Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Mike Abe – Usaping Bayan/DZAR

ABE: Secretary, bigyan ninyo nga kami ng update, kumusta iyong biyahe ninyo sa Europe? Kumusta po ang tingin ng mga tiga-Europe, hindi lang ng mga negosyante pati po ng mga mass media roon, international media sa kasalukuyang demokrasya na umiiral sa ating bansa, dito sa Pilipinas, Secretary?

SEC. ANDANAR: Unang-una sa lahat, tayo ay nagpunta sa Geneva para um-attend ng 43rd high level session ng Human Rights Council ng United Nations. At doon nga, nabigyan tayo ng pagkakataon para magsalita, para ipahayag sa Human Rights Council ang stand ng ating bansa pagdating po sa human rights. At magandang pagkakataon iyon dahil tayo ay nabigyan ng ilang minuto doon sa plenaryo para magsalita at para ipahayag iyong mga stand natin, kung ano po ang saloobin natin sa naging desisyon ng United Nations Human Rights Council last year na aprubahan iyong resolusyon tungkol sa human rights dito sa atin bansa.

Kaya tayo ay umaasa na pagkatapos po ng ating inihayag at hinatid na mensahe sa pamamagitan po ng pagbasa ng statement doon po sa talumpati ko sa 43rd Human Rights Council high level segment activity ay na report natin iyong mensahe sa kanila na, number one, mayroon pong press freedom sa bansa natin; number two, hindi po totoo na mayroong curtailment ng ating (SIGNAL CUT) … nagkakalat ng mga ganitong fake news, mga balita, ito rin iyong the same actors na sumusuporta sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas na lumalaban sa gobyerno – ito iyong mga rebelde; ito iyong mga komunista.

So dapat ho ay hindi magpagamit ang United Nations Council on Human Rights, dapat hindi sila magpagamit sa mga aktor na ito dahil nagtatago ito sa ngalan ng human rights pero mayroong hidden agenda. Ano ang hidden agenda na iyon? Ang i-take over ang Philippine government. Eh hindi naman dapat ganoon, hindi naman maganda iyon. So nakuha nila iyong mensahe na iyon. In fact, after two days, naglabas po ng statement si United Nations Secretary General Guterres na pinapaalalahanan niya iyong mga miyembro ng United Nations Human Rights Council at United Nations system na dapat mag-ingat sa mga grupong ginagamit iyong human rights bilang isang shield pero mayroon palang hidden agenda. So naging maganda po iyong reception sa atin.

At bukod diyan, Mike, tayo din po ay nakipag-usap sa mga Filipino communities, nakipag-usap sa media at nakipag-usap din sa ating mga embahada at mga think-tanks, mga politicians. At sabi ko nga sa kanila, ang paratang ay walang press freedom sa Pilipinas dahil sa isyu ng Rappler at ABS-CBN. At ipinaliwanag ko naman, sabi ko na, ‘Alam ninyo, dapat ihiwalay natin iyong isyu ng press freedom at saka isyu ng ligal o legal issues.’ The fact of the matter is ako ay binabanatan ng media, tinutuligsa ako ng media, the fact that they can do this, mayroong press freedom. Halimbawa, may naglabas yesterday, kahapon lang, ng negative na balita tungkol sa naging lakad ko sa Geneva. Eh talagang inupakan ako nang inupakan sa diyaryo. Eh anong tawag mo diyan, hindi ba press freedom? Itong nasa harapan ko camera, magkausap tayo ngayon, Mike, eh ano ang tawag mo dito? Hindi ba press freedom ito.

ABE: Korek.

SEC. ANDANAR: Puwede kang magtanong, malayang makapagtanong kung ano ang gusto ninyong itanong sa akin.

Number two, legal. Itong isyu ng ABS-CBN, ito ay isang legal isyu. Ito’y isyu ng prangkisa. Ito’y isyu ng quo warranto na nandoon na sa Korte Suprema. At rerespetuhin natin iyong ating sistema, rerespetuhin natin iyong independent branches of government, co-equal branches of government – the judiciary at iyong ating legislature – dahil itong dalawa, sila iyong nagdi-decide ngayon; nasa kanila ang bola. Now, once na mag-decide sila at mapagdesisyunan nila halimbawa paborable sa ABS-CBN, then it’s good for ABS-CBN dahil pagdating naman sa Malacañang, pipirma na lang si Presidente.

ABE: Well, mabuti at nakapunta ka doon, Secretary, kasi at least sa’yo mismo nadinig ng international organization, hindi lang iyong mass media roon na kung ano talaga ang nangyayari dito sa ating bayan. At expected naman na iyong mga nabanggit mo, iyong iba diyan ay propaganda ng mga kalaban ng estado – kahit naman anong mangyari ay lagi nandiyan sila. Pero ang mahalaga dito ay iyong side ng gobyerno ay naiparating ninyo doon sa napakahalagang okasyon na ito sa Geneva, Secretary.

SEC. ANDANAR: Tama ka talaga, Mike. Alam mo itong isyu sa press freedom, masyado itong nawi-weaponize ng mga kalaban natin. Sinasabi nila na walang press freedom sa bansa natin, na konting problema lang na paglabag sa batas ay pagkitil na sa press freedom.

Alam ninyo mga kababayan, tandaan po natin, hindi porke’t ako at si Mike ay galing sa media, mga mediamen kami, hindi ibig sabihin na exempted kami sa batas. Kung mayroon kaming nilabag sa batas, may legal issue, haharap kami sa korte. I’m sure si Mike ay mayroon na ring mga libel cases—

ABE: Hindi nawawala iyan.

SEC. ANDANAR: Oo, haharap tayo sa korte. Hindi ba, Mike? Alangan namang hindi tayo haharap. Ibang isyu naman, hindi naman isyu ng press freedom iyan. Isyu iyan ng ligal. So ganoon lang ho iyon.

Tandaan ninyo po, kahit ikaw ay pinakasikat na anchor o pinakatanyag na mamamahayag o manunulat dito sa bansa natin, kapag ikaw ay lumabag sa batas—

ABE: May pananagutan.

SEC. ANDANAR: Iyong batas na iyan ay traffic rules and regulations, nilabag mo, huhulihin ka ng pulis. Kung ikaw ay lumabag sa batas dahil hindi ka nagbayad ng buwis, aba’y mananagot ka sa BIR. Kung ikaw naman ay may kumpaniya at mayroon kang di-umano’y mga transaksyon na pinapapasok mo ang mga foreigners para mag-invest sa’yo aba eh mayroon kang pananagutan niyan dahil nakalagay sa ating batas dapat wholly owned by Filipinos ang media. So iyan, iyan ang legal issues.

Hindi ho iyan isyu ng press freedom dahil hanggang ngayon naman ay nagsusulat pa rin ang Rappler against us, against me, against the government, mga criticisms na tinatanggap namin. Hindi naman ako nagrereklamo kasi mayroon tayong malayang pamamahayag sa ating bansa, at very, very vibrant ang press freedom sa Pilipinas – the most vibrant press industry in Southeast Asia.

ABE: Okay. At saka, Secretary, iyong iba ay nakakalimot, akala nila kapag nasa media ka na ay licensed ka na sa kahit na anong gawin mo; free ka sa lahat ng … hindi ha. Lahat mayroon tayong public accountability. May pananagutan tayo sa batas, may pananagutan tayo sa tao, sa kapwa kapag umaabuso. Hindi naman puwede na kilala ka, nasa media ka, lahat magagawa mo. Maling-mali po iyon. At iyong iba ay ginagawa iyan kaya sumasabit.

SEC. ANDANAR: Tama ka, Mike. Kung ganoon na lang, eh di mag-media na lang lahat para wala nang susunod sa batas.

ABE: Well, doon sa isyu ng … nabanggit mo iyong ABS-CBN. Ibang isyu iyon kasi iyong franchise ang isyu diyan eh; walang kinalaman diyan iyong pamamahayag. Iyong sa Rappler naman ay mayroon ding allegation tungkol doon sa foreign ownership, may nagmamay-aring dayuhan eh bawal na bawal iyan.

SEC. ANDANAR: At iyan naman ang lilinawin ngayon ang babalangkasin ng Kongreso at pagdedesisyunan ng ating mga mahistrado. Of course, we respect their decision; hihintayin natin.

ABE: Okay. Pero, Secretary, anong feedback naman doon sa mga business group sa Europe na mga nakausap mo doon after ng isyu sa media? Ano ang kanilang pananaw sa Duterte administration? Anong basa nila sa kasalukuyang gobyerno, Secretary?

SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan dahil nabisita ko rin iyong cocoa industry convention sa Amsterdam. At nakipag-usap ako sa mga negosyante doon, mga dayuhang negosyante, mga importer/exporter ng tsokolate, at mga Filipino cacao growers. Alam mo, walang pinag-uusapan na press freedom doon, walang pinag-uusapang mga ligal na mga… ang usapan doon ay kalakalan.

ABEL Negosyo, business.

SEC. ANDANAR: Sila nga ay natutuwa dahil for the first time in history ay mayroong isang napakalaking container ng mga cacao galing Pilipinas ang darating sa Amsterdam. At iyong mga cacao na iyon, doon ipa-process.

Alam mo kasi, Mike, hindi ba iyong mga bansang Belgium … ‘di ba mga Belgium chocolates, ‘di ba; iyong mga Netherlands chocolates… kilala ang Belgium sa tsokolate ‘di ba, mga Switzerland tsokolate. Pero wala silang cacao doon. Iyong cacao nila ay galing pa sa Africa, kung saan-saang mga bansa. Kaya nga naisip ng Department of Trade and Industry na, “Teka muna, masarap ang kalidad ng ating cacao sa Pilipinas.” As a matter of fact, mayroon daw studies na lumabas na very low level of cadmium iyong ating cacao sa Pilipinas – because this cadmium, it causes cancer. So kaya paborito nila at gustung-gusto nila iyong ating variety ng cacao dahil nga ito ay hindi lang masarap pero low level iyong cadmium nito.

ABE: Well, Secretary, at alam kung maraming trabaho sa pagbabalik mo rito. Ilang araw ka ring nawala. Pero baka mayroon pa akong hindi naitatanong at gusto ninyong sabihin in public dahil live po tayo ngayon, Secretary Andanar. Nasa inyo po ang oras at pagkakataon sa umagang ito.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Mike, sa pagkakataong ito. As usual, salamat po sa lahat ng viewers ng Sonshine TV. Nanunood po sa ating telebisyon, nakikinig sa radyo at sa ating online streaming.

Kagabi po ay nagkaroon ng Cabinet meeting sa Malacañang. At maganda naman ang mga napag-usapan doon sa Malacañang – mga updates sa COVID-19; updates sa patubig or anong solusyon ang gagawin para sa tubig; update din doon sa mga anti-red tape kung papaano natin lalong pagandahin pa ang proseso para mawala na ang red tape sa ating bansa.

So ang ating Presidente naman ay in high spirits at siya po ay very energetic, kaya kami rin sa Gabinete ay nahahawa rin sa pagka-workaholic ni Presidente. Katunayan ay natapos po kami ng 1:30 in the morning sa Cabinet meeting, kaya ngayon medyo ay paos pa ako at sunud-sunod iyong aking meetings din. Mayroon din akong radio show dito sa Radyo Pilipinas.

ABE: Secretary, salamat pong muli sa inyong oras ngayong umaga dito po sa ating … mga isyung napapanahon lalo na iyong update tungkol sa Cabinet meeting kagabi dahil napakarami nga ng mga isyu nung wala ka rito. Iyong isyu ng usapin tungkol sa coronavirus, parang tumitindi pa ito sa buong mundo ha. Kahit doon sa pinuntahan mo sa Europe, may isyu rin diyan. So talagang isang problema iyan ng mundo, hindi lang ng mga Pilipino.

Secretary, salamat muli sa inyong oras.

SEC. ANDANAR: Salamat, Mike, Mabuhay ka.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource