Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZMM – Kabayan by Ricky Rosales
23 September 2016
RICKY:
Sec, good morning. Si Ricky Rosales, Sec.

SEC. ANDANAR:
Ricky, good morning at lahat ng nakikinig sa programa n’yo po, magandang umaga.

RICKY:
Sec., una, mabilisan lang tayo. Iyong paano natin iintindihin iyong latest na paliwanag… statement po ni Pangulong Duterte doon sa kanyang willingness to invite Rapporteurs from UN and European Union para mag-imbestiga sa atin sa extra judicial killings. Paano natin ito bibigyan ng kabuluhan, Sec?

SEC. ANDANAR:
Malinaw naman ang sinabi ng Pangulo, Ricky, na iyon nga hinihintay niya iyong mga kaibigan sa European Union para gawin ang kanilang imbestigasyon sa kanilang mga kuwestyun about human rights or extra judicial killings. At malinaw din ang sinabi ng Pangulo na pagkatapos nilang mag-imbestiga, pagkatapos nilang magtanung, si Presidente naman ang magtatanong sa kanila.

RICKY:
Ang impression ko dito, parang nasa konteksto ito, Sec, na parang, ‘oh sige ng magkaintindihan na.’ Parang sabi niya ilalampaso ko kayo, parang ganoon ano… parang ganoong may threat ng mapahiya kayo. Nasa ganoon bang atmosphere iyon, Sec?

SEC. ANDANAR:
It’s not a one way ticket to the flu; kasi dapat may return ticket iyan. Hindi naman tayo magpapabugbog na lamang at ang ibig sabihin ng Pangulo: we are a sovereign country, respect our sovereignty, the way we respect your sovereignty. Hindi naman tayo nakikialam, Professor Ricky, sa mga internal affairs ng ibang bansa. Kailan ba nakialam ang Pilipinas sa European Union o doon sa Amerika o sa ibang bansa. Hindi naman tayo nakikialam eh, we simply mind our own business. Because we understand that hindi naman maganda iyong mag-interfere sa mga affairs ng iba pang mga bansa. And I don’t know, but, hindi pa ako… I have not heard the ASEAN — the Association of South East Nation — na nakialam din sa affairs ng ibang mga bansa sa Europa at sa ibang mga kontinente labas ng ASEAN.

RICKY:
Oo. At doon ay malinaw naman iyon ‘no, na parang wag ninyo kaming pakialaman masyado, masyado kayong paki-alamero. Pabayaan ninyo kaming magsagawa ng operasyon namin sa amin.

SEC. ANDANAR:
Oo.

RICKY:
Okay. Iyong sa isang isyu, Sec. Parang kayo iyong may apila sa mga netizens, so ito ba ay kumpirmado na galing sa mga supporter ni Pangulong Duterte, iyong mga majority na kumakalat ngayong mga maanghang na akusasyon laban sa isa’t-isa?

SEC. ANDANAR:
Hindi naman iyan—ako’y natanong lamang doon sa Malacañang what can I say about it. So sabi ko lang na ang pakiusap ko sa mga netizens, galangin din natin si Senadora Leila De Lima, dahil senador naman siya at… at the end of the day, she’s a Filipino. Iyong basic thing na “do unto others what you want others to do unto you.” Ganun lamang na, let’s be on the moral high ground.

RICKY:
At ang isa pa, sis ay itong latest na parang umaalma ngayon ang mga media organizations, si Professor natin, si Professor Luis Teodoro ng CMFR (Center for Media Freedom and Responsibility), si David Panelo ng NUJP. Parang sinasabi may harassment from President’s Duterte’s camp doon sa mga journalist reporting on extra judicial killings, human rights violation. Ano ang inyong opinion, dito, Sec?

SEC. ANDANAR:
Ang opinion ko diyan, Prof Ricky, that social media is a free space to everybody, puwede tayong magsulat ng ating opinion, kung anuman ang palagay nating tama o hindi. Ang aking pakiusap lamang po sa mga netizens, na wag ho tayong humantong sa mga threats or pasakitan. But then again, it’s up to you guys. Iyan naman ay free space as I mentioned. Ang pakiusap natin, let’s be on the moral high grounds, iyon naman parati. At huwag po nating i-threaten iyong ating mga kaibigan, mga kasamahan sa media at hindi naman ho kasi maganda iyong mag-threaten tayo.

RICKY:
Wala ba kayong specific plan sa administration ngayon regarding that. I mean, dialogue with journalist or kung anuman regarding this?

SEC. ANDANAR:
Yes, meron po.

(communication cut)