Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Inauguration of the Gov. Miranda Bridge II
Tagum City, Davao del Norte
18 May 2017
Governor Del Rosario; ang mga mayor sa atong kalungsuran; si Secretary Villar; si Mayor Virginia sa Municipality of Carmen; mga trabahante na kauban nako sa gobyerno; maayong hapon ka ninyong tanan.

(TRANSLATION: Governor del Rosario; the mayors, Secretary Villar, Mayor Virginia of the Municipality of Carmen, fellow workers in the government, good afternoon to all.)

I was delayed because I had to go to Tagum, kasi ‘yung nanay ng aide ko na pulis namatay.

So tatay niya PC rin noon, lahat silang magkapatid puro pulis, well, I… Hindi rin ako makalabas sa bahay kasi… Mabuti pa maligo na tayong lahat. Ready ako, walang problema. Kailangan ko lang ng alalay. Classmate ko man ‘yan sa high school o. Iyon siya. [points to someone]

Well, unang una, I’d like to thank the men behind the project. Dili ni ako ha. It started… Ingon aning nga proyekto dili ni ako. It could have started the previous administration and whether we like it or not, magpasalamat gihapon ta sa mga tao nga nagtrabaho ani. And of course ang naghimo ni ini, si Charlie Gonzales. Hain man ka Charles? Nauwaw man. Og ang mga opisyales na nag-follow up ini.

(TRANSLATION: Well, first of all, I’d like to thank the men behind the project, this is not mine. It started… Projects like this one are not mine. It could have started the previous administration, and whether we like it or not, we would still thank the people who worked behind this project, and of course to Charlie Gonzales. Where are you, Charles? …. And to the officials who followed up the project.)

Ang akong thrust pud sa akong administrasyon, I’ll be spending something like after five years, 3 trillion. So kada tuig bomba ko sa infrastructure. Kay og dili ta musulod sa infrastructure, ang atong ekonomiya, di gyud namugarbo. It is only when you are spending, ang kwarta mutuyok, unya ang kwarta maoy trabaho, may ang mga tao. So you have to go to spending kanang dagko gyud og ang mega, because it employs more Filipinos, makatrabaho sila unya ang kwarta mutuyok.

(TRANSLATION: So my thrust in my administration, I’ll be spending something like after 5 years, 3 trillion. So every year, I have to invest in infrastructure, because if not, our economy will not flourish. It is only when you are spending that the money will circulate. The money will generate jobs and provide employment for people. So you have to go spending a substantial amount of money because it employs more Filipinos. They’ll have jobs and the money will circulate.)

Ang mga suppliers kanang sand, gravel, tanan, maka-kwarta. So mao na ang among target, we will continue the good policies of the any administration for that matter. Dili man gyud ingon totally nga wala silay gihimo sa atong bayan. Naa silay gicontribute and one of them was really katong infrastructure ngari, na kani nakita. Didto mi agi sa pikas and I remember that dugay na nang tulaya na na.

(TRANSLATION: The suppliers like sand and gravel, everyone will earn money. So that’s our target: we will continue the good policies of the any administration for that matter. We can’t tell that they really did not do anything in our country. They have contributed something and one of them was really into infrastructure here. We passed by another route on the other side and I remember that bridge has been here for a long time.) 

You know, my father was governor of One Davao.  Wala pay Davao del Norte, wala pay Davao del Sur, wala pay Oriental, wala pay Davao del Sur, Davao City and Davao Occidental. It was a one huge province.

(TRANSLATION: You know my father was [a] governor of one Davao. Wala pang Davao del Norte, wala pang Davao del Sur, wala pang Oriental, wala pang Davao del Sur, Davao City, and Davao Occidental. It was a one huge province.)

At that time, my father was governor. It was when he died na pinaghati-hati na nila ang Davao.

So dito, napunta kila Floirendo pati kila Boiser. Oriental went to Rabat, Davao del Sur went to Danding Cojuangco and the Almendrases, then ang Davao City because Mayor Lopez was brod ni Presidente Ramos — ay Marcos sa Sigma Rho tapos was retained as Davao City mayor. Ana ang distribution niyan.

So overtime, naiba na ang mga pulitiko and sa second generation, ako ‘yung naging mayor ng Davao City at sa awa ng Diyos, naging Presidente ng Pilipinas. [applause]

Hindi ko man hiningi ‘yan, I never expected that I’d win. You know very well na small time lang man ako dito sa Mindanao but God has a way, you know,of balancing things and even without a party or it was a moribund one, PDP, even without money I won the presidency.

So ang akong trabaho, ako lang pud tanawon ang ginawa ng tatay ko noon at ‘yon ang sinusunod ko. 

(TRANSLATION: So in my job, I make sure to recall all that my father did before in his time and that’s what I’m following.)

Maano lang ako sa… Ang hindi ko nakuha sa tatay ko ‘yung pagka-pasensyoso. Eh tatay ko kasi hindi pumapatay ‘yon maski daga. Eh sa panahon ko, hindi daga ang pinapatay ko, tao talaga. Mga p***** i** talagang mga, ang titigas ng ulo eh.

You know, talking about governance, in addition to public works, public health, public safety, ‘yang pulis, army, public interest, importante kasi ang law and order.

And I give you an example, Davao City. It was not that good after martial law but when I became mayor, I saw already what could have happened ‘pag hindi ako nag-banat.

So I told everybody dito sa Davao City, if you think that you cannot be a peaceful citizen o mag sige mog baligya ug droga then holdup, kidnap dito, sabi ko papatayin ko talaga kayo because you are destroying the city and the youth, ang aming mga anak.

Kasi kami, hindi kami milyonaryo. Pagtanda namin, ako medyo Presidente, mayor, I can finance the hospitalization sa aking sarili mga nine months, eight months.

Lahat ng medisina, lahat ng state of the art — oxygen, ventilator. But after that kaput na. Hanggang diyan lang ang pera ko. Pero nine months, okay ako.

Mga libing, casket, medyo maganda ‘yan pero hindi ko kailangan ‘yan kasi sabi ko sa mga anak ko, magpasunog lang ako. Cremate then tapon mo ako diyan sa Bankerohan.

But tayo, mga mahirap. Kaya ako naghihinanakit kasi ‘yung mga anak natin, si Inday, si Pulong, si Baste, ‘yun ang magbili sa akin ng medisina. Sila ‘yung magbili ng oxygen. Sila ‘yung magbili ng mga kung anong bagay para mabuhay ako.

At iyong iba, experience ninyo ‘yan, ang mga nanay pati tatay natin sinasangla nila ’yung propedad nila makabili lang ng gamot, makapa-ospital lang ang nanay pati tatay nila.

Ganon ang istorya diyan kaya ako galit talaga na galit na p**** i** talagang galit. Talagang mapatay kita sa p***** i** mong — ‘yan ang…

Ang isa pa, galing ako sa labas. I would not want to name a particular country because it would… Mga kuan ana maminaw labi na tong ilang mga kuan mabubugok ba sa kakaisip.

(TRANSLATION: And one other thing, I just got home from abroad. I would not want to name a particular country because it would… Some of them there will be listening especially those who are… You’ll lose your mind just thinking about it.)

Marami dito sa atin Pilipino and I’ve been there, nagtitiis magtrabaho sa labas ng bayan. Ang tatay sa isang bansa, ang nanay naman naka-assign doon sa isang state, separated.

Now, you know, in a family, ‘pag nawala ang tatay maski buhay, umalis, this becomes dysfunctional already.

May mga pamilya na nanay pati tatay umalis. Iniiwan lang doon sa lolo pati lola pati mga kapatid. Ang pamilya niyan already is dysfunctional.

Ang nanay pati tatay nandoon sa labas, nagpakahirap. Minsan binababoy, nire-rape, nagpapakamatay para lang mapakain nila, makapadala ng pera para makapag-aral ang kanilang anak.

Only to realize that one third, the survey says, ang mga dependents ng OFW are into drugs, have not gone to school and wasted the money. Diyan ako mainit kaya p***** i** pumapatay talaga ako ng tao.

Mainit talaga ako diyan kasi ‘yang mga ating mga babae, sinisikmura ‘yan nila nire-rape ‘yan. Binibigyan lang ‘yan ng mga kasama nila mga pills para hindi mabuntis. Automatic ‘yan pagkadoon lalo na kung naka-assign sa bukid. Kung naka-assign sa urban centers okay pa.

Meron doon ako papunta ng Monkayo o Agusan, iyon ang mga kawawa. Kaya ang sakit na lang ng loob ko kung makita ko ‘yang sakripisyo nila binababoy nitong mga durugista. If you know better, huwag ka talagang magkumpiyansa diyan sa human rights na ‘yan kay pati ‘yan sabayin ko kayong putulan ng ulo.

Hindi ako madala ng ganung takot eh ikulong mo ako eh ‘di ikulong mo ako. Kung sabihin nila dapat akong makulong okay, fine. I’ll pay the price. But do not f*** with the Filipino families.

Iwasan talaga ninyo. Ito three years halos ubos na ‘yan. May namamatay sabihin mo lang 100 a day, meron. Kung sinong pumapatay ay ewan ko, ayaw kong malaman. Pero kung tanungin mo ako sige trabaho.

Iyan ang iiwan ko talaga sa inyo. More than the public infrastructures which we wish that our children could put to good use. Ang kasi dito bakit natin ginagawa ito? Or three years from now patay na ako. Ano ang pakialam ko dito sa bridge na ito?

Why am I here? I will not be coming passing by this — but because I am interested in the future generation.

Sandali lang kasi ang turnover eh. This Earth is five billion years old. Sandali lang ang… Akala natin eternity. Just a few ano retire na tayo, lahat kayo retiring age na.  Kahit kaharap kayo sa akin.

Kung ano ang sakit ko, sakit mo ‘yon ngayon sigurado ako. Pwede nga tayong magpalitan ng medisina eh. Huwag na ‘yung condom kasi wala nang silbi ‘yan. Viagra pa siguro.

Iyan man ang totoo. Nandito pala si Charlie? Charlie has a good record of itong mga ganito. Ako basta wala lang… Do not shortchange government. Iyan lang gyud ang hiningi ko. Huwag lang ninyo ako… Talagang corruption ayaw ko.

Ilang… LTFRB to date 92 na. Hindi ko lang pinagsasabi sa publiko kasi pinagtitingnan ko ‘yung mga resume. Mga anak nila sa Cardinal Santos, ganun. Mapapahiya eh. Pero I have to date, I fired almost 92.

I fired the DILG Secretary. Diyan mismo sa Cabinet. Eh nagsinungaling harap-harapan. He didn’t know that I was already reading the documents and he was he was lying through his teeth.

At ang ayaw ko kayong taga-gobyerno ngayon, binabawalan ko nga ang Cabinet members ko not to use ‘yang mga plate number na 6. Status symbol eh. It’s vanity actually.

Sinabi ko na sa kanila huwag ninyong gamitin. You know what’s [inaudible] I was going around Manila pati dito using sirens and kung magbaba mga dalawang pulis tapos may isang… Ngayon you are wasting money, sino ba ang papatay sa iyo? Anak ka ng…

Iyon nga ang sinasabi ko eh low-key tayo. Huwag tayong mag-hambog kay hindi man natin pera ‘yan at saka wala ‘yang mga status symbol na mga siren-siren. And that is the reason why I do not accept invitations in Manila, Metro Manila because every time I go out na mauna talaga ‘yang mga pulis na every kanto sasarhan ‘yan.

So you think that there is no traffic because it’s all clear, but actually pinara ‘yan kada kanto and the exponential increase sa every kanto, hindi mo alam.

After you pass by, magkagulo naman, magkabungguan na naman, agawan na naman ng… And that is the reason why I do not… Hindi talaga ako lumalabas ng ano…

And to that extent I would say that I — I’ve lost my privacy. Dito sa Davao hindi ako makalabas, hindi ka makasibat itong mga buang [laughter] Minsan magkaaway kami, minsan magkaibigan kami — itong mga security ko.

Hindi ba parang unang pagka-Presidente ko, hindi pa ako ipinoroclaim (proclaim) noon, sinabi lang ako ang nanalo, nagbabaan na itong… Nagbabaan na sila, tapos tinake over (take over) na ang mga pulis, ‘alis kayo diyan.’

Pati ‘yung pulis galit na sa kanila kasi… ‘Wala, kami na, uwi na kayo’. Tapos paglabas ko ng bahay, tingin ako doon sa rear view mirror, daghan man kaayo ni nag-sunod? Corny ba, parang entourage.

Sabi ko, tapos nandoon may malaking ano, naga blinker na pula. ‘Sino…’ ‘Ano ‘yang p***** i**** nagasunod diyan sa atin na malaking…’ ‘Ah, kuwan ‘yan, sir, ambulansya.’ Ay susmaryosep. [laughter]

Ipa-ambush gyud diay ko ninyo? Sabi ko, naa nalang ma’y  ambulansya, tawagin mo ang anghel, pasundan mo na lang ng punerarya para kumpleto na. Pagtapos ambush, patay, diretso ka doon sa…

Ayaw ko lang sabihin, ‘wag lang kayo magalit pero, if you ask me if I’m happy being President, no, I’m not.

Naniwala rin kasi ako nito nila eh. ‘Sige, Rod takbo, takbo.’ Tan-awa ka ron unsaon na ni. [laughter] Kaya magtingin ako nito sa kanila, maligaya ako na suya kagaya kay Charlie, doon kami nag-usap sa Samal. ‘Sige, kami bahala… Puwesto…’ Eh siyempre presidente,

sus nung nandoon na ako napasabak na ako.

You know I did not realize that we have a huge, huge problem. Sa Davao kasi… Sabi ko nga, ‘Get out of Davao because I will kill you.’

I thought all the while na ‘yung ano lang, pareho dito ba na kanto-kanto lang. It was not until I became President that I realized the dimension of the horror. Na by the tens of thousands nag-surrender ang mga adik, umabot ng 4 million. Tapos lokohin lang ako ng mga human rights, human rights?

Look, I have 4 million Filipinos, anong gawain ko niyan, prituhin ko? Alam mo kasi ganito ha, magbantay kayo, tutal gabi na, mga alas- siyete mag-uwi na tayo. [laughter] May ilaw man.

Ganito ‘yan, kayong mga abugado, kayong mga pulis, ‘pag ang tao durog, ang tao buang, tapos nakapatay under the influence of drugs, and when he is caught at basag na talaga, wala nang magawa sa utak, pagdating sa korte niyan, sabihin lang ng abugado, ‘Judge, paki-examine muna if he is in his complete mental faculty, if he can stand trial? Does he understand the charges?’

‘Pag sabihin ng psychiatrist, ‘Ito, kita mo, hindi na nga sumasagot eh.’ So ‘yung pinatay niya, ‘yung ni-rape niya na bata, o yung lasing… ‘yung… Tabla.

Iyan ang hindi naisip ng human rights, ng mga p***** i**** ito eh.

Ngayon hindi siya buang, he was completely sane when he committed the crime but sa katagal sa kagagamit, one year, six months after, he is caught and he is identified but at the time he is already also insane. Because constant use of drugs shrinks the brain of a person. Paano iyan? Sino ang managot nito ngayon? Sino ang managot nitong mga…?

You know, who conducted a survey ayaw ko lang but it traverses many administration, 77,000 Filipinos died in drug connected homicide, murder. Ganun kalala. Sinong managot nung 77,000 na Pilipinong namatay hanggang sa panahon ko?

Tapos sabihin nitong Human Rights, 10,000? P****** i** gawain mo ‘yang singkwenta mil. Ubusin ko talaga ito. And even if I had to go to hell, I can rot in prison I do not mind. Matanda na ako.

But in three years, mag-stabilize ito kasi maubos naman. Para walay identification, ikarga na lang sa C-130 lahat ng patay dito na lang itapon saMadaum. Hindi makilala ito, saan ito? Ewan ko.

Hindi ako magpatalo nang ganoong klaseng giyera. Medyo maano ako kung iba siguro mag-surrender pa ako. But not, you know, sabi kasi nila ‘itong si Duterte mag-martial law ‘yan.’

Kaya hawak-hawak nila ‘yang Constitution. Dito lang ‘yan. [raises his right hand] Noong tumayo ako before men and God, I said sa oath of office ko, ‘I will preserve and defend the Filipino nation.’

Nandiyan na siya lahat. Kaya gagawin kung anong klase kong p****** i**** trabaho to preserve and defend my nation. 

So bantay kayo diyan kasi limang taon pa ako. P***** i** ‘pag hndi tayo nagkaintindihan dito, na sigurado. Pero kung ganito pa-downplay na, okay lang. Pero ‘yung sabihin mo na magka-gulo-gulo ganun dahil sa droga, ah l****.

Ako I will not promise you anything, but I said I will just invoke, I will be true to my oath of office. Sabi ko nga eh, nagpadala ako ng message kay ‘yung babae si ano na… Ah itong ano…

Anyway, itong mga oligarchs ha. Walang oligarchs dito because Mindanao is a frontier land. Ang Mile Long ‘yang may canal diyan sa Makati papuntang Pasay. Tawag nga diyan Mile Long eh. 

Originally, it was owned by — dili, hindi lang originally, it’s owned by DPWH. Junkyard noon ng DPWH ‘yan mga train nila.

During the time of Marcos, ibinigay kay Rufino ‘yung may-ari ng mga sinehan sa Manila. For a measly sum, ibinigay kay Rufino. Tapos itong si Rufino nag-asawa ng Prieto, may-ari ng Inquirer pati Donut. Tapos nag-asawa ng Romuladez. Tapos kay Romualdez meron na naman sila kay Cory.

For 50 years, 25 years nag-expire, ibinigay 25 years. Ngayon kinukuha na ng gobyerno. Itong mga korteng p****** i** bantay kayo sa akin. Issue na naman ng TRO. Supreme Court already twice said na dapat isauli na sa tao.     

Ang ginagawa nitong mga ito nag-file na naman ng kaso kung ano, may TRO naman sa Court of Appeals. Ayaw talagang isauli sa tao. Kaya ako nagwa-warning ako sa Court of Appeals pati na Supreme Court, huwag ninyong… You know, huwag ninyong sakyan ‘yan na magkaso sa mga oligarchs.

Bakit man kayo na mag-TRO-TRO. Do not wait for the day na hindi ako maniwala sa inyo. Kasi jina-jamming ninyo ang Pilipino eh kayong mga justices diyan.

Mamili kayo, I am warning you, either return the property of the government to the people or there will be a time I will not honor your order and you shall have created a Constitutional crisis.

Na sabi ko sa inyo pagka-Presidente ko, tinataya ko ‘yung buhay ko, honor ko, ang Presidency mismo. I can lose all of them, pero huwag ninyong… Do not f*** government. Kasi ‘yan ipagbili ko para magawaan ko ang mga tao ng bahay.

Eh doon nga sa ano, may bahay na ginawa ko para sa mga sundalo, inagaw naman ng mga tao. Kaya sinabi ko sa kanila tinawag ko lahat sabi ko na, ‘huwag na lang kayong maano, tutal Pilipino rin ‘yan eh’.

Tapos mag-init ulo mo may armas ka, eh ‘yung tao wala, gawaan ko nalang kayo nang bago. Kaya sinasabi ko huwag na ‘yan, puro tayo Pilipino eh.

‘Yan i-surrender nila ipagbili ko ‘yan bidding. Ang kita niyan gawain ko ng bahay. Idagdag ko diyan sa pinag-agawan ng Pilipino. Diyan ako ka-ano talaga… Mabuti ‘yan malaman ninyo. Galit ako diyan sa mga oligarchs.

Panahon ni… Tapos itong Donut, ang may-ari si Prieto, Inquirer, may utang na 105 — 1.5 billion. Walang bayad, bayad diyan sa ano… Eh may Inquirer eh sigeg pang-atake, takot naman. Pagdating kay Henares in-assess lang ‘yan ng 8.5 million—8 million, 8 million tama — 8.5 million. Sinabi ko hindi ko tanggapin ‘yan, ay hindi tanggapin ‘yan binuang ‘yan, kalokohan ‘yan. Magbayad kayo sa husto.

Ang ABS-CBN ganoon rin. ABS-CBN nandito ka? Itong ABS-CBN mahilig sa swindling by on a large scale.

Mga p***** i*** mga media tinatanong nila ako bakit may 3 million ako na additional income? Saan ko raw kinuha? Eh ‘di sabi ko may sugar mommy ako na mayaman binigyan ako ng pera.

Ang totoo talaga diyan ganito, walang bumibigay masyado ng pera sa akin kokonti lang, hindi sapat. Hindi naman sabihin na si Charlie nagbigay ng kanya lahat, nagbigay pantulong. May 3 million nag — kaya naiwan ako, ang rating ko 3-4,3-4.

Pumunta ako sa ABS-CBN, sabi ko ito lang ang kaya ko na propaganda good for this, pwede ba ninyo ilabas ang propaganda ko? Tinanggap nila ‘yung pera ko, natapos nalang ang eleksyon wala namang… Ni wala naman sabihin na isauli sa iyo. Ako, si Cayetano, si Romulo, marami kami. Marami kami halos… Ewan lahat ng politiko na gi-tabla ng ABS-CBN.

Kaya kayong ABS-CBN kayaman ninyo. You didn’t have the courtesy to say, ‘Mayor, hindi natuloy ‘yung iyong placement.’ Wala kung hindi ako nagsabi magnanakaw kayo, eh talagang mukhang pera ka naman, kayong mga Lopez. Mukha ninyo pera. Bastos kayo. Binastos ninyo kami, hindi lang ako mga pulitiko.

‘Pag ang mundo nag-ano, bantay ka sa akin. Large-scale estafa ‘yan eh.

Kaming mga pulitiko, President mismo lolokohin mo? P***** i** kayo. Huwag ninyong hintayin na… Do not wait for that day on its 25th hour, the hands of the clock will strike for the bells to toll to sound your kneel of grief.

A day is only 24. Do not wait for the 25th hour because that could be too late. Walang 25 hours eh, it’s only 24. But if it does, better think twice.

Huwag ninyong lokohin ang Pilipino. Okay na ako kalimutan ko na lang ‘yung… Basta lahat kayong oligarchs isauli ninyo ang pera, kayong may mga negosyo sa eroplano lahat magbayad kayo ng buwis para wala tayong away.

At masiguro ninyo kayong Pilipino walang korupsyon, ni singko sentimos walang korupsyon sa panahon ko. Sinabi ko sa inyo ‘pag ang anak ko, si Mayor Inday, si Pulong, si Baste kung nandiyan ‘yan sila sa korupsyon tomorrow I will step down as President. ‘Yan ang masiguro ninyo. [applause]

I give my… Maliit masyado magkamali lang ako maliit masyado ‘yan, I am very exacting, kay sa labas istrikto talaga ako.

‘Pag ka nagkamali ka diyan ng ano hindi kita matulungan. Pero ibang problema pakasal ka wala kang pera, makabuntis ka, tapos hinahabol ka ng tatay pati nanay, pwede akong mag-intercede para sa iyo. Kung maganda talaga ang babae tumakbo ka na lang ako na ang bahala. [laughter]

So pasalamat ako sa inyong… Well, I was invited. Thank you. It’s a beautiful bridge. It will serve for another 50 to 70 years, then you’d need another one. By that time naa pay mas dato ni Charlie nga mo buwat ani.

And we will all be gone. Ang ato karon, let’s enjoy the moment because it is a structure that will survive the test of time and I hope it could serve well for you sa mga taga-Del Norte.

Ako whenever I travel here, it’s always in a nostalgic visit. ‘Cause I remember ang akong amahan nagbaha diri, pumunta dito ang tatay ko tapos ‘yung lantsa sinakyan niya gianod. Naputol ‘yung… Kaya si [inaudible] pa noon who is also here. Pwerti na iyak ng nanay ko kay hindi naman makita ang tatay ko.

Mabuti’t na lang natalian doon sa unahan. Gianod ba. And I was here also crying because siyempre ang among tatay eh.

Well, that’s… But still a beautiful place, green o. Try to preserve the place for the next generation.

We owe it to them. Iyon maski saan ako magtingin dito green. Maganda talaga ang Davao. Just take care of it for your children.

Maraming salamat po. [applause]

—END—