SEC. ANDANAR: Live din po tayong napapakinggan sa ating mga social media pages, gaya ng ating Facebook – Presidential Communications Operations Office – at Facebook page ng Radyo Pilipinas.
Ngayon po ay ika-27 sa buwan ng Disyembre 2019, Biyernes po at welcome sa Cabinet Report sa Teleradyo. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar, kasama po si …
ASEC. ABLAN: Assistant Secretary Kristian Ablan.
SEC. ANDANAR: At hinihintay natin si …
ASEC. ABLAN: Assistant Secretary JV Arcena.
SEC. ANDANAR: At ito ang Cabinet Report sa Teleradyo. Okay, Kris, napakadaming mga nangyari ngayong 2019.
ASEC. ABLAN: Yes, yes, sir. This is our 101st episode po ng Cabinet Report sa Teleradyo. So congratulations, sir.
SEC. ANDANAR: Wow! Congratulations to you. And for all of us who made it in every program, congratulations! Alam ko na lahat tayo ay present parati.
ASEC. ABLAN: Yes! Oo, if it’s not the three of us, at least one.
SEC. ANDANAR: In spirit.
ASEC. ABLAN: Yes, opo. Nagpu-phone patch naman po tayo Sec.
SEC. ANDANAR: Tamang-tama iyan. Again, since it’s a special day, it’s our year ender—
ASEC. ABLAN: Yes, happy Holidays po.
SEC. ANDANAR: Happy holidays sa inyong lahat. At sana ay hindi kayo na-impatso sa sobrang daming pagkain noong Pasko.
ASEC. ABLAN: At tiyak na madaming pagkain ngayong Pasko, itong Pasko dahil mababa ang ating interest rate—inflation rate.
SEC. ANDANAR: Inflation rate.
ASEC. ABLAN: Mababang inflation rate so mas matibay ang ating peso.
SEC. ANDANAR: Kaya nating bumili nang mas maraming hamon at keso ngayong panahon ng yuletide season. Kayo, kumusta naman ang inyong Pasko, ano bang kinain ninyo – Ham, Chicken? Ano bang handa, Spaghetti?
ASEC. ABLAN: Hotdog. Iyong iba may litson.
SEC. ANDANAR: Siyempre, kung may konting budget, litson naman. At ito lang ang tandaan ninyo, kapag nasa—kasi maraming left overs iyan eh, huwag masyadong sumobra ang kain.
ASEC. ABLAN: Sakto lang.
SEC. ANDANAR: Mayroon pa namang bukas, hindi ba. Marami akong kilala, Kris, na nasobrahan ng kain nang piyesta o nang Pasko tapos inatake sa puso.
ASEC. ABLAN: Ay, mahirap iyon!
SEC. ANDANAR: Hindi na nagising. Ikaw, kumusta naman ang Pasko mo, Kris?
ASEC. ABLAN: Okay naman, with family. Siya nga pala, Sec., i-greet ko lang ang aking magandang maybahay, si Attorney Ria Berbano-Ablan, at ang aking anak na si Bea. Hello!
SEC. ANDANAR: Hello, Ma’am Ria, Attorney at Bea. Merry Christmas sa inyong dalawa at sana binigay sa inyo ni Asec. Kris ang gusto ninyong matanggap o mabuksang ngayong Paskong ito.
ASEC. ABLAN: Yes, Sec., naibigay ko po sa asawa ko ang kaniyang—
SEC. ANDANAR: Ay, huwag mong sabihin. Hindi, joke lang. Alam mo, ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan, kung mayroon kang sobra, anuman iyon, i-share natin sa kapwa natin na mas nangangailangan – iyon ang kahalagahan ng Pasko. It’s a spirit of given, spirit of sharing the love that Christ taught us, iyong hindi tayo selfish.
ASEC. ABLAN: Kumusta po ang Pasko ninyo, Sec?
SEC. ANDANAR: Ang Pasko ko ay masaya kasi after 19 years ay nagkasama muli kami ng aking ina, ng aking mga kapatid kasi sila ay nandoon sa Australia. So binisita ko sila doon sa Australia at doon ako nag-Pasko. Pero iyong pamilya ko, naiwan dito sa Manila. Pero umuwi ako ng December 25, so December 25 (SIGNAL CUT)
ASEC. ABLAN: … lalung-lalo na noong na-appoint po kayong head po ng CORDS X or Region X. So, pahinga naman tayo nang konti, Sec. Mart, mahirap iyong palaging nagta-travel at iyong jetlag po ba at iyong pagod.
SEC. ANDANAR: Thank you, Kris. Ikaw din, pahinga ka rin dahil pare-parehas lang tayo. Kasi alam ninyo mga kababayan, itong Presidential Communications Operations Office sa panahon ni Presidente Duterte, ito ngayong kasalukuyan, ay napakadami naming activities. So ang dami nating ginagawang mga activities, mayroong FOI, mayroong Youth for Truth, mayroon tayong mga DAGYAW, mayroon tayong PTFoMS, mga ano Dismiss Disinformation – kailangang i-farm out iyong mga activities. So si Asec Kris, he does his own big activity, promoting PCOO, promoting transparency in information and governance. At ganoon din si Usec. Joel Egco. Lahat, as in lahat, sila ni Pebbles Duque, si Vinci Beltran and… hindi nauubusan ng trabaho. So kumbaga, kung hindi natin pin-farm out iyong mga trabaho, hindi natin magagawa.
ASEC. ABLAN: Alam mo, sir, iyong tumatak talaga sa isa sa mga sinabi mo sa aming mga ASECs at saka USECs mo noong 2016, iyong vision mo para sa PCOO na dapat PCOO should be in the four forms of communication – on air, on print, on line at ang pinakamahalaga ang on ground. Kasi ang feeling ko po iyong on ground iyong napabayaan po in the past. At itong past two years, Sec., kung anuman iyong backward natin ay talagang we tried to advance it by going down to the different cities, towns and provinces.
SEC. ANDANAR: And I’m so proud of all of you. I’m proud of FOI, YFT, Dismiss Disinformation; I’m proud of PTFoMS. Kayo din sa Dagyaw. At mayroon din tayong mga Tatak ng Pagbabago, Pre-Sona. We have somehow already mastered the craft of going on the ground at kinakausap natin, lalo na ngayon that we have a Philippine Information Agency na very active na ngayon, ang PIA, sa pagtulong at pag-cooperate sa ating lahat lalo na sa pag-disseminate ng information tungkol sa mga proyekto ni Presidente Duterte.
Kasi alam mo, Kris, ako—ako ha, this is just me. Kapag ako’y lumalabas, pumupunta ng Baguio, pumupuntang Dagupan at kung saang probinsiya, I make it a point na sa mga conversation especially kung mayroon akong crowd na … any crowd, it could be a small crowd or a big crowd, that I always, I always communicate the policies of the President; and I know that you also do the same. So imagine if lahat ng USEC, lahat ng ASEC, hindi lang ng PCOO but ng buong gobyerno, kinu-communicate sa crowd, that would be very effective. Kasi on the ground, iba iyon, nakikita mo iyong mata sa mata, ‘di ba, at naaamoy mo na iyong kausap mo eh, something like that – so mas personal.
ASEC. ABLAN: Yes. Sa experience ko, Sec., iba talaga ang dating kapag tayo ang pumunta sa probinsiya, sa mga cities and municipalities around the country kasi at least, ano eh, we carry the name, the title of the President eh – Presidential Communications Operations Office, so talagang nakikinig po sila. And then nagbibigay din po sila ng kanilang mga messages of support and asking for help, so maganda po iyong on ground activities natin ngayong 2019.
SEC. ANDANAR: So congratulations, Kris, to the achievements, the success of your FOI. At saka iyong project management office mo, napakagaling nila sa pag-organize ng iyong mga activities. At alam ko na next year, mas magiging busy tayo. Kasi ‘di ba always have to up the ante; we always have to be better tomorrow than today. We have to exceed our achievements of today or yesterday so kailangan bukas, kailangan sa 2020 we should now have a 2020 vision.
ASEC. ABLAN: What is your 2020 vision, Sec. Martin? What do you have in store for PCOO?
SEC. ANDANAR: Ang 2020 vision ko for 2020 is a very clear establishment of the Duterte legacy. So gusto ko na iyong lahat ng nagawa ni Presidente … kasi, Kris, kung titingnan mo nagawa na niya lahat ng pangako niya. Drugs, bumaba na; criminality, bumaba na. Mayroon na tayong pakikipagtulungan sa Moro Islamic Liberation Front dahil sa Bangsamoro Organic Law. At nandiyan na rin iyong ating Build, Build, Build. At iyong ating poverty alleviation—
ASEC. ABLAN: Yes, bumaba na iyong bilang ng mga mahihirap.
SEC. ANDANAR: Oo, from 23% na poverty incidence noong 2015, ngayon ay nasa 16% na lamang. Ang ibig sabihin nito ay 5.9 million Filipinos ay ang naiahon mula sa kahirapan, at ang target ng gobyerno ay 14%. So malaki iyong posibilidad, Kris, na ito ay … itong 14% na target ay mas mababa pa doon iyong ating makukuha – posible pa itong mag-10%. We can exceed this target.
So anyway, we’re talking about—
ASEC. ABLAN: We have this education po, state education and then you also have the Universal Health Care Law, so iyong mga promises niya, Sec., nagawa naman po ni PRRD at wala pang four years.
SEC. ANDANAR: So lahat nga nagawa na. But since we’re talking about it already, let’s do a throwback this 2019, ano iyong mga malalaking istorya na napag-usapan natin dito sa Cabinet Report para na rin sa kaalaman ng ating … para ma-remind na rin natin ang publiko, para sa kaalaman ng mga kaka-tune in pa lamang sa programang ito. So let’s welcome first Asec. JV Arcena who already made it. Alam kong—nasaan ba iyong mikropono ni JV dito, hinahanap ko.
ASEC. ABLAN: Happy holidays, Asec. JV.
ASEC. ARCENA: Hello.
SEC. ANDANAR: Well, alam ko, JV, the reason why you’re late is because, you know, of course, today is the 27th of December at galing tayo sa napakabigat na selebrasyon so siguro mayroon ka pang hangover.
ASEC. ABLAN: Oo, may hangover pa siguro si JV.
SEC. ANDANAR: Ano bang nangyari sa iyo noong Christmas? Ikaw ba ay umuwi sa probinsiya, sa atin, sa Surigao? Mayroon ka bang date? Ano bang nangyari sa iyo?
ASEC. ARCENA: With family po, family, bakasyon.
SEC. ANDANAR: What’s important is you are with your loved ones ‘di ba. So we’re talking about throwbacks. So bumalik tayo doon sa mga nakaraan, January 2019. Dati every Saturday morning ang Cabinet Report at kasama natin si Leo Palo…
ASEC. ABLAN: Wala pa ako noon, Sec.
SEC. ANDANAR: …Oo, wala ka pa. Tapos noong February 22 ay naging Friday na ng gabi.
ASEC. ABLAN: Yes, sir, that’s when I joined you.
SEC. ANDANAR: Isa iyon sa pagbabago. At isa nga sa mga plano natin ay i-record na itong programang ito para mas in-depth iyong Cabinet Report on a weekly basis. But anyway, let’s talk about the big stories. Ano ba ang mayroon diyan, Kris, sa iyo?
ASEC. ABLAN: Sa akin, Sec., when I joined you in February, ang malaking issue diyan ay iyong Manila Bay rehabilitation. Because the year before, we had the Boracay rehabilitation, and then noong February ay talagang aggressive ang ating DENR at ang inter-agency task force for Manila Bay sa pag-rehab po ng Manila Bay.
In fact, Sec., I didn’t share it during the episode, but I did actually volunteer po sa paglinis sa Manila Bay.
SEC. ANDANAR: Wow, it’s very noble of you.
ASEC. ABLAN: Na-inspire po ako ni Usec. Benny Antiporda.
SEC. ANDANAR: Talagang lumabas ang iyong pagka-patriot mo. Maganda iyan kasi kung ano ang nakikita ng bata sa ama o sa ina ay nai-imbibe nila iyong value or iyong values ng, this case, nationalism na mayroon ka.
So malaking istorya iyan kasi after so many decades puwede pa lang linisin ang Manila Bay, kaya palang linisin at the same way na kaya palang linisin iyong Boracay. Ano pang mayroon na nangyari this year, 2019?
ASEC. ABLAN: Asec. JV, I think noong February din big deal po iyong interview natin with Secretary Francisco Duque on the Universal Health Care Act.
ASEC. ARCENA: Yes, oo. At noong February 27 po ay pinag-usapan naman po natin iyong Rice Important Liberalization Law with former Secretary Manny Piñol, ito po ay napakalaking tulong po ‘no.
At pinag-usapan din po natin iyong inflation rate na bumaba noong March 8 kasama naman po si NEDA Secretary Ernesto Pernia at Assistant Secretary Tony Lambino. Kasi kung maalala ninyo, Sec at Asec, hindi ba naging isyu noong nakaraang taon iyong pagtaas ng inflation rate dahil nga raw po sa TRAIN. Pero itong pagbaba ng inflation rate, iyon iyong proof na hindi lang lahat ay naka… hindi TRAIN ang malaking factor kung bakit tumaas iyong mga bilihin o kung bakit tumaas iyong inflation.
ASEC. ABLAN: Oo, it’s the world economy talaga. At sinasabi ko nga kay Sec. Mart kanina na na mababa na talaga ang inflation rate so ang ating mga kababayan ay mas madaming pera or at least iyong peso is stronger noong Christmas season para nakapagbili sila ng kanilang mga pagkain.
SEC. ANDANAR: Biruin mo, iyong karapatan ng bawat Pilipino na makabili ng murang bigas, ‘di ba, hindi biro iyan. Iyong presyo ng bigas ngayon ay mababa na dahil sa mababang inflation at dahil din sa rice tariffication; Ano pa ba? Iyong bawat … nabanggit mo ba, Kris, iyong Universal Health Care..?
ASEC. ABLAN: Yes.
SEC. ANDANAR: Yes, Universal Health Care, ang karapatan, ang right ng bawat Pilipino na maka-avail ng murang gamot o libreng gamot o pagpagamot. Walang pili iyan, as long as you are a Filipino then you have the right for a proper health care or medicare. Ano pa bang nangyari this year?
ASEC. ARCENA: Pinag-usapan din po natin iyong hanggang ngayon naman ay napakataas na satisfaction ratings ni Pangulong Duterte ‘no. Marami po ang mga kababayan natin na patuloy na naniniwala, sumusuporta at approved iyong kaniyang performance sa nakalipas na mga buwan.
ASEC. ABLAN: Yes, this was quarter one 2019. Even up to this day, quarter four, mataas pa rin ang rating ni President.
SEC. ANDANAR: It’s about 78%, the entire Philippines ‘di ba. Pero kung titingnan mo iyong pinakabagong survey na lumabas sa Bangsamoro, 94% ang satisfied kay Presidente.
ASEC. ABLAN: Oh really, wow! Sa BARM po.
SEC. ANDANAR: Sa BARM. And only three percent ang dissatisfied. Siyempre kailangan mo ring bigyan ng konting espasyo iyong mga dissatisfied so three percent lamang. So ibig sabihin, sila ay satisfied kay Presidente dahil na rin doon sa BOL again, Kris and JV. Kasi ito ay na-implement na at sila ay masaya, very hopeful sila for 2019. Eleksyon?
ASEC. ABLAN: Yes, napaka-importante po iyong usapan natin ng eleksyon, madami po tayong episodes, Sec. Martin, Asec. JV, na dinedicate para sa eleksyon: Mayroon tayong pre-election episode; mayroon din tayong post election episode noong Mayo. And then after that, we also had other discussions on election. Na-interview natin si Comelec Director James Jimenez at siyempre si then PNP Chief Oca Albayalde. And then, na-interview natin ito, naalala ko eh, na-interview natin po si Senator Francis Tolentino at saka si Senator Bato Dela Rosa when we congratulated them for the sweep of the … our senate slate, sir.
SEC. ANDANAR: Akalain mo ‘no parang kailan lang. Dumaan na iyong midterm elections, ibig sabihin talagang tatlong taon na lang o less than three years na lang ang natitira sa administrasyon ni Presidente Duterte. At testament nga iyong sweep, iyong pagkapanalo sa approval ng mga kababayan natin and satisfaction ng ating mga kababayan sa performance ni Presidente Duterte. What else do you have there, JV?
ASEC. ARCENA: At pinag-usapan din po natin, sir, iyong tungkol po sa mga … sa school opening, noong June naman po. Mga May 31 po tayo nagkaroon ng interview with Secretary Leonor Briones. At mayroon din po tayong episode kung saan tinalakay naman po natin iyong iba’t-ibang mga isyu like iyong acetic vinegar issue, iyong airport issues at iyong Recto bank issue. So ito po iyong mga issues na, sabihin natin na kinaharap ng iba’t ibang ahensiya pero nasolusyunan naman po ng iba’t iba pa nating mga … maayos at magandang performers sa kani-kanilang mga ahensiya.
SEC. ANDANAR: All right, bago tayo magtungo sa iba pang mga magagandang alaala ngayong 2019, let’s take a very short break, tapos magkuwentuhan tayo ulit. Diyan lang po kayo. Ako po si Secretary Martin Andanar, kasama ko po si …
ASEC. ABLAN: Asec. Kris Ablan.
ASEC. ARCENA: At ako naman po si JV Arcena.
SEC. ANDANAR: Ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo.
[COMMERICAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Magandang gabi mga kababayan sa Luzon, Visayas at Mindanao, at sa iba pang dako ng mundo. Kung kayo ay nakikinig o nanunood ng Cabinet Report sa pamamagitan ng ating live streaming, magandang gabi po sa inyo at happy holidays at advance Happy New Year. Ito po ang aming last episode for 2019 – ako po si Secretary Martin Andanar, kasama ko po si Asec. Kris Ablan at Asec. JV Arcena. At ang pag-uusapan po natin ay iyong mga malalaking istorya na nangyari ngayong taong 2019.
So where are we, Kris?
ASEC. ABLAN: We’re half way point sa 2019 after nag-sharing si Asec. JV kanina. And one thing that we did uniquely this year, Sec. Martin, was we went a step further. Remember last year, nagkaroon po tayo ng pre-SONA which is the first in the state of the nation address practice of the government. And we conducted three for the different clusters. But this year, 2019, aside from continuing pre-SONA, we conducted the pre-SONA outside of Metro Manila. We went to Cebu, and we went to Davao. And then we also started the Dagyaw regional town halls. And we had, I think, 16 Dagyaw regional town halls, Sec. Martin, starting from June all the way up to August, September. And Dagyaw is Hiligaynon nga for bayanihan.
At ang maganda po sa ginawa natin sa PCOO, kasama iyong DBM, OES, OP – is iyong Dagyaw naman po is from the bottom going up. Kasi ang pre-SONA naman is from the top reporting down to the bottom. So we’re very, very thankful po iyong nag-organize po ng Dagyaw regional town halls that you, Sec. Martin, attended a lot. You had the most attendance sa mga Dagyaw and showed the support – talagang maraming, maraming salamat, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Alam mo, Kris, it’s a very effective activity. And the reason why na tinuluy-tuloy ko na rin kasi … mahirap kasi mag-organize, Kris, nang malaking crowd. At kapag nakita mo na ang daming agencies ng gobyerno, hindi lang PCOO, hindi lang iyong agency natin o department natin, pero napakadami – DILG, nandoon iyong TESDA. Once you see them all in one gymnasium or one auditorium, nakaka-inspire ‘no, nakaka-inspire.
And of course, when you see the crowd, kapag ikaw naman ay sanay … sanay tayo mag-organize ng sarili natin eh. But when you see a crowd that’s energetic or rejuvenated or inspired, mas lalo kang nai-inspire din na i-share iyong message ni Presidente sa mga kababayan natin.
Remember that we are alter egos of the President. So any opportunity that we have, that we can share to the public what the President feels or thinks about a certain topic, then let’s grab that opportunity; let’s seize that moment.
ASEC. ABLAN: At napakaganda po kasi ang ginawa po natin sa Dagyaw regional town hall was a whole of government approach. Gaya ng sinabi mo nga na andiyan ang DILG, andiyan iyong DBM, andiyan pa iyong mga ibang ahensiya, within PCOO families, Sec., nakita mo talaga iyong synergy ng iba’t ibang mga ahensiya. Sa Philippine Information Agency, PIA po ang nag-organize ng mga regional directors para i-organize iyong mga Dagyaw po natin sa region. Sila din po ang nagbigay ng mga topics per region.
SEC. ANDANAR: I’m so excited for 2020. I just cannot imagine how ready or how the Dagyaw activities will be one for the books by 2020. Kasi on our part, mayroon tayong bagong director general, si Abner ng PIA and he is very active, very energetic iyong mamang ito. Matagal na ito sa byurokrasya. At nakita mo iyong PIA, silang lahat, very inspired.
Mayroon na tayong Pebbles Duque—
ASEC. ABLAN: Yes, sa BCS.
SEC. ANDANAR: BCS, with fresh ideas. Alam mo, isa iyan sa napansin ko, Kris ‘no, of course the two of us. This is our fourth Christmas in government. And then suddenly, mayroong papasok na bagong miyembro sa grupo natin, iyong head of agency, that’s full of ideas. Literally, it’s a breath of fresh air, iyon ang nararamdaman ko.
Like iyong pagpasok ni JV, ‘di ba, Office of Global Media Affairs, all of a sudden, napakadaling makipag-communicate sa international media. So, anyway, going back to that Dagyaw, mayroon tayong Dagyaw 2020 ‘no?
ASEC. ABLAN: Yes. They liked the concept so much, Sec. DILG liked the concept so much that they’re adapting Dagyaw in the provincial level. They will be holding 81 Dagyaw town halls, provincial town halls and then … kasi even iyong branding na ginawa po ng OSEC media at ng OGMA, they’re adopting the design. And we will still have four Dagyaws na lang po, na national.
SEC. ANDANAR: Wow! Alam mo, I’m very excited to share to the other agencies iyong ginawa ng Office of Global Media Affairs and public affairs at ng buong OSEC na bagong strategic communications pro-forma. We are very excited to share this to all of you, even sa PCOO. Kasi … iku-connect ko lang, kasi sa mga activities tulad ng Dagyaw, FOI, tulad ng ELCAC, Youth for Truth, CORDS, mayroon kang …parang iyong cellphone, bibili ka ng cellphone or mobile subscription—
ASEC. ABLAN: Yes, plan.
SEC. ANDANAR: Plan. Mayroong Plan A, Plan, B, Plan C. So ito, makikita mo lang sa isang papel, isang papel, makikita mo long term or medium term, short term tapos may menu ka, this is government media, mayroon kang private media, may mga or, etc., and we will just check kung ano iyong kailangan mo. That’s why I said I’m excited for Dagyaw because kapag naibigay natin itong ating pro-forma, palagay ko ay mae-excite din iyong mga kasamahan natin sa DILG.
ASEC. ABLAN: Yes, opo, opo. So things are looking very bright po for 2020 for the Dagyaw provincial town halls.
SEC. ANDANAR: All right. So, ibang topic naman tayo, like guesting?
ASEC. ABLAN: Mayroon po tayong mga ano … under Asec. JV Arcena, nagkaroon po tayo ng mga international press freedom caravan, IPFC.
ASEC. ARCENA: Of course with the cooperation of FOI team.
ASEC. ABLAN: Siyempre synergy tayo, Asec. JV. And then mayroon din tayong mga madaming mga international agreements na signed this 2019. So congratulations to you and the office.
ASEC. ARCENA: To Secretary Martin for ano … sila iyong nanguna na pirmahan: Iyong una, iyong tungkol nga po doon sa Myanmar memorandum of understanding; Pangalawa, nagkaroon din po tayo ng mga panibagong possible collaboration next year with Russian government and Russian media and Chinese media. So iyon po ang mga dapat na abangan ho ng atin pong mga kababayan, ang mga susunod o mga panibagong opportunities for collaboration ng PCOO at ng mga Russian and Chinese counterparts natin.
ASEC. ABLAN: Noong August naman po, you went to the US with mga IPS, at nagkaroon kayo ng roadshow doon at talagang ipinakita ninyo sa West na kung ano talaga ang mga ginagawa ng ating mga, you know, communist armed groups laban sa mga indigenous peoples natin. So that’s very eye opening.
ASEC. ARCENA: Isa lamang po ito, Asec. Kris at Sec., sa mga international engagements ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o iyong EO 70. So ito pong speaking engagements ng mga IPs ay napaka-successful doon sa US dahil, unang-una, talagang kung titingnan mo iyong success metrics nung engagements na iyon ay makikita mo na nag-panic iyong kabila, iyong target na … iyong kalaban natin sa isyu—
SEC. ANDANAR: Mga komunista.
ASEC. ARCENA: Iyong mga CTGs.
ASEC. ABLAN: Diplomatic pa si JV eh.
ASEC. ARCENA: Yes, mga CTGs, katulad ng binanggit ni Sec., iyong ginagamit na …
SEC. ANDANAR: Communist terror groups.
ASEC. ARCENA: Sila ho iyong mga talagang nag-panic dahil kung mapapansin ninyo, Sec at Asec, inatake nila kami doon. Doon mo mapapansin na iyong part pa lang na iyon ibig sabihin, ano sila …
SEC. ANDANAR: Oo nga, ininis lang kayo doon [laughs]
ASEC. ABLAN: Nag-viral pa nga iyong video ninyo eh, na parang in-interrupt yata iyong panel ng mga IP leaders natin.
ASEC. ARCENA: And that was the first episode po ng CORDS…
SEC. ANDANAR: Nakita ko nga JV talagang dinaan ka lang sa slang eh [laughs]. Dinaan sa slang, in-Ingles ka lang eh sabi ko. Pero mayroon ka ring Europe.
ASEC. ARCENA: Yes sir, may mga Europe din ang NTF-ELCAC, iyong first Europe na kasama tayo noong nagkaroon tayo ng press freedom caravans sa Belgium and Geneva. So, ito iyong una sa mga engagements, international engagements ng NTF-ELCAC kung saan nagkaroon nga sila ng engagement to the UN and EU. At successful din po ‘yun Asec. ‘di ba, kasi kung matatandaan ninyo nagkaroon ng—pina-hold ng EU iyong mga funding ng iba’t ibang gobyerno dito sa kanilang mga NGOs/partners dito sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Pero fronts pala sila ng CTG. So, ano pang issue natin na pinag-usapan this year? GCTA…
ASEC. ABLAN: Yes, GCTA. Oo naging issue ‘yan noong September Sec. eh, so in-interview natin si Senator Gordon, saka si Secretary Menardo Guevarra tungkol sa ‘paano ba napalaya iyong mga ‘to?’ at—
SEC. ANDANAR: Napakadami nila.
ASEC. ABLAN: Yes. And with the political will of the President able to have all of these inmates surrender.
SEC. ANDANAR: And more!
ASEC. ABLAN: And more, oo…
SEC. ANDANAR: Eh kasi kung hindi sila sumurender eh shoot-to-kill ‘di ba, kasi ang ibig sabihin noon ay mga fugitive sila ‘di ba. Alam mo napakaano talaga, itong ating sistema sa ating bansa. Eh buti na lang mayroon tayong strong leader –kay Presidente Duterte.
ASEC. ABLAN: Yes. Na-discuss po natin Sec. Martin iyong mga Chinese workers in the Philippines back in August 30 with DOLE Undersecretary Anna Dione, ito ‘yung POGO. At nalaman po natin dito, nalaman po namin ni JV iyong diperensiya ng classification ng mga foreigners ng Bureau of Immigration at ng DOLE. Magkaiba kasi, they issue different permits kaya po tayo nagkakaroon ng madaming mga illegal na alien. So maganda po itong Cabinet Report sa Teleradyo kasi lumalabas po iyong mga rason behind the issues, we get the government side.
SEC. ANDANAR: So, mayroong mga mismatched na policies kaya sa DOLE iba, sa Immigration iba. So kaya siguro kailangan ay maamyendahan iyong ibang mga batas natin tungkol diyan sa Immigration ‘no. Ano pang napag-usapan natin?
ASEC. ABLAN: Well, naging major issue naman po noong September is iyong polio outbreak. And ‘di ba after so many years naging issue na may isang kaso ng polio sa Mindanao and since then po dumami na po ‘yung kaso. Pero naman, ang in-interview naman po natin dito ay ang Department of Health, si DOH Undersecretary Eric Domingo, suki natin po siya; and sinabi naman po niya na talagang the Department of Health together with the World Health Organization or WHO is giving enough vaccines for the entire country.
ASEC. ARCENA: Napansin ko lang Sec. at Asec. noong period na iyon ‘no, parang mga sakit iyong pinag-usapan natin. Kasi lumabas din iyong African Swine Flu para naman sa mga—iyong nagkaroon ng outbreak sa mga baboy. Sumunod naman iyong Diphtheria case ‘no, so talagang sunud-sunod din iyong mga health scare or issues na tinalakay natin doon. At ang maganda naman doon sa African Swine Flu, hindi nagkulang ang gobyerno, agad nilang kinontain at nagbigay ho ng ayuda ang—mismong si Pangulong Duterte ang nag-utos na bigyan ng ayuda lahat ng mga may-ari ng mga babuyan na maraming namatay para bigyan sila ng tulong pangpuhunan ulit.
SEC. ANDANAR: Oo. Alam mo ang naging problema kasi diyan sa African Swine Flu ay maraming nakalusot na mga de-lata na pork products na apektado pala ng African Swine Flu. Kaya ‘pag kumain ka, usually itatapon mo na ‘di ba at iyong mga tira-tira eh hindi naman tinatapon ‘yung tira-tira eh, mayroon mga nagkokolekta niyan tapos pinapakain sa baboy, binibenta iyan.
Uy teka muna, kailangan nating mag-break! Mag-break muna tayo dahil marami pa tayong pag-uusapan. Pag-usapan natin iyong recent decision ng korte sa Ampatuan Massacre. Pag-usapan din natin iyong ating radio rehabilitation dito sa PCOO. Diyan lang po kayo mga kasama, magbabalik ho agad ang Cabinet Report sa Teleradyo.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Nagbabalik po ang Cabinet Report sa Teleradyo, the last program for 2019. Saan na tayo ngayon, anong pag-uusapan natin?
ASEC. ABLAN: Well ang paborito ko po, ang pagpunta dito sa Radyo Pilipinas kasi napakalamig ng aircon dito at napakaganda ng ating mga radio equipment. And I think you tried to replicate this Sec. Mart around different stations of Radyo Pilipinas all over the country – and I think you called it Radyo Rehab po.
SEC. ANDANAR: Yes, radio rehab or that’s short for Radio Rehabilitation. Nagpunta na tayo sa Butuan, Cagayan De Oro, Calbayog… And then by the second week of 2020, tayo ay pupunta sa Tandag, Surigao Sur.
ASEC. ABLAN: Wow! So you have a schedule na rin po to rehabilitate another radio station?
SEC. ANDANAR: Oo, talagang tatapusin—ire-rehabilitate natin lahat ng radio stations ng Radyo Pilipinas.
ASEC. ABLAN: Which station Sec. had the oldest or not working equipment?
SEC. ANDANAR: So far, I think Butuan. It was more than 30 years ba ‘yung Butuan?
ASEC. ARCENA: Calbayog, sir.
SEC. ANDANAR: Calbayog iyong 30 years ‘no. That’s a—alam mo ang maganda kasi sa ating mga kasamahan sa PBS, maingat sila sa gamit and they really preserved everything so that they can deliver public service. So nasa puso talaga ng PBS ang public service. So by reforming or remodeling or upgrading the studio, makikita mo iyong mga ngiti sa kanilang mga mukha. Hindi mo ma-explain kung ano iyong emotions nila, but beyond words they are so happy because this is about public service.
Okay, so abangan ninyo ang radio rehab for 2020, napakadami nating ire-rehabilitate. In fact, marami nang mga public at private radio stations ang gustong magpatulong na rin, radio rehab.
ASEC. ABLAN: Sa inyo, sir?
SEC. ANDANAR: Yes, oo.
ASEC. ABLAN: Ah, mas priority ang public stations siyempre.
SEC. ANDANAR: Yes, but it’s really—it become an advocacy, oo, mayroon nang mga gustong mag-sponsor.
ASEC. ABLAN: Ah, nice! That’s resurgence of the importance of the radio.
SEC. ANDANAR: Oh yes, of course. Ano pang mayroon?
ASEC. ABLAN: Well, I’d like to congratulate Usec. and of course Asec. JV for—iyong ating drug documentary na GRAMO. So, congratulations po.
SEC. ANDANAR: Wow! Congratulations to—well, the PCOO, JV and his team. GRAMO is an in-depth documentary at talagang mabenta sa publiko because this is all about the truth about the drug war; about what happened the last 3 years, ano pang historical perspective itong drug war; saan nagsimula ito; saan dadalhin the next 3 years. But it’s really all about saving the future of a nation. Iyon ang gusto ni Presidente at itutuloy-tuloy natin ito hangga’t sa maging drug free na rin iyong additional 17,000 barangays. Kasi 15,000 na iyong na-clear ng drugs.
ASEC. ABLAN: What’s your plan for GRAMO? Are you guys gonna have a special screening this coming 2020?
SEC. ANDANAR: Yes, oo.
ASEC. ARCENA: Mayroon tayong kinakasa Asec. Kris na mga briefing or film showing with the diplomatic community here in the Philippines and we’re going to present it so magkaroon din tayo ng engagement with the international media, international community at organizations para maiprisenta kung ano ba talaga ‘yung reyalidad ng drug war at iyong mga kinakaharap at iyong mga accomplishments ng Duterte administration pagdating sa pagsugpo sa iligal na droga.
So hindi lamang po diyan tayo natatapos sa mga international release or international engagements, mayroon pa tayong mga balak din Sec. ‘no, na mga iba pang mga dokumentaryo na ilalabas din next year. So iyon po ang dapat na abangan ng ating mga kababayan dahil magpo-produce po tayo sa PCOO ng iba pang mga in-depth documentary.
ASEC. ABLAN: Can we show Sec. the GRAMO ‘pag nag-conduct kami ng PCOO road show next year?
SEC. ANDANAR: Of course! In fact mayroon na tayong mga nakausap, si Usec. Martin Diño, sa mga barangay, kausap natin si Usec. Echiverri, kausap natin si Secretary Año, si DOTr Secretary Art Tugade – this is open for everybody.
ASEC. ABLAN: We can do it like old school sir, magdala po tayo screen tapos mayroon tayong malaking speaker tapos ipapalabas natin sa mga plaza.
SEC. ANDANAR: Yes, oo. Sa CHEd, oo kausap ko si CHEd, si Secretary De Vera. By the way speaking of international ‘no, I just want to give props to Juliana Javellana for doing a great job sa ating foreign relations.
ASEC. ABLAN: Yes, congratulations Julie.
SEC. ANDANAR: Alam mo this is no joke ha, but PCOO is always present in all of the diplomatic events dito sa Manila. And by doing that, they are beginning to appreciate the value that we can give to them.
ASEC. ABLAN: I think they appreciated when Asec. JV brought the international press to Marawi
ASEC. ARCENA: Yes, oo.
SEC. ANDANAR: Yes, oo.
ASEC. ABLAN: I think twice, you brought them twice.
ASEC. ARCENA: Thrice po, oo. So iyon po ang bagong initiative na ginawa ng PCOO, ang ginawa natin, dinala natin ang international press sa istorya at ito ‘yung tinatawag natin na reporting tours or reporting events.
So aside pa diyan, mayroon din tayong iba pang engagement like the Virtual Presser which is a new initiative sa PCOO para mas maging mapabilis at mapadali iyong engagement natin sa atin pong mga international o foreign press kahit hindi na sila kailangang lumabas sa kanilang mga desk.
SEC. ANDANAR: Grabe, magpahinga ka naman JV. Uy nagagalit na iyong EP natin, i-discuss daw natin iyong vape na napakalaking issue niyan saka iyong pag-ban ng plastic.
ASEC. ABLAN: Yes. Noong November 22 Sec., Asec., in-interview po uli natin si suki, Department of Health Secretary Francisco Duque to discuss po iyong nasabi po ni President na ban on vapes. And then before that November 15, na-interview ulit po natin is another suki natin, DENR Undersecretary Bennie Antiporda tungkol po sa, again, instruction ni President na magkaroon po ng nationwide ban on the plastic bags. So iyon po ‘yung mga na-discuss po natin noong November.
And then isingit ko lang po Sec. itong last quarter ng 2019 medyo madami po tayong mga natural calamities; nagkaroon po tayo ng earthquake at nagkaroon din po tayo ng typhoon; so naging suki rin po natin ang DSWD, si Usec. Fel Badiongan at si Director Irene Dumlao at in-update naman po tayo kung ano ‘yung ginagawa ng government pagdating sa disaster response.
SEC. ANDANAR: Oo. Congratulations din sa Laging Handa Team dahil itong Laging Handa Team ng PCOO ay active everytime na mayroong tragedy tulad ng mga lindol sa Mindanao.
ASEC. ABLAN: Finally po Sec., we also interviewed PHISGOC COO Ramon Suzara as well as PSC Chairman Butch Ramirez kasi nga po the Philippines hosted the 30th SEA Games and we emerged as the overall champion. So congratulations po sa Philippine government.
SEC. ANDANAR: Wala ba tayong palakpakan diyan, champion ang Pilipinas? Ilang medals tayo?
ASEC. ABLAN: 300 po – the most number of medals and the most number of gold medals that we had ever in the SEA Games po.
SEC. ANDANAR: Oo, akalain mo – gold, silver, bronze… tayo nag-champion. Ang hindi champion doon iyong mga fake news na lumabas during the first few days of the 30th SEA Games. Kaya you know, the truth will always set you free ‘di ba?
ASEC. ABLAN: Pero last week Sec., we had a very monumental decision from Quezon City RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes, this is the Maguindanao-Ampatuan Massacre verdict po wherein the judge gave a verdict of guilty po to Zaldy and Andal Ampatuan and others po – so congratulations po.
SEC. ANDANAR: Ito ay mahalaga dahil number one, nabigyan mo ng hustisya iyong biktima at ang pamilya; pangalawa ay napakita mo sa buong mundo na ang Pilipinas ay sumusunod talaga sa rule of law. Mayroon tayong judiciary na working, gumagana bagama’t matagal ‘yan… matagal, matagal iyong hearing ng kaso na ‘yan dahil tayo ay may respeto sa ating Saligang Batas, may respeto tayo sa ating demokrasya. Pero ipinakita natin sa buong mundo na may respeto rin tayo sa press freedom, may respeto rin tayo sa human rights.
ASEC. ARCENA: Yes. Muli, pinapupurihan natin si Judge Jocelyn Solis-Reyes!
ASEC. ABLAN: Also the DOJ, Secretary Guevarra and the prosecutors.
ASEC. ARCENA: Yes, oo. Alam mo si Judge Reyes siya iyong – ‘di ba pangalawa na siya, nag-inhibit iyong nauna, si Judge Cortez – talagang saludo ako rito, babae pa tapos hindi siya natakot; dinicline niya iyong security na in-offer sa kaniya at talagang ang tapang kahit gaano pa ka-high profile at gaano pa karami iyong mga akusado.
ASEC. ABLAN: Hanggang promulgation JV istrikto siya.
SEC. ANDANAR: May nag-text sa akin, sabi niya veritas liberabit vos – the truth shall set you free. O ‘di ba iyong nakasulat sa Philippine Star? Iyon ‘yun ‘di ba?
ASEC. ABLAN: Ah, okay. Yes, yes.
SEC. ANDANAR: Anyway, 4 days to go before 2020. So 2020 vision tayo ha, tapos na iyong ating apat na Christmases ngayon sa gobyerno. Last 3 years okay lahat ng ating mga ginagawa, so dapat from 2020 to 2022, 2020 vision para palakasin at patatagin pa ang Duterte legacy. Okay, so Happy New Year!
ASEC. ABLAN: Happy New Year, Sec. Martin.
ASEC. ARCENA: Happy New Year, Sec. Happy New Year, Asec.
SEC. ANDANAR: Basta ako, magnu-New Year ako na iniisip ko kayong lahat at magdarasal ako para sa world peace [laughs]. Tama naman… itong si EP talaga oh! Alright, so that’s it for now, we’ll see you again next year. Ito po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar…
ASEC. ABLAN: Asec. Kris Ablan…
ASEC. ARCENA: At JV Arcena po…
SEC. ANDANAR: Ito po ang programang Cabinet Report sa Teleradyo.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)