ROD:
Secretary maayong buntag.
SEC. ANDANAR:
Good morning, Rod. Sa revalidation, trabaho ho iyan ng Philippine National Police, PDEA at ng Intelligence.
ROD:
Pero pag inabot ito sa kamay ng Pangulo, Secretary final na iyon.
SEC. ANDANAR:
Iyong dumarating kay Pangulo ay minsan ay hindi naman final, kasi di ba sinasabi niya pinapa-revalidate pa niya.
ROD:
So sino ang gumagawa ng final revalidation, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Iyong Philippine National Police po.
ROD:
Philippine National Police, kasi di ba mismo na po iyong Pangulo ang nagsabi nagkamali, medyo delikado na, hindi ba, kasi binanggit na po niya sa publiko? Pero at least ang maganda naman kay Pangulong Duterte, kasi marunong mag-sorry iyong ating Pangulo. Kapag sinabi niyang nakita niya may pagkakamali, talagang nagso-sorry siya at wala siyang dinadawit rito.
SEC. ANDANAR:
Oo, that’s what you call command responsibility.
ROD:
Opo. Pero ang isa sa mga pinapangamba din, itong susunod na listahan na sinasabi nga ni Pangulong Rodrigo Duterte after iyong kanyang biyahe sa Vietnam, ito po ay isasapubliko na niya na napaka-kapal, Secretary ‘no iyong listahan at posible kasama daw iyong mga pangalan doon ng mga celebrities din. So papano ho tayo makakasiguro na iyong mga pangalan doon ay wala nang pagkakamali?
SEC. ANDANAR:
As far as the announcement of the third matrix, nabanggit nga po ng Pangulo – humingi na siya ng paumanhin kahapon – ay mas nakakatiyak ang Pangulo dito na ito ay mas revalidated na ito. Dahil nga nagkaroon na ng paghingi ng paumanhin, so therefore, iyong mga nasa ilalim po ay kailangan talagang ayusin ang kanilang validation at revalidation.
ROD:
Pero dito sa tatlo ba ito na sinasabing nagkamali lang sa pagdawit ng kanilang pangalan, sina Pangasinan Congressman, ito ba ay kinausap ng Pangulo ng personal, personal na humingi ng apology ang Pangulo, kina District Board Member Raul Sison, Provincial Administrator Raffy Baraan, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Hindi ko po alam kung merong private talk. Ang alam ko lang po iyong public speech at apology na ginawa po ng Pangulo. Sa palagay ko naman ay iyong public apology ay wala nang tatapat pa doon, iyon ang pinaka-apology sa lahat at sa publiko. Dahil if there’s a public apology, there’s also a commitment to the public na mas aayusin pa ang pag-revalidate next time around.
(communication cut)
ROD:
Balikan natin si Secretary Martin Andanar. So sigurado Secretary wala na pong madadagdag na sinasabi eh naku, wow mali iyong pangalan na napasama po sa Bilibid matrix. Of course, Senator Leila De Lima na sinasabi ng Pangulo, ito ay sigurado na nasa matrix talaga.
SEC. ANDANAR:
Wala namang gustong magkamali, di ba? Kahit ikaw naman siguro Rod, ayaw mo namang magkamali, pero minsan nagkakamali ka, hindi ba? So sa palagay ko naman ay iyong mga nasa baba, iyong mga nag-validate, revalidate, ito iyong kanilang pangunahing tungkulin – at sumabit ng kaunti. At meron po tayong Pangulo who takes full responsibility. Ganun naman iyon. Eh kung halimbawa sa amin, sa opisina namin, may nagkamali sa amin, iyong release ng sitting arrangement, bata ko iyon eh, iyong nag-release noon. Pero I take full command responsibility, kasi…. And iyon po ang katangian ng ating Pangulo na maganda, at may mali hihingi ng sorry. Sa palagay ko naman ay meron ng mga channels na kumausap din kina Congressman Espino. Hindi naman ito isang bagay na dapat pabayaan lamang. Humingi ng paumanhin ang ating Pangulo, I think the case is already settled.
ROD:
Pero bago ba isinasapubliko, Secretary, ni Pangulong Rodrigo Duterte itong kanyang drug matrix, kinakausap ba, lahat ba tinatawagan sa Malacañang muna itong mga involved sa revalidations?
SEC. ANDANAR:
Hindi ko po alam kung ano iyong proseso, pero ang alam ko lang po ay trabaho po ng PNP.
ROD:
Okay. Sa iba pang mga usapin, Secretary. Ang ating Pangulo ay parating sinasabi, na binabanggit iyong pangalan ng bansang China at ng Russia. So ang tanong rito ng taumbayan, ano, magiging kaalyado na ba tayo sa bansang China, considering na meron po tayong kinakaharap na problema sa kanila, itong isyu ng West Philippine Sea? Gaano po ba kaseryoso rito iyong Pangulo sa sinasabi po niya kakausapin niya ang China? At ano ba ang ibig sabihin dito ng Pangulo at bansang Russia, Secretary?
SEC. ANDANAR:
Magandang tanong iyan, Rod. Dahil meron tayong independent foreign policy, at nangangahulugan po diyan ay puwede nating gawin kung ano ang gustong gawin ng bansa natin basta ito ay nasa interest ng bawat Pilipino. Ngayon, hindi naman ito nangangahulugan na pagkat meron kang independent policy ay bibitiw ka na doon sa mga allies mo, hindi naman iyon, hindi iyon ang ibig sabihin noon. Ang ibig sabihin noon ay meron lang tayong kalayaan ngayon to explore other options in life, other options of the country. At isa sa mga option diyan makipag-diyalogo, buksan ang economic trading ng bansa natin sa mga bansang mahina ang ating trade relations. So walang mawawala sa atin, Rod, bagkus madadagdagan pa tayo ng trading partners. Iyon lang ho ang ibig sabihin noon, hindi tayo… hindi natin pinuputol ang ating relasyon sa mga kaalyado na natin, bagkus dinadagdagan pa natin ng mga trading partners. At mas maganda iyon.
ROD:
Sa sitwasyon po ng China na kung saan kasalukuyan meron po tayong kaunting problema sa isyu ng teritoryo. Hindi ba ito maapektuhan?
SEC. ANDANAR:
Ganito lang iyon, Rod. May asawa ka na?
ROD:
Naghahanap pa, Secretary.
SEC. ANDANAR:
So single ka pa.
ROD:
Oo, single, ready to mingle.
SEC. ANDANAR:
Pero nagkaroon ka ng ng girlfriend?
ROD:
Oo naman.
SEC. ANDANAR:
Okay. So ganito lang iyan kung meron kang girlfriend (communication cut)
ROD:
Okay balikan natin si Secretary Martin. Okay, Secretary pasensiya po naputol po iyong linya po ninyo. Doon tayo sa tanong po ninyo kung may girlfriend po ako, opo.
SEC. ANDANAR:
Oo may girlfriend ka, may kapitabahay ka. Minsan meron kang kapitbahay, nagkakasundo kayo doon sa pagkakaibigan ninyo. Nagkakasundo kayo dahil magkumpare kayo, nagkakasundo kayo pagdating sa pag-fiesta dahil magkasama kayo. Ang anak ninyo magkasundo, pero meron kayong isang bagay na hindi kayo magkasundo, dahil iyong prutas ng isang puno ng mangga ay nahuhulog sa bakod mo, sa bakod niya. Isa lang iyon na bagay na hindi kayo magkasundo. But iyong bagay na iyon, it does not define the entire relationship dahil magkasundo kayo sa kapag mga birthday, magkaibigan kayo. May sakit man sa magkabilang panig eh nagtutulungan kayo. May kinakapos ang budget, naguutangan kayo.
So iyong prutas na nahulog doon sa bakod niya isang isyu lang iyon. Ganundin po sa ating isyu sa ating mga kapitbahay o kapit-bansa. Meron tayong bilateral trading relations sa China, people-to-people relationship, culture-to-culture relationship, educational exchanges. Mayroon tayong mga tourism exchanges. Maraming bagay na dapat tinitingnan din, hindi lang iyong isang bagay. Nandun na tayo sa territorial dispute na nauna tayo sa PCA, Permanent Court of Arbitration in the Hague, at hindi natin tatalikuran iyong desisyon na iyon. Pero isang bahagi lang iyon ng ating relasyon. Bagama’t napaka-importante, pero marami pa pong bagay na dapat pinag-uusapan at pinapahalagahan at hindi naman dahil sa isang bagay lang na iyon ay forever na kayong magka-away. Ang ating Pangulo ay gusto po ng kapayapaan.
ROD:
So sa ibang aspeto hindi apektado rito iyong isyu ng territorial dispute diyan sa bansang Tsina.
