Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Willie Delgado & Jorge Bandola – Straight to the Point, RMN


Q: Nasa atin pong linya si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar. Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR: Willie, Jorge good morning.

Q: Good morning – mukhang masayang-masaya ka Secretary ha.

SEC. ANDANAR: Ay siyempre, tayo ay nakikiisa sa mga kasamahan natin sa media dahil sa naging hatol kahapon sa Maguindanao Massacre. Alam naman natin na ang tagal na nating naghihintay sa promulgation – 10 years.

Q: Pero sa inyo po ba okay na po ito? Kuntento na po kayo dito sa guilty verdict nito, Secretary?

SEC. ANDANAR: Kung anuman ang nakalagay sa Saligang Batas, kung anuman ang legal ay dapat maging satisfied tayo. Mayroon kasing iba gusto capital punishment, eh wala naman…

Q: Oo, no choice tayo eh. No choice tayo kundi tanggapin iyong habang-buhay dahil wala tayong capital punishment.

SEC. ANDANAR: Siyempre kailangan mong respetuhin ang batas, kailangan mong respetuhin ang ating huwes, ang judge. Ang mahalaga dito tatlo ‘yan, tatlong puntos ‘yan: Number one ay nabigyan ng hustisya ang mga biktima at ang kanilang pamilya, bagama’t matagal eh pero ibig sabihin niyan ay talagang—

Q: Worth ang paghihintay ano.

SEC. ANDANAR: Oo, talagang sumusunod iyong bansa natin sa democratic process.

Q: May isang nakakalungkot lang kahapon Secretary, iyong kay Momoy ba iyon, iyong peryodista, iyong hindi nakita iyong bangkay.

SEC. ANDANAR: Ah oo, nakakalungkot na mayroong iba na… nakatakas din iyong iba – walumpu, tapos mayroon pang hindi nakitang bangkay. Anyway, let me go back to my point: Number one ay nagkaroon ng desisyon at ‘yan ay dumaan sa isang democratic at judicial process; Number two ay naipakita natin sa ating sambayanan na ang gobyernong ito ay mataas ang pagtingin sa press freedom, okay; At hindi lang ang bansang ito—o ang sambayanang ito at ang mga media sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kasi—

Q: Oo. Sinubaybayan ‘to eh ‘di ba, sinubaybayan, even ng mga foreign press ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Eh, sabi nga nila eh it’s the trial of the decade. Pero sa akin, trial of the century para sa media ‘di ba? At pangatlo, walang puwang talaga ang impunity sa Pilipinas at nakita natin na the government is working to uphold human rights sa bansa natin. Hindi naman ito nangyari noong nakaraang administrasyon o noong nakaraan pa kasi 2009 nangyari iyong insidente, ‘yun iyong huling taon ni President Gloria Macapagal Arroyo. At iyon nga—

Q: Pero patunay lamang ito Secretary na within this administration, pinalakas iyong prosekyusyon, pinalakas ang pagkuha pa ng mga ebidensiya’t mga witnesses para tuluyang maidiin ang mga mastermind. Eh kasi kung binitawan ‘to, kumbaga humina iyong kaso, walang mangyayari ‘di ho ba, considering na ang mga Ampatuan very powerful.

SEC. ANDANAR: Alam mo Jorge at Willie, unang mga araw pa lang ng administrasyon, 2016, ay ipinaglaban na ng PCOO at ni Pareng Joel Egco itong Presidential Task Force on Media Security tapos si Presidente Duterte mismo ang pumirma nito, AO No. 1, creating the Presidential Task Force on Media Security.

At ito namang PTFOMS ang ating behikulo para ipagpatuloy ang pagsubaybay at ang pag-support, suporta sa ibang mga pamilya ng Maguindanao Massacre. At iyon nga, nakatutok nga dito ang ating Presidential Task Force on Media Security, nabigyan ng tiyansa o nabigyan ng pag-asa ang mga biktima muli. Kasi mayroon na tayong isang task force na nakatutok diyan.

At I have to give the credit where credit is due, iyon ang mga tauhan ni Usec. Joel Egco, sampu ng kaniyang mga kasamahan, sila nakatutok talaga diyan. Kaya kami, pumupunta kami doon sa Maguindanao massacre area, eh talagang doon kami. We commemorate the loss of 57 lives: 32 mediamen and, plus the others that completed the 57 who were killed.

Ang sinasabi ko nga, after noong pagpirma ni Presidente ng AO 1, one year after that ay nagtungo naman ang mga pamilya ng biktima sa Malacañang at pinangakuan ni Presidente Duterte na tutulungan niya, gagawin niya lahat para mapabilis iyong desisyon.

Q: Pagkatapos po nitong desisyon na ‘to Secretary, mayroon po ba kayong gagawin doon sa mga—to commemorate pa, para pasalamatan iyong mga tumulong dito o even magpunta mismo sa Ampatuan Hills para doon ay para isigaw na nabaon man kayo pero hindi kayo nakalimutan.

SEC. ANDANAR: ‘Yan ay nasa plano ni Usec. Joel Egco at ng PTFOMS. Siguro pag-usapan natin kung ano ang gagawin natin from now on. Iyon nga nagkaroon na ng verdict, naibaba na iyong hatol pero does this mean na na-solve na ang problema natin sa media industry? Ano ba iyong problema which led to the massacre of the 32? Ano pa ba iyong problema which led to the other numerous assassination sa—

Q: Sa mga mediamen, oo.

SEC. ANDANAR: Number one diyan iyong economic vulnerability dahil walang stable na income, hindi regular iyong trabaho, walang social security, walang medicare, walang maayos na welfare para sa media. Kaya si Pareng Joel mismo, ang PCOO, ang PTFOMS pati National Press Club ay mayroong inihain na proposal/panukala dito sa Kongreso – ito ‘yung Media Welfare Act.

Q: Iyon, parang magna carta for media workers.

SEC. ANDANAR: ‘Yan, parang magna carta. So hopefully magkaisa tayong lahat sa media.

Q: Tama po ‘yun.

SEC. ANDANAR: Kaya sabi ko nga Jorge and Willie, sabi ko eh kayo, tayo sa media kaya nating magpasikat ng isang mayor, ng isang congressman, senador – kaya nating gawin iyon pero bakit kung para sa atin, hindi natin kayang gawin? Hindi ba, hindi natin kayang mag-lobby para sa sarili natin?

Q: Nga pala Secretary, ang unang magiging epekto nito matatanggal na tayo sa listahan ng ano, iyong decision na ‘to ‘di ba, matatanggal na tayo sa listahan na one of the most deadliest country para sa mga journalists.

SEC. ANDANAR: Tama, kasi sa—The Committee to Protect Journalists, ang patakaran kasi nila doon ay ang bilang ng kanilang media killing ay sampung taon, so mula noong 2009 hanggang 2019, sampung taon ‘yan.

Q: Nandoon iyong record, oo.

SEC. ANDANAR: Nandoon iyon, so hindi na aalis ‘yan doon sa bilang ng sampung taon na media killing—

Q: Hangga’t hindi nasosolusyunan.

SEC. ANDANAR: Well kaya nga ito nakikita natin, iyong mga nasa top 5 na ‘yan na kasama, kasama ang Pilipinas, ibig sabihin niyan sa loob ng sampung taon, napakadaming bilang na mga media na namamatay na hindi pa nabigyan ng hustisya o hindi ginawan ng paraan para mahatulan ang mga salarin. Eh ngayon… kahapon ay nagdesisyon ang korte na ito na nga, promulgated iyong desisyon na ito ‘yung mga suspek na guilty, ito rin iyong mga suspek na hindi guilty, okay. So that’s 102 suspects all in all at mayroon ding ibang suspek na hindi guilty.

So meaning, naalis na tayo sa listahan na ‘yan. Eh wala na eh, tapos na, nahatulan na eh. Ibig sabihin may ginawa iyong bansa natin. Sinasabi kasi nila napakabagal ng gulong ng hustisya natin, the wheel of justice or the wheel of justice are very slow. Pero bagama’t mabagal pero nandiyan na, nagdesisyon na.

Q: At senyales lamang ito na hindi—tumatanggi ang Duterte administration na isinisisi sa atin itong culture of impunity na ito against journalists.

SEC. ANDANAR: Eh kita mo naman, talagang tinutukan ng ating Presidential Task Force on Media Security at ang Chairman diyan ay ang DOJ; ako ang Co-Chairman diyan, PCOO; tapos Executive Director si Joel Egco – tinutukan namin ‘yan eh.

Q: Inasahan ninyo na ba iyong desisyon na ito, Sec.?

SEC. ANDANAR: Of course, ako naman ay very optimistic ako na talagang guilty. Eh papaano pala hindi maging guilty, nandiyan na lahat, nakaturo na sa’yo lahat eh. EH ‘di ba na.., backhoe, lahat etcetera so napakaimposible namang not guilty; so pero siyempre iba pa rin iyong pagbigay ng hatol, in fact, kasi siya naman talaga iyong authority diyan. Eh kaya tayo nagpasalamat sa korte, kay Judge Reyes dahil sa ginawa niyang closure sa kaso na ito.

Q: Okay lang ho sa inyo na medyo marami rin iyong mga napalaya at hindi lahat eh nakasama doon sa hatol?

SEC. ANDANAR: Eh kung ‘yun naman ang desisyon ng Judge ‘di ba, hindi natin puwedeng kontrahin iyon.

Q: Anong reaksiyon ng Pangulo doon sa desisyon kahapon, Secretary?

SEC. ANDANAR: Hindi pa ho kami nagkikita ni Presidente kasi [choppy line] tapos marami akong mga engagement din sa labas. Pero I’m sure the President is delighted by that decision.

Q: Eh kasi ang mga lumulutang ngayong kuwento bago na Secretary. Siyempre maimpluwensiya ‘tong mga Ampatuan ‘di ba, so baka nagpipiyesta na raw iyong mga welcoming party sa New Bilibid Prison [laughs]. Bagama’t sabi ni Bantag eh wala… hindi niya ito-tolerate ang anumang special treatment dito sa mga Ampatuan. Dapat idaan din sila doon sa ano, iyong pagpasok ay kakalbuhin din lahat.

SEC. ANDANAR: This is victory to the media industry sa Pilipinas. Ito rin ay isang panalo para sa media sa buong mundo. At pinakamalaking panalo ito sa pamilya ng mga biktima.

Q: At panalo rin ng katarungan sa Pilipinas ‘di ba? Ibig sabihin ay gumagalaw.

SEC. ANDANAR: Gumagalaw, oo. Gumagalaw ang katarungan, ang justice at ang karapatan ng ating mga kabaro.

Q: Ay siguro naman iyong mga foreign… iyong mga umaatake dito sa atin ‘di ba regarding sa klase ng hustisya at kung paano daw mag-treat tayo sa mga journalists, eh at least may napatunayan tayo kahapon.

SEC. ANDANAR: Eh ang dami nga—ang dami nang nangyari sa ilalim ng administrasyong Duterte eh ‘di ba. Bukod diyan—eh bakit pa nangyari ‘yan, bakit nangyari iyong Maguindanao Massacre, bukod sa economic vulnerability ng mga kasamahan natin? Bakit nangyari ‘yan? Eh kasi nandiyan iyong mga political dynasty diyan sa area na ‘yan sa Maguindanao; nandiyan iyong kultura na “kami ang siga dito, walang batas-batas dito,” impunity.

Now, pinirmahan ni Presidente sa ilalim ng kaniyang termino at dito lang talaga nangyari iyong Bangsamoro Organic Law. Politically itong batas na ito, itong Bangsamoro Organic Law, itong entity na ito ay isang solusyon sa isa sa mga problema ng political warlordism diyan sa area na ‘yan. At ilang araw lang ang nakalipas lumabas ang survey na 94% ng mga kababayan natin diyan sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao ay may tiwala at approve sa trabaho ni Presidente Duterte – tatlong porsiyento lang ang dissatisfied.

So anong ibig sabihin niyan? 94% ang—ang ibig sabihin niyan ay iyong political structure na ginawa ng ating mahal na Pangulo diyan sa Muslim Mindanao ay maganda para sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan at nabigyan sila ng pag-asa.

Q: ‘Yan iyong mga katotohanang hindi ano eh, ayaw ilabas ng iba eh ‘di ba? Kumbaga pilit pinabubulaanan eh nandiyan ang record, nakikita iyong resulta. Kahit may ginagawa, tumatanggi silang tingnan.

SEC. ANDANAR: ‘Di ba… So nagkaroon ng desisyon ang ating judicial body, at the same time politically ay sinolve ni Presidente ang problema diyan. So hopefully, iyong mga ganitong klaseng mga culture of impunity diyan sa area sa Maguindanao, culture of political warlordism or political… iyong dynasty, iyong siga-siga ay mawala na. Iba na iyong nagpapatakbo ng BARMM ‘di ba, nandiyan na iyong mga dating mga rebelde na MILF na ngayon sumama na sa gobyerno. So, wala nang siga-siga dapat ‘di ba?

Q: At least sa lalong madaling panahon eh dapat matutugunan na rin ang kahirapan noong para sa lahat ‘no. ‘Ayan…

SEC. ANDANAR: Iyong nabanggit mo na matugunan iyong kahirapan, last week inanunsiyo ng NEDA na bumaba iyong ating poverty incidence mula 23% to 16%. Ibig sabihin, 5.9 million Filipinos ang naiahon mula sa kahirapan.

Q: Iyon ang maganda.

SEC. ANDANAR: Biro mo ang target natin 14%. Eh mukhang sa takbo nito ay ma-exceed pa natin iyong—

Q: Malalagpas pa…

SEC. ANDANAR: Baka mag-10% pa iyong poverty incidence natin o ‘di ba. At sinabi pa ng isang financial institution na by 2020 ang Pilipinas ang pinakamabilis at pinakamalakas na ekonomiya; pinakamalakas, pinakamataas na GDP sa buong Southeast Asia o ‘di ba. So ibig sabihin niyan, mas marami pang mahihirap na mga kababayan natin ang maiaahon mula sa kahirapan.

Q: Tama, tama. Secretary 5 days na lamang Pasko na ha, pinapaalala ko lang sa’yo. Mayroon kaming Christmas lighting mamaya dito, baka gusto mong pumasyal. [laughs]

SEC. ANDANAR: Ang mahalaga diyan iyong ating spirit ‘di ba [laughter]…

Q: ‘Di bale next year naman yata may PCOO na eh hindi ba [laughs]. May ibinalita sa amin si ano ha, si JV, may binalita sa amin.

SEC. ANDANAR: Oo. Ang mahalaga diyan iyong—lalo na kayong dalawa ay nasa puso ko…

Q: [Laughs] Basta bata mo kami Secretary ha. ‘Yan ang importante [laughs].

SEC. ANDANAR: Tama, mas importante rin ‘yan [laughter]… Dahil sa ating tatlo, araw-araw ay Pasko [laughs].

Q: Salamat, salamat Secretary.

SEC. ANDANAR: Regards kay Sir Bobby saka kay [unclear] at saka kay Sir Enrico.

Q: Ay salamat, makakarating.

SEC. ANDANAR: Merry Christmas and Happy New Year. At sa next year magkakasama na—

Q: ‘Yan! Narinig ninyo po ‘yan ha, exclusive po ‘yan… Maraming salamat, Secretary.

SEC. ANDANAR: Okay, salamat.

Q: PCOO Secretary Martin Andanar.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource