ATTY. RIVERA: Of course, sir, what is the side of the Malacañang on the issue of quo warranto and on the gag order?
ATTY. FALCIS: And specifically, the gag order.
SEC. PANELO: Una iyong narinig ko kanina iyong sinasabi ng ini-interview mo, eh kabalbalan iyong sinasabi niya na kontrolado ng Executive Department. Unang-una, hindi niya tinitingnan iyong history ng President – hindi siya nakikialam sa Kongreso. Kung iyong ngang mga personal choices niya sa Cabinet members na hindi na-appoint, hindi siya nakialam, ni wala kayong narinig, eh ito pa. Ilang beses na niyang sinasabi iyon na wala siyang kinalaman sa quo warranto.
ATTY. RIVERA: Yes, and ako I believe that.
SEC. PANELO: Iyong quo warranto na iyon, trabaho ni SolGen Calida iyan. Tinanong ko siya, sabi ko ang daming nagrereklamo diyan sa mga kalaban mo, bakit ka daw nag-file ngayon lang. Alam mo ang sagot niya, “Eh ngayon ko lang naman natuklasan eh.” Eh bakit daw mag-e-expire na saka ka lang nag-file? “First, ngayon ko lang natuklasan. Pangalawa, kaya ko kailangang i-file iyan kahit mag-i-end na iyan kasi ako ang babalikan, kasi nalaman ko na eh. Eh trabaho ko naman mag-file, kaya dapat akong mag-file?”
ATTY. RIVERA: Sir, of course—
SEC. PANELO: Pangalawa—teka muna. Pangalawa – that from my point of view, it’s much ado about nothing. Iyang petition for quo warranto na iyan, even assuming na ma-grant, eh mag-i-expire na nga eh, eh di ganoon din iyon – anong gagawin ng ABS-CBN? ‘Di ba may pending nga sila na application for renewal, eh di itutuloy din iyon. Ano bang problema doon?
ATTY. RIVERA: Tama.
SEC. PANELO: Another thing, another thing: Sinasabi nila si Presidente … palaging patungkol kay Presidente eh. Iyong mga sinasabi ni Presidenteng mga utterances laban sa ABS-CBN, iyan ay personal na sentimiyento niya sa ginawa sa kaniya na estafa. At hindi mo mai-aalis sa isang presidente ang isang karapatan na ibinibigay sa ordinaryong mamamayan. Hindi porke’t Presidente na siya, hindi na siya puwedeng magbigay ng kaniyang sariling hinaing at sama ng loob.
Pero kung titingnan mo ang history niya, lahat ng may atraso sa kaniya ni hindi nga niya dinidemanda eh. Pero sabi niya, “Kung ako man ay mayroong sama ng loob dito sa ginawa nila sa akin, kung ano iyong batas na maaari ko gamitin, gagamitin ko iyon, like pag-file ng aksyon laban sa kanila. Pero hindi ito, wala akong pakialam diyan. Ang Kongreso ang may kapangyarihan diyan,” which is true. You know, sapagka’t kahit na sinasabi nila, ‘Eh paano kung i-veto?’ Eh kahit na i-veto pa iyan, ma o-overrule naman iyan, override iyan ng 2/3 votes ng Kongreso, tapos na. Kaya talaga iyong kapangyarihan ay nasa Kongreso. They’re barking at the wrong tree kung si Presidente ang binabanatan nila. Ang kulitin nila ay ang Kongreso, trabahuhin nila iyong trabaho nila!
ATTY. RIVERA: Sir, of course, gusto ko lang hingin ang comment mo dito. Nakausap namin kahapon si Vice Chairman ng franchises.
ATTY. FALCIS: Congressman Albano.
ATTY. RIVERA: Oo, Congressman Albano. Sabi niya na assured naman daw that even if the investigations or the hearings with regard to the franchise of ABS-CBN goes beyond the period of the franchise, there is still … parang magku-continue pa rin daw ang ABS-CBN until the franchise is heard and finalized, or given or not given. Parang—
ATTY. FALCIS: What’s the opinion on that, sir, provisional authority after March 30?
SEC. PANELO: Sabi nila iyan daw ang practice. Eh hindi ko naman sila maintindihan. Bakit pa susunod sila sa practice, eh di gumawa na sila ng batas na i-extend nila. Ganoon lang kasimple iyon eh.
ATTY. FALCIS: So are you of the opinion, sir, na after March 30 kung walang renewal by law ay expired na, hindi na puwedeng mag-operate ang ABS-CBN?
SEC. PANELO: Eh kung sinasabi nila by practice, but it doesn’t mean na iyon talaga ang batas – by practice lang, kasi walang kumikuwestiyon. Paano kung may magkuwestiyon niyan? Kaya kung ako ang nasa Kongreso, if you are really inclined to grant, eh bakit hindi ninyo muna bigyan ng pansamantala habang didinggin ninyo pa iyong ang application.
ATTY. RIVERA: Correct. At least nagbibigay na sila ng idea.
ATTY. FALCIS: As to Congress sir, of course, hindi ko lang alam kung nabalitaan ninyo, but may mga congressmen na nagsasabi, may pressure daw galing sa taas. Congressmen, sir, ang mga nagsasabi na may pressure daw galing from the President. Is that true or not?
SEC. PANELO: Hindi, alam mo galing iyan kay Congressman Albano na kinorek niya ang sarili niya. Sabi niya, “Binago lang iyong ibig kong sabihin.” Ang ibig niya raw sabihin, iyong pressure na … ang tingin niyang pressure ay iyong reklamo ni Presidente laban sa ABS-CBN. Pero sabi niya, never na tumawag sa amin si Presidente tungkol sa anumang bagay dito sa Kongreso. At hindi rin sila makatawag kay Presidente kasi alam nila na hindi naman sila i-entertain-in [entertain], iyong tawag nila, kahit sa anong bagay.
ATTY. FALCIS: And then, Sec., doon sa role ng Congress, of course, sabi ninyo trabaho po ito ng Congress. Sabi naman ng mga iba lalo na diyan sa Congress, eh kung hindi daw tutol si President sa renewal o sa pagdinig man lang ng renewal or extension ay puwede naman daw po niyang i-certify as urgent iyong franchise bill para mapabilis daw po iyong hearing. What say you there, sir?
SEC. PANELO: Bakit naman kailangan magbigay ng urgency ng pag-ano, eh di ibig sabihin nagdi-discriminate siya sa isang organisasyon lamang. Hindi pupuwede kay Presidente, kailangan lahat ay equal ang tratamiyento ng bawat sangay ng gobyerno!
ATTY. RIVERA: Sir, question: Of course, sir, hindi ba tayo nagtataka that as early as … even before President came to power, iyong bill ng extension ng franchise ng ABS-CBN ay naka-file na? Eh hindi naman naaksiyunan noong time na iyon. Ano pong say ninyo doon, bakit hindi naaksiyunan noong time na iyon tapos ngayon parang it becomes something of an urgent thing?
SEC. PANELO: Exactly, kaya nga sinasabi ko, they are barking at the wrong tree kung si Presidente ang tinutukoy nila. Ang Kongreso ang kulitin nila, hindi si Presidente.
ATTY. FALCIS: And then, Secretary, of course, sabi ni Congressman Lito Atienza, si Speaker Alan daw po at saka iyong leadership ng House parang inuupuan o hindi inaaksyunan iyong bill intentionally dahil nga daw may pressure from other resources, implying, mula sa taas. What say you there, sir?
SEC. PANELO: Sila ang mga nasa Kongreso, kayo-kayo ang nandiyan, anong pressure? Wala iyang pressure-pressure, hindi nangpi-pressure si Presidente. Ibig sabihin, hindi ninyo kilala si Presidente.
ATTY. RIVERA: Bini-veto nga niya iyong sarili niyang bill na ano eh … sarili niyang ano na certified urgent tapos bini-veto ni President kapag hindi niya gusto ang—
ATTY. FALCIS: Eh iyong specifically, sir, sa gag order. Ano po ang tingin ninyo dito sa gag order na pinayl ni SolGen Calida against ABS?
SEC. PANELO: Alam mo, ang Korte Suprema at ang mga hukuman ang may kapangyarihan, may tungkulin na magdesisyon sa anumang bagay na inihain sa kanila. Hayaan na natin ang Korte Suprema.
ATTY. RIVERA: Parang if SolGen Calida has that option, even if may point siya o wala, he will do it kasi abogado siya.
ATTY. FALCIS: But you agree, sir, may violation ng sub judice rule daw?
SEC. PANELO: Hayaan mo na ang korte ang magdesisyon diyan. Ang patakaran ng Palasyo palagi diyan, ang palaging sinasabi ni President, “Let the law takes its course.” Kung ano ang batas, sundin na lang natin.
ATTY. FALCIS: Dura lex, sed lex.
ATTY. RIVERA: Sir, salamat po.
ATTY. FALCIS: Sir, salamat sa inyong oras, Secretary Panelo.
ATTY. RIVERA: Secretary Panelo, salamat po.
SEC. PANELO: Salamat din.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)