PCO ASEC. VILLARAMA: Current developments, presidential directives, accurate and reliable updates straight from the Palace. Sitting-in for Daphne Oseña-Paez, I’m Assistant Secretary Villarama for Malacañang Insider.
Creating jobs, upholding worker’s rights and promoting industrial peace, President Ferdinand R. Marcos Jr. remains committed to these responsibilities by developing programs that align industry demands with the skilled and future-ready workforce. To discuss the administration’s labor agenda, ongoing initiatives and the future of the labor sector, we have with us today Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido ‘Benny’ Laguesma. Magandang umaga, Sec., and welcome po sa ating programa.
DOLE SEC. LAGUESMA: Magandang umaga, Asec. Joey at magandang umaga rin sa lahat ng mga tagatangkilik at tagasubaybay ng programang ito, Insider.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sec., sa ilalim po ng Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Maayos at Matapat, so paano po isinasakatuparan ito at ano po iyong mga direktiba ng ating Pangulo sa DOLE?
DOLE SEC. LAGUESMA: Asec. Joey, para maisakatuparan itong ‘ika nga ay layunin, mithiin na ito, mahalaga ang konsultasyon at ugnayan sa mga constituencies ng Department of Labor and Employment, ang atin pong labor sector at employer sector. Mahalaga iyong social dialogue consultation para mapakinggan natin ang kanilang mga karaingan, mga suggestions at iyong kanilang mga nakikita na dapat isaayos para maging mabilis, matapat at maayos ang serbisyo ng DOLE.
So, out of that consultation and discussion na ginawa natin noong tayo ay magsimula, kabahagi ng administrasyon ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay nakita natin na ang pangangailangan na magkaroon ng streamlining ng mga proseso, simplifications ng mga steps na ginagawa ng Department of Labor and Employment at decentralization ng ilang mga gawain na dapat ay nandudoon na kaagad sa regional offices para maging mabilis ang daloy ng serbisyo.
At mahalaga ito dahil ang direktiba ng Pangulo ay digitalization, so dapat maisagawa natin iyon, at kaugnay niyan ay dapat ding magkaroon ng capacity building ang mga personnel ng DOLE para iyong mga pinag-uusapan at ang mga direktiba na ibinababa natin sa pamamagitan po ng mga department orders, advisories ng DOLE ay magkaroon talaga ng tamang implementasyon at mabilis. Matatandaan natin, ang ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mahalagang sinasabi niya lagi, dapat ang DOLE maging instrumento ng katuparan nang mga nakapaloob sa Philippine Development Plan at saka iyong nasa Labor and Employment plan din. At iyong mga ginagawa dapat ng DOLE, magko-contribute doon sa pagkakalikha ng isang Bagong Pilipinas na kung saan ang mga manggagawa, lalo na iyong nasa ‘ika nga, mga underserved, dapat maabot ng ating serbisyo.
Ang Pangulong Bongbong Marcos nga mismo ang ‘ika nga ay nagpapakita ng halimbawa, leadership by example – bumababa siya mismo at pinapakita niya, pinakikinggan niya ang mga suggestion, posisyon ng ating mga kababayan nang sa ganoon, iyong mga programang iniimplementa ay makatutulong talaga sa kanila at akma sa kanilang pangangailangan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Maganda po iyong nabanggit ninyo, Sec. Benny, na bumababa talaga sa grassroots level ang Pangulo para marinig ang daing ng mga manggagawa. Pero kadalasan po, kapag sinasabing daing, ang ibig sabihin niyan ay nagta-translate po sa sahod. So, very recently, sa NCR po nagkaroon ng wage hike. Mayroon po bang plano na sumunod ang iba pang mga probinsiya?
DOLE SEC. LAGUESMA: Asec. Joey, matatandaan mo, noong nakaraang Labor Day, may direktiba ang ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang kaniyang sinabi, to be precise ay “Kailangan ang lahat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ay magsagawa ng timely review 60 days prior to the anniversary date ng mga nakalipas o nakaraang wage order nila”. At bukod sa National Capital Region, na ang kanilang wage order ay naging epektibo noong nakaraang July 17, susunod na po diyan ang Region IV-A o CALABARZON at kung hindi ako magkakamali, itong buwan na ito ay mayroon nang lalabas na wage order ang nasabing Regional Tripartite Wages and Productivity Boards. At iyong iba, batay din sa direktiba ng ating Pangulo, nagsasagawa na rin ng proseso. Eh iyong nakaraang buwan, Agosto, ang Regions II, III, VII and XII ay nagsimula na ang proseso. At itong buwan na ito sa pangkasalukuyan, gagawa na rin po ng kanilang pagrirepaso at konsultasyon ang Regions I, Region VI and IX. At sa darating na Oktubre ang magsasagawa naman po ng konsultasyon at pagtalima sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay ang region sa CAR (Cordillera Administrative Region), ang Region IV-B (MIMAROPA) at Regions V and VIII.
At ang pinakahuli diyan, sa Nobyembre, ay iyong Regions X and XIII. So, sa madaling salita, lahat ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards, sa loob ng taon na ito ay magkakaroon na ng karampatang aksiyon doon sa adjustment ng umiiral na minimum wage level sa kani-kanilang rehiyon.
PCO ASEC. VILLARAMA: Naku, Sec., so aasahan pala talaga ng mga manggagawa sa buong Pilipinas itong wage hike. So bago magtapos ang taon, hopefully lahat ng regional wage boards ay mayroon ng resulta ang kanilang konsultasyon. Isa pa pong isyu na palaging ipinupukpok ng labor groups, hindi lang naman po sa gobyernong ito, kung hindi sa nakaraang administrasyon is iyong contractualization. So, ano po ba iyong mga hakbang na ginagawa ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para masolusyunan ito?
DOLE SEC. LAGUESMA: Una, siguro dapat liwanagin na hindi naman lahat ng contractual form of arrangements ay ipinagbabawal o masama. Mayroon din kasi sa ating Batas Paggawa o Labor Code ay kinikilala rin iyong legitimate job contracting. Ang medyo talagang pinagtutuunan ng pagtutol o pagtuligsa ng labor sector ay iyong temporary na trabaho at kung malapit ka nang makatapos at puwede ka nang maging regular ay humihinto ang trabaho mo.
So, bahagi ng ginagawa ng DOLE, at ito ay sa tagubilin din ng ating Pangulo, una, makatulong sa paglikha ng mga tinatawag natin na quality jobs. Ikalawa, sa pamamagitan ng inspection power ng DOLE ay matingnan iyong mga kumpanya na dapat sumunod kung dapat nang maging regular o permanente ang mga manggagawa, dapat ay tuluy-tuloy ang kanilang trabaho at hindi sila madi-dislocate. At pangatlo, siyempre iyong mga naka-pending na mga hakbangin, pagrirepaso ng mga umiiral na department orders ay tuluy-tuloy upang matiyak na mapapangalagaan natin ang mga manggagawa at ang kanilang estado sa paghahanapbuhay at hindi naman lagi na contractual arrangement lamang.
So, maraming mga dapat na gawin subalit alam natin globalized na kasi ang ating ekonomiya. Ang globalization ay naririto, kaya mayroon talagang mga klase ng trabaho na ang arrangement ay contractual at mayroon din naman mga trabaho na dapat talaga ay regular. So, ito ay pagbabalanse upang nang sa ganoon ay tuluy-tuloy na makapag-contribute sa paglikha ng mas marami pang trabaho nang sa ganoon ay magkaroon ng pagkakataon ang ating mga manggagawa na makahanap ng mas mataas na lebel na hanapbuhay.
PCO ASEC. VILLARAMA: Nabanggit ninyo, Sec., iyong quality jobs. So, kung mayroon mang available na quality jobs sa market, ang nagiging problema naman is parang hindi akma iyong skills ng mga manggagawa at this time. So, ano po ang ginagawa ng gobyerno para mas mapayabong iyong skills at maging labor market equipped or ready ang ating mga manggagawa para ma-prevent din iyong job mismatch?
DOLE SEC. LAGUESMA: Doon mismo sa kagawaran, sa Department of Labor and Employment, bahagi ng aming mga ginagawa ay may kinalaman doon sa youth employability. May mga programa ang DOLE, kagaya ng Special Program for the Employment of Students (SPES), mayroon ding Government Internship Program, mayroong JobStart na kung saan ay tinitingnan kung paano mabibigyan ng akmang kasanayan ang ating mga mag-aaral para maihanda sila sa future work nila.
Bukod diyan, ito rin ay nakasaad din naman sa direktiba ng ating Pangulo, iyong binigyan ng direktiba hindi lamang ang DOLE – DepEd, CHED at saka TESDA na maupo at magsama-sama, tingnan kung paano palalakasin ang Senior High School Curricula na kung saan ay puwedeng ipaloob iyong tinatawag natin na technical vocational education training. So, mayroon nang joint memorandum circular na naiprisinta sa ating Pangulo alinsunod sa kaniyang direktiba.
At ang pinakahuli, iyong nagkaroon ng sectoral meeting na kung saan na iyong proposal ay magkaroon ng Cabinet cluster on education, para pagsama-samahin iyong mga naging karanasan, mga puwedeng maiambag ng mga nabanggit ko na, na ahensiya – DepEd, CHED, Department of Labor and Employment and TESDA, kasama na rin pati ang PRC para talagang makita natin iyong mga magiging kurso o matatapos na kurso, iyong mga training na isasagawa ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga available na trabaho. Ibig sabihin, dapat ma-address natin nang maayos iyong tinatawag natin na supply side para sa demand side, at ang mahalaga dito talaga ay iyong involvement at partisipasyon ng iba’t ibang mga business organization.
So, kasama iyan para maging labor-ready sila at kasama din iyong pagbibigay sa kanila ng tamang impormasyon sa pamamagitan ng aming labor market information system at mayroon ding online portal ang Department of Labor and Employment, iyong PhilJobNet, para nang sa ganoon, mahalaga ang tamang impormasyon sa ating mga mag-aaral, sa mga manggagawa. At para sa manggagawa, iyon nga ang ating mga mekanismo na ginagawa. Sa mga mag-aaral naman ay iyong pagpapalakas ng aming career support development program para mabigyan sila ng paggabay, anong klase ng kurso, anong klase ng training ang dapat nilang palooban na tutugma doon sa mga available na job vacancies.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sec., marami pong manggagawa o may mga manggagawang mawawalan po ng trabaho sa pagsasara ng mga internet gaming licensee sa bansa, so magsasagawa po ba ang Department of Labor and Employment ng mga job fairs o mayroon po bang job opportunities para sa kanila?
DOLE SEC. LAGUESMA: Yes, doon sa unang tanong mo, magsasagawa ng job fair ang DOLE. Subalit bago iyan, ang inuunang gawin sa ngayon ng DOLE lalo na iyong ating National Capital Region ay iyong profiling ng mga manggagawa na maaapektuhan. Kasi mahalagang makita natin iyong kanilang mga pangkasalukuyang trabaho; ano ba ang dapat nating ipagkaloob na assistance; at nangangailangan ba sila ng karagdagang kasanayan.
Kasi noong pangunang datos na nakuha ng National Capital Region, marami sa kanila ang trabaho ay administrative, finance, HR at saka encoding so mayroong pangangailangan sigurong karagdagang kasanayan ‘no. At natutuwa naman kami kasi nagko-cooperate ang kanilang mga kumpaniya, binibigay iyong listahan ng atin pong mga manggagawa na puwedeng maapektuhan ng closure ng IGL sa darating na huling buwan ng ating taon.
So tuluy-tuloy iyan at gusto nating makita na makapagkaloob tayo ng tamang klase ng assistance o suporta. Marami namang available din na mga trabaho. Nabanggit ko kanina iyong PhilJobNet, iyong online, marami po doon ang gumagamit na mga employers lalo na iyong sa IT-Business Process Management sector, nakapaloob doon po iyong kanilang pangangailangan doon sa mga manggagawa na may kasanayan sa IT o iyong mayroong sinasabi nating techie o technical savvy dahil alam naman natin, talagang iyan iyong dapat na mapag-ukulan ng pansin; at tuluy-tuloy po ang tulong sa kanila. Ang puwedeng maging assistance, either employment facilitation sa mga available na job vacancies; pangalawa, puwede pong magkaroon ng tinatawag na orientation para sa livelihood program o project na gusto nila; at ang mahalaga ay iyong pagbibigay sa kanila ng upskilling o reskilling nang sa ganoon ay makakuha sila ng mas magandang klaseng trabaho na puwedeng magkaloob sa kanila ng mas magandang pakinabangan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Maganda iyan, Sec. So, ibig sabihin, puwede silang magpatuloy doon sa track na kasalukuyang tinatahak nila or puwede rin silang magkaroon ng alternative means of livelihood, so magandang balita po iyan.
Up next, alamin natin ang iba pang mga proyekto at plano ng ahensiya para sa ating mga manggagawa. Stay tuned, we’ll be right back.
[COMMERCIAL BREAK]
PCO ASEC. VILLARAMA: And we’re back. You’re still watching Malacañang Insider with Secretary Bienvenido Laguesma.
Sir, ang DOLE po ay mayroong tinatawag na Adjustment Measures Program or AMP para sa mga MSMEs, ano po ba ito, pakipaliwanag po? At paano po makikinabang itong mga enterprises na ito?
DOLE SEC. LAGUESMA: Actually, Asec. Joey, kapag medyo binigyan mo ng kahulugan iyong Adjustment Measures Program, isa iyang programa na tutulong lalo na iyong mga manggagawa na magkakaroon siguro ng dislocation, one, by introduction of modern technology, climate change o kaya pagbabago ng work operations ng isang kumpaniya.
So, ang talagang pangunahing tinitingnan niyan ay iyong kalagayan ng mga manggagawa pero mahalaga iyong nabanggit mo, tutulong din ito doon sa mga micro, small and medium enterprises. Kasi batay sa ating datos, humigit-kumulang mga … sa existing businesses natin, sa record ay mga isang milyon, mga 95 to 99% niyan – iyan iyong range ‘no – ay small, micro enterprises; maliit na bahagi lang ang malalaki. So tutulungan nito iyong ating mga MSMEs at saka iyong mga manggagawa sa pamamagitan ng programang puwedeng maging upskilling, retraining sa kanila para mai-adjust sila doon sa available na mga trabaho.
Pangalawa, iyong nabanggit ko rin kanina, tungkol sa programa na may kinalaman sa livelihood program, kasi ang mga manggagawa kung minsan ay kapag sila ay nawala na doon sa kanilang dating trabaho, parang nahihirapan na silang mag-integrate sa iba pang klase ng trabaho; mas nanaisin nila na magkaroon ng sariling negosyo. So pagkakaloob sa kanila ng tulong ng DOLE sa pamamagitan ng Adjustment Measure Program, kasama rin iyong technical assistance at saka paggabay paano ba ang tama sigurong, una, iyong mga simpleng bagay – bookkeeping, adjustment, accounting – kailangan tinuturo din iyon eh para ma-manage nila iyong operasyon ng kanilang kumpaniya no matter how small, dapat tama rin ang iyong mga ginagawang proseso.
So iyan iyong Adjustment Measure Program. At tumatanaw kami doon sa, ‘ika nga ay sumusunod o tumatalima kami doon sa direktiba ng ating Pangulo na tulungan natin ang mga MSMEs ‘no kasi ito talaga iyong malaking bulto ng ating employment, nanggagaling diyan. So mayroon ngang napag-uusapan doon sa ilang Cabinet meeting na na-attend-an ko na ang tinatalakay ay MSMEs, sinasabi na sana dumating tayo doon sa punto na iyong micro, maging small; iyong small, maging medium; at sana iyong medium, maging large ‘no. Maganda iyon dahil kasi iyong nabanggit mo kanina, quality jobs can only be seen dito sa mga kumpaniya na medyo pangmatagalan talaga.
Kaya madiin ang direktiba ng ating Pangulo doon sa kaniyang pananaw na dapat tayo ay maging inclusive sa pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan, lalo na iyong mga tinatawag natin na vulnerable at saka underserved. At ito rin iyong layunin nung nilagdaan ng ating Pangulo na batas, Trabaho para sa Bayan Act na kung saan ang talagang direksiyon ay tulungan ang mga MSMEs, gawing globally competitive ang ating Filipino workforce, at iyong productivity level natin ay mapaangat din. Kasi dapat sumasabay ang antas ng productivity dito po sa mga hamon sa larangan ng paggawa nang sa ganoon, doon manggagaling din ang mga karagdagang benepisyo ng ating mga manggagawa. Dapat makapag-share sila kung mayroong pakinabang ang insentibong binibigay ng pamahalaan sa mga maliliit na mga kumpaniya.
PCO ASEC. VILLARAMA: Nabanggit ninyo, Sec., iyong vulnerable and underserved sector. Anu-ano po ba itong mga sektor na ito? At ano po ang ginagawa ng DOLE para maprotektahan po sila?
