Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWIZ/Karambola by Jojo Robles, Conrad Banal and Jonathan dela Cruz
13 September 2016

Q:
Good morning sa iyo, Martin at welcome sa Karambola.

SEC. ANDANAR:
Good morning po. Sir Jojo, Sir Jonathan, Sir Conrad. Medyo mahina po iyong dating ninyo, sir.

Q:
Okay, lakas-lakasan natin ng kaunti. Balita ko nagkakaroon na raw ng reputasyon iyong inyong department na—Department of Apology na raw ang tawag diyan. Totoo ba ito?

SEC. ANDANAR:
For every mistake, you really have to apologize.

Q:
Tama rin iyan. Tama rin. Kaysa magpalusot ano ho, kaysa makipag-argue, mas mabuti na iyon.

Q:
Kasi iyong iba ay palusot.

SEC. ANDANAR: 
Ako naman ay hindi perpektong tao, at we accept criticisms from—certainly, hindi po tayo napipikon. Mali naman talaga iyong ginawa ni Asst. Secretary Mon Cualoping na tinanggal po iyong martial law doon. Nung nalaman ho natin iyon, nung nakita iyon ay kagyat hong pinabalik iyong martial law, pati iyong exile po ni Presidente Marcos sa Hawaii. Talagang mali ho iyon. At iyong nagkaroon po ng overzealous na iyong Presidential News Desk, at sinama iyong sitting arrangement na hindi naman ho dapat, dahil under the protocol hindi naman po nire-release iyong mga sitting arrangement, ay nagpatawag tayo ng imbestigasyon. At the same time I accepted full responsibility because I am the head of agency. At rest assured that these mistakes won’t happen again.

Q:
Martin, ako may tanong ako. Ano ba talaga ang pinagmulan noon, isa-isahin natin. Iyong sitting arrangement lang iyong naging controversy tungkol diyan? Saan ba—

Q:
Na pinalaki iyan.

SEC. ANDANAR:
IN every international multilateral event ay meron hong maliit na booklet na binibigay ho sa mga government officials, nandoon nakalagay iyong mga sitting arrangement, alam po ni Ambassador Jonathan iyan. And we are not supposed to telegraph it. We are not supposed (unclear) or relay them. But still we’re saying that bakit kinuha naman ng media kung sino po iyong nakaupo doon (unclear) sa Protocol? Bukod po doon ay meron pong naging Minister-to-Minister information, kuwentuhan in the staff that nabanggit doon na posibleng magkatabi si President Obama, si President Duterte, iyong Prime minister ng Lao, at iyong sa United Nations doon po sa isang (unclear). Iyon po iyong pinaguusapan nung mga—eh nagkataon po na iyong ating Presidential News Desk was there during the conversation nung ito po ay napag-usapan natin over dinner, ay became too overzealous, and siguro ang pakiramdam niya ay reporter pa rin siya, at naka-exclusive siya, sinulat. So iyon po ang nangyari.

It was a bad call, and I’d like to say na it did not go through me. I did not give any authorization. Kaya the next day when the reporters asked me about the sitting arrangement, sabi ko anung sitting arrangement? Sabi nila eh ni-release ho ng opisina ninyo, ng Presidential News Desk. Naipit po ako, hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko naman in-authorize na ilabas iyon. Sabi ki po… eh sinabi ko iyong katotohanan. Sabi ko na, there’s supposed to be a sitting arrangement na magkatabi po iyong ano, pero (unclear) to speculate, because this sitting arrangement can change at the end (overlapping voices).

Q:
Pero nakakatanggap din kayo ng mga maanghang na salita, Secretary. Sabi kasi iyong Malacañang ngayon masyadong accommodating kay Marcos, iyon ang reaksyon.

Q:
Hindi, iyan iyong pangalawang isyu. Pangalawang isyu iyong paratang sa kanila mabigat, historical revisionism.

Q:
Rebisyon ano. Ano po ang reaksyon ninyo doon?

SEC. ANDANAR:
Kung anuman ho ay pinagsabihan ko po iyong Assistant Secretary na in charge doon, pinabalik ko. And then iyon, then he (unclear) up to, siya ang may responsibility, that he was the one who did that. Hindi ho maganda, pinaimbestigahan din ho natin. So today there is an investigation, though he already expressed his apologies to the public and to those who he never—

Q:
Saka po iyong nagsulat. Asec, hindi ba, ang in-charge doon? 

Q:
Asec na ang nagsulat, na in-approve nung Asec. Ang nagsulat isang staff ng News Desk.

SEC. ANDANAR:
Isang staff po ng Strategic Communications po, in charge ng…

Q:
Tatlong portions naman doon, isa lang naman iyong medyo problemado iyon. Unang-una, ang sinabi doon ay birthday. Number two, ang sinabi doon ay longest serving president. And number three iyong tungkol nga doon sa pagde-declare ng martial law at saka iyong sa exile. Iyon lang.

Q:
Nangyayari iyan eh. Pero bakit naman revising the history na agad iyon?

Q:
Hindi naman revising the history iyon eh.

Q:
Ako, ito lang ang gusto kong sabihin, Martin. Tayo naman ay hindi naman tayo mga bagito na hindi sa naguusap. Iyong mga nagrereklamo, bakit daw iyong Official Gazette, ginagamit ‘no – dahil Diyos ko naman iyong mga nagsasabi nito, iyan iyong mga gumagamit ng Official Gazette.

Q:
Katakot-tako ang paggamit nila sa panahon nila

Q: 
Manolo Quezon ba iyan?

SEC. ANDANAR:
Ang katotohanan nga diyan ho talaga, the main role of the Official Gazette is to publish rules, regulations, laws, executive orders, administrative orders; iyon na po talaga eh. The Official Gazette is a quarterly publication. (unclear) talaga iyan, na tong sa social mfedia, this is just an extension of the Official Gazette na ito iyong binuo ni Manolo Quezon nung siya ay naupo diyan as undersecretary. So, nag-evolve na po ito eh, pero kung titingnan po natin iyong batas, dapat hindi ho talaga ito ginagawa ng Official Gazette. 

Q:
Eh ginamit nila iyan, silang dalawa ni—ang tindi nga ng paggamit diyan ni Ricky. 

Q:
Gusto ko lang balikan iyong Official Gazette na iyan.

Q:
Mga troll na iyan.

SEC. ANDANAR:
Alam ho natin na talagang hati ho ang bansa natin, meron pong pro- Marcos, may anti-Marcos. Kaya lumaki po iyong istorya, kasi nung una—I understand nakalagay ho doon iyong martial law, tapos in-omit, tapos nagreklamo, tapos binalik natin, tapos nagreklamo pa rin. And on top of that, gumawa sila – hindi ko alam kung sino sila – ng isang parody na superficial gazette, gamit pa ho iyong bandila ng Pilipinas, gamit pa ho iyong ating logo.

Q:
Mabibilis sila sa ganyan.

SEC. ANDANAR:
Oo, mabibilis sila sa ganyan. Isipin mo iyong socialite na… iyong socialist na naging socialite eh….

Q:
Wala kang magagawa riyan. Walang ginagawa iyan kung hindi sabihin na ano.

Q:
Pero ito gusto ko talagang itanong ke Martin, kaya ko pinatawagan ngayon si Secretary Andanar. Ang daming nagsasabi, Martin, siyempre alam natin kung sinu-sino, halo na lahat iyan pati iyong mga anti-Duterte, mga dilaw, kung tawagin ni Pangulo, eh talagang mahina raw iyong ating ComsGroup. Ano ang reaksyon mo diyan?

SEC. ANDANAR:
Well, talagang marami ho ang pagkukulang. Tatapatin ko na po kayo, lahat po ng by the book na nakasulat na dapat gawin, ginagawa ho natin, pero wala ho tayong pera, kulang ho tayo sa pera.

Q:
Isa iyon. At saka may appointment na ba iyong mga tao mo? Parang hindi pa rin nakaka (unclear)yata?

SEC. ANDANAR:
Meron na pong mga appointments po, at meron na po iyon sa government agencies. The elephant in the room really is the money. In the past administration, they had been spending millions and millions of pesos of PR money. (Unclear) pagka ginawa iyon. We’ve been operating for the last 60 days just using our own devices, left to our own devices na wala ho kaming pera.

Q:
You should know kung saan napunta iyong budget.

SEC. ANDANAR:
Oo, iyong first six months (unclear) kasi wala po kaming pera pang-PR, Public Relations. And that is part of the play book. And that is the reason why I get all of the flak. People are writing about my competency. You know, I wasn’t born yesterday, alam ko po iyan. But what do you do when you don’t have money? Of course you’re left to your own devices, and you do whatever you have with whatever resources you have in your hands.

Q:
Ano, iniwan ba nila diyan iyong mga equipment, kasi baka kinuha nila Ricky iyan. Tapos ang mga iyan pinagkukuha nila ha. Ang tindi din ng mga equipment ng mga iyan dati.

Q:
Government property iyan.

Q:
Hindi naman yata dumaan sa process.

Q:
Dinaan nga iyan sa credit card, ikaw naman, naalala mo ba iyon? Credit card ni (unclear)iyong pinambili diyan.

Q:
But anyway, I think you would have a very good opportunity, Martin, dahil maganda naman ang produkto ninyo. If you look at it from a propaganda perspective, you have an excellent product in President Duterte. So kaya ang napo-focus ngayon ay parang kayo, iyong pag-deliver naman ninyo ng message ni Pangulo, doon daw nagkakaroon ng problema.

Q:
Ginagawan nila ng problema.

SEC. ANDANAR:
Alam n’yo naman ho na ang ating produkto ay napakaganda ho. At alam ho natin na ang iyong ating produkto everytime nagsasalita po iyong ating produkto ay nagiging istorya, nagiging headline po iyan. Hindi ho naman iyong produkto natin na puwede ho nating diktahan kung anung sasabihin. Itong mga umaasa lang ho sa _11:59 ay sinusulat ng mga Communications Department at sa _12:05.9____po natin ay ni hindi nagpapadala eh.

Q:
May speech na nga tapos _____ pa roon eh.

SEC. ANDANAR:
So we accept criticisms constructively. But then I also address criticism that are being thrown at us, ­­­­_____there is really no rationale to it. They don’t know the story inside Malacañang and what’s happening in a room. And _____12:30.9 and we’re dealing with leader who has a very, very strong personality and quite different from the past presidents that we’ve had.

Q:
Secretary umaangal din iyong inyong principal, si Duterta na binabanatan daw siya, unnecessary, unfounded, but he doesn’t care, ganoon.

SEC. ANDANAR:
Opo.

Q:
But kayo, its your job to care as Secretary, hindi po ba. How do you assess now, ano po ba ang tingin ninyo sa media ngayon, fair kay Duterte o medyo killing a guess or killing in favor of. Ano po ba ang assessment ng inyong office?

SEC. ANDANAR:
Well, meron po namang media na fair, at meron din naman pong ibang media na—I am not saying that they are not fair, but maybe they failed to read the real message. Sinusunod po natin ang ating Pangulo. Pag nagsalita po ang ating Pangulo, tila jurisdiction or historical and social protection. So, iyon po ay nasasabi ninyo hindi naman lahat ng presidente ganoon magsalita. At pati ang Pangulo ay meron po siyang stage na hinuhugutan tulad ho sa Mindanao. At kayo ‘no, 13:54____ ng ating media kung saan po siya nanggagaling.

Q:
Saka hindi nila inilalagay sa context.Iyong mga nagbabasa, ano na lang, ang tingin nila itong is President Duterte kailangan ito, punahin natin ito, masama ang gising o iyong kanyang pag-ano ng barong tagalog, iyon lang ang mga pinag-uusapan. Hindi naman iyan pinaguusapan iyong mga laman, iyon ang mabigat, iyong policy ayaw pag-usapan.

Q:
Iyong mga kritiko sa mga maliliit na bagay.

Q:
Iyong pagmumura.

Q:
Samantalang ito, talaga naman itong presidente, ang kanyang ipinangko change eh, change nga ito, pagbabago nga ito eh.

SEC. ANDANAR:
Opo eh binoto po natin siya na ganoon ho ang ating Pangulo. And we also have to understand that our President is his own communications man. At narating niya po ang tugatog ng tagumpay itong pagka-pangulo sa pamamagitan po ng sarili niyang tactic sa media, wala po siyang inasahan. And kung tatanungin ninyo ako, bakit hindi mo makontrol ang Presidente mo, whom am I?

Q:
Hindi ka namin tatanungin ng ganoon. Wag kang mag-alala.

Q:
Iyong mga nagsasalita ng tungkol sa ganoon, hindi nila naiintindihan si Presidente Duterte At hindi nila naiintindihan iyong trabaho ng Communications Group. Hindi nila naiintindihan iyan.

Q:
So ang assessment mo, okay lang, you are doing fine sa media.

SEC. ANDANAR:
Salamat po. at nais ko lang—I want to share with the group. sa inyong tatlo na, halimbawa, I’ll give you an example. We play it by the book. Sasabihin namin na merong pre-departure address ang Pangulo. Alam naman ng Pangulo na no question and answer portion; alam ng media, nakasulat po iyan; tinanong ninyo doon sa MARO no question and answer, last minute babaguhin ng Presidente iyong rules.

Q:
Na meron ba kayo, may tanong ba kayo?

SEC. ANDANAR:
May tanong ba kayo? Eh what do you expect me to do? That is to overrule my policy. Of course at the end of the day the buck stops with the President, you follow what he says and he is our principal. Kaya iyon po ay dapat maintindihan din ng mga kritiko. But I’m not saying na, you know, stop criticizing me. Go ahead and criticize me because I am public servant. And just like my President, if you think I’m wrong criticize me, and you know, meron naman… I cannot explain to everyone kung ano iyong problema. I cannot tell everyone that I know that I don’t have money to pay PR. Hindi naman ganoon eh. But thank you so much for understanding my job and challenging. And the more that we interact like this, the more that I learn new things.

Q:
Martin may pahabol ako, merong balita sa Tribune ngayon, you’re restricting access daw, totoo ba iyan?

SEC. ANDANAR:
Well hindi po iyon. Alam n’yo, ‘pag may mga okasyon ay hindi naman nila binabasa iyong _____16:46 Office.

Q:
Hindi ako ang nagsabi nun ah, nire-report ko lang sa iyo.

SEC. ANDANAR:
Hindi, in-explain ko ito eh. Doon ho sa Appointments Office, the PCO does not hold the monopoly of what happens to the activities of the President ‘no. Dumadaan sa Social Secretary, Appointments Office, and they are the ones to decide if the events should be live or covered live. At malinaw po doon na hindi po live, if it cannot be covered live, but you can still stay there and you can cover the event. Iyon lang po iyon, it’s as simple as that, hindi puwedeng live. You know of course iba-iba po iyong interpretasyon ng media, iba sasama ang loob dahil hindi nakakapag-(unclear) live. But then again, ano iyan eh, all for one, one for all.

Q:
Salamat, Martin. It’s refreshing to talk to my—to somebody who does not give us, iyong mga holistic.

Q;
Ordinary holistic approach.

SEC.ANDANAR:
Mahirap iyan.

Q:
So lamang tayo, Martin ha, sa media ha.

SEC. ANDANAR:
Maraming salamat.

Q:
Pero pabayaan mo na iyong mga medyo….

Q:
Alam naman ni Pangulo mismo nagsasabi dilaw iyan eh. Hayaan mo na iyon.

SEC. ANDANAR:
Iyon nga, sinabi ni Presidente kagabi merong concerted effort ng mga dilaw para matanggal siya.

Q:
From the very start ayaw nila sa kanya, hindi nila siya kakilala.

Q:
Ako talaga theory ko, personal kong theory habang nandoon iyong dilaw na vice president, magpapatuloy. Alam mo, iyon ang aking theory. Matagal ko nang (overlapping voices)

Q:
Na-neutralize na nga iyon, hindi ba?

Q:
Alam mo pare, one word – succession. That is the only thing that matters sa kanila.

Q:
Pero bayaan mo na ang Supreme Court na ang magdesisyon.

Q:
Salamat, Martin, ha.

SEC. ANDANAR:
Maraming salamat sir Jojo, Congressman Jonathan and Mr. Conrad. Mabuhay po kayong tatlo.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)