USEC. IGNACIO: Magandang araw, Pilipinas. Isang araw na naman po na siksik sa balita’t impormasyon na dapat ninyong malaman ang muli naming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Sabado. Good morning, Aljo.
BENDIJO: Good morning po, Usec. Rocky. Kaisa pa rin ang mga opisyal ng pamahalaan, bibigyan natin ng kasagutan ang mga katanungan ng ating mga kababayan patungkol pa rin sa ating kinakaharap na COVID-19 pandemic. Sa ngalan pa rin ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PCOO, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar; Department of Social Welfare and Development Spokesperson Director Irene Dumlao; Bureau of Immigration Chief of National Operations Center and Spokesperson Mr. Melvin Mabulac; Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang PTV Davao correspondent mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, kung kayo po ay may mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
USEC. IGNACIO: Para sa ating unang balita Aljo, para labanan po ang tumataas na kaso ng child abuse sa ating bansa, nais amyendahan ni Senator Bong Go ang Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act partikular sa Section 5 ng nasabing batas kung saan nakasaad ang mga parusa para sa mga gumagawa ng sexual abuse sa mga batang may edad labindalawa pababa.
Sa inihaing amendment, ang lalabag sa batas ay maari lang mapatawan ng reclusion temporal o labing apat hanggang labingpitong taon ng pagkakakulong hanggang reclusion perpetua o dalawampu hanggang apatnapung taon ng pagkakakulong.
Ang Senate Bill 1649 naman o ang Bureau of Immigration Modernization Act of 2019 ay maglalayong ayusin ang outdated na immigration system sa ating bansa. Sa Section 77 ng panukalang batas, ipagbabawal na makapasok sa bansa ang mga pedophiles, sexual perverts at mga indibiduwal na sangkot sa prostitusyon. Ipagbabawal ring makapasok ang mga taong convicted at hinihinalang sangkot sa human trafficking.
BENDIJO: Samantala, dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon habang nasa ilalim ng community quarantine ang bansa, iminumungkahi ni Senator Bong Go sa mga lokal na otoridad na dagdagan ang mga bike lanes upang mas marami ang mahikayat na gumamit ng bisikleta. Ang mga bike lanes ay dapat na may proper lane markings, road safety signs at lightings upang masiguro ang kaligtasan ng mga dadaang bisikleta rito.
Dagdag pa riyan, ipinahayag din ng Senador ang kaniyang pagsang-ayon na payagan na ang back riding sa mga motorsiklo basta’t susunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng pamahalaan. Aniya, dapat huwag itong madaliin sa halip ay dapat itong pag-aralan nang mabuti at ikonsulta sa mga eksperto.
Sa iba pang mga balita, patuloy naman ang pagtugon ng ating pamahalaan sa pagpapauwi ng ating mga OFWs. Sa katunayan sa ulat ngayong araw, July 11, 2020 ng Department of Labor and Employment, umabot na sa 82,825 ang napapauwing mga OFW mula May 25 hanggang July 10, 2020. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi titigil ang ating pamahalaan sa pagtugon sa ating mga kababayang OFWs na nagnanais nang makauwi sa kani-kanilang mga bayan at probinsya.
USEC. IGNACIO: Umpisa pa lamang po ng pagpapatupad ng community quarantine, nakaantabay na po ang Philippine National Police upang maging katuwang ng pamahalaan sa pagtiyak sa kaligtasan ng bawat Pilipino. At upang makibalita sa iba pang update kaugnay sa mga isinasagawang operasyon at proyekto po ng PNP, makakausap po natin si Joint Task Force COVID-19 Shield Commander and Police Lieutenant General Guillermo Eleazar. Sir, good morning po.
PLT. GEN. ELEAZAR: Yes. Magandang umaga inyo Usec. Rocky, ganoon din sa iyo Aljo at sa lahat po ng nakikinig at nanonood sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Ang ating napakasipag na General. General, ang dami pong naka-deploy na mga pulis sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at upang masiguro nga po na sumusunod ang lahat sa quarantine measures and health protocols, kaya naman po nakakalungkot din na malaman General na mahigit isanlibong pulis na po ang tinamaan ng COVID-19. Kumusta na po sila ngayon at ilan na po iyong gumaling sa sakit at paano po natin isinasagawa iyong ating contact tracing?
PLT. GEN. ELEAZAR: Yes, tama iyon Usec. Rocky. Hindi po exempted ang ating kapulisan bilang frontliners at nakakalungkot na mayroon ngang mahigit isanlibo na nagkaroon po ng infection sa amin. Pero doon po sa bilang naman na iyon, mayroong 465 naman na naka-recover na. In fact marami sa kanila, nakabalik na po ulit sa iba’t ibang units at nagtatrabaho na at ang atin pong PNP naman sa pangunguna ni Police General Archie Gamboa po ay nakatutok po para sa aming mga pangangailangan.
Mayroon po tayong mga corresponding quarantine isolation facilities para po sa ating mga pulis na infected pati na rin po iyong under monitoring and under investigation, at nandoon po iyong mga intervention para po maiwasan na mas dumami pa even though sinasabi nga natin wala po kaming magagawa kung hindi kami po ay mag-ingat at tupdin itong mga protocol na ibinibigay para sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero General, kumusta po iyong operasyon ng PNP sa kabila nga po ng pagdami ng kaso ng COVID-19? Siyempre hindi po natin maiiwasan na posible pong magkaroon ng epekto lalo na sa deployment ng PNP dahil siyempre iniingatan natin and then may bumabalik po na nagkasakit pero hindi naman po dapat—talagang dapat eh kailangan naka-ready rin sila and at the same time talagang nag-iingat din po sila kasunod na rin ng pag-iingat nila doon sa pagbibigay-payo doon sa ating mga kababayan na talagang mag-ingat din.
PLT. GEN. ELEAZAR: Tama iyon, Usec. Rocky. At mula po naman noong first day natin hanggang ngayon, ika-117 day na natin mula noong March 17, pero hindi po nababawasan iyong init ng paglilingkod ng ating mga pulis at even though ‘ayun nga at kami pa ay nahahawa na rin.
Pero the point is kailangan natin mula sa ECQ napunta tayo sa MECQ, ngayon natitira GCQ and MGCQ pero patuloy pa rin po tayo na nagbabantay sa ating kapaligiran kasama ang mga force multiplier; ‘andiyan po iyong ating national and local government na tumututok diyan para po siguraduhin na the guidelines being given by Inter-Agency Task Force ay napapatupad po ng ating PNP dahil iyan po ang malaking bahagi ng Joint Task Force COVID Shield na siya pong naatasan po na magpapatupad sa mga guidelines na ito.
BENDIJO: General, good morning po. Kaugnay naman sa pagpayag sa motorcycle back riding sa mga mag-asawa na makakapagpresenta o makakapagpakita ng mga dokumento katulad po ng marriage certificate o contract. Kumusta po ang naging unang araw nito; marami bang nabigyan ng babala o warning?
PLT. GEN. ELEAZAR: Kahapon nga unang araw ng implementasyon at—well, siguro hindi nakapaghanda rin ang ating mga kababayan. At ang atin pong mga kapulisan sa iba’t ibang units sa buong Pilipinas pati na rin iyong Highway Patrol Group, nagsagawa po ng operation pero more on monitoring and giving of warning to them. So mayroon pong ibang lumabas na wala pong mga barrier at iyon ay binibigyan natin ng paalala. Mayroong iba naman na hindi naman sila couple, married couple or hindi rin live-in partner na lumabas, ‘ayan po, tinitikitan po natin iyang mga iyan.
So far naman po ay wala naman pong naglabag sa pagsusuot ng helmet at saka iyong facial mask natin. Iyon lamang po, pinakiusapan natin na ayusin ang pagsusuot nitong facial mask. Ngayong araw na pong ito hanggang bukas, tuloy po iyong operation ng ating mga kapulisan para po sa pag-monitor nito. Gusto ko pong ipaalala sa ating mga kababayan na nagmo-motor na kung for the past 116 days nandoon po at sumunod kayo sa mga panuntunan, ngayon na binigyan ng pagkakataon naman na ito ngayon ay magkaroon ng compromise agreement at initially nga po ay binibigay muna itong pahintulot sa mga married couple and live-in partners.
Sundin lang po natin iyon at kung inyong mga sasakyan naman ay wala pang barrier, ay ano ba naman iyong maghintay kayo ng isa/dalawang araw para malagyan ninyo bago po kayo lumabas para po hindi tayo magkaroon ng problema pagdating po sa lansangan.
BENDIJO: Opo. General Eleazar, para po sa kaalaman na rin ng lahat, ano po iyong specific guidelines talaga tungkol po sa motorcycle back riding; at sakali pong mahuhuli sila, ano pong parusa ang ipapataw po ng PNP?
PLT. GEN. ELEAZAR: Gaya Aljo ng nabanggit ko nga kanina, ito po ay binibigay natin na pagkakataon para po doon sa mga married couple o kaya naman po iyong mga live-in partners na sila po ay nakatira sa isang bahay o isang bubong lamang. Kaya nga po itse-check po ‘yung dokumento na nagpapatunay na kayo po ay talagang magkasama. So kung kayo po ay lalabas naman, itong motorsiklo ninyo dapat mayroong shield at naglabas nga ng initial na panuntunan ang IATF through the National Task Force na iyon pong prototype ng Bohol LGU ang ating gagawin. Magkakaroon nga po ng—well, puwedeng mag-improvise para po sundin ito.
At isa pa, kung kayo po ay nasa labas na gaya ng ginagawa ng iba, dapat mayroon pa rin tayong facial mask; at dahil kayo ay nakasakay sa motorsiklo, dapat mayroon kayong helmet.
So ang puwede pong maging parusa rito or sabihin nating violation is that, unang-una po, doon sa hindi pagsunod sa mga patakaran na ito, puwede pong ipataw natin doon itong RA 11332, specifically ito pong Section 9E – ito po iyong non-cooperation of person affected by health events of public concern.
And then kung mayroon pong ibang violation naman like not wearing of helmet, puwede po iyong RA 10054. Ito po, ang kaparusahan diyan sa unang offense, puwede pong 1,500 iyong penalty; second offense, 3,000; at 5,000 naman para sa third offense.
At para naman sa not wearing of mask, iyon po ay depende na sa probisyon ng mga ordinansa na pinaiiral kung saang lokalidad kayo nahuli.
ALJO BENDIJO: Opo. So hindi lang po sa mga national highways ‘no, kung hindi sa mga inner streets ay nakabantay ang atin pong PNP tungkol po sa panuntunang ito ng IATF, General?
GENERAL ELEAZAR: Opo, tama po iyon, kahit saan po iyan. Kaya nga tayo po ay humihingi rin ng tulong – na lagi naman napakaganda ng koordinasyon ng ating kapulisan – sa atin pong mga force multiplier, lalo na itong mga barangay tanod o iba pang ahensiya ng local government units na nagsusulong para ipatupad itong mga alituntunin na ito, in particular po itong mga ordinansa na puwedeng makatulong sa atin para po maiwasan ang unnecessary movement ng ating mga kababayan lalo na po sa gabi.
ALJO BENDIJO: Opo. May ibang isyu po tayo, General. Upang maiwasan ang patuloy na pagkalat po ng COVID-19 virus ay nagkaroon po ng localized lockdown. Papaano po ito sinisiguro ng Philippine National Police na talagang sumusunod ang mga residente ng lugar sa mga ipinatutupad na health protocols at quarantine measures?
GENERAL ELEAZAR: Opo. Ang atin pong pulis ay bahagi po iyan ng local task force against COVID-19 sa isang munisipyo or isang city. Kung kaya’t kapag mayroon pong na-identify itong task force na ito na specific zone for localized lockdown, nandiyan po iyong ating pulis na inu-augment pa ng ibang higher units natin para po siguraduhin na matutupad itong implementation na ito, in particular the restriction ng mga unnecessary persons na lalabas ng bahay.
So iyon po ang napakahalaga sa atin, kagaya ng ginagawa natin sa ibang lugar pati rin po sa Cebu. So kapag sinabi natin ito ay under ECQ or sinabi nating lalo pa nating pinataas na kategorya which is localized lockdown, iyon po ay tinututukan natin sa pagbabantay ng ating mga pulis kasama ang iba pang miyembro ng lokal na pamahalaan.
ALJO BENDIJO: General Eleazar, balikan ko lang po iyong isyu po ng back riding na dapat lang ay mag-asawa o kaya mag-live in partner lang na nakatira sa iisang bubungan o isang bahay. Ang tanong po rito ng ilan nating mga kababayan sa LGBTQI, sila ba ay saklaw din sa batas na iyan?
GENERAL ELEAZAR: Titingnan po natin, binanggit po ng National Task Force na ito po ay para sa married couple and others na live-in partners. So in essence po, kung iyong ating mga kasamahan sa LGBTQI, eh sila po ay magkasama sa isang bahay at sila naman po ay live-in partners, kasama rin po sila doon.
So ang kailangan lamang po ay ID na magkakapagpatunay na sila po ay nakatira doon sa iisang lugar, I mean, iisang address, na iisang bahay para patunayan na sila po ay magkasama.
Alam ninyo po sa mga pagkakataon, ang atin pong ini-exercise diyan is iyong common sense pati na rin iyong ating consideration. Kaya nga sa mga pagkakataong iyon, nakikita naman natin na iyon po ay nakasaklaw—even though sinasabi nga po na wala namang specific guidance pa iyon, pero sa amin pong pakikipag-ugnayan kay Secretary Eduardo Año at kay Usec. John Malaya ay napag-usapan po namin na talaga naman, kung tutuusin, kasama po siya doon sa sinasabing probisyon na iyon.
ALJO BENDIJO: Papaano po natin mapapatunayan na talagang mag-live in, halimbawa po ang kapwa lalake o ito pong mga magkasintahan o magka-live in na kapwa babae?
GENERAL ELEAZAR: Alam ninyo po sa ngayon, eh kung nagpatunay lang na mayroon silang ID doon, iyon po ay kinu-consider natin. Eh kung sa pagsisinungaling nila, bahala po sila. Pero kung makakakuha po ng additional certification coming from the barangay, maganda din po iyan.
Kaya nga po iyan ang sinasabi ng ating National Task Force through SILG Ed Año is, kaya nga po ‘di ba posible na puwedeng ibang magsamantala, mangyaring manloko sa atin. Pero sa atin naman po doon, in spite of our effort, kaya nga dinadagdagan natin ng additional safety net na kung sakali man na talagang itong mga ito ay nagloloko at nakalusot sa atin, at least mayroon pa rin tayong barrier sa motorsiklo.
Pero ang sinasabi ko pa rin nga po, tuluy-tuloy po ang pag-aaral ng ating TWG o technical working group ng IATF para po ma-improve pa itong sistema na ito para po sa kapakanan ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. General Eleazar, bigyan-daan ko po iyong tanong ni Pia Rañada ng Rappler. Ito po iyong tanong niya: Ano po ang point ng pagri-require ng barrier sa pagitan po ng driver at back rider kung sila po ay live-in partner o kaya po ay mag-asawa? Puwede ba pa-explain nang mabuti kung ano po iyong requirements ng barrier? Maraming hindi po nakakita o alam ang sinasabi ninyong Bohol prototype?
GENERAL ELEAZAR: Opo. Una nga po—well una, ang ating Joint Task Force COVID Shield, kami po ay nag-i-implement lamang nito. Pero base po sa pahayag ng National Task Force at ng Inter-Agency Task Force, ito po ay pinag-aralan nila. Kasi nga po, ang sinasabi nga, ito’y dahan-dahan na pagpunta natin doon sa pagluluwag. So initially, ito pong mga partners muna and eventually maaaring sa mga mag-anak na, and eventually para po sa lahat na rin po ang punta nito.
Kanina, parang pahapyaw na nabanggit ko nga na kung biglang io-open natin sa lahat iyan, ang daming magti-take advantage; at least ngayon, maku-control pa po natin or mabibigyan natin ng tamang atensiyon. Kasi nga, kung maraming magpapalusot at iyan po ay, halimbawa, magpapanggap na sila po ay partner for whatever reason, at least kung makapagpalusot man sila ay mayroon pa rin tayong safety net na barrier na iyon po iyong magiging basehan natin na hindi sila magkahawa-hawa.
Pero kagaya ng sinasabi nga po, pahayag ng ating DILG, welcome po iyong mga suggestions at mga proposals ng iba’t ibang indibidwal o sektor para po sa pag-aaral. At kagaya ng sinabi natin, for the past hundred sixteen days, kayo po ay sumunod sa mga patakaran, ito ngayon at because your clamor, naintindihan ng ating IATF iyan at ngayon nga ay nagkaroon ng compromised agreement or policy regarding dito. At sana po ay ma-appreciate ninyo naman iyong effort ng IATF dito hanggang tayo po ay unti-unti nang lumuwag.
USEC. IGNACIO: General, isa po sa mga iyon sa mga inisyatibo ng PNP iyon pong pagdi-deploy ng lahat ng available na sasakyan bilang tugon po naman sa mga stranded commuters. So far, gaano na po ba karami iyong natutulungan ninyo o naihahatid ninyo?
GENERAL ELEAZAR: Base po sa huling ulat ng ating Police Community Affairs Development Group under General Lito Daniel ay more than 23,00o, more than 23,000 na po iyong recipient or naka-avail nitong libreng hatid or libreng sakay po dito; sa Metro Manila po iyon, at iyon ay effort pa lamang ng national headquarters natin, ng ating logistic support service at ng ating Special Action Force.
Pero iyon pong NCRPO pa at iba pa nating mga police units all over the Philippines ay may kaniya-kaniyang effort para po tulungan ang ating mga kababayan na na-stranded within their respective locality. Iba pa po iyong Hatid Tulong na ginagawa ng ating national government sa tulong po ng LGU at ibang ahensiya ng ating pamahalaan.
USEC. IGNACIO: General, nagbabala po si General Gamboa sa mga pulis to observe courtesy and proper conduct sa pagsasagawa po ng checkpoints ito po’y matapos – hindi po namin nilalahat ang mga pulis – nakatanggap po ng reklamo sa mga pulis, ukol sa mga pulis. Ano po iyong parusa na puwede ninyong ipataw o puwedeng ipataw ng PNP sa mga – uulitin ko po, hindi po namin nilalahat – aroganteng pulis sa checkpoints?
GENERAL ELEAZAR: Well, unang-una, ay talaga pong iimbestigahan iyan at kung may pagkakasala, administratively, puwede po iyang matanggal sa serbisyo. Depende naman po, puwedeng ma-suspend pa rin iyan. At kung mayroong criminal case siya na nai-file sa kaniya dahil sa kaniyang violation na iyon, puwede pong makulong pa iyan.
Pero definitely, hindi po tinu-tolerate iyan ng ating pamunuan kaya nga ang ating Chief PNP ay nagbigay ng direktiba tungkol diyan. At kami po ay patuloy na nagpapasalamat sa ating mga kababayan at patuloy na naghihikayat, i-report ninyo po sa amin, isumbong ninyo po sa amin. Ngayon more than ever the social media napakahalaga sa atin niyan.
At siyempre naman, isu-subject na natin iyan sa tamang imbestigasyon pero maniwala po kayo, magtiwala po kayo, hindi po kinukunsinti ng pamunuan ng PNP ang kalokohan na puwedeng gawin ng sinuman sa aming hanay.
USEC. IGNACIO: Pero General, may mga natatanggap pa po ba kayo ngayon na mga reklamo tungkol doon sa sinasabi ni Gen. Gamboa na dapat may kortesiya pagdating sa checkpoints? Sa kasalukuyan po ay kayo po ba ay tumatanggap ng mga reklamo na may mga—
GEN. ELEAZAR: Mayroon po kaming mga hotlines pero lately wala naman po iyon pero… well, nagche-check din po kami sa social media, nagche-check din po kami sa social media, sa ating mga kasamahan. At ang ating mga pulis naman po eh aware po sila diyan kaya nga ay iyan po ay dagdag na panuntunan sa kanila na talagang hindi ito tino-tolerate at alam nating lahat naman na sa ating demokrasya at sa ating sistema ngayon, anytime talaga pong nakakarating sa atin ang mga sumbong ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. General, alam naman po natin na mahigpit talaga iyong quarantine measures ngayon sa Cebu City at mainit na balita po iyong pag-violate ng ilang mga residente sa Cebu City. Ano po naman iyong hakbang na ginagawa ng PNP tungkol dito?
GEN. ELEAZAR: Una po, nagpadala po tayo ng dagdag na mga personnel doon coming from Police Regional Offices VI and VIII pati na iyong Special Action Force at nakita po naman natin na mismong itong PRO VII ay talaga pong nakatutok diyan.
In fact, ang ginawa nga po nila na lagi nating sinasabi eh iyon pong—ito po kasing Cebu City Police Office mayroon silang 11 na police stations at bawat isa mayroon silang drone patrol units na kung saan—iyon po ay lumilipad at tsine-check iyong mga lugar na kung mayroong concern, doon agad nagpupunta itong ating mga pulis para po maobserbahan iyon.
At base po sa araw-araw na monitoring namin na ibinibigay ni Police Brigadier General Bert Ferro, iyong regional director doon, ay ang laki po naman ng improvement in terms of enforcement.
Iyan naman po ang trabaho namin, siguraduhin na the unnecessary personnel hindi dapat lalabas at kapag lumabas sila at sila ay authorized naman, siguraduhin sinusunod iyong protocol. At iyon po ang makakatulong para po mapigil natin ang paglaganap ng virus lalo na’t ang Cebu City ang nag-iisang under ECQ, the rest ay GCQ na ngayon and MGCQ.
BENDIJO: General, kaugnay naman po sa siyam na pulis na umano’y sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu nitong nakaraang buwan, kumusta na po ang investigation dito ng PNP?
GEN. ELEAZAR: Well, sila po ay nandito sa Camp Crame na at talagang nakatutok na ang lahat. Nag-iimbestiga po ang NBI at pati na rin po ang atin pong Internal Affairs Service. Actually po, ang atin pong Chief PNP in coordination with the Chief-of-Staff of AFP, nagbuo po kami ng joint board of inquiry. Ito po, hindi na po ito para sa criminal at saka sa administratibong kaso dahil mayroong tumututok diyan pero ang gusto po natin is malaman natin kung anong mga lapses ang nakita natin at kung paano mai-improve ang aming koordinasyon at hindi na mauulit itong pangyayaring ito.
BENDIJO: Hingin na lang po namin ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, Gen. Eleazar?
GEN. ELEAZAR: Opo. Tayo nga po ay nasa ika-117 days na at nakita naman po natin ang mga naging magandang epekto ng ating pagpapatupad at kooperasyon ng ating mga kababayan. Sa isyu po natin ngayon na kagaya po nitong ating pillion riding o iyong may angkas, kami po ay nakikiusap na ito naman po ay simula pa lang ng panuntunan at maaaring maiba o magkaroon ng adjustments sa mga susunod na araw. Hiling po namin ang inyong pang-unawa at pagsunod sa mga guidelines na ito.
Kagaya ng sinabi ko po earlier, nakinig po ang ating Inter-Agency Task Force at nagbigay po ng konsiderasyon, lamang ay humihingi po kami ng inyong pagtupad dito. At ito po ang aming sinasabi nga, it will be studied, it will be assessed by the Inter-Agency Task Force at kung mayroon mang pagbabago, iyon po ay aming ibibigay sa Joint Task Force COVID Shield para sa aming implementasyon.
Inaasahan po namin ang inyong kooperasyon po dito. Maraming salamat po.
BENDIJO: Maraming salamat, Lt. Gen. Guillermo Eleazar. Good morning po.
GEN. ELEAZAR: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Ang Bureau of Immigration ang nagsisilbing gatekeeper ng bansa kaya naman nang pumasok ang COVID-19 sa Pilipinas, malaki ang naging papel nito sa pagsisiguro sa kaligtasan ng ating bansa laban sa virus.
Upang magbigay ng ilan pang detalye patungkol sa kanilang ginagawa kaugnay sa COVID-19, makakausap po natin si Bureau of Immigration chief national operations and spokesperson, Mr. Melvin Mabulac.
Magandang araw po, Mr. Mabulac.
BI SPOX MABULAC: Magandang araw po, USec. Rocky at sir Aljo! Magandang umaga sa lahat ng ating tagapakinig at nanonood. Maayong buntag! Maupay nga aga ha inyo nga tanan!
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pinapayagan na nga po iyong pagbubukas ng mga paliparan kaya naman kaugnay diyan inirerekomenda po ng IATF na mas lalo pang higpitan o paigtingin iyong implementasyon ng minimum health requirements po sa mga napipintong pagpasok at paglabas ng mga dayuhan sa bansa. Ano po iyong mga ginagawa ninyong paghahanda, ng Bureau of Immigration para masiguro natin na talagang hindi po talaga kakalat pa iyong COVID-19?
BI SPOX MABULAC: Opo. Nagkaroon nga po ng bagong resolution ang IATF at nagpalabas kaagad ng direktiba ang ating Commissioner Jaime H. Morente na i-ensure na mapapa-implement nang maayos ang mga bagong kondisyon na ipinalabas ng IATF.
May mga limang kondisyones po kasi ito. Kung atin pong matatandaan, ang travel restriction natin para sa mga Pilipinong aalis ay nakapaloob lamang sa mga Pilipinong OFW, mga permanent resident at mga Pilipino na holder ng student visa.
Sa bagong IATF resolution, nakita natin na ina-allow na po ang pag-travel ng Pilipino basta nakakuha na-meet niya ang limang kondisyones na nakasaad doon sa IATF resolution.
BENDIJO: Opo. Sir, sa kabila po ng pagbubukas ng domestic at international flights, anu-ano lamang po iyong mga bansa na kabilang po sa pinapayagan na puntahan ng ating mga kababayan? Mayroon po bang website na maaari po nilang puntahan o hindi kaya ay page kung saan nila puwedeng makita iyong opisyal na listahan?
BI SPOX MABULAC: Oo, sir. Basically, ang mga country of destination, iyan po ay kasama sa limang kondisyones na nakasaad doon sa IATF kaya kapag—ilalahad ko po sa inyo ang limang kondisyones na nandoon.
Kasi iyong una po kapag ikaw ay lalabas ng bansa, non-essential travel naman po kahit— dapat po makapag-present siya ng return ticket, confirmed return ticket sa kaniyang travel.
Ang pangalawa po, dapat po mayroon siyang certificate, na mayroon siyang travel at health clearance kasi tandaan po natin itong travel clearance at health clearance, ito po ay to ensure na baka magkaroon po ito ng problema sa bansang pupuntahan. Iyong sinasabi po ninyo sir, na tatanggapin ba tayo nito?
Ang atin pong Department of Foreign Affairs kung matatandaan ninyo, nagpalabas po sa kanilang official website ng mga listahan ng mga bansa na puwede tayong tanggapin doon.
At the same time po iyong mga airlines po bago kayo bigyan ng boarding pass, ini-ensure po nila na ikaw po ay tatanggapin sa bansang pupuntahan dahil po kung hindi po kayo tatanggapin sa bansang pupuntahan, nagkakaroon po ng penalty ang airlines kasi sila po ang liable sa pagdadala ng pasahero sa country of destination.
Ang pang-apat po, dapat po ang isang pasahero po ay nag-e-execute ng isang declaration na alam niya na may risk ang travel niya at puwedeng ma-delay iyong kaniyang travel at pagbabalik dahil alam natin na very volatile pa po ang sitwasyon ngayon.
Iyong pang-lima po, dapat mag-submit po siya na sa pagbalik niya mag-u-undergo po siya ng health protocol natin.
Ito po ang limang kondisyones. Kasama na po doon iyong mga bansa na dapat tanggapin ka bago ka i-allow na umalis ng ating mga paliparan.
BENDIJO: Opo. Mr. Mabulac, kaugnay po niyan ay papayagan na rin po ba iyong pamamasyal ng ating mga kababayan sa ibang bansa?
BI SPOX MABULAC: Opo, sir kasi ang non-essential travel na po. Kung sila—kahit pleasure trip po, mamamasyal sila, ang importante po sa amin, siya po ay nakapag-comply sa limang kondisyones pero dapat alam din po natin na kahit nakapag [garbled] ini-implement pa po namin ang mga iba pang mga reglamento na mandated sa Bureau of Immigration. Baka ang pangalan niya—nakapag-comply nga siya ng limang kondisyones pero ang pangalan niya ay nasa hold departure o hindi kaya ang sabi niya magtu-tour lang siya pero ang purpose pala niya nakita namin magtatrabaho pala, basically iyan po ay puwede pa rin hindi siya paalisin kasi maliban sa limang kondisyones, ini-implement pa rin po namin ang mandato ng Bureau of Immigration.
BENDIJO: Tungkol naman po doon sa isang Chinese national na nag-viral – ibang isyu po ito Mr. Mabulac – matapos magwala at manakit ng isang traffic enforcer diyan po sa Makati City nangyari ito. Kumusta ba iyong kaniyang immigration status; may mga na-violate ba siyang batas upang maging rason para ma-deport?
BI SPOX MABULAC: Opo, sir. Kaagad-agad po nagpadala iyong ating Intelligence Division sa pangunguna po ni Sir Fortunato S. Manahan Jr. ng mga ahente doon sa Makati Police at nakuha po natin ang mga personal information na ng dayuhang ito at nakita natin, nag-recommend tayo, iyong ating Intelligence Division nag-recommend sa Legal Division na magkaroon ng kaso ng deportation case. Kasi nakita natin na itong Chinese na ito ay isang turista lamang at hindi pa siya nakapag-comply sa requirement ng pag-a-update ng kaniyang status.
Basically dalawa po ang tinitingnan natin: siya po ay overstaying at the same time iyong undesirability. Klarong-klaro naman po doon sa social media, naging viral pa nga iyan, iyong disrespect sa ating authority, bawal na bawal po iyan. Hindi po ibig sabihin na dayuhan siya na may espesyal siyang batas. Kung ano ang batas na ipinapatupad po sa isang ordinaryong Pilipino, dapat sundin po ng kahit sinumang dayuhang nandito sa ating bansa. Kaya po ang ating opisina ay kaagad-agad nag-recommend sa ating Legal Division na siya ay kasuhan, magkaroon ng deportation case.
USEC. IGNACIO: Opo. Mr. Mabulac, kaugnay po diyan, ano po naman iyong nagiging tugon ng Bureau of Immigration doon po sa ibang mga foreigner na lumalabag naman po sa quarantine measures?
BI SPOX MABULAC: Opo. Ang mga dayuhan sabi ko nga po, ang isang dayuhan dapat po sila ay sumunod din kung ano ang batas na mayroon tayo. Kung sila po ay kakasuhan ng ating gobyerno sa iba pang kaso, maliban sa Immigration, dapat panagutin po natin sila.
Kasi before po natin sila i-deport sa sala sa Immigration Law, kailangan sila ay nanagot muna sa ibang kanilang accountability. Mahirap naman po na sila ay papaalisin kaagad natin at hindi na sila nakapag-serve sa kanilang sentence na kung na-convict sila sa ibang kaso kasi baka makalusot din sila.
Kaya kasama po sa deportation natin na before deportation, we have to ask clearance sa NBI, sa ibang korte to ensure na itong taong ito ay nanagot na sa kanilang kasalanan sa ibang kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa kabila nga po ng pandemya, nitong Huwebes po ay naging abala po ang inyong tanggapan sa paglalagay po ng mga CCTV cameras sa mga pasilidad ng apat na airports kabilang na po iyong NAIA Terminal 2 at 3. Para sa inyo po, gaano po ba kahalaga iyong magkaroon ng dagdag na CCTV doon sa improvement ng serbisyo sa ating mga kababayan?
BI SPOX MABULAC: Opo. Napakahalaga po ang CCTV sa ating lahat ng paliparan kasi po dito po natin nakikita iyong monitoring ng operations ng ating mga tauhan sa ating mga paliparan at kahit sa mga opisina at seaport natin na mayroong Immigration officers. Isa din po itong deterrence para nakikita natin na on their toes talaga ang mga officers natin at ‘pag nagkakaroon tayo ng mga CCTV na ‘to, ‘pag nagkaroon man ng mga problema/imbestigasyon, makikita natin at puwede nating balikan at there could be a forensic study on the CCTV.
Kung matatandaan ninyo, may mga bagong kaso ngayon at napatunayan ng ating CCTV footages na talaga lalabas at lalabas doon iyong katotohanan at very important ito. At itong project na ito, hindi lang po ito sa mga airports natin na dito sa Manila, lahat po ng mga airports natin nationwide kasama na po iyan sa next phase ng ating implementation, installation ng CCTV cameras.
USEC. IGNACIO: Opo. Noong huli po namin kayong nakausap dito sa Public Briefing ay inanunsiyo ninyo po na hindi pinapayagan iyong mga walk-in transactions para po sa mga kababayan nating may concerns. Kailan po inaasahan ang muling pagbubukas ng inyong opisina para po sa mga walk-ins?
BI SPOX MABULAC: Wala pa po tayong advice sa mga walk-ins; kasi we have to understand, itong online very important ito to ensure sa social distancing, sa minimum requirement. Isa po itong paraan para ma-ensure natin ang management ng crowd doon sa mga opisina natin. Kung ili-lift po natin ito, magiging isang problema ang dagsa ng tao at makikita din natin, magagalit din ang mga tao kasi alam mong ‘pag dagsa, hindi naman kaagad-agad sila maki-cater ng ating mga frontliners doon sa ating opisina kaya napakaimportante at malaking tulong po iyong online application para at least naman ma-manage natin ang crowd dahil ang banta ng COVID ay nandiyan pa at very real.
BENDIJO: Opo. Sir Mabulac, maitanong ko lang. Kung kanina po’y napag-usapan natin iyong mga leisure travel ‘no, mga turista, mga Pilipinong aalis po ng Pilipinas basta’t sumunod lang po sila sa mga panuntunan na ipinatutupad po ng ating pamahalaan. How about po iyong mga papasok naman sa atin na mga dayuhan o halimbawa lang magnenegosyo sa Pilipinas o kaya’y mga kababayan nating mga naturalized citizens na sa ibang bansa na nais pong bumisita sa atin dito sa Pilipinas, ano pong mga panuntunan?
BI SPOX MABULAC: Opo. Iyon pa rin po ang ating panuntunan sa arrival ng ating mga pasahero. Ina-allow lang po natin kung ang darating na pasahero ay isang Pilipino o ‘di kaya foreign national naman siya pero mayroon siyang asawang Pilipino, ibig sabihin foreigner siya, nakapag-asawa ng Pilipino. But we have to understand ano po ang proof noon? Dapat po mayroon siyang marriage certificate at iyong valid latest po na passport o any identification na Pilipino pa rin iyong asawa.
Kasi ang marriage certificate po, hindi po assurance na ang asawa mong Pilipino ay Pilipino pa rin at saka po ang ina-allow natin ay ang mga foreign national na mga member ng diplomatic corps, iyong mga foreign national na crew ng vessel, air or sea vessel.
Pero iyong mga former Filipino na naging dayuhan na, naturalized na sa ibang bansa, hindi na po sila Pilipino, dayuhan na po sila. They have the opportunity to reacquire their citizenship by applying the RA 9225, the acquisition and retention of Philippine citizenship.
Pero for now kung na-naturalize na sila sa ibang bansa, foreigner na po sila, hindi pa po sila papasukin kasi hindi pa natin pinapapasok ang mga dayuhan sa ating bansa maliban lamang sa exempted na aking sinabi.
BENDIJO: Opo. May mga balitang lumalabas ngayon Mr. Mabulac na may mga dayuhan ‘no na magtu-tour sana sa Pilipinas at naiipit ngayon diyan sa ating mga paliparan. Ano pong tugon ng Immigration sa kanila?
BI SPOX MABULAC: Opo. Sa ating mga dayuhan po na pupunta rito para lang sa leisure o tourism, huwag na huwag po kayong mag-attempt kasi hindi talaga kayo papapasukin. Ito po ang nangyari, mayroon kasi diyang balita na regarding sa isang foreign national nagtagal sa airport.
Ang isang foreign national na dumarating sa bansa, automatic po ‘pag hindi po siya papapasukin, ini-exclude at iyan po ay ibinibigay kaagad sa airlines na nagdala sa kanila. Supposedly it must be returned to the country of origin the very first flight na nagdala sa kaniya kaya iyan po ay responsibilidad ng isang airline o eroplano na nagdala sa kaniya dito sa ating bansa, na na-turnover na ‘yan, ‘pag ma-turnover iyan, obligasyon iyan ng airlines to ensure na ibalik sa country of origin.
BENDIJO: Okay. Daghang salamat, Melvin Mabulac ng Bureau of Immigration. Maayong buntag.
BI SPOX MABULAC: Maayong buntag. Maraming salamat. Mabuhay po kayo.
BENDIJO: At buhat po na mag-umpisa ang community quarantine, ang DSWD na ang naging kasangga ng pamahalaan sa pagpapaabot po ng tulong sa ating mga kababayan. At upang makibalita sa update kaugnay diyan ay makakausap natin si DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao. Magandang araw po, Director.
DSWD DIR. DUMLAO: Magandang hapon po Sir Aljo gayundin po kay Usec. Rocky at sa lahat po ng sumusubaybay ng inyong programa.
BENDIJO: Opo. Director Irene, ngayong in full swing na po ang distribution ng pangalawang bugso o ito pong second tranche ng SAP, Social Amelioration Program para sa mahigit labindalawang milyong mga benepisyaryo, gaano po kalaki ang naitulong ng digital payout para mas mapabilis at maiwasan iyon pong iregularidad sa pamamahagi po ng ayuda?
DSWD DIR. DUMLAO: Tama po kayo Sir Aljo. Sa pamamagitan po ng ating pakikipagtulungan with the Bangko Sentral ng Pilipinas at ang ating mga financial service providers, makakatiyak po tayo ng mas mabilis at contactless distribution ng ayuda.
Dahil nga po tayo ay nakipagtulungan sa mga financial service providers, ang ayuda po ng ating mga beneficiaries kasama na po diyan iyong mga nakatanggap noong first tranche na nasa ilalim pa rin po ng ECQ areas at iyong mga waitlisted beneficiaries, ang kanila pong ayuda ay didiretso sa kanilang restricted [garbled] or dominated accounts or maari po nila itong tanggapin doon sa mga payment centers ng ating mga [garbled] issuers. At dahil diyan makakatiyak po tayo na wala pong iregularidad sa pamamahagi ng second tranche ng SAP.
PART 5 LAGING HANDA JULY 11, 2020
BENDIJO: Opo. How about iyong mga nasa liblib na mga barangay, itong tinatawag na remote areas? Papaano po nila makukuha ang kanilang mga cash assistance; may mga alternatibo ba tayong paraan para rito, Director?
DIR. DUMLAO: Opo, sir Aljo. Maliban po sa nabanggit ko kanina na digital payouts through our financial service providers, mayroon rin po tayong isinasagawa na big venue payout. Ang big venue payouts ay ginagawa po natin sa mga geographically isolated and disadvantaged areas o gaya nga po ng nabanggit ninyo, iyong mga remote areas, at sa mga lugar na hindi po naaabutan ng ating mga financial service providers.
Mayroon din po tayong isasagawa or isinasagawa na mga house-to-house distribution partikular po sa mga pamilya na ang mga head of the families ay mga senior citizens at persons with disability, iyong mga tinatawag po nating mga vulnerable members of the society.
So, sa mga lugar po na nabanggit ko, kasama ng DSWD ang Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police at ang mga lokal na pamahalaan na sila pong tumutulong sa atin upang maisagawa iyong big venue payouts na nabanggit ko.
USEC. IGNACIO: Dir. Irene, sa kabila po ng nadiskubre ng DSWD na duplication po sa mahigit 48,000 beneficiaries ng SAP, paano ninyo po paiigtingin o ng DSWD iyong talagang pagtse-check po ng listahan ng mga beneficiaries upang maiwasan na iyong talagang pagka-doble ng mga nakatatanggap lalo po ngayon na talagang susunod na itong second tranche?
DIR. DUMLAO: Yes po, USec. Rocky. Ang DSWD po ay nakinig sa mga reklamo ng ating mga kababayan hinggil sa mga benepisyaryo na hindi kuwalipikado ngunit nakatanggap, benepisyaryo na nakatanggap sa hindi dapat nilang tanggapin. Ito pong mga reklamo na ito ay basehan din ng DSWD upang paigtingin nito ang isinasagawa nitong deduplication process at balidasyon.
Ito ay upang matiyak ang mga benepisyaryo na nakatanggap at makakatanggap para sa second tranche ay iyon pong mga kuwalipikado at gayundin po hindi magkaroon ng duplication in the availment of emergency subsidy na ipinatutupad nga po ng iba’t-ibang ahensya at ng ating pamahalaan.
Kung kaya nga po, ang DSWD ay nakipag-ugnayan sa iba’t-ibang sangay ng ating pamahalaan kagaya na po ng DOLE, ng DA at ng SSS kung saan ang atin pong listahan ng SAP beneficiaries na isinumite ng mga lokal na pamahalaan ay ine-name match po natin sa mga listahan din ng ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak nga po natin na walang duplikasyon at matiyak natin na magkaroon tayo ng malinis na basehan naman po sa pamamahagi natin ng second tranche.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, sa unang tranche pa lang po kasi ng SAP umani na po ng reklamo sa ating mga kababayan iyong hindi umano’y hindi patas na pamamahagi ng SAP sa kanilang lugar. Ano na po iyong balita sa mga nai-file na kaso kaugnay po sa anomalya at iregularidad laban naman po doon sa local government officials?
DIR. DUMLAO: Opo, USec. Rocky. Gaya nga po ng nabanggit ko earlier, mayroon po tayong [garbled] kung saan po ang mga hinaing o mga reklamo hinggil sa implementasyon ng Social Amelioration Program ay tinanggap po natin at tiniyak na the appropriate action will be accorded.
Para po sa mga reklamo na natanggap natin hinggil sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan, ito po ay isinangguni natin sa Department of Interior and Local Government na kung saan sila po ang competent authority upang mag-imbestiga at mag-accord ng appropriate na aksyon para doon sa kaso o mga reklamo na natanggap po natin.
Gayundin po, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa DILG na siyang may jurisdiction na hawakan at i-proseso iyong mga kaso ng katiwalian na natanggap po natin hinggil sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
At gaya nga ng nabanggit ninyo, USec. Rocky, may mga kaso na po nai-file ang DILG hinggil sa mga na-determine na mga opisyal na nakapag-commit nga po ng katiwalian.
USEC. IGNACIO: Dir. Irene, pansamantala munang isinara iyong DSWD Central Visayas branch matapos pong makapagtala ng 18 po ba na positive sa COVID-19? Kaugnay diyan, paano po makakaapekto iyong—or magkakaroon po ba ng epekto iyong pamamahagi ng ayuda para sa ating mga kababayan kaugnay po doon sa nagpositibo; at magkakaroon po ba ng adjustment sa schedule ang DSWD?
DIR. DUMLAO: Well, USec. Rocky, nais po nating linawin na—sa isinasagawa po na disinfection sa opisina ng ating Field Office VII, hindi naman po maaantala iyong pamamahagi natin ng ayuda sa ating mga kababayan na lubos na naapektuhan ng krisis dito sa rehiyon [garbled] mayroon tayong mga isinasagawang payout activities, ito po iyong mga big venue payouts para sa mga waitlisted o mga karagdagang mga pamilya para dito sa SAP.
Gayundin po, mayroon tayong financial service providers na ka-partner po sa pamamahagi ng ayuda kung saan nabanggit ko po the aid or iyong ayuda para sa ating mga beneficiaries will directly be deposited or credited to the nominated account ng atin pong mga beneficiary kung kaya’t maaari po nila itong matanggap kahit pa po may isinasagawang disinfection naman po sa ating Field Office VII.
BENDIJO: Opo. Dir. Irene, ano pa po iyong mga tulong na ipinapaabot natin para sa mga empleyado ng DSWD na nagpositibo sa COVID-19?
DIR. DUMLAO: Opo, sir Aljo. Masusing binabantayan ng DSWD iyong kondisyon ng aming mga personnel na nagpositibo nga po sa COVID-19. Ang ahensya po ay inire-refer sila sa mga lokal na health offices na nagbibigay po ng karampatang medical assistance sa kanila.
Gayundin po, ang DSWD din naman ay nagpo-provide ng food assistance lalong-lalo na po iyong psychosocial support at intervention at gayundin po ang financial support kung kinakailangan.
Tinitiyak po ng departamento that the attention and necessary assistance ay ibinabahagi po natin sa ating mga personnel.
BENDIJO: Opo. Director, dumako tayo sa Hatid Tulong Program kung saan isa nga ang DSWD sa mga ahensiyang tumutulong para sa ating mga kababayang locally stranded individuals, itong mga LSI. Kumusta po ba ang aging two-day grand sendoffs ng DWSD sa atin pong mga LSI?
DIR. DUMLAO: Tama po kayo, sir Aljo, isa po ang Department of Social Welfare and Development sa mga ahensya ng pamahalaan na tumutugon at tumulong po sa mga pangangailangan ng ating mga locally stranded individuals.
Naging maayos po ang naging pakikipag-ugnayan ng DSWD sa DOH, sa DILG at sa mga lokal na pamahalaan dito nga po sa isinagawang Hatid Tulong initiative.
Ang DSWD po ay namahagi ng mahigit P5 milyong financial assistance sa mahigit 2,000 locally stranded individuals, sa Hatid Tulong [garbled] sa Quirino Grandstand. Sa ipinamahagi nating financial assistance, namahagi rin iyong ating mga [garbled] food packs doon sa mga locally stranded individuals na nakarating po doon sa kanilang hometown.
BENDIJO: Opo. Malinaw po iyon, mayroon pong cash assistance at maging pagkain na ipinamamahagi natin sa ating mga kababayang stranded lalo na dito sa Metro Manila. Saan po sila ngayon pansamantalang nanunuluyan, Director, habang hinihintay nila ang kanilang mga domestic flights o hindi kaya ay kung iyong mga schedule nila sa mga barko kung papayagan na po ng IATF na ihatid sila sa kani-kanilang mga bayan from Metro Manila?
DIR. DUMLAO: Yes po, sir Aljo. Gaya nga po ng nabanggit ko, isa po ang DSWD sa mga nagbibigay ng tulong sa ating mga locally stranded individuals kaugnay ho o kasama po natin diyan ang DILG gayundin po iyong mga lokal na pamahalaan.
Ang DSWD po, nagpo-profile at nag-a-assess ng mga pangangailangan ng ating mga locally stranded individuals at nagbibigay po ng necessary intervention. At ang mga lokal na pamahalaan kasama rin po diyan ang ibang ahensya ng pamahalaan, sila naman po ang tumutukoy ng transportasyon o kung saan pupuwede po silang pansamantalang manirahan.
Habang iyong mga SLIs natin ay taking temporary shelter sa mga identified areas, magbibigay po ang DSWD ng mga food and non-food items at gayun din nga po, iyong nabanggit natin na financial assistance.
Mabanggit ko lamang po, Sir Aljo, kahapon nga po, may mga nabigyan muli tayo ng mga 300 locally stranded individuals who are taking temporary shelter ‘no doon po sa Baclaran Church, at binigyan po natin sila ng financial assistance.
Ngayong araw naman po, mayroong halos 400 locally stranded individuals sa Calamba, Laguna ang tinutulungan naman po ng aming mga social workers.
USEC. IGNACIO: Opo. Director Irene, kaugnay naman po doon sa qualified public utility vehicle drivers na hanggang ngayon o ay hindi pa rin daw po nakakatanggap ng kanilang tulong, saan po daw maaaring makipag-ugnayan?
DIRECTOR DUMLAO: Well, Usec. Rocky, para po sa ating mga UV drivers within the National Capital Region na hindi pa po nakatanggap ng kanilang ayuda, maaari lamang po ay makipag-ugnayan sa DSWD. Maaari po silang tumawag sa 16545.
Gayun din naman po iyong mga drivers na from the different regions, nagsimula naman na po ang ating mga field offices sa koordinasyon upang matiyak na after the conduct of the verification process ay mapasama iyong mga drivers na hindi po napasama sa first tranche doon sa ating tinatawag na waitlisted. Ang importante lamang po na itse-check natin dito ay unit of assistance para sa Social Amelioration Program, family po at hindi po per individual.
Gayun din po, nagsasagawa tayo ng reduplication process upang matiyak natin na iyong pamilya ng mga drivers ay hindi po nakatanggap ng ibang ayuda from the different programs, not only from the DSWD but also from other government agencies.
Gayun din po, inuulit natin, kung iyong mga drivers po natin from the National Capital Region ay hindi pa po nakatanggap ng kanilang ayuda but are qualified and their names are listed doon sa LTFRB o doon sa listahan na nasa DSWD, maaari po ay makipag-ugnayan sa aming opisina upang ma-guide po namin sila papaano i-claim ang kanilang emergency subsidy.
USEC. IGNACIO: Opo. Director Irene, ulitin po natin iyong number na sinabi ninyo kanina na pupuwede pong tawagan na telepono ng DSWD na puwede silang makipag-ugnayan?
DIRECTOR DUMLAO: Yes po, Usec. Rocky, ito po ang numerong 16545. Maaari rin naman po nila kaming padalhan ng mensahe sa sapgrievances@dswd.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Director Irene Dumlao ng DSWD.
Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layon pong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:
[VTR]
ALJO BENDIJO: Samantala, dumako naman tayo sa COVID-19 cases update sa bansa kahapon, July 10, 2020, as of 4 P.M.
Base sa datos ng Department of Health, umakyat na sa 52,914 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 kung saan 38,324 ang active cases. Noong July 9, naitala ang zero death case, sa kasamaang-palad kahapon ay naitala naman ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi sa loob ng isang araw na umabot sa 42 deaths. Ito rin ang pinakamataas na naitala sa loob ng nakalipas na sampung araw ng Hulyo, kaya naman umabot na sa 1,360 ang bilang ng mga nasawi. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paggaling ng ating mga kababayan, kahapon ay naitala ang 286 recoveries – pinakamataas na naitala ngayong linggo – dahil diyan ay umabot na sa 13,230 ang dami ng mga gumaling nating mga kababayan.
Kaya naman, paalala natin sa lahat na maging maingat sa lahat ng oras. Hindi kami magsasawang ipaalala sa inyo ang physical distancing, tamang pagsusuot ng facemasks at laging maghugas po ng kamay. Bahay muna, buhay muna.
At kaugnay diyan, makakausap natin ngayon si Undersecretary Maria Rosario Vergeire upang makibalita sa iba pang mga update kaugnay pa rin sa COVID-19. Magandang araw po, Usec.
USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Sec. Good morning po sa inyong lahat.
ALJO BENDIJO: Opo. This is Aljo Bendijo, Usec.
USEC. VERGEIRE: Hi, sir. Opo, magandang umaga po.
ALJO BENDIJO: Kasama rin natin si Usec. Rocky Ignacio. Usec., unahin ko na lang po itong mga balita tungkol sa COVID-19. Gaano po katotoo na airborne itong virus na ito?
USEC. VERGEIRE: Sir, iyan pong artikulo na iyan ano, lumabas nitong mga nakaraang araw na sinasabi nga ng mga eksperto raw na airborne na. Pero ang WHO naman ho ay nagpalabas din and even our experts are saying, it can be airborne in specific settings. Katulad po ng … alam naman natin kapag sa hospital, kaya nga po naka-complete PPE ang ating mga healthcare workers kapag diyan ‘no because there are aerosol producing equipment diyan.
Pangalawa po, kapag nasa closed setting po. So diyan po sinasabi nila na maaaring maging airborne iyan dahil closed iyong setting natin kaya nga tayo ay nagkakaroon ng rekumendasyon na sana kung magkakaroon ng pagbubukas ng sektor katulad ng mga restaurants, it should be in open air para po hindi tayo nagkakaroon ng mga ganitong instances.
ALJO BENDIJO: Opo. Usec., kaugnay naman doon sa mga pamilya ng fallen frontliners na makakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan para sa ‘di matatawarang serbisyo ng ating mga medical frontliners, kumusta po iyong updates sa pamamahagi nito?
USEC. VERGEIRE: Ito pong mga unang listahan natin ay nakapagbigay na ho tayo ng kanilang ayuda. We were able to verify ito pong mga deaths at saka iyong mga severe and critical cases natin. Sa ngayon po ay inaantay pa ho natin ang pag-uusap ng ating mga national agencies and of course iyong extension ng atin pong batas para malaman po natin kung paano po natin matutugunan ang pagpapatuloy nitong ayuda na ito.
USEC. IGNACIO: Usec., kaugnay naman po doon sa hazard pay ng isang staff sa pampublikong ospital, sino daw po iyong dapat magbigay ng kanilang hazard pay kung sila po ay hired through agency pero sa public hospital po nagtatrabaho at may close contact po sa mga pasyente?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Alam ninyo, pinag-uusapan ngayon iyang isyu na iyan dahil ang nakalagay mismo po doon sa ating administrative order, sinasabi na hired by DOH, employees of DOH. Kapag po siya ay hired through another agency, ibig sabihin po sumasailalim siya na siya ay empleyado ng ahensiya at hindi po ng DOH. So iyan po ang kinaklaro natin ngayon para mabigyan-tugon din po natin itong mga frontliners na hindi talaga under ng DOH but under specific agencies po.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., linawin din po natin kung pinapayagan po ba daw ng DOH iyong pagbebenta ng rapid test sa mga drug stores; at ano po iyong babala sa mga mapapatunayang iligal naman po na magbebenta nito?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec., ito pong pagbebenta ng rapid antibody test sa drug store, ito naman po ay hindi naman po pinagbabawal ngunit kailangan po ay rehistrado ng FDA iyon pong ating ibinibenta diyan.
Iyon naman po sa mga taong nagbebenta nang hindi rehistrado ng FDA especially iyong mga nasa online po, may sanctions po iyan. Nagmo-monitor po ang Food and Drug Administration, at kapag nakita ‘no and nagkaroon ng ebidensiya na talagang hindi rehistrado ang binibenta nila, may mga kaukulang sanctions po iyan ayon po sa ating batas.
ALJO BENDIJO: Opo. Usec., tuwing panahon po ng tag-ulan, panahon din ng iba’t ibang sakit katulad ng ubo, sipon at trangkaso. At sa panahong ito, papaano po nating masisiguro na hindi po malilito ang ating mga kababayan sa pagtukoy ng mga sakit na may kaparehong sintomas ng COVID-19?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Iyan po ang ating palaging pinapaalala sa ating mga kababayan ‘no, kung kayo ho ay nakakaramdam ng mga ganitong sintomas at itong mga sintomas na ito ay talagang pareho rin talaga sa COVID, para lang ho tayo ay makakasiguro, mas maganda po na makapagpa-check-up po tayo.
Pangalawa, kailangan po nating maisip at masigurado, tayo po ba ay na-expose sa isang tao na maaaring suspect, probable or confirmed case ng COVID-19 para alam po natin kung paano natin gagawin at maibigay ang detalye sa ating mga doktor para po mabigyan kayo ng tugon diyan po sa mga nararamdaman ninyo.
ALJO BENDIJO: Opo. Napabalita iyong umano’y pagbili at pagbebenta din, Usec., ng plasma – tama po ba ang pronunciation nito – convalescent plasma mula po sa mga COVID-19 survivors. Ano po iyong risk na maidudulot nito; at ano po ang panawagan ng health department sa ating mga kababayan, Usec?
USEC. VERGEIRE: Yes, katulad na rin po ng ating sinasabing mga risk ‘no kapag ating pinagbebenta ang ating dugo doon po sa ating voluntary blood donation program, ang mga risk po niyan kasi may mga sakit po na maaaring maisalin ‘no galing diyan sa mga dugo na ibinibenta natin. Ito po iyong mga transmissible infections ‘no through the blood na this is very risky kasi po magkakasakit iyong mga pagbibigyan natin ng dugong ito. Kaya nga po ayaw nating pinagbebenta o ayaw nating pinababayaran ng dugo, gusto ho natin nai-screen muna natin ang mga pasyente bago sila makapagbigay ng mga dugo para maiwasan po iyong mga ganitong risk para sa ating mga kababayan na tatanggap nito.
So kami po ay nakikiusap na sana po ay pumunta ho kayo doon po sa ating mga piling blood centers, mabigyan po kayo ng payo kung paano ito gagawin at hindi po kailangan pabayaran o di kaya ay magbayad para sa dugong ito because this is purely voluntary.
ALJO BENDIJO: Usec. Vergeire, ano na lamang po ang inyong mensahe para po sa ating mga kababayan?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Salamat po. Tayo po ngayon ay may sitwasyon ngayon na tumataas po talaga ang mga kaso sa ating bansa. Kailangan lang po natin laging isaisip at saka isapuso ito pong mga sinasabi natin at kinukulit namin ngayon – wear your mask, do physical distancing, maghugas po kayo lagi ng kamay.
Ang sinasabi po ng mga eksperto, kung magagawa lang po natin ang pagsusuot ng mask plus doing physical distancing of more than two meters and also iyon pong ating sinasabing mga iba pang mga measures, we can prevent transmission by up to 95%. So kung iyan po ay isasapuso at isasaisip ng ating mga kababayan, makakatulong po kayo sa pagpigil ng pagtaas ng mga kaso ngayon sa ating bansa.
ALJO BENDIJO: Maraming salamat po Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
USEC. VERGEIRE: Thank you po.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT BY GEMMA NARIT]
[NEWS REPORT BY NASHRA ANNI]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.
[AD]
BENDIJO: Kumustahin natin ang Davao City. May ulat ang ating Davao correspondent, Clodet Loreto.
Clodet, maayong buntag!
[NEWS REPORT BY CLODET LORETO]
BENDIJO: Daghang salamat, Clodet Loreto.
At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
BENDIJO: Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 sa pagsama sa atin ngayon. Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mg update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.
Sa ngalan pa rin ni Sec. Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo. Thank you, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Thank you, Aljo. At mula po sa PCOO, ako si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)