Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Willie Delgado and Jorge Bandola (DZXL – Straight to the Point)


Event Media Interview

Q: Sec. Harry, papaano po iyon, may apela po ang Cebu, mari-reconsider ba ng Pangulo ang desisyon niya?

SEC. ROQUE: Tapos na po kasi iyong period para mag-apela. Bago naman po iyan nirekumenda ng IATF sa Pangulo ay pinagbigay-alam po sa lahat ng mga apektadong LGUs ‘no at binigyan sila ng panahon para umapela. So parang sa korte po, tapos na po iyong period to appeal ‘no. So ang tutukan na lang po natin sa susunod na dalawang linggo ay subukan natin talagang i-implement ang ECQ dahil hindi naman po gagawin iyan kung walang dahilan.

Napakataas po talaga ng kaso niya, 6.6 ang doubling rate ng Cebu City tapos 100% na iyong capacity niya as to ICU beds at 93% po ang capacity niya as to iyong isolation facilities. So parehong batayan po na tinitingnan natin ay talagang nasa danger zone. At alam naman natin na kinakailangang buhayin ang ekonomiya kaya nga po ang hiningi naman ay kooperasyon po para makausad naman po iyong siyudad at maibaba natin ang klasipikasyon at pupuwede nating gawing isolated na lang po ang mga lockdown.

Q: So, kung pilay na pilay na ang ekonomiya especially ng Cebu, papaano aalalayan ito ng gobyerno, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, unang-una, wala pong debate iyan – kapag mayroong banta po sa kalusugan at pupuwedeng ikamatay ng mga taumbayan, malinaw po ang Presidente, pinipili po niya ang buhay. Lalung-lalo na taga-Cebu po ang ating Presidente ‘no, hindi sa Cebu City, sa Danao. Pero maski na po ‘no, taga-diyan po talaga ang mga Duterte.

At pangalawa po ay makakahabol naman po ang ekonomiya. Huwag po tayong mag-alala dahil ang buong Cebu naman po ay hindi naka-ECQ so tuloy pa rin ang negosyo sa mga karatig lugar ng Cebu at ng Talisay, dahil ang Talisay din po ay nasa MECQ.

Q: May nagri-react din po sa mga netizens, Sec., na bakit on a daily basis, NCR po ang may pinakamaraming kaso palagi pero bakit daw Cebu ang nabalik sa ECQ?

SEC. ROQUE: Kasi po ang Metro Manila, napakadaming siyudad at mayroong isang munisipyo ‘no – Pateros. Pero ang Cebu City po ay nag-iisa lang siya ‘no. Bagama’t ang buong probinsiya ng Cebu ay hindi naman po ganoon ang lumalabas na datos, na-contain lang po sa Cebu at saka sa Talisay City.

So, ang sinasabi ko nga, Metro Manila continues to be the epicenter pero ang Cebu City ngayon ay number one na sa pinakamadaming COVID cases sa buong Pilipinas; naunahan na po niya ang Quezon City.

Q: Hindi naman nangangahulugan siguro ito, Secretary, na mas madaling i-handle ang NCR kumpara sa Cebu City ‘di ba?

SEC. ROQUE: Hindi po. Pero kasi iyan din ang sentro ng mga ospital sa buong Kabisayaan ‘no, at hindi lang Cebu itself kung hindi Cebu City mismo. Pero iyon nga po, maski napakadami ng mga ospital sa Cebu City, ubos na po ang kanilang ICU beds; one hundred percent na po ang kanilang utilization ng ICU beds; magkukulang na po ang kanilang mga ventilators. Kaya nga po kahapon lamang ay nagparating na po ng 50 ventilators para sumaklolo, umalalay diyan sa Cebu City po.

Q: Doon po sa mga kaso diyan sa Cebu City, Sec., marami ang severe cases, ibig sabihin? Kasi may mga ventilators na.

SEC. ROQUE: Opo. Naubos po kasi ang kanilang ICU beds, naubos ang kanilang isolation facilities at naubos din ang kanilang mga ventilators ‘no so kinailangan po na padalhan po sila ng singkuwentang mga ventilators.

Q: Isa pa po, Sec., balik tayo dito sa NCR. Marami po ang nakakapansin, katulad din po ng mga pag-aaral ng mga UP expert na kapag niluwagan na nga raw po dito sa Metro Manila ay darami ang kaso which is nangyari nga, June 1, may kaso tayo every day na 300. Mayroon pa ngang one thousand eh, umabot ng one thousand. Hindi ho kaya maisisisi ito doon sa pagpapaluwag ng quarantine protocols?

SEC. ROQUE: Hindi naman po, kasi unang-una, iyong mga numero na napakalaki, iyong mga umabot ng one thousand, ini-explain na po iyan ng DOH – hindi naman po iyan mga fresh cases kung hindi marami rin pong mga late reported cases iyan ‘no. At kung titingnan ninyo, hindi naman po umabot ever na one thousand ang mga fresh cases natin. Bagama’t sumisipa ng 200, iyan po ay hindi pa rin mabuti.

Ang sabi ko nga po, ang Metro Manila po ay pasang-awa kasi para ECQ dapat seven, pero ang Metro Manila ay 6.9. So makikita ninyo talaga na pasang-awa ‘no. Pero ganoon pa man, ang naging desisyon, i-GCQ natin tapos i-localize lockdown natin ‘no. So hinihimok po namin ang mga alkalde, kung ayaw ninyo pong bumalik sa ECQ na naging kapalaran po ng Cebu City, maging aktibo po tayo ngayon – i-implement natin ang total lockdown sa ilang mga lugar kung saan malaki po ang mga kaso. Ito naman po ay pupuwedeng gawin kada barangay, cluster ng mga barangay o mga zona, buildings, subdivision, kalye, kung anuman po iyan. Kinakailangan lang talaga nating manatiling bukas hangga’t maaari pero at the same time, bantayan po iyong pagkalat ng sakit.

Q: Tama. Nai-improve ba iyong pagtugon ng gobyerno dito sa COVID-19, Secretary?

SEC. ROQUE: Ang mga datos naman po ay nagpapakita, unang-una, iyong mga namamatay, halos under ten na po iyan daily. So, bagama’t marami na rin tayong namatay, mahigit isanlibo na, iyong pace po ay bumagal. At saka, sabi ko nga po, iyong doubling rate, 6.9 ‘no so katanggap-tanggap na rin po iyan bagama’t nais nating mapataas pa iyong numero na iyan. Dahil habang mataas ang numero ng doubling, mas matagal iyong pagkalat.

Q: Ano po ang transmission rate ngayon, Sec?

SEC. ROQUE: One point six po ‘no pero ang average po nationally is 1.57 po yata.

Q: So mabagal na, mabagal na talaga.

SEC. ROQUE: Oo, medyo mabagal po talaga – nationally. Kaya nga po ang dami nang lugar nan aka-MGCQ ‘no. Halos lahat po ng lugar, majority na talaga ay MGCQ. Pero sa Metro Manila, ang saving grace din po natin, mataas iyon ating critical care capacity. Ang ating mga ospital po ay mga nasa 30% utilization lamang, malaki pa iyong available ‘no. Ganoon din po iyong ating mga ventilators at saka iyong mga isolation facilities.

Ang ating mga We Heal as One centers po sa Metro Manila, 50% na puno pa lang po ‘no. Pero hindi naman po ibig sabihin niyan na, ‘Go ahead, magkasakit kayo.’ Siyempre kinakailangang iwasan pa rin po natin iyan dahil ang iniiwasan nga natin ay baka mapuno at hindi na natin mabigyan ng karapat-dapat na medical attention iyong ating mga kababayan.

Q: Everyday may datos tayo nakukuha mula sa DOH. Ano ba ang dapat nating gawing barometro tungkol dito sa COVID-19? Iyon bang number ng kaso o iyong number ng mga nakaka-recover?

SEC. ROQUE: Well, mas importante po sa akin tingnan iyong doubling rate. Kasi habang walang bakuna, habang walang gamot, talagang dadami po iyan. Although nakakalungkot na may mga lugar talaga na-aabot nila na zero transmission na, tayo ay hindi pa ‘no.

Pero kung titingnan mo naman iyong mga zero transmission, New Zealand, ay pagkalaki-laki ng lupa nila; (unclear) ang population, siyempre puwede ang social distancing doon ‘no. Mas marami sigurong mga sheep at cattle doon kaysa tao ‘no. So ang dapat na ikumpara natin siguro sa China, pero sa China rin ay naging successful sila na magkaroon ng zero transmission ‘no.

So, I think, ang ideal is matigil natin iyong pagkalat pero—well, sa ngayon po hindi natin nagagawa iyan. So tingnan na lang natin iyong doubling rate at saka iyong tinatawag na positivity rate. Iyong mga total na sina-subject to testing, ilan ang nagkakaroon ng sakit – at bumababa naman po iyan parang mga six … bumaba na po iyan.

Q: Kaya pa bang tugunan, Sec., kasi may mga kumakalat na balita na medyo namumuroblema na sa budget ang Pangulo despite na ‘di ba, bilyun-bilyon na ang mga utang natin sa ADB, World Bank, sa AIIB? Kaya pa ba?

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po, hindi pa natin ginagastos iyong mga nautang natin.

Q: Ayun. So may available tayong pera talaga.

SEC. ROQUE: Oo. Inutang po natin iyan habang napakaganda po ng credit rating natin. At sa Japan nga po, naging AAA- na tayo from BBB+; na Standard & Poor’s, BBB+ naman tayo ‘no. So habang mura ang pangungutang natin, kinuha natin nang kinuha pero hindi pa po natin nada-download. Pero iyan po ay ating reserba just in case para hindi naman tayo talagang tuluyang mawala at pagpiyestahan na ang mga ari-arian ng estado gaya nang sinabi ng ating Presidente.

Q: So wala pa tayong nagagamit mula doon sa mga utang na iyon?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po ay napirmahan pa lang ‘no. Pero idu-double check ko po iyan kung mayroon na tayong actual na tinurn over sa Treasury ‘no.

Pero ang aking karanasan po bilang isang abogado rin, medyo may katagalan po iyan bago ma-download ang mga pondo na tinatawag.

Q: Kasi madalas nating marinig sa Pangulo kasi, Secretary, gawan natin ng paraan, hanapan natin ng budget. Kapag ganoon kasi ang naririnig parang …baka wala na tayong pera. Mayroon pa ba?

SEC. ROQUE: Hindi, tingin ko ano lang iyan, iyan ay nagpapahatig ng determinasyon ni Presidente na aalagaan niya ang kaniyang mga constituents. Kung kinakailangang magbenta, hindi siya mag-aatubili. At kung minsan nga pinatanong na niya, “Magkano ba iyan kung ibebenta ko iyan?” [Laughs] So tumawag naman ako, sabi ko, “Presidente, binabarat tayo,” “Ay naku, sige, sige huwag muna. Patataasin muna ang presyo.” [Laughs]

Pero totoo po iyan ha. May isang ari-arian ang gobyerno na pinatanong niya kung magkano at kung bibilhin, magkano. Ay binabarat, huwag muna, huwag muna.

Q:  Tatanungin sana namin anong property iyan eh. Iyan ba iyong Coconut Palace? [Laughter]

Q: O kaya kapag dumating sa punto talagang wala na tayong pera, puwede bang isanla iyong mga Cabinet secretaries ko diyan muna? [Laughter]

SEC. ROQUE: Naku, [unclear] ni Presidente. Marami po siyang makukuha kapag pinorkilo ako [unclear].

Q: Pero sanla lang ha, puwede ka pang bawiin.

SEC. ROQUE: Naku, baka hindi kami pauwiin; baka hindi kami tubusin maipo-porkilo kami. Pasasayawin kaming tatlo, iyong mga malulusog.

Q: Teka, teka, Sec.  Marami ang nag-aabang: Pipirmahan daw o hindi ng Pangulo ang Anti-Terror Bill?

SEC. ROQUE: Pinag-aaralan po iyan. Ang sabi niya noong siya ay nagtalumpati, hindi pa niya nakikita sa kaniyang desk bagama’t tanggap na po iyan ng Malacañang. Ibig sabihin, pinag-aaralan pa po ng Office of the Executive Secretary at ng PMS bago ibigay sa kaniyang desk. Kasi ganoon po iyong proseso ‘no, bago makarating sa desk niya, mayroon ng memo kung ano ang suggested course of action. Pero ang Presidente po, mabuti na lang abogado rin, siya mismo ay susuriin din niya ang panukalang batas na iyan.

Q: May mga posible kaya siyang i-veto na mga provisions?

SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po ay hindi pupuwede ang line item dito kapag [garbled] either—

Q: Dapat as a whole?

SEC. ROQUE: Oo, as a whole. So abangan na lang po natin, mayroon pang 30 days ang Presidente at wala pa naman pong isang linggo [garbled]

Q: Okay, okay.

Q: Kanina sabi ni Secretary, tapos na iyong panahon ng pag-apela, iyong inaapela ng Cebu City. Isa na lang ang puwedeng umapela eh, si Maria Ressa. [Laughter]

SEC. ROQUE: Ay, kapag umapela po siya at natalo siya, ikukulong siya. Pero ngayon po, kapag tinanggap na niya iyong hatol at—hindi naman siya nagprisenta ng ebidensiya na wala siyang malice. Alam mo, kapag ang pribado pong indibidwal ay nagdemanda, mayroon tayong tinatawag na malice in law na presumed malicious iyong mga invitation. Ito, lalung-lalo na ito ‘no, kriminal daw itong taong ito. Ano ba naman iyong kunin mo iyong court decision tapos [garbled]

Q: Human traffickers, smuggler, murderer.

SEC. ROQUE: Napaka-basic naman po iyan. Pero it was a case of bad journalism and bad legal defense kasi walang kahit anong depensang nilabas sa hukuman, natural maku convict at maski siya ay mag-apela, ano ang iaapela niya eh wala naman siyang in-argue na depensa sa baba. Hindi naman niya pupuwedeng gumamit ng depensa sa kauna-unahang beses sa appeal.

Ang tingin ko, tinaya niya ang lahat dito sa prescriptive period kung one year or 12 years, at kung pupuwede na ang reckoning ay iyong time na naamenda iyong artikulo. Dahil sa tingin ko naman, dahil sa anyo ng internet, maiintindihan mo naman habang nandiyan iyan at—

Q: Habang hindi tini-take down.

SEC. ROQUE: Hanggang hindi tini-take down. At saka may ebidensiya kasi na may isang abogado pa na nakipag-negotiate, either take it down or baguhin ninyo kasi talagang walang criminal record—

Q: Ang Philippine Star tinake down eh.

SEC. ROQUE: Opo, opo.

Q: Kanina, Secretary, may binabasa kami doon sa news item, iyong sa (unclear). May pinapalabas siyang bagong anggulo, wala daw kinalaman si Ressa sa kung anuman iyong sinulat nila ano—

Q: Pero hindi kaya too late na iyong mga ganoong pahayag?

SEC. ROQUE: At saka too late po iyan kasi alam naman natin—ako po, sa daming libel cases si Niñes Olivares, na lahat naman ay naabsuwelto ko siya ‘no. So medyo talagang may responsibilidad pa rin ang editor dahil ikaw talaga iyong tumitingin ng mga artikulo. Bakit po ipa-publish ang isang article sa ngalan ng [garbled] na hindi mo pina-fact check.

Pero ang nangyari po kay Ressa talaga, although nagpapaka-martyr siya ngayon, it’s a case of bad journalism – ni hindi man lang finact check iyong sinasabi ng reporter; and it’s also a case of bad legal defense.

Q: May pakialam po ba ang Pangulo dito? I mean, ibig sabihin, iyong pagtingin ng ibang mga bansa. Kasi even Hillary Clinton, nagsasabi siya na parang mali daw yata ang pagku-convict ng isang journalist dito sa atin. Iyong tingin ng ibang mga bansa, may pakialam pa ba dito ang Pangulo?

SEC. ROQUE: Wala pong pakialam ang Pangulo diyan. Hindi niya kilala kung sino iyong huwes na iyan ‘no. Alam mo kung titingnan ninyo po iyong desisyon, walang ebidensiya, walang depensa – anong gagawin ng hukuman? Siyempre iku-convict dahil mayroon ngang legal presumption of malice dahil pribado iyong nagdedemanda.

Q: Pero bakit dalawa lang iyong ano, iyong—

Q: Si Rey, Rey Santos.

Q: Si Rey Santos at saka si Maria Ressa. Hindi ba, ang—

SEC. ROQUE: Siguro iyon lang ang dinemanda ng … iyon lang ang dinemanda eh. Nasa option naman ng private complainant iyon eh. Siguro, inisip din ng complainant, kawawa naman iyong iba na talagang walang kinalaman. Pero and editor-in-chief, talagang the buck stops with her.

Sa dami po talaga ng kaso ni Niñez Olivarez, hindi po namin ever ginamit ang depensa na wala akong kinalaman diyan. Ikaw ang hepe, lahat ng lumalabas sa iyong pahayagan is your responsibility.

Q: Tama.

SEC. ROQUE: Sigurado kayong dalawa magagaya kay Ressa dahil alam ko bago kayo magsalita, tsini-check ninyo muna.

Q: Iyan po ang tungkulin natin eh.

SEC. ROQUE: DZXL pa ‘no. Pakituruan lang po iyong ibang mga kasama ninyo kung paano. [Laughter]

Q: Ayan, Secretary Harry ha, alam ninyo na.

SEC. ROQUE: Pakituruan lang po ang… [inaudible].

Q: Basta tatandaan mo lang, Secretary, bata mo kami. [Laughter]

SEC. ROQUE: Kapwa guwapo eh. [Laughter]

Q: Secretary, maraming salamat ha.

SEC. ROQUE: Thank you po.

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)