Interview with Presidential Spokespeson Ernesto Abella
DZMM – Konsyumer Atbp.
02 September 2016
ELCHICO:
… sunod po natin si Secretary Ernesto Abella, ang Presidential Spokesperson. Once and for all let’s clarify, iyong state of lawlessness po ba ay nationwide o Mindanao lang. Magandang umaga po, Secretary. Si Alvin, kasama ko po si Atty. Ann Claire Cabonchan ano po. Ano po ba iyong state of lawlessness? Is it Mindanao-wide or nationwide?SEC. ABELLA:
Ganito po iyon, ano po siya—because of the heightened security issues, iyong state of lawlessness, ang coverage po niya is for Mindanao and the rest of the nation.

ELCHICO:
So it means nationwide.

SEC. ABELLA:
Opo.

ELCHICO:
Oo sa buong bansa, kasi kanina parang nagkaroon lang ng kalituhan. Kasi noong una in-announce buong bansa sabi ni Presidente, pero I think someone said na hindi, Mindanao lang. Now you’re saying once and for all, Mindanao and the rest of the country.

SEC. ABELLA:
Oo, ganoon. Opo.

ELCHICO:
Is there a signed document related to that?

SEC. ABELLA:
Ah, maglalabas po niyan, we are expecting something from the Office of the Executive Secretary.

ELCHICO:
Okay, so maglalabas anytime today ng dokumento.

SEC. ABELLA:
Opo.

ELCHICO:
Okay. Sa ating mga kababayan siyempre, sa mga laymen kagaya namin, ano pong ibig sabihin niyan? Anong impact niyan sa buhay ng ordinaryong Pilipino sa Mindanao at sa buong bansa, Secretary?

SEC. ABELLA:
Wala naman po siyang ano, basically it’s just a referral lang to situations regarding peace and order lang po iyan ano, and national security issues. Iyon po ay basically devoted to that.

ELCHICO:
Hindi, puwede ko po sabihin may makikita ba kaming mas maraming pulis ngayon sa mall? Halimbawa pupunta ka sa Megamall later or sa Mall of Asia, mas marami ba dyan mga (unclear), ganoon ba iyon?

SEC. ABELLA:
Hindi naman po, not necessarily. Hindi naman po siya—iyong lang ano po sila, siyempre mayroon naman silang—iyan ‘no, like for example iyong nangyari sa Davao, it has to do with certain elements na being considered, so it should be focused on certain personalities that are already – or being pinpointed that can be connected to the situation at hand.

ELCHICO:
Opo. Pero bakit po kaya sa buong bansa? Ang ibig sabihin is, is the government, iyong national government is expecting separate attacks or terroristic activities in other parts of the country also? Kasi kaming mga mortal o mga laymen, hindi naman namin alam iyong mga intel na iyan eh. Kayo ang nakakaalam na nasa gobyerno.

SEC. ABELLA:
Ano basically lang po siguro, there’s no need to panic about that, there’s no need to be extraordinarily concerned. Conscious lang tayo, pero these are ano po, basically correlated lang po siya sa mga security issues – anything to do with security issues.

ELCHICO:
Will there be more checkpoints? Para lang din po hindi magulat iyong ating mga kababayan ‘pag mayroong checkpoint sa kanto nila or sa dito. Sa Metro Manila po ba, magkakaroon ng mga ganiyan, or it will be limited in Davao or Mindanao?

SEC. ABELLA:
Mainly at presently, it’s limited to Mindanao, and basically Davao. Opo, presently ganoon po siya.

ELCHICO:
Okay. Iyong Presidente po, mayroon po ba siyang parang timeframe para siguro from now until next week, or indefinite iyong state of—?

SEC. ABELLA:
Ah hindi naman. Hindi naman po siguro. I think there are certain parameters ‘no, hindi ko po—ang hindi ko lang po—it’s not in front of me right now iyong mga detalye, but there are certain parameters for the declaration.

ELCHICO:
Okay. Tapos may isa pa po. Well sasamantalahin na po namin Secretary, nandiyan ka na eh. sabi daw pati iyong army, aasahan po ba natin na may makikita kaming army na magbabantay sa mga kalsada maliban sa mga pulis? I think related sa earlier question, but this one is saying—

SEC. ABELLA:
Opo. Basically kasi po, parang the army is going to be—it’s being requested to assist the PNP in the carrying out of the PNP directives.

ELCHICO:
Okay, and related question na rin. The President has already cancelled his trip to Brunei, iyong sa Lao po at sa Indonesia, may word na po ba doon?

SEC. ABELLA:
Ah, tutuloy po siya doon.

ELCHICO:
Ah tutuloy na siya, so that is the final word. Ang cancelled lang, Brunei.

SEC. ABELLA:
Ah, iyong Brunei lang po ang ki-nansel dahil siyempre may mga detalye na ‘di maharap dito, pero tuluy-tuloy naman po. Those things are under control.

ELCHICO:
Right. So anong petsa po aalis ang Pangulo?

SEC. ABELLA:
Ano po, iyong—honestly, we’ll be there on time po sa Monday meeting.

ELCHICO:
Monday, ah so—ah okay. Puwede siyang umalis ng Sunday or Monday din ano, kasi malapit lang naman?

SEC. ABELLA:
Opo.

ELCHICO:
Okay. Maraming salamat, Secretary. May gusto pa po ba kayong sabihin sa ating mga kababayan, kasi ‘di ba ang pinaka-underlying message is everything is under control, there is no need to over react. Anong gusto ninyong sabihin sa ating mga kababayan, Atty.?

SEC. ABELLA:
Opo. Unang-una po, huwag po tayong ano, huwag po tayong—you know, let us not add to the general discomfort ano. Kasi ganitong nagdadagdag, may mga text messages na kesyo ganito, kesyo ganiyan, eh hindi naman po mga founded talaga iyan ‘no, on—anong tawag dito? Actual intel, mga kuru-kuro, sabi-sabi. So basically, ang ano lang po is remain calm, do your work, be conscious, encourage one another, be happy and let us support the vision of the—your administration.

ELCHICO:
Si Doris Bigornia po ay may pahabol na tanong, pakitanong daw kay Secretary Abella about the 4 p.m. memorial sa blast site. Mamaya, there’s going to be some sort of activity there, so pupunta ang Pangulo?

SEC. ABELLA:
Hindi ko po alam kung ano iyong ano, details regarding that. Pero nakapagbisita—I think he has already supervised it from a distance, iyong actual site.

ELCHICO:
Okay. So wala po kayong impormasyon kung matutuloy ang Presidente mamaya ng alas kuwarto doon sa blast site? Okay.

SEC. ABELLA:
Opo, wala po.

ELCHICO:
Thank you. Maraming salamat, Secretary Abella.

SEC. ABELLA:
Yes, maraming salamat din po.

ELCHICO:
Secretary Ernesto Abella po iyan, ang Presidential Spokesperson.