Interview

Cabinet Report sa Teleradyo with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Guest Cabinet Secretaries by Leo Palo (Kaagapay ng Bayan-Radyo Pilipinas)


LEO:                                                      Magandang umaga Pilipinas… Luzon, Visayas, Mindanao. Ito po si Leo Palo III…

SEC. ANDANAR:                            Ako po naman si Secretary Martin Andanar at ito ang… Cabinet Report sa Teleradyo

LEO:                                                     Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. ANDANAR:                           Magandang, magandang, magandang, magandang umaga po sa buong Pilipinas – Luzon, Visayas, Mindanao… at ang ating mga kababayan po naman na nakikinig every Saturday. Ngayon po ay ang unang araw ng Cabinet Report sa Teleradyo ngayong 2018. Actually unang… unang sigwada natin ito Leo ‘no, kaya nga maraming salamat po sa mga nakatutok sa atin sa Cabinet Report sa Teleradyo, sa 738 Radyo Pilipinas Uno, and of course lahat po ng nakatutok sa atin sa pamamagitan ng Facebook live ng Radyo Pilipinas Uno. Live din po tayo sa Facebook page ko…

LEO:                                                      Sa Facebook page mo, naka-live ka… Hindi pa, hindi pa?

SEC. ANDANAR:                           Wala pa, wala… Naka-live ba tayo sa Presidential Communications? Ah, naka-live din po ba tayo doon… sa PCOO live ba tayo, sa Facebook page? Oo, okay… So magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig sa atin, nanonood sa Facebook page.

LEO:                                                      ‘Ayan… sa lahat ng Facebook page – sa PIA, PNA, RTVM actually… ‘ayun nakapunta rin doon…

SEC. ANDANAR:                           Nilahat mo na…

LEO:                                                      Oo nilahat ko na, para hindi na…

SEC. ANDANAR:                           Para hindi sayang ang buwis… oo, para mapanood ng lahat, oo.

LEO:                                                      Ang tanong dito Secretary, bakit ba—ano itong programang ito na inilunsad natin?

SEC. ANDANAR:                           Well ito po ay binuo natin Leo, ito pong Cabinet Report sa Teleradyo para malaman ng ating mga kababayan na mga update na nangyayari… of course, sa Executive Branch ng gobyerno. At alam naman natin na ang ating mga miyembro ng cabinet, mga gabinete po ay talagang piling-pili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. And of course, we try to do our best to give all our listeners, lalong-lalo na iyong mga members ng Malacañang Press Corps ng mga bagong update for the weekend or every weekend. Every Saturday, oo, para mayroon silang mai-report ‘pag Linggo.

LEO:                                                      Anyway baka hindi mo alam, eh itong sa Biyernes, Sabado’t Linggo, para talaga sa iyo ito eh. Kaya iyong Malacañang Press Corps ay naka-monitor na ngayon…

SEC. ANDANAR:                           Ah, ganoon ba…

LEO:                                                      Ay nakahanda na rin mga questionnaires para sa iyo (laughs)…

SEC. ANDANAR:                           Aba, marami na rin… Uy, mayroon tayong mga guests din na—oo, mamaya na puwede rin silang maghanda ng kanilang mga tanong.

LEO:                                                      Hindi lang mamaya, sa mga susunod pa rin na pagkakataon eh live na po silang makikita dito, ang ating mga Secretaries dahil ito nga po ay Cabinet Report. Actually, ito iyong mga… sila itong mga kilala talaga ng Pangulo, napagkakatiwalaan ng Pangulo… siyempre pa para sa kanilang mga gagawing trabaho na maayos at malinis para sa ating mga kababayan, sa mga… every ‘Juan Dela Cruz’ na sinasabi.

Dito ninyo po eh, malalaman po ng lahat ng mga proyekto, mga accomplishments ng bawat ahensiya ng pamahalaan at dito rin mapapakinggan ang mga update mula mismo sa ating gabinete, sa inyo Secretary Andanar. At anumang issue, anumang mga usapin na maari nating pag-usapan dito ng mga ahensiya ng pamahalaan, dito, lilinawin po natin sa Cabinet Report.

SEC. ANDANAR:                           At aabangan natin ang ating mahal na Kalihim mula sa Department of Trade and Industry, Ramon Lopez na makakausap natin. Sapagka’t alam mo kasamang Leo, nagsara ang Philippine Stock Exchange noong December 30, 2017 na record high – 8,558 points. Tapos, ito po ay nagsimula ngayong 2018 sa 8700 at nagtapos kahapon, all-time high ulit na sa bilang na 8,770.

LEO:                                                      ‘Yan, iyan iyong isa sa mga dapat nating ipaliwanag kay ‘Juan Dela Cruz,’ doon sa ordinaryong mamamayan. Ano ba ‘to? Hindi nakakain ito eh. Ano ba ito? Pasok ba ito sa tiyan namin? Eh iyan ang issue diyan eh.

SEC. ANDANAR:                           At bakit patuloy na tumataas itong Philippine Stock Exchange Index, at bakit nagse-celebrate iyong mga kasapi ng Philippine Stock Exchange, iyong mga negosyante…

LEO:                                                      Iyong mga negosyante, oo…

SEC. ANDANAR:                           Ano ba ang kahalagahan nito sa negosyo, and what drives the increase of the Philippine Stock Exchange Index, iyong mga numero? Ano ba iyong pinagbabasehan ng pagtaas nito? Ito ba’y maganda? Ito ba’y hindi maganda? Ito ba ay dahil sa fiscal policy ng Pangulo natin? Maganda ba iyong ekonomiya na ito? Kaya ipapaliwanag sa atin ‘yan ni Secretary Mon Lopez.

LEO:                                                     Oo, isang ekonomista. Siyempre, pagdating po sa              trade ‘yan, number one. At siguro, masisingit na rin natin iyong mga pagtaas at ano ba ang epekto ng TRAIN, itong batas na naipasa at nalagdaan ng Pangulong…

SEC. ANDANAR:                           Naku… parang ekonomiya naman ang pinag-usapan the whole week, about TRAIN. Kinakailangan maipaliwanag nang husto sa mga kababayan natin na itong tax reform na ito ay, ang mahalaga ho dito ay ang binubuwisan talaga iyong mga mas nakakalamang sa buhay.

LEO:                                                      Nakakalamang…

SEC. ANDANAR:                           Oo, iyong mga mayayaman.

LEO:                                                      Sabihin natin, iyong mga may kaya… oo.

SEC. ANDANAR:                           May kaya. Ah kumbaga, iyong mga may kaya ay sila talaga iyong magbabayad. Pero sa mga kasama natin, mga kababayan natin na majority na tamang-tama lang… from poor to middle class, sila po ang makikinabang dito dahil karamihan, more than 80% ay hindi na po magbabayad ng income tax.

LEO:                                                      ‘Yan…

SEC. ANDANAR:                           ‘Yun…

LEO:                                                     Eh dito rin, maipapaliwanag na rin Secretary iyong mga pangamba ng… itong grupo ng Makabayan bloc diyan sa Kongreso, iyong mga nagrereklamo at dadalhin daw nila ito sa Korte Suprema, at kanilang… kumbaga eh, sila po’y nabale-wala daw doon sa mga debate na nagawa at nangyari, at mukhang minadali daw. Dito mapapaliwanag nang husto ang issue na ‘yan, dito po sa Cabinet Report.

SEC. ANDANAR:                           ‘Ayun… sa Cabinet Report. Of course kasama naman sa proseso talaga ‘yan Leo, sa Kongreso puwedeng magreklamo, puwedeng idulog doon sa Judiciary, doon sa Korte Suprema… kasi sila naman talaga iyong nag-i-interpret ng mga…

LEO:                                                     Ng ating batas…

SEC. ANDANAR:                           Batas… So kasama sa proseso ‘yan, hindi naman tayo—hindi masama ang loob natin. In fact we encourage discourse ‘no, public discourse lalo na sa mga ganitong klaseng—

LEO:                                                      Hindi nga—kumbaga ang gobyerno ito, hindi kokontra doon sa…

SEC. ANDANAR:                           Ah, hindi kontra…

LEO:                                                     Doon sa karapatan na paghahayag, ‘yan iyong isa sa mga nais ng Pangulo, at hindi ‘yan iwinawaksi ng gobyerno.

SEC. ANDANAR:                           Sabi nga ni Presidente eh, kung gusto mong magprotesta… sige, gusto mong magmartsa… sige, kahit ilang araw.

LEO:                                                     Eh, buong taon nga sabi niya ‘di ba?

SEC. ANDANAR:                           Buong taon magmartsa ka, buong taon kang magprotesta… aba siguraduhin mo lang na walang maaabala sa traffic.

LEO:                                                     ‘Yan…

SEC. ANDANAR:                           Oo, kasi alam mo naman eh masikip ang kalye dito sa Metro Manila, at nakapakadaming sasakyan at maraming motorista. Para hindi tayo makaabala, eh maghanap tayo ng open field, doon tayo magprotesta.

LEO:                                                     Correct.

SEC. ANDANAR:                           Oo, kung gusto ninyong magprotesta.

LEO:                                                     ‘Di ba… ganoon kaluwag kung titingnan mo, hindi katulad ng mga nakaraang administrasyon—huwag na nating banggitin, eh bawal – hanggang dalawang oras ka lang, may permit pa eh.

SEC. ANDANAR:                           O ito partner, ready na ang ating…

LEO:                                                     Speaking of…

SEC. ANDANAR:                           Pangunahin o pinakauna nating pangunahing mai-interview dito sa kauna-unahan, the first…

LEO:                                                     Napakasuwete naman ni Secretary… (laughs)

SEC. ANDANAR:                           Alam mo si Secretary, talagang ano ito eh… maaasahan talaga ito sa lahat ng biyahe ng ating Pangulo. Mula noong nagsimula tayo more than 17 months ago, eh si Secretary Mon Lopez ng Department of Trade and Industry ay talagang maaasahan pagdating sa communication.

LEO:                                                     Ah, ganoon lang iyon… Itong taong ito, very approachable ito… akala mo nga hindi secretary.

SEC. ANDANAR:                           Oo nga eh, alam mo napakayaman nito sa ano ha, totoong buhay ha…

LEO:                                                     Ah, ganoon?

SEC. ANDANAR:                           Oo, milyonaryo ito…

LEO:                                                     Hindi ko alam iyon ah. Sayang, lagi kong nakakausap ito eh… (laughs)

SEC. ANDANAR:                           Galing ito sa pribadong sektor, mga Concepcion Group of Companies. Oo napakayaman nito, talagang limpak-limpak ang salapi. Pero dahil sa gusto niyang magbigay uli, maibalik sa lipunan iyong kaniyang talento… eh iyon, nagpa-appoint kay Pangulong Duterte. Pumayag siya na i-appoint, oo. Okay without further ado partner…

LEO:                                                     ‘Ayan… DTI Secretary Mon Lopez, magandang umaga. Happy New Year at welcome sa Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. LOPEZ:                                     Ah, magandang umaga po. Happy New Year din po sa inyong lahat, Sec. Mart at iyong… sorry po hindi ko nakuha—

LEO:                                                     Si Leo po ito… Leo Palo, oo.

SEC. LOPEZ:                                     Ah, Mr. Leo… opo. Good morning po.

LEO:                                                      Good morning.

SEC. ANDANAR:                           Kasi ganito Secretary Mon, nagtapos iyong taon ng 2017 na napakataas po ng ating Philippine Stock Exchange Index, nasa 8,558. Nagsimula naman ang taon, nasa bilang na 8,700. Tapos kahapon, eh nagtala ulit ng isang record high, all-time high… nasa 8,770. Ano bang ibig sabihin nito Secretary Mon?

SEC. LOPEZ:                                     Siguro sa madaling salita, ah… we’ve been hitting itong mga nakaraang walong araw na yata ito na sunud-sunod na pagtaas. Kaya bawat pagtaas, record level eh ‘no, so panibagong ano natin ito, level… At ibig sabihin ho nito talaga ay, iyong confidence ho noong mga investors sa atin ay tuluy-tuloy. Ito mabanggit ko lang ano, hindi lamang investors sa stock market na sinasabi nilang mabilis gumalaw ito papasok talaga… pati rin iyong investor na hard investment, mga mamumuhunan na nagpapasok ng pera para magtayo ng mga manufacturing plants for example, at mag-invest dito – pareho hong tumataas, record level. Iyon nga hong mga ni-register natin sa BOI ay record level po kami na 617 billion pesos na never achieved…

SEC. ANDANAR:                           Wow…

SEC. LOPEZ:                                     We never achieved in the 50-year history. At balikan natin doon sa stock market, 8,770… pumalo pa ng 8,800 ‘yan within the day. Ang ibig sabihin po, iyong confidence noong mga investor na kumikiliti doon sa mga kumpanya, sa public division company, ang ini-expect po nila ay gaganda pa ang takbo ng mga kumpanya dito dahil sa magandang takbo ng ekonomiya. So kasi, ‘pag bumibili ka ho sa mga stocks ng mga… diyan sa stock market, ibig sabihin ay bumibili ka, para kang stockholder na noong mga company na iyon dahil inaasahan mo iyong price nila per share ay tuluy-tuloy magtataas pa kaysa sa presyo na binili mo ngayon. So ganoon ang confidence sa mga bumibili ng mga—sa stocks po natin ngayon.

At saan naman nanggaling iyong confidence nila, ay siguro po makikita naman natin, pati nakikita rin nila iyong confidence sa ekonomiya natin. Iyong tuluy-tuloy na paglago sa GDP, na sinabi nga kanina 3rd Quarter 6.9%, iyong manufacturing, never… record uli tayo ng 9.4% growth – na ibig sabihin ay napupunta ito sa manufacturing at mga planta. Lumalaki rin iyong production capacity, dumarami iyong employment… ibig sabihin may pera iyong tao kasi may employment, may pambili iyong tao. So consumer activity lumalakas at tuluy-tuloy na naman. May consumer activity, may investment na naman, may trabaho na naman, so virtuous cycle. 

SEC. LOPEZ:                                     Isa pa hong nakikita nilang naging magandang movement ngayon, iyong reform natin sa tax, iyong tax reform na iyong TRAIN na nakikilala ngayon na napirmahan na po ng ating Pangulo. Kaya ibig sabihin ho niyan, ang isang maganda ho diyan ay magde-develop—mag-ge-generate po ito ng mga additional 90 to 100 billion peso na revenue, pangdagdag sa budget na gagamitin naman sa imprastraktura. So iyong imprastraktura ho, ibig sabihin din noon iyong mga kalye, tulay, airport at iba-iba pa, railway… outside Metro Manila ibig sabihin, dumadami rin iyong economic activity, mga regional growth center outside Metro Manila. ‘Pag maraming imprastraktura, bumababa producion cost, dadagdag na naman ang investment kasi maeengganyo na naman sila. So iikot na naman nang iikot iyong positibo na, virtuous cycle na tinatawag.

SEC. ANDANAR:                            Virtuous…

SEC. LOPEZ:                                     Oo. So ang isa pa hong magandang part diyan sa TRAIN, na mararamdaman din kaagad ng ating mga kababayan, iyong tax exempt po pinataas na iyong—ibig sabihin, iyong 250 thousand na ngayon and below ay tax exempt. So iyong kumikita ng mga 21 thousand per month, gross, ay imbes na binabayad nila sa tax iyong porsiyento noon, ay ngayon ay maigagamit na nila. Sa kanila na iyon, additional… either panggastos, disposable income or pang-savings nila. So, ang ganda ho noong nangyayari, dahil considering—ito ho, magbe-benefit nito 80 to 90 percent ng mga nagtatrabaho, ganoon kadami, milyon-milyon! So milyon-milyon, ibig sabihin, ng mga Pilipino ang may dagdag kita, net take home. So ‘yan po—

 

LEO:                                                      Secretary, maputol kita doon. Secretary, maputol lang kita… Ah kasi itong mga… sabihin na natin ano, mga Makabayan bloc at iyong mga kontra actually doon sa TRAIN na nalagdaan na ng Pangulo, eh parang may sinasabi sila na hindi—on the long run, hindi daw nakakatulong ang TRAIN, bagkus ay mas magpapahirap ‘di ba Secretary? Anong mga… ano doon?

SEC. LOPEZ:                                     Iyong ganoon hong mga remarks ho kasi, I would say mga rhetoric siguro – iyong parati nilang sinasabi kahit walang basehan. Dahil kung pag-aaralan naman iyong laman talaga noong TRAIN… ito nga iyong ini-explain natin, economic logic po ay ibig sabihin, kung reasonable na tao tayo, maintindihan natin na—ang iyong benepisyo. We just have to be objective, at tingnan ang numero, kailangan data-based tayo, numbers-based… hindi lamang salita na qualitative ano, na—o maghihirap tayo, madaling sabihin… o magugutom mga kababayan natin.

Pero sa lakas noong ekonomiya na umiikot ngayon, actually ho ang advise natin parati dahil sa DTI po, tinuturo trabaho/negosyo… kailangan sa paglago ng ekonomiya, you have to participate – kung hindi, maiiwan kayo. You have to participate in the economic activity – either maghanap ka ng trabaho para umasenso ka, ma-promote ka o lumaki iyong kumpanya mo at kasama ka sa paglaki, or magnegosyo ka… kasama ka rin sa paglaki noong ekonomiya kasi may taya ka. Pero kung tayo po ay nasa gilid lamang, bench-heater, pa-comment-comment… kawawa ho tayo, maiiwan tayo sa—ano bang tawag doon? Mahuhuli tayo sa pansitan ‘no…

So kailangan ho talaga may taya tayo, sumali tayo dahil iyong—itong nararanasan na confidence sa administrasyon po ni Presidente Duterte, iyong mga nangyayari ngayon na high growth at high stock exchange at marami pang iba-ibang bagay, ay samantalahin po natin confidence dahil ang magbe-benefit ho dito taumbayan – iyong magkakatrabaho sila, magkakanegosyo sila.

SEC. ANDANAR:                            So sa madaling salita po Secretary Mon, iyong 8 days na tuluy-tuloy na pagtaas nitong Philippine Stock Exchange Index, at nagtapos nga kahapon na all-time high, ito po ay dulot ng confidence ng mga negosyante, ng mga consumers and of course, ito po ay dahil din doon sa mga bagong polisiya ng ating gobyerno tulad ng tax reform.

SEC. LOPEZ:                                     Opo. Iyong reforms pong ‘yan, magdudulot pa ng mas masaganang ikot ng ekonomiya. Ibig sabihin ay very positive cycle, dahil dumami ang pera ng mga kababayan natin, iyong take home pay nila – marami silang panggastos, iikot na naman sa ekonomiya ‘yan ano.

LEO:                                                      So assurance natin sa ating mga kababayan, sa ating mga ordinaryong mamamayan na itong TRAIN, eh sadyang para ito sa inyo.

SEC. LOPEZ:                                     Para ho sa kanila, lalo na iyong mga maliliit. Ito po ay pro-poor dahil ang nakinabang hong malaki dito, iyong mga minimum wage earner na ngayon ay may extra income sila, mas malaki ang take home pay nila.

LEO:                                                      Correct.

SEC. LOPEZ:                                     Ngayon babanggitin ko lang iyong mga ibang pinapakalat din noong mga nega… na dapat ma-correct ho natin iyon, na iyong tatama daw sa presyo ng bilihin. At iyon po napruwebahan na po ito, na iyong excise tax sa fuel for example, base ho sa—in the history noong 2 years ago nagtaas ang presyo ng diesel, nadoble halos… pero ang presyo ng bilihin, hindi ho gumalaw. At ngayon din dito sa excise tax sa… iyong 2.50 per liter, noong kino-compute ho natin ‘yan… kailangan numbers-based tayo, kino-compute ‘yan 8% lang or 7% lang iyong increase sa presyo ng diesel. Eh kung noon ngang 2 years ago na kinukuwento ko halos magdoble, 80% ang increase noong diesel – pero hindi gumalaw ang presyo.

SEC. ANDANAR:                            ‘Ayun…

SEC. LOPEZ:                                     Eh ngayon pa, 7% lang. Eh base sa computation namin… specific na tayo ‘no, hindi lang ito qualitative at bola ‘no. Sa 14 pesos na delata ng sardinas, ang kuwenta ho namin diyan ay singko sentimos lamang ang itataas sa production cost. So iyong singko sentimos ay, normally bale-wala ‘yan kasi idini-discount nga lang ‘yan ng mga manufacturer at mga tindahan eh. Kasi experience ho namin, 2 days ago nag-ikot din ho kami sa mga grocery, iyong P14.50 na SRP, suggested retail price, eh minsan binibenta pa ng P14 – 50 centavos lower.

SEC. ANDANAR:                            Dini-discount, oo…

SEC. LOPEZ:                                     Oo. Iyong 50 centavos binibigay lang ‘yan as discount, eh ano pa iyong singko sentimos?

SEC. ANDANAR:                            ‘Ayun naman pala…

SEC. LOPEZ:                                     ‘Di ano lang ‘yan… bale-wala ‘yan eh. Hindi ‘yan para igalaw ng presyo. At another data-based po ito na nagtanong din kami, “Oh iyong mga manufacturer, sino ang mag-a-announce ng SRP change or pag-increase…” Wala hong nagsa-submit, dahil usually ho ‘pag magpapalit ng SRP 30 days before, susulat ka na. Pero ngayon, walang nagsa-submit – ibig sabihin, walang planong magtaas ang mga SRP, suggested retail prices

SEC. ANDANAR:                            Aba…

LEO:                                                      Iyon naman pala.

SEC. ANDANAR:                            Iyon naman pala… Siguro hingi kami ng kopya Secretary Mon, noong inyong mga calculation ng presyo, iyong mga standard retail price at iyong sinasabi ninyo na singko sentimos itataas supposed to be. Alam mo… kasi pagka 21 thousand ang suweldo mo, wala ka nang babayarang buwis eh… or income tax.

LEO:                                                      Correct. Iyon ang sinasabi ko Secretary Andanar at Secretary Lopez, na parang… katulad ng sinabi ninyo kanina, ito iyong mga rhetoric siguro na move ng ayaw dito sa TRAIN. Kasi para bagang iyong datos na hawak nila ay mukhang kakaiba doon sa datos na hawak ninyo.

SEC. LOPEZ:                                     Oho. Marami lang ho ang talagang kumukontra. Sana huwag hikayatin iyong mga kababayan natin, kasi para umasenso ang buhay ho nila, kailangan ma-encourage sila, mag participate imbes na makontra. Dahil kung walang nega, mas mataas pa iyong growth rate natin, hindi lamang sa ten percent, ano.

LEO:                                                      Alright Secretary, maraming salamat muli sa pagkakataong ito. Actually, sa susunod na episode ng Cabinet Report ay mas comprehensive… detalyahin natin lahat ito…

SEC. ANDANAR:                            Ihahanda natin iyong ating mga graphics ‘no…

LEO:                                                      Oo. And with that siyempre, kami po’y nagpapasalamat muli…Hindi lang ito ang kauna-unahang guesting mo rito, live ka dito sa susunod. Tama ba ako, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR:                            Eh oo naman…

SEC. LOPEZ:                                     Opo…

SEC. ANDANAR:                            Sec. Mon, huwag mong ibababa ang telepono dahil kukunin ni Weng iyong detalye doon sa mga presyo na nabanggit ninyo, iyong mga pag-increase para magawan namin ng graphics dito sa Radyo Pilipinas.

SEC. LOPEZ:                                     Ah, opo… opo.

SEC. ANDANAR:                            Sec. Mon, maraming salamat.

LEO:                                                      Maraming salamat sa pagkakataon, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kayo. Mabuhay po kayo, sir…

SEC. LOPEZ:                                     Kayo rin po, maraming salamat.

LEO:                                                      Maraming salamat.

SEC. ANDANAR:                            ‘Ayun…

LEO:                                                      Secretary Mon Lopez ng Department of Trade and Industry.

SEC. ANDANAR:                            Abangan si Secretary Año ng DILG…

LEO:                                                      Ang bagong talaga ng Pangulo…

SEC. ANDANAR:                            Sa pagbabalik ng… Cabinet Report sa Teleradyo.

LEO:                                                      Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. ANDANAR:                            Hello, hello. Magandang umaga po. Ito ang kauna-unahang episode ng Cabinet report sa Teleradyo. Ako po si Secretary Martin Andanar.

LEO:                                                      Ako po si Leo Palo III.

SEC. ANDANAR:                            At ito po ang susunod nating panauhin. May bago na pong OIC ang Department of Interior Local Government, siya ay dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. Kahapon lang inanunsiyo ng Palasyo ang pagtatalaga sa OIC ng DILG na si General Eduardo Año, si General Año po o Secretary Año ay miyembro ng Philippine Military Academy Class ’83. Makulay ang military career ni General Año kung saan pinangunahan niya ang ilang operasyon laban sa mga rebelde at drug lords. Tinawag nga siya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘rebel hunter’.

LEO:                                                      Rebel hunter ba? Aba si Secretary Año ay nariyan na sa linya natin, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Pero bago siya naging Chief of Staff ng AFP, nagsilbi muna siyang Commanding General ng Philippine Army at masasabi nating highlight ng career ni General Año close to his retirement ang pagsugpo sa Maute group na naghasik ng gulo sa Marawi noong nakaraang taon.

LEO:                                                      At ngayon nga eh tatayo na siya bilang OIC ng Department of Interior Local Government. Maski retired, at sa unang episode po ng Cabinet Report sa Teleradyo, makakausap po natin ang OIC mismo na Secretary siyempre, Eduardo Año. Nasa linya na ba natin? Ready to go na? Iyan Buena mano tayo kay Secretary Año. Magandang umaga, Secretary Año.

SEC. ANDANAR:                            Good morning.

SEC. AÑO:                                         Magandang umaga naman, Secretary Martin and Leo.

LEO:                                                      Magandang umaga, sir.

SEC. AÑO:                                         Magandang umaga rin sa ating mga nakikinig at televiewers.

LEO:                                                      And congratulations!

SEC. ANDANAR:                            Congratulations, sir.

SEC. AÑO:                                         Salamat at maraming salamat sa mga nag-congratulate. Nagpapasalamat din ako sa ating Pangulo sa pagbibigay ng tiwala sa akin na makapagserbisyo ulit sa ating bansa.

SEC. ANDANAR:                            Marami ang gustong magtanong para kay Secretary Año. Maraming mga questions.

LEO:                                                      Maraming questions—

SEC. ANDANAR:                            Isa diyan ay ‘Ano ba ang direksiyon ng DILG under Secretary Eduardo Año? Ano po ang magiging direksiyon ninyo sir, ngayong 2018 for the Department of Interior and Local Government?

SEC. AÑO:                                         Well unang una susundin natin iyong mga programa ng Pangulo natin, iyong kaniyang mga objectives. Unang una, iyong paano natin labanan iyong korapsiyon. So nakita naman natin na dito sa local government, kailangan magkaroon ng magandang sistema para labanan natin iyong korapsiyon. At papaano natin mapagsama-sama iyong lahat ng bureau at ahensiya sa ilalim ng DILG para labanan iyong drugs, terorismo, kasama na rin iyong CPP-NPA. Maalala kasi natin iyong ating kapulisan, i-mo-modernize natin at pagagandahin pa natin iyong image, malaking challenge ito pero tinatanggap ko iyong challenge.

Itong ating Bureau of Fire, tataasan natin iyong kanilang kapasidad na—kagabi nagkaroon ng sunog dito sa Cebu, noong isang linggo dito sa Davao iyong NCCC Mall. So natutuwa ako dahil noong huling meeting namin sa Davao with the President, which about I think 3 days ago ay inaprubahan niya iyong additional na 1 billion para sa pagbili ng kagamitan ng ating mga bumbero para makapantay din tayo sa kanilang niche—katulad ng mga world class fire fighters. So iyon lang ang gagawin natin, simple lang naman iyong gusto ng ating Presidente, ang maibigay ang serbisyo sa mga mamamayan at magkaroon ng tunay na governance.

LEO:                                                      Secretary, siyempre ito hindi nawawala ito, maging si Secretary Andanar noon, noong pumasok siya sa PCOO. Eh laging tinatanong ng isang mamahayag ito eh, katulad ko. Eh isa iyong tinatanong ko lagi sa pagpasok mo diyan sa DILG, marami pong mga negatibo diyan. Eh papaano mo po gagawin ito? Magkakaroon ba ng mga pagbabago diyan? Mgachanges? Magre-rigodon ka ba? Mayroon bang masisibak? Mayroon bang mananatili? Iyong mga ganoon!

SEC. AÑO:                                         Ilalagay lang naman natin iyong tamang tao sa tamang posisyon at tamang kalagyan para maging epektibo siya. Sa dalawang buwan na nagseserbisyo ako sa DILG, bilang Undersecretary ng Peace and Order and Public Safety, nakita ko naman iyong kuwalidad ng ating namumuno at mga kawani ng DILG at nakita ko naman na hindi ako mahirapan dahil maganda iyong pagsalubong, maganda rin iyong teamwork. Ang gagawin ko lang naman diyan bilang kanilang OIC, sisiguraduhin ko na iyong kaalaman ng bawat isa ay mailagay sa tamang kalagyan. And we’ll make sure na lahat sila ay susunod doon sa mga panuntunan na maipatupad natin iyong lahat ng programa ni Pangulo. Alam din naman nila iyan—

LEO:                                                      At kapag hindi?

SEC. AÑO:                                         Kapag hindi tatanggalin natin. Alam naman natin diyan eh, katulad noong sa military organization, kapag ka hindi ka nauukol diyan at talagang wala ng puwedeng paggamitan sa iyo, well it’s time to—

LEO:                                                      Say good bye.

SEC. AÑO:                                         Say goodbye to the government service. Kasi ano ito eh, vocation ito eh, it’s a sacrifice, i-sarifice mo iyong—personal sacrifice.

SEC. ANDANAR:                            Sec. Ed Año, kayo po ay kilala sa Armed Forces of the Philippines na napakagaling po sa intelligence. Iyon po iyong talagang expertise ninyo at kayo ay naging Chief of Staff at naging sterling ang inyong career sa AFP. Lalong lalo na, you capped it with the defeat of the Maute. Ngayon po alam natin sa DILG, ang isyu ng illegal na sugal. So papaano mo gagamitin ang inyong expertise sa intelligence para talagang masugpo na ito, matapos na iyong illegal gambling sa ating bansa?

SEC. AÑO:                                         Well unang-una ang PNP ay mayroong programa sa anti-illegal gambling at nakita ko sa mga reports nila, marami rin silang accomplishments. Pero sa ngayon nandiyan pa rin iyong mga illegal gambling. So we have to exert more effort and isa iyan sa unang utos na ibinigay ko kay Chief PNP at ng mga Regional Directors na hindi natin ito-tolerate at hindi natin poprotektahan iyong mga illegal gambling. Nag-usap na kami ng PCSO Manager, si General Balutan, iyon ang tutulungan natin, ito iyong STL. Ito kasi iyong authorize eh, ito iyong nagbabayad ng tax at nagbabayad ng kaukulang mga dapat bayaran sa ating pamahalaan. So sa tulong din nila, nag-usap kami ni General Balutan, paigtingin namin iyong intelligence operations para ma-identify natin, iyong mga kung saan nagaganap pa itong mga illegal gambling na… itong mga numbers game, kasama na rin iyong mga local government officials na sumusuporta diyan at nagpoprotekta diyan, ang ating kapulisan na involve diyan. Wala tayong patatawarin diyan.

LEO:                                                      Actually, Secretary may tanong dito si—ang aming Malacañang Press Corps President si Reymund Tinaza ng Bombo Radyo. Sabi niya: Kumusta daw ang feedback at report ng PNP sa Palasyo although—ito iyong isa ‘no, unahin ko lang itong isa na sinabi niya. ‘Ano daw ang plano ninyo sa PNP para mabago iyong negative impression ng publiko lalo na daw sa drug war?’

SEC. AÑO:                                         Mahabang proseso ito, kasi hindi mo ito mababago overnight eh. Kailangan pag-aralan mo iyong papaano na-develop iyong kultura or kagawian na bakit may mga pulis na gumagawa ng illegal at nawawala sa landas. Pero nung tiningnan ko iyung statistics, alam mo 180,000 iyong kapulisan natin eh kung iko-compare mo talaga iyong mga gumagawa ng kalokohang, napakaliit na porsiyento, pero dapat wala talaga, kasi iyon iyong sinumpa nating tungkulin eh. So,dapat ang parusa doon sa mga pulis na gumagawa ng ganiyan, doble iyong parusa kasi binigyan ka ng mandato para ipatupad ang batas tapos ikaw iyong lalabag. Napag-aaralan natin mula doon sa pag-recruit, iyong training niya, iyong deployment niya at iyong kaniyang mga orientation ay pag-aaralan din natin lahat iyan. Pero nakuha ko naman iyong statement ng PNP leadership, na magsisimula tayo mula sa basic. Siguraduhin natin iyong PNP ay magiging isang institusyon na nirerespeto, minamahal ng taong bayan. Katulad noong mga pagsisikap na ginawa namin sa AFP, hindi naman kaagad namin nakuha iyong tiwala ng mga tao sa AFP. Mahaba iyong pinagdaanan namin—

LEO:                                                      Ano po—

SEC. AÑO:                                         Halos nakuha ko na nga iyong sentiment nitong mga kapulisan natin. I-improve natin iyong image niyan para makuha natin iyong tiwala ng tao.

SEC. ANDANAR:                            Ano po ang mensahe ng isang Secretary Ed Año sa mga pulis, sa mga pulitiko na nananatili doon sa listahan ng drug war ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, iyon pong nasa—

LEO:                                                      Narcolist—

SEC. ANDANAR:                            Narcolist. Ano po ang mensahe ng isang Secretary Año?

SEC. AÑO:                                         Well sa akin mayroon pang pagkakataon na magbago sila at tumulong para labanan itong drugs at itong mga tao na ito, mayroon naman tayong listahan niyan. Ito iyong tamang pagkakataon na i-give up nila at the same time tumulong sa kampanya kasi wala naman tayong sasantuhin dito eh, kapag hindi sila sumunod sa ganiyan ay talagang hindi lang sila matatanggal sa serbisyo o sa puwesto, talagang sisiguraduhin natin na makukulong sila. Ito iyong number one kalaban natin sa society ngayon eh, iyong drugs.

At maganda iyong—sabi ko nga noong bumisita ako sa PNP, maganda iyong mga naging usapan namin doon at hindi lang diyan pati iyong ating kampanya ay aayusin na natin katulad noong paggamit ng body camera, iyong pagtatalaga ng unit na magka-conduct ng anti-drug operations, hindi lahat ay mai-involve. At lahat ng operation ay magiging officers’ led at accountable lahat all the way up, up to the Regional Director para siguraduhin natin na walang abusong mangyayari. Nakakahiya sa ating Pangulo eh, ang ganda ng mga suporta niya pero pati siya nahihirapang ipagtanggol iyong mga pulis na talagang gumawa ng kalokohan. Hindi naman natin ipagtatanggol dun sa kalokohang niyang ginawa.

LEO:                                                      Alam mo kasi Secretary, related to that question. 2019, comes 2019 is election although may mga issues na ‘No-El’ pero mamaya na iyan. Iyong kay—darating ang election, mayroon ba kayong nakikita o nasa inyo na ba ngayon ang listahan noong mga pulitiko na nandiyan sa drug list ng Pangulo?

SEC. AÑO:                                         Ang ahensiya na may hawak ng drug list na involve iyong politician ay PDEA—

LEO:                                                      PDEA?

SEC. AÑO:                                         Kasi ang ahensiya talaga na mandato diyan, ang trabaho ng ibang ahensiya katulad ng DILG, AFP, PNP, NBI ay para i-validate iyong listahan na iyan kung—and then doon sa mga validations natin, masasabi nating supported iyan ng evidence, ito naman ay kuwento lang, ito naman ay pulitika lang. So sisiguraduhin natin na bawat pangalan diyan ay tama iyong impormasyon para magawa natin ang tamang rekomendasyon whether mag-undergo siya ng investigation, file-an ng kaso or tanggalan ng deputation. Hindi kasi pupuwede na isang nakaupo ay may deputation siya pagkatapos nagpo-protect siya o involve siya sa drugs.

LEO:                                                      Correct. Eh lalong lalo na sa mga barangays dahil ‘di ba Secretary iyong mga barangays ay appointed na lang dapat ng Pangulo. Eh hindi naman nagkaroon ng election sa barangay. O hindi ba? Eh kayo—nasa inyo pala iyong powers of that to recommend kung sino itong dapat mawala diyan sa local government?

SEC. AÑO:                                         Yes, kasama kami sa kinukunsulta ng mga ahensiya sa pangunguna ng PDEA sa pagka—through the recommendation of this inter-agency na validation, interagency committee, doon na papasok iyong iba’t ibang recommendation. Halimbawa ay tatanggalan siya ng deputation, sa NAPOLCOM iyon pupunta, kung siya naman ay may nakuha tayong ebidensiya at tatanggalin natin sa puwesto, iyon ay ire-recommend natin sa Presidente, kasi Presidente lang naman ang mayroong authority magtanggal sa mga elected sa official. At iyong kinakailangan namang file-an ng kaso, sa Ombudsman naman natin gagawin iyon. May tamang proseso na doon.

LEO:                                                      So hindi ito panawagan? Warning ito! So lahat ng mga pulitiko lalo na iyong mga tatakbo. Alam ninyo na.

SEC. AÑO:                                         Ngayon pa lang dapat ang ating government officials. Mga government officials, it’s the time ‘no. If you believe na somehow nag-tolerate kayo, nag-protect kayo, come out and then we will help you, we will help each other. At kung hindi naman talaga involve eh [unclear]. We will not protect…  consider any sacred cow.

LEO:                                                      Well with that, Secretary, kami po ay nagpapasalamat muli sa pagkakataon na ipinagkaloob ninyo sa amin. Actually ito po ang kauna-unahang Cabinet Report sa Teleradyo dito po sa RP1 at kayo po ay naririnig all over the Philippines at sa ibang bansa, sa ating mga kababayan na nanonood ngayon sa pamamagitan ng Facebook live. Hindi lang ito siguro unang pagkakataon, Secretary Andanar na—sa susunod live na ha Secretary Año.

SEC. AÑO:                                         Okay, Leo.

LEO:                                                      Siguro that time, Secretary ka na talaga.

SEC. AÑO:                                         Okay lang naman tayo. We’re not conscious sa title naman eh.

SEC. ANDANAR:                            Alam mo si Secretary Ed Año, 17 months kong nakatrabaho iyan, talagang no non-sense, kaya pag sinabi niyang warning, naku—

LEO:                                                      Noong nandoon ka sa Marawi ‘di ba?

SEC. ANDANAR:                            Iyon oo. Tatahimik lang pero hindi mo alam kung anong nasa isipan eh.

LEO:                                                      Ibang klase.

SEC. ANDANAR:                            Eh iyon pala wala na patay na iyong mga kalaban. [laughs]. Congratulations po, Secretary Ed Año. Mabuhay po kayo, sir. Salamat po.

SEC. AÑO:                                         Thank you, Secretary Martin and thank you, Leo. Mabuhay kayo.

LEO:                                                      Mabuhay din po kayo, Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government. Well, babalik po tayo mamaya maya lamang. At ilang mg questions coming from Malacañang Press Corps ay sasagutin mo, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR:                            Ay sasagutin natin iyan.

LEO:                                                      Magbabalik po kami ilang sandali lang.

LEO:                                                      Alright balik na tayo, ito po si Leo Palo III.

SEC. ANDANAR:                            Ako po naman si Secretary Martin Andanar. At ito po ang (overlapping voices)—

LEO:                                                      Cabinet Report sa Teleradyo. Iyan at ilang minuto na lang, parang ang ikli ng panahon, Secretary para sa ating dalawa iyong isang oras.

SEC. ANDANAR:                            Ganiyan talaga kapag nag-e-enjoy ka sa trabaho mo.

LEO:                                                      Hindi ganoon talaga yata at lalong lalo na kapag mga ganoong mga resource persons. Para bagang lahat na lang yata ay may detalye doon sa bawat tanong natin, eh talagang ganoon. Well this time around mga kababayan, mga katoto, mga ka-DDS, lahat ng mga nanonood ngayon, maraming salamat kay Boss Maki Dencio at kay Sir Edrey Arrieta.

SEC. ANDANAR:                            Ayon.

LEO:                                                      Shine-share na nga ito.

SEC. ANDANAR:                            Ang daming nanonood.

LEO:                                                      Napuno na naman tayo doon sa Facebook live. Hindi po namin mababasa lahat pero anyway unahin ko muna po, Secretary. Ikaw ngayon ang nasa hot seat.

SEC. ANDANAR:                            Ay sige na.

LEO:                                                      Magtatanong muna itong—

SEC. ANDANAR:                            Kasi malamig na sa loob.

LEO:                                                      Malamig ba? [laughs]. Giniginaw na pala iyong—

SEC. ANDANAR:                            Congratulations kay Portadera, ang ganda ng studio namin ha.

LEO:                                                      Eh iyong dito lang sa likod ko wala na kayong masasabi eh.

SEC. ANDANAR:                            Sabi nga ng anak ko eh parang BBC ah.

LEO:                                                      Ah talaga?

SEC. ANDANAR:                            Butuan Broadcasting Corporation [laughs].

LEO:                                                      Naisahan mo ako doon ah. [laughs]. Anyway si Lei Baguio, from Brigada News FM, if I’m not mistaken

SEC. ANDANAR:                            Bira! Bira brigade!

LEO:                                                      Secretary Martin Andanar sabi niya: Ano daw ang mga ikinokonsidera ni Pangulong Duterte sa pagtanggap niya sa resignation—ito iyong tinatanong mo eh ni Pulong bilang Vice Mayor ng Davao?

SEC. ANDANAR:                            Alam mo hindi ko nakausap ang Pangulo tungkol diyan so I will have to ask him tomorrow—ah sa Monday.

LEO:                                                      Monday.

SEC. ANDANAR:                            Okay so hindi ko masasagot iyan.

LEO:                                                      Hindi muna, Lei ha. Iyan, itanong mo sa akin puwede akong sumagot.

SEC. ANDANAR:                            O sige itanong ko sa iyo.

LEO:                                                      [Laughs] Alright from Leila Salaverria of the Inquirer. Question daw niya: What does the Palace think of concerns that the country is headed toward dictatorship with the scenarios of no election and term extension being floated?

SEC. ANDANAR:                            Alam mo iyong mga nagsasabi niyan of course mga critics na in terms of politics in our country. Kitang kita naman natin sa body language, mga sinasabi mismo ni Presidente literally na number one na talagang hindi niya ginustong maging Pangulo ng bansa. Number two, kung maipasa na iyong federalism ay handa na siyang bumaba sa puwesto. At paulit-ulit sinasabi iyan ni Presidente Duterte at ako ay naniniwala na talagang gagawin niya iyon. Bababa siya sa puwesto once na ang federalism ay ma-implement na sa bansa natin, mabago iyong ating form of government. Ito po ang tandaan natin, ano po ba iyong mga pangako ni Pangulong Duterte noong kampanya noong 2016. Unang-una, linisin ang mga kalye at lansangan, alisin ang droga, criminality, kita naman natin bumagsak na ang supplies ng drugs sa bansa. Ang ating crime rate ay bumaba ng 30 percent—34 percent. Pangako din ng ating Pangulo iyong korapsiyon at marami na hong tinanggal ang ating Pangulo, in-announce niya rin iyong pagkasibak ng MARINA—

LEO:                                                      MARINA, kahapon lang.

SEC. ANDANAR:                            And this is really beyond the junket that we are talking about. Ang talagang mensahe dito corruption eh – na huwag abusuhin ang posisyon para sa mga bagay na mga junkets, etc. So it’s not junket, it’s really the corruption na tuluy-tuloy… nire-remind ng ating Pangulo sa halos lahat ng mga speeches niya, iyong drugs and corruption.

Number three, ano ba iyong pangako ni Pangulong Duterte? Iyong ibaba iyong poverty rate ng bansa natin, from 24% to 14%. Nakita natin, 21% na iyong poverty rate ng ating bansa. At pinirmahan ng ating Pangulo iyong SUC na batas, na libre po iyong tuition ng mga estudyante sa state universities and colleges. Pinirmahan ng ating Pangulo itong TRAIN o itong tax reform, na batas na hindi na po nag-oobliga sa ating mga kababayan na sumusuweldo ng beinte-uno mil pababa na magbayad ng income tax – so zero. So 80% of the country’s workforce will no longer be paying income tax – ‘yan ay very pro-poor. So sinusunod po… ‘ayun, nagtagumpay po si Pangulo diyan.

Nandiyan din po iyong Build, Build, Build infrastructure na maglilikha ng maraming trabaho. At pang-apat, iyong peace and order ng ating bansa – at kita naman natin.

LEO:                                                      Iyong BBL hindi ba, malapit na rin.

SEC. ANDANAR:                            Malapit na rin ‘yan… So—at panglima, iyong federalism! Now, kapag naging batas na ‘yan, at nagbago na iyong porma ng ating gobyerno, sinabi ni Presidente bababa na siya – apat na po sa mga pangako ng Pangulo ay naipatupad niya. Isa na lang ang hindi –

LEO:                                                      Iyon na lang…

SEC. ANDANAR:                            Federalism.

LEO:                                                      Kapag natupad ito… actually hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan, maging ang mga nasa abroad, mga OFWs, mga nagtatrabaho, mga Pinoy doon gusto talaga nila federalism.

SEC. ANDANAR:                            Oo…

LEO:                                                      Kasi gusto nila ipakita iyong kanilang… example, diyan sa amin sa Misamis Oriental, diyan sa amin sa Davao… eh makikita ninyo po, gusto namin kasing malaman ng buong mundo na ito ang produkto namin. Nandito kami… akala ninyo ang Maynila ang bumubuhay sa Pilipinas – kami.

SEC. ANDANAR:                            Alam ninyo mga kababayan, ano ba itong federalism, kailan ba ito nagsimula? Nag-ikot ang Pangulo noong 2014 or ‘15 if I’m not mistaken, at siya po ay nag-advocate ng federalism, bakit ho? Kasi ang problema ho namin sa Mindanao at iba pang mga probinsiya na malayo sa National Capital Region, ay hindi po kami nabibiyayaan nang husto. Kumbaga, ang aming kontribyusyon—

LEO:                                                      Iyong output namin, iyong produkto namin…

SEC. ANDANAR:                            Na binigay sa national government, hindi po bumabalik sa amin.

LEO:                                                      At—so, parang walang halaga sa kanila. Parang ganoon…

SEC. ANDANAR:                            Oo. Masyadong centralized iyong gobyerno, na masyadong imperial Manila na kailangan maging malapit ka doon sa kalan, sa kusina para ika’y biyayaan. Ngayon with a decentralized form of government which is a federalism, ay mas mabibigyan po ng tiyansa ang bawat rehiyon na mahihirap sa labas po ng National Capital Region na umasenso – iyon ang buod doon eh. Iyon ‘yun, iyon ‘yun eh…

LEO:                                                      Iyon iyong pinaka-purpose noon. Alright, with that ano… related diyan. Sabi ni—nagtanong uli si Leila: “What can the Palace do to guarantee there will be no dictatorship?

SEC. ANDANAR:                            Alam ninyo, you just have to trust. You just have to trust your congressmen. You have to trust your senators. Alam ninyo ang magdi-decide naman ng federalism, unang-una mayroong Constitutional Commission ‘di ba, gagawin iyong batas na iyon.

LEO:                                                      Yes, oo…

SEC. ANDANAR:                            Ito po ay magiging—Constitutional Commission, na ang mga miyembro ay mula sa iba’t ibang sektor, pribadong sektor, mga dating Chief Justice ‘no, ganoon. And ito po ay babalangkasin pa sa Kongreso, tapos pagbobotohan pa ito through a plebiscite. So ‘yan po ang guarantee, that we will go through a process… na nasa batas.

LEO:                                                      Pero ipagpalagay nating ganoon… if and when—iyong thinking kasi ng iba is ganito eh, iyong sa dictatorship issue. When the President move to stop his allies from doing this, kung saka-sakali… doon sa pag-workout. Will the President daw ba move to stop his allies from doing this? Iyong—the Congress kasi, siya iyong magwo-work to shift towards federalism, it’s up to the lawmakers nga to propose the postponement of election and term extension.

SEC. ANDANAR:                            But… ang sabi ni Presidente, kapag pumasa ang federalism magre-resign siya.

LEO:                                                      Oo, malinaw iyon…

SEC. ANDANAR:                            Base sa kaniya, ano pa ba ang gusto natin? Ano pa bang assurance ang gusto natin? Sinabi na ni Presidente na bababa na siya sa puwesto once na pumasa ito bilang batas at pagbago ng ating porma ng gobyerno.

LEO:                                                      Oo. Sabi ni Joepel Peleño: “May info daw ba ang Palasyo, kung may mga mambabatas na kaalyado ha ng admin na nagpaplanong amyendahan ang Constitution para pigilan ang 2019 elections to give way sa pinag-uusapan nating federalism?

SEC. ANDANAR:                            Wala kaming impormasyon at hindi kami nakikialam sa mga desisyon o gawain diyan sa Lower House at Upper House.

LEO:                                                      ‘Ayun, wala. “Kumusta ang feedback…” ito, malayo na ito…si Reymund Tinaza muli. Kumusta daw ang mga feedbacks at report ng PNP sa Palasyo kaugnay sa Traslacion sa Martes. Kuntento ba ang Palasyo sa security preparation ng mga awtoridad?

SEC. ANDANAR:                            Alam mo Leo, mga kababayan… ilang taon na itong ginagawa sa Maynila. Ang ating mga barangay captain, barangay tanod, ating Kapulisan ay sanay na po sila diyan sa Traslacion. At tuwing taon dumadami ‘no, kasi ito talaga ay nagbibigay ng milagro sa maraming mga kababayan natin na humihingi. Alam mo minsan kasi ang mga kababayan natin, talagang iyon ang kinakapitan nila eh, halos lahat…

LEO:                                                      Correct…

SEC. ANDANAR:                            Kaya dumadami nang dumadami. And because of the phenomenon nga na every time na may pumupunta doon at nahahawakan iyong lubid, ay gumagaling iyong sakit…

LEO:                                                      Gumagaling lahat…

SEC. ANDANAR:                            Or nawawala iyong problema—

LEO:                                                      And that’s their faith eh…

SEC. ANDANAR:                            Faith iyon eh. It takes a leap of faith, and… basta assurance lang po, sanay na po iyong ating mga local government units diyan. So, just observe and pray during that day.

LEO:                                                      Secretary, matagal mo nang kakilala si Presidente – siya ba ay deboto ng Itim na Nazareno?

SEC. ANDANAR:                            Ang ating Pangulo po ay… binabanggit naman niya sa kaniyang speeches na siya ay naniniwala na mayroong Diyos.

LEO:                                                      ‘Ayun… malinaw. Baka kako magpunta doon eh (laughs).

SEC. ANDANAR:                            Ha? Alam ko si Kabayan… saka si ano, si Senator Erwin Tulfo lagi namang nandoon.

LEO:                                                      Ah, si Senator Erwin… talaga naman oh (laughs)…

SEC. ANDANAR:                            Eh kaya nga uuwi na si Erwin eh, kasi siguro…

 

LEO:                                                      Pinahihirapan si Weng dito… sa programa.

SEC. ANDANAR:                            Oo… ah ganoon ba?

LEO:                                                      (Laughs) Hindi pa umuuwi… Well iyon nga sabi natin, ‘yan po ang… narinig ninyo po ang mga accomplishment ng ating—ilan sa ating mga Secretaries. At ito po ang kauna-unahan pa lang naman, patikim pa lang ho ito…

SEC. ANDANAR:                            Patikim pa lang…

LEO:                                                      Dito po sa aming Cabinet Report sa Teleradyo. At sa susunod na linggo, marahil… ibang ahensiya o anumang mga ahensiyang ating matututukan…

SEC. ANDANAR:                            Marami silang aabangan…

LEO:                                                      Marami silang aabangan sa programang ito.

SEC. ANDANAR:                            Good morning sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. At good morning din sa lahat ng mga nanonood sa Facebook. Ang dami, ang daming nanonood sa Facebook ‘no.

LEO:                                                      Oo… Puwede ba isang minuto lang? ‘Ayan, babati lang tayo nang konti… May ano ka ba diyan, baka mamaya magtampo sa iyo ‘yan.

SEC. ANDANAR:                            Oh, si Arlene Abrenica(?)… hello. Saka si JC Tan, hello good morning. Si [Shaytelle?] Villas, ang dami… Senator Erwin, kasama ‘to si Senator Erwin Tulfo – nasa number 12 ‘yan ha.

LEO:                                                      Number 12…

SEC. ANDANAR:                            Uy congratulations, kasi alam mo nasa ika-dose si Senator Erwin. Ibig sabihin ho niyan ay marami talagang nakikinig sa Radyo Pilipinas at maraming nanonood sa PTV.

LEO:                                                      ‘Eto sabi ni Patria Borres Perucho, “Basta kaming mga OFWs laging nakabantay, laging nagmamahal sa ating Pangulo. Thank you sa inyo Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat po.

LEO:                                                      ‘Ayan… maraming