MERCADO:
Good morning, Mr. Secretary Martin Andanar.
SEC. ANDANAR:
Magandang umaga, Ka Orly. Magandang umaga po sa lahat ng mga nakikinig ng Radyo 5.
MERCADO:
Okay. Unang-una—teka muna, how long have you been in office already? May three months ba iyan, two months na?
SEC. ANDANAR:
Almost three months na po dahil June 30 po tayo sumumpa.
MERCADO:
Does it feel already like it’s three years?
SEC. ANDANAR:
[Laughs]
MERCADO:
Minsan eh tatlong buwan lang iyan, pakiramdam mo [ay] tatlumpung taon ka na riyan sa … dahil sa problema minsan eh kinakailangan … kailangan mong harapin. At saka walang tigil eh. Sabi ko nga sa’yo noong una, iyan ay parang alon eh – akala mo tapos na, mamaya meron nanaman. Wala kang tigil diyan eh. Kumbaga sa boksing, hindi ka pa nakakapahinga, second round, banat nanaman.
SEC. ANDANAR:
The last seven days, ito iyong pinaka-whirlwind na na-experience ko sa gobyerno. Tapos alam mo, marami tayong naging problema, marami tayong mga pagkakamali at marami rin namang mga rason kung bakit nagkamali. Hindi naman natin ma-explain lahat sa publiko iyon. Maraming pumupuna, we take all the criticisms constructively. Of course, we can justify them pero there’s no time. We just have to move forward.
MERCADO:
Nobody’s perfect. At iyan naman ang importante, you have to maintain iyong equanimity. Pero mapunta tayo dito sa kasalukuyang estado, tungkol kay—kasi kanina kausap namin iyong ina ni Mary Jane Veloso na inaantabayanan niya iyong magiging mensahe daw ni Presidente sa kaniya o sa pamilya nila. Meron ba silang naka-schedule na visit?
SEC. ANDANAR:
Ang sinabi lang po ng Pangulo ay kakausapin niya ang pamilya. Wala pong sinabi na petsa kung kailan. At malinaw din naman ang sinabi ng Pangulo doon sa statement ni President Joko Widodo at noong nag-usap sila na rerespetuhin ng ating bansa ang judicial process ng Indonesia at we will not interfere with their decision and the laws of their land. And the same way na kung mayroon pong mga mamamayan ng Indonesia na nagkasala ho sa bansa natin, they will also have to face the courts of the Philippines.
MERCADO:
Pero dito naman sa kaso ni Mary Jane Veloso, hindi ba mayroong kasalukuyang … suspended iyong implementation ng sentence niya dahil sa mayroong kaso dito, ‘di ba, kinasuhan yata iyong recruiter ni Mary Jane.
SEC. ANDANAR:
Opo, indefinitely suspended po iyong pagbitay kay Mary Jane dahil nga pinagbigyan ng Indonesia ang ating gobyerno, sa hiling na rin ni dating Presidente Benigno Aquino, kaya nagkaroon ho ng temporary restraining order sa Indonesia.
But, hindi ko ho alam kung nasaang estado na ho iyong bagong investigation, at hindi pa natin alam kung nagpasya na po ang korte doon sa Indonesia. Pero ang malinaw lang ho dito ay sa ngayon ho, ang development ay may nabanggit ho si President Joko Widodo na naka-post po sa Jakarta Post, at sinabi niya na binigyan diumano ng go signal ni Presidente na bitayin. Pero hindi po totoo na binigyan ng go signal. Ang totoo po diyan ay ang sinabi ng Pangulo na hindi siya makikialam sa desisyon ng korte ng Indonesia. He will respect the laws of the Indonesian land.
MERCADO:
So it could have been a miscommunication or misinterpretation?
SEC. ANDANAR:
Opo, misinterpretation.
MERCADO:
Okay, doon naman sa pahayag naman ng Pangulo na paaalisin ang US forces na kasalukuyang nasa … Special Forces ng Estados Unidos na nasa Mindanao. Ano ba ang maliwanag dito?
SEC. ANDANAR:
Ang interpretasyon ho dito, Ka Orly, ay ang nais lang hong iparating ng Pangulo ay iyong inungkat sa Pangulo na war atrocities or pagmamalupit po ng mga Amerikano noong sinaunang panahon na ikinamatay ng daan-daang Muslim na mga kapatid natin sa Mindanao. Wala pa hong closure iyon. Wala pa hong paghihingi ng patawad. Wala pong atonement na ginawa. Wala hong accountability na tinanggap ang Amerika so therefore, wala pong closure. At iyan ho ang dahilan kung bakit hindi po mapawi ang sama ng loob ng ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao.
Ngayon po na na-bring up po iyan ulit, eh sigurado hong tataas, kukulo ulit ang dugo ng mga kapatid natin sa Mindanao; therefore, it will put at risk the Americans, the American soldiers or, you know, the American citizens who are in Mindanao ‘no. Kaya ang sabi ng Pangulo, ang kaniyang recommendation is for them to leave the place first kaysa naman may mangyari sa kanila na masama.
MERCADO:
Parang ngang caveat, iyon bang warning na, you know, maaaring may mangyari.
SEC. ANDANAR:
Opo.
MERCADO:
So in this particular situation, mayroon—pinag-uusapan namin ni Mon Casiple kanina eh, Secretary of Defense is in … I don’t know, if has gone or is going to Pentagon and to discuss military cooperation.
SEC. ANDANAR:
Oho, oho. Kasi malinaw din naman, Ka Orly, na sinabi ng Pangulo that he will respect the treaties between us and our allies, and the agreement that we have pagdating ho sa security and defense, at hindi ho naman iyan babalewalain ng ating Pangulo. Tuluy-tuloy pa rin ho ang ating kooperasyon with our allies.
Ang interpretasyon lang doon sa sinabi niya kahapon ay mag-ingat kayo diyan sa Zamboanga, mas mabuti pang umalis na lang kayo diyan kaysa naman may mangyari pa sa inyo. Iyon lang ho iyon, hindi naman ho sa pinapaalis natin ang mga sundalo or tinatapos natin iyong ating treaties or iyong EDCA.
MERCADO:
Oo, kasi mayroon tayong mga obligasyon sa Mutual Defense Treaty.
SEC. ANDANAR:
Mayroon po, oo. Iyon po iyong malinaw doon.
MERCADO:
Okay. Well, thank you very much, Secretary Martin Andanar. Thank you very much for answering our call.
SEC. ANDANAR:
Mabuhay ka, Ka Orly. Salamat.
|