Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Alex Santos – Ratsada Balita/DWIZ


SANTOS: Secretary, unang-una, kumusta po ang nagiging pagtanggap po ng taumbayan dito sa inilibas ho nating docu film, ito pong iyong “Gramo”?

SEC. ANDANAR: Well, ang pagtanggap po ng media dito ay very encouraging. Ito po ay naglabasan sa halos lahat po ng pahayagan at mga himpilan ng radyo, pati telebisyon. Number two, doon po sa ating pilot showing last night sa PTV, ganoon din po, marami pong nanood. At kung titingnan ninyo po iyong mga reaksiyon ng mga kababayan sa social media, very positive at napakataas po ng shares nitong documentary na “Gramo.” Kaya ako po ay nagpapasalamat sa mga kababayan natin, at lalung-lalo na sa ating mga kasamahan sa production, kasama ka na diyan Alex na naging host nitong ating documentary na “Gramo.”

Para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, ang pinag-uusapan po namin ni Alex ay iyong documentary na “Gramo.” This is about the anti-hard drugs campaign ni Presidente Duterte. We have documented everything, mga achievements, mga successes including the issues hounding the hard drugs war. Ito po ay mapapanood ninyo sa documentary na “Gramo” na 50 minutes po ang haba nito; in-depth ang pagka-produce nito, very well done. Salamat po sa mga nanood.

At kung gusto ninyo pong panoorin, nandiyan po iyan sa social media page ng Presidential Communications Operations Office, sa Facebook. Ang pangalan po ng Facebook page ay Presidential Communications.

SANTOS: Yes. At, Secretary, hindi lang siguro ho mga kababayan natin sa Pilipinas po ang nakapanood po nito, maging iyong mga kababayan natin abroad ‘no. I’m sure sila po ay nakatunghay ng isa pong complete details po nitong war on drugs po ng ating Pangulong Duterte.

SEC. ANDANAR: Alam mo, Alex, tama ka ‘no, hindi lang mga kababayan natin ang target nitong “Gramo” na documentary. Kasama po sa mga audience natin dito ay international community, kaya abangan po ninyo ang aming version for international. Ito po ay mayroong English na sub version, mayroon din po tayong mga subtitles. Pangalawa, magkakaroon din po tayo ng docu film showing sa international community, specifically the diplomatic international community dito po sa Pilipinas.

And then soon… or early next year, ito po ay dadalhin natin sa ating mga permanent missions sa ibang bansa, lalo na diyan po sa permanent mission natin sa United Nations based in New York City and Geneva.

SANTOS: At, Secretary, dahil nga ho nailabas na ho natin itong docu film na ito ‘no, are we expecting …I’m sure, nandiyan na naman iyong mga kritiko ‘no. Sasabihin nila, “Ano na naman ang pinalalabas ng PCOO ngayon?” Ano ho ang mensahe ninyo sa kanila, sir?

SEC. ANDANAR: Basta ganito po ang mensahe natin, Alex: Nasa mandato ng Presidential Communications Operations Office na i-communicate ang mga polisiya ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa buong Pilipinas. Matagal na po nating kinu-communicate itong mga strides sa drug war mula po noong 2016. Nandiyan iyong ating mga efforts sa Real Numbers, na kahapon po ay nag-update sila ni General Aquino, sila ni Asec. Marie Banaag.

Napag-alaman natin sa pag-a-update ng Real Numbers, halimbawa kahapon na isa po sa mga challenges natin ngayon ay iyong mga Chinese divers, ‘divers’ sa dagat ha. Ang ginagawa po nila, nagda-dive sila sa karagatan and then hinahanap po nila iyong mga cocaine na nasa ilalim.

Number two, nandoon din iyong ating challenge sa money trail from droga. Napag-alaman natin na ginagamit na ‘bit coin,’ Alex. So ito lahat ay mga challenges at ito naman ay inilalahad ng programa na Real Numbers.

Nandiyan din iyong ating mga journals na niri-release since 2016. In fact, two days ago ay ini-release ho natin iyong pinaka-updated version, ito po iyong ‘War to Save the Future of a Nation: Countering Hard Drugs.’ Binigyan din po natin ang ating mga kasamahan sa media.

At nandiyan din po ang communications campaign ng PCOO para po sa anti-drugs campaign, ito po, ang tawag po natin dito ay Rehabinasyon.

So what I’m saying, Alex, is that itong ating documentary na “Gramo” ay isa lamang sa mga paraan kung paano i-communicate itong drug war ng ating gobyerno na tatlong taon na at napakadami na pong accomplishments.

SANTOS: Opo. By the way, Secretary, ano po ang naging reaksiyon po ng ating Pangulong Duterte with this docu film ho natin, sir?

SEC. ANDANAR: Well, the President gave us the go signal to show this to the media and to the rest of the Philippines, ating public. At nangangahulugan ito ay in-approve po ni Presidente iyong ating prinoduce na documentary. And he was quite happy and satisfied with the result of the production.

SANTOS: Okay. Ito po ba ay puwede ba ho natin mai-show ito sa mga paaralan, sir, sa mga public utility vehicles para at least ay mayroon po silang mapapanood, sir?

SEC. ANDANAR: Opo. Nag-usap na po kami ng aking team at nag-reach out na rin po kami kay Assistant Secretary Goddes Libiran ng DOTr. At ito po ay ipapalabas natin sa mga terminal ng airport, terminal po ng mga bus, ng mga lantsa, tren, kasama rin po iyong mga bus na mayroon entertainment sa loob – magbibigay po tayo ng kopya nitong “Gramo.” Ganoon din po, nag-reach out po tayo kay Secretary Ed Año para mapalabas po ito sa lahat ng mga barangay halls.  And we will reach out also to DepEd and to CHEd.

SANTOS: Ayun, maganda ho iyan. By the way maiba ho tayo, Secretary, ha dahil by December 19 ay ilalabas na ho iyong hatol dito sa Maguindanao Massacre. Ano po ang magiging role po dito ng PCOO, sir?

SEC. ANDANAR: Salamat sa tanong na iyan, Alex. We are very anxious… anxiously waiting tayo dito sa promulgation ng Maguindanao massacre or Ampatuan massacre ngayon December 19. Tayo naman ay nagagalak dahil ginawa po tayong official broadcasting company ng Korte Suprema. So abangan po nila ang full coverage po ng promulgation sa PTV, sa ating state television. Nandiyan po ang lahat ng ating broadcaster, kasama si Alex Santos sa maghu-host niyan.

SANTOS: Okay, sige. With that, Secretary, daghang salamat. Ingat po kayo, sir.

SEC. ANDANAR: Salamat, Alex.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource