Magandang hapon Pilipinas. May mensahe lang po ang ating Presidente, lalong-lalo na sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan.
Hindi po nakikisali, hindi po nakikialam sa pulitika ng Mababang Kapulungan ang Presidente.
Uulitin ko po: Hindi po nanghihimasok, hindi po nakikialam ang Presidente sa nangyayaring girian para sa puwesto ng Speaker diyan po sa Mababang Kapulungan.
Ang panawagan po niya sa ating mga kongresista, isantabi muna po ang pulitika para maipasa natin ang proposed 2021 budget.
Ulitin ko po: Ang panawagan ng Presidente, itigil muna ang pulitika diyan sa Mababang Kapulungan para maipasa ang proposed budget ng 2021 na binuo po ng administrasyon para labanan ang COVID-19.
Inaasahan po ng ating Presidente na alinsunod sa kaniyang proklamasyon, magkakaroon po ng special session ang Mababang Kapulungan mula po 13 hanggang 16 ng buwang ito.
Ang panawagan po ng Presidente sa ating mga kongresista, itigil na po ang pulitika, ipasa ang national budget at hindi po nakikisali, nanghihimasok ang Presidente sa pagpili ng House Speaker na sana po ay isantabi na muna nang umusad ang proseso ng pagpasa ng national budget.
Iyon lang po, maraming salamat po sa ating mga kongresista; and the President looks forward to your outmost cooperation.
Magandang gabi po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)