Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO:  Magandang umaga, Pilipinas. Tuloy pa rin po ang ating laban sa COVID-19 kaya naman narito po kaming muli upang ihatid ang mainit na balita at impormasyon ukol sa mga hakbang ng pamahalaan para tuluyang masugpo ang krisis na ito.

ALJO BENDIJO: Tama ka diyan, Usec. Rocky. Kaya naman ngayong Huwebes ng umaga, sasamahan tayong muli ng ating panauhin mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang sagutin at linawin ang ating mga katanungan maya-maya lamang. Ako po si Aljo Bendijo. Maayong aga, Usec.

USEC. IGNACIO:  Good morning, Aljo. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO, at
ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakasama natin sa programa sina Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, Department of Public Works and Highway Secretary Mark Villar, at Dr. Butch Ong, UP OCTA Research Team.

ALJO BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya, at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa livestreaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Para po sa mga unang balita: Two hundred sixty beneficiaries sa Mati City Public Market ang nabigyan ng tulong ng tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go. Ilan sa naipamahagi ay ang mga pagkain, masks, face shields. Nagbigay din ang Senador ng mga gamot, bisikleta at tablets sa mga piling benepisyaryo sa Mati.

Samantala, nagbigay din ng tulong ang iba’t ibang kagawaran gaya ng DSWD, Department of Agriculture, DTI at DOLE sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng kanilang mga programa. Hinikayat din ng Senador ang mga benepisyaryo na bumisita sa bagong bukas na Malasakit Center sa Davao Oriental Provincial Medical Center.

Samantala, mahigit 700 beneficiaries naman ang nabigyan ng tulong ni Senator Bong Go sa Barangay Sta. Fe, Dasmariñas City, Cavite. Ang mga nasabing benepisyaryo ay binigyan ng free meals, food packs, masks at face shields. Nagbigay din ang tanggapan ng Senador ng mga bisikleta at tablets sa mga piling benepisyaryo. Naroon din ang DSWD upang magpaabot ng tulong pinansyal at karagdagang pagkain para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sa iba pang mga balita: Ikinatuwa naman ni Senator Go ang pag-certify as urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Senate Bill # 1844 o ang panukalang batas na nagbibigay ng awtorisasyon sa Pangulo na pabilisin ang proseso at issuance ng national at local licenses permits at certifications. At nagpapasalamat din siya sa mga kapuwa niya mga mambabatas bilang pagtugon sa panawagan ng Pangulo na aksyunan ang korapsyon at padaliin ang mga requirements at mga hakbang na dapat gawin sa pagninegosyo sa bansa.

USEC. IGNACIO:  Samantala, alamin naman natin ang mga balita ukol sa sektor ng mga manggagawa. Makakausap po natin ngayong umaga si Secretary Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment. Magandang umaga po, Secretary.

SEC. BELLO: Hi, Usec. Rocky! Aljo, good morning.

ALJO BENDIJO: Maayong buntag, sir.

SEC. BELLO: Maayong buntag, Aljo.

USEC. IGNACIO:  Sir, unahin na po natin ang mga katanungan ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Sam Medenilla: Nakapagsabit na po kaya ng proposal ang DOLE sa Department of Finance on its proposal to provide subsidy for distressed small, medium companies so they could pay the 13th month pay of their workers? If yes, magkano po ang proposed budget nila at ilan po ang beneficiaries?

SEC. BELLO: Sammy, Sam, kung nakikinig ka, iyong aming proposal na isa-submit kay Secretary Dominguez ng Department of Finance ay kasalukuyan naming hinahanda. Kasi maliban doon sa proposal namin na magbigay ng subsidy ang ating gobyerno, mayroong alternative proposal kami, and that is to open iyong linya ng mga bangko para makautang iyong ating mga micro and small business enterprises. So dalawang options iyon, dalawa iyan, oo.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ang pangalawang tanong po ni Sam: Kailan po planong maglabas ng DOLE ng new issuance regarding 13th month pay at saka posibleng extension ng six-month rule sa mga workers na under floating status?

SEC. BELLO: Sam, ilalabas namin iyong order regarding doon sa 13th month pay at saka doon sa niri-request ng mga employers na extension of six months by tomorrow.

USEC. IGNACIO:  Iyong ikatlong tanong po niya: Ilan na po ang mga beneficiaries ng AKAP, TUPAD at CAMP Program po ng DOLE using the Bayanihan II funding?

SEC. BELLO: Iyong sa Bayanihan II, aabutin siguro iyong ano … sa CAMP, aabutin siguro ng mga around 500 to 600,ooo formal employees; iyong AKAP siguro additional 200,000 overseas workers; at saka doon sa mga informal workers ay siguro aabot tayo ng mga one million beneficiaries.

USEC. IGNACIO:  Opo. Tanong naman po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: At this stage of the pandemic, what new measures are being done by the DOLE as part of the government’s welfare and assistance program for migrant Filipino workers?

SEC. BELLO: Ang number one naming programa para sa ating mga migrant workers is to look for a new market for employment purposes. Nag-o-open tayo ng mga bagong mga market where we can deploy our overseas workers. But the more important program for them is the livelihood program, kasi dati individual livelihood iyan. Ngayon, we have a new concept of a collective livelihood program. Mas malaki ang maibibigay na livelihood assistance sa ating mga OFWs kung mag-form sila ng either association o cooperative, basta ang mahalaga ay magkakaroon ng collective livelihood assistance para sa ating mga OFWs – iyong mga repatriated.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, ano na daw po ang update natin sa bilang ng mga affected workers dahil sa COVID-19? May epekto na po ba ang muling pagbubukas nang mas maraming economic activities sa employment rate ngayong panahon ng pandemya?

SEC. BELLO: As of now Rocky, we are talking of about 3.5 million workers that were displaced by our … tinatawag nating pandemya. Actually, doon sa 3.5 million workers, only 300,000—less than 300,000 actually ang na-displace permanently; ibig sabihin nito, nagsarado na iyong employer. Pero doon sa 3.5 million, mayroon tayong 1.59 million na na-displace pero temporarily. In fact, dapat noong September 30 ay na-rehire na sila kaya lang … iyong tanong kanina ni Sammy, mayroon kasing request ang mga employers na magkaroon ng six-month extension for the re-hiring of those employees who were terminated temporarily.

USEC. IGNACIO:  Secretary, tinitingnan po ninyo iyong posibilidad na i-allow ang deferment ng 13th pay. Kung sakali po, ano po ang magiging guidelines nito; alin pong mga kumpanya lamang po ito na papayagan?

SEC. BELLO: Rocky, hindi puwede iyan, hindi puwede i-defer. Very specific iyong provision ng 859, PB 859 provides that the employer should pay the employees 13th month pay on or before December 24. Mayroon nagkaroon nang konting complication because iyong implementing rules and regulation that was issued by the late ka Blas Ople, Secretary of Labor siya noon, mayroon siyang nilagay doon sa kaniyang implementing rules and regulation na exception. In other words, nilagay niya doon na iyong mga employers or companies in distress should be exempted from paying the 13th month pay.

Ngayon, sa aming interpretation ngayon ay hindi dapat magkaroon ng exemption that is why we are requiring all employers to pay their employees on or before December 24 iyong 13th month pay. And having said that, nag-request kami kay Secretary Dominguez na kung maaari bigyan ng subsidy iyong mga employers that are categorized as micro and small business enterprises. Mabigyan sila ng subsidy o kaya mabigyan sila ng opportunity to make loans with our banks, lahat ng ating bangko.

USEC. IGNACIO:  Pero Secretary, may lumapit na po ba sa inyong kumpanya na talagang mahihirapan po silang magbigay ng 13th month pay dahil alam naman po natin itong epekto ng COVID-19?

SEC. BELLO: Rocky, wala pa naman. In fairness, wala pang lumalapit. Although in our meeting with the tripartite sectors, iyong workers and employers about two days ago, nagsabi ang president ng ECOP na marami sa mga micro, small and medium enterprises ang hindi makayanan ang magbigay ng 13th month pay, pero hanggang ngayon wala pa namang nagsasabi sa amin.

In fact, I had a meeting yesterday with PAL, the officers of PAL and they inform me that they will be terminating about three to four thousand of their employees. Pero hindi nila sinabi and in fact they said they have already given their 13th month pay to their employees.

USEC. IGNACIO:  Okay, Secretary. Pero kumusta po iyong monitoring ninyo sa mga health and safety protocols naman po sa workplace? Paano po natin sinisiguro na mahigpit pa rin po ang pagpapatupad nito sa gitna pa rin po ito ng mga suggestion na medyo luwagan na po ang ating restrictions?

SEC. BELLO: Well, tama iyong decision ng ating economic advisers na luwagan na ang ating ekonomiya at bahala na iyong ating mga inspectors to see to it na iyong mga health protocols will be strictly followed.

In fact, tatlo ang inspector diyan, iyong galing sa Department of Labor, the Department of Trade and Industry at saka sa Department of Health. Tatlo ang nagbabantay na tinitiyak na iyong mga manggagawa at iyong mga employers ay sumusunod sa lahat ng mga strict health protocols.

USEC. IGNACIO:  Opo. Gaano naman po karami, Secretary, iyong tungkol naman sa ating mga OFWs, iyong mga napapauwi po sa tulong ng repatriation program ng pamahalaan? May mga susunod pa po bang batch na uuwi?

SEC. BELLO: Alam mo, Usec. Rocky, sa pagmamahal ng ating Pangulo sa mga OFW, even without us asking nagbigay si Pangulong Duterte through Executive Secretary Medialdea ng five billion for repatriation expenses. Kaya ngayon as of today at two o’clock this morning, nakapagpauwi na tayo ng 250,000 plus OFWs. At dahil sa maraming na-displaced, we are expecting to repatriate additional 100,000 plus of OFWs.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, dahil sa mga maraming umuuwing OFWs ay hinihiling po ng mga lawmakers natin na magkaroon ng long term employment recovery plan and DOLE
dahil magtatagal po ang economic crisis sa bansa. So, ano na po ang status nito ngayon? May nakikita na po ba kayong long term program na makakatulong po, lalo na sa mga nawalan po ng trabaho dahil sa COVID-19 kasama na po iyong mga nagsiuwi mula sa ibang bansa?

SEC. BELLO: Tungkol sa reemployment, Rocky, dalawa ang ginagawa namin. We are looking for alternative deployment market and marami iyan. Marami iyan, in fact, hinahabol pa tayo. Tayo lang ang umiiwas kasi tinitiyak natin na kapag pumunta sila doon ay kailangan hindi sila ma-contaminate ng COVID. Nandiyan ang Russia, nandiyan ang Eastern Europe, nandiyan ang Germany, nandiyan ang United Kingdom – ang daming market.

Dito naman sa local, napakasuwerte natin dahil si Secretary Mark, we will be talking to him later, full blast iyang Build, Build, Build infrastructure program niya. Kaya ang daming mga construction workers na mga OFWs natin na mabenepisyuhan dito sa construction industry. And then lately we had a meeting with [unclear] BPO, they need 30,000 call center agents, so, marami na naman tayong mga OFW na maa-accommodate diyan.

But more important than that, Rocky, ay iyong livelihood assistance that we will provide them na magninegosyo na lang sila, bibigyan natin sila ng tulong. Kapag nagkaroon sila ng magandang negosyo, makaka-create din iyan ng job opportunity.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, may pahabol po na tanong si Joseph Morong ng GMA 7. Ito po ang tanong niya: So, paano po ang desisyon sa 13th month pay at ano iyong laman ng ilalabas ninyo na order?

SEC. BELLO: Dapat ilalabas ko pa iyan pero para lang hindi masyado mabitin iyong ating kaibigan from GMA, we will not postpone, we will not defer and we will not give an exemption with the payment of the 13th month pay. The law says pay the workers their 13th month pay on or before December 24. Iyan po ang ipatutupad ng Department of Labor.

USEC. IGNACIO:  Okay. Ano na lang po ang mensahe ninyo sa ating mga manonood, Secretary Bello?

SEC. BELLO: Iyon po, gusto kong ipaliwanag sa ating mga nanonood tungkol doon sa 13th month pay. Kasi parang ang daming mga fake news – kesyo daw dini-defer namin, kesyo daw binibigyan namin ng exemption. Hindi po, maliwanag po ang batas, kailangan December 24 or before December 24, kailangan bayaran na iyong ating mga workers.

Ngayon, alam natin naman na iyong mga employers they want to give kaya lang mayroon talagang hindi kaya and ito iyong mga small, iyong micro and small business enterprises. Iyon ang tutulungan natin, if our Secretary of Finance will approve our request na i-subsidize iyong mga micro and small business enterprises or kung hindi natin maibigay iyong subsidy na iyon, puwede natin silang bigyan ng loan facilities sa lahat ng mga bangko.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming—

SEC. BELLO: Iyon lamang. Maraming salamat, Rocky.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat po, Secretary Bello III ng DOLE. Stay safe, Secretary.

SEC. BELLO: Thank you. Stay safe too, Rocky. Aljo, ayo-ayo diha.

BENDIJO: Amping pud diha, Secretary. Daghang salamat.

Samantala, pag-usapan naman natin ang COVID-19 situation sa bansa ayon sa UP-OCTA Research Team na binubuo ng mga eksperto from the academe with interdisciplinary backgrounds.

Ngayong umaga, makakausap natin mula rito si Dr. Butch Ong.

Magandang umaga po, Doctor Ong!

DR. ONG: Good morning Usec. Rocky, good morning, Aljo at maraming salamat sa pag-imbita sa akin ngayong umaga.

BENDIJO: Opo. Sumang-ayon kayo sa request ng Malacañang na huwag munang isapubliko ang quarantine recommendations. Gaano ba kahalaga itong desisyon na ito sa maayos na pag-control ng COVID-19 situation po sa bansa, Doctor Ong?

DR. ONG: Iyong information na nanggaling sa mga citizen scientist are also important in providing critical data para sa ating mamamayan at sa ating gobyerno. So, iyong information which OCTA provides can be a very, very good tool for disseminating what is happening now.

Pero sa ngayon, actually, maganda ang balita. Sa aming pagsusuri, iyong NCR natin na [garbled] ay bumababa na. Our downtrend is actually still decreasing, it’s still going down and in fact, some of the LGUs in Metro Manila, in NCR, have reported a decrease in new cases in the last two weeks.

Ito po ay magandang balita para paghahanda natin, sa pag-open ng ilang sectors ng society especially the transportation sector and sectors in industry. So, mayroon tayong nakikita lamang na maliliit na packet, maliliit na surges sa ilang bahagi ng bansa. Pero in general, the Philippines have been having a downtrend in the R value, the reproduction number. The Philippines now has an R value of 0.88 or 0.8 – 0.9, between 0.8 – 0.9. This is very good kasi pababa na talaga. The COVID situation is already in control on the communities.

In NCR it is even better. Our reproduction number is about 0.77/0.78. So, ang kagandahan nito ay na-sustain natin ang trend even after the two-week timeout na hiningi ng mga healthcare workers, I think noong bandang Agosto. So everything points to a good projection ‘no in the next coming month which is November na sana ‘pag natuloy natin ang downtrend na ito ‘no, ang ating positivity rate will even go down to 5% which the WHO recommended positivity rate.

MR. BENDIJO: Papaano po ninyo pinapahatid sa Inter-Agency Task Force Dr. Ong sa pamahalaan ang mga findings and recommendations tungkol sa quarantine levels? Eh papaano kayo makikipagtulungan sa kanila ngayon?

DR. ONG: Iyong—especially sa LGUs natin ‘no, ang LGUs naman natin open naman iyong aming data para sa mga LGUs na nangangailangan ng data especially in pag-contact tracing, in casing of swabs ‘no and iyong pag-locate ng mga areas kung saan may hotspots tayo ‘no.

So our data naman is freely given to the public. Iyon lang ang aming tulong para sa ating mamamayan ‘no – to provide an analytic or analysis of the data given to us by the Department of Health.

MR. BENDIJO: Opo. Ayon po sa NTF, hindi pa tayo tapos sa first wave ng COVID-19 infection. Ano bang ibig sabihin po nito Dr. Ong? Gaano po kalaki ang chance na magkaroon pa ng second and third wave?

DR. ONG: Tayo ay nasa first wave lamang kasi hindi pa talaga tayo nagkaroon ng zero COVID sa bansa ‘no. Unlike iyong ibang bansa na nagkaroon na ng zero COVID status ‘no at iyong first wave nila ay natapos na at nagkaroon uli ng surge, that’s the second wave. [Garbled] sa nangyayari ngayon ay nakikita na natin iyong experiences sa ibang bansa at tayo ay natututo sa experiences ng ibang bansa.

So hopefully ‘no with our cooperation, lahat tayo ano – sa minimal health standards ‘no, sa pag-follow ng mga distancing, sa paghugas ng kamay at disinfection ‘no we might not experience a second wave.

Kapag nag-zero tayo sa COVID, we must still adhere to the minimum health standard kahit na zero na tayo ‘no para ma-prevent natin ang second wave. So that’s true, sa ngayon nasa first wave tayo.

MR. BENDIJO: Opo. Base po sa inyong pag-aaral, gaano po ka-epektibo ang localized lockdown sa pag-control ng COVID-19?

DR. ONG: Nakita natin ito sa Cebu ‘no noong nagkaroon sila ng surge at early—around July to August ‘no at nagkaroon sila ng lockdown for about a month ‘no at talagang bumaba ang kanilang numbers. And we also saw this again sa ating two-week timeout na hiningi ng healthcare workers natin at nakita natin na bumaba talaga ang numbers ‘no when we had this kind of increased restrictions sa mga communities ‘no.

So—pero ang mensahe talaga is this ‘no, bumababa na talaga ang ating numbers ngayon ‘no at dahan-dahan nang nagbubukas ang industriya ‘no. [Garbled] localized restrictions at hindi na iyong buong bansa ‘no.

So ang message really now is if we adhere to these standards, baka hindi na kailangan mag-localized lockdowns ‘no at talagang bumaba na ang numbers pati sa mga probinsya.

MR. BENDIJO: Opo. Gumaganda na po ang bilang, bumababa po ang hawahan. So papaano po—anong gagawin natin para ma-sustain ang ganitong klaseng sitwasyon?

DR. ONG: All right. To sustain our downtrend, I think iyon ang tanong natin ‘no, paano natin ma-sustain ang downtrend ‘no. Isipin na natin ang bagong normal na pinagsasabi na noong… when we started ‘no. We say ‘new normal’ – washing of hands, physical distancing kapag iyong crowded areas ‘no, wearing of mask lalo na sa times na may flu season ‘no, may season ng chickenpox and measles. With all these new normal na pinag-usapan natin should also be part of our culture, a part of our habit na.

Much like iyong habit sa ibang bansa ano gaya ng sa South Korea and in Japan ‘no, ‘pag lumalabas sila nakasuot na sila ng mask even though wala namang epidemya or outbreak ‘no.

So our new normal is actually what should be – cleanliness, hygiene, sanitation ‘no. So when we do all these ‘no, mapi-prevent natin even if there’s a new outbreak of SARS in the next few [garbled] outbreak niyan sa Pilipinas.

MR. BENDIJO: Dr. Ong, bigyang-daan natin iyong mga ipinadalang mga katanungan ng mga kasama natin sa media. Mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, ang kaniyang pong tanong DR. ONG: Do you have any comment on Secretary Harry Roque’s statement that the OCTA Research Group should course their recommendations to the IATF in private and not in public?

DR. ONG: Okay. Ang atin naman talagang pakay ay matulungan talaga na ma-control ang COVID. Iisa lang po ang ating kalaban and this is the SARS-CoV-2 virus ‘no and the OCTA Research Team has been providing the public and also government. They’re all stakeholders with necessary information regarding our COVID situation, not only in NCR, not only in the whole country but in certain areas, certain LGU, in certain barangays ‘no. And this data is actually being used by certain sectors of society for decision making. For example some private companies like hotel chains can use iyong OCTA’s data ha para to implement better control sa kanilang workplaces ‘no. So we will still commit to helping in this fight against COVID and we will still continue our analytics sa pag [garbled] information sa ating publiko.

MR. BENDIJO: Opo. Patuloy po ang paghahanap ng paraan ng pamahalaan para buhayin muli ang ating ekonomiya, Dr. Ong, sa gitna pa rin ng pandemya kaya may balak na i-expand pa iyong tinatawag na economic activities tulad sa turismo. Mayroon ba kayong mga suggestions upang masiguro na hindi ito magriresulta nang negatibo sa atin pong laban kontra COVID-19?

DR. ONG: Kapag magbubukas tayo ng certain sectors in society ‘no, the hospitality industry like the hotels and the resorts, the transportation sector ‘no… bawat isa sa kanila talaga ay—bawat isa sa mga sectors ay may sariling mga nuances pagdating sa transmission of the disease, pagdating sa—the way the virus goes around in the room for example, sa isang kuwarto sa BPO for example, puro aircon, sila wala silang bintana ‘no.

Dapat pag-aralan pa rin natin kapag magbubukas tayo ng industriya, pag-aralan natin kung ano iyong mga nuances o patterns ng virus sa loob ng industriya na iyon ‘no. We are going to be effective in opening industry if we have enough study, not only evidence, kailangan talaga may experts din na magbigay ng input regarding these certain industries. Especially now in the transportation sector dahil slowly nagbubukas na ‘no. Another cause for—[signal cut]

MR. BENDIJO: Okay. Nagkakaproblema lang—Dr. Ong, are you there?

DR. ONG: Yes, opo.

MR. BENDIJO: Opo. Mensahe na lang po sa publiko, Dr. Ong.

DR. ONG: Okay. May final message is that maganda na iyong ating downtrend ngayon at sana ay ma-sustain natin ang downtrend until the end of the year ‘no. And once we are already COVID-free, hopefully soon, ay sana ma-maintain natin ang ating health standard ‘no – cleanliness, hygiene – they are all important in controlling whatever outbreak there is. So hopefully maganda ang ating end of the year. So maraming salamat sa pag-imbita sa akin at sana nakatulong po tayo.

MR. BENDIJO: Maraming salamat, Dr. Butch Ong mula sa UP-OCTA Research Team.

USEC. IGNACIO:  Samantala, mga updates naman po tayo ukol sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways. Narito po makakausap natin si Secretary Mark Villar. Magandang umaga po, Secretary.

DPWH SEC. VILLAR: Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO:  Katanungan po muna sa ating kasamahan sa media. Mula po kay Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Kagabi po sa kaniyang public address, sinabi mismo ni Pangulong Duterte na talamak umano ang korapsiyon sa DPWH lalo sa mga project engineers kasabwat ang mga umano’y contractors, wala daw project na uumpisahan kung walang transaction. Hinikayat din nito ang Kongreso na busisiin ang mga projects ng DPWH dahil mayroon daw talaga para sa ‘give’ pero hindi lang niya alam kung sinu-sino. Si Pangulong Duterte na po mismo ang nagsabi nito. Ano po ang masasabi ninyo, Secretary Villar, at ano po ang gagawin ng inyong tanggapan to address this?

SEC. VILLAR: Kami po ay nagkakaisa sa layunin ng ating Pangulo na tapusin ang korapsyon. That is why we take it as a challenge to further institute reforms sa department. May nagawa na kaming mga reforms katulad nang monitoring systems. Ngayon po lahat po ng ating mga proyekto ay may geo-tagging. So malalaman natin kung may mga projects na at kung ano ang kondisyon ng mga projects. So, mapi-picturan iyong projects at alam na natin kung ano iyong condition at sitwasyon sa ating mga proyekto at siyempre po maging mas strict pa kami.

Today, almost 30 contractors na ang na-black list namin, ito po ay one of the highest numbers of black listed contractors. But we of course take the challenge of the President and we will continue to fight harder to stop corruption.

USEC. IGNACIO:  Opo. Tanong naman ni Ian Cruz ng GMA 7: Secretary Villar confident po ba kayo na makakalusot ang proposed budget ng DPWH. Tulad po sa Senado, marami pong tanong si Senator Ping Lacson?

SEC. VILLAR: Kahapon po nasa komite kami at nasagot naman namin ang mga tanong ni Senator Lacson and kami naman po, confident naman kami at kaya naman naming i-clarify ang lahat po ng questions ng ating mga senador.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero, sir kumusta na po ang construction ng mga isolation facilities sa ilalim ng DPWH? Ilan na po iyong natapos at paano po natin sinisiguro na komportable po ang mga quarantine facilities na ito?

SEC. VILLAR: To date, almost 10,000 na-construct namin na isolation facilities across the country. Ang kagandahan po ng mga isolation facilities, ito po ay mga individual na quarters. So, bawat room, mayroong CR, may air conditioning. So kahit papaano komportable po ang ating mga kababayan, in case na-quarantine sa ating mga quarantine facilities. Pero hindi pa kami tapos, tuluy-tuloy po ang construction ng facilities and in the near—very soon, we hope to hit more than 20,000 quarantine facilities across the country.

USEC. IGNACIO:  Opo, Secretary gaano daw po karaming quarantine facilities ang target na magawa bago po matapos ang taong ito?

SEC. VILLAR: Ang target po namin is more than 20,000 ang tatapusin namin. Mayroon pa kaming mga upgrades sa ating mga ospital para ma-augment ang ating mga critical care facilities. So gagawa din kami ng pop-up hospitals at gagawa rin kami ng additional facilities para madagdagan po ang ating critical care facilities.

USEC. IGNACIO:  Secretary, magandang balita po sa marami iyong pagtatapos ng Skyway Stage 3 Project. Kaugnay niyan marami na po ang nag-aabang kailan daw po ito opisyal na mabubuksan sa publiko, Secretary?

SEC. VILLAR: Actually, tapos na iyong main line, so gagawin na lang iyong mga finishing, iyong mga safety devices. Ipapaaspalto na lang. But basically, significantly kumpleto na. So, definitely before the end of the year, at the latest December, but hopefully sooner, even before December. Pero latest na po ang December.

USEC. IGNACIO:  Secretary gaano daw po kalaking ginhawa itong 17.93 kilometers Skyway, particular para sa mga kababayan nating bumibiyahe mula north to southern part ng Metro Manila?

SEC. VILLAR: Napakalaking bagay. Ito po ay bahagi ng EDSA decongestion program ng ating Pangulong Duterte. At umpisa pa lang, ito po ang masterplan niya at gusto niya talagang tapusin ang trapik. Kapag natapos po ito, isipin na lang ninyo iyong trapik po kapag galing kayo sa Makati, 15 minutes na lang, nasa NLEX na. So napakabilis, napakalaking bagay and we believed that very soon, made-deliver na po ang Skyway project.

USEC. IGNACIO:  Opo, Secretary dahil sa mabilis na ganitong biyahe. Ano din po iyong inaasahan natin na magiging epekto naman nito para sa kabawasan ng trapik dito naman sa bahagi ng EDSA?

SEC. VILLAR: Well, kapag natapos po itong Skyway, mahigit 50,000 vehicles per day ang mawawala sa EDSA. So, ang target po talaga ng EDSA decongestion program, lahat po ng decongestion program, is maibalik ang EDSA sa original capacity. So kapag natapos po itong Skyway, pati iyong mga bridges across Pasig, iyong connector road makikita natin ang EDSA na sa original capacity.

USEC. IGNACIO:  Magandang balita iyan, Secretary. Priority rin po ninyo next year iyong flood mitigation. So, ano po ang mga lugar na ipa-prioritize ninyo para sa mga flood control projects?

SEC. VILLAR: Mayroon po kaming mga projects sa lahat po ng major river basins across the country, sa buong Pilipinas po. So lahat iyan may allocation kami para sa flood mitigation na malaking bahagi po ng budget ng DPWH. Pati sa of course, mayroon din dito po sa Metro Manila, mayroon din kaming mga projects, para palakihin iyong mga sewerage pipes at para maging mas mataas, mas malaki ang capacity ng ating mga waterways, katulad ng Pasig-Marikina river.

USEC. IGNACIO:  Secretary nitong nakaraang araw, nakita po natin iyong mataas na pagbaha dito sa Metro Manila, sa Maynila. At bahagi ng Quezon City. So gaano po ba kalala ang problema ng ating drainage system at iba pang facilities na dapat ay maisaayos para makaiwas tayo sa pagbaha tuwing panahon tag-ulan at ngayon nga po ay La Niña, Secretary?

SEC. VILLAR: Opo, tama po kaya tuluy-tuloy po ang aming pag-i-invest sa ating mga flood control. Marami po kaming pumping stations across Metro Manila and in-upgrade din namin iyong existing drainages, iyong maliit na drainages na lumang-luma na, ginagawa naming mas malaki and marami po tayong mga flood control projects na matatapos sa near future.

USEC. IGNACIO:  Ukol naman po dito sa isyu ng pag-hire ng mga foreigners sa mga infrastructure projects. Paano po ninyo masisiguro na prayoridad pa rin po iyong mga Pilipino kaysa po sa mga foreigner, Secretary?

SEC. VILLAR: Sa lahat po ng projects ng DPWH, ang first priority ay ang ating mga local workers. Minsan lang, kasi may mga bagong technologies lalo na po sa mga minsan, may mga foreign funded projects, iyong mga bagong bridge projects, mayroon pong mga bagong technologies na galing sa ibang bansa so, kailangan din natin ng technical expertise nila. Pero ito po eventually ay itong mga technical expertise malilipat din sa ating mga local workers, pero siyempre habang tina-transfer pa itong mga kaalaman na galing sa ibang bansa, mayroon pang kaunting presence ng foreign workers. But definitely sa amin, priority talaga namin iyong mga local workers.

