Remarks of President Rodrigo Roa Duterte as he Speaks with Farmer Groups in Mendiola
Mendiola, Manila
09 May 2017

PRESIDENT DUTERTE: … Nandiyan iyan palagi iyang TRO, TRO ninyo, hindi nakagalaw ang gobyerno. ‘Wag ninyo gawin ‘yan, kasi mabaho na style ‘yan.

Do not allow people to go around for — shopping for a coat, hanggang ngayon, ilang taon na iyan, almost 50 years, 100 years aabot ‘yan, ‘yung mga pribadong kamay, na ‘yung mga tao lang na may koneksyon.

Dito wala tayong koneksyon kasi ang nagpapanalo sa akin ang taong-bayan. [applause]

Ibalik ninyo sa tao ‘yung lupa nila. Ipagbili ko kasi kailangan ko pang magpagawa ng ospital, magpagawa ng eskwelahan, magpagawa ng bahay kasi nag-agawan na nga itong mga sundalo natin.

Ilan dito ang Kadamay? Ay katakot kay [?] man. [laughter] Relax lang kayo, ikuha ko kayo. Mag-gawa ako uli ng bahay ng sundalo, ‘wag ninyong pakialaman.

Bibigyan ko kayo. Lahat ng Pilipino makatikim dito sa administrasyon ko ng husti… Iyan, ‘yan hustisya. Iyan ang ang librarian namin noon. Maagang nagkiskis ng kilay ‘yan… [laughter]

Kausapin ko muna ‘yung ano… Kumain na kayo ng hapunan? [Farmers answer: “Hindi pa.”] Ilan kayo lahat dito? [Farmers reply: “200”]

Bong, mag-reserve ka ng 200 sa Manila Hotel. [applause and cheers] Oo nga, doon ko kayo [overlapping voices]… Ayaw ninyo? [cheers]

Bong, 200 sa Manila Hotel. [applause] Manila Hotel, gusto nila Manila Hotel.

Basta ‘yung naka-barong lahat doon, naka-gown, ‘wag ninyong pansinin iyon. Hindi tayo magkakilala. Magsabi ni, Mayor, dito kami magkain ng hapunan. [applause] Manila Hotel. Para makatikim kayo. [Farmers say: “Salamat po.”] 

Ang sabi ni Mayor, dito kami magkain ng hapunan, Manila Hotel, para makatikim kayo.

Handa ba kayong mag-rebolusyon? [Farmers say: “Handa.”]

Sinong leader ninyo? [laughter] [“Lahat kami leader”.]

[?] Dito nga kami nag-aral. Sarado eh.

Hindi, ganito lang. Tutal sadya na talagang pinili ninyo ako, bigyan niyo ako ng kaunting panahon. [applause]

Nangyayari naman lahat. Ang pangako ko na corruption muna. Talaga-talaga, ayaw ko talaga ng korupsyon, papatay ako ng tao diyan basta korupsyon.

‘Wag kayong pumasok ng droga kasi pumapatay talaga ako ng tao diyan. Ngayon trabaho lang, ang trabaho ko maghanap ng [?]… Maghanap ako ng oportunidad para tayong mabuhay ha.

Wala ng [?] ang lahat. Ito, ito NPA ‘to. [laughter] Ito sa finance siya… Oo… [laughter]

Ito from RGU, sa Guerilla Unit nila. [laughter] iba iyong ngiti niya… [Speaks Bisaya] 

Saan ang PMS? [Speaks Bisaya] 

Mabuhay ang Pilipino! 

—END—