Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZRB – Balita at Panayam by Alan Allanigue
15 September 2016

ALLANIGUE:
Sec. Martin, sir, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:
Good morning, Alan. Mabuhay ka. Kumusta?

ALLANIGUE:
Yes, sir. Mabuti po, sir. At kami ho’y makikibalita sa inyo. We understand na patuloy pong tinututukan ngayon ng Duterte administration o ng Malacañang ito hong mga priority measures na nais ninyong sa lalong madaling panahon ay maisabatas. Bigyan ninyo nga kami, sir, please, ng mga update tungkol dito, Sec. Martin, sir.

SEC. ANDANAR:
Yes. Alan, wala lang sa harapan ko iyong brief ah… kagabi ‘no. Kasi nandoon ang binigay sa amin na agenda kagabi… wala sa harapan ko dahil naiwan ko sa opisina. Pero ganito iyon, iyong ating PLLO Secretary, si Secretary Andelino Sitoy – dati ho itong mayor ng isang bayan sa Cebu – ay nandoon sa meeting, Cabinet meeting, at ipinaliwanag niya lahat ng mga priority bills.

Ang matatandaan ko lang ngayon ay iyong sa Bangsamoro ‘no, bill about sa Bangsamoro Basic Law. At nandoon din iyong 10-point economic agenda ni Secretary Dominguez. At nandoon din iyong modernization ng ating Armed Forces na mula po naman sa opisina ni Secretary Delfin Lorenzana.

Pero ganito, Alan, mamaya, alas nuebe y media, magkakaroon nang mas komprehensibong Malacañang Press briefing si Secretary Sitoy dito sa New Executive Building. So maipapaliwanag niya lahat ng mga priority bills ng Palasyo, kasama diyan iyong pag-convene ng LEDAC, Alan.

ALLANIGUE:
Opo. So magpupulong po ang LEDAC para mas matalakay nang detelyado itong mga priority measures na ito, Sec. Martin, sir?

SEC. ANDANAR:
Yes. Sa pagkakaintindi ko kasi sa paliwanag ni Secretary Sitoy, siguro mamaya mas maipapaliwanag niya ito nang husto, na mayroon nang tatlong miyembro iyong Senado, nagtalaga na; nagtalaga din nang tatlong miyembro iyong Kongreso. Tapos mayroong pito na miyembro mula po naman sa Gabinete ni Presidente Duterte.

So mamaya, abangan na lang natin mamaya iyong press briefing, in one hour, 9:30 dito sa New Executive Building.

ALLANIGUE:
Yes. And of course, Sec. Martin, we will be airing that in full dito po sa mga himpilan ng Radyo ng Bayan, of course.

SEC. ANDANAR:
Oo, diyan sa Radyo ng Bayan naka-hook up tayo diyan, pati sa PTV4. So iyon—by the way, mayroon akong magandang balita para sa Radyo ng Bayan.

ALLANIGUE:
Yes, please. Opo.

SEC. ANDANAR:
Na-approve na po ng DBM iyong supplementary budget na hiningi po ng inyong lingkod. Kung hindi ako nagkakamali, more than 100 million for this year.

ALLANIGUE:
Naku, congratulations po, Sec. Martin. Naku, malaking tulong iyan, malaking bagay iyan para sa PBS Radyo ng Bayan, sir.

SEC. ANDANAR:
Congratulations sa ating lahat sa Radyo ng Bayan dahil we are giving the Radyo ng Bayan a shot in the arm. At maraming plano si Director Pontavera (?) sa Radyo ng Bayan. Siguro hayaan ko na lamang na siya na ang mag-announce sa inyo dahil he is the biggest proponent na talagang palakasin itong Radyo ng Bayan, hindi lang sa Metro Manila kung hindi maging sa buong bansa. Ang target po natin is within three years ‘no, harinawa ‘no within three years eh we cover the entire nation already.

At sa ngayon, we are seeing positive signs from the Department of Budget and Management – binibigyan tayo ng suporta. At doon sa congressional budget hearing ay inaprub po nila iyong hinihingi nating budget for 2017, plus another supplementary budget for next year para makamit natin iyong ating inaasahang pag-asenso ng Radyo ng Bayan. We’ll bring back the glory days of Radyo ng Bayan, and we are very excited about it.

ALLANIGUE:
Yes, of course, kami rin po, Sec. Martin. And tutal nabanggit ninyo na rin po itong ganitong mga grand plans for PBS Radyo ng Bayan. Naalala ko po, binanggit mismo ng Pangulong Rody Duterte sa kaniyang State of the Nation Address ang pagsasanib puwersa ng Philippine Broadcasting Service, Radyo ng Bayan at ng People’s Television tungo sa isang organization – People’s Broadcasting Corporation. Kumbaga, magsasanib puwersa na ang telebisyon at ang radyo sa ilalim po nang pamamahala ng Presidential Communications Office, Sec. Martin, sir.

SEC. ANDANAR:
Tama ka diyan, Alan. Alam mo, ito ay isa sa pinaka-corner stone ng ating Pangulo — itong pagsanib puwersa. At ang ibig sabihin po nito — kasi for the longest time, napabayaan po ang Radyo ng Bayan – itong Radyo ng Bayan ay nasa ilalim po ng PBS which is a government agency ‘no, at ang natututukan lang talaga ay iyong PTV. Kaya kung mapapansin mo, pumunta ka ng PTV ngayon bago lahat ng mga gamit. Ito’y sa ilalim ng proyekto ni Secretary Sonny Coloma. 

So napabayaan ‘no. So ngayon, with the People’s Broadcasting Corporation, magiging GOCC na rin ang Radyo ng Bayan. Magkakaroon po kayo ng inyong freedom to get your own advertisement outside the government; pero tuluy-tuloy pa rin po iyong subsidiya ng gobyerno natin. Hindi natin ito pababayaan, Alan, dahil alam mo dito po tayo nanggaling sa radyo. Ito po iyong bread and butter natin eh noong tayo ay at the age of 18 years old ‘no. So talaga ang puso po natin, as the PCO Secretary, ay nasa broadcasting ho talaga, nasa radio broadcasting first and foremost, tapos telebisyon. Kaya makakaasa po ang Radyo ng Bayan, makakaasa po ang PTV4 na sa ilalim po ng People’s Broadcasting Corporation ay mari-realize na natin iyong ating mga pangarap na tayo po ang magiging pinakamalakas na himpilan ng radyo at telebisyon sa ating bansa.

Tulad po ng sa UK, ang malakas po doon—

ALLANIGUE:
BBC.

SEC. ANDANAR:
—BBC. Tapos sa Australia, ABC. Sa Canada, iyong kanilang Radio Broadcasting Corporation, CBC ‘no. So iyon po, na tayo po ay magtatrabaho para makamit po natin ito.

ALLANIGUE:
Opo. Well, Sec. Martin, sir, aantabayanin po namin iyong binabanggit ninyong press briefing at around 9:30, direkta mula sa Malacañang.

SEC. ANDANAR:
Thank you at Mabuhay ka.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)