News Release

House members, staff at empleyado ng Kamara na dadalo sa SONA, isinailalim na sa RT-PCR testing



Sinimulan na ng Kamara ang pagsasailalim sa RT-PCR test ng mga House members, staff at mga empleyado na papasok sa Batasang Pambansa para sa State of the Nation Address sa Lunes.

Ang dalawang araw na testing ay nag-umpisa kahapon, July 23. Inaasahan na ang mga sumalang sa RT-PCR test kahapon ay makukuha ang resulta ngayong araw ng hindi lalagpas sa 5pm.

May second round din ng testing ngayong araw mula 7am hanggang mamayang tanghali. Ang resulta naman nito ay makukuha bukas.

Ang RT-PCR test ay bahagi ng health safety protocol na ipinatutupad ng Presidential Security Group.

Sa araw ng SONA sa Lunes, lahat ng papasok sa plenaryo at main building ay kailangang mag-presinta ng printed copy ng negative RT-PCR test, kopya ng vaccination card at health declaration form.