USEC. IGNACIO:  Opo, Secretary ano po iyong specific technical skills na kinakailangan ng DPWH sa mga proyekt0 nito na kinukuha natin sa mga foreign workers para po malaman din ng ating mga kababayan kung alin po iyong mga skills na kailangan natin para palakasin ang training para sa mga Filipino workers?

SEC. VILLAR: Una sa mga bridges. Itong mga bridges natin, mayroon po tayong mga bagong technology, katulad ng traveling forms, ito po ay isang technology na galing abroad. At para sa mga may mga bridges na dinonate ng ibang bansa, pina-fabricate nila iyong mga bridge structures sa ibang lugar kaya ina-assemble lang nila dito. So kailangan din ng kaunting technical expertise. Pero karamihan ng mga kaunting-kaunti, sa lahat ng projects kaunting-kaunti lang naman ang mga foreign workers sa dami ng ating mga projects at karamihan talaga mga local workers and kami naman po, palagi namin pinu-push na dumami po ang mga job opportunities para sa ating mga local workers.

USEC. IGNACIO:  So, ano po ang reaksiyon ninyo dito sa sinasabing unrecognizable po ang ibang items sa inyong proposed budget for 2021? Puwede po ba ninyong ipaliwanag ito sa ating mga kababayan, Secretary?

SEC. VILLAR: Opo, in-explain naman, sinubmit namin iyong budget, siyempre po ang nakita lang nila iyong initial summary lang ng DBM, pero iyong actual net makikita naman nila, na-submit naman namin at makikita naman ng ating mga legislature at transparent naman kami and of course kasama po ito sa budgetary process. So, kami naman po, confident naman kami na kaya natin sagutin lahat po ng tanong ng ating mga mambabatas.

USEC. IGNACIO:  Secretary, mas mataas po ang inilaan ninyong budget for local projects. Ano po ba ito at bakit daw po tumaas iyong budget dito kaysa dito sa national projects?

SEC. VILLAR: Mayroon ding national, mayroon ding local, kasi minsan may mga local projects po na may national purpose, katulad ng mga roads going to tourism sites, roads going to mga airports. So, itong mga projects kahit na local, may national purpose. So, mayroon din kaming mga projects na local, pero national din ang purpose.

USEC. IGNACIO:  Secretary, ano na lang po ang mensahe ninyo sa ating mga manunuod ngayong araw?

SEC. VILLAR: Maraming salamat po at asahan po ng ating mga kababayan na tuluy-tuloy po ang aming pagtrabaho sa Build Build Build. And of course we will continue to make sure, we will continue the fights against corruption and of course expect po ninyo malapit ng matapos itong mga big ticket projects ngayon at patapos na po ang term ni Pangulo, lahat po ng mga projects na nasimulan in the past, ngayon na po matatapos at malapit na po ang ginhawa.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat po, Secretary Mark Villar ng DPWH. Stay safe po, Secretary.

SEC. VILLAR: Salamat po.

BENDIJO: Samantala, upang bigyang-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila na ating mga kababayan dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang sinuspinde ang Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program. Para po sa iba pang mga detalye, panuorin natin ito.

(VTR)

USEC. IGNACIO:  Sa puntong ito ulat mula sa iba pang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro.

BENDIJO: Puntahan naman natin si Jorton Campana mula sa PTV Cordillera, Jorton?

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Maraming salamat Jorton Campana.

USEC. IGNACIO:  Mula naman sa PTV Davao, may ulat din si Jay Lagang, Jay?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang ng PTV Davao.

Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa tala ng Department of Health as of October 14, 2020, naitala ang 1,910 newly reported COVID-19 case; ang total number of confirmed cases ngayon ay 346,536. Naitala rin kahapon ang 78 katao na nasawi kaya umabot na sa 6,449 cases na kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 293, 860 with 579 new recoveries record as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 46,227.

BENDIJO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong idial ang numerong 02-894 COVID or kaya 02-89426843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang numerong 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO:  At iyan nga po ang aming mga balita na nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

BENDIJO: Ang public briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng department of Health at kaisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

USEC. IGNACIO:  Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

BENDIJO: Samantala, 71 days na lang Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, lagi po nating tandaan na ang pagmamahal at pagtutulungan sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Marami pong salamat. Muli ako po si Aljo Bendijo. Thank you, USec.

USEC. IGNACIO:  Salamat din sa iyo, Aljo. At mula pa rin sa PCOO, sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po si USec. Rocky Ignacio magkita-kita po tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

 


SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)