Speech of President Rodrigo Duterte in his meeting with the Filipino community
Khalifa Sports City, Manama, Bahrain
14 April 2017

Kaya pala during the last… naging Presidente ako. Madalas ako sa Maynila, nandon ‘yung opisina. Pero sabi ko, bakit wala ng magaganda dito sa Pilipinas? Pag-landing ko dito, nandito pala kayong lahat.

Ang eroplano ko po bakante pa, apat. Baka isa sa inyo ang gustong umuwi. Gustong umuwi at uwi ko na lang kayo.

I’d like to greet first His Highness Sheikh Ali Bin Khalifa Al Khalifa, the Deputy Prime Minister of Bahrain [applause].

Alam mo sa totoo lang, outside of the ASEAN countries. Kasi tayo nga ang host ngayon sa ASEAN meet. Outside from the countries which are really very near, this is my first outside international trip, from continent to continent. Regional lang kasi ang ASEAN eh.

I chose the Middle East. You know why? It is to our national interest that we see the Kingdom of Saudi Arabia, Bahrain, Qatar, and everywhere where there are Filipinos, it is to our national interest that we support and defend Bahrain kasi kayo– [applause]

And Bahrain has been good to you. I have talked to all officials including His Majesty the King, and they only have nice words for you. Sabi nila, wala silang reklamo sa inyo, mababait ninyo, matiyaga, at wala silang masabi.

And I said, yes because they are here to earn a living and I said [applause]somehow the Bahrain money is helping also educate our children because you send money home to finance the schooling of your sons and daughters.

Kaya sabi ko, nandito kami and I gave to the government and to the King my promise and commitment that we will stand by and protect the State of Bahrain. [applause]

Ngayon, pasalamat ako sa kanila, from the bottom of my heart. Ngayon, marami akong kasama. I might not be able to stay long with you because the Prime Minister is coming in from London, sabi niya gusto daw akong makita, makipag-kamay before I fly Qatar tonight.

But nandito po si Secretary Silvestre Bello. He’s [applause] ‘Yan ang ating. He’s an Ilocano. Then we have the Secretary, the Acting Secretary Enrique Manalo of the Department of Foreign Affairs. [applause]

Gastusan lang po natin ng panahon para makilala ninyo, para kung may galit kayo. Malaman ninyo siya ‘yan.

Ang ating Secretary Delfin Lorenzana, laking Cotabato ‘to pero Ilocano.[applause]

Si Secretary Ramon Lopez, the Department of Trade. [applause] Secretary Alfonso Cusi, ‘yung Department ng ating Energy. [applause]

Si Secretary Arthur Tugade, ito po ‘yung sa Transportation. [applause]Classmate ko ‘to at talagang mautak. He was the valedictorian of our class sa law school. [applause]

And we have… ito mademanda ito kasi tatlo ang asawa niya. [laughter] Jose Andanar. [applause] ‘Di naman kataka-taka, kita mo naman porma. [laughter]Then we have Secretary Hermogenes Esperon, an Ilocano, [applause] the National Security Adviser ko po.

Then si Secretary Salvador Panelo, Bicolano ‘to [applause]. Tumindig ka, Sal… gwapo ka. ‘Yan ang killer sa amin diyan sa [laughter] sa babae.

Then we have the Secretary Abella, the Presidential Spokesman. [applause]Secretary… ito classmate ko sa law school. Brod ko sa fraternity. Secretary Abdullah Mamao. [applause]

And we have another Maranao, Secretary [Abul?] Khayr Alonto, Mindanao Development Authority. [applause] Nandito rin isang Maranao, Secretary po, Cabinet member, Secretary Guiling Mamondiong sa TESDA. [applause]

Another Ilocano, ‘yung pinadala ni Arroyo noon pag nagkagulo-gulo, to help extract the Filipino sa evacuation. Siya ‘yung pinapadala, matagal ko ng kilala ‘to, he’s a military man also, si Mr. Roy Cimatu, special envoy to the Middle East. [applause]

And you have Senator Alan Peter Cayetano. [applause] And I think Lani, the wife who is the Mayor of Taguig. [applause] Si Lani. Then we have Congressman Aniceto Bertiz ng OFW party list. [applause]

Nandito rin si Governor… ‘di ‘nong nabasa ko ‘to, ‘di ko alam. [laughter] Sino itong Governor Imelda Josefa Marcos, si Imee. [applause]

Kasi Pilipina beauty talaga. Ang tawag ko sa kanya ngayon, “Hoy, Josefa.”[laughter] At ang nag-suporta sa akin na walang kakupas-kupas, si Ms. [Esther Margaux Mocha?] Uson. [applause]

Si Senator… maging senador, papunta ito doon. Francis Tolentio. Mayor ng Tagaytay. [applause]

At mga kababayan ko, I cannot tarry too much pero nanalo ako dito. Sa lahat ng OFW, nag-landslide ako. [applause] But what is really surprising is that hindi ninyo ako kilala. Ngayon na lang. Noon, ‘nong tumakbo kami, I was the only candidate who was not a national figure, from small time lang ‘yung aking Davao eh, sa kanto lang.

Pero wala akong partido at wala akong… meron pero kakaunti ‘yung pera na binigay para sa akin.

And even in the ratings, hanggang 3, 4, 3, 4 lang ako. So I was not really expecting big, but somehow the possibility of winning was there but it was not really as clear as to anybody else.

With so little money, ang mga eroplano kong kaya kong rentahan, nagka-crash pa kami paminsan-minsan kasi nga wala man akong pera. But it was only after nagtaas na ang rating ko, ‘yung pera dumating.

So I was able to carry on a credible campaign. Now, let me ask you, bakit ninyo ako iboto? Wala naman akong track record. Dahil wala akong masyadong promises.

Kasi sa debates, sa presidential debates kung nakita ninyo, binibigyan lang kami ng isang oras at… isang minuto at kalahati. Sabi ko, anong isasabi ko sa ganong-

So everybody was talking… Ako, sabi ko, ito lang ang mapangako ko at gagawin ko talaga. I will stop corruption in government. [applause]

To date, may isa akong Cabinet member that during the meeting I caught him lying. Sa karamihan mga Cabinet members kami, sinabi ko, p***** i** ka, you’re fired. [applause] Umalis ka.

Tapos ‘yung isang agency, tinitingnan ko kasi kung ano ang early game because ‘yung mga agencies na may 150 billion, akala nila hindi ko binabantayan ‘yan.

So lahat ng transaction alam ko at during may isang meeting sa mga regional director, sinabi ko sa kanila, anong nangyari? P***** i** sabihin ninyo kung anong nangyari? [applause]

Kaya, right there and then sinabi ko sa aide ko, you call him. Eh kasi Sabado. He has two days to submit his resignation. And masakit lang sa akin, he was with me since 1988 when I became Mayor ng Davao City.

I’ve been the Mayor for 23 years, then a congressman, then Mayor, na-Vice Mayor ako ng anak ko, ‘yung si Inday, ‘yung nanuntok ng sheriff. Maldita ‘yun.

Sabi ko, well, unless you run for Mayor, ayaw niya, I will not run for President. Hindi ko maiwan ang Davao eh. Sayang. So last minute pumayag siya, so last minute rin ako nag-file ng certificate of candidacy.

In my speeches, corruption must stop. Alam mo kung bakit hanggang ngayon pobre tayo? Corruption. Kasi kung ang pera lang ng gobyerno, dadating talaga doon sa irrigation, sa mga… hindi naman siguro talagang—But we would have been comfortable by this time.

Ang problema, ang naghihila sa atin ang corruption. But you know, alam mo kung ano ang sikreto sa corruption, nandiyan sa inyo. Nandiyan sa mga kapatid ninyo, diyan… tawagan ninyo sa Pilipinas but alam na nila ‘yan. You know, ang Pilipino kasi is not assertive.

Okay lang kung sa ibang bansa, because we do not make our rules, extend beyond our border. Kung sabihin mo lang na kung sinong makahinto ng corruption, kayo lang.

Sabihin mo lang kung sino mang p***** i*** ‘yan [applause]. Do not worry live ito. Streamline, live ito. Pag ka may hiningian kayo at hindi karapat-dapat, kay ma-Custom, BIR, Immigration, sabihin na lang ninyo, ‘loko-loko ka, bakit ako magbayad? Huwag mo ako lokohin as a Filipino. Kay sabi ni Duterte, sasampalin kita.’ [cheers and applause] At kung ma-demanda ka, malaman ko, anong dahilan sa pag-away? ‘Eh kinokolektahan kami, birth certificate, Statistics, doon sa Overseas.’

Oo nga pala, ang Overseas, meron na kayong in a few months, you will have a Department on OFW only. [applause] Sinabi ko kay Bebot, nandito ‘yun. Tayo ka, Bot. ‘Yung ano, siguro i-reduce na namin ang inyong from 6 weeks to mga 3 weeks na lang. You can use the online. At kayo doon kung gusto maghanap ng trabaho, you just direct kung ano ang, at ilista na ninyo diyan at mamili kayo, then you apply online. ‘Yan lang. [applause] Huwag na kayong dumaan diyan sa mga [diser?], mga employment na hao-siao, diretso na kayo. And even — they will take care at their end na para hindi na kayo mahirapan. I think the spirit or the heart of Bahrain is with you.

Sila na mismo, they have offered to help, to make it easy for our countrymen to… ang gusto ko iwasan ninyo, ‘yang mga employment na fly by night or ask for exorbitant fees na halos magiing buktot kayo sa kababayan. Ano bang buktot sa Tagalog? [laughter] Kuba. [unclear] itong mga Tagalog, hindi marunong magsalita. [laughter]

So ganon. So pag-uwi ninyo. Hindi na kailangang Pasko. Wala nang inspection ng bagahe. [applause] At saka ‘yang sa Immigration, they are not allowed to detain you or ask you more than the usual question. Pinagbawal ko na ‘yan.[applause] Objectin ninyo kung may bala man o wala, maski magdala kayo ng kanyon doon, ituro ko sa kanila. Sila ang nagsingit diyan sa bagahe ko.[laughter and applause] Sino pa bang makalagay? Lokohin nila ako, katagal kong mayor.

Sabi ko nga, hoy mga p***** i** kayo [applause] Hindi ako ‘yung mayor ng Forbes park, Dasmariñas ha. Mahirap lang ako na mayor from Mindanao. Talagang uupakan ko kayo lahat. [applause] You know why? I got 15 million plus votes. Six million of that naggaling sa inyo [applause]

Kaya tinatanong ko kung anong kasalanan ko bakoit binigyan ninyo ako ng majority nag anon karami? [applause] Ang aking governor, si Imee, si Obet Garcia, Zubiri at isa pang governor na babae, ayaw kong, ayaw kong sabihin ang pangalan kasi ma — wala na kami pero [cheers] Pero kayo na taga — sinong taga Butuan dito pati taga Agusan? Alam ninyo. Kayo na lang ang magsabi kasi maski banggitin ko lang ang pangalan niya talagang [cheers]Well, she’s a governor, she was a Liberal pero last minute nag baliktad dahil siguro sa [sings: Malayo ang Tingin]

So ‘yun lang. wala akong congressman. Wala akong municipal mayor, wala akong barangay and yet six million. Pero nag — talagang nag ano ako dito sa labas, ang OFW kasi alam ko gusto ninyong mahinto na talaga ‘yung corruption. Para aangat ang bayan natin [applause] And maybe the next generation can really come home.

I promise to improve the economy. So mawala ‘yang corruption. Be Assertive. When you go home, maski anong regulatory body, BIR, Customs o ‘yang city hall, magkuha kayo ng permit, sabihin mo lang. Alam mo, sabihin mo, huwag mo kaming — do not [laughter] ‘yan ang sabi ni Mayor Duterte. At sa Pilipinas. And even dito, you can dial 8888. At kung merong  opisyal na hindi mo nagustuhan, ikagay mo lang pangalan niya. Itext mo, lalabas sa PTV 4 eh, I have reserved one hour.

Ilagay mong pangalan niya tapos sabihin mo kung ano ang kasalanan niya and I would call him to Malacañang. [applause] Kaya mahirapan sila sa akin kasi pag na-plaster ‘yung pangalan mo sa TV, nililista ‘yan sa akin tapos ibibigay. Ito ang [laughter] si Cheena, ang aide ko na comes from the Navy. Navy ‘yan siya. Si ano [laughter] Ganon lang ‘yan kay she graduated from Annapolis, United States. [applause] Liit-liit na babae. Ano, pulis ‘yan sa — so malalim kasi siya masyado mahulog na tuloy. [laughter]

Second is drugs. Kaya nag-away kami ng Amerika kasi pinapakialaman ako sa trabaho ko. At gusto pa ako ng mga g***, ipakulong. Ako na ‘yung gusto mawala ‘yung scourge sa bayan ko, ako pa ang pinapakulong ng mga buang na ito. [laughter] And because of that, siguro narinig ninyo, minura ko talaga sila. Sabi ko, first time nakapag-address ako ng ganon. Sabi ko, you can go to hell. Wala kayong respeto. Bakit kayo nakikialam sa — historical na ‘yan maski saan. Kung ano lang ang gusto nila.

‘Yung values nila, gusto nilang i-impose sa buong mundo. And even diyan sa same sex marriage, pinupwersa nila ‘yan. Bigyan ka ng aid, ganon. It’s a convoluted thing. At itong EU, isa ring mga g***, put—

[applause]
Gusto nila sng solusyon ko, maglagay ako ng clinic sa lahat ng bayan sa aking bansa at ibigay ko sa mga adik. Huwag ko na daw patayin, magpunta lang sila doon sa clinic, doon sila mag-hithit, libre na. [laughter]

‘Yang mga ridiculous… same sex marriage. T***-inang ‘yan. Wala namang problema. I have not — dalawang bayaw ko gay. May pinsan ako na gay. Ako nagduda nga ako sa sarili ko kung gay ba ako. [laughter and applause] They have to come up with something na allowing it.

The law says, the Civil Code says, a marriage, ‘yung family relations natin sa libro, in the statute, a marriage is between a woman and a man. [applause]Bakit ko pipilitin? Ngayon, kung magdalawang gay, o di mag live together lang sila. Bakit mo pa pakialaman ‘yang batas? ‘yan ang… ‘yun ang mga ano nila na kat******han nga. You  know the previous one was really a libertarian kuno but deep down, he had a severe inferiority complex. Hindi niya malaman kung saan niya ilagay ‘yung idea niya.

Tingnan mo ito. ‘Well I’d like to address to all nations that I’m here to greet you and well, so I’m very happy to see you. Just to say I didn’t propose so many stupid things and we‘d like to interfere in all the affairs of government.’ You know, mga ganon [laughter] Ang aking English, Bisaya ito eh.

Drugs. My campaign against drug will not stop [applause] until the last drug lord is killed and the last pusher out of the streets. [applause] Alam mo kung bakit? Do you know the rage in my heart? Kayo. Ine-example ko kayo.

First, ilan sa ating mga kababayan lumabas ng bansa just to lookfor a gainful employment? Nagtitiis sila, the loneliness and being out. You are better off here in Bahrain because it is really a democracy. Walang nakikialam sa inyo.[applause] But in other countries, they could go as far as Yemen, Egypt, and Syria, there’s so much trouble.

Ngayon, ganon na lang ang pagod ninyo pati pawis para lang makapadala doon. And some are talaga, alam na ninyo kung gaano kahirap ang buhay ninyo. Magpadala ng pera, tapos pagdating doon gagamitin lang sa droga ng mga anak o ‘yung mga anak nila madisgrasya. Hindi naman tayo mayaman lahat. Magpadala ka, they continue to commute in public conveyances, magsakay sila, hoholdapin sila. Pagbaba nila, maraming istambay sa kanto, hihingi ng pera, pilitin mag —

Kaya nong mayor ako, ang Davao maganda. Sinabi ko kasi, do not destroy my city. Do not destroy the lives of our young people. They will be our tomorrow. Kasi kami mahirap lang. Hindi tayo bilyonaryo o milyonaryo na pag matanda na kayo, ang anak natin ang magbili ng medisina natin. ‘Yun ang susubo sa lugaw mo, ‘yun ang magbili ng — pag sirain mo, saan kami pupunta? ‘Yan ang hindi naintindihan ng Amerika pati itong is****** na EU. [applause]

Who will take care of us? When they are young, when we are old, when you cannot work together and you are sick and you are 85 years old? At saka ‘yung mga anong makukuha na ninyo makabili kayo ng bahay, you are forced to mortgage just to buy the medicine for your mother and father. Kaya ‘yan ang rage ko. Sa kahirap ng buhay na trabaho palagi tapos ganonin ninyo ang Pilipino.

Hindi nila naintindihan, we have 4 million drugs addicts. At I really do not know how many of them are out of their minds already. Because long-term use of shabu shrinks the brain of the person. Maswerte itong mga Amerikanong buang kasi ang kanila heroin. It’s a poppy.

it grows. Organic. Cocaine. Itong atin it’s a deadly mixture of chemicals. Alam ba ninyo ang tubig na hinalo diyan ay tubig ng baterya? Kaya talagang liliit ‘yung utak.

Pag ganito. Out of the four million now, how many are still good for rehabilitation? Because your, your brain shrunk, there’s no more redemption. Kaya talaga ako nagsabi na do not destroy my… because I will kill you.

When I became president, I said the same. Do not destroy my country and do not destroy the youth of the land. They are our tomorrow. Pag sinira mo sila, talagang yayariin kita.

Oh ngayon ang mga imbestigador pumunta. Sabi nila marami na akong pinatay. Bakit, sino ang patay diyan? Nakita mo ba ako kagabi, wala.  Marami nang patay. Sinabi kill you. Putang ina kayo, hindi kayo nakikinig. I will kill you. Sa awa ng Diyos wala pa akong napatay ni isa.

Ngayon, sino ba talaga nag patay ng mga pusher diyan? Ewan ko.  Bakit mo ako—wala pa ako. I, ako ba. Hindi pa ako nakakalabas ng opisina ko pati ng bahay ko diyan sa Pasig. I do not call it a palace. And I do not even as opisyal. Dito lang. Tanungin mo ako, we are workers of the government kaya finire ko ‘yung isang cabinet member.

You know what he did? Binawal ko ‘yung mga number, no numbered plate. Tiwala kayong mga congressman because we are separate. Ito ‘yung ano natin eh, executive. Ako ‘yung  head. Judiciary, supreme court, congress. Wala kaming pakealam. Pero dito saakin, ‘di na sila makagamit ng six. Cabinet members kasi six eh.

Sabi ko, wala tayo dito ha. Alam mo kung maglakad nag sh…(?). May nag report sakin gumagamit din ng (?) So mas marami pa ang security niya kesa saakin. Putang ina to. Alam mo sa totoo lang, hindi ko kayo binobola ha. Ang kwarto ko pinili ko. Doon ako across the river.

Doon sa barracks ang mga police. Ang kwarto ko lang, ha. Hatiin niyo itong stage. Yun na ang kwarto. May maliit ako na banyo. Di na nga ako pwede magdala eh kasi ‘di na kayo mag kasya. Pero when you are, any of you here, if you are in Manila, you just call my Bong Go.  Punta kayo.  Tingan niyo kahit kalahati lang. Yun ang kwarto ko. Tsaka sa Malacanang ngayon, wala na ‘yang steak steak.

Noon basta niyaya kita, isang ulam, isang sabaw, isang kanin. Hanggang diyan lang tayo. Ni minsan, ni minsan. Mag na-nine months na ako plus. Ni minsan mag tanong kayo, ni hindi ako pumirma ng allowance allowance. Kaya ang aking sweldo is 130, 000. Dalawa ang pamilya ko.

Kaya ako shoe string at ako umuuwi nagco-commercial flight ako. Ganon. Kaya lang last to board  yung pag board at tapos dito ako mag daan sa likod kaya minsan ‘di nila alam. Kasi kung malaman gaya ng sa  isang panahon, nagtakbuhan ang sa likod lahat. Ang eroplano gumanon. Akala ko, akala ko mag take off nanaman oh.

Nasa daan na tayo. Ang piloto sige nalang “Please, ladies and gentlemen.” Mahulog talaga tayo nito. Kaya sabi ko, okay lang kasi ‘yung maganda doon tumabi saakin. Kaya kung mahulog tayo nito, edi heaven.At least nakahawak ako ng kamay niya. Wag bumitaw sakin. Syempre pati ba naman yan pakialaman pa nila. So drugs ah wala talaga tayo diyan.

I said if you want a peaceful Philippines, no more killings about the drug, just drop the shabu. And tomorrow, heaven na tayo. Bitawan lang ninyo. Bitawan lang. Kasi pag hindi, talagang, sasabihin ko ma didisgrasya talaga tayo. And we are covered by lahat ewan ko kung nandito itong ABS CBN dito. Isa ring magnanakaw.

Alam mo kasi diba sinabi ko sa inyo, walang pera dumadating. Pero noong nag hit ako ng 34, nag datingan yang tulong. Ang problema nagbili kaagad ako ng airtime para ma advertise naman ako kasi wala akong pera eh wala akong pambayad. So nag bayad ako.

Alam mo si putang inang si ABS CBN na ito? Ang hinakit ko lang tinanggap ‘yung pera ko pero wala naman, hindi naman pinalabas. Ang pinalabas lang nila ay ‘yung may order sa korte na huwag ilabas kasi ginamit ang mga bata sa eleksyon propaganda. Child abuse ‘yan eh.

Despite of the TRO na kayo wag ninyo– Hindi na  nga nila pinalabas ang propaganda ko, hanggang ngayon ‘di pa nila sinauli ang pera ko. Mga putang ina mukhang pera kayo.  Grabe ‘yung basura. 211 million kay Trillanes nito. Utok bulinaw.

Sabi ko noon sa kanilang panahon, kung may 300 o 211 million ako, hanapin niyo ang records. Idemanda niyo ako. Kayo may hawak sa power. Kayo may hawak sa Central Bank. Anti money laundering. Edi idemanda niyo nalang ako.

Pero sige parin ang ABS CBN. Noong na presidente ako, sabi ko panahon ko na. Sige, buksan ninyo lahat, hanapin ninyo. Miski kalahati lang, kung meron ako, I will resign as president of the Republic of the Philippines.

Sinabi ko kung ma involve ng corruption ang anak kong Mayor or my son, the vice mayor,  sabi ko pag na involve sa corruption ang pamilya ko, kung nakialam sa pera ng bayan, I will step down. Walang problema ‘yan saakin.

Kaya sabihin ko,  do not be offended. But if you ask me now kung if I am happy to be president, I’ll give you an answer. I do not need it at this time of my life. I am 72 years old. So, ano pala ang sakit mo? Tanungin mo ‘yung tatay mo kung ano ang sakit niya. ‘Yon ang akin.

Pag sinabi ng tatay mo, anak may cancer ako sa kidney, ah meron ako. Anak, yung heart ano ko, meron rin ako nyan. Kapag sinabi ng tatay mo na talagang high blood ako, meron rin ako niyan. Anak, may diabetes ako, everybody gets it because of the rice, carbo. Meron ako lahat.

Ano pang sakit? ‘Yung sakit sa pag… [laughter]. Meron rin ako. Pero hindi na kagaya noon. Ano nalang,  hindi naman once in a while pero basta mayroon lang nun blue, alam niyo yang blue, miracle drug yan. Di yan para cancer di yan para tumor. Blue yan siya. [Laughter]. Hindi ko dala. Pero ang pangalan niyan Viagra.

Bakit ako mag yabang? 72 years old. Bakit, nakita mo ba tatay mo naga… kunwari lang yan. Sabi na mag lakad lakad. Huwag ka mag kumpyansa ngayon. Pero hindi na kagaya noon. Sa dalawang asawa lang hindi ko na kaya eh. Magdagdag ka pa diyan ng… Pero kung… nakakahiya kasi mamili eh. Wag kayong ma… Sabihin ko lang ang maganda ba. Kasi wala na talaga sa Pilipinas.

May asawa ka man, ma’am? Ma’am, pakialam ko nandun ka sa Piipinas. Ako minsan pag ah wala nang pili ‘yan. Ano pala pag-usapan natin dito? [Laughter]. Maganda na ang buhay ninyo. You are well provided by the government of Bahrain. They are very good to you so what is there to talk about except—

Taga san ka, ma’am? Bukidnon? Hala ka. May asawa ka na? Totoo ka? Totoo ka, kung gusto mong umuwi ngayon, malaki ang eroplano. May bakante pa. Totoo taga Bukidnon ka? Sa Malaybalay? Ah Manolo (?).

Nanalo ako sa Bukidnon, ma’am. Laki ng panalo ko. Sunod, wag kayo maglagay ng magaganda jan. nawawala ako sa gi plano kong salita e. Wag kayong mabastusan. Tao lang po ako. Tutal ang pag-usapan natin dito— I mean I could hardly find a topic vis a vis with government pati kayo.

It seems  apparently it’s almost perfect. You are treated there equally and everything that  human, human… Kaya  nandito si Foreign Affairs Manalo. Sunod na ganito yung maglabas, idaan mo ang passport saakin. Wag ka nalang pumunta doon ma’am, dito ka nalang. Totoo. Babye nalang kay mag-usap pa kami ni ano. Then we have the economy, it’s going good. 

Sa sunod ganito yung maglabas, idaan mo yung passport sa akin kay [laughter] huwag ka na lang pumunta doon sa [inaudible] totoo [laughter]. Byebye na lang kay mag-usap pa kami ni ano… [laughter]

Then we have the economy, it’s doing good. Noon, ah… I, the suspicion was inilayo kayo ng China, so yung ating banana, pineapple and everything [inaudible] hininto nila kasi of “quality issues.” Sabi ko: Ano bang problema natin? Pupunta ako ng China, and I’ll talk to President Xi Jinping – sabi ko “What’s our fault?” who used to trade. Suddenly the products are not attuned to your requirements quarantined, so tell us what siguro…

Pero [inaudible] pabuntot buntot ka sa quarintalisys (?) ng America and sabi ko ano… so ngayon, we’re back to our banana exports, 100 percent [applause]. Ang pineapple natin, maganda ang Pilipinas doon. Ang pineapple natin, 40 percent ang kulang because they stopped planting. Ayaw na tanggapin ng China, so ngayon, sabi ng China “send us everything,” because China is frigid. The northeren part is always rigid. Kaya sabi nila “Anong mabili mo? Bilihin mo, ipabili namin, bilihin namin. Pag hindi maganda ang quality, kami na ang maghuhugas.” [laughter] Eh ako…

But there’s a new development kasi gusto ko magpunta ng PAG-ASA para iraise ko ang Filipino flag kasi yung Benham Rise, they are on the right side dito sa Abra banda. Parang nag-aagawan, parang meron siguro diyan… so sinabi ko sa chief of… chief of [inaudible] “you occupy the islands.” So nine islands na pinalagyan ko ng tao pati flag flag. You claim it tapos yung ten… sabi ng China na “okay lang sa amin, magkaibigan na tayo, kaya inyo yan, amin yan, pareho kasi kaibigan tayo.” You can [inaudible], huwag ka lang pumunta… we have 5 minutes… huwag ka nang pumunta sa… strikta siya. [laughter]

You know, I have to see the Prime Minister, he flew  from London and just see me at the airport, baka nandyan [aduience cheering]. So ako na lang ang nangagaw ng island, may nine islands tayo, lalagyan ko ng flag, the Benham Rise dito, I call it, sabi ko, I’ll call it the Philippine Ridge. So sige man agawan, edi agaw rin tayo. Pwede ba naman yan ako pa na  magnanakaw pa noong bata, so hindi na ako makatagal, ano pa ba ang sasabihin ko…

HIndi kasi, ang tatay ng Royal Highness and yung kapatid ni King, expected to land at 7 and pupunta ako, ganito na lang… anything, anything Bong ibigan mo nga number mo I want every Filipino to have access with me. [cheering] Iwan ko lang itong ambassador [inaudible] yung direct namin, wala akong cellphone, diyan ako nadisgrasya sa asawa ko. [laughter] Hindi ako marunong mag-delete. [laughter] Ano yang… p••••• i••ng text  text. Ako yung Nokia  madali, diyan lang. Pero yung tax? Mahirap yung mag iwan ng telepono, patay. So nakita, ayun. 

Ah, I want you to have direct line with me, if not you can call any relative to call my attention. I’m telling you now, if you go home, hindi namang kailangang pasko but there is no more instruction. There is no more customs customs. Alam mo kasi pag yung baggaage are deplaned, it goes down to a bodega and it’s still [inaudible] na parang escalator na conveyor. So doon meron na ang camera, so doon na makikita kung may kontrabando ka, at kung sabihin mo lang na meron kang apat o lima, sabihing palusutin mo yan kay yang mga regalo nila yan. Papauwi na nga, pabili nito. Eh kami nga na mga mayor noon, kahit isang train yang bagahe mo, you are waved through, lalo na ang OFW. Ito yung… Hindi lang kayo bayani our gross national product, a good part of it actually yung remittances ninyo. Kaya sabi ko, ito yung nagbubuhay ng ekonomiya, a good part of the money sa economy comes from you.

Kaya ayaw ko na… kaya pag binuksan, sabihin mong “Huwag na, sampalin kita, bakit buksan mo yan? Eh siguraduhin mo lang may makita ka diyan, pag wala, sampalin kita.” You create a scene, mageskandalo ka doon, kasi aabot sa akin yan. May nangyari sa airport, tignan mo. Pag nabasa ko, [inaudible] p••••• i••, sinabi ko na sa inyo. Sa pulis, ganun din. Huwag kayong mag payag2x diyan na… issuehan niyo ako ng ticket? Sige. Kahit anong ticket pa ang gusto mo. Ibigay mo sa akin tapos kunin mo yung lisensya mo tawagin mo yung pulis. Isauli mo sa kanya sa harap ko.

Ayaw ko ng abuso. Ayaw ko ng korupsyon. I do not want oppression, and we will be treated equally. Kaya yang mga Inquirer, walang bayad bayad, kaya pala kung magdepensa kay Aquino… Inquirer has a 1 Billion utang para lang to editorialize the morality, the righteousness, sila2x mismo, sila ang may ari ng Dunkin Donuts. Anak ng p•••, 1 Billion, ang kinolekta ni Kim Henares was only 8 million. Tapos tayo dito… [inaudible] magbuktot diyan sa trabaho. Masama talaga sa Pilipinas, sabi ko you better correct or lalabas ako ng gobyerno, talagang titignan ko na malinis ito. Hindi ako hihinto diyan [inaudible sa droga [applause]. May mga may-ari, huwag mong sabihin, yung mga eroplano na sinakyan ko baka tanggalin ang… [laughter]. He owes about 30 million, eh diba tinanggap mo ang kontribusyon, eh hala.

Ngayon pag uwi ko, bayad kayong lahat. Bayad kayong lahat kasi kami nagbabayad kami dito. [applause, audience cheering] [inaudible] Kami sa gobyerno, pag sure. Tanggalin kaagad yung ano… Ito yung mga oligarchs. Ito yung mga… may balita pa ako na itong Inquirer, pinagbili yan ng gobyerno sa panahon ni Cory, panahon pala ni Marcos for only 1 peso lang ata. Pag totoo yan, babalikarin ko itong gobyerno. I will order the military and the police, we will have to do something about it. Kasi yung mga bahay nga ng sundalo, pinag-aagawan na ng mga pobre. Kaya sabi ko ibigay na lang ninyo. Eh inagaw eh. Sabi ko “alangan namang barilin ninyo yan.” Puro mga Pilipino, puro mga sabi ko gawan ko na lang kayo ng bahay iba.

Ngayon itong Inquirer, itong ABS, always… ah lahat ito gusto nila tama, yun pala sila ang p••••• i••, mukhang pera rin [audience cheering]. So tabla2x tayo. Bayad kayo, bayad ang mayaman, wala akong pakialam. Wala akong tinanggap na pera mga p•••. Puro mukhang pera. Nung nanalo ako, anong promise ko? Yun lang. Tapos galit pa sila, ang pangako ko, Marcos. Tinanong kami sa debates diba? Would you allow the burial of Marcos? I said yes. Binay said yes itong tatlo, ayaw. Alam mo bakit? It’s the law. Sinabi ko.. Batas yan eh. Abugado ako. Former president and a soldier. Ambot lang if whether Marcos is good or bad, it’s not my business whether or not he was a president, good or bad but it’s not my business to inquire.

Ang sinabi lang kasi… etong mga [inaudible] demonstrate diyan. Sa military, meron ako diyan nakareserba. So meron ka na diyan sa iyo. Sabi ko p••••• i••, ibigay mo sa kanila yan kung sinong magsubstitute. Ako? Sunugin mo lang ako at ilagay mo ako doon sa tabi ng nanay pati ng tatay ko. [applause] So next tirada ko, I am.. naka [inaudible ako sa mga oligarch. Prominent of which is the Inquirer and ABS CBN. At ang ABS CBN may  mining. May mining sila, may subsidiary sila. Kita mo, kunwaring bibira dito sisirain pala. Buti na lang hindi ako naunahan sa kanya o.

Mag-uwi na ako pero… Bert, palabasin mo yun siya, si Gordon kay mag… [laughter] eh kasi ako…. [audience cheering] dalahin mo muna yung camera mo. I’m going home na, byebye. [audience cheering] Bahala na kayo sa buhay ninyo. [cheering, laughter] Inggitero, inggit kaagad! [laughter] I have to go… ladies and gentlemen, the Filipino people, I love you all. [crowd cheering] and I assure you that the beginning and end of being my president is public interest, public interest.

Salamat po.