SEC. ANDANAR:
Oo, tulad halimbawa ng America at China, mayroon silang super power rivalry hindi ba, pero tuloy-tuloy pa rin iyong kanilang economic trading, pinapautang pa rin ng China ang America? Marami pa ring mga kumpanya sa America ang nagtayo ng mga pabrika sa China. Iyong mga chips ng mga computer, American companies iyong laman noon, mga Chinese-made or made in China. So dapat lamang tama iyong sinasabi ng Pangulo natin, na just like the other countries around the world ay binubuksan lang natin ang ating bilateral relations sa trading kung saan po ay makakaginhawa ang bawat Pilipino. There’s nothing wrong with that kasi hindi naman pinuputol din ang ating relasyon with the European Union, countries sa North America.
ROD:
So, ang sinasabi ninyo, pagka’t meron tayong problema kaugnay sa isyu ng teritoryo especially diyan sa West Philippine Sea, ay puputulin na natin iyong ugnayan, partikular iyong trading sa China at relasyon natin, hindi ganoon.
SEC. ANDANAR:
Sabi ko sa iyo may girlfriend ka, di ba? Porke’t ba hindi kayo (unclear). Kung mahilig ka sa fried chicken, at iyong girlfriend mo hindi mahilig sa fried chicken, maghihiwalay na ba kayo?
ROD:
Isang bagay lang iyon na hindi kayo nagkakasundo, pero hindi ibig sabihin maapektuhan iyong relasyon ninyo.
SEC. ANDANAR:
Oo.
ROD:
Parang ganun lang iyon.
SEC. ANDANAR:
Kailangan maging mature tayong lahat.
ROD:
Opo, kasi iyan ang dapat din nating linawin, di ba, Secretary, especially iyong mga nasa barangay ngayon na nakikinig? Tuloy iniisisp nila ba’t binabanggit parati ni Pangulong Rodrigo Duterte doon na lang ako sa China pupunta, doon na lang ako sa Russia, eh may problema tayo sa China. Pero ito ay malinaw iyong sinasabi nga ninyo, iyan isang ano lang, maliit na problema, which is nandiyan na iyong desisyon, pero iyong ibang mga, iyong pakikipag-ugnayan natin sa China, iyong magandang relasyon, hindi dapat maapektuhan.
SEC. ANDANAR:
Hindi ba, binanggit ng Pangulo iyong, sinasabi niya iyong massacre doon sa Mindanao, iyong mga ano doon, minasaker ng mga colonial masters, mga Amerikano, pinutol ba natin ang relasyon sa kanila? Hindi di ba? Eh ganun lang iyon, nagka-problema. May mga problema, may mga gusot na dapat ayusin, dapat ay merong closure. It does not define the entire relationships of both countries.
Q:
Secretary nakaalis na ba si President Duterte papuntang Vietnam?
SEC. ANDANAR:
Wala pa, mamayang hapon magkasama kami ni Presidente.
Q:
Ano po iyong mga posibleng pagusapan doon sa Vietnam? Mapapag-usapan po ba itong isyu sa West Philippine Sea?
SEC. ANDANAR:
Ang mga—siguro ang pag-uusapan diyan na nakalagay po sa aming itinerary, iyong business trading no, business group. At makikipag-usap din sa mga OFW. Iyong West Philippine Sea, posibleng pag-usapan iyan, posible iyan.
Q:
At kahapon po doon sa Pampanga, binabanggit ni President Duterte na pagbalik niya raw galling Vietnam ilalahad na niya iyong mga pangalan ng mga celebrities, partner. So ilan kaya ito, Secretary Martin?
SEC. ANDANAR:
Ang alam ko kasi doon sa listahan nung third wave ay iyong general list, ibig sabihin kasama na dito hindi lang mga governor, hindi lang mga mayor, mga pulitiko, lahat na. Nasa mga higit isang libo.
Q:
Isang libo, partner. So pagbalik po aasahan na isasapubliko itong mga pangalan.
SEC. ANDANAR:
Well, hindi ko alam kung ang ibig sabihin ng Pangulo ay lahat or installment, hintayin na lang natin.
ROD:
Secretary one last question. Tungkol naman po iyong sinasabi ng Pangulo ay open na tayo sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng UN tungkol nga dito sa isyu ng extra judicial killing. Ano, tuloy na po ba ito iyong pag-iimbita natin sa special rapporteur ng UN para sila ay pupunta rito at magsasagawa ng imbestigasyon sa isyu po ng extra judicial killings?
SEC. ANDANAR:
Inatasan po ng Pangulo ang ating Executive Secretary ma mag-draft ng sulat, imbitasyon. Hinihintay na lang po natin ang approval nito.
ROD:
Secretary, we will not take much of your time. Daghang salamat kayo sa imong oras, Secretary.
SEC. ANDANAR:
Daghang salamat, Rod. |