SEC. ANDANAR: …Sa ating episode ngayon ng The Presser ay kapiling natin ang ilan sa ating mga kababayang Lumad; pinasasalamatan po natin sila sa pagpapanatili ng ating mga sinaunang kultura at tradisyon. Kinikilala po natin ang kanilang mga talento, ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay patuloy sa pagkakaloob ng suporta na maaasahan ng ating mga kababayang Lumad, lalo na sa kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pangkabuhayan, edukasyon, kalusugan, imprastruktura at iba pang serbisyong panlipunan.
Nagiging target ang ating mga kapatid na Lumad ng mga armadong grupo na kalaban ng ating pamahalaan. At dahil ang pinakamabisang recruitment tool ng mga rebelde ay ang kahirapan, ito ang tunay na kaaway na patuloy na sinusolusyunan ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng kaniyang mga programa.
May mga isyung kinakaharap ngayon ang ating mga kapatid na Lumad, at iyan po ang ating bibigyan ng linaw sa pagkakataong ito para sa ating patuloy na paghahanap ng katotohanan. Panoorin ninyo po.
[AVP]
SEC. ANDANAR: Nagbabalik po tayo dito live mula sa Malago, sa Palasyo ng Malacañang. Magandang hapon po sa inyong lahat. At kasama rin po natin ang iba’t ibang miyembro ng iba’t ibang tribo mula sa Mindanao, mula sa Region IX hanggang Region XIII. Iyong tribo ng Subanon, Obo, Manobo, Bagobo, K’lata. Mayroon din po tayong Mandaya, Higaonon, Manobo, Andig, Blaan, T’boli.
And of course, sa talakayang ito ay kasama rin natin ang mga kapwa nating manggagawa sa pamahalaan: Ang ating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippine, General Carlito Galvez, Jr.; DND Undersecretary Ricardo David, Jr.; PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde; at PNP Police Director Elmo Francisco Sarona; NICP [National Commission on Indigenous People] Region III; NICP Visayas; NICP Region II; at kasama rin po natin ang ating Commissioner Navarro at Commissioner Ram Mi Astoveza(?).
Ngayon, ngayong hapon na ito, ito na po. Hear directly the answers on pressing issues dito lang po sa The Pressers. At mayroon po tayong babasahin din na testimonials mula sa ating mga indigenous peoples or IPs. Pero unahin po muna natin ang opening statement ng ating mga kasamahan sa pamahalaan. Unahin po natin ang ating birthday boy siguro muna… Birthday boy General Oscar Albayalde. Happy birthday General.
GEN. OSCAR ALBAYALDE: Maraming, maraming salamat po. Sir, I prepared a short opening statement, please allow me to read it: Sa inyo pong lahat, sa ating mga kababayan, magandang hapon po sa inyong lahat.
The Philippine National Police is privileged to take part in this event with representatives from the various Lumad tribes and indigenous peoples organization. Since January, the Philippine National Police has initiated a total of 457 activities for the benefits of IP communities. These include the establishments of 126 IP desks in police stations, 29 livelihood programs, nine dialogues, 48 IPRA seminars and 141 medical-dental and gift giving outreach missions.
Last October 17, in the spirit of the national observance of the Indigenous Peoples’ Month, I had the opportunity to meet Datu Joel Unad during a dialogue in Camp Crame along with his party of Lumad youth leaders. It was a fruitful meeting that allowed us to share our thoughts and insights on the prevailing situation affecting the Filipino indigenous peoples in general.
We discussed lengthily on issues of security, particularly the encroachment of Lumad ancestral lands and infiltration of some Lumad communities by the communist New People’s Army through dubious front organization, misrepresenting the indigenous peoples sector.
There had been some documented cases of NPA-initiated violence in Mindanao involving Lumad victims, most notably in the Caraga Region where our local police on All Soul’s Day, provided decent burial to Lumad tribes men who were executed by the NPA, and whose bodies were hidden in shallow graves to conceal the crime.
In a stroke of poetic justice for the Lumad victims of NPA atrocities, we arrested this morning a ranking member of the Communist Party of the Philippines Central Committee and his two accomplices. We also confiscated their cache of high powered assault rifles, handguns and grenades that are their instruments of violence and oppression against the Lumad and the Filipino people, especially the poor.
Consistent with our mandate to enforce the law and solve crime, the Philippine National Police vows to render justice for the Lumad victims of violence. Thank you at magandang araw po sa inyo.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyo, General Albayalde, sir. At ang susunod po na magbibigay ng kaniyang opening statement, ang ating AFP Chief of Staff, General Galvez.
GENERAL OSCAR GALVEZ: Magandang hapon po sa inyong lahat.
Let me read my statement: With the direction of our Commander-in-Chief, President Rodrigo Roa Duterte, and our SND, the Armed Forces of the Philippines is harmonizing its efforts with the Philippine National Police and the National Commission on the Indigenous Peoples in protecting vulnerable communities especially in Mindanao.
Bounded and guided by the RA 8371 or what we know the IP Rights Act of 1997, and the 1987 Constitution with the United Nations Declaration on the Rights of the IP, the Armed Forces of the Philippines is empowering our brothers and sisters, indigenous peoples in protecting their ancestral domain against exploitation, harassment, extortion and intrusion of the New People’s Army rebels.
With the indigenous peoples’ knowledge of their own culture and territory, the Armed Forces of the Philippines has a program that prioritizing the training of our IPs to join our regular and auxiliary forces that will protect their culture and practice, while we are also currently coordinating with some generous business philanthropists in helping our IP leaders and communities to become productive and self-reliant.
This program was spearheaded by the 1oth Infantry Division and the 4th Infantry Division under the Eastern Mindanao Command, with the training of genuine Bagani to form the indigenous peace keeping force. After the training, they were enlisted and organized into four companies that will be assigned in their localities to help conduct IP protection and community support programs.
So more or less, we have more than 30 CAFGU companies. And we will make priority on our IP communities for their own protection.
This program is expected to empower the Lumad and our indigenous people communities to give them the capacity to become active agents of peace and development, alongside with the bigger participation and role in the peace, security and development of their communities and country.
As we have said, since 1998 to 2008, there are more than 357 Lumad that have been killed. And for this year alone, we have nine Datus that have been killed by the NPA. And your Armed Forces, together with the PNP, we will protect you. Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, General Galvez. At bago po tayo magtungo sa ating susunod na magsasalita ay nais ko lang pong i-acknowledge ang presensiya ng ating Secretary, National Security Adviser Hermogenes Esperon.
At ngayon po naman ay magbibigay tayo ng daan para sa opening statement po naman ni Undersecretary Ricardo David. General David, sir?
GEN. RICARDO DAVID: Sa ating mga kapatid na Lumad, magandang hapon sa inyong lahat, mga kababayan. Ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ay nalulugod na mapabilang sa usaping ito ngayong hapon. We really desire to strengthen our capacity to work with the indigenous people through involvement in a truly participatory political process such as the one we have this afternoon. Hence, we are very thankful for the invitations to attend this event.
Through this gathering, we will be able to address the multitude of struggles of our Lumad brothers and sisters. To the Lumad leaders present here today, the government understands your desire to live in a peace in your own, as much as we appreciate your contribution in our nation’s peace and development. This forum is a testament that our administration recognizes your rights as equal participants in any plans for peace and resolution, that we comprehend your rights to enrich our land particularly Mindanao being the original inhabitants of the island, and that we are working towards an environment of an inclusive development; and that gives value to diverse and cohesive society nationwide.
This is also is an opportunity to reflect on the progress on realizing the goals on the indigenous peoples everywhere. We ensure that through this endeavor the voices of our indigenous brothers and sisters will be heard as we guarantee that they will be acted upon. Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong statement, Undersecretary David. At bago ko po ibigay kay Secretary Esperon ang mikropono, unahin lang po natin ang ating NCIP Commissioner Norberto Navarro para po sa kaniyang opening statement.
COMM. NAVARRO: In behalf of the Commission, my fellow Commissioners, especially our Chairman, maraming salamat sa oportunidad na ito. In this administration, there has been an unprecedented depth in consultations with the indigenous peoples, marami iyan, si Lipatuan Unad alam niya iyan. Maraming consultations and it was deep and diverse in all-encompassing and the result of those consultations resulted in the fear/traumatic concerns of indigenous peoples with a scalpel position, the concerns of indigenous peoples have been identified. And the government agencies have been meeting regularly for convergence activities – whole of nation. All of the agencies talking together para i-meet talaga iyong mga kailangan ng mga katutubo and these conversations with the katutubo together with the other agencies of the government is I think, bearing fruit and it’s leading to unprecedented peace and prosperity in the indigenous peoples, in their ancestral domains and I hope this continuing consultations and activities will even push further that development. So, magandang hapon po sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Commissioner Navarro. At ngayon po naman para sa ating final opening statement, nandito po si Secretary Jun Esperon, ang ating National Security Adviser.
SEC. ESPERON: Daghang salamat, Secretary Martin Andanar. Sa ating mga tribal leaders from Mindanao nga gipangunahan ni Lipatuan Joel Unad og si Datu Macabulig, daghang salamat sa pag-adto dinhi sa Manila. Daghang salamat sa pagpaabot sa amo ang inyong mga hinati. Unta unya sa inyong dayalogo sa ating Mahal na Pangulo, mahimuan nato og paagi ang tanang inyong problema og kagustuhan (Thank you Secretary Martin Andanar. To our tribal leaders from Mindanao who is headed by Lipatuan Unad and Datu Macabulig, thank you for coming to Manila. Thank you for relaying to us your concerns. Hopefully, in your upcoming dialogue with our beloved President, we can come up with ways on how to tackle all your problems and wants.)
We are here today, karon para maminaw sa atong mga tribal leaders – kay ang sitwasyon og ang ilang mga kinabuhi, ang kahapsay sa ilang mga komunidad – mao kini ang essence of national security (We are here today, now to listen to our tribal leaders – because this is the situation and their life, the tranquility in their community – that is the essence of national security). The security and welfare of all Filipinos especially those who have been left to themselves, especially in the countryside and in the uplands. Mao kini pud ang thrust and direction ng ating Presidente – and we support this. We need to support this as if, if we are to succeed with our security and development plans for a safe, secure and prosperous country for all Filipinos.
Sa inyong pakig-istorya sa atong Presidente, unta maingon ninyo tanan ang gusto ninyong ipaabot (In your dialogue with our President, hopefully you can thresh out all you want). I hope the President is not so pressed with his schedules, because he has really a very hectic schedule – daghan man ang aktibidades.
Og unta mahimo pod namo tanan ang mga kinahanglan himuon tanan aron mahapsay napod ang inyong mga kalugaran. Wala man tay laing gusto, kundili kahapsay og gamay nga kalipayan. Dili na ko magdugay, mao na lang na akong masulti. Basta naa lang ni kanunay sa inyong dapit-dapit (And hopefully we can also do what is needed to be done so that peace will reign in your places. We want nothing else but peace and a little of happiness. I won’t talk further, that’s all I can say – as long as it is in your places [peace].)
Mabuhay og magpadayon, daghang salamat (Mabuhay and welcome, thank you). Long time no see sa atong mga katrabaho sa daan sa Task Force Gantangan, sa 200… sa daan na talaga – matagal na talaga. Salamat at
nagkita-kita tayo dito. Magandang hapon sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Secretary Jun Esperon – kabalo man diay ka mag-binisaya. [Dialect] Once again, I would like to just remind everyone that we are live sa PTV, we are also live in all of our more than radio stations nationwide, Radyo Pilipinas or Philippine Broadcasting Service; live din po tayo sa iba’t-ibang mga social media pages ng ating gobyerno, the Presidential Communications Office or Presidential Communications Facebook page, live din po tayo sa Philippine News Agency, Philippine Information Agency, Radyo Pilipinas at sa iba’t-ibang Facebook pages po na connected sa Radio Television-Malacañang. We are also happy
that sa ating kaunting salu-salo dito po sa Malago ay kasama rin po natin ang mga tribes mula region 9 hanggang region 13 sa Mindanao; ang T’boli, Bla-an, Manobo. Tala-andig, Higaonon, Mandaya, Bagobo, Klata, Obu, Manubo Og Subanen. And right now, meron po tayong isang miyembro, ang head po ng Council of Elders in Mindanao, si Lipatuan Joel Unad para bigyan po tayo ng kanyang testimonial – bibigyan po tayo ng kanyang statement on behalf of all the tribes in Mindanao.
LIPATUAN JOEL UNAD: Magandang hapon po, sir. Sir Andanar, magandang hapon po sa lahat ng mga taga-media, mga kaibigang PNP-police, kaibigang Army, kaibigang Department of Defense, sir, tapos mga commissioner. Iyong ibang mga bisita, magandang hapon po sa lahat.
So, medyo sa amin dalawa pa lang – feeling sir, namin. Una, ito na ang pang-apat namin na parang part sa pag-ikot sa buong national government agencies. Bakit? Una ang isyu ng katutubo particular doon sa naging video sa harapan natin, doon lang talaga sa barangay, doon lang sa munisipyo. Hindi na nga makaikot sa isang probinsya, hindi na nga alam ng Barangay Captain, hindi na nga alam ng local government iyong nangyayari sa tribu.
So, ang ginagawa natin, inipon natin lahat iyong mga kabataan, para tanungin natin: ano ba talaga ang totoong nangyari, tanungin natin ang mga council of elders, nandito ngayon, ano ba talaga ang totoong nangyari, ano ba ang situation natin? So, ang evaluation natin, ang situation sa IP sa Mindanao, palaging araw-araw, sir particular sa Surigao Sur, Surigao Del Norte, Agusan, Bukidnon, part ng Arakan at saka Cotabato, particular sa Davao City, halos mag-count ka araw-araw ng patay, patayan, magtanong ka, sino ba iyong pinapatay?
Walang Kristiyano doon, sir na pinapatay, walang milyonaryo doon na pinapatay, halos iyong mga tribal leaders na recognized ng NCIP, recognized ng government na iyon ang naging cacti holder, naging leader ng Council of Elders, iyon ang mababasa mong pinapatay. Ang malaking tanong sa amin, bakit pinapatay? Una, pinapatay, kasi hindi kami sumang-ayon sa batas at saka idolohiya ng CPP-NPA mula’t-mula pa. Bakit ano man talaga ang CPP-NPA kung may concept iyong government – national government, ano ba ang CPP-NPA?
Ang CPP-NPA is terrorists, di ba, sir? Pero iyong tribu sobra pa sa terorista, ang CPP-NPA, bakit? Una hindi magrespeto ng kultura. Pangalawa, hindi magrespeto sa kanyang community. Pangatlo hindi magrespeto ng leadership at saka governance ng tribu. Ibig sabihin, totally ang CPP-NPA may malaking violation sa IP dahil sa ganoong mga reason – hindi talaga.
Ano ang nangyari, sir? Dahil doon, hindi kami sumang-ayon kung makita natin iyong records; sabi ko kay Captain Hobag(?): “Sir, from 1980 up to now, record lang ‘yan iyong 1,000.” Pero kung tutuusin, balikan natin ‘yan, almost mag-2,000 iyong pinatay na mga IP leaders. Kung i-count natin iyong mga bata na pinatay doon sa Sta. Cruz, kung balikan natin ‘yan… ilan iyon – marami.
Sir, bakit ‘andito kami? Hindi lang sabihin natin—or iyong unang administration mahina… kung sabihin nating paano natin parang labanan itong CPP-NPA – dahil kay President Rody Duterte. Nagsabi noon ‘yan sa akin, iyong mga tribal leader nag-declare ng pangayaw; sabi niya: “Datu…” sa Bisaya pa, “Ayaw gyud mog sukol-sukol sa NPA, kay wa gyud mo’y bout, kay sundang lang ang inyo,” (do not fight it out with the NPA, because you only have your bolos) iyon ang sabi niya noon, oo. Sa Tagalog pa, “Huwag na kayong maglaban sa CPP-NPA kasi iyong armas ninyo itak lang, samantala ang CPP-NPA .45, M-16.”
Ano ang sabi ng Datu sa PAquibato? Buhay pa ngayon sir… Sabi niya, “Mayor…” kasi hindi iyon marunong magtawag na—imbes ‘Mayor’ “Mayol” sabihin kita: “Itong maliit na itak ko, kapag ulitin pa ng CPP-NPA ang pagpatay ng leader namin, hindi kami mapigilan kahit sabihin mong wala kaming baril.” Pero sir, iyong sinasabi ng matanda pinipigilan namin dahil may usapan tayo sa AFP. Ang usapan natin sa AFP, sa gobyerno, hindi tayo mag-declare ng pangayaw; i-process natin iyong lahat na namatay.
Ngayon sir ito na… ‘andito kami para malaman ng media, una po sa lahat nagpapasalamat ako sa media. Pasalamatan ko kayo dahil kayo ang hinanap namin. Kung hinanap namin si Gen. Esperon, si Gen. Galvez, si Gen. Albayalde…pangalawa namin hinanap kayo. Bakit hinanap namin kayo? Kayo iyong maka-express sana kung ano iyong totoong nangyari ng katutubo. Pero I’m sorry ha, sasabihin ko lang… bakit iyong how many times ‘andito kami, iilan lang iyong media na gustong makiusap sa amin; iilan iyong media na gustong mag-ano sa amin. Pero ngayon, palakpakan natin ang media… lahat [applause]… So hindi namin ituloy iyong pag-iisip natin na parang neglected tayo sa media, hindi. Kung hindi tayo bahagi ng media, hindi lang ninyo kami siguro maintindihan ‘no.
So ngayon sir ‘andito kami una, mayroon kaming resolution… pero iyon resolution na ‘yan ibigay namin kay PRRD. Ano ang laman ng resolution? We have 17 violation and atrocities ng CPP-NPA, hindi basta-basta ‘yan. Kapag sabihin mong 17, kung himay-himayin mo iyong 1, 2, 3… may mga 100 specific ano… For example sabihin number one, ano ba iyong number one diyan? Iyong number one diyan na sinasabi, iyong tinatawag na paglabag ng tinatawag na IPS – Indigenous Political Structure, iyon ang nilabag niya. Bakit nilabag niya? Ang NPA nagturo ng kanilang mga leader, ang tawag diyan ‘organizational leader’.
Pangalawa, iyong sinasabing supplanting ng leader… kung hindi ka puwede magsama sa kanila, patayin ka, palitan ka – iyon ang nakalagay doon sa number one. Ibig sabihin iyong 17 atrocities ng CPP-NPA, sir… ang tribu mayroon siyang tinatawag na sariling justice. Kaso lang kami ngayon, nakaangkla kami sa… nakaangkla kami sa batas. Mayroon nang Republic Act 8371, hindi na puwedeng maggawa kami ng sariling batas na mag-declare kami ng pangayaw – hindi na iyon sir ngayon. Kasi bakit? Kaibigan namin si Gen. Galvez; kaibigan namin si Gen. Esperon, iba pang mga national government – ibig sabihin kung may problema kami, magpunta kami sa Maynila, hindi po makita ng rally sir. Iyong iba makita natin diyan, iyon… rally man iyon… iyon ‘yung ganoon ng kamay, rally ‘yan.
Ang tribu, hindi puwedeng magganoon ng kamay dahil hindi nila maintindihan ano ito… oo, hindi. Pero iyon mga tribu ‘yan; pero hindi rin sila nakaintindi bakit nagganoon sila ng kamay. O tingnan natin, oo… tapos naghawak sila ng streamer, hindi nila maintindihan ano iyong laman ng streamer – iyon ang isang worry natin, kasi iyon ang makikita natin dito sa Maynila. Sabi pa nga ni Sir Albayalde, “I’m sorry, maghingi ako ng tawad… Bakit iyong unang pag-rally kasama iyong katutubo,” nasaktan talaga sila…
So iyon ang isang bagay na kami nagpakita ngayon totally. Ito ang… sabihin namin ito ang totoong leader, sir. Kasi marami ring magsabi, “Ah mga fake na leader ‘yan.” Hindi man kami leader… kami in-appoint ng mga matatanda namin, iyong mga clan namin. Hindi kami organizational leader, kasi hindi rin kami leader. Kami mga leader mismo galing sa ancestral domain. Hindi kami organizational na leader. Naging leader lang kami kung tinuturo na kami ni Mayor Inday Sarah na ikaw ang Deputy Mayor… leader na kami. Kung tinuturo na kami sa barangay, ikaw ang purok leader… o leader na kami. Pero kung iyong tribu namin, hindi kami leader… mga representative lang kami.
So kung sabihin nilang peke kaming leader… oh iyong leader nila kung sabihin nilang peke, puwede – pero kami, hindi puwede kaming mapeke. Saan ba ang basehan nilang maging peke kami? Wala oo! Kasi iyong pagpili ng pagka-leader namin, sa pamamagitan ng tinatawag na indigenous procedure/process ng pagpili ng isang leader. Wala man sa kanila iyon… So iyon sir, hindi kami masaktan kung sabihin nila—kung sinuman ‘yan sila, “Ah mga fake na leader ‘yan,” wala man kaming alam diyan. I-declare namin, galing sa mga parents namin, iyong mga clan namin, sila man ang nag-declare sa amin na kayo iyong leader namin.
Iyon ang parang… kung i-e-explain natin ngayon, ito, mayroon kaming—ito, study lang talaga ito, oo. Pero pasensiya Sir Andanar, last na lang ito, oo. Ito, nandito nakalagay iyong 17 violations of CPP-NPA. Medyo na-worry ako kanina sir, iyong una ba na pinakita, parang mga drawing-drawing lang iyon na may mga tao, mga drawing… Pero medyo natuwa ako kasi nakita ko iyong totoong tao sir, totoong pinatay kasi iyong nangyari talaga sa Mindanao, hindi drawing ‘yan, hindi principle ‘yan, hindi perspective ‘yan – nangyari talaga ang patayan.
Last… alam ba ninyo, ‘andito man taga-Commissioner? Noong unang linggo sir, nabigay kayo ng ancestral domain, ‘di ba, certificate? Dalawa iyon o tatlo, oo… ‘yan mayroong pahintulot si President Duterte kasi sabi ni Presidente, “Okay, kayong mga katutubo…” sa Bisaya pa, “Ayaw na mo og samok-samok… o maninirahan kayo sa inyong ancestral domain… o mag-exercise kayo sa inyong kultura doon sa inyong ancestral domain.” Tama talaga sana iyon, sir… Pero ngayon kahit ako, sa dulo ng ilog ng—ng River ng Tamugan at saka Davao River, hindi na kami makapunta doon. Kasi pagdating mo sa dulo ng malaking river, tanungin ka na, “Oh, taga-saan ka? Saan ka galing?” Ang magtanong sa’yo, iyong mga commander ng NPA.
Ibig sabihin sir… sir, sayang ang certificate of ancestral domain title na binigay natin na hawak-hawak na lang ‘yan. Pero iyong kontrol ngayon ng CPP – ng ancestral domain, NPA na sir… ‘andiyan iyong mga front committee, ‘andiyan iyong mga NGO… wala. Iyong binigay ng NCIP, I’m sorry lang sir, papel na lang iyon sir. Iyong management hindi na, kasi iyong mas matapang doon iyong mga commander ng CPP-NPA
Katapusan, last… nagpunta kami dito para una, pasalamatan ang national government. Pangalawa, ang Luzon sabi nila kailangan abolish ang martial law, pero dito sa ano… parang pinangunahan namin si Presidente, kailangan sir may extension pa iyong martial law sa Mindanao. Bakit? Noong nagkaroon ng martial law, wala nang pinatay ang CPP-NPA. Request namin talaga iyon, tapos may recognition kami dito sa Proclamation ng martial law, pero sir, isali natin sa martial law iyong ancestral domain, magpirma kami ng—sir, maggawa tayo ng FPIC in favor into President na lagyan ng mga army/sundalo iyong ancestral domain natin – para mabalik iyong totoong management ng tribu sa ancestral domain. Sayang iyong certificate na binigay, pero hindi na controlled ng tribu iyong ancestral domain – iyon lang.
Last sir, mayroon kaming kultura how to protect… how to protect iyong ancestral domain sir. Mayroon kaming concept, mas maganda ‘andiyan si Sir Albayalde, si Sir Galvez, si Sir Esperon… mayroon kaming concept, successful iyon. Ang request lang natin, subukan natin ‘yan… huwag tayong mag-isip na baka mag-pangayaw – hindi naman. Ang importante may participation iyong pulis, iyong PNP para paano natin maging maliwanag/maganda iyong implementation ng Bagani security force natin.
So iyon lang Sir Andanar, medyo pasensiya… Pambihira lang kami makapagsalita rito. Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Datu Joel. Inaasahan po natin na dumaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dito po sa Malago para makipag-usap po sa ating mga tribu mula po sa Mindanao; at habang hinihintay po natin ang ating mahal na Pangulo, meron po tayong mga miyembro ng Malacañang Press Corps na nais pong magtanong ng kanilang—meron po bang questions mula sa Malacañang Press Corps? Si Joyce Balancio, DZMM.
JOYCE BALANCIO/DZMM: So, anyone can answer. So, so far po sir, may mga nabanggit na tayo na programs para sa mga IPs natin. So, in general po ba sir… let say for example for the funding, saan po ba natin kinukuha iyong funding for these programs for the IPS and ano po iyong mga pinaplano natin future programs for them?
SEC. ESPERON: Sa totoo lang, marami tayong projects para sa mga indigenous peoples. Ayon nga lang ay nagkaroon ng problema sa law and order, peace and security doon sa lugar na hindi natin maipatupad iyong ating mga programa doon. Kaya’t palalakasin natin iyong ating presensiya doon sa lugar, sa mga lugar ng ating mga Lumad or indigenous peoples upang magawa natin iyong mga programa natin doon. Mayroon tayong mga programa sa health, sa education, basic services, livelihood at iba’t-iba pa. Kailangan kung gusto nating nandoon ang ating mga Lumad ay bigyan natin ng kakayahan para mabuhay sila ng tahimik. Kaya lahat ng mga departamento ay aakyat ulit doon sa mga hindi kayang mamalagi o laging nandoon sa mga lugar ay kailangang bumalik sila.
Ngunit bago tayo bumalik doon ay kailangan bawiin muna natin iyong lugar at kailangan natin ang Armed Forces at ang Philippine National Police doon na makipagtulungan sa ating mga Lumad doon, kasi meron naman silang sariling pamamaraan sa kanilang security, dadagdagan lang natin iyon, di ba Datu Joel? Sa makatuwid, hindi basta-basta papasok ang pulis at Armed Forces doon. Kailangan magtulungan tayo ipagpatuloy natin, kasi nandoon din naman talaga. Ayusin nating mabuti para iyong mga programa ay maipagpatuloy natin sa mga lugar ng ating mga Lumad, mga kababayan doon.
So, the programs are there. Anong department ang gusto mong tanungin – Agriculture? Meron silang mga programa diyan, farm to market road, public works, Department of Trade, DSWD, maski na anong agency halos may programa diyan. Iyon nga lang kailangan itutok natin sa mga pangangailangan ng mga lugar at ang mga kababayan natin. Ganun ang magiging takbo ng ating—pagkatapos nito, ginagawa na natin iyong mga plano or ating binabago iyong mga plano, marami nang plano ang Armed Forces at saka pulis diyan, eh hindi naman puwedeng Armed Forces at saka pulis lang. Dahil lahat naman ng ahensiya ay may katungkulan diyan, Education, Health, NCIP, lahat-lahat maraming programa diyan, makikita ninyo.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, on a different topic, since nandito na rin iyong ating security cluster. Sir, regarding lang or update lang doon sa arrest ni NDF consultant Vic Ladlad. Nabanggit po ni Secretary Panelo na since hindi na po operative po ang JASIG, so there might be succeeding arrest for those who are covered by JASIG. So, tama po ba iyon, are we expecting other consultants, not anymore covered by JASIG to be arrested anytime soon? Kay PNP Chief or anyone from the security cluster.
GEN. ALBAYALDE: Yes, of course, we expect future arrest if and when makikita natin na itong mga tao na ito ay nagba-violate ng batas. Remember, iyong pagka-aresto ni Ladlad stemmed from an information from concern citizens and from the community na itong mga tao na ito they are bearing loose firearms and high-powered firearms and explosives.
So, even probably with the JASIG, hindi naman, it will not excuse you from being arrested if you are violating the law. Hindi po natin puwedeng maging rason iyon or maging blanket iyon to violate the law. So we will be treating everybody here equal. Not unless na wala naman po silang ginagawa or they are not violating any law, then wala po tayong maging problema doon. But if and when we see violations of the law, we will make arrest and we will operate on them, we will conduct case build up and we will conduct police operations on them.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Pero sir as of this moment, are we closely monitoring those are previously covered by JASIG?
GEN. ALBAYALDE: Well, those are all parts of our initiatives, especially so in case build ups. Hindi naman natin pinapabayaan iyong… ever since naman eh, continuous naman iyong intelligence monitoring natin and intelligence build up dito sa mga tao na ito, even during the time na kahit na merong peace negotiation, hindi naman natin pinapabayaan iyan. And that is being done jointly by the PNP and the Armed Forces of the Philippines.
JOYCE BALANCIO/DZMM: So far, sir do we have any intel information against other consultants that might be a basis for another arrest?
GEN. ALBAYALDE: As of this time, we cannot comment, that will be part of our police operations.
JOYCE BALANCIO/DZMM: May family po kasi, for example ni Ladlad ang nagsabing tinaniman lang daw po siya ng evidence.
GEN. ALBAYALDE: Ano na iyon eh, ano ba naman ang bago, hindi ba. Nobody will ever admit na kung ano ang nakuha diyan sa ano—in all the cases nga na nahuli, kahit doon sa kampanya natin sa illegal na droga, it’s always most often, ang sasabihin niya hindi sa kaniya iyon at tinanim lang iyon. That’s basically the alibi that they give, iyong pagtanim.
JOYCE BALANCIO/DZMM: So, we can guarantee, sir, na if ever there will be future consultants na maaresto, hindi ito dahil sa unjust na ano?
GEN. ALBAYALDE: Of course, the police or the Armed Forces of the Philippines is not engaged in this unlawful acts. Hindi po natin gagawin iyan kailanman at hindi natin ito-tolerate iyan kailanman kung may gagawa man ng ganyan. We are not engaged in planting evidence. These operations are conducted because of intelligence build up. Hindi po basta-basta iyan na kinuha mo, tapos nilagyan mo ng kung anu-ano and then you file a case against him. We are not engaged in any planting of evidence, the AFP of the PNP.
JOYCE BALANCIO/DZMM: On another topic, sir or anyone can add.
GEN. DAVID: Iyon na nga, taktika naman talaga ng CPP-NPA eh. During the peacetalks, they will invoke JASIG. Sa ngayong nakita natin na suspended ang peacetalks, dapat nga sense of honor, temporary iyong release nila eh. They are under—may mga warrants sila lahat. So kung sana, kung they have the word of honor, they have to turn in themselves, but ang nakikita natin, every time that we will have a peacetalk, they want to release as much as many people from incarceration and then later, after that, they will not turn in themselves. So iyan ang nakita natin na itong sila Ladlad, kasama sila Silva nahuli natin iyan because of the existing warrants that we have. So, with that, live iyong warrants na iyon. So with the suspension of the peace process, ng peacetalks, they are fugitive.
So dapat ang ano natin sa kanila, dapat nga nag-surrender nga sila, dahil kasi the JASIG provided them some sort of temporary relief from being arrested. So with that dapat after the suspension of the peacetalks, as a gentleman’s agreement, dapat they have to turn in. That is why ang ano namin, we will really pursue all these cases and we will hunt them down.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Are you categorically, sir, calling on them to surrender themselves now?
GEN. DAVID: Definitely. Kung iyong agreement natin sa JASIG, they were given temporary relief to be released as a consultant, kasama rito sila Alcantara, sila Tiamson’s, they have existing warrants.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Ilan sila, sir—
GEN. DAVID: Alam natin, 16 sila eh. And then we will hunt them down so that we will put justice, we cannot suspend the warrants.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, on a different topic since security cluster na rin. Mayroon na po ba tayong final recommendation to the President when it comes to the possible extension of martial law in Mindanao?
SEC. ESPERON: We have had discussions on that in the national security cluster. But we still would like to think that the extension of martial law should be on a last resort basis. Kailangan hindi iyon ang uunahin nating iniisip, kung hindi isipin natin kung ano iyong kailangan doon sa Mindanao. And we are getting all the feedbacks from the people, and it may interest you to know that majority of the people of Mindanao want it. Nonetheless, we want the study to be extensive.
Kaya iyong ating security forces, Armed Forces and PNP, are doing it with the National Defense and DILG doing it. So we are aware that the PNP has come out with a statement of support for the extension, as well as the Secretary of Interior and Local Government. But let that be part of the recommendations that will go up to the President when it is time to decide, and ask Congress for an extension for another period however long it will be. So pag-uusapan pa natin iyan.
As I said, it is an instrument for us that will be considered as a last resort. But if it is needed, as dictated by the situation and by the desire of the people, then so be it; susundin natin iyon.
COMMISSIONER NAVARRO: If I may add to that, just yesterday, I had called our five Regional Directors to check on any objections or support to the martial law imposition. And as of yesterday at least, there has been not a single complaint coming from the IPs ha, because anyone, any person can claim to be the leader. But on the validated leaders we have, we have identified, not a single formal or informal call for cessation or objection to the current imposition of martial law in Mindanao – just to add to what the General said. Thank you.
GEN. GALVEZ: Our assessment is continuing. Last week, we had met all the leaders of Maguindanao and Lanao area together with our LGU, PNP and AFP. And apparently most of the local government units are in favor of extending the martial law both on Eastern and Western Mindanao.
And to that effect, they will make a resolution to the RPOC on their intention and the reasons why they wanted to extend the martial law.
And then also, we communicated with the Comelec pertaining their insights and also their … iyong puwedeng masabi nila sa nangyaring mga elections, previously with their barangay elections. And I have talked with one of the commissioners, and then he said that if we will have an election next year, they are in favor of extending the martial law; and they will formalize that considering that next year, we also have the plebiscite with the Bangsamoro and at the same time the midterm election.
Thirdly, some of the bishops especially in Occidental area, Misamis Occidental Bishop Jumoad already expressed his support of the martial law considering that during the time that it was implemented they have seen no violation and infractions of martial law.
And there are also a lot of city mayors and also local government units texting me that they wanted to extend the martial law. And some of the city mayors already had the city resolution invoking for the extension of martial law considering that most of their cities, iyong business gumanda. In fact, sa Davao City ang GDP natin has increased and sustained iyong 10%. And I believe sa GenSan, eight percent. And also Cagayan de Oro, Iligan and other areas, Zamboanga City ang cash flow niya tumataas because of the continuing peace and order in the area.
So iyon ang ano, iyon ang nakita natin. And also some of the LGUs have surrendered more than 8,000 firearms because of martial law. And the restriction of holding firearms, carrying firearms has been incessant. And also some of our agencies like the DPWH and also DSWD are also giving some hint that they want also the extension of the martial law because it also facilitates their services and the protections of their works and also the equipment that they have.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, last question na. Kay PNP Chief, sir, update po doon sa Narco Generals natin, particularly Diaz, Garbo and Loot? Ano na po ang update sa kanila?
GEN. ALBAYALDE: Well, unang-una, wala na kami kasing jurisdiction over those generals because ano na sila eh, matagal na silang retired. Matagal na silang ano… so we cannot file administrative cases against. I just don’t know kung mayroon silang criminal case doon sa Ombudsman.
As far as we are concerned, wala na kaming mai-file na administrative case sa kanila because they have long retired from the Philippine National Police.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, sir.
SEC. ANDANAR: Thank you, Joyce. Bago kay Cedric, mayroon lang tayong isa pang magsasalita mula sa ating IP Youth, Asinad Bago.
ASINAD BAGO: Unang-una po, magandang hapon sa ating lahat. Ako po si Asinad Bago from Mindanao Region XI. Ako po ay isang estudyante ng Salugpungan. Gusto ko lang pong sabihin na tinuturo nilang … marami akong natutunan doon sa paaralan ng Salugpungan. Unang-una, marunong akong magbasa at marunong akong magsulat; marunong akong magkwenta; marunong akong mag-dismantle ng armas; marunong akong mag-rally; marunong din akong makipag-dialogue ng gobyerno. So iyon po ang lahat ng aking natutunan doon sa paaralan ng Salugpungan.
At kung minsan naman ay nakapag-recruit din ako ng mga kasamahan namin. Marami rin akong na-recruit na mga estudyante at saka iyong mga NPA para mas lalong lumakas iyong paaralan ng Salugpungan.
So ang Salugpungan ay isang—marami po kasing ang nagsuporta ng Salugpungan. Ito iyong mga organisasyon na Bayan Muna, Anak Pawis, Anak Mindanao at saka RNP. Kahit na iyong mga madre at pari, doon na namin makikita sa aming paaralan. At iyong paaralan namin, iyong staff house namin, labas-pasok kasi iyong CO ng NPA doon sa paaralan namin.
At marami iyong nagsabi na hindi raw totoo iyong sinasabi ko, so bakit nakasabi sila na mismo ako doon nag-stay sa staff house nila so alam ko kung ano iyong ginagawa nila. At kung minsan naman ay papupuntahin nila lahat ng mga estudyante, papuntahin nila kami sa kampo ng NPA, doon kami tuturuan ng… sabi nila, Lupang Hinirang daw. Kapag nanalo ang NPA, ito na raw ang Lupang Hinirang ng Pilipinas. So kantahin ko lang po iyong Lupang Hinirang namin.
Bayang mahiwaga sa malayong silangan
Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay
Lupang sinira, bayan ng magigiting
Alab ng puso sa dibdib mo’y apoy
Sa nayon at lungsod itinatag makabayang pamahalaan
May tilamsik ang dugo at awit sa paglaya minamahal
Ang karit at kamao niya’y hinding-hindi magdidilim
Laya ay langit kaluwalhati at pagsinta
Buhay ay lupa sa piling mo.
So iyon po iyong Lupang Hinirang namin. Kapag manalo daw iyong NPA, sir, iyon na talaga iyong Lupang Hinirang ng Pilipinas. At iyong paaralan ng Salugpungan, sir, kahit na hindi ka mag-aral doon basta magsali ka ng mga rally, continue pa rin iyong score mo doon sa kanila, sir. So iyon ang mga policy ng Salugpungan na paaralan, sir.
At kung minsan naman, sir, ay papupuntahin nila kami sa Davao para mag-rally para magsinungaling sa ano, pinapabayaan daw kami ng gobyerno, sinusunog iyong mga paaralan namin. Pero hindi naman totoo iyong sinasabi namin, sir… salita nila, sir. At iyong lagi akong nagpapa-interview na iyong paaralan daw ng Salugpungan ay libre lahat; pero hindi po totoo iyon, sir. So kung minsan naman para kaming ibinibenta, sir. Kahit maubusan ng pagkain sa staff house, papuntahin kami sa Davao para mag-dialogue at maghingi ng tulong, para magpa-interview [para] humingi ng tulong. So parang binibenta nila kami, sir. Iyon lang po iyong ano, sir.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Asinad Bago. Si Asinad po ay isang IP Youth representative. Cedric Castillo ng GMA 7 ay mayroong question sa ating panel.
CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, good afternoon po. Please allow me to divert a bit from the topic po. This is for Secretary Esperon and the AFP, sir, General Galvez. Sir, hihingi lang po ako insights ninyo kasi may panawagan po si Senator Grace Poe pertaining to the third telco selection yesterday na dapat daw may—at least may say ang ating intelligence community kasi—particularly because may involvement ng ibang bansa, China, doon sa possible telco award sir. Your insights po please, sir.
GEN. ESPERON: Thank you, thank you sa concern ni Senator Poe. Ang nabasa ko kasi, sabi niya dapat ma-consult ang military. Well for starters, gusto ko lang sabihin na ang Secretary ng Department of Information and Communications Technology ay isang retired military officer. Si Secretary Rio ay isang Brigadier General na propesor namin ‘yan sa Philippine Military Academy noong kami’y kadete – at ‘yan ay sanay sa technology, sa IT.
He was really the J6 or the Communications Chief of the Armed Forces when he retired, so mayroon siyang expertise and may military. Eh ako naman ay member ng the oversight committee composed of Secretary Rio as Chairman, member si Secretary Medialdea, another member is Secretary Dominguez of Finance; pang-apat ako na member, so galing din ako sa military na naging civilian na dahil nag-retire na ako noong 2008 pa. So iyon ang contribution ng military doon.
As to intelligence, I agree na laging titingnan natin iyong security ng ating communications and that’s what really—that’s really the reason why we are there, we have inputted the provisions for national security in the entry of the third main player. So thank you very much for the reminder, at si Secretary Dominguez naman ay tiningnan din niya iyong lahat ng possibilities on the capabilities, capital expenditures, OPEX (operational expense) and of course the lawyers from the office of the Secretary of—from the Executive Secretary.
So, well taken care of, pasalamat kami at sa sampung nagbalak na mag-tender ng kanilang bid ay tatlo lang ang lumabas actually in the end. And we have the results as we now read in the papers na mayroong isang compliant, lahat ng mga kailangan ay nai-submit niya. Iyong dalawa—mayroong dalawa na binigyan ng tatlong araw… three days for them to submit the needed requirements, and we hope that they could still catch up. But we must say that the process had been transparent, and it was meant to provide the consumers with cheap telecommunications, high-speed, with better coverage and cheaper rates.
So kung—meaning cheaper than what we have now. So it now becomes—the competition has really been put into place. Bahala iyong mga major players ngayon kung paano sila mag-adjust sa market and to their competition. Again, thank you for the reminders on what we could contribute there… natignan po namin iyon—nakita po natin iyon. The primary users would be the Armed Forces of the Philippines… just to let you know, that the Armed Forces was considered there and for the whole of national government, we want our national broadband to be secured at kung pupuwede… as much as possible, it will be a virtual personal network for the whole of government. Kaya secured po iyon, secured… huwag kayong mag-alala.
CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, quick follow up. Anyway sir, diyan sa last statement ninyo sir… Since hindi pa naman final iyong possible involvement or award sa China sir, do you see the need to pacify the public or, you know…?
GEN. ESPERON: I don’t know why we should—dahil involved ang China Telecom Company ay kailangan nating i-pacify. It was—they entered into… within the terms of the terms of reference that the NTC, DICT have formulated for everyone to play within – so fair game lahat iyon. Ngayon na pumasok ang China Telco, ay bakit naman tayo maaalarma… eh alam ba ninyong sa telepono natin ngayon ang ginagamit na system diyan ay Huawei. Eh, saan ba galing iyon?
Eh tingnan natin… kung security pinag-uusapan, ay kung gusto ninyong secure kayo, huwag kayong masyadong mag-uusap kung ayaw ninyong iparinig sa iba. Mayroong paraan, mayroong paraan… mayroon tayong mga pamamaraan na napapaloob sa ating mga cyber security programs. And in fact, the DICT and us – also in consultation with us have come up with our National CERT Program, Cyber Emergency Reaction Teams, mayroon tayo. CERT Program… all taken care of. Pero, kailangan natin pagtulung-tulungan ito.
CEDRIC CASTILLO/GMA7: Thank you, sir. Sir on another topic po, kay Director General Albayalde. Sir, may statement po ang CHR doon sa recruitment ninyo ng women police na ang target ninyo po is 10%. Ang sinasabi nila sir, violation daw po siya ng magna carta because it is stipulated na 50% daw ng roster ang target. Your reaction please, sir.
PNP DIR. GEN. ALBAYALDE: Ah, wala yatang nakasulat doon na 50% ng ano… Over the years, ang required sa amin is 10%. With the 10% actually, lampas pa nga kami po doon sa 10% ‘no. It’s because alam mo na, kung minsan mayroon talagang hindi mo mahindian na pumapasok, nag-aano… and they’re qualified naman. So—at kung minsan nagkukulang iyong mga aplikante na lalaki, so kinukuha na namin iyong mga aplikanteng babae. So nag-a-average kami ngayon ng 10 to 12 percent – that is not meant to discriminate anybody ‘no. Wala pong discrimination dito, they all go the same process – whether you’re a male or a female. Walang discrimination na ginagawa po dito.
The law provides na mayroon dapat kami 10% sa aming strength at saka sa recruitment. Sa ngayon, lumalampas kami pa nga doon sa 10%. I tell you, mayroong 10 to 12 percent. Iyong sinasabi natin na naging—it’s not meant to discriminate the women ‘no. It’s not meant to discriminate anybody actually ‘no. Mayroon pa nga kaming mga… ‘yan, mga IPs nga eh, mayroon pa nga kaming iyong pumasok na IPs eh; mga 5% nga mayroon eh. Although iyong iba kasi very few from the IP groups/sector talagang pumapasok, kaya siguro hindi nami-meet iyong 5%.
CEDRIC CASTILLO/GMA7: Pero sir, ang kino-quote po kasi ng CHR iyong magna carta for women. Sinasabi is 50% daw iyong target at least taken…
PNP DIR. GEN. ALBAYALDE: I don’t know kung totoo ‘yan ‘no [laughs]… We have to check on the Magna Carta. Wala yata akong nabasang ganoon na ano… Otherwise, kung 50% ‘yan… it’s long, long, long time ago, baka naano na ‘yan. It’s because we’ve been recruiting women in our ranks for so – so many years already ‘no. Since the start of—although noong Philippine Constabulary, yes very limited ‘yan… ngayong nag-PNP, I think it was passed and then we complied with the requirement – and more than actually on the required strength.
Mayroon kami yong sinabi mo, baka probably iyong gender sensitivity, isa iyong ano… Yeah, mayroon din naman, it’s being practiced in the organization, the PNP organization. Pero iyong sinasabi mo na it’s discrimination, there is no discrimination going on. It’s not meant to discriminate anybody.
CEDRIC CASTILLO/GMA7: Thank you, sir.
GEN. ESPERON: Thank you sa mga tanong ninyo ‘no, pero kung pupuwede lang eh dagdagan natin iyong mga tanong tungkol sa ating mga Lumad at talagang bumaba sila dito para tanungin ninyo… eh ‘di pagbigyan naman natin sila, itong mga kasama natin ngayon.
SEC. ANDANAR: It is seldom that they travel to Manila, and if we have any relevant questions about our Lumads from Region IX to XIII… Si Tina Maralit ng Tribune mayroon ‘atang tanong.
TINA MARALIT/TRIBUNE: Sirs, good afternoon po. Sir na-mention po earlier that the AFP, the PNP and the government as a whole po committed po in helping empower the IP communities in protecting themselves in—are committed in helping the IP communities po, protect themselves and their ancestral domains against abuses po, particularly by the CPP and NPA. Tapos nabanggit din po kanina na iyong Agusan, Surigao, Bukidnon and other places in Mindanao kung saan po maraming IP leaders ang napatay or na-harass po. So what steps po, concrete steps po ang ginagawa natin to ensure na iyong mga threats po to them, ma-address?
AFP GEN. GALVEZ: Sa ating Indigenous People Profile at saka iyong Four Bundles of Rights, may apat po tayo na talagang pinangangalagaan sa kanila, ito po iyong rights of ancestral domain, right to self-governance, right to social justice and right to cultural integrity. Iyon po ang pinangangalagaan po natin, and based doon also sa UN Convention for the Rights of the Indigenous People at saka sa ating IP Law, ang ginagawa po ng Armed Forces at saka PNP po, we are binding together to really secure iyong mga rights na ‘to.
And sa amin, sa Armed Forces… sa Code of Ethics po namin, may 5% po kami na allowable na puwedeng i-enlist sila sa regular forces – also respecting these 4 rights that we have. So ang ginagawa po namin ngayon, katulad po ngayon… we are in coordination with the IP leaders, tinutulungan po namin lalo na iyong mga mayroong mga threat; binibigyan po namin talaga ng security coverage. And minsan ang ginagawa po namin, kahit na po noong last—previous administrations, ang ginagawa po natin pagka po talaga threatened po iyong mga tao, binibigyan po natin ng mga kamag-anak na mga IP soldiers.
Ngayon po, mas comprehensive kasi nagkaroon po ang atin pong mahal na Presidente, nagbigay po siya ng allocation na 50 CAFGU doon sa area po ng Eastern Mindanao Command. Ngayon po, nag-recruit po tayo ng 300 genuine po na mga Bagani; iyon po, pagka na-recruit po natin iyong mga ‘yun, sila po ang mag-o-organize ng kanilang mga security.
At the same time, ang ginagawa rin po namin para magkaroon sila ng livelihood, mayroon po kaming mga… dating mga retired Generals na dati na doon, na-assign sa area nila; ngayon ito ngayon, mayroon sila ng mga NGOs at saka mga business philanthropist na ginagawan na sila ng livelihood. At nagbigay po sila nga sa akin ng mga products pang-export, iyong mga products na iyon and we will organize these… our IPs to become iyong mga tinatawag nating mga cooperatives so that they can also have iyong tinatawag na livelihood nila.
So iyong comprehensive po iyong gagawin po natin, and considering that mayroon po tayong National Task Force … iyong ano po, na-approve na po iyon so that ang mangyayari po noon, lahat po ng interagency at whole government, both sa social, security at saka development, doon po tayo mag-aano po sa mga ancestral domain po ng ating mga IPs.
TINA MARALIT/TRIBUNE: Thank you po, sir. Sir, nabanggit din po kanina na iyong IP communities natin tinutulungan po in terms of livelihood. May estimate po ba tayo kung how much po iyong economic opportunities lost dahil po sa threats against them by the terrorists, particularly by the CPP-NPA? Anybody can answer…
AFP GEN. GALVEZ: Malaki iyong economic loss, kasi nakita natin… I’ve been in Mindanao for almost 12 years, ang nakikita po natin na doon sa Maguindanao… kasi IP rin po iyong mga Muslim friends natin.Kung makikita ninyo po iyong dating battlefield dati ng MILF at saka MNLF, na-convert na po natin ‘yan ng mga rice field at saka mga taniman ng mga banana. Ang ganda po ng kabuhayan po ng ating mga Muslim brothers doon sa ano, na mga IPs doon sa area na iyon. Eh kung nakita natin iyong opportunity na nakita namin iyong mga Muslim brothers natin, mayroon na silang mga sasakyan, mga Ford… mayroon na rin silang Ford Ranger… So ibig sabihin, nakikita namin na iyong opportunity na iyon, cost of billions, lost opportunities na nakikita natin.
Makikita natin iyong economic development ng Pilipinas, noong dati mataas tayo, but because of the 50 years na insurgency ng CPP-NPA, it dragged us down economically. So iyong mga conflicted areas makikita natin, hindi po umaangat. Samantalang iyong mga areas na matatahimik na… katulad po ngayon sa Maguindanao tahimik na, ang ganda po ng kanilang mga kabuhayan. So iyong economic loss nakikita namin napakalaki; iyong nakikita natin iyong mga first class city ngayon, dati magulo noon, ngayon maganda na. Iyong mga iba na hindi gumaganda, iyong dating mga teritoryo ngayon ng CPP-NPA, talagang continually they suffered a lot.
TINA MARALIT/TRIBUNE: Sir for the last question po, for Sir Esperon, sir… Sir iyong tungkol po sa weather stations na allegedly tinayo po sa contested territory po ng China and the Philippines, Spokesman Panelo po said he will defer to the DND and the security cluster regarding it po. The Chinese Foreign Ministry has confirmed na nagtayo po sila ng tatlong weather stations sa Spratlys. On the part po ng security cluster, have you verified this po? And if yes, what steps are you planning to take po?
GEN. ESPERON: Well, we are indeed verifying if they have put up weather stations there. And we will—from there after the verification itself, we will take appropriate action. But, what do you do if there is a weather station there? What do you if there’s a weather station in that facility?
TINA MARALIT/TRIBUNE: Considering sir it’s a contested territory. So…
GEN. ESPERON: Oh, well yes… But will it be without surrendering or giving the control of the domain or the EEZ or the area to them, what is basically bad about weather stations?
TINA MARALIT/TRIBUNE: They can spy on… on us?
GEN. ESPERON: Weather stations? Well—
TINA MARALIT/TRIBUNE: Sir ang sabi po ng China, many countries daw po will benefit from it.
GEN. ESPERON: Oh well, true. But that makes the islands beneficial, right? But, that’s probably their point. We still maintain that there is no dispute. But we are not questioning the benefits that could come from weather stations. But we are still verifying the presence thereof. So tingnan natin kung paano mangyayari, but this is not to say now that “O tama, kailangan palang mag-build sila ng island diyan kasi may weather station.” We are not going into that kind of conclusion, so kung may iba pang nandoon… nandoon na iba pang klaseng inilalagay, ‘di iba ring pag-aaral iyon… iba ring pag-aaral iyon.
But let us remember that in the current situation now, we have attained an environment where we could talk to each other. We now have the bilateral consultative mechanisms na katatapos nga lang two weeks ago. So lahat ng mga kailangan nating sabihin doon ay nasasabi natin.
Teka nga pala, mayroon bang IP doon sa isla na iyon? Sabi naman sa inyo dapat sa IP muna tayo, Ms. Maralit [laughs]… para—nandito sila oh, parang nagpamasahe pa nga… mahal din ang pamasahe papunta rito ah – iyong iba, kasi iyong iba naman ay natulungan nating makapunta rito. At sila ay sabik na sabik din na sabihin ang kanilang mga niloloob. Kasama namin ito sa Mindanao eh, si Charlie, he was 12 years in Mindanao; ako, 10 years. Si General David ay matagal din ito, ayaw na ngang umalis sa Mindanao dahil nakapag-asawa doon ‘di ba?
So kasama namin sila, si General Albayalde… alam mo naman na nag-iikot lagi iyan, hindi ko masyadong kabisado iyong assignment niya, pero lahat kami mayroong parte ng aming buhay na ibinigay. Ako, 12 assignments ako sa Mindanao, 10 years… nag-brigade ako sa Carmen, Cotabato; nag-brigade ako sa Basilan, Battalion Commander ko si Charlie noong Dos Palmas. Si Rick David kasama ko sa 4th Division… So marami tayong ano doon eh, at lagi naming nakakasama ang mga Lumad; at kami natutuwa talaga dahil nandito sila ngayon, kaya tanungin natin kumusta ba; ano ba ang puwede nating pag-usapan?
Huwag na muna iyong weather station, kasi umulan man o hindi doon sa Pantaron Range, eh okay pa rin sila ‘di ba? Pero kailangan bigyan natin sila noong—kumusta ba ang buhay nila; mayroon ba silang—‘pag umulan ba diyan sa Pantaron Range eh may kabuhayan ba kayo diyan… tanungin na muna natin sila.
TINA MARALIT/TRIBUNE: Sir, I will revert back to General Galvez po. Kasi sir, apparently hindi lang naman po iyong CPP-NPA iyong threats sa ating IP communities. Kasi, in the past, nagkaroon ng allegations against uniformed men of abuses po against the Lumads, like iyong torching po ng mga schools and other harassments, so what’s—ano po iyong…?
AFP GEN. GALVEZ: I believe iyong sinasabi nga sa torture, I believe wala tayong records ng talagang… iyong convicted na natin. Ang ano natin doon is nakikita natin na iyong—over the years iyong Armed Forces na ganoon eh, na professional na siya. I cannot say that walang tinatawag natin na abuses before. During the 1970s, 1960s… even during the time of martial law – during the Marcos regime, talagang mayroon tayong mga abuses; but because of the—after the People Power, nakita namin iyong impact ng pagiging protector of the people and the state, naging ano namin iyon, na-enhance iyong aming civil relations system sa Armed Forces.
And now naging maganda iyon dahil kasi iyong naging pro-people kami; dati enemy centered kami, ngayon people-centered ang approach na po namin – more on community-based development. Ang dati threat-based, ngayon ang ano namin is iyong dynamics ng conflict – how we will solve the conflict, iyon ang ano namin – so more on social, more on socio-economic and more developmental. Ang ano namin, ang framework ng strategy namin ngayon is governance oriented.
TINA MARALIT/TRIBUNE: So sir, iyong AFP and PNP po ba may frequent or regular dialogues po with the IP communities to change din po iyong perception nila against the soldiers and the policemen na mas kakampi po nila ngayon iyong ating uniformed men?
AFP GEN. GALVEZ: I’ll speak iyong ano—kasi iyong 4th Division at saka iyong 3rd Division, mayroon kaming joint campaign plan with the PNP. Mayroon kaming tinatawag na Community Support Program, doon kami nagbababad doon mismo sa mga barangays. So iyong mga affected barangays at saka most affected barangays saka iyong tinatawag nating marginalized barangays, doon nagbababad, doon natutulog iyong ating mga kasundaluhan. And sometimes iyong PNP at saka iyong AFP, kami po ang nagtuturo kasi po wala pong ano… kaya mayroon tayong tinatawag nating Army Literacy Program.
So ganoon po ang ginagawa po namin, and then ang gagawin natin… hahanapin namin po iyong mga barangay captains—minsan kasi iyong mga barangay captains nandoon sa mga city. So talagang dinadala po namin sila doon, and then with our exposure, with the social problems that we had; iyong CSP po namin, iyong tinatawag na Community Support Program, iyon po ang nagdadala ng mga programa ng convergence doon po sa area. So ang ginagawa po namin is doon po kami natutulog, doon po kami nagde-detach, detachment, so that iyong lahat ng mga programang patubig, programa ng kabuhayan, programa ng daan ay maano po natin.
TINA MARALIT/TRIBUNE: Than you sirs, thank you po.
SEC. ANDANAR: Thank you, Tina Maralit of the Daily Tribune. Baka mayroon pa tayong mga tanong mula sa Malacañang Press Corps? You may have questions for our Datus, our Lumads na nandito, minsan lang ho sila bumaba ng Maynila… Tina, Christina, may tanong ka ba sa mga Lumad natin? Okay na kayo? Alright… Joyce, mayroon?
Nais ko pong pasalamatan ang ating mga panauhin na miyembro po ng ating panel, ang ating mga Commissioners po ng NCIP, General David—Usec. David, Secretary Esperon, General Galvez, General Albayalde and si Secretary Sal Panelo ay nandito rin po. Para po sa ating mga tribu galing Region IX hanggang Region XIII, ulitin ko po: T’boli, Blaan, Manobo, Talaandig, Higaonon, Mandaya, Bagobo K’lata, Obo Manobo, Subanen… maraming salamat po sa inyong pagdalo.
Please have your snacks while we wait for the President. I understand na mayroon kayong isusumite, Datu Joel, or ibibigay/ipiprisinta kay Pangulong Duterte na apat na resolusyon. Kaya para po sa ating mga media men and women, ‘aantayin ninyo lang po para you can also witness the presentation of the four resolutions.
Hanggang sa muli, ito po ang inyong lingkod – Secretary Martin Andanar. Live po tayo sa PTV at sa lahat po ng Radyo Pilipinas stations, more than 50 all over the Philippines at lahat po ng social media pages ng PCOO, ng gobyerno ng Republika ng Pilipinas. This has been The Presser. Magandang hapon po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)