DOLE SEC. LAGUESMA: Karamihan dito, Asec. Joey, nandoon siya sa informal sector sa ngayon at saka iyong ating mga manggagawa na nandudoon sila sa kategorya ng 4th, 5th and 6th municipalities. Kaya dito sa umiiral na 2024 General Appropriations Act, mayroon doong provision na nagsasabing ang programa ng DOLE, kabahagi o kasama ang TESDA, dapat nakaabot doon sa mga kababayan natin na nandudoon sa 4th, 5th and 6th municipalities nang sa ganoon ay maiangat natin ang antas ng kanilang pamumuhay, kasama diyan iyong mga programa ng DOLE hindi lamang para doon sa manggagawa, kasama rin para sa mga dependents at iyong mga anak nila na nag-aaral. Kasi dapat ang mga kabataan, ang mga bata ay nasa eskuwelahan hindi nagtatrabaho sa bukirin man o saan mang klase ng trabaho.
At iyan pa ang isang tinututukan ng Department of Labor and Employment sa tulong ng mga ibang ahensiya ng pamahalaan, iyon pong pag-aalis o elimination ng tinatawag natin na child labor.
PCO ASEC. VILLARAMA: Iyan, child labor – isa sa mga isyu iyan. Nabanggit ninyo, Sec., kanina sa panimula na mahalaga iyong social consultations so dapat open ang linya ng gobyerno para po makinig sa mga hinaing ng ating mga manggagawa.
Ang DOLE po mayroon po palang hotline 1349 to address labor-related concerns. So, ano po ba iyong response time? Walk us through po kung paano po ito gumagana at mabilis po bang naaaksyunan ang mga reklamo? At kung hindi naman makatawag dito sa hotline na ito, mayroon po bang ibang platform o avenue para makapag-lodge ng complaints?
DOLE SEC. LAGUESMA: Siguro, Asec. Joey, mahalaga na sabihin na ang DOLE ay compliant doon sa mga requirements ng ARTA – Anti-Red Tape Authority natin na tumitingin sa mga proseso, sa mga ginagawang serbisyo ng DOLE.
Kung ibabatay namin ang pagtugon o assessment ng mga nag-avail ng serbisyo doon sa hotline ng 1349 ay medyo baka magulat ka lang batay doon sa mga nagbigay ng kanilang reaksiyon, feedback ay nandoon kami sa 99 percent. Kasi mabilis iyong tinatawag nating process cycle time, antimano nakakakuha ng sagot. At ang nakakatuwa doon kasi ginagamit namin iyon na batayan nang sa ganoon ay patuloy pa nating matugunan iyong panimulang nabanggit mo kanina sa simula ng ating talakayan iyong mabilis, maayos at matapat na serbisyo sa Bagong Pilipinas.
So, tuluy-tuloy at gusto namin pang lalong palakasin ‘no. So, kung iyong mga…tama rin iyong tanong mo na kung hindi sila puwedeng mag-avail o kaya’y medyo hindi sila marunong mag-access sa hotline na 1349, ang puwede po nilang gawin ay magsadya doon sa aming mga tanggapan, for example dito po sa National Capital Region, mayroon po kaming tinatawag na field offices – nakakalat po iyan sa mga sentro dito po sa NCR; at sa mga probinsiya naman sa mga rehiyon, mayroon kaming provincial offices sa lahat halos ng probinsiya; at kabahagi po din namin iyong Public Employment Service Office ng mga LGUs ‘no kasi ang PESO ay under the technical supervision ng DOLE specifically ng Bureau of Local Employment. So, nagtutulung-tulong iyan at bahagi ng kanilang ginagawang serbisyo hindi lamang employment facilitation, access sa training, access din sa impormasyon na gagabay sa ating mga manggagawa para hindi sila mabiktima ng fake news, hindi rin sila mabiktima noong mga nagsasamantala sa kanila at mapangalagaan natin na sila’y naghahanap lamang ng trabaho sana mabigyan natin nang tamang paggabay. So, iyan ang direksiyon nito pong hotline na 1349.
Iyong mga opisina ng DOLE nakakalat sa buong kapuluan at lagi po nating binibigyan ng tagubilin ang ating mga kasamahan sa DOLE sa Kagawaran ng Paggawa at Empleyo na patuloy tayong magpalakas ng ating serbisyo, patuloy na maging accessible at sana maayos nating pakitunguhan ang ating mga constituencies, in particular iyong mga manggagawa whether they are coming from the formal or the informal sector.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sec. Benny, nakadalawang taon na po ang administrasyon ng ating Pangulo at sa pag-uusap natin ay ang daming nakalatag na prayoridad at programa pero ano pa po iyong mga pagbabagong gusto ninyong makita in the coming years in terms of how the DOLE will be ran?
DOLE SEC. LAGUESMA: Ang gusto ko sanang makita iyong mga mekanismo ng DOLE ay talagang tutugon doon sa inclusivity – ibig sabihin, walang sinisino; walang kinikilingan, tinitingnan anuman pong mekanismo o anumang ahensiya ng DOLE. Kasi ang DOLE mayroon siyang regulatory body; mayroon siyang adjudicatory body; at mayroon din siyang conciliation body ‘no. At bukod diyan iyong mga programa namin ay may kinalaman nga sa employment and human resource development.
Gusto natin makita ito na maging talagang service oriented sila at ang accessibility nila ay maramdaman ng ating mga kababayan. At gusto rin nating makita na sana patuloy na ma-develop iyong kultura ng voluntary compliance sa mga labor standards nang sa ganoon medyo mababawasan iyong mga hinaing o iyong sabi mong mga daing at madagdagan iyong ika nga’y pagbibigay nila ng mungkahi kung paano pa palalakasin ang serbisyo. At mahalaga rin siguro na magpatuloy iyong kultura nang magandang ugnayan ng manggagawa at namumuhunan dahil makatutulong ito upang mapanatili natin ang industrial peace.
Ang mga investors kasi, Asec. Joey, tumitingin din sila may kinalaman sa paano bang ugnayan ng manggagawa at namumuhunan sa Pilipinas; kung tayo ba’y maglalagak ng puhunan; makakatiyak ba tayo na ang operasyon ay hindi naman nagagambala at kung mayroon mang mga hindi pagkakasundo o hindi pagkakaunawaan may mekanismo ba na episyente o epektibo na nakari-resolve ng dispute na hindi mangangahulugan ng away o kaya naman ng sigalot na maaaring magbunga ng hindi magandang kalagayan; sabihin natin na sana lalo nating makita iyong patuloy na pag-avail ng mga mekanismo na magreresolba ng dispute at hindi na magbubunga ng aklasan o welga dahil iyon ang direksiyon natin na gustong makita; at sana iyong atin pong mga nakikita iyong mga pagkilos-protesta – sana maging kilos-suporta. Kilos-suporta dahil ang layunin naman ng pangkasalukuyang administrasyon ay magkaroon tayo ng isang Bagong Pilipinas na kung saan lahat ay magkakaroon ng pakinabang at iyon nga ang layunin, mapababa natin iyong antas ng kahirapan – poverty incidence will be reduced to a single digit and mukhang papunta tayo roon madagdagan lang natin siguro ang pagsisikap, pagtutulungan at pagkakaisa at alam naman natin na talagang matapat ang layunin ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na talagang iangat ang kalagayan ng bawat mamamayang Pilipino.
PCO ASEC. VILLARAMA: Bilang panghuli na lang siguro, Sec., ‘no, so ano pa po ba ang aasahan ng ating mga kababayan mula sa DOLE sa ilalim ng inyong pamumuno?
DOLE SEC. LAGUESMA: Sa ilalim po ng pangkasalukuyang administrasyon ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang DOLE po ay committed na patuloy palakasin ang kaniyang pagbibigay ng serbisyo at tiyakin na ang atin pong mga manggagawa at lalo na ang mga mamamayan natin na nangangailangan ng tulong ay mapagkalooban po ng angkop na serbisyo ng Department of Labor and Employment.
At bukas po ang Department of Labor and Employment, lahat po ng kaniyang tanggapan hindi lamang po sa Central Office kung hindi sa mga regional offices upang tanggapin po anuman ang mungkahi, suggestion, at anuman po ang puwedeng paghingi ng tulong na puwede pong magampanan o maipagkaloob ng atin pong Department of Labor and Employment.
PCO ASEC. VILLARAMA: Maraming salamat, Secretary Bienvenido Laguesma, sa oras at pagkakataon.
Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng bawat manggagawang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas na may matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa lahat.
We bring you in-depth views of the latest issues and regular Palace updates. Sitting-in for Daphne Oseña-Paez, I’m Assistant Secretary Joey Villarama for Malacañang Insider. Have a good day.
###