Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his visit to the Philippine National Police Regional Office 12 (PRO 12)
Brgy. Tambler, General Santos City
23 September 2016
Salamat.

Secretary Sueno, Governor Mangudadatu, Governor Solon, Mayor Rivera, Police Deputy Director General Uyami Jr., Police Chief Supt. Cedrick Train, the officers and men of the Philippine National Police, the officers and men of the Philippine Army, the Armed Forces, mga kababayan ko.

Could anybody, give the tikas pahinga order please?

[Speaks Bisaya]

I’d like to make an explanation to the Filipino people. Hindi masyado tayo… eh trabaho… You know, when I was mayor for 23 years sa Davao, maraming namatay. And I was one of the favorite whipping boy of De Lima about the human rights.

‘Nong kasing na-OIC ako, right after the EDSA Revolution, ‘nong na-mayor ako, magulo ang Davao. Lahat nandoon. And what is really worse at that time, it was a very bad policy but… well we thought at that time that it was good, every Filipino or foreigner, for that matter, would go and say that he is a anti-communist. ‘Yung Alsa Masa binigyan ng mga armas. Arms were freely given to everybody and when the, there was a slowing down– kasi sa Davao, alam mo nagpalayo ‘yung mga komunista. It’s… Wala na tayong panahon mag-istorya kung bakit.

Ang na-problema ko ang mga hoodlums. Then, the shabu substance came into being. Hirap ako, so sabi ko: ‘Yung mga durugista, ‘yung mga kidnapper, ‘yung mga hold-upper, murder for hire, umalis kayo ng Davao kasi… pag ayaw ninyo. Papatayin ko kayo. At ‘yung ibang umalis nga, buhay ‘yung iba. ‘Yung hindi naniwala, patay.

There is a problem. Kasi lahat kasi ng namatay binibilang… well politika una ‘yun. It started with politics. ‘Yung lahat na namamatay diyan pati ‘yung nasagasaan, kukunan ng picture, padala ni Nograles doon kay De Lima, magkaibigan naman sila. Pareho silang pangit.

So, De Lima kept on hammering on me, due process, due process, extrajudicial killing. And I was the one of the few mayors na na-national. And only because I was a criminal killing a criminal.

Ngayon, bakit sa Davao nahinto ‘yung droga? Nahinto ‘yung… at least barest minimum. Bakit ang Davao naging one of the safest city in the world? Bakit ang Davao ang negosyo pumasok at makita mo naman ngayon. Bakit ang Davao ang mga tao doon medyo disiplinado, walang suplado? Bakit kami sa Davao naka—Ang pakisama namin sa Moro pati Kristiyano maganda. And one of the reason really is that parang neutral ako in the sense that makalapit sa’kin because my lola was a Maranao, my lolo was a Chinese, but my father was a Cebuano.

So ‘yun ang sikreto ng Davao. Ang unang umalis ang komunista. Kasi, kasi ang pag-isip ko rin noon parang sosyalista. But, the Communist Party of the Philippines is the extreme and they want to get government by armed struggle.

So, kami ang pagka-sosyalista namin, dito lang kami, maybe off-center because my father ventured in Mindanao, nag-asawa siya dito, Mindanaon. But we were really very poor. So I grew up in an environment of, hindi naman talaga ‘yung gutom, pero hirap, hirap.

So madali kong maintindihan ang mga komunista. And as a matter of fact, last night I was talking with Jalandoni because we were talking. Naintindihan niya ako kaya ako nakapag-punta ng Sarangani, sa bukid, kunin ko ‘yung mga nabihag na pulis, na army because I could talk sense to them.

Bakit ba tayo magpatayan na pareho man tayo pobre dito? So why do you have to whip on? But those are the things na limitado ako kasi mayor lang. Ngayon, naging Presidente ako. Bakit maraming patay? Na ngayon lahat ng patay– Kaya ako galit, kung nakikinig kayo, mga foreigners, ganito ‘yan, makinig kayo ha mabuti ha, ang hina pa naman ng utak ninyo. Bwisit kayong lahat. Kasi ‘yung kung ako ‘nong mayor sa Davao, ito ‘yung sinabi ko, hindi naman ako gago magsabi “patayin mo.” At alam ko na nag-aral kayo lahat. And you know the circumstances where you can kill a person legally or any other thing would be illegal, extrajudicial, ‘yung tinatawag nilang salvage.

Sa Davao kasi ganito: Hanapin ninyo ang mga durugista, mga kriminal, mga hold-upper, kidnapper, hanapin ninyo, arestuhin ninyo. Pag ayaw mag-surrender at lumaban and they present a violent resistance, and if you think that life, your life as an arresting officer is in danger, shoot them dead. Period. That is the order until now sa inyo.

Kaya sa Maynila, sabi nila, “Bakit patayan? ‘nong nag-umpisa si Duterte?” Kasi ang pulis takot. Alam ko, 23 years ako, ang pulis pag nademanda on the day na– Alam mo ang mga abugado ganyan. Abugado ako eh. Pag nademanda ka ng pulis, mag-counter charge, at minsan ‘yung hearing sa pulis, ‘yung dinemanda niyang kriminal na last to be heard. ‘Yung demanda ng kriminal sa kanya nauna and he gets suspended and that day, meron pang officer, after two years but that day wala nang trabaho, wala ng pagkain. Wala ng–

Hindi naintidihan ng mga loko-loko eh. Kaya ang mga pulis takot. ‘Nong ako na ang nag-Presidente, sinabi ko, “Go out, anuhin niyo ko, go out and hunt down the criminals, arrest them, and if they offer a violent resistance, and you think that life, ikaw ang mamatay, kung hindi siya, t*** i**, patayin mo sila. ‘Yan ang order ko sa’yo.”

That has not changed. Pag sinunod ninyo ako, wala kayong problema, ako ang bahala sa inyo. Hindi ako papayag na may militar o pulis makulong dahil sa utos ko kasi ang bayan natin hirap. Hirap na hirap ang bayan natin sa droga.

Santiago, he’s an officer ng Armed Forces, sa PDEA siya. I do not [have] reason to doubt about… Hindi naman niya ako personal kalaban. He told us that there are three million addicts now in the Philippines of late, huwag mo na lang bilangin ‘yun.

‘Yung 700,000, it’s going up, it’s gonna reach a million mark by the end of this month. One million drug addicts plus three million ‘nong sinabi ng PDEA. Ilan ‘yan? Four million.

Nag-usap kami ni Widodo doon sa ASEAN Summit. Sabi ni President Widodo, we have same problem. I have 4 million addicts but there are about almost… the largest but ang Indonesia has about 300 million people, tayo 104 nearing the 4 million mark.

Itong mga puti, ang utak talaga puti. [inaudible] loose pad. Walang dugo na– they cannot understand na ako hirap na hirap masyado dito ngayon. What am I supposed to do with the 4 million? Sabi naman ng ano, easily done. Kindly record it and give it to the idiots. Why is Duterte killing them? Send them to rehabilitation.

Sabi ko, they do not know or they do not pretend to know or they are ignorant really that in any government, there is the fiscal year January to December and at that time, it was Aquino itong budget kong pinapatakbo ko sa inyo, was a budget that was prepared by Aquino the previous year to be implemented this year and the budget next year is being prepared now for implementation next year.

Nobody but nobody at that time knew the magnitude of the contamination of drugs. Remember that I am a midstream President. Pumasok ako ang budget umiiral na. Sila ‘yung gumawa and I do not have an idea na ganun pala karami ang tama natin. Tama ‘yang DOH, wala silang budget niyan, even the DSWD simply because this budget now does not contain the following expenditures.

Hindi ako makakuha niyan kung mag-utang because that would be illegal. May ibang budget doon sa ibang department, igastos ko para sa rehab because that would be just like stealing from Peter to pay Paul, ika nga sa idiom. Eh yan naintindihan nila, daldal ng daldal p******* ina. Ngayon, hinintay ko lang. Nung sinabi ko na, ‘De Lima, you better hang yourself,’ alam ko na and that is why I am now—

‘Yung mga human rights, halikayo. Halikayo. So I would be inviting the Human Rights Commission, the EU, Obama if he wants to come here, si Ban-ki—sabi ko Ban Ki-sun, Ban Ki-moon pala. Ban Ki-sun, Ban Ki-sun, sun and moon kasi so I apologize for that faux pas. If you read it then it’s faux pas. It’s pronounced fō-pä.

‘Yan ang totoo. Ngayon alam ko na. Sinong nagpatay? May mga patay, marami, and legitimate police action. Meron din napatay ang mga military sa Mindanao it’s a purely military undertaking a police action. ‘Yung iba,’yung binabalot, sinong nagpatay? Alam mong marami silang karibal. The most—sabihin niyo ito sa mga—p***** ina bantay kayo sa akin pag ano ninyo dito.

‘Di ba nila alam na pati mga police generals at police involved? At lahat ‘yung pinatay, nagpatayan sila because unahan na nila kasi these guys will be his killers. Nagpapatayan sila kung sinong [inaudible] kay Garbo, sinong [inaudible] kay Loot.

Did it ever occur to you that there was also a silencing stage for them? Mostly sila-sila lang pero ang patay na [inaudible] tinatapon nila kay Bato, sa akin, sa pulis. I mean,
How stupid can you really get? Ang sabi doon, bakit mo iniinsulto?

Si Duterte, sabi doon sa EU, Europe, pinaka ‘unpopular’ daw ako. G*g*. Tapos na ang eleksyon, nanalo na ako dito. Ang boto dito, unpopular ang gusto mo. Hmm, parang buwang. Unpopular ako. And so? Tapos naman ang election, 6 million nga ang margin eh tapos hindi daw ako statesman. Excuse me? Hindi daw ako statesman. Ang pagkaalam ko, tumakbo ako ng Presidente, wala mang posisyong statesman doon sa’min bakit mo ko pipilitin maging statesman? Madumi raw ang bunganga ko. Eh kasi tar****do kayo.

You know you get a retort from me that’s really b**** s***? Because you are also b*** sh**ing us. ‘Di pa nga nila alam kung sinong nagpapatayan, why do you attribute all the killings in Manila to the police and me when as a matter of fact, you know that there were gangsters, including police generals.

‘Yung unang birada, ‘di binabalot ng plaster sabi ko that is not the job of the police to make mummies. Sa Egypt lang ‘yan noon. Bakit mo gawing—sayang-sayangin ang panahon? Why would we waste our time wrapping a body with—to make mummies out of those—kaya ako galit. Ako pagka you just treat me fairly, wala talagang– nagpaka kumbaba ako. Alam mo naman ako eh, kung dito ang tao, dito ako. Kung dito, dito ako. Wala akong pakialam. Nagse-sir ako sa inyong lahat, mga officials.

How do I address you? ‘Sir.’ Kasi tayo, ako naman from the ranks din ako so nasanay ako mag sir. Nasanay ako. Pag ano ako—eh kasi tayo, ako naman din ano, from the ranks din ako eh so nasanay ako mag ‘sir’ nasanay ako. Pag ano ako Fiscal, Special Counsel 7, 6, 5, 4, 3, 2. Pag 2 noon naging OIC vice mayor ako ng Davao. So buhay ko, nagse-sir ako. Pansinin niyo mga pulis . ‘Ma’am,’ ‘Sir.’ Marunong ako magrespeto sa kapwa ko tao.

Pero itong mga, lalo na itong mga mayaman, o kaya itong mga hambugero na mga ibang ano pag ikaw, Amerika. Si Human Rights. Sa Charlotte na ‘yan state of emergency, daw. Bakit? pinagbabaril ’yung itim. Basta may nakikita, bang. Kaya sabi ko si Bato magprepara kung sinong general ipadala mo doon sa Amerika. Rapporteur, paimbistigahan mo rin, interesado tayo bakit pinagbabaril nila ‘yang mga black people sa Amerika.

Gano’n ‘yang Amerika eh. Pointing at us, ‘di niya alam that [inaudible] pointing at the face. Ikaw, Duterte. Eh di ikaw rin. Double barrel. P***. So what kung ayaw nila? May China and Russia, punta na nga si Bato. Nagpunta na si Bato doon sabihin ko sayo, punta ka do’n (Speaks Bisaya)

Nakabalik na. O Bato, saan? ‘Sir, naalatan na sayo nabuwang na ta dito nalang ta,’ Isa ka pang intregador. Mamaya sulsulan nitong Amerikanong coup d’etat, coup d’etat dito.

Ibig sabihin, before you condemn, you know, men, pakinggan niyo ito ha. Men judge best when they condemn. Pinakamahusay manghusga sa tao, lalabas ‘yan lalo na ‘yang husga na ‘yan kasamahan sa [inaudible] before conducting—

De Lima, sino ba nang– Human Rights, senador wala namang finile sige yawyaw sa akin. Ayaw ko naman siyang patulan kasi pangit siya. Baka patulan ko, tapos sige mag-usap tayo Mayor. Sabi ko, ‘Saan ma’am?’ Ikaw kung saan mo gusto. Alam ko na noon pa. Ito alam ko na. Pag sinabi ko, De Lima, I am listening to you. Hindi niya nakuha eh, akala niya siguro nagbibiro ako. Hindi niya akalain.

Eh alam mo when you get to be President, marami na ring ibang bansa na—sige kaibigan tayo. So alam ko na. kaya sabi ko, De Lima, [inudible] pag sinabi ko, go hang yourself, ‘yun na ‘yon. Dumaan na sa kamay ko. Pero hindi ako ang nag—hayaan ko sila Vit Aguirre. Siya ‘yun.

So ganito ‘yan. Be careful, kayong nasa likod magkakaproblema kayo nito, kami hindi na masyado. Narco-politics has entered the Philippine democracy. Bantay kayo diyan kaya hindi ako pumayag na mag-eleksyon ngayon. Kasi yung mga mayor, governor na sabit, they would still have the money to spend and be in power. Pag hindi pa—if we cannot destroy the apparatus now – kayo, kayo, tayo, the next generation will be compromised.

Ang mga anak ninyo na mga high school ngayon, huwag na ‘yan sa college hindi na masyado pero delikado pa rin. Ang mga apo ninyo. Sabihin ko sa inyo, pinaka ano sa tao ‘yung ano ang apo natin. Hindi pa nga tayo sa anak natin eh, apo. Basta apo. Isang araw makipaglaro sa apo mo, maligaya ka pa. Kaya sabi ko sa lahat, I will end by saying– Hindi pa pala, ‘wag munang end. How many are the awardees? Ilan ‘yung dumaan ditto? You will get 200 thousand each [applause].
Mamatay pa, marami pa diyan. Ah basta, remember, if I have time, you listen to me, sino ba nag-aral sa Davao ng Basic Police Course? Officers Course? ‘Yung dumaan sa lecture ko. May notes pa ba kayo? ‘Yung matrix ko? Makinig lang kayo.

Mayroon ako kasi, you know, when I got married I passed the bar — bar 72, class 72 ako eh. Nung nag-asawa ako bigla, nagka-anak ako, hindi ko akalain na mahirapan ako sa– so I have to teach diyan sa Police Academy sa Mintal. So 1973 hanggang ngayon nagle-lecture ako. Pag mag lecture ako sa inyo tignan ninyong mabuti kopyahin– tignan ninyo ‘yun matrix na dumaan sa akin. It’s about one hour, one hour and 30 at the most ,makinig kayo ‘yun na ‘yun. ‘Yun na ‘yun ang buhay niyo pagkapulis. Alam mo na lahat, sundan mo lang ‘yung akin ganun lang naman ‘yan. Arrest with warrant, without warrant, with warrant or—without wrrant, 8, 80 and 36 tapos ‘yun , filing of case wala ng basa-basa. Alam ko naman na hindi kayo nagbabasa noon. Basa-basa pa dyan. Ito Binisa lang, pero ‘yun na tapos. Search. Arrow with warrant, description, president ‘sakli na ‘yan. Without warrant hot pursuit, dito ha, escape eskapo. Ayan ‘yan about 30 minutes,’yun na ‘yun pulis pagka pulis.

Tapos dito,kasi bigyan ko ito mga military ng because the advent is, next is terrorism, hindi na masyado ‘yun ‘nun parang, if we get lucky to have a peace agreement with the communist then they would–ito labanan ito ng covert, bigyan ko ‘yan sila ng Glock magbili ako ng lahat lahat ng pati sundalo bigyan ko ng Glock. Kasi kung wala na ang kalaban magkita kayo sa bayan mag-inuman yung pulis dito,mag-inuman ang sundalo doon pagkatapos mag barilan ‘yan sila. Parang mga g*** p******-ina. Ang basa ko ngayon diyan army and police, buti hindi ko inabutan sapakin ko. Eh mag-inom pag gumanon edi hulog sa—sabagay [speaks Bisaya]

Awarding-awarding asan ang award ninyo (Speaks Bisaya).So bigyan ko sila because the next generation is terrorism hindi muna, I can not discuss the things that we want to do. It’s supposed to be public but mainly, it’s gonna be something like a covert operation. Crime and detection ‘yan. Ang kalaban mo diyan, isa, dalawa, tatlo. If ever may encounter ka sa bukid, that would be more than 100.

But be careful kasi itong komunista, mabilis ‘yan. Itong sila, static ‘yan just like in Jolo. Basilan is very small. If you get about 10 batallions—I’m going to get something like, Lorenzana is asking 20,000 additional troops. Ako I would like, by next year tapos n asana. I don’t know how many months ‘yang sa training. Basta I would have something like about 10 to dito, mobile to rural–urban terrorism. But that would be our planning in the days to come before Christmas.

So maghintay lang kayo. You just do your work. Huwag kayong matakot. Huwag kayong magtakot na ano… Just remember the guidelines. I gave you the standard. Only if, pag tingin mo… in the convention by the chiefs of police sa Europe pati sa America.

Sa America ngayon, pag sinabi down ka, down ka talaga. O, hands up ka, pag nagkamali hands up, tapos ang kamay mo nagtravel sa bulsa. They are agreed now na– violation ng human rights.

It is now agreed amongst them, na any overt action, pagsabi taas ang kamay, tapos magbaba ang kamay mo, kung saang bulsa, maski na kamot ka ng itlog mo kay makati, ah p***** i**, patay ka.

So ‘di ba, malaman mong, pag magbunot nang ganon, huwag ka na maghintay. [Speaks Bisaya] Wala ka ng panahon mag-ano. You know if you kill a person on a judgment, wala kang malice, except that you thought, at that time that you were in danger, that is good faith. Wala talaga ‘yan. Nag-aresto ka ng ganon tapos nagkamali ka. You just… ito lang ang remember mo ha—

It’s always a… gamitin ko na itong figure ha. You are the policeman. Ano ka? At that time sa engkwentro, were you a policeman or not in the performance of duty? Meaning to say, kung ikaw ang pulis nakaharap mo ito, nagkabarilan kayo. Ano ang sitwasyon mo noon? Nagtatabraho ka as a police in the performance of duty, ‘yun ‘yon. Ngayon, ikaw pulis, at that time nagkabarilan kayo, ano ka? Wala, nag-happy-happy. Kaharap ‘yung army, t*** i** nag-agawan ng mic, nagbarilan. At that time, ano ka? Were you in the performance of duty? No.

‘Yan ang… Ngayon ikaw pulis ka. May terorista dito, drug addict, binaril mo, naka-auto ka, tumama dito, sampung tao patay. You are… you were engaged in a terrorist. Are you responsible for the killing here? No. Why? Because collateral damage ‘yun. You were in the performance of duty. You could not have stopped the bullets and you have every right to defend yourself. Performance of duty and self-defense.

Ikaw pulis ka [Speaks Bisaya]. Sibilyan nag-away nibaril nimo. Are you in the performance of duty? Ngayon nagbarilan kayo doon sa kristo. May namatay dito tindera, marami man ‘yan sabungan, lumusot ‘yung bala mo. Liable ka dito? Yes. Because at that time, you are not in the performance of duty. That’s about it.