TARUC:
Bueno sa bahaging ito ng ating palatuntunan at pagbabalita mga kaibigan. Makakapiling po namin ni Congressman Angelo Palmones si Secretary Martin Andanar. Press Secretary magandang umaga po.
SEC. ANDANAR:
Magandang umaga at Happy Birthday Manong Joe, Congressman, good morning ulit.
TARUC:
Mabuti naman at kahit papaano dito po sa dinami-dami at maraming mga problema o mga balita, eh nakakayanan pa rin ninyo iyong mga pagpapaliwanag tungkol dito po sa mga ginagawa ng ating Pangulong Digong.
SEC. ANDANAR:
Oo. Alam mo Manong Joe noong tinanggap natin ‘tong trabaho na ‘to, in-expect naman natin na marami talagang problema, maraming intriga, maliit na pagkakamali ay nase-sensationalize. Pero tinatanggap natin iyong hamon, tayo nama’y nag-a-adjust sa mga pagkakamali natin na hindi na mauulit. At the same time, ang pangunahing trabaho natin ay ma-explain kung ano iyong sinabi ng ating Pangulo at iyong pagpapatakbo din ng mga ahensiya sa ilalim ng ating departamento.
PALMONES:
Pero nanambok ka, Sec. Tumambok ho iyong… (laughs)
SEC. ANDANAR:
(Laughs) You know, I lost 12 pounds ha—
PALMONES:
Really?
SEC. ANDANAR:
Oo, the last three weeks. Sobrang—I mean, ang laki noong nilaki ko, ang hirap. Hindi na magkasya iyong pantalon…
PALMONES:
Ano iyan, dahil iyong stress mo idinadaan mo na lang sa kain?
SEC. ANDANAR:
Pero sabi ko, hindi maganda ito…
TARUC:
Kasi sa mga humahawak ng ganiyang posisyon sabi nila, naku napakadalas kumain niyan—
SEC. ANDANAR:
Nasobrahan sa maruya.
TARUC:
Pero dito po ba sa mga problemang binabanggit ho ninyo, kasama po ba dito iyong mga intriga?
SEC. ANDANAR:
Kasama po diyan iyong mga intriga, mayroong mga… marami, maraming halo—Halo-halo na Manong Joe. Pero, alam mo ayaw kong ma-distract sa ganiyang mga intriga, mga tsismis, etc. Although pinapakinggan natin, kasi baka naman mamaya ay constructive naman iyong kanilang mga criticisms, dapat pinapakinggan natin. The same time, hindi po tayo nawawalan ng focus sa trabaho natin. Ang mahalaga po ay—ngayon ay mas systematic iyong paglalahad ng mga impormasyon mula sa Office of the President ‘no.
TARUC:
Secretary, medyo dumiretso na tayo at napakarami nating katanungan.
SEC. ANDANAR:
Opo. Opo.
Q:
Medyo maraming sa mga nakikinig natin ngayon, ang medyo nag-aabang ng paliwanag ano ho, tungkol dito sa ginagawang pagdalaw ng Pangulo sa iba’t ibang kampo ng militar sa buong kapuluan.
SEC. ANDANAR:
Ito po ay pangunahing trabaho din ng Pangulo bilang Commander-In-Chief ng Armed Forces of the Philippines, kasama noong Philippine National Police. In fact hindi pa nga tapos iyan eh, hindi pa nga nadadalaw iyong Philippine National Police, iyong mga regional office ‘no. Ang dinadalaw pa lang ng ating Pangulo ay iyong mga military camps. Ito’y ginawa din naman ni dating Presidente Fidel Ramos ‘no—
TARUC:
Pero hindi ganito kaprayoridad. Hindi po ganito.
SEC. ANDANAR:
Hindi at saka Manong Joe, kaya lang naman talagang na-e-emphasize dahil—
Q:
O na-highlight.
SEC. ANDANAR:
Ngayon po, eh mayroon nang Facebook. Naka-Facebook live pa iyon. Naka-video live, lahat. So talagang na-highlight itong pagdalaw. Pero as the Commander-In-Chief of the Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, it is the duty of the President to make sure na high morale ang ating mga sundalo. Dahil marami ho tayong problema na kinakaharap. Pangunahin diyan ang droga ‘no, iligal na droga, nandiyan din iyong terorismo. Kaya marapat lamang na tumaas ang morale ng ating Armed Forces of the Philippines dahil kasama/katuwang sila eh, dahil nag-declare nga iyong ating Pangulo ng state of lawless violence ano dito sa bansa natin. So, dapat lamang na mataas ang morale ng kasundaluhan at kapulisan.
PALMONES:
Or, hindi kaya ito mas mataas talaga ang tiwala ng Pangulo sa Armed Forces of the Philippines over other law enforcement agencies pagdating sa combat against illegal drugs?
SEC. ANDANAR:
Ano kasi Congressman eh… matagal na rin kasing parang na-neglect iyong mga sundalo ‘no. Eh parang noong mga nakaraang administrasyon, hindi naman ito iyong naging ano talaga… although priority iyong modernization ‘no, pero wala tayong nakikitang ganitong klaseng—
PALMONES:
Improvement sa plan.
SEC. ANDANAR:
—aksiyon ‘no, na mayroong malasakit ang Pangulo sa mga sundalo. Ito, pinapakita lamang ng Pangulo natin na mayroon siyang malasakit, pati na rin sa mga pulis.
TARUC:
Siyempre iba iyong militar, iba iyong pulis. Eh bakit ganito ka-priority sa militar over the police gayong mas malaki o malala iyong problema na iniaatang natin sa mga kagawad ng pulisya?
SEC. ANDANAR:
Ang pulis po naman Manong Joe, ay alam naman natin na hindi naman neglected iyong kapulisan. Usually iyon ang nasa dyaryo parati, iyon ang nakikita natin na ang Pangulo ay nandoon sa Philippine National Police, Camp Crame. You know the perception is, mas alaga ang pulis kaysa mga sundalo. So ngayon, it’s just a matter of going back at tinitignan natin iyong overall view na kailangan pantay-pantay iyong pagbibigay ng importansiya sa both sa sundalo saka sa kapulisan.
TARUC:
Walang selosan ha (laughs).
SEC. ANDANAR:
O, walang selosan. Ganoon iyon.
PALMONES:
Sir, bakit kung minsan eh, magtatalumpati ang Pangulo sa grupo ng militar hanggang sasabihin, “O bigyan ko kayo ng mga bagong ninyong Glock.” (laughs) Eh papaano pagsalita niya sa mga pulis, ‘di ganoon din po?
SEC. ANDANAR:
Oo. Malamang mayroon ding mga sasabihin ang Pangulo sa mga pulis natin na ikatutuwa rin ng—
PALMONES:
Na mayroon ding—pero ding tinatawag natin consuelo de bobo.
SEC. ANDANAR:
Kasi doble yan eh, boss doble iyong—like iyong suweldo, dadagdagan iyong suweldo, mga ganoon.
PALMONES:
Pareho naman sila. Ang sinabi naman military at saka pulis eh, tataas ang suweldo.
Kaya nga iyong—karamihan sa mga sundalo daw ngayon, hindi na muna nagpe-Facebook. Kasi doon nalalaman na may increase pala sila eh.
Doc Joe, tanong ko lang din kay Secretary – ano na ngayon ang priority natin? Isulong pa rin ang pagpapatibay muli ng ROTC or we push towards the passing a law towards national service?
SEC. ANDANAR:
Mayroon pa ring ano eh… during the 3rd Cabinet Meeting, if I’m not mistaken, napag-usapan itong ROTC. So, ito ay tuluy-tuloy pa rin. Mayroon nang panukalang batas sa Lower House at sa Senado — hindi ko lang matandaan kung sino iyong principal sponsor ‘no — pero tuluy-tuloy pa rin iyan, it will come from Congress eh.
PALMONES:
Okay, so ang priority pa rin is towards ROTC?
SEC. ANDANAR:
Ang ROTC, ang pagkakaalam ko ROTC talaga eh.
TARUC:
Iyong tungkol dito sa national emergency, Secretary ano ho. Alam ho ninyo may mga negosyante umiyak na. Kung magkaminsan, kailangan na raw nilang magtaas ng presyo, hindi nila magawa. Ngayon, ano raw ho ba talagang nangyayari sa kasalukuyan at paliwanag ng Pangulo? Ito po ba’y mayroong time talaga kung kailan natin ili-lift o talagang kailangan pa upang sa ganoon, kahit papaano ma-control lamang itong galaw ng presyo?
Q:
Iyong dito kasi sa national emergency—pag-usapan natin iyong transpormasyon halimbawa, Manong Joe ano. Ang problema natin halimbawa itong connecting road ‘no, dito sa South Luzon Expressway, Quirino hanggang doon sa Balintawak ‘di ba? Ang problema doon, mapapansin ninyo ang bagal, hindi nga tumatakbo eh. Eh kasi marami hong ano eh, marami hong mga properties, right-of-way ang problema eh. So kaya kailangan talaga ng isang national powers — emergency powers — iyong ating Pangulo para sa transportasyon para ma-solve itong problema. Dahil iyon ang pangunahing problema kaya hindi tumatakbo iyong ating—
TARUC:
Pero hindi ho kaya malulutas nang wala itong emergency powers o pupuwede naman?
SEC. ANDANAR:
Mukhang mahihirapan tayo, Manong Joe eh. Kasi ilang taon mo iyan na hihintayin sa korte iyong—halimbawa, iyong expropriation ng property. Nag-usap nga kami ng isang negosyante kahapon eh, eh sabi noong bilyonaryong negosyante, sabi niya, “alam mo” – halimbawa, na lamang itong sa NAIA Terminal 2, iyong runway diyan ‘no. Eh kailangan mo kasing bilhin iyong property doon ano eh, sa mga katabi. Sabi, “pero, papaano mo bibilhin iyan kung wala ka namang extraordinary powers ‘no para bilhin iyong property dahil ibebenta ba sa iyo iyan ng sa halagang napakamura?”
PALMONES:
Pero actually, Sec., mayroon na tayong power of eminent domain eh ‘di ba, na puwedeng gamitin ng pamahalaan to take over a property kahit pa privately owned siya. Tapos iyong just compensation will be resolved later on by the court.
SEC. ANDANAR:
Oo, pero mahirap kasi… siguro din Congressman ha, ito, hindi naman ako expert sa batas. Kung halimbawa, kung gusto kong bilhin ng hundred thousand per square meter, siguradong bigyan ako ng offer that they cannot refuse. So ganoon iyon eh. Kasi kung gusto kong maging maayos o mas maging maganda iyong daloy ng eroplano doon sa NAIA Terminal 1, 2, 3, kailangan mong dagdagan iyong runway. Hindi puwedeng walang dagdag, mayroon talaga dapat, and the only way to do that is you have to buy land by lot kasi may mga bahay na eh.
Q:
Iyon ang problema.
TARUC:
Secretary ito naman, matindi rin ito ano ho. Kasi sinasabi natin importante, kailangan iyang emergency powers ano ho. Sa taas ng trust rating ng Pangulong Digong sa kasalukuyan ano ho, hindi po ba kayo naniniwala na kahit na walang emergency power, pulungin na lang niya o kausapin iyong mga partikular na sektor na apektado, palagay ko kayang-kaya niyang pasunurin at kayang-kayang sumunod naman doon sa kaniyang mga ipakikiusap.
SEC. ANDANAR:
Iyon ang itatanong ko kay Secretary Tugade. Secretary Tugade at sa kaniyang mga—
TARUC:
Halimbawa, eh isang particular sektor, kailangan ganito ang mangyari o iyong mga right-of-way, kung ano-ano. Siguro naman isang kausap lang dito ng Pangulo, sa taas ng kaniyang trust rating, at nakita naman ninyo ang rating niya — iyong credibility rating, kung ano-ano. Hindi ho ba, napakataas na anuman ang sabihin niya dito sa mga sektor na ‘to, pagbibigyan ang anumang kaniyang sasabihin.
SEC. ANDANAR:
Oo. Iyon na Manong Joe ang itatanong ko kay Secretary Tugade. Pero ang pagkakaalam ko kasi, Manong Joe eh, talagang ano eh, dadaan talaga sa butas ng karayom dahil may mga private properties na maaapektuhan. Halimbawa na lamang, iyong pagbubukas ng mga subdivision dahil para gawing alternative route ‘no ng mga motorista. Paano mo bubuksan iyong area?
TARUC:
Pero ako, palagay ko susunod kahit walang emergency power. Kung ang Pangulo magsasabi, ipaliliwanag, “O, iyan ay hindi naman bubukas nang hindi kayo aalalayan ng gobyerno. Security dito, kami rin ang bahala. Eh huwag kayong mag-alala, pumayag na kayo.” Papayag lahat iyan, Secretary.
SEC. ANDANAR:
Eh, ibubulong ko sa Pangulo.
TARUC:
Nakakita na ho ba kayo ng Pangulo na ganiyan kataas ang trust rating?
SEC. ANDANAR:
Wala pa, mukhang first time yata ito sa buong mundo eh – 91%… mas mataas pa yata sa 91.
PALMONES:
Tumaas pa yata. Anyway Sec., may dagdag rin ba tayo doon sa pagsasa—nitong weekend talagang nakatutok kami, dahil baka mamaya madaling araw na naman i-announce eh. Iyong tungkol sa list ng mga narco politicians. May timetable ba tayo, kailan ninyo talaga ilalabas?
SEC. ANDANAR:
Ito iyong mahigit isanlibong listahan?
PALMONES:
Oo, kasi nitong huli ano niya, nitong weekend, nagpapitik lang eh. Dalawa lang iyong nabanggit eh.
SEC. ANDANAR:
Binanggit niya doon sa Bulacan?
PALMONES:
Oo.
SEC. ANDANAR:
Mukhang ang sinabi ng Pangulo doon sa Bulacan ay, “ibibigay ko na lang ito sa Armed Forces,” ‘no.
PALMONES:
Ah, so huwag na kaming maghintay ha?
SEC. ANDANAR:
Well ahh… ayoko ring mag-ano eh… ayokong pangunahan ang Pangulo eh.
TARUC:
Kasi nakikita namin palagi dala nya iyong listahan, pagkatapos wala ka namang maririnig.
SEC. ANDANAR:
Actually, iyon nga, ayaw kong pangunahan ang Pangulo. Siguro ang mahalaga dito ay alam natin na merong listahang ganyan, na ganoon kakapal.
TARUC:
Baka namang binibigyan pa ng pagkakataon ng Pangulo na magbago. Dahil hindi naman ganyan katindi. Oy, hindi naman katindi magbago ka na para naman makiisa dito sa ipinaglalaban ng gobyerno.
PALMONES:
Kasi may mga governor, Congressman at saka Mayor. Every time nagpre-press con ang Pangulo, tumataas ang presyon eh, kinakabahan eh.
SEC. ANDANAR:
Sabi nga ng kaibigan ko DILG, sabi niya, “sana dahan-dahanin para may aabangan.”
TARUC:
Pero dahil diyan samantalahin natin ang pagkakataon. Oo. Alam po ninyo marami-rami na rin ang mga opisyal ng gobyerno nagiging biktima ng sindikato. Pag kinakapanayam dito po sa ating palatuntunan eh tinatawagan ng sindikato hinihingan ng load, hinihingan ng papremyo, hinihingan ng pa-raffle. Aba’y Secretary, siguro kahit papano paalalahan natin ang mga kasama natin, na hindi totoo iyan, i-entrap natin iyan. Once and for all, hindi man natin mahuli ang droga, ito man lang mahuli natin.
SEC. ANDANAR:
Ganoon ho talaga kasi, Congressman, kapag sikat ang programa mo tulad ninyo, ine-namedrop kayo. Nangyari na iyon sa mga kasamahan natin sa trabaho na nine-namedrop iyong pangalan, hindi maganda iyon.
TARUC:
Iyong mga opisyal nahihiya nga eh, na nag-check ano, mag-verify, baka sabihin ho tsine-check pa nya parang ganito lang. Hindi nahihiya din iyong mga opisyal ng gobyerno, maski sila ginagawa nila nag-uutos na lang sa iba, “pakitanong nyo nga kung ito talaga iyong number.”
SEC. ANDANAR:
Pihado ko si —ang naalarma iyong mga departamento na malalaki ang budget. Buti na lang ang PCO pinakamaliit ng budget.
TARUC:
Secretary, maging sino ang nabiktima.
SEC. ANDANAR:
Sigurado.
PALMONES:
Talaga ha ginamit niya?
PALMONES:
Oo. Ilang beses, alam na alam ng mga pagka ganiyang mga raket eh.
SEC. ANDANAR:
Si Executive Secretary ganundin, di ba naglabas siya ng memo na wala akong kilala na….
PALMONES:
Maraming mga—kunwari eh nag-raise ng funds.
SEC. ANDANAR:
Kaya galit na galit si Executive Secretary niyan.
PALMONES:
Anyway doon papasok ngayon iyong importansiya nung SIM registration. Dahil dapat tulungan natin iyong SIM registration na iyan.
SEC. ANDANAR:
Sa ibang bansa ganoong. Sa Singapore. Bumibili ako sa Singapore, bili ako ng SIM card, kailangan ng passport eh.
PALMONES:
Kahit turista?
SEC. ANDANAR:
Sabi ko, bakit, what for?
Q:
Eh mukha ka kasing terorista eh. (laughs)
Q:
Para hindi na magamit iyong SIM card na iyan sa mga terroristic activities.
Q:
Hindi saka sa may extortion activities na katulad niyan.
SEC. ANDANAR:
Saka halimbawa, kasi iyong mga terorista, hindi ba iyon ang ginagamit nila, pang-detonate ng kanilang mga improvised at mga explosive device ano. So pag-registered iyong SIM card, mas madali mong mate-trace.
TARUC:
Hindi n’yo ba napapansin parang napakaganda ng chemistry ninyo, nila Secretary Abella at Secretary Andanar?
SEC. ANDANAR:
Opo, opo. Maganda po iyong aming chemistry dahil—
TARUC:
Siya mahinahon ang mukha.
SEC. ANDANAR:
Kaya sa akin nagagalit ang lahat eh. (laughs)
PALMONES:
Kasama na yata—you sound regretful.
SEC. ANDANAR:
Hindi ano lang iyon, kumbaga nagkakatuwaan lang tayo. (laughs)
TARUC:
Pagkaminsan siguro iyong mga miyembro ng Gabinete medyo nagkakaunawaan na rin. Alam nila na iniintriga na sila.
SEC. ANDANAR:
Oo maraming intriga. Inintriga nga kami ni Secretary Sal Panelo eh. Eh sabi ko ke Secretary, “Sal, baka maniwala ka doon sa mga intriga na iyan ha, wala tayong hidwaan ah, wala tayong iringan”.
PALMONES:
Bulungan mo na rin siya?
TARUC:
Secretary, narinig na ho ba ninyo iyong mga tsismis-tsismis na bubuwagin na iyong opisina ninyo?
SEC. ANDANAR:
Oo. Maraming tsismis. Sasabihin ko nga eh, we know, alam naman natin Congressman na at the end of the day, you work hard and we serve at the pleasure of the President. Trabaho lang tayo.
TARUC:
Secretary Andanar, medyo namumula din pala kapag umaga. (laughs)
PALMONES:
Kaya nga kanina tinanong ko kaagad, may dumaan bang ambulansiya sa tabi mo? Ang laking intriga nung pag hindi mo klinaro.
TARUC:
Oo nakikinig ako sabing ganoon, mukhang nagwa-wangwang mga back up ni Secretary Andanar. (laughs)
SEC. ANDANAR:
Sabi ko tanungin ninyo sa guwardiya ninyo mayroong dumaan na ambulansiya.
TARUC:
Ang ganda ng alibi mo. Gwardiya pa namin testigo ninyo. (laughs) Nandiyan na pala siya sa labas, hindi pa pumasok eh.
TARUC:
Sir, nais ka naming pasalamatan dito sa pagpapaunlak na nakapanayam dito sa ating palatuntunan kahit medyo biglaan.
SEC. ANDANAR:
It is my honor Manong Joe, nalaman kong birthday mo. Sabi ko dideretso na ako sa DZRH. Kayo po ay haligi ng ating industriya at ako ay—it’s an honor to be able to be interviewed by the great Joe Taruc, of course Congressman.
PALMONES:
Teka muna papasok ka pa lang ba o pauwi na?
SEC. ANDANAR:
Hindi meron kaming budget hearing.
PALMONES:
Nililiwanag ko. Mabuti na iyong maliwanag. (laughs)
TARUC:
Tapos na lahat halos, kayo na lang hindi pa?
SEC. ANDANAR:
Kami po iyong unang isasalang ngayong umaga. Alam ko pagtapos niyan ay iyong Office of the Executive Secretary.
PALMONES:
Pero wala naman smooth sailing. Wala naman masyadong problema, ang liit ng budget. (laughs) Hindi masyadong pinapansin iyan.
SEC. ANDANAR:
Kumbaga, kita mo iyong budget ng halimbawa DPWH, nasa mga halos kalahating bilyon ‘di ba, eh pagdating mo sa PCO 1.2 billion.
PALMONES:
Doon ba nanggagaling din ang expense ng Pangulo pagka—iyong call ninyo, iyong magko-cover kapag may mga travel?
SEC. ANDANAR:
Lahat.
PALMONES:
Bakit ninyo iko-cover iyon?
SEC. ANDANAR:
Hindi ganoon talaga, lahat ganoon. Kaya nga ang ginagawa namin, Congressman, ay humihingi kami ng supplemental, augmentation. Kasi siyempre iba iyong sistema ngayon, ang Pangulo natin ay madalas sa probinsya kaya kailangan nating humingi ng augmentation.
PALMONES:
Mabuti may nagtatrabaho pa sa inyo. (laughs)
TARUC:
Secretary, siguro mabusisi natin ano ho, ito namang mga opisina—
(crowd in booth singing of happy birthday)
TARUC:
Alam n’yo malungkot lang ako ngayong umaga, aba’y ang lalaki at saka ang dami nung kandila. (laughs)
SEC. ANDANAR:
Happy birthday.
Q:
Secretary, maraming salamat.
SEC. ANDANAR:
Salamat, salamat.
|