Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Vic Lima/DZMM


LIMA:  Good afternoon sir, Vic Lima here.

SEC. PANELO:  Good afternoon.

LIMA:  Seryoso ang Pangulo, Secretary.

SEC. PANELO:  Obviously.

LIMA:  Ano ho ang payo ninyo doon sa mga ‘dapat magbitiw ka na, ibigay mo na kay VP Leni Robredo iyan,’ parang dapat wala nang ganoon eh ‘no tulungan na lang.

SEC. PANELO:  Sabi ko nga eh, wag siyang makinig doon sa mga kasama niya kasi ayaw siyang mag tagumpay.

LIMA:  Oo, ginigiba lalo, parang ginigiba lalo.

SEC. PANELO:  Oo.

LIMA:  Noong nagsabi ang Pangulo na inaalok niya kay VP Leni Robredo, parang—sa tingin ng iba ngayon, the same date was October 31, at ipinalabas itong memo October 31, parang seryoso pala ang Pangulo?

SEC. PANELO:  Eh, dati namang seryoso iyan, hindi naman nag-a-announce iyan ng ganoon.

LIMA:  Sabagay.

SEC. PANELO:  The fact is in-appoint siya, nagbigay na ng appointment; hindi na lang alok, in-appoint na nga siya.

LIMA:  Oo, may sulat, ito hawak ko nga ho iyong sulat eh. So what do you expect, what does the administration expect from VP Leni Robredo sa kanyang gagawin – kung tatanggapin, wala pa hong announcement si VP – sir eh.

SEC. PANELO:  The question should be: What can we expect from her?

LIMA: Oo, dahil marami siyang puna—

SEC. PANELO:  Siya ang mag-o-occupy nung posisyon eh, di siya ang magbibigay ng diskarte.

LIMA:  So, hintayin na lang natin iyong kanyang pagsang-ayon.

SEC. PANELO:  Oo. Dahil sabi niya, hindi effective. I’m sure marami siyang naiisip na effective, oh di pagkakataon niya na.

LIMA:  Oo, para ngang sabi ko nga eh, time to shine, hindi ba?

SEC. PANELO:  Correct, this is her moment. And we are the moment. In fact, it can be a ladder to the presidency if she succeeds, just like Erap when he became a crime czar.

LIMA:  Why not, why not. All right Secretary thank you sir, you have a good day, sir.

SEC. PANELO:  Salamat.

##

Source: PCOO-PND (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource