USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mahahalagang balita at impormasyon ang ating pag-uusapan tungkol sa ating laban kontra COVID-19, at kasama pa rin sa pagtugon at mga paghahanda sa epekto ng Bagyong Siony.
Narito pa rin po tayo ngayon sa Sta. Cruz, Laguna para po sa pagpapatuloy ng ‘Explain, Explain, Explain: Pagdalaw sa Laguna’ na pinangungunahan po ng Presidential Communications Operations Office. Aljo, good morning.
ALJO BENDIJO: Magandang umaga, Usec. Rocky. Live po tayo dito sa studio ng PTV. Ako po ang inyong lingkod, Aljo Bendijo, para sa isa na namang makabuluhang talakayan kasama pa rin ang mga iba’t ibang kawani ng pamahalaan.
USEC. IGNACIO: At ako po si Usec. Rocky Ignacio; at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot po sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang, Aljo, ay makakasama natin sa programa sina Secretary Carlito Galvez, Jr., ang Vaccine Czar at Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19; si Governor Manuel Mamba ng Cagayan Province; at Governor Marilou Cayco ng Batanes.
ALJO BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.
Para naman sa inyong mga katanungan ay maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
At para po sa unang balita: Isinusulong ni Senador Bong Go ang pagkakaroon ng National Vaccination Program Against COVID-19 upang siguruhing mabibigyan ang lahat ng mga Pilipino ng equal access dito. Ang detalye, narito po: [VTR]
USEC. IGNACIO: Sa unang bahagi po ng ating talakayan, tuluy-tuloy naman po ang paghahanda ng pamahalaan para sa maayos na distribusyon ng bakuna oras po na magkaroon na ng ligtas na COVID-19 vaccine sa ating bansa. Alamin po natin ang updates dito mula mismo kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at kakaanunsiyo lamang po bilang Vaccine Czar, si Secretary Carlito Galvez. Magandang umaga po, Secretary.
SEC. GALVEZ: Magandang umaga po sa inyo, Usec. Rocky, at sa lahat ng nakikinig. At maraming salamat po sa pag-imbita ninyo sa akin dito sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Salamat din po, Secretary Galvez. Ano po iyong una ninyong tinututukan simula po nang ma-assign po kayo bilang COVID-19 Vaccine Czar?
SEC. GALVEZ: Nakita natin po ang pronouncement ng ating mahal na Senador Bong Go which is coming from the President na kailangan magkaroon po tayo ng national immunization program. So sa ngayon po, ang pinakaimportante po na ginagawa po namin ay magkaroon po tayo ng tinatawag na Philippine National Vaccine Roadmap. Iyong sa roadmap po na ito ay pitong stages na talagang pinaghalo po natin ang lahat ng mga expert, kasama po ang vaccine expert panel, ang ating mga logistics expert, information expert at saka iyong mga diplomatic arrangement and procurement experts.
So gagawin po natin na talagang magbubuo po tayo ng core group para po talagang maayos po ang organisasyon from the national to the local level.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Galvez, dito po sa COVID-19 Immunization Management Task Group na nasa ilalim po ng NTF at pinangungunahan po ng Department of Health. Paano po makakaapekto iyong inyong appointment bilang Vaccine Czar doon sa doon po sa mga functions para po sa task group na ito?
SEC. GALVEZ: Ang nakita po natin ay napakaganda po ang integration at saka tinatawag na mapapabilis po iyong ating pagkukuha ng bakuna dahil kasi po sa gagawin po nating roadmap, may kaniya-kaniyang trabaho ang different stages. At the same time, ang maganda po dito ay magkakaroon po tayo ng tinatawag na mga different arrangement, multilateral, bilateral arrangement na puwede po nating gawin.
Ang maganda po rito ay mai-enhance po ang ating tinatawag na performance at saka indications sa pamamagitan ng tinatawag na integration ng mga effort para at least ay makapag-concentrate po ang ating DOH doon po sa immunization program sa local level, at the same time iyong selection ng vaccine.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Galvez, bigyan-daan po natin iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po mula po kay Joseph Morong ng GMA-7: Are we looking at the mass COVID-19 vaccination; and when do we expect this?
SEC. GALVEZ: Nakita po natin sa real situation po natin, nakikita po natin na iyong supply and demand po ang isa sa mga pinaka-indication natin sa COVID-19. Ang nakita po natin is, during our planning with the vaccine experts at saka po with the DOH, realistically baka magkaroon po tayo ng tinatawag na realization sa vaccination maybe mid of 2021, iyon po ang best case scenario. Ang worst case scenario po, kapag nakita po natin na underdevelopment pa po ang mga vaccine ay baka po before end of the year. So ang pinaka-best scenario po natin is May 2021 po.
USEC. IGNACIO: Secretary, mula pa rin po kay Joseph Morong with regard daw po to PCR testing [garbled] effect of an expensive PCR testing to our testing strategy?
SEC. GALVEZ: Opo, iyong ano po natin, sa PCR testing natin, nagkaroon na po tayo ng cap na talagang iyong presyo po ay talagang pinabababa po natin. At ang maganda po natin is, ito po ay isang magandang simulation natin sa ating vaccination strategy.
Noong ni-ramp up po natin iyong testing, nakita natin na we mobilized both the public and the private sector. Ganoon din po ang gagawin po natin na itong sa vaccination, we will make it very accessible to the public, particularly po doon sa ating most vulnerable people at saka iyong mga indigents.
The President already gave us the instruction na uunahin po talaga ang ating mga poor communities at saka mga vulnerable sector.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa ngayon po ay mayroon na po bang coordination sa mga miyembro po ng task group; at ano po iyong mga priorities ninyo?
SEC. GALVEZ: Nagkaroon na po kami ng meeting kahapon ni Usec. Vergeire at saka ni Usec. Cabotaje. Si Usec. Cabotaje po ang in-charge doon po sa DOH Immunization Program. Napakataas po ng kaniyang experience at binigay niya po sa amin iyong tinatawag na immunization plan ng DOH.
At ngayon ay nakikita namin, nagha-harmonize po kami ng mga activities at saka iyong ating mga critical events. Ang pinakanakita po namin na importante po ngayon ay magkaroon muna ng approval ng Presidente ng tinatawag nating National Vaccine Roadmap. And then ang next step po natin is talagang i-meet po natin iyong vaccine expert panel para po matukoy na po natin kung ano po ang vaccine na epektibo at safe sa ating mga mamamayan ang ating bibilhin.
Kasi po iyong susunod po doon ay iyong tinatawag nating access at saka iyong guarantee rights ay kailangan po magkaroon na tayo ng tinatawag na different strategies how to access this vaccine considering that ang demand po ngayon, ang ating tinatawag na mga developed countries are now hoarding the supply.
So iyon po ang inaano po natin, na para at least po ang maganda po ay magkaroon po tayo ng tinatawag na magandang timing na tayo ay hindi mahuli. Iyon po ang gusto ng ating mahal na Presidente na sana pagka once na nagkaroon po ng available ang mga vaccine ay mayroon po tayong equitable access. At gagawin po natin lahat ang bilateral, multilateral at saka iyong tripartite agreement with the vaccine companies and the government involving in the vaccine development.
USEC. IGNACIO: Secretary Galvez, tanong pa rin po ni Joseph: Ito po bang mga vaccine na ito ay libre?
SEC. GALVEZ: Ang gusto po ng ating mahal na Presidente ay talagang he wanted that the whole populace particular the poor ay bibigyan po nang libre.
USEC. IGNACIO: Malaking bahagi po ng plano natin for vaccine distribution iyong gagamit daw po ng military strategy. Sa tingin ninyo po, gaano nga po ka-epeketibo ito pagdating po sa vaccine distribution?
SEC. GALVEZ: Sa vaccine distribution po, ang gagawin po natin ay ang tinatawag natin o magkakaroon tayo ng spokes and hubs strategy, meaning dahil po napakasensitibo po ang cold chain storage ng ating mga vaccine ay kailangan po talaga na magkaroon tayo ng mga napakagandang logistics plan kung saan natin idi-deploy na mga hubs.
Dapat ma-identify po natin ang main storage facilities at saka iyong mga subsidiary storage kasi po ang ating vaccine, tatlong storage portfolio po ang gagawin natin, ang tinatawag na 2-6 to 2-8 degrees at saka iyong sub-zero na negative twenty at saka iyong negative eighty storages.
So, iyon po ay nagkakaroon na kami ng initial planning with the private sector and also with our logistic officers para magkaroon po tayo ng logistics summit so that we can iron out iyong complexities ng logistics.
So, iyon pong vaccine po na ito napakahirap po talaga dahil kasi complex po ang tinatawag nating shipment, storage and distribution.
USEC. IGNACIO: Secretary, kung hindi daw po magiging available iyong COVID-19 vaccine doon po sa first quarter ng 2021, ano po ang magiging epekto nito sa mga inihahanda ninyong plano po?
SEC. GALVEZ: Nakita po natin ang ibinibigay natin na paalala sa ating mga mamamayan na habang hinihintay po natin ang vaccine kailangan po na ang ating minimum health standard, ang compliance po natin nandoon pa rin po. Iyong pag-iingat living with the virus kailangan po habang hinihintay po natin ang pagdating nga ating vaccine, kailangan pa rin po iyong ating strategy na PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treatment-Reintegration) ay dapat pa rin pong masunod.
So, sa ano po namin tinitingnan po namin, sinasabi ko nga po ang best case scenario na baka magkaroon na po tayo ng mga clinical trials within the first quarter and then later kung just in case na magkaroon na po tayo ng mass production ay puwede po tayo at the mid of 2021 but ang ano po natin, to be realistically ano po, kailangan po talaga na tumingin po worst case scenario na before the end of 2021 ang realistically considering the constraint of the different supply chain na… naano po natin na talagang worldwide po ang demand ng vaccine.
USEC. IGNACIO: Secretary, tungkol pa rin po doon sa cold chain storage po ng vaccine. So, makikipagtulungan po ba, may plano po ba tayong makipagtulungan sa mga private pharmaceutical companies at may sapat po ba tayong panahon para gawin ito?
SEC. GALVEZ: Mayroon po tayong available cold storage. Actually, kahapon po iyong consortium ng Zuellig, iyong Ayala Healthcare Pharma at saka iyon pong Unilab at ang ating private sector nagbigay po ng presentation po sa akin at nakita ko po talaga ang complexities na iyong sinabi ko nga po na tatlong portfolio ang ipi-prepare natin sa cold chain – iyong refrigeration sa two to eight; iyong negative twenty; at saka negative 80.
Mayroon po tayong mga available at iyong mga ibang companies like Aboitiz at saka iyong ibang mga mayroong mga freezer at available refrigeration ay nag-volunteer po sila para makatulong po sa atin.
USEC. IGNACIO: Secretary, nabanggit ninyo rin po na imposibleng hindi po makikipagtulungan sa inyo ang LGUs pagdating dito sa vaccine distribution. So, may mga binuo na po ba kayong strategies kung paano ninyo maiiwasan ang sinasabi pong pamumulitika, at kurapsyon sa implementasyon nito at ano po ang magiging papel nila specifically?
SEC. GALVEZ: Mula po noong nagkaroon tayo ng devolution ng public health noong 1991 ay ibinigay po natin sa probinsiya, sa mga municipality at city ang healthcare system. Kailangang-kailangan po natin ang tulong nila dahil kasi po ang DOH kung titingnan natin organizationally, ang hina-handle lang po nila hanggang regional.
So talaga po, ang tinatawag nating provincial health officers sa pamumuno ng provincial governors at saka ng ating mga munisipyo at mga city ay kailangang-kailangan po natin. At naniniwala po kami na very responsible na po ang ating mga LGU with more than eight months na po na mayroon tayong COVID ay nakita po natin na tinanggal na po nila ang pulitika. Nakita natin ang Cebu, dati highly politicized, nakita natin nagsama-sama na po.
At para po ang isa sa directive ng ating mahal na Presidente na hindi ma-politicized, we will involve the services of the Armed Forces of the Philippines, DSWD, and also the PNP and other service uniformed men para magkaroon po tayo ng inter-agency task force. Mayroon na po tayong existing regional task force at saka provincial task force, inter-agency po ito at saka hindi po ito highly politicized. Ito po talaga is a professional inter-agency collegial body na nagdi-decide kung ano pong maganda po sa mga local approach nila. So, ibig sabihin iyong atin pong localized program sa ating COVID-19 fight ay na-localized na po natin at ngayon po madali na po nating ilo-localize ang vaccination preparation.
USEC. IGNACIO: Secretary, pagdating naman po dito sa pag-conduct daw po ng clinical trials, paano po ninyo ia-assist ang ating Department of Health para dito?
SEC. GALVEZ: Iyong DOST po nakausap ko na po kanina, si ma’am Rowena Guevara, siya po ang in-charge ng Sub-TWG for vaccine development at ang DOH po nasabi ko na po na nakausap ko na po si Usec. Cabotaje. Iyon po, madali na pong magkakaroon po ng koordinasyon at ma-harmonize po natin iyong ating mga ginagawa by stages at iyon po ay nakikita po namin na maganda po iyong aming pagsasama at they gave their full support to our roadmap and I’m so happy that the DOH Secretary, Secretary Duque also put the support on our vaccine program.
At para po malaman po ng lahat, ang atin pong vaccine task group ay under pa rin po ng National Task Force at ang boss po namin diyan si Secretary Lorenzana at ang National Task Force under po sa IATF at ang boss po natin diyan si Secretary Duque.
USEC. IGNACIO: Ano na lamang po, Secretary Galvez ang inyong mensahe sa ating mga manonood na talaga pong umaasa, kabilang na po ako, na talagang magkakaroon na tayo ng bakuna? Secretary?
SEC. GALVEZ: Unang-una na po sa lahat, katulad po ng sinabi ng ating mahal na Presidente na iyong vaccine kung magiging available po iyan, iyan po ay ibibigay po natin nang libre sa ating mga mamamayan lalung-lalo na po ang mga mahihirap at ang mga frontliners at saka mga essential workers.
At natutuwa po ako, nagpapasalamat po ako sa private sector that they threw their support to us, like what they did when we ramp-up our testing capacity at nangako po sila na talagang tutulong po sila kung magkakaroon man ng tinatawag nating mga vaccine ay magiging decent po ang price at baka parang non-profit po ang gagawin po nila.
At una po sa lahat, sa ating mga mamamayan, habang wala pa po ang vaccine ay kailangan po na tayo po ay maging maingat, nandoon pa rin ang caution, ang ating mga LGUs, kami po ay nananawagan na magsimula na po tayong mag-prepare para po sa ating National Vaccine Program.
Marami pong salamat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong oras, Secretary Carlito Galvez Jr.
MR. BENDIJO: At samantala, sa ibang balita naman, Senador Bong Go at ilang ahensiya ng pamahalaan namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog at flashfloods. At ilang mga estudyante sa Surigao, binigyan ng payo ng Senador sa panahon ngayon ng krisis.
[VTR OF SEN. GO]
MR. BENDIJO: At kabilang sa mga tatamaan ng Bagyong Siony ang Cagayan Province. Kaya naman para alamin ang kanilang mga paghahanda, makakausap natin si Cagayan Governor Manuel Mamba. Magandang umaga po, Governor Mamba.
CAGAYAN GOV. MAMBA: Magandang umaga rin Aljo at magandang umaga rin po sa lahat ng nakikinig sa ating programa at ganoon din kay Secretary Galvez at saka kay Usec. Rocky.
MR. BENDIJO: Opo. Itinaas na po sa Typhoon Signal Number 1 diyan sa Cagayan kahapon. Kamusta ang kalagayan ng lalawigan ngayon, Gov.?
CAGAYAN GOV. MAMBA: So far handa po tayo, about three days ago mayroon ho tayong pre-disaster meeting ‘no with our stakeholders po dito. At this point in time po ‘no nakataas po ang number 1 doon sa north eastern parts of Cagayan specifically Sta. Ana at Gonzaga at of course iyong mga island towns po natin Nagkalayag(?) and also of Fuga. Sa awa ng Diyos po ay naghahanda naman sila, nag-aantabay din po and so far wala po akong reported na anumang insidente na hindi ho naaasiste.
We do not have preemptive evacuation at this point in time pero na-discuss na rin po namin ito nang husto at the same time naka-preposition naman po ang ating mga assets ‘no, mga frontliners natin dito especially our PNP, our Armed Forces of the Philippines, of course iyong Marine Battalion po na naka-assign sa northernmost towns of Cagayan including that our islands po; at this point in time po handa naman tayo. Sanay po tayo dito because this is happening to us every year po sa totoo lang. We prepare more not only doon sa bagyo pero more on the flooding brought by the rains ng mga bagyong ito.
In fact, we prepared for Rolly and then prior to Rolly po ay nagkaroon din kami dito ng frontal system that brought us flooding diyan sa, again, northern towns of Cagayan ‘no, northernmost parts of Cagayan specifically po doon sa Sta. Mercedes, Claveria, Sanchez-Mira. Kaya kahit na papaano po ay naka-pre-deploy naman hanggang ngayon ang ating mga assets including our human resources na puwedeng makatulong po.
Our NDRRMC po naman ‘no ay palaging nakaalerto at this point in time. So, so far wala pong reported na failure of the power, communication, anything…
MR. BENDIJO: Gaano po kalaki ang impact na ini-expect po natin sa probinsya nito pong Bagyong Siony, Gov.?
CAGAYAN GOV. MAMBA: Well, we do not expect so much damage ‘no. No, I think it was—more damaging iyong pinagdaanan naming [unclear] ‘no which may mga flooded areas kami for how many days at the same time may mga soil erosion kami, nag-close iyong mga traffic in some areas. At kahit papaano kinukumpuni pa rin po namin iyon hanggang ngayon kaya nga nakapag-deploy din at nagpunta rin iyong mga assets namin karamihan.
But we expect na hindi almost grabe ito. In fact medyo—iyong mga nandito ngayon na mga media, medyo kuwan ho sila dahil walang action pa dito. We’re expecting the best rain [unclear] of course we prepared for the worst.
MR. BENDIJO: May sapat ba tayong mga evacuation centers, Gov., saka-sakaling madagdagan ang mga evacuees? Huwag naman po sana…
CAGAYAN GOV. MAMBA: Ay, okay naman po ano. Of course—kasi may mga isolation centers and quarantine centers tayo na pre-identified na noon pa. Sa awa ng Diyos lahat po ng mga barangays controlled namin iyong mga kuwan nila na mga isolation centers. Bawat barangay may health care para COVID cases. So far maganda po ito ngayon ‘no, we have minimal number ‘no especially in other places. Eh mayroon man kami [garbled] the other places halos wala naman po. And our evacuation centers naman ay pre-identified na po iyon prior to [garbled]. Dati-rati na po naka-prepare na iyan.
MR. BENDIJO: Mayroon pong dalawang libong residente noong nakaraang linggo ang nailikas mula sa iba’t ibang bayan po diyan sa Cagayan. Kamustahin lang ho natin ang kanilang sitwasyon. Gov. Kamusta na sila at may mga binalikan pa ba silang mga bahay at kabuhayan?
CAGAYAN GOV. MAMBA: Sa awa ng Diyos okay naman po. Wala pong reported na mga nasirang mga bahay ‘no except for the temporary na flooding. Then of course may mga kuwan po kasi ‘no, may mga debris na pumasok-pasok din sa mga bahay, sa awa ng Diyos po at this point in time wala naman pong masyadong damage katulad [garbled] at nagkukumpuni pa rin po sila ‘no in some of the area pero so far nama-manage naman po.
Some of our roads ‘no are still partially closed pero may mga alternate routes po naman kami. Of course iyong mga heavy equipment natin ‘no provided by of course by the government [garbled] including our private contractors and DPWH ‘no, kinukumpuni rin po itong mga ito. Of course iyong mga medyo malaking damage like along highway of Claveria at reported na rin po ito and hopefully makumpuni natin kaagad ito para dire-diretso na [garbled].
MR. BENDIJO: Oo. Pagdating naman po sa pangkabuhayan, papaano po natin tinutulungan ang ating mga kababayan po diyan na apektado ng bagyo?
CAGAYAN GOV. MAMBA: Ito iyong isang malaking problema po. Our provincial government and most of our local government units, ang ginagawa po namin [garbled] dito sa amin by providing them financial assistance ‘no. And sinabay din po namin iyong food production ‘no, we used iyong mga kabataan natin na nasa mga bahay ‘no. Nagbigay po kami ng mga seeds ‘no, seedlings ‘no, vegetable seedlings all over Cagayan. Nagbigay din ho kami ng mga chicken ‘no, native chickens sa bawat bahay po ito. We identified 105 recipients, mga kabataan ‘no sa bawat barangay for the vegetable seedlings. We identified 35 mga kabataan din na nabibigyan po ng mga native chicken para maparami po nila ito. So this is one of the things na ginagawa po namin, dire-diretso rin po ito and then we have a buyback din nito para ma-distribute at madoble naman po iyong mga beneficiaries.
At of course iyong mga financial assistance po natin – iyong 4Ps; para sa provincial government, iyon pong ating mga volunteer workers, maging din po ang mga fisherfolks natin.
We feel na kailangan ma-perk up din po iyong ating ekonomiya ‘no para [garbled] we give this in tasks para sa kanila. And, mula kasi noon Aljo ‘no, in-organize na namin iyong mga purok-purok namin ‘no to capacitate them, to empower them so bawat purok dito organisado po – presidente, vice president, treasurer. It’s a self-help organization ‘no to capacitate them to deal with disasters, to deal with insurgency, to deal with peace and order situations ‘no.
Awa ng Diyos ‘no, we could see ‘no iyong self-reliance na nangyayari, iyong bayanihan na nangyayari, tulung-tulong lang kami. In fact they are also part of governance in this point in time because sila din po ay naka-identify ng mga beneficiaries namin. So we are almost sure ‘no na ang mga beneficiaries natin ay talagang sila iyong talagang dapat [garbled].
And this has worked for us for so many disasters now. Alam naman natin itong Cagayan is ito iyong kuwan ‘to eh, we are a disaster prone area – on typhoons and of course flooding dahil kami po iyong labasan ng lahat ng tubig of the region. That is why talagang pinipreparahan po naming ito. In fact, last year almost three months or the last quarter of last year talagang diri-diretso pa iyong aming flooding. But we applied this medium and long term plans also to address these problems.
At ako ay nagpapasalamat sa ating Presidente dahil pinapayagan na nila and they are now into it also, the restoration of the Cagayan River. And we will be starting the dredging also from the mouth of the river, para kahit papaano po ay ma-mitigate namin iyong constant na flooding na nangyayari at regular flooding and worsening flooding dito sa mga towns namin along Cagayan River.
I am very, very thankful that finally nagawa namin itong inter-agency on Cagayan River restoration headed by the Governor and four other agencies, DENR, DPWH, MGB and of course EMB ‘no and we are now in the final stage now. Maybe we could start dredging of the mouth of the river, paloob po ito, para kahit papaano, maibsan naman po namin itong perennial na flooding na nangyayari sa amin every year. And furthermore, this will also ultimately open our Port of Aparri, our connection to international market, ito na po naman ang pinakamalaking puerto na na nagsara because of the siltation na nangyayari.
And we can see our connection, international trade, especially dito sa ating mga neighbors up north – Taiwan, China, South Korea, Japan – you could see international trading if and when na-open namin ito. Again, I would like to thank again the President for this, because pina-prioritize naman po ito ng national.
MR. BENDIJO: Mensahe na lang po sa ating mga kababayan, Governor Mamba?
CAGAYAN GOV. MAMBA: Iba po ang ano natin ano, sanay po tayo sa disasters, pero ang disaster natin ngayon ay makikita po ninyo at naku-complicate ng COVID natin. So napakaimportante po na ito iyong new normal natin. We face to disaster na darating sa atin o kalamidad na dadating sa atin, pero huwag po nating kalimutan nandiyan din po si COVID. Kaya napakaimportante po, that the minimum health standards, iyong nakasanayan na natin, mas lalo pa nating paiigtingin, dahil nasasabay.
And for our NDRRMOs and those in the frontline of disasters, we should always have a lead time, longer lead time dahil mahirap po mag-transfer ng mga tao, because hindi po katulad ng dati na kahit kumpul-kumpol sila, it’s different now. So, iyong lead time natin, palagi nating pinu-prolong po iyon, longer lead time para kahit papaano po ay maka-follow po tayo sa anti-COVID protocols po. So, kaya ho natin ito.
The national government is always there, been there with us. They also have the ears and the eyes of the President always. Ako po ay nagpapasalamat, because they have always been there. Pasalamat din po ako sa ating kapulisan na nandito. Nagpapasalamat din po ako sa Armed Forces of the Philippines at Marine battalions, nandito po sila na palaging katuwang at katulong namin. And of course lahat po ng volunteer workers, our health workers lalung-lalo na po iyong mga volunteer workers natin sa barangay. Maraming salamat po.
MR. BENDIJO: Maraming salamat, Governor Manuel Mamba ng Cagayan.
USEC. IGNACIO: Ang Bagyong Siony nga po ay inaasahang tatama sa hilagang bahagi ng ating bansa, at maaaring maging sentro nito ang lalawigan ng Batanes. Para alamin nga po ang mga kasalukuyang sitwasyon doon at paghahanda, makakausap po natin si Batanes Governor Marilou Cayco, good morning po, Governor? Okay, babalikan po natin si Governor Cayco.
MR. BENDIJO: Samantala Usec., upang bigyan ng daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga stranded nating mga kababayan dito po sa kalakhang Maynila dahil pa rin sa umiiral na community quarantine, ay pansamantala munang sinuspinde ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. At para po sa iba pang mga detalye, panuorin natin ito.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makakasama po natin si Czarina Lusuegro Lim mula po sa Philippine Broadcasting Service. Czarina?
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Czarina Lusuegro-Lim mula sa Philippine Broadcasting Service.
MR. BENDIJO: Samantala, patuloy tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan; at siyempre katuwang pa rin ang Philippine Red Cross. Kung nais po ninyong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin.
[VTR]
MR. BENDIJO: Samantala, paglilinaw lamang sa aming naiulat kahapon tungkol sa report ni PTV Davao correspondent Jay Lagang tungkol sa implementation ng Davao Safe QR Code. Sa naturang ulat, maikling bahagi ng video na walang kaugnayan sa report ang aksidenteng naipalabas, agad din itong naitama para po sa replay ng programa. Ang amin pong paumanhin.
Mula sa PTV Davao may ulat din si Julius Pacot. Julius maayong ugto.
(NEWS REPORTING)
MR. BENDIJO: Daghang salamat, Julius Pacot.
USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV Cebu, may ulat ang ating kasamang si John Aroa.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa.
MR. BENDIJO: Samantala puntahan natin si Breves Bulsao mula naman sa PTV Cordillera. Breves?
(NEWS REPORTING)
MR. BENDIJO: Maraming salamat Breves Bulsao.
USEC. IGNACIO: Samantala, naging mahirap po ang signal o ang linya ng komunikasyon natin kay Batanes Governor Marilou Cayco, susubukan po natin siyang makausap bukas.
Ngayon naman po ay dumako tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of November 4, 2020, umabot na po sa 388,137 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 987 new COVID-19 cases kahapon. 49 na katao naman po ang bagong bilang ng mga nasawi, kaya umabot na sa 7,367 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa; ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 349,091 with 140 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 31,679.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras para sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalaga pong malaman ng ating mga kababayan.
MR. BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
MR. BENDIJO: Samantala. 50 days na lang Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, tuloy lang po ang ating pagtutulungan at pagmamahal sa kapwa dahil iyan naman po ang tunay na diwa ng Pasko. Ako po si Aljo Bendijo; Usec. maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po dito sa Sta Cruz, Laguna, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO- NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)