Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar Cabinet Report sa Teleradyo – Radyo Pilipinas by PCOO Assistant Secretary Kris Ablan with Asec. JV Arcena


ASEC. ABLAN: Kasama rin natin ang ating Boss sa PCOO, si Secretary Martin Andanar. Good evening po Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Hello, good evening Kris. Good evening JV at sa lahat ng nakikinig po sa atin. Sinong kasama natin ngayon bukod sa ating tatlo?

ASEC. ABLAN: Wala na Sec., tayong tatlo lang ni JV, ikaw tapos guest natin kanina si Usec. Solidum po ng DOST. Siya po ang nag-report tungkol sa Mindanao earthquake last Sunday po.

SEC. ANDANAR: Oo, okay… talagang at least wala tayong iwanan, tayong tatlo.

ASEC. ABLAN: Yes. I think nasa Baguio po kayo Sec. Martin if I’m not mistaken.

SEC. ANDANAR: No, nakabalik na ako ng Manila dahil we’re supposed to see each other – ako, ikaw pati si JV and the rest.

ASEC. ABLAN: [Laughs] After this, after this sir. Kamusta po ang pagpunta ninyo sa Baguio po because yesterday nagsama lang po tayo sa PCOO Christmas Party sa may NPO, napaka-busy ninyo sir.

SEC. ANDANAR: Oo, at mayroon ngang revelation – magaling ka pala sumayaw.

ASEC. ABLAN: [Laughs] Dala po iyon ng pagod po sa pag-cover ng Maguindanao Massacre, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Tama, congratulations nga pala sa coverage, very successful saka ang daming nanood.

Well, iyong Baguio trip was a very successful trip. Nakipag-meeting tayo, engagement tayo sa mga kasamahan natin sa media doon sa Baguio City. At well-attended po iyong ating meeting doon na just the same at tayo po’y nag-deliver ng mensahe on behalf of the PCOO, the Palace and the President at ina-update lang po natin sila sa mga magagandang balita mula sa gobyerno. Kaso iyong pinakabagong balita late na dumating, kanina pagdating ko ng Maynila doon ko nalaman na nasa 87% ang approval ni Presidente Duterte, from 78% to 87%, kaya congratulations Mr. President.

ASEC. ABLAN: Congratulations po PRRD. Iyon nga po iyong pinag-usapan namin Sec. Martin ni Asec. JV kanina na ‘pag tiningnan mo po lahat ng demographic variables, parang halos lahat umakyat ang approval rating ni President Duterte, and bago namin in-interview si Usec. Solidum, ang napansin po namin is napakalaki po ng angat ng approval rating ng ating Presidente sa Class A, B, C. Ano po ang tingin ninyong rason kung bakit tumaas po ang rating para sa Class A, B, C Sec. Mart?

SEC. ANDANAR: Well number one, ang dedikasyon ni Presidente para maibsan ang krimen sa ating bansa. Alam mo ‘pag A, B, C—napakahalaga ng krimen [pagbaba] eh, ‘pag walang krimen they can work safely, peacefully and they can walk the streets and do about their daily tasks and businesses; Nandiyan din iyong… palagay ko iyong poverty alleviation. ‘Di ba kakabalita lang na bumaba iyong kahirapan sa ating bansa – more than 5.9 Filipinos ang naiahon mula sa kahirapan; Nandiyan iyong successful SEA Games; Nandiyan din iyong ipinakita ni Presidente na unwavering campaign against corruption. Halimbawa iyong sa onerous contract ng dalawang water concessionaires – siyempre ramdam ng mga kababayan natin iyong sinseridad ni Presidente. Mangilan-ngilan lang ‘yan sa mga dahilan, and of course pala iyong napakababa na inflation rate.

ASEC. ABLAN: Yes. Iyong sa water contract Sec. Mart, the President threatening the concessionaires. He actually got the country to save 10 billion pesos ‘no from payment doon sa arbitration case, so ganoon talaga kalakas iyong impluwensiya ni President. So I agree with you sir na baka—definitely ‘no, that water contract really improved the approval rating of the President.

Another thing that I noticed Sec. Martin is iyong approval rating po ng gender po, napakataas ng jump po pagdating sa female – from 72% in September to 88% po, so positive 16 points. And you know, they call the President this and that. But how can you explain this, the female voters po of the Philippines, +16 ang positive na approval rating kay President Duterte?

SEC. ANDANAR: For one, nararamdaman na nila iyong extended maternity leave.

ASEC. ABLAN: Ah, that’s right.

SEC. ANDANAR: ‘Di ba, 105 days na ba ngayon ang maternity leave?

ASEC. ABLAN: Right. Yes, more than 2 months po na available so ngayon mas madami na – 100 days o 3 months and a half.

SEC. ANDANAR: From 60 to 105 or 100 plus days na maternity leave, nararamdaman ng mga kababaihan ‘yan; So number two—ano ‘yun JV?

ASEC. ARCENA: Universal Healthcare Law.

SEC. ANDANAR: Tama, Universal Healthcare na across all sectors and across all ages, gender. Basta Pilipino ka, you can avail of a free healthcare, free medical procedures sa mga public hospitals.

ASEC. ABLAN: ‘Yan… Asec. JV, may tanong ka kay Sec. Martin?

ASEC. ARCENA: Congratulations sa Office of the Secretary dahil nga sa kanilang napakagaling na performance kagabi at sa inyong panalo sa Christmas party. Iyon muna una kong i-congratulate dahil first time ‘to ng OSEC ‘no after ilang taon daw na first runner up na napanalunan ng OSEC ‘no at ngayon ang first time ‘no. Congratulations ulit sa OSEC team, sa inyo pong performance.

But going back doon sa pinag-usapan ho natin tungkol nga po sa mga polisiya na mapapakinabangan ng atin pong mga kababayan at ang good news ngayong taon ‘no. Ang dami pong good news na patuloy na kino-communicate ng PCOO sa pangunguna ni Secretary Mart sa atin pong mga kababayan. At saludo tayo sa walang humpay at walang kapaguran na paglilingkod ng PCOO para ho maihatid ang bawat mensahe sa atin pong mga kababayan; kahit ho weekend nagtatrabaho si Sec. para ho maiparating sa lahat ang mga polisiya ng atin pong Pangulo, ng Duterte administration para sa target: una ay maging komportable ang buhay ng bawat Pilipino at pangalawa, isa ho ‘yung sa peace and order naman – to save the future of our nation.

SEC. ANDANAR: ‘Yan, well said. Nais kong batiin lahat ng mga media reporters, news reporters na nakikinig sa atin at kumukuha ng istorya mula dito sa ating programang Cabinet Report. Asahan ninyo po na sa susunod na taon magkakaroon po tayo ng mga major changes pagdating sa delivery ng ating Cabinet Report on a weekly basis, mas in depth po ang asahan ninyo na mapapakinggan sa susunod na taon.

ASEC. ARCENA: And na-mention na ni Sec. Asec Kris tungkol nga po sa atin pong mga kabaro sa media, congratulations dahil din po sa tagumpay ng katarungan, ng justice system kahapon dahil ho nahatulang guilty iyong mga primary accused doon sa Ampatuan massacre case. At mismo tayo, kasama si Sec. ay nagtungo doon sa Camp Bagong Diwa at si Asec. Kris naman ay kasama ho natin na nagbalita tungkol ho dito sa promulgation ng Ampatuan Massacre Case. Ano hong masasabi ho ninyo Sec. dito ho sa resulta o sa verdict na ibinaba ng korte?

SEC. ANDANAR: It’s a very huge sigh of relief para sa akin, para sa ating lahat ‘no, sa mga nagtatrabaho sa media since time memorial na talagang pinaglalaban natin iyong press freedom. Biro mo sampung taon tapos kita ko, lalung-lalo na si Usec. Joel Egco, ilang beses namin napag-uusapan na gusto na nating mawala doon sa top 5 countries that are dangerous for journalists. At least sa wakas ay mawawala na ho talaga tayo sa listahan na iyon. I am expecting that kasi nga nabigyan na ng closure ang isa sa pinaka—o hindi, ang pinaka-deadly na krimen na ginawa sa mga journo in one day, pinaka-deadly sa buong mundo ay nabigyan na ng closure, ito nga iyong naging hatol kahapon ni Judge Solis-Reyes.

ASEC. ABLAN: Sec., kumusta po ‘yung aura po or environment noong nandoon po kayo sa may Camp Bagong Diwa noong narinig ninyo po na guilty po ang verdict kay Zaldy at Andal Ampatuan po? Iyong reaksiyon, first reaction for example ng mga kasama ninyo po doon.

SEC. ANDANAR: Actually, noong inanunsiyo na guilty nga ay nasa loob ako ng sasakyan kasi mayroon akong ibang mga meeting, umalis ako ng Camp Bagong Diwa at alam mo iyong parang… iyong naging reaksiyon ko noong—parang hindi ako makapaniwala na ito na ‘yun, tapos na. And of course very happy for the Mangudadatu Family kasi ilang beses ko ring kinover ‘yung istorya na ‘yan; in fact ginawan ko pa ng documentary ‘yan sa Crime Klasik noon.

Natuwa ako para sa pamilya niya, para kay Governor, kay Congressman Toto, sa kaniyang anak na si King na he was only I think 9 or 12 years old during that time na nangyari. Eh ngayon eh ano na si King ngayon, politiko na rin eh so at least they can already move forward and continue to serve the Filipino people, especially the BARMM, especially Maguindanao.

Now, I think that one of the reasons that we should also consider or even give credit to—not only the Presidential Task Force on Media Security pero pati na rin iyong Bangsamoro Organic Law na naglikha ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao. Kasi itong problema na nangyari sa Maguindanao noong November 23, 2009 ay dahil din sa political warlordism. So with the BARMM, we are hopeful that the leaders there especially iyong mga bagong mga leaders, iyong Chief Minister from the MILF, they will make sure na hindi talaga maulit na itong political warlordism at impunity – na kailangan sundin ang rule of law.

ASEC. ABLAN: Tama. Good news indeed Sec. Mart, Asec. JV that’s the time that we have for today ‘no, we had a very fast show. Pero mayroon naman po tayong isa pang show next week, pag-usapan po natin iyong buong 2019. So I’ll see you later po Sec. Mart and Asec. JV…

SEC. ANDANAR: Yes, see you later.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource