ASEC. ARCENA: So nasa linya ho ng telepono mga kababayan, kasama ho natin si Secretary Martin Andanar na nasa Cagayan De Oro ngayon. Good evening po, Sec.
SEC. ANDANAR: Hi, magandang gabi sa’yo JV. Mayroon kasi kaming fellowship ngayon, ang fellowship ng Regional Task Force on Media Security kasama lahat ng mga regional director natin ng mga national government agencies pati iyong ating 4th Infantry Division; kasama na rin iyong ating iba pang mga division ng Armed Forces of the Philippines. So ito, konting fellowship lang ito dahil sa achievements ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Region X noong 2019 and of course para na rin bigyang parangal si General Boogie de Leon na siyang na-promote na at nalipat na diyan sa Civil Military Operations sa Camp Aguinaldo.
ASEC. ARCENA: Congratulations po General Boogie.
SEC. ANDANAR: Opo. At kanina, nais ko lang pong ibalita itong magandang nangyari dito sa Cagayan De Oro dahil inilunsad kaninang umaga ang Cagayan De Oro ELCAC or Ending Local Communist Armed Conflict at ito ay sa isang barangay na ginanap dito. At doon sa barangay, sa barangay ay namigay tayo ng mga proyekto mula sa iba’t ibang departamento – Department of Agriculture, mayroon ding sa DILG at tapos namigay din tayo mula sa DSWD, namigay rin tayo ng mga ayuda mula po naman sa National Irrigation.
And then mayroon tayong gin-ground break na proyekto, itong housing na ibibigay natin sa mga surrenderees, iyong mga nagbalik-loob na rebelde. In fact kanina ay nakausap natin iyong mga rebelde dito sa Region X na nagbalik-loob na.
Kaya very successful po iyong launching ng Ending Local Communist Armed Conflict dito sa Cagayan De Oro City. At tayo ay nagpapasalamat kay Mayor Oca Moreno dahil sa kaniyang dedikasyon sa Regional Task Force-ELCAC pati na rin sa mga barangay leaders natin kasama na ang mga regional offices ng national government agencies tulad nga ng DILG, NEDA, tulad ng Department of Agriculture, kasama rin iyong National Housing Authority, nandoon din iyong ating Bangko Sentral ng Pilipinas.
So very ano JV, very active itong Regional Task Force sa Region X lalong-lalo na ngayong 2020 dahil tayo po ay inspiradong-inspirado dahil sa dami nang sumurender noong nakaraang taon, 2019. At sinabi rin ni Presidente noong nakaraang araw, sabi niya na mukhang natatanaw na niya ang ‘kalinaw’ sa Bisaya ‘no, ang kapayapaan between the government and the communists here in the country.
ASEC. ARCENA: Congratulations Sec., bilang kayo po ang CORDS or Cabinet Officer for Regional Development and Security diyan po sa Region X. At hindi naman po ganoon kaaktibo, kundi kayo po talaga ang nangunguna at number one din sa pagiging aktibo sa lahat ho ng mga CORDS. At congratulations sa mga programa ho na inyong ipinatutupad lalo na ho, noong nakaraang araw lang ho, noong kami ay nagpunta diyan sa Cagayan De Oro, nakikita ko kung gaano ka-aktibo talaga ang lahat ng ahensiya na miyembro ho ng RTF-ELCAC sa pangunguna po ninyo sir bilang CORDS.
SEC. ANDANAR: Oo nga. Salamat JV. Ito naman ay dahil din sa malaking suporta ng ating mga regional directors, iba’t ibang ahensiya katulad ng PIA, katulad ng NEDA, DILG. And of course noong ginawa ninyo ni Usec. Marvin, iyong response briefing para sa nCoronavirus ay kagyat na umaksiyon agad ang ating Regional Task Force dito sa Region X kasi mayroon tayong Technical Working Group, TWG sa pangunguna ni General Gacal at co-chaired by Director Mylah Cariño ng NEDA ay mabilis ho talagang umaksiyon. Kaya pasalamat din tayo kay Mayor Oca Moreno na siya ring pumunta at one of our hosts during that day, and of course ang ating Department of Health.
And JV, kasi I would have to excuse myself in a bit kasi naghihintay sa akin iyong ating mga kasamahan dito sa ELCAC for the fellowship. Nais ko lang ding pasalamatan iyong ating mga kasamahan, mga kaibigan natin sa Surigao Sur sa Tandag, kina Acting Mayor Eleanor Momo, sa ating kapulisan doon at sa mga kasamahan natin sa media dahil noong nagpunta tayo doon noong Wednesday ay talagang mainit tayong tinanggap.
Nagkaroon tayo ng very successful na media engagement, mga interviews sa Sure Radio, tapos iyong ating ginawa ring radio rehabilitation sa Radyo Pilipinas-Tandag. So very successful, maganda naman iyong naging resulta ng pag-introduce natin ng Duterte Legacy dito sa Tandag. Tapos pasalamat din ako sa mga tumulong ho sa atin dito sa Butuan at Agusan Del Norte, si Mayor Lagnada – 100% daw ang kaniyang tulong JV sa Duterte Legacy summit. Ganoon din si Governor Dale Corvera ng Agusan Del Norte na nakasama ko rin dahil ako ay nag-courtesy call saka mga opisina nila.
And then iyong ating mga media rin sa Butuan, napakainit po ng pagtanggap sa atin, maganda po iyong ating naging media engagement. In fact excited na sila doon sa ating Duterte Legacy Summit. Kasama na rin JV iyong media summits, excited sila. Nagpapasalamat din ako sa Bombo Radyo, sa ating Manager ng Bombo Radyo, si Benjie at tapos pasalamat din ako kina Clyde Hikilan ng Hope Radio dito rin po sa Butuan – so, talagang nakakahilo ang linggo natin JV, ano.
ASEC. ARCENA: Ang sipag, naikot ninyo na po sir. Parang wala na ho kayong pahinga.
SEC. ANDANAR: Ay… alam mo kasi JV ano ‘yan eh, para doon sa mga kababayan natin, para ma-remind din sila na dalawang taon at anim na buwan na lang ang natitira sa Duterte administration. Kaya kailangan puspusan ho talaga ang trabaho natin sa Presidential Communications Operations Office. At kung hindi natin gagawin iyon ay sino pa ang gagawa?
Kaya binibilisan din natin lahat kaya, kumbaga, kada punta natin sa probinsiya, walang tapon. Kailangan ma-meet natin, makausap natin ang media, magkaroon tayo ng radio rehabilitation sa Radyo Pilipinas kung nasaan tayo, makausap natin iyong mga local government officials, makausap din natin iyong mga non-profit organizations para makatulong dito sa ating Duterte Legacy, para makatulong sa pagpalaganap pa ng mga tamang balita at para masuportahan ang mga natitirang proyekto ni Pangulong Duterte.
Sabi ko nga eh, ang pag-asenso ng isang bansa ay mas bibilis kung mayroong suporta ng taumbayan. Kung walang suporta ng taumbayan, aasenso pa rin tayo pero mas mabagal. Pero kung ang taumbayan mismo ay makikipagtulungan, kung magko-cooperate sa gobyerno; halimbawa itong nCoronavirus ‘di ba, papaano natin ito mako-contain kung hindi makikipag-cooperate iyong ating mga kababayan, kung hindi sila makikinig ‘pag sinabi ng gobyerno: “Oy tigilan ninyo na iyong mga fake news na ‘yan, tigilan ninyo na iyong pagiging xenophobic ninyo,” ‘di ba? Eh papaano tayo aasenso? Papaano natin mako-contain iyong virus na iyan kung kung anu-ano iyong mga ginagawa natin – mga kababayan natin? So, we really need the support and we need the cooperation of the citizenry para mas madali po ang pagpapatakbo at mas mabilis ang pag-asenso ng ating bansa.
ASEC. ARCENA: Sec. speaking of 2019 nCoV, may direktiba ho ang Pangulo noong nakalipas na Cabinet meeting sa atin po sa PCOO. Puwede ho ba ninyong i-elaborate dito para mapakinggan ng ating mga kababayan ang magiging role ng PCOO at ang magiging direksiyon ng atin pong kampanya.
SEC. ANDANAR: Bagama’t hindi kasama ang PCOO sa Interagency Task Force ng Department of Health, kaya ni-remind ni Presidente kay Secretary Duque na kailangan gamitin talaga iyong buong byurokrasya. Ang sabi ni Presidente, ang ating gobyerno ay designed na handa, handang tumulong sa maraming aspeto. Pero kung hindi natin gagamitin ito, hindi natin gagamitin ang byurokrasya ng DILG, hindi natin gagamitin iyong byurokrasya ng DOTr o ng PCOO, magiging high-low, magiging mas mahirap at mabagal iyong pagresponde natin. So ‘pag ginamit mo, ‘pag in-activate mo lahat ay mas mabilis kaya tama naman si mahal na Pangulo.
Kaya nga sabi ko noong in-order ni Presidente na ang PCOO gamitin ni Secretary Duque para sa information dissemination, kaya in-order ko kaagad sa buong mga ahensiya ng PCOO na kailangan hourly mayroon tayong update sa nCoronavirus. At sabi ni Presidente, dapat ang update hindi lang Department of Health, kailangan ganoon din ang DOTr, iyong mga line agencies na mayroon hong partisipasyon sa pag-contain nitong virus. So nandiyan iyong DILG, nandiyan iyong DOTr, nandiyan iyong—of course iyong Department of Health being the front, main agency na lalaban dito, nandiyan din iyong Bureau of Immigration, Department of Justice. So ‘pag ginamit ito lahat, itong lahat ng mga ahensiya na ito, mga departamento eh mas madali ang trabaho para sa Department of Health.
ASEC. ARCENA: Tama po. Kaya nga po simula ho noong nakalipas na dalawang araw ‘no, nagsimula na rin po tayong nag double-up iyong atin pong mga kampanya sir ‘no. Naglalabas ho tayo ng almost hourly din na mga infographics, hindi lamang po sa atin pong mga government media, kundi pati na rin ho sa atin pong mga social media assets.
SEC. ANDANAR: Oo. Kaya ang dapat nating gawin talaga JV ay, tama ka, double-up lang. Kailangan talaga magmasid nang husto, kailangan ay bukas ang mga tenga parati at mabilis iyong pag-aksiyon natin dahil napakahalaga kasi ng communications sa mga panahong ito eh. Kasi hindi lang naman iyong traditional na TV, radio, newspaper… eh mayroon na hong online media at iyong mga fake news naman ay kadalasan ay diyan kumakalat sa online, sa social media ‘di ba?
So kaya nga pati rin sila ni Asec. Queenie ay inatasan ko na rin na i-activate nila ni Pebbles iyong ating Spokespersons’ Guild tapos magkaroon tayo ng Crisis Communications Meeting, number one. Tapos kailangan din i-activate din ng bawat ahensiya iyong kanilang mga spokespersons, hindi lang sa Metro Manila kundi sa labas ng Metro Manila, sa buong Pilipinas. So kung halimbawa sasabihin mo JV, sa public affairs na ito ‘yung linya natin, iyon din ang sasabihin ng DOTr sa Manila, iyon din ang sasabihin ng DOTr sa mga probinsiya. Ganoon din ang DILG, ganoon din ang DOH, ganoon din ang DOJ, ganoon din ang Department of Health – so lahat tayo.
So imagine kung lahat ng spokespersons ay iisa lang ang kanilang mensahe at tutulong din sa pag-disseminate ng tamang impormasyon ay mas madali ho ito para sa ating paglaban dito sa nCoV.
ASEC. ARCENA: Tama po kayo Sec. [PHONE LINE CUT]
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)