Interview

Interview with Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador S. Panelo by Henry Uri and Missy Hista, Coffee Break – DZRH


MR. URI: Secretary Salvador Panelo! Good morning!

MISSY HISTA: Good morning po, sir!

MR. URI: Huh? Sec..? Good morning!

SEC. PANELO: Yes! Good morning, Henry!

MR. URI: Hi! Magandang umaga po! Sec, una, kumpirmado na na ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ‘yung evacuation ng mga OFWs sa Iraq?

SEC. PANELO: Alam mo Henry, gaya ng sinabi na ni Presidente, ‘yung… ‘yung evacuation kung mayroon ng shooting war doon, shooting hostilities, eh, talagang mandatory ‘yun. Kaya nga pinadala na ‘yung mga Cabinet members natin doon. Nagprepara na, mayroon ng barko doon, mayroon ng frigates na on the way doon, mayroon pang mga dalawang barkong naka-abang na papunta na rin doon, lahat ‘yun eh naka-ready. So, kumbaga ongoing!

MR. URI: Okay!. So, may utos na ho siya na—kasi mayroong lumabas na ho na “The President orders mandatory repatriations of Filipinos in Iraq.”

SEC. PANELO: Eh, dati ng utos ‘yun eh, dati ng utos ‘yun, Henry. Wala namang nabago sa utos niya eh! The moment na mag-escalate, i-diretso mo na ‘yan kaya pinaghandaan na niya lahat.

MR. URI: Ahh… This was reiterated ho kagabi sa Command Conference, Secretary?

SEC. PANELO: Hindi, wala ako sa Command Conference. But it doesn’t have to be reiterated kasi mayroon ng direct instruction silang lahat eh!

MR. URI: Oho, alright. Sa ngayon, ano ho ang nakarating nang official report nina Secretary Mama-O at Cimatu sa inyong tanggapan tungkol sa kalagayan ng mga OFWs in Iraq and in Iran and other part of Middle East?

SEC. PANELO: Wala… wala pang…wala pa akong natatanggap. But what is important, Henry is sumabog na ‘yung—nag-escalate na eh! So automatic, ‘yung instruction ni Presidente kailangan maipatupad na.

MR. URI: Alright! In another questions, ‘yun bang ating pamahalaan ay posibleng magpadala din ng ating mga military troops kung saan nanggaga—nangyayari po ‘yung gulo ngayon?

SEC. PANELO: ‘Yung ipinadala natin na frigates ay to secure ‘yung ie-evacuate natin.

MR. URI: Ayun…

SEC. PANELO: At ngayon, ang gagawin natin…ang unang gagawin natin, ie-evacuate natin to a safe place. Hindi naman diretsong ire-repatriate mo kasi kung nagkakaroon ng bombahan doon, eh baka naman on the way mo mabanatan pa ‘yung ating mga kababayan.

MR. URI: Oho, oho.

SEC. PANELO: Kaya kailangan since nagkaroon na ng escalated hostilities, kailangan mai-evacuate natin sa safe place ‘tong mga kababayan natin.

MR. URI: Oho. Hindi ho iyan para makisali sa anumang labanan kundi mag—

SEC. PANELO: Ah, hindi…

MR. URI: Hindi, hindi, hindi…

SEC. PANELO: Hindi tayo sasali dun.

MR. URI: Oho, alright. Sec, bago si Missy, medyo ipapa-reiterate ko lang sa inyo kung maaari lang. Kasi kagabi—kahapon, I’m sure you know na na-interview po namin si Presidente sa Palasyo ano ho? And I asked him doon po sa binanggit ninyo naman sa briefing natin na kung sabi ng Pangulo doon sa Cabinet meeting, kung may masasaktang mga Filipino intentionally, ‘he might be siding with America’ – Secretary?

SEC. PANELO: Yes, sinabi niya, sinabi niya ‘yun.

MR. URI: Oho. Was it in a joking manner or talagang seryoso siya noong sinabi niya ‘yun?

SEC. PANELO: Eh, hindi naman—‘yung mga ganun, Henry hindi nagjo-joke si Presidente.

MR. URI: Uhm.

SEC. PANELO: Eh, kung ikaw naman ang Presidente, sinaktan ‘yung mga kababayan mo, anong gagawin mo?

MR. URI: Oho. So, then talagang he specifically mentioned na papanig tayo sa Amerika ‘pag ganun?

SEC. PANELO: Kaya nga nagpadala siya ng…nagpadala siya ng envoy doon sa dalawang gobyerno ng Iraq saka Iran. Pinasabihan niya na huwag n’yong idamay ‘yung mga kababayan ko diyan, hindi kami kasama diyan.

MR. URI: Oo, dahil kung idadamay?

SEC. PANELO: Aba’y kung idadamay ibang usapan ‘yan. Anong gagawin mo kung ikaw ang Presidente? I mean, that goes without saying.

MR. URI: Oho. Talagang he specifically mentioned na papanig tayo sa Amerika ‘pag ganun?

SEC. PANELO: I don’t want to repeat myself, Henry. I keep on repeating the same question and answering the same.

MR. URI: Yes, yes, yes…oho. Kasi nga kahapon, Secretary, with all due respect, ang ating Pangulo po ay tinanong namin at he didn’t specifically answered that kind of questions na you.. [unclear]

SEC. PANELO: O ‘di kung hindi—If he didn’t answered that, that means nagbabago ang isip niya, ‘yun lang ‘yun.

MR. URI: Uhm. Alright! Sige po. Basta—sa mga kababayan nating may mga kamag-anak sa abroad, lalo na sa Iraq at saka sa Iran, wala pa naman silang dapat ipag-alala sa ngayon, Secretary, sa tingin ninyo?

SEC. PANELO: Bakit naman hindi mag-aalala? Ikaw naman, Henry… Siyempre, mag-aalala ka eh nagkaka-giyera na nga doon eh kaya precisely ‘yung safety nila ang iniisip ni Presidente kaya may nakahanda ng barko doon, ‘yung mga frigates natin ipinadala na doon to secure, tapos may dalawang barkong ready to go anytime.

MR. URI: ‘Yun ang ibig kong sabihin, hindi dapat mag-alala sapagka’t naririyan ang gobyerno?

SEC. PANELO: Hindi… Mag-aa—natural lang mag-alala pero nandoon ang gobyerno.

MR. URI: Ayun – yun ang kainaman noon. Missy, you have questions?

MISSY HISTA: Yes. I would just like to ask po, if ever na pabalikin na natin dito sa bansa ang ating mga kababayan na maiipit sa gulo doon sa Gitnang…doon sa Middle East, mayroon po ba tayong trabaho na mai-offer sa kanila?

SEC. PANELO: Nasagot na rin natin ‘yun sa briefing. Inalerto na ng Presidente ang mga ahensya ng gobyerno. ‘Yung mga ongoing projects natin ilalagay natin sila roon. Sila ang may preferences.

MR. URI: Alright! So, handa…handa ang gobyerno! May—‘yung Budget although kinakailangan pa ng special session ng Congress ‘di ba, Secretary?

SEC. PANELO: Yes. Kaya isa-suggest niya na mag-meet sila ngayon – special session.

MR. URI: Do you have info kung how soonest magaganap iyong special session para po ma..?

SEC. PANELO: Hindi, wala pa akong feedback diyan, itatanong ko iyan.

MR.URI: Okay, Secretary, salamat ng marami.

SEC. PANELO: Salamat, Henry. Thank you

MISSY HISTA: Thank you po.

###

Source: PCOO-PND (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource