Interview

Interview with Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador S. Panelo by Ted Failon, Failon Ngayon – DZMM


MR. FAILON: Sec. Sal, good morning po, sir!

SEC. PANELO: Yes! Good morning, Ted!

MR. FAILON: Opo, good morning! Okay. Sir, ‘yun pong draft contract ho na binabanggit ng ating Pangulo kagabi, ito ho ba ay nai-forward na daw po sa dalawang ating concessionaires?

SEC. PANELO: Hindi pa, kasi siyempre inaayos pa ‘yun. Marami pang gagawin dun, marami pang pag-uusapan. Hindi pa, ginagawa pa lang.

MR. FAILON: Opo. Kasi sabi ho nila ay they will only react kapag ho natanggap na daw ho ‘yung proposed na kontrata. Okay.

Sir, nabanggit din po sa akin dati pa ni Secretary Guevarra na hindi lamang ito ang rerebyuhin na kontrata. Mayroon ho pa bang ibang re-review ngayon? If I may, sir, for example, ‘yun ho bang LRT – 1 concession with practically the same people, ito ho ba ay under review din?

SEC. PANELO: Ire-re—irerepaso din ‘yun gaya nang sinabi na natin noon, lahat ng mga kontrata na pinasukan ng gobyerno ay titingnan kung mayroong mga onerous provision.

MR. FAILON: So, ang atin pong presumption ay pati po yoon rerebyuhin din?

SEC. PANELO: Yes.

MR. FAILON: Okay. How about itong Kaliwa Dam contract? Ang sabi po ng grupo ho ng ibang kongresista, sinasabi na onerous din daw ho ang kaniyang provision?

SEC. PANELO: Mayroon ng… mayroon ng opinyon doon si Secretary of Finance Dominguez na walang onerous provision.

MR. FAILON: Uhm… So—

SEC. PANELO: Napag-aralan na ‘yan.

MR. FAILON: Tapos na po itong pag-aralan?

SEC. PANELO: Napag-aralan na…

MR. FAILON: So, hindi po dadaan sa DOJ ‘to o maging sa SolGen’s Office?

SEC. PANELO: Sa palagay ko baka dumaan na kasi nagsalita si Secretary Sonny [signal cut] legal advice dito nabanggit mo na ito.

MR. FAILON: Opo, opo. Sige po. Si Sec. Sal, kasi medyo ang ating signal ay hindi payapa. Parang…parang nasa banyo kayo, sir huh! [laughs]Sorry, sir huh! Nasa office ba kayo? Opo… Hello, Sec? Ayun! Hello, Sec? Naputol na tayo. Ayun, naputol!

MR. FAILON: Hello, sir? Sir?

SEC. PANELO: Yes! Yeah, naputol.

MR. FAILON: Ayan! Better na ho. Opo, opo! Okay Sec, just to be clear about this one ano, to clarify. ‘Yun pong Kaliwa Dam ‘ka ninyo, tapos na po itong i-review?

SEC. PANELO: Ang pagkakaalam k0 dumaan na ‘yan sa review. Sabi ni Secretary Sonny, wala namang onerous provisions.

MR. FAILON: Okay sir, sige po. Doon po sir sa ilang public utilities sir ‘no na aking tinanong nga kanina. LRT – 1 for example, kasama po?

SEC. PANELO: Gaya na ng sinabi ko na, Ted, lahat ‘yan rerepasuhin ‘yan at government contracts, projects, lahat ‘yan titingnan.

MR. FAILON: Okay, opo kasi kanina medyo ho choppy ang ating—just to clarify it para mas klaro. And sir, ‘yung reaction po ngayon ‘no, mayroon na hong ilang business groups na nagsasabi na itong ginagawa ng gobyerno ngayon ay hindi magandang pangitain para po sa karagdagang pang investors sa ating bansa.

SEC. PANELO: Alam mo, malabo ‘yung teoryang ‘yon eh, kasi ang mga foreign investors papasok ‘yan sa isang bansa kung ang korapsyon ay zero o minimal. Kasi bakit ba nagkakaroon ng mga tinatawag na onerous provisions where they demand certain terms na makakapabor sa kanila. Kasi nga eh maraming humihingi ng lagay eh! Nahihirapan sila so they want to make bawi. ‘Pag nalaman nila na itong gobyernong ito ay galit sa korapsyon, eh lalo silang papasok. Magiging maganda ang terms, alam nila na hindi pupuwede ang mga kalokohan.

MR. FAILON: Uhm. Opo, opo. Well, ano ho—at saka siguro maganda rin po itong palatandaan na ‘pag pumunta sa Pilipinas at gusto mong mag-negosyo, huwag naman masyado kaming lutuin sa aming mantika.

SEC. PANELO: Oo, totoo ‘yun.

MR. FAILON: ‘No? Kumbaga, just… you know, kumbaga patas lang po ang laban. Sige po! Sec. Sal, salamat po nang marami sir!

SEC. PANELO: Yes! Thank you!

MR. FAILON: Opo. Mabuhay, sir!

SEC. PANELO: Salamat, salamat.

MR. FAILON: Mabuhay! Thank you! Thank you!

##

 Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource