FLORES:
Kunan po natin ng reaction at karagdagang mga impormasyon ang Secretary ng Presidential Communications Office, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga po, Secretary Andanar.
SEC. ANDANAR:
Magandang umaga Ka Kiko, at magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa iyong programa dito sa DZBB.
FLORES:
Well marami ang mga magtatanong katulad ng mga mamamayang kagigising lamang Secretary Andanar, dagdagan mo nga po ang impormasyon na dapat ay malaman ng ating mga listeners. Of course labinlima na iyong nire-report initially na nasawi, habang may tinatayang animnapung sugatan sa pagsabog sa Roxas Night Market sa Barangay Sta. Ana sa Davao City, alas diyes y media kagabi.
SEC. ANDANAR:
Actually Ka Kiko, Francis ‘no ay it was just one of those normal busy nights sa Davao City. Magkasama kami ni Ka Ernie Abella, kasama ko rin si Secretary Wanda Teo doon sa may kaka-inaugurate lang na PAL office doon sa tapat mismo noong kung saan nangyari noong pinangyarihan ‘no ng pagsabog kagabi. And then, in fact kasama pa namin si Direktor Brillante Mendoza because dapat nga ay ilulunsad namin iyong bagong advertisements.
So anyway, we were almost there sa pinangyarihan during that time kasi nagkayayaan na after noong PAL inauguration nagkayayaan para umikot doon sa night market ‘no.
FLORES:
Naintindihan ko iyan, lalong-lalo na ‘pag mga ganiyang—‘pagka natatapos ang event eh ang puntahan eh iyong lugar na iyan, at saka lalo iyong fruit stand. And, mayroon pong—iyong kanina na alas—4:30 in the morning, si President Duterte in an ambush interview or mini conference na nangyari malapit diyan sa pinangyarihan ng pagsabog, ay mayroon siyang sinasabi that he might declare a state of lawlessness. Mayroon ka na bang mga additional inputs on this?
SEC. ANDANAR:
Well, nagkaroon kami ng pagpupulong doon sa opisina ng Davao City Head of Police ‘no, Chief of Police at napag-usapan nga iyong mga hakbang na puwedeng gawin pagkatapos sumabog iyong bomba. At mahigpit—o ngayon, nabanggit mo nga sa latest ‘no, kinse na iyong patay at madami pong sugatan, at napag-uusapan doon iyong possibility na maulit ‘no. Kung mayroon pang maghahasik ng ganitong lagim sa iba’t ibang lugar, ay mapipilitan po si Presidente to declare sa—to declare state of lawlessness ‘no.
Kasi alam naman natin na ang ating gobyerno ay nasa gitna ho ng laban kontra terorismo dito sa Jolo, Sulu, at alam din naman ho natin na mayroon din ho tayong laban kontra sa iligal na droga. In both fronts, iyong mga kalaban natin ay armado ho ‘no, iyong mga (unclear) ‘no kaya nabanggit iyan ni Presidente Rody Duterte.
FLORES:
Alright. Gusto lang malinawan dito, maliwanagan Secretary Andanar, hindi naman talaga dinedeklara ni President Duterte pa iyong state of lawlessness ‘di ba? Tama po ba?
SEC. ANDANAR:
Opo, hindi pa. Hindi pa naman. Ano lang ito, kapag nag-e-escalate po iyong problema. We hope and pray that it does not escalate, and one way for us to avoid it is for…(phone connection cut).
FLORES:
Teka, naputol si Secretary Martin Andanar. Mga kapuso, babalikan po natin siya.
Secretary, nililinaw mo pa rin bago ka naputol, ang paglilinaw na hindi naman idinedeklara pa itong state of lawless violence.
SEC. ANDANAR:
Oo, tama ka Francis ‘no, hindi naman dinedeklara pa. Ito lamang ay inanunsiyo. At sinabi ng ating Pangulo at—with the conditions na kung mag-e-escalate pa iyong problema. And one way to avoid it, is for us to practice our civic duties as responsible citizens by helping the authorities also ‘no, by reporting untoward incidents, or seeing any suspicious act or the move by people that you don’t even know. Iyong mga ganito po ay kailangan i-report natin agad para matulungan rin natin ang ating mga kapulisan at ating Armed Forces of the Philippines ‘no.
FLORES:
Secretary Andanar, hindi naman binabanggit,m ina-identify ni President Duterte na ang kaniyang ipinatutungkol dito sa posibleng mga suspect ay ang ASG o ang Abu Sayyaf Group. Sa palagay mo, kung—idinadagdag niya doon sa kaniyang statement dito sa—he might declare a state of lawlessness. Ang sinasabi niya ay binibigyan na niya ng laya ang military at ang pulis na gawin ang kanilang aksiyon upang ma-deter or kaya’y mahinto, maunahan, magkaroon ng resulta itong pangyayaring pagsabog diyan sa Davao City.
SEC. ANDANAR:
First and foremost, is to get the bottom of the investigation, kung sino may kagagawan nito, by knowing fully kung anong klaseng bomba iyong sumabog at kung ano iyong mga shrapnel na sumabog ‘no, ay more or less police force at ang Armed Forces of the Philippines can identify kung sino po ito ang gumawa ng bomba ‘no. Now it’s part of the investigation, and it’s very important because ano, kasi maa-identify nga ng ating gobyerno kung sino ang may puwedeng may gawa-gawa nito.
Now based on those facts, kung halimbawa ito ay—if it falls under any armed elements in our society like for example the Abu Sayyaf or mga extremists ‘no. Then the President will decide from there kung ano na ang gagawin. At like what I said earlier ‘no, eh ito naman ay alam natin na in the context also of the recent wars that we are facing, our government is facing right now.
FLORES:
Secretary Andanar sa pangyayaring ito, maaapektuhan ba ang pagpunta ni President Duterte sa Lao?
SEC. ANDANAR:
Last night napag-usapan din natin iyan Francis ‘no, at initially some quarters in our group advised na hindi na nga pumunta. And then initially, parang nanaig iyon at eventually before I left the meeting at about 2 to 3 a.. ‘no ay iyon nga, napagdesisyunan na itutuloy ang delegasyon, 100% sa lahat po ng lugar na pupuntahan at plinano na pupuntahan.
FLORES:
I see. In other words, from the ASEAN meet eh pupunta rin siya sa Indonesia.
SEC. ANDANAR:
Opo, lahat po. So far lahat po ng plano, lahat ng lugar na pupuntahan based on the plan ay matutuloy.
FLORES:
Secretary Andanar, nandiyan ka mismo ngayon sa Davao, you’re saying earlier. Ano, kumusta ngayon?
SEC. ANDANAR:
No, I have to leave. Kakarating ko lang Maynila, kasi dapat nga hindi ako—hindi na ako babalik dapat muna dito kasi in the belief that hindi na matutuloy. Pero sinabihan po tayo ng Pangulo na matutuloy, at tayo po ay binigyan ng go signal ng grupo, dumiretso ng Maynila kasi may biyahe pa ho papuntang Brunei mamaya alas tres.
FLORES:
Oo nga, it is unfortunate na nangyari iyong pagsabog, at nakabiyahe ka na pala. Well anyway, salamat sa pagkakataong muli na idinagdag mong mga impormasyon. Sana ay makakuha muli kami ng mga updates mula sa inyong tanggapan. Thank you, Secretary Andanar.
SEC. ANDANAR:
Okay. Maraming salamat Francis, at sa lahat ng nakikinig ng DZBB.
FLORES:
Thank you. Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar. |