USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Isang araw na naman ng makabuluhang diskusyon kaugnay pa rin sa mga hakbangin ng pamahalaan laban sa COVID-19 ang aming ihahatid sa inyo ngayong unang araw po ng Agosto.
MR. BENDIJO: Good morning, Usec. Rocky. Bukod sa pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ngayong araw ay pagsimula na rin ng mga bagong quarantine classifications na itinakda sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan.
USEC. IGNACIO: Good morning sa iyo, Aljo. Kaya naman po ngayong umaga muli nating sasagutin ang mga katanungan ng ating mga kababayan kasama pa rin ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
MR. BENDIJO: Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sa programa sina Arthur Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Pilipino; Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission; at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
MR. BENDIJO: Samantala, makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
USEC. IGNACIO: At para po sa pinakaunang balita, muling nanawagan si Senator Bong Go sa Health Department at iba pang concerned government agencies na maghanda ng national COVID-19 vaccine program upang masiguro ang accessibility at affordability ng vaccine lalo na sa poorest of the poor at sa vulnerable sectors kapag mayroon nang bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Umapela naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na makipagtulungan at magtiwala sa pamahalaan dahil ang mga nararapat na measures ay ipatutupad na habang pinag-aaralan ng mga scientists at health experts ang bakuna kontra COVID-19.
Sa iba pang balita, kamakailan inilunsad sa Cabanatuan City, Nueva Ecija po ang ika-pitumpu’t anim na Malasakit Center sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center. Ito po ang ikalawang Malasakit Center sa probinsiya at ika-tatlumpu’t walo naman sa Luzon. Ayon kay Senator Bong Go, patuloy na magseserbisyo ang Malasakit Center upang mabigyan nang mabilis, maayos at maaasahang serbisyong medikal ang mga Pilipino kahit na saan pong bahagi ng bansa, lalo aniya sa panahon ng pandemya.
Samantala, matapos ang ikalawang grand sendoff nitong July 25 to 29, ang mga LSI na bound for Mindanao, Visayas at Regions I and V ay nakabalik na po sa kanilang probinsiya. Ang mga LSI naman na bound sa rehiyon at probinsiya na under moratorium po ay dinala muna sa temporary shelter sa Bulacan habang naghihintay ng advice po mula sa kanilang LGUs. Ang Hatid Tulong initiative po ay nag-provide ng libreng rapid testing, facilitation of travel authority at libreng transportasyon. Nagbigay rin po ng cash allowance ang DSWD sa LSIs at maging si Senator Bong Go ay namahagi po ng grocery at face masks.
MR. BENDIJO: Samantala, inaasahang maglalabas naman ng resulta ang Philippine Anti-Corruption Commission kaugnay sa ginagawang investigation sa anomalya sa PhilHealth. Matatandaang noong buwan ng Mayo, nauna nang pinaimbestigahan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang umano ay overpriced na COVID-19 test kits ng PhilHealth at kaya nito lamang Hulyo, isa na namang iregularidad ang napabalita kaugnay ng kuwestiyonableng pagtatala ng mga ginagastos ng ahensiya.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, dapat aniyang maglabas ng datos ang PhilHealth tungkol sa mga cash advances upang maging malinaw sa mga miyembro nito kung saan napupunta ang bawat sentimong kanilang ibinabayad at panagutin ang mga corrupt na opisyal nito. Samantala sa datos ng PACC, nakatanggap sila ng hindi bababa sa apat na libong kaso na may kinalaman sa COVID-19. Ayon kay Commissioner Belgica, walang puwang ang mga corrupt sa pamahalaan. Dapat aniya ngayong panahon, dapat na magkaisa ang mga Pilipino kaya naman kung may nalalamang kahina-hinalang korapsyon, huwag magdalawang-isip na i-text ito sa numerong 0906-6927324.
USEC. IGNACIO: At ngayon nga po nahaharap tayo sa krisis pangkalusugan at sa gitna nga po ng kaliwa’t kanang hakbangin ng pamahalaan upang matulungan ang ating mga kababayan ay may iilan pa rin po ang nananamantala. Kaya naman po makakausap natin sa puntong ito si Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission. Magandang umaga po, Commissioner.
COMM. BELGICA: Magandang umaga Ma’am Rocky, Sir Aljo at saka sa lahat ng nakikinig sa atin. Buong Pilipinas, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Napakahalaga po ng papel ng PACC, sa panahon ng pandemya kasabay nga po ng paglaban ng pamahalaan sa COVID-19, ang pagsugpo pa rin po sa nangyayaring korapsyon sa bansa. Commissioner, ano na po iyong update sa ginagawa ninyong imbestigasyon sa kamakailan, naku, na naging mainit po na issue, ang PhilHealth tungkol sa umano ay overpriced COVID-19 test kits at umano ay korapsyon sa mga opisyal nito?
COMM. BELGICA: Opo. Natapos na po ang aming partial report, ilalabas na po ito very soon. Mayroon na rin hong partial recommendation po doon; partial kasi po kailangan—it will be for further investigation so maaasahan natin na dadagdag ang listahan at impormasyon na makikita natin. So you’ve seen doon po nasa system kaya nagpi-perpetuate itong ganitong klaseng sistema and now we’ll identify the officials, na maaaring nasangkot dito, positions na vulnerable for these kinds of mga corruption.
And also iyong, pinuna rin namin iyong mga misdoings ng mga opisyal na dapat ay ginagawa subalit hindi ginagawa. So I don’t want to preempt the investigation and the decision, the decision of the President. For support ito, ilalatag namin po wala pong… walang kulang for his decision po.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, ito pong sinasabi ninyong listahan, rekomendasyon – ito po ba ay kailangan pang ipakita o ipi-present ninyo pa rin po kay Pangulong Duterte?
COMM. BELGICA: Definitely ma’am, iyon po ang unang pasok ng aming record, sa ating Pangulo. So after that, after the President instructs us or announces or tells us to announce, doon po namin ilalabas sa ating taumbayan. Pero—and sa ating mga kababayan, huwag mag-alala dahil tapos na po ang basic report namin and ang mahalaga na lang during the investigation, ‘sino pa iyong mga taong na-involve dito’ and then iyong recommendation to change the system.
Kasi there seems to be a systemic flaw sa sistema ng PhilHealth kaya napakahirap but parang paulit-ulit, paulit-ulit… hindi matigil ang korapsyon kasi basically insurance fraud. May sources sa blank system mayroong mga tao/accessories, easily print out documents, filled documents and then get claims ‘no. So marami hong nakinabang and we have specific cases na hawak to validate and to prove our theory and recommendation kung ano po ang dapat baguhin sa sistema.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kailan ninyo po isusumite ito kay Pangulong Duterte?
COMM. BELGICA: Ito siguro, Lunes isumite na namin iyong report. Opo iyon, natapos namin kagabi eh so hinahanda na lang po namin iyong ipadadala sa Pangulo.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon pong tanong iyong ating kasamang si Leila Salaverria po ng Philippine Daily Inquirer para sa inyo: Paki-specify daw po iyong anong loophole sa system kung may nabanggit po kayo kanina?
COMM. BELGICA: Nandoon ho sa report nga, doon po sa report namin iyon eh so ayoko munang sabihin sa publiko ngayon. Siguro after na lang po mag-decide ng ating Pangulo at mabasa niya ito. Pero basically, itong mga sinasabi ko po, alam ng mga taga-PhilHealth dahil matagal na po itong issue sa kanila pero siguro ang daming nakinabang kaya hindi nila binabago. Basically, IT eh, IT ang isyu. Malaking isyu rito po iyong IT nila, and then iyong legal services po nila dahil supposedly nakikita ito, nadidiskubre. Kasi hindi naman ito mga bagong issues eh, these are recurring issues na iba-iba lang ang cases, iba-iba ang ¬¬¬huli.
So iyon, mayroong mga defect po doon, mayroong mga masyadong marami o mahirap … una, mahirap mahuli; mahirap ang mag-report. Tapos hindi kinu-correct iyong systems ng pagri-report nila. Kaya iyon, withdrawal lang nang withdrawal iyong mga whether it’s a hospital or it is a patient na manloloko sa PhilHealth. Tapos ang PhilHealth naman parang bulag na hindi nakikita iyong mga—actually, hindi lang parang, pero sa dami nang nawala eh talagang nabulag na sila sa mga ganitong paraan.
ALJO BENDIJO: Commissioner, kailan po ba maaaring asahan ng taumbayan iyong resulta kaugnay ng ginagawa ninyong investigation tungkol pa rin po sa PhilHealth?
COMMISSIONER BELGICA: Kagaya po ng sinabi ko, Sir Aljo, this will be formally submitted on Monday dahil tapos na nga po iyong report namin. So ang partial pa lang nai-submit namin ay iyong recommendation namin or iyong mga findings namin tungkol doon sa mga tao na involved kasi marami na po kaming sinumite. Siguro sa listahan namin, mga tatlumpu na po iyon eh, mahigit – 30 or 31. Pero kulang pa po iyon kasi depende po iyon sa mga na-commit na acts. So when we further the investigation, masisilip namin lahat ng mga regions. So we have cases in point in Luzon, Visayas and Mindanao. And pare-parehas actually po ang mga cases. So iyon.
ALJO BENDIJO: Opo. Noon pong Mayo, Commissioner, nabanggit ninyo sa programa, dito po ‘no, na halos kalahati sa mga natatanggap ninyong mga reklamo ay tungkol sa Social Amelioration Program. Kumusta po ang usad ng mga kaso? At gaano po karami ang napatawan na ng parusa?
COMMISSIONER BELGICA: We received a total of 3,992 reports. Lahat po iyon ay naaksiyunan na, 90% of which are outside of our jurisdiction, so this was endorsed to the proper agency. Iyong [garbled] are under investigation [garbled] concern sa aming jurisdiction [garbled]. Ang amin lang po ay cases recommendation kasi ng parusa pero I know na iyong mga ipinayl [filed] namin sa … in-endorse sa DILG [garbled] alam kong imbestigahan ay nakasuhan lahat, parang narinig ko sa isang interview [garbled].
[Garbled] dahil caught in the act at pinuntahan dahil nahuli sa video, pero [garbled] kaso na inaksiyunan at saka iniimbestigahan [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, tungkol naman po sa ikalawang bugso ng SAP kung saan e-payment po iyong ginamit na paraan sa pamimigay ng ayuda. Ito po ba ay nakabawas doon sa mga natatanggap ninyong reklamo or nadagdagan?
COMMISSIONER BELGICA: Definitely po naka[unclear] ano, kasi noong simula pa lang po ng distribution, iyong first wave, isinadyest [suggested] na po namin iyan na mas maganda kung electronic, maganda kung gagamitin iyong mga financial institutions, instead na ginagawa natin per barangay dahil mas organized [garbled.] But, you know, we were running against time at that time, first time kasi nabigla tayong lahat sa lockdown at sa pandemya.
Pero ngayon po ay … I just don’t have the exact figures pero hindi … wala na kaming naririnig masyado, mga nari-report na araw-araw, you know, we’ve been receiving hundreds of inputs.
USEC. IGNACIO: Commissioner, kasi ito marami sa ating mga kababayan din ang nagtatanong, nagsasabi nito: Paano daw po tinitiyak ng PACC na iyong mga reklamo ng ating mga kababayan tungkol sa korapsyon ay natutugunan? Gaano po katagal at ano iyong proseso ng PACC para po mapatunayan kung tama at totoo iyong natatanggap ninyong reklamo?
COMMISSIONER BELGICA: Ma’am, sa akin po kasi kapag pumasok ang complaints sa amin, papasok kaagad iyan sa technical and evaluation and then titingnan po diyan ang jurisdiction, titingnan po diyan kung mayroong ebidensiya, titingnan ang form and substance. Kung mayroon po ito, papasok na po ito kaagad sa investigation at doon na po mag-iimbestiga, magsu-subpoena. And then iyong makikita pong resulta ng pasok sa adjudication, and then [garbled] na po sa kanilang i-ayos para iprisenta naman sa en banc. And then the en banc will vote whether to, you know, what to recommend to the President.
So siguro iyang proseso pong iyan, isa hanggang tatlong buwan natatapos po iyan kaya po tumatagal ang imbestigasyon dahil mas marami po sa mga reports na natatanggap ng ating mga kababayan at [garbled] these are just reports, these are not actually cases na pinayl. So parang mayroon lang silang mga naririnig and then they want to ano, paiimbestigahan pa, pasusundan pa. Pero without evidence po kasi, we have to build up the case and then build up evidence dahil hindi naman po puwede tayong mag-conduct ng imbestigasyon sa isang opisyal or isang ahensiya na hindi based on evidence but base on tsismis lang.
So iyong gathering of facts and evidence, [garbled] kasi [garbled] kinakausap iyong tao, kinukunan ng mga statements [garbled] ebidensiya. So putting all these together po talaga is difficult. And ang isa hong very difficult sa amin, number one iyong limits po ng batas. Marami hong—ang korapsyon po kasi, marami din po diyan sa byurukrasya eh which is mayroon mga Civil Service Protection po iyan. So gusto man nating baguhin or gusto man nating alisin, mayroon silang proteksiyon na hindi mo puwede itong gawin kaagad-agad. So this is something that we need to change in the law. Kagaya ng sinasabi ko, public office is a public thrust. So iyong [unclear] iyong Civil Service law ang ginagawang proteksiyon ng mga empleyado ng gobyerno [garbled].
ALJO BENDIJO: Okay. Commissioner, okay, nagsalita po kayo kamakailan lang na walang sacred cow, hindi lang po iyong kaso ng PhilHealth kapag sila ay napatunayang guilty sa pag … ito pong kaso ng korapsyon. Ngayon, nagsalita po kamakailan ang Pangulo naman sa kaniyang huling State of the Nation Address tungkol naman sa revival ng death penalty. Doon po sa mga kasong may kinalaman sa illegal na droga. Kayo po ba ay sang-ayon sa mga suhestiyon na isasali po ang korapsyon sa tinatawag na heinous crime at dapat patawan din ng parusang bitay?
COMMISSIONER BELGICA: Tama po iyan, sir Aljo. Iyan po ay original na proposal ko noon-noon pa, sir. Corruption should be heinous crime, categorized as a heinous crime and should be penalized by death. Ang sa amin nga noon by hanging pero okay naman din ang lethal injection.
Pero ang corruption talaga po is as bad as murder, as bad as drugs dahil ang effect po nito perpetual eh. When we institutionalize corruption through law, buong bayan po, milyon-milyong tao ang naghihirap, minsan mas madaling mamatay kaysa mabuhay ka nang hirap na hirap. So, kaya kailangan talaga pinapatay po iyan, ang corrupt talaga dapat po iyan pinapatay, of course, after investigation and mapatunayan.
Pangalawa po, iyong mga tao, iyong sa mga corrupt na tao sa gobyerno, habang nandiyan sila naghihirap ang libu-libong tao na nasasakupan, so, we need to give commensurate penalties for their crimes committed. And corruption—I know, especially corruption from high ranking government officials should be treated as heinous crimes para po to at least justice will be served.
Iyan kailangan po nating iyan na mailagay sa batas. Una, iyong sinasabi ng ating Pangulo na ibalik ang death penalty for drug related case but also, sunod po natin diyan dapat itulak ay iyong patawan ng parusang kamatayan ang mga nai-involve sa kurapsyon lalo’t high ranking government officials.
Another thing [unclear] pag-aayos ng justice system natin. We need a strong justice system kung saan hindi matagal ang kaso and we need more courts para ho mabilis nalilitis ang kaso, hindi natatambak ho sa court.
BENDIJO: Opo. Maiba po tayo, Commissioner. Paano naman po iyong kaligtasan? Paano po sinisiguro ng inyong tanggapan iyong safety, kaligtasan ng ating mga kababayan na willing na magsiwalat ng kurapsyon sa pamahalaan? Ano po iyong proteksiyon na ibinibigay natin para po sa kanila?
COMMISSIONER BELGICA: Opo. That is a valid issue na lagi po naming natatanggap. Totoo naman po iyan and we experienced that. Pero sa atin pong mga kababayan, unang-una, there are ways na hindi namin ilalabas ang inyong mga pangalan. We could build-up cases and evidence na hindi lalabas po ang inyong personality para po sa inyong safety. And we’ve done that, I’ve done that many, many times. Marami po akong mga kasong ganiyan ang nangyayari from feedbacks pero kumpleto when we build up the case.
Pangalawa po, of course, the witness protection program, puwede ho nating i-utilize iyan. Pero, sir, sa—what I want to really drive at is, sa laban po ng kurapsyon, sa pagpaayos po ng ating bayan, talaga pong kailangan dito iyong may halong tapang po iyan eh. If we talk about fears, papaano pamilya ko, hindi ho uusad iyan, you know. We can die anytime, kapag oras mo na, oras mo na kahit safe ka sa bahay mo, inatake ka sa puso patay ka. Kapag hindi mo pa oras kahit sinong magbanta sa iyo, hindi ka rin mamamatay.
So, [garbled].
BENDIJO: Opo.
COMMISSIONER BELGICA: [SIGNAL FADE] a person na [garbled] or kapaki-pakinabang sa bayan and that will be an honor to you. So, as to protection, hindi ho lalabas ang inyong pangalan. We can go to Witness Protection Program pero kung sasagarin po ninyo na paano kung balikan ako, ganiyan po, eh normal po iyan kapag lumalaban tayo sa kasamaan dahil talagang kasama po iyan.
BENDIJO: Opo. Iyon naman pong hindi nagre-report ng totoo at nais lang manggulo, may kaakibat bang kaparusahan iyan? At ano po ang babala ninyo para po sa kanila, Commissioner?
COMMISSIONER BELGICA: Opo, tama po iyan. Iyong mga nanggagamit sa pulitika, iyong mga nagsasabi lang ng mga paninira, iyan po naman ay babalikan din po namin ng karampatang aksiyon. Mga naninira ng tao, mayroon pong mga kaparusahan sa batas iyan, sa Criminal Code natin. Iyong mga government officials na naglalabas ng mga kasinungalingan, mayroon pong karampatang parusa din po iyan at ibabalik po namin sa kanila iyan, iyang mga ganiyan.
In fact, maganda ho iyang binanggit mo, sir Aljo, and it is one thing that we should also strengthen in our law na iyong mga tao na nag—may mga maling impormasyon or—hindi mali, iyong sinasadyang maliin ang impormasyon, mga kasinungalingan [garbled] ipinapataw ng gobyerno sa [garbled]. Palagi nating nakikita iyan sa mga pulitiko, sinisiraan iyong kanilang mga kalaban, di ba, na ganito.
Dapat po iyan, iyong penalty na hinahanap nila doon sa kanilang sinisira is iyong sa penalty na ipapataw sa kanila. We have to put that also in the law. Ngayon, mayroon na pong kaparusahan ngayon iyan. Puwede natin silang kasuhan criminally, may criminal liability na po iyan.
Kaya ho maganda rin iyong ating Cybercrime Law dahil ito, pinalakas po iyong mga pag-iintriga, pagtsi-tsismis na gamit po ang Facebook and other social media accounts. Gagamitin din po natin iyan kasi po ito pong mga issues na ito, these are issues that concerns national security. When you cast out doubt and cast fears sa mga tao, naaapektuhan ang seguridad ng bayan, kapayapaan at kaayusan ng bayan. So, this has to be really tackled more seriously specially now in the age of social media and internet.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, sa kabila nga po ng ipinatutupad na community quarantine at iyon pong government efforts para po tugunan iyong pangangailangan ng ating mga kababayan, ano na lang po iyong mensahe ninyo sa mga opisyal ng pamahalaan na gumagawa ng iregularidad at siyempre, sa atin pong mga kababayan?
COMMISSIONER BELGICA: Opo. Sa ating mga kababayan, sumunod lang po tayo sa panukala ng pamahalaan. Ingatan po natin ang ating sarili, ang ating pamilya dahil you know, COVID is true. This can kill you and you don’t know where this can come from. So, kung malikot—huwag paikot-ikot, just stay home you know. Aralin iyong internet how to use it and for our own safety and for the safety of our family – number one.
Pangalawa, huwag ho kayong matakot magsumbong, mag-report sa amin, kami po ay handang tumulong at tumugon sa inyo, proprotektahan po namin kayo. Gawin po natin ito para sa ating bayan.
Sa mga kapwa ko naman po empleyado ng gobyerno na ayaw tumigil sa kalokohan, kurapsyon, when we see them taking advantage of this pandemic at may [garbled] to make money for themselves… you know. Sana po itigil na ninyo iyan dahil maawa naman po kayo sa ating mga kababayan. At ito lang ang mensahe ko sa inyo, kapag kumurap ka sigurado may paglalagyan ka.
So, mga kababayan, tulungan ninyo po kami sa laban naming ito dahil magiging effective lamang po kami kapag mayroon kaming magagandang information. So, that’s how you can help us. And always remember na kapag mayroon kang Alam and you keep silent, eh, tumutulong ka roon sa salbahe para i-perpetuate ang kaniyang kalokohan. So, nagpa-participate ka sa kaniyang gawaing masama. So, hindi ho natin dapat ginagawa iyan. Ang mga kasamaan, dapat po pinipigil natin iyan, hinaharap po natin iyan.
And we have government here to fight for you, to defend you and to protect you. So, ipagbigay-alam ninyo po sa amin iyan. Our contact numbers are all in Facebook. Mayroon po kaming cellphone number doon, you can write us there. You can reach us through our hotline. At habang nandito pa ho ang Pangulong Duterte, habang nandito po ako, iyan po ang commitment namin sa inyo.
Itong last two years hahataw-hatawin ko na po ito talaga kung sino ang puwedeng imbestigahan [unclear] itotodo na po natin ito. So, tulong-tulong ho tayo para sa mas magandang Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagbibigay ng oras sa aming programa, PACC Commissioner Greco Belgica. Ipagpatuloy lang po natin ang pagsugpo laban sa mga gumagawa ng katiwalian sa pamahalaan lalo ngayong panahon ng krisis. Mabuhay po kayo. Stay safe po, Comm.
COMMISSIONER BELGICA: Salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, ngayong araw po ay simula ng pagdiriwang natin ng Buwan ng Wikang Pambansa kaya naman po upang alamin kung anu-ano ba ang kanilang mga inihahandang programa, makakasama po natin sa puntong ito si Dr. Arthur Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Magandang araw po, Dr. Arthur.
Mukhang wala pa sa linya ng komunikasyon natin si Dr. Casanova.
Samantala, upang bigyan daan po ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine, pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program.
Para po sa iba pang detalye, panoorin po natin ito.
[VTR]
Samantala, balikan na po natin si Dr. Arthur Casanova tungkol po sa pagdiriwang natin ng Buwan ng Wika.
Magandang araw po.
DR. CASANOVA: Magandang araw po, PTV-Philippines. Magandang araw sambayanang Pilipino.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, tungkol saan ba itong tema ng Buwan ng Wika 2020 na “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya?
DR. CASANOVA: Alam ninyo po kasi ipinagdiriwang ngayong buwan ng Agosto ang Buwan ng Wikang Pambansa kaalinsabay din po ito ng pagdiriwang ng kasaysayan kaya po ang pangunahing tema po ay Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika at may sub-theme po ito na ‘Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.
Ang mahalaga po dito ay magamit natin ang wikang Filipino sa panahon ng pandemya kasi alam natin pong mga kababayan na talaga pong naghihirap po tayo sa mga nangyayari ngayon at kailangan pong magamit ang wikang Pilipino at iba pang mga katutubong wika sa ating bansa dahil kasama po iyan ng mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Alam ninyo po ay mahalaga ang gamit ng wikang Filipino sa pagbibigay ng mga impormasyon at kabatiran kaya hinihimok ko po ang sambayanang Filipino na gamitin po ang wikang Filipino kaalinsabay ng paggamit ng iba pang mga katutubong wika sa kani-kanilang lugar para mas mapabilis at higit na maunawaan po ang mga impormasyon at kabatiran hinggil sa pandemyang coronavirus.
USEC. IGNACIO: [off mic] …sa kasalukuyang pandemya kasi nakikita ninyo po ba na medyo nagkakaroon ng—o dapat palakasin pa iyong mga pagbibigay ng impormasyon gamit po ang ating wikang Filipino?
DR. CASANOVA: Sa totoo lang ho, ang amin pong sangay sa salin ay nakatanggap ng mga kahilingan mula sa iba’t-ibang mga ahensiya ng pamahalaan partikular ho ang Department of Health at saka mga LGU at hiniling po nila na isalin ang maraming mga infographics na may kaugnayan po sa coronavirus sa iba’t-ibang katutubong wika hindi lamang sa wikang Filipino.
Sa ganitong paraan po ay nakatutulong ang Komisyon sa Wikang Filipino sa pagpaparating ng mga konsepto ng mga bagay-bagay na nahihinggil po sa pandemyang coronavirus. Mahalaga po kasi ang wika. Kapag ang wika po ay ginagamit sa pagpaparating ng kabatiran at impormasyon, higit pong nauunawaan ng mga kababayan natin ang mga nais nating iparating sa kanila.
Kaya at dahil po nagdiriwang tayo ng Buwan ng Wikang Pambansa ay hinihimok ko po ang lahat na gumamit po ng Wikang Filipino sa mga talakayan, sa forums, pagpapahatid ng mga impormasyon.
Ang ganitong paraan po ay makatutulong po sa estado ng Wikang Filipino, ang ating wikang Pambansa, sa pagiging intelektuwalisadong wika. At kapag sinabi po nating intelektuwalisadong wika, ang Filipino po ay may kakayahang magamit sa mga matataas na kaisipan, malalalim na kaisipan, mga diskurso sa akademya at sa lalong mataas na edukasyon.
Tanging sa paggamit po ng Wikang Filipino sa mataas na antas makakamit ang tagumpay ng tinatawag nating intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino eh simulan po natin, kung hindi pa nagsisimula ang iba, na gamitin po natin ang Wikang Filipino.
At binibigyan-diin ko rin po ang paggamit ng iba’t-ibang mga katutubong wika upang mahatid ang impormasyon hinggil sa pandemya dahil po sa ang mga kabatiran na ito ay higit na nauunawaan po sa mga katutubong wika.
BENDIJO: Opo. Dr. Casanova, this is Aljo Bendijo. Sinasabi po nakasentro ang tema ng Buwan ng Wika 2020 sa mandato po ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ano po ba ang tiyak na mandato nito?
Dr. Casanova?
DR. CASANOVA: Hindi ko po naririnig.
BENDIJO: Opo… naririnig ninyo po ako, Dr. Arthur Casanova? Hello, sir? Hello?
USEC. IGNACIO: Okay. Kung ako po’y naririnig ni doctor.
BENDIJO: Opo.
USEC. IGNACIO: Doctor, naririnig ninyo po kami?
BENDIJO: Umalis…
USEC. IGNACIO: Okay… Napakaganda pa naman Aljo, ng topic niya hindi ba? Katulad mo marunong kang in Bisaya magsalita, iba iyong salita mo doon na importanteng malaman ng mga kababayan dito sa Mindanao, sa Visayas, isasalin sa salita ninyo iyong mga impormasyon na may kinalaman dito sa COVID-19.
At siyempre, para sa kaniya, napakahalaga na mas mapalawak pa iyong pagpapahatid ng impormasyon sa panahon ng pandemya.
Samantala, puntahan naman muna natin si Clodet Loreto mula sa PTV Davao.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Clodet Loreto ng PTV-Davao.
[VTR]
ALJO BENDIJO: Okay. So balikan po natin ngayon si Dr. Arthur Casanova ng Komisyon sa Wikang Filipino. Dr. Casanova, magandang umaga.
DR. CASANOVA: Magandang umaga po muli.
ALJO BENDIJO: Opo. Ako po si Aljo Bendijo, Doctor.
DR. CASANOVA: Maraming salamat po. Magandang umaga.
ALJO BENDIJO: Opo. Sinasabi pong nakasentro ang tema ng Buwan ng Wika 2020 sa mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ano ba ang tiyak na mandato ng KWF, Dr. Casanova?
DR. CASANOVA: Ang mandato po ng Komisyon sa Wikang Filipino ay lumikha upang magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng wikang Filipino at ng iba pang [garbled]. Kasi po sa kasalukuyan at ito po ay nakasaad din sa [garbled] na hindi lamang po ang Filipino ang ating paunlarin kung hindi kaalinsabay po nito ang mga katutubong wika sa ating bansa. At gagamitin din po ang mga wikang ito sa pagpapayabong ng ating wikang pambansang Filipino.
Kaya’t sa kasalukuyan po, ang ating Wikang Filipino ay higit pang yumayaman at yumayabong dahil nagpapasok po tayo sa bokabolaryo ng Wikang Filipino ng mga salita po sa iba’t ibang katutubong wika. Sa katunayan po niyan ay marami po kaming mga proyekto na may kinalaman dito, partikular na ho dito ang pagsasagawa, pagbuo, pag-imprenta ng disksyunaryo ng wikang Filipino na kasalukuyan po naming niri-rebisa at inaayos. At mapapansin po ninyo, ito po ay pinagyamang Filipino dahil ipapasok po sa diksyunaryong nabanggit ang maraming mga mahahalagang salita buhat sa iba’t ibang katutubong wika. Iyan po ang kahulugan ngayon ng tinatawag nating Filipino ang ating wikang Pambansa.
ALJO BENDIJO: Opo. Sa inyong tema, kapansin-pansin po, Dr. Casanova, ang paggamit ninyo ng Bayanihan. Ano po ba ang kaugnayan ng wika sa Bayanihan?
DR. CASANOVA: Mapapansin ninyo ho, nabanggit ko kanina na ang ating bansa po at – hindi lamang ang ating bansa, ang buong mundo – ay nakararanas ng pandemyang coronavirus. At ang ibig po naming iparating dito sa ating mga kababayan na gamitin po ang wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagpaparating ng mga impormasyon, mga kabatiran hinggil sa pandemyang coronavirus. Kaya’t ang amin pong ‘sangay sa salin’ ay nagsasagawa ng maraming mga pagsasalin na may kaugnayan sa pagpapahatid ng kabatiran hinggil sa coronavirus sa pakikipag-ugnayan po sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, katulad po ng Department of Health at ng iba pang mga LGUs.
USEC. IGNACIO: Opo. Doctor, bakit po mahalaga na mapag-usapan ang COVID-19 sa Filipino at mga katutubong wika sa bansa? At sa tingin ninyo po, paano po ito nakakatulong sa pagpawi ng takot o stigma po na hatid ng COVID-19 sa ating mga kababayan?
DR. CASANOVA: Ilang buwan na ho tayong nakaranas ng pandemyang coronavirus, at nasimulan ko na rin po sa aking mga Facebook account ang pagsasalin ng ilang mga impormasyon at mga pagbibigay ng mga kabatiran sa ating mga Facebook friends. Pero sa Komisyon sa Wikang Filipino po ay marami po kaming mga gawain na inihanda para po sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Katulad ng nabanggit ko kanina ay patuloy po kaming tumatanggap ng mga kahilingan sa iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan para maisalin sa ang kanilang mga infographics na may kinalaman po sa pandemya. At marami na rin kaming naisalin pong mga infographics sa iba’t ibang katutubong wika at ito ay napapakinabangan ng ating mga kababayan dahil nga po kapag ang impormasyon o kabatiran ay nasa kanilang katutubong wika at sa Filipino na ating wikang pambansa, higit po nilang naiintindihan. Kaya’t nakakatulong po ang Komisyon sa Wikang Filipino sa disiminasyon ng mga impormasyon na may kaugnayan po sa coronavirus.
Ganoon din po, may mga pa-contest po kami na karugtong po ng Buwan ng Wikang Pambansa na isasagawa sa buwan ng Setyembre na pagsulat po ng mga maiikling tula na tulad ng Tanaga, Dalit, diona, mga maiikling tula na ang magiging paksa po ay pandemyang coronavirus. At ito po ay pagpapamulat at paggising sa interes ng mga kababayan natin, partikular na pati ng mga kabataan na sasali sa contest na sila po ay makatulong sa pagpaparating ng mga magagandang kaisipan upang maiwasan po natin ang coronavirus.
Sa mga susunod na buwan ay inaasahan po natin ang bagong normal, kung kaya’t dapat po ay ang mga impormasyon na ibinibigay natin sa taumbayan sa wikang Filipino at iba’t ibang katutubong wika ay makatutulong sa pag-ahon natin mula sa pandemyang coronavirus at sa pagharap po natin sa bagong normal.
USEC. IGNACIO: Opo. Opo, Doctor, dahil kanina nga po ay nabanggit ninyo ang kahalagahan nga po ng Filipino at mga lokal na wika, so ano naman po iyong masasabi ninyo doon sa Senate Bill #1539 po o iyong Language Accessibility of Public Information on Disasters Act na isinusulong po ni Senator Manuelito Lapid?
DR. CASANOVA: Maganda po iyan dahil sa totoo lang ho, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay may proyekto po na sinimulan noon pa hong ilang taon na ang nakalilipas at nangyayari pa rin po ngayon. Ang proyektong ito po ng Komisyon sa Wikang Filipino ay tinatawag pong Bahay Wika.
Sa Bataan po ay mayroon kaming proyekto na tumatakbo na po ng ilang buwan na at mayroon pong isang pamayanan doon na may wikang malapit na hong maglaho. Marami po kasi tayong mga wika sa ating bansa na binubuo ng 130 wikain. At sa bilang na ito, marami ho ang mga wikain natin sa ating bansa na nanganganib maglaho o nanganganib mamatay, kaya’t inaagapan po natin, tinutulungan natin iyong mga pamayanan na nagsasalita ng mga wikang malapit na hong maglaho sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga Bahay Wika.
At nais po sana naming na ipagpatuloy ang proyektong iyan at maganda po iyang Bill na isinusulong po ng ating Sen. Lito Lapid dahil iyan po ay kaugnay sa aming proyekto at sana po ay magtulungan po kami, maipasa na po iyong Bill na iyan nang sa ganoon ay maipagpatuloy po namin ang proyekto na Bahay Wika at maiwasan po natin ang paglaho ng iba pang mga katutubong wika na iilan-ilan na lamang ang nagsasalita dahil hindi nagagamit masyado, hindi nagagamit ng maraming tao, hindi nagagamit ng isang malaking pamayanan, ay maiiwasan po natin ang paglaho ng wikang iyan.
BENDIJO: Gaano po kalawak ang naging partisipasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino, Dr. Casanova, sa malawakang pagsasalin mula sa Ingles tungong mga katutubong wika na mga pabatid publiko ukol pa rin sa COVID-19 na isinasagawa ng Kagawaran ng Kalusugan?
DR. CASANOVA: Noong mga dalawang buwan na ang nakalilipas po ay nagpalabas sa Facebook at sa website po ng KWF ng mga salin sa iba’t-ibang katutubong wika. mayroon pong mga rehiyonal na wika na naisalin mula Ingles patungo sa mga rehiyonal na wika at patuloy pa ring isinasagawa ang mga pagsasalin na iyan at kami po ay naghihintay rin po ng mga kahilingan ng iba’t-ibang ahensiyang pampamahalaan sa mga gusto nilang infographics na masalin sa wikang Filipino at masalin sa iba’t-ibang katutubong wika.
Mayroon po kaming proseso, kasi po hindi lahat ng mga katutubong wika ay may mga tao sa aming Komisyon, at iyan po ay ginagawan namin ng paraan at humihingi kami ng tulong sa mga taong nagsasalita ng wikang katutubo na hinihiling ng isang ahensiya.
Pero sa pagkakataong ito, sa kasalukuyan ho ay may mga sampung wika na po ang naisalin, may mga infographics na pong naisalin sa iba’t-ibang katutubong wika at ipinagpapatuloy pa rin po hanggang ngayon at hinihintay na lang po namin ang mga kahilingan ng iba’t-ibang ahensiyang pampamahalaan at kami po ay malugod na tutulong at magpapalaganap ng mga konsepto ng pandemyang coronavirus sa pamamagitan ng paggamit po ng iba’t-ibang katutubong wika.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Dr. Arthur Casanova mula sa Komisyon sa Wikang Filipino. Kami po ay maraming nalaman ngayong araw na ito sa inyo. Mabuhay po kayo at mabuhay din po ang Wikang Filipino at mga wikang katutubo sa bansa!
Salamat po.
DR. CASANOVA: Okay. Magkaroon po tayo ng isang makahulugan, makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ang ating wikang Filipino.
Mabuhay po ang Pilipinas!
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, dumako naman po tayo sa pinakahuling update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.
Base po sa tala ng Department of Health as of July 31, 4P.M., umabot na po sa 93, 354 ang dami ng tinamaan ng COVID-19 kung saan po 26,153 po diyan ang total active cases. Kahapon nadagdagan po ng 40 ang mga nasawi kaya umabot na ito sa 2, 023 ang total number of deaths.
Sa kabila niyan, patuloy naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover kahapon na naitala ang karagdagang 165 recoveries kaya po umakyat na iyan sa 65, 178 ang gumaling mula sa COVID-19.
Kaya naman po hindi kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng face mask, at palagiang paghuhugas ng kamay. Iwasan din po natin ang discrimination sa ating mga frontliners at COVID-19 patients.
Tandaan, sa pagsunod at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan makakatulong ka upang tuluyan nating mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19. Bahay muna, buhay muna.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman po ng ating mga kababayan.
BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Sa ngalan ni Sec. Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.
Usec., thank you.
USEC. IGNACIO: Salamat din sa iyo, Aljo. Asahan ninyo ang aming patuloy po na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.
Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)