Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – All Ready by Orly Mercado
September 23, 2016 (7:19 to 7:26 A.M.)

ORLY:
Secretary Martin good morning.

SEC. ANDANAR:
Good morning Ka Orly, at sa lahat ng nakikinig po ng inyong programa dito sa Radyo Singko.

ORLY:
Well, thank you for answering our call. Ano ba ang reaksyon po ninyo dito sa sinasabi ng Pangulo na… anong paliwanag dito sa kanyang mga statement na binitawan na ukol sa UN and the European Union?

SEC. ANDANAR:
Maliwanag, Ka Orly, na kinukumbida ng Pangulo ang European Union na pumunta dito para pag-aralan ang ating bansa pagdating diyan sa isyu ng human rights. Malinawag din na sinabi din ng Pangulo na pagkatapos noon ay siya naman ang magtatanong.

ORLY:
Parang, sir, sabi niya this is not going to be a one way affair. Meron din siyang—I think he wants to make certain points also regarding this particular issue?

SEC. ANDANAR:
Tama. Iba naman iyon eh, it’s really respecting each other’s sovereignty. At alam naman natin na kapag may nangyayari sa ibang bansa hindi naman nanghihimasok ang Pilipinas, sa isyu ng ibang bansa. So ganoon lang naman, let’s respect each other’s sovereignty. Iyong ASEAN nga — Association of South East Asian Nations — ni hindi ko pa naririnig na nanghimasok sa affairs ng ibang bansa.
ORLY:
Maliwanag na prinsipyo iyan sa ASEAN eh, na respect for your… non-interference in the internal affairs of the members states of the ASEAN nations, sampong bansa. At maliwanag na maliwanag ang policy niyan eh. Talagang hindi ka puwedeng—parang hindi mo puwedeng panghimasukan iyong kanilang internal affairs. Pero hindi naman nangangahulugan na, you know, your silos, hindi ibig sabihin na wala kayong paki-alaman, kaya nga mayroong ASEAN eh.

SEC. ANDANAR:
Tama kayo Ka Orly. Siguro it’s about time na tigilan na natin iyong double speak ‘no. Tayo ay pinanghimasukan ng ibang mga bansa or mga regional groups. At tayo naman ay… you know, we remain to be meek and humble sabi nga nila. Mga Pilipino talaga, hindi ho nakiki-alam, eh humble, mabait ‘no. At ito ay sinasabi naman ng Pangulo sa ibang bansa; sa atin mismong mga Pilipino, we have to stand up on our feet. Hindi tayo basta-basta lang tinutulak-tulak. Iyan naman so, sinabi ng Pangulo na, sige, I invite the European Union tanungin nila tayo, pagkatapos noon, tayo naman ang magtatanong sa kanila. Ganoon, kung papayag sila. Ganoon lang naman iyon eh.

ORLY:
Oo at saka talaga namang ano… siguro as we go along eh, maintindihan, mailalabas sa taumbayan kung ano talaga iyong sinasabi ng ating Pangulo, na sinasabi niya — we have to develop our own independent foreign policy.

SEC. ANDANAR:
Correct. Ka Orly, halimbawa, tayo ba ay naki-alam sa kaguluhan sa Turkey? Hindi naman tayo nakiki-alam eh. Iyong pinapaki-alaman lang natin iyong mga Pilipino na maaring maapektuhan, di ba. We try to make them safe, because it is the duty of their country to protect every Filipino citizens who holds a passport, lalo na di ba.

ORLY:
Regardless of whether merong kontrata siya as an OFW o wala o hindi legal ang kanyang estado sa naturang bansa, hindi ba?

SEC. ANDANAR:
Oo, iyon naman ay nakalagay sa pasaporte natin. Basahin po natin, nasa likod ng pasaporte natin: It’s a right of every Filipino to be protected by the country. Ganoon lang, ganun lang ka-simple. Ito hong tanong ng taumbayan, tayo ba ay nakiki-alam sa kaguluhan doon sa ibang bansa. Kapag meron bang mga isyu na kuwestyunable ang mga tanong doon sa ibang bansa sa Amerika, sa Europe, sa Western countries, hindi naman tayo nakiki-alam.

ORLY:
Sa tingin ng Pangulo, talagang ano, malalim pa itong problemang ito dahil sa nakikita natin, hine-hearing nga sa House, hine-hearing din sa Senate ‘no. Marami pang mga bagay-bagay na hindi pa lumalabas, kaya ano ang tingin mo. How is the President’s reaction to how this thing is being handled by other branches of government?

SEC. ANDANAR:
Tayo naman sa Executive, sa Palace, Ka Orly, ay we are just working very hard. Sa amin sa PCO, we work hard. Basta we just focus on the three main platforms of our President, iyan yung: peace and order, roadmap to peace at poverty alleviation. We just focus, we always go back to the three main reasons that made the President won the presidency; at hindi tayo nagpapatinag diyan and we are also aware that wala pa tayong 90-days or 100-days—

ORLY:
Oo nga eh, parang nag tagal na ninyo eh.

SEC. ANDANAR:
Ang daming problema, pero alam mo kasama ho sa trabaho iyan eh. And you know, we have the support of 91% of the Filipinos. So, there is really nothing to worry about, lahat naman na nangyayari na kaguluhan, these are perceptions, these are media stories especially coming from the international scene and that is why sinasabi ho natin na is we encourage the media overseas to come to the Philippines and really find out the lives of the Filipinos and the true prospective, the real context of our policies and our programs.

ORLY:
Okay. Maraming salamat, Secretary Martin Andanar. Thank you very much for answering our call.

SEC. ANDANAR:
Mabuhay ka, Ka Orly.