Maraming salamat sa ating Agrarian Reform Secretary [unclear]. [laughter]
Hindi ka nagpractice ‘yung asawa ko taga Bago Sitio. Dapat nagpractice ka— si First Lady para maging— parang Ilocano ‘yung naririnig ko, kaya sabi ko kaya ko naiintindihan parang mukhang Ilocano na yata ang sinasalita. [Please sit down]
Ang ating Agrarian Reform at ang ating kaibigan na kasama nga natin at nabanggit niya— naalala niya— hindi ko na naalala hanggat sinabi niya sa akin, pagbaba ko na exactly 2 years ago, December 11 din pala talaga ‘yung aming naging caravan tapos nagkarally tayo ng kalakilaki. At dahil doon ay naging matagumpay ang kampanya natin bilang Pangulo kaya’t unang-una nagpapasalamat ako sa kanya at magpapasalamat ako sa inyong lahat na tumulong sa ating— nagbigay ng suporta sa ating kandidatura at ito naman ang— sana naman maibabawi, maisusukli namin ang aming tulong, ang aming trabaho para pagandahin ang buhay ng ating mga kababayan.
Ang ating City Mayor, City Mayor ng Passi, Mayor Stephen Palmares [applause]; beneficiaries of the land titles and farm machinery equipment, ayan lahat nung ating mga agrarian reform beneficiaries [applause]; fellow workers in government; other distinguished guests; ladies and gentlemen, maayong hapon sa inyong tanan. [applause]
‘Yun ang Ilonggo. [laughter]
Kami ni Secretary Conrad ay talagang tuwang-tuwa kami na magawa naming ito. Dahil hindi ninyo naitatanong, baka maalala ninyo na ang land reform program ay sinimulan ng aming mga ninuno, ang aking ama at ang kanyang lolo, na siya ring naging Secretary for Agrarian Reform at ‘yun at that time, ‘yun ay bagong departamento— wala namang agrarian reform department bago ng panahon ng aking ama.
Ang unang-unang batas na ginawa ng aking ama ay ang agrarian reform. Dahil sa buong buhay niya ‘yun ang lagi niyang sinasabi, na hindi tama na ang ating mga magsasaka na pinaghihirapan at nagtatrabaho ng taon-taon na wala naman silang lupa, kaya’t ang agrarian reform ay naging priority ng administrasyon ng Marcos at ngayon na may administrasyong Marcos ulit, naging priority ulit ang agrarian reform beneficiaries at ang pagbigay ng mga titulo, at ng tulong, at ng suporta.
Alam niyo po ang agrarian reform hindi lamang po ‘yan— dahil hindi lamang pagbibigay ng titulo, meron din kasama diyaan sa agrarian reform program ‘yung tinatawag na support. So, hindi lamang ‘yung pagbigay ng titulo, hindi lamang pagbigay nung CLOA , kung hindi ang pagbigay ng— kagaya ng nakikita natin sa labas, ‘yung mga farm machineries, ‘yung mga iba’t ibang gamit upang pagandahin ang ani ng ating mga magsasaka.
Kaya naman po hindi siguro naming akalain na aabutin ng ganito katagal, ngunit umabot na nga ng ganitong katagal kaya naman kami ay— minamadali naming, ginagagawa namin ang lahat upang ang land reform program ay matapos sa administrasyon ko, at lahat ng may hawak ng CLOA, lahat ng may hawak na dapat beneficiary na dapat nakalista as beneficiary ay mabigyan ng titulo at mabigyan ng suporta ng ating Agrarian Reform Department at saka ang Department of Agriculture, lahat na po ng iba’t ibang departamento ay pinagsama-sama natin para tulungan ang ating agrarian reform beneficiaries.
Kaya’t tuwang-tuwa kami pagpunta namin dito na marami na kaming nagawa, marami na kaming nabigyan ng titulo, at patuloy ang proseso sa pagbigay na para sa ating mga farmer, para pagbigay ng suporta sa ating mga farmer. Hindi lamang dito sa Region 6 kung— sa buong Pilipinas dahil nga naman, kailangan nating kilalanin na— kailangan natin ay hindi natin makakalimutan na lahat naman kayo ay pinaghihirapan talaga ninyo ang pagsasaka, pagaalaga sa inyong mga lupa, para sa pagpakain ng buong Pilipinas.
The distribution of more than 2,900 hectares of land to more than 2,000 beneficiaries here in Western Visayas today is in the pursuit of agrarian reform in our country.
In the same manner, ito nga ‘yung aking sinasabi ang pag-deliver nga mga fertilizer, ng mga makinarya, mga facilities ay makakatulong upang makamtan natin ang ating hinahanap at ating pinapangarap na magandang kinabukasan para sa ating mga magsasaka, para sa ating mga sinasaka, at para sa mga susunod na henerasyon.
With the distribution of these titles in Western Visayas, in other areas, we are set to exceed our nationwide target for land distribution for the year 2023.
So, para sa akin, ito na ang pinaka magandang Christmas gift para sa ating lahat. [applause]
Para ituloy ang ating mga nagawa na dito sa agrarian reform, I ask the DAR to complete the distribution of lands to their deserving owners while collaborating with all the agencies of government to support our beneficiaries in anything that they might need.
So, to those who will be receiving their titles today— who have received their titles today, I urge you na pagbutihan ninyo at pagsamantalahan ninyo ng mabuti itong magandang pagkakataon na naibigay namin sa inyo dahil nga sa pagbigay ng titulo.
Habang kayo ay patuloy na nagsisikap, hindi rin kami titigil sa gobyerno na gagawa ng mga hakbang upang sa ika-uunlad ninyo—mga hakbang upang palakasin, pagyamanin, at pagtibayin ang inyong kabuhayan, nang makayanan nating makatulong sa iba pang mga Pilipino at makipagsabayan sa ekonomiya ng ibang mga bansa.
Sama-sama tayong kikilos para sa mas maginhawang bukas at mas matatag na Bagong Pilipinas.
Ladies and gentlemen, let us all come together to empower our farmers, bring equity to our people, raise the productivity of our lands.
We will continue to pursue food security, economic prosperity for the present and succeeding generations.
With all of us united in this goal, basta’t tayo’t nagkaisa, ito ‘yung ating sinisigaw sa kampanya, hindi lang po ‘yan ‘yung pagkakaisa na ating isinigaw sa kampanya ay hindi lamang ‘yan campaign slogan, ‘yan po ay tapat na aming paniniwala upang maging maganda ang patakbo ng Pilipinas kailangan sabay sabay tayong mga Pilipino nagtutulungan upang maramdaman naman ng— kahit na lahat ng Pilipino kahit saan man sila, pati ‘yung nasa abroad— maramdaman nila ang pagpaganda ng ating kabuhayan.
So, let us continue to work, let us continue to support our farmers. The farmers have done their part, it is now up to us in the government to do our part. Ginawa na nila, sila ay nagsisikap. Ilang taon na, ilang dekada na ‘yung iba at wala na kaming— sa aming palagay ay walang pagkukulang ang inyong trabaho, ang inyong sipag, at inyong dedikasyon para sa pagsasaka.
Kaya’t ngayon, kami naman sa pamahalaan ay gagawin ang lahat upang pagandahin ang inyong hanapbuhay, upang pagandahin ang sitwasyon ng ating mga magsasaka para mabigyan naman tayo— dahil po tayo’y humaharap ngayon sa problema na tinatawag na food supply, ang pagpakain ng ating mga kababayan.
Napakahalaga ng bahagi ng nating mga magsasaka upang makamtan natin ang masasabi nating sufficient food supply sa presyo na kayang bilhin ng ating mga consumer, lahat ng ating mga kababayan. Ngunit, hindi naming makakalimutan na kailangan din na maganda ang hanapbuhay ng ating mga magsasaka.
Kung tayo’y magkaisa at patuloy natin na isulong ang programa ng agrarian reform then we can say that every Filipino will begin to live a meaningful and dignified life.
Mabuhay tayong lahat, mabuhay ang mga agrarian reform beneficiaries, mabuhay ang Region 6. [applause]
Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Magandang hapon po. [applause]
—END—