face shield sa ating mga abogado at sa ating mga empleyado.
BENDIJO: Opo, iyan po ang magandang ibabalita din namin, sana Attorney na kayo po ay namahagi diyan ng mga face masks, maging face shield sa inyong mga regional office. Anu-ano po ang mga activities na inyong isinasagawa kaugnay pa rin po ng inyong anibersaryo?
ATTY. ACOSTA: Tuluy-tuloy po iyong ating mga online hearings, iyong iba naman pong judges ay actual pa rin, pero naka-face mask, naka-face shield at mayroon po tayong maibabalita sa ating mga kababayan na mula po noong Enero hanggang Hunyo kahit may pandemic po ay nakapagpalaya po ng umaabot na 7,554 na mga prisonero at iyan po ay sa kabutihan din ng Diyos at ng ating mga korte, siyempre sa tulong din ng ating mga PAO lawyers.
Nabanggit ko iyong 2019, iyong mga napalaya ‘no. Ngayong taong ito, ito po umabot po sa 31,055, iyong kanina po iyong nasabi ko favorable judgment pala iyon sa mga PDLs. Ito po iyong 31,055 na po, mula March 16, 2020 hanggang August 31, 2020. Kaya kahit po may pandemic tuluy-tuloy po ang trabaho ng mga PAO lawyers natin. Kaya’t nagpapasalamat tayo sa mga donors natin, tuloy din ang pagsuporta sa atin, dahil wala naman po kaming special budget for COVID pandemic protection ng ating mga empleyado.
BENDIJO: Opo. Attorney tama po ba na ang inyo pong mga legal consultations diyan sa PAO face to face pa rin. So paano po ninyo sinisiguro ang kaligtasan po ng mga abogado po ng PAO?
ATTY. ACOSTA: Mayroon po tayong mga mandatory face shield, face mask at mayroon po tayong mandatory plastic barriers sa aming mga opisina. At sa labas po ng lobby, mayroon tayong mga booths doon kung saan may computer, nakakausap po ng mga kliyente natin ang ating mga lawyer via internet, nasa loob ng room iyong lawyer natin, pero nasa labas ang kliyente at nagagamit po natin ang social media ngayon at maganda nga ngayon mayroon tayong mga server, kagaya ng ginagamit ng PTV-4 at mayroon din tayong VMIX call iyang ginagamit natin at may zoom, mayroon ding via a messenger, via a Viber. At talagang kahit po may pandemic tuluy-tuloy po. Pero nagpatupad po ako ng team A, team B skeletal force. Pumapasok iyong team A, nasa bahay ang team B, palit-palitan at iyon pong mga buntis ay sa work from home, iyong mga immuno-compromise ay work from home. At tuluy-tuloy rin po iyong allowances na nakatalaga para sa kanila at inilaan ng ating Pangulo sa GAA 2020.
Alam mo, gustong magpahayag na ang Pangulo po ay naglaan ng budget para sa forensic laboratory para lalong mapaunlad doon sa NEP niya, President’s budget national expenditure program noong isang taon po iyan para sa taong ito, pero iyong grupo po na, ewan ko bakit sila galit sa PAO – grupo ni Janet Garin, Lagman at sa pangunguna nga nitong si Speaker Cayetano sa kanila – ay pinabayaan na lang mag-insert ng limitation ang PAO sa paggamit ng pondo para sa mga victims’ assistance namin sa forensic laboratory at tinanggal din nila iyong inilaan ni Pangulo. Kaya po kung mayroon pong pagbabago ngayon sa liderato dito sa Kongreso, ako ay naniniwala na hindi na po maaapi ang mga biktima at ang mga inihanda ng Pangulo para sa PAO assistance ay hindi na po matatapyas, dahil ang aming pakiramdam ay parang hindi iginalang ang gusto ng Pangulo para sa 2020 budget, ng taong ito.
BENDIJO: Opo, nabanggit po ninyo iyong gamit ng teknolohiya ngayong may pandemic. Paano po makaka-access ngayon ang mga kliyente dito sa consultation po ninyo gamit po ang computer, Attorney?
ATTY. ACOSTA: Nakaka-access po dahil mayroon po tayong website ng www.pao.gov.ph. At mayroon po akong messenger, dalawa po iyon at hanapin lang ang Persida Rueda Acosta, makikita na kapag may messenger po sila sa akin at kaagad ko pong ipinu-forward iyon sa ating mga regional directors nationwide, sa 17 Regional Public Attorney’s at sa ating halos ilan na ba iyong abogado natin ngayon, dumami na po kami ngayon. Ang atin pong filled positions, ang atin pong abogado nationwide ay 2,427 na.
Kaya ramdam na ramdam namin ang suporta ni Pangulong Duterte po dito mula po sa 1,048 kami po ay 2,427 na. At tuluy-tuloy ang serbisyo. Alam mo para rin kaming sundalo at mga police na hindi puwedeng… kumbaga ay umuwi lang ng bahay at matulog. Kailangan 24 hours kaming ready para sa mga nahuhuli, para sa mga nangangailangan ng legal services at legal advice.
BENDIJO: Opo. So 24 hours po consultation, on call?
ATTY. ACOSTA: Oo. Mayroon tayong 24/7 na hotline, iyan ay ang 02-8929-94-36, 24/7 po iyan.
BENDIJO: Atty., maiba tayo sa usapin naman po ng paggamit sa inyong pangalan sa isang text scam kamakailan lang. Nahanap po ba ninyo iyong kung sino po ang responsable doon?
ATTY. ACOSTA: Ah, pinaubaya ko na sa ating forensic laboratory ang pag-alam at nag-announce tayo sa FB at tinulungan ninyo ako ng mga media networks, tinulungan tayo lalo ng PTV 4 at ng ating mga kasama sa pamahalaan na matigil iyan at shinare-share din iyan, kaya palagay ko nagtatago na iyong may kinalaman diyan dahil alam nila puwede silang maaaresto, cybercrime iyan at makulong.
Alam mo talagang nakakalungkot, iyong iba walang magawa eh, sa halip na tumulong sa atin para sa paglaban sa COVID-19 at pagbibigay ng social services ay walang magawa kung hindi manloko lang, dapat talaga makulong sila.
BENDIJO: Opo. Bukod po sa legal services, anu-ano pa ang naging accomplishment ng Public Attorney’s Office, Attorney, sa mga nakalipas na taon, mga infrastructure projects po ninyo?
ATTY. ACOSTA: Mayroon po tayong mediation/conciliation sa kalahating taon ay umabot po sa 95,237. Sa imprastraktura naman ay nagpapasalamat po ako kay Pangulong Duterte at kay Secretary Mark Villar sapagkat iyan ginagawa po na iyong new PAO building. Dito po kasi sa kinaroroonan namin sa NIA Road, sa Land Registration compound, squatter halos kami po rito katabi po namin iyong pinyahan, iyong squatter dito na laging nasusunugan.
Kaya po doon sa tabi ng COA main sa Commonwealth, tinatayo na po ng DPWH at ng National Housing Authority ang aming magiging bagong building at inaanyayahan ko kayo diyan, Aljo at pati si USec. Rocky, kapag nagkaroon na ng inauguration iyang building na iyan.
Sana maipakita rin natin ang footages noong pinaghihirapan ng ating mga kasama sa DPWH, iyong Build, Build program na siyang proyekto ng ating Pangulo at pinupondohan talaga. Ayan nakikita po natin sa ano, iyan po!
BENDIJO: Opo. Magandang balita po iyan. Marami pong lumalapit din sa amin po dito, Attorney, para po humingi ng talagang tulong or legal services sa mga kaso, nagtatanong sila ‘saan ba iyong PAO?’ Papaano po sila makaka-access o makakapunta hindi po gamit ang teknolohiya, papaano po Attorney?
ATTY. ACOSTA: Sa mga Halls of Justice po, Bulwagan ng Katarungan, mayroon pong espasyo ang PAO doon bilang opisina at kung wala naman po kaming opisina sa Bulwagan ay mayroon po tayong inuupahan, na mga nirerentahan na mga opisina na malapit sa husgado. At pumunta lamang po sila, libre ang serbisyo ng PAO, walang bayad. Kung mayroon pong maniningil ay isumbong agad sa atin at atin pong imbestigahan at sisibakin.
At makakaasa po ang ating mga kababayan sa bisa po ng Public Attorney’s Office law RA9406 tumatag po ito, pinalakas po, dinagdagan ng suweldo ang mga abogado, kaya po bawal na bawal mangotong ang mga abogado at staff sa PAO. At talagang sa panahon ni Pangulong Duterte, taas-noo ko pong masasabi na talagang full support po ang Pangulong Duterte sa mahihirap, kaya tingin ko iyong 91% na kaniyang rating kulang pa iyon eh, talagang mas mataas pa doon, dahil naramdaman po ang pagmamahal ng Pangulo at ng gobyerno dahil po sa paglingap ng PAO sa mga nabibiktima at maging mga nakakulong – kung sinasabing wala silang kasalanan, sila po ay nakakalaya; kung may kasalanan, tamang parusa lamang po ang maipapataw ng hukuman.
BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta. Stay safe po, Attorney.
ATTY. ACOSTA: Maraming salamat po, mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Thank you, Attorney. Samantala, puntahan naman natin ang kaganapan sa Cebu, kasama si John Aroa.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa, PTV-Cebu. Magbabalita naman diyan sa Davao City si Regine Lanuza. Regine, maayong ugto.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo Regine Lanuza ng PTV Davao. Pasalamatan na rin po natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo.
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, USec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
BENDIJO: At ako naman po si Aljo Bendijo. Uy 73 days na lang po at Pasko na.
USEC. IGNACIO: Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)