Interview with Presidential Spokespeson Ernesto Abella
DZMM – Kabayan by Ricky Rosales
13 September 2016 (6:17 – 6:33 A.M.)
RICKY:
Secretary Abella, magandang umaga po. Salamat at nagising namin kayo ngayong umagang ito ng Tuesday, sir. Good morning po.SEC. ABELLA:
Good morning po, Ricky. Kumusta naman kayo?

RICKY:
All right. Sir, tinawagan namin kayo dahil, well, kayo naman ho’y nagkaroon na rin ng mga pagpapaliwanag dito ho sa mga latest na usapin tungkol po sa pagdalo ng Pangulong Duterte sa ASEAN, sa Indonesia, at ilang mga isyu. Hatiin ko po sa dalawa itong ating pag-uusapan ngayon ‘no. Unahin ko po itong mas substantive, sunod na lang iyong isyu ano ho.Parang hindi po na-highlight iyong ating naging gain doon po sa ASEAN Summit, sir, at saka iyong bilateral talks sa Indonesia. Ano ho ba ang naging atin doon, sir, doon po sa pagdalo ng Pangulo, Sec?

SEC. ABELLA:
Ang number one po ay talagang nalinaw na meron tayong independent foreign policy ‘no na meron tayong tinatahak na sariling atin, ipinaliwanag ng Presidente iyong kanyang polisiya na while we respect—well, we respect and honor other countries, pero meron tayong sariling, kumbaga, destiny na pinu-fulfill. So in that sense po, ang one of the biggest gains, nakita ko personally ‘no, is that the President has gained such a — anung tawag nito? He seems to becoming an emerging regional influence. Ano po siya, talagang nagkakaroon po siya— no I don’t want— hindi lang basta in the popular term na sikat, pero meron po talaga siyang ano… may substance po talaga.

Many of the regional countries ano, talagang became very supportive of him, ina-applause po ang nagawa niya. Number one, he really stood up, talagang idineklara niya ang posisyon and did not try to please any country. Iyon po. So maganda po ang—ang pinakamalaking gain po is that… siguro sasabihin ko is we gained back our dignity as a nation.

RICKY:
Alright. Opo. Sec., iyong—well ito ho doon sa isyu side, pero nabanggit n’yo rin kasi nga iyong foreign policy na isa sa sinasabi ho ninyong kung nakakuha tayo ng pakinabang, ito ho iyon, pag-a-assert natin ng ating well, independence ano ho. Pero iyon pong sa mga pronouncement po ng Pangulo regarding sa… kay US President Obama, para po kasi lumalabas ngayon implicitly, bagama’t ito ho ay hindi pa formally na-announce ninyo kung paano ba magiging relasyon ho natin sa Estados Unidos ngayon. Papano po ito tinanggap, sir, doon sa ASEAN considering ito po—

SEC. ABELLA:
Ang alin po?

RICKY:
Magbasa po tayo ng mga analysis sa mga foreign media, iyong mga analysts po nila, sinasabi na parang—kaya ba na humiwalay tayo ngayon independently from a super power na kahit ang China for instance na nasa Asia ay isang trading partner ng US? Papaano po ito, iyong handling din dito, Sec?

SEC. ABELLA:
Ano naman po ito. I mean, he is the President who set the policy — the foreign policy. Siya na rin iyong magko-course, magka-calibrate kung papano siya mai-implement, tama?

RICKY:
Yes, yes sir.

SEC. ABELLA:
So siyempre meron siyang—ang masasabi ko lang po is that the President is also… ang sinasabi niya, “if I can” — kumbaga, kung project common statements, he also wants soft landings ‘no. Kumbaga, ‘yes, I just want it, but I want everybody to know, we are in good relationship,’ sabi niya. Pagkatapos nga daw ng ASEAN nagbago na siya. Sinasabi niya he is a man of peace. Kumbaga nasabi niya iyong talagang gusto niyang masabi na hindi tayo puwedeng ipagtulukan lang. Hindi tayo puwedeng pagsabihan lang, na meron din tayong dignidad as a nation at kumbaga ang nakikita ko is he wants full and equal partnership with other nation. Kumbaga magkaroon tayo ng paggalang sa isa’t-isa. Hindi naman iyon, hindi niya pinag-uusapan ang hiwa-hiwalay tayo, away tayo, hindi. Even regarding iyong ating arbitrary, iyong ruling sa favorable sa atin. Lagi niyang ina-avoid iyong mga, “oh amin ito,” in terms of foreign hindi. Hindi, he always talks about being diplomatically, settling matters and ganoon din po sa lahat. I can see except that he wants it known, and perhaps we can see he wants it known na hindi tayo ano… hindi tayo nasa sideline lang. Maliit tayo pero dapat naigagalang and I think he fully expressed that. And I think we are getting the message across. Hinay-hinay lang pero nakukuha po.

RICKY:
Iyan din ba, Sec, iyong… kasi ito binabanggit ho ito ng Pangulo after din niyang makabalik ho dito sa Pilipinas. Iyong sinasabi ho niya na, “I am not an international player.” Parang sinasabi po niya ‘I am answerable to my people who voted for me. I am the President of the Republic.’ Eh dito ho habang pinapakinggan ko ho ang Pangulo ay naglalaro sa isip ko iyong mga counter argument po ng ilang mga nagsasabi na sa panahon ngayon, parang paggigiit ng super ganya na, your somewhat closing doors parang… na hindi na ito pupuwede sa globalized na mundo iyong ganyang mga actuation. Ito ho ba ay ganoon ang tamang pag-interpret ho rito, Sec?

SEC. ABELLA:
Nakikita ko po, is that when he says that, he is not closing door but he is setting priority. When you are dealing with people, kanino ka pa pabor, kaninong team ka ba, hindi ba? Kaya nga minsan na sinasabi niya, may mga tao rito na nandito pero ang pabor sa ibang bansa. So hindi puwede iyon. Sabi niya dapat kung naandito ka Pilipino ka, paboran mo ang bayan mo.

RIKCY:
Yes, yes. All right. Iyon ang malinaw doon, parang i-assert o ipagwawagwagan natin ang ating independence pero hindi naman ibig sabihin na hindi tayo magpa-participate sa international community.

SEC. ABELLA:
Tama po. Hindi natin ina-isolate sarili natin. Sinasabi lang natin na we are coming out of the shadows of other big nations. We are… you know, we are our own self.

RICKY:
All right. Iyon po iyong isang substantive ano ho na nakuha na natin. Sir, isa pang gusto kong Malaman, ang dami n’yo na namang naging paliwanag ho dito, dahil mamaya pupuntahan ko iyan, iyong framing ng media rito sa Veloso case. So kumusta ho ngayon ang ating appeal dito ho sa kaso ni Mary Jane Veloso na nakatakda hong, well, na-postpone po iyong kanyang pagbitay diyan po sa Indonesia, Sec?

SEC. ABELLA:
Actually po ay sa pagkakantindi ko, he was misinterpreted by foreign press. Ang pagkakaintindi ko po is he actually, siyempre moderately… kumbaga, and the term is ‘qualified moderately’ at you know umapila siya in favor of Mary Jane. Kaya lang siyempre hindi mo naman puwedeng ipagtulukan iyong gusto mo sa ibang bayan. Meron silang sariling ano. Kaya sinasabi niya, kumbaga… I don’t know the exact word, pero kumbaga to exhaust all measures para mahanapan ng paraan na itong si Mary Jane ay mailigtas dahil hindi naman niya—kumbaga, napagsamantalahan lang talaga siya, puwede pong ganoon. She was taken advantage of in that. Apparently that was happened. So kumbaga umapila siya pero hindi niya pinagtulukan. So in the end, nung nilinaw namin sa kanya sinabi niya na at the end of the day matapos ninyong gawin ang lahat, we will go by your ruling. Pero hindi po ibig sabihin na pinagtulukan niya, “sige anuhin ninyo na, gawin ninyo na ang gusto ninyo.” Hindi po iyon, he is not like that.

RICKY:
Masyado lang na-highlight kasi iyong isyu, pero hindi masyado natatanong. So kumusta na po ba? Sa inyo ho bang palagay eh may pag-asa pa na mailigtas po natin finally si Mary Jane?

SEC. ABELLA:
Well, you know the saying goes “hopes brings eternal.” Wag po tayong mawalan ng pag-asa.

RICKY:
All right. Kasi iyon nga ho iyong kuwan eh. Okay. So diretso na po ako doon sa mga isyu dahil siyempre sasamantalahin ko na ho iyong pagkakataon, sir. Dahil sinubaybayan ko rin po ito. Lumabas sa Jakarta Post ito, iyong balitang na para bagang ang dating nga ho sa akin, malinaw na malinaw naman ho iyong sinabi ng Presidente na siyempre aapila tayo, makikiusap tayo, kung kinakailangang magmakaawa tayong mailigtas sa parusang kamatayan si Mary Jane. Pero kung magmamatigas ang Pangulo ng Indonesia at sasabihing ito ay naayon sa kanilang batas eh parang sinasabi ng Presidente wala naman tayong magawa roon. Kagaya ho ng binabanggit ninyo, hindi naman natin puwedeng ipagtulukan na iligtas si Mary Jane.
Ngayon da kabila ho nito parang lumabas nga ho ito sa mga balita na para bagang ang dating—eh alam n’yo ho iyong problematic sa akin dito iyong mga salitang “binigyan ng go signal, binigyan ng green light,” para bagang ang dating eh “o, sige bitayin n’yo na kung gusto.” Parang ganoon eh.

SEC. ABELLA:
Hindi po, hindi po galing sa atin iyan. That is what happens when media becomes not careful with their words. So ito po iyong lagi nating binabalikan, na let us try to be not just go after sound bytes, kasi parang… siyempre dramatic pakinggan iyong words like “green light.” When you talk about actually discussed with, parang ang hirap sabihin, ano ba iyong diniskas nila? Parang ganoong ‘no… or negotiated or ano ba diplomatically negotiated. So dito po I believe ano po… this is a call to the Filipino people, this is a season of maturity. Medyo tapos na po siguro tayo sa phase na madali tayong ma-excite na mga bali-balita lang. This is I believe time for the Filipino people to use logic and base conversation and decision not just on emotion but on facts and reality. Iyon po.

RICKY:
Ang Communications Office po ba, ang inyo pong tanggapan din, kayo, Sec. Kayo ba ay nag-iisip ng mga—well, paano bang term, for lack of better term recalibration ng inyo hong approach dito. Kasi alam n’yo sa nagmamasid na kagaya ko parang iniisip ko, you have a president na napaka-transparent na talagang minsan — na talaga naman hong taken out of context pati iyong kanyang latest issue sa US. Kayo ba ho ay may adjustments na gagawin para din po—

SEC. ABELLA:
I suppose sa media—

RICKY:
Sec?

SEC. ABELLA:
Ganito po iyan: first and foremost, PCO is under Sec. Andanar and so ano po iyan… that is his administration. And he is really working excellently and overtime para magkaroon talaga ng clarity, magkaroon ng valid, ng talagang solid support system ang President. Tatandaan po natin less than a hundred days pa po tayo and there is an adjustment and a learning curve. But anyway, Sec. Martin has been doing an excellent job in really managing the press. Kasi siyempre halo-halo iyong trabaho niya – administrative, saka ano pa po, actual press management. But he is doing—actually we has a number of plans po in the pipeline regarding this. And like you said including social media ang everything. So ang ano ko po rito is I’d like to completely encourage it lalo na po iyong ating mga netizens, iyong ating mga social media warriors to continue to engage in us. Pero kumbaga less combative, less confrontational, but in a more civilized ways para iyong ano, iyong ating mga—magkakapatid naman tayo eh. Hindi naman tayo magkalaban.

RICKY:
Saka para kasing nangyayari, Sec nga ho ngayon, I agree with doon sa ilang mga analyst battle up narratives, Sec. Battle up perception na parang kailangang lagi kayong nakahabol sa Pangulo kasi iyong konteksto ay mahalagang-mahalagang naihahabol sa komunikasyon, Sec?

SEC. ABLELA:
Opo. Pero in the other hand, I suppose you noticed that we established such a—from the Office of the President, we try to be as clear and transparent as possible. Ang role ko naman po kasi, is slightly different ‘no. Iyong role ng PCO is different, they report on the activities of the government. Iyong role ko naman po is to basically articulate what the President said. Kumbaga, to give an authoritative interpretation of what he said. So—and we try to do that part.

RICKY:
Iyon ho bang PR, well alam ko rin na allergic din dito ang Pangulo, ayaw niya iyan. Ito po ba ay… kasi parang may lumalabas ho ngayon na parang late na kung sakaling i-ano pa iyong sa public relations ng Pangulo. Sakop n’yo po ito o sa Communications Office na rin ho iyon, Sec?

SEC. ABELLA:
Ano po siguro. Basically sa Communications Office po iyan, although we may have some interactions regarding that matter. Pero ano po—what’s specific—eh kayo matanong ko kayo, what specifically do you think he needs PR on? Kasi unang-una, talagang the President kasi is not your… he is a… kumbaga such an end disruptive technology siya eh, di ba. He is really in a sense an unknown quantity except na ang malinaw na hindi siya ano… there is one thing very clear about it — he is not here to serve himself, but he is here to serve the nation. So siguro po ang mare-request especially sa to those who are saying that there are conflicting narratives, maybe it’s simply because we have also different stories about the nation to tell. Pero kung magkaroon po tayo ng one narrative about one nation, which is an overarching narrative ‘no, na goes beyond personalities, ano ba talaga ang gusto natin sa bayan. What do we really want? You know. Eh kung babasahin kasi natin si President, if we read his narrative, he is all for inclusive social justice. You know, he wants a just society and apparently some people want to keep the status quo. So magkaibang narrative po iyan, hindi ba? Magkaiba iyan.

RICKY:
Sir, final point po ako at maganda ho iyong mga binabanggit ninyo. Ito pong latest na—well sa mga anggulo po ngayon, pagpapalayas sa mga Amerikanong sundalo ho sa Mindanao ng Pangulo. Ano ho ba kuwan nito, ano ang konteksto ho nito at ano ang kasunud nito, Sec?

SEC. ABELLA:
Sir, ang context lang talaga niyan simple, napakasimple. At ngayon lang talaga nagiging malinaw iyan. Bakit kinukuwento ni Presidente iyong tungkol sa Bud Dajo, iyong massacre ng 600 Moros in Sulu. Bakit niya binabalikan iyan? Kasi po apparently, in the collective memory of Muslims, buhay pa siya. Hindi nila pinag-uusapan sa atin pero sa kanila buhay, buhay na buhay. At para po sa kanila kasi, if you remember, talagang nagtatanim yan at pag hindi siya na-address hindi siya nawawala. So sa mata po ng mga Muslim, mga Moros of the south, buhay pa iyang isyu na iyan at alam nila kung sino ang nag-perpetrate niyan, ang gumawa niyan mga Amerikano. Ngayon para sa kanila hindi pa settled iyong kasalanan nung mga Amerikano sa mga Muslim. Eh ngayon naman ang nangyayari, tayo nakikipag-ugnayan sa mga Amerikano. So lahat ng ating mga efforts towards the Muslims becomes suspect, duda sila ngayon. Kasi sabi nila hindi pa nga—hindi nga sine-settle sa amin ng mga Amerikano, ngayon nakikipag-ugnayan kayo sa kanila. Eh how can we trust you? So iyon ang sinasabi ng ano… ng Presidente.

RICKY:
And you are talking of human rights?

SEC. ABELLA:
This is human rights from a different pers—from Malay, Asian points of view. In a sense, yes there are universal human rights. But the cultural values of the Moros and the Muslims have also to be addressed with equal gravity. So iyon po iyon, basically that’s the context. Meron pa po ako masasabi pero sa susunod na lang.

RICKY:
Sec. thank you very much po. Salamat sa inyong pag gising ng maaga at pagsagot sa aming tawag. Good morning po, Sec.

SEC. ABELLA:
Good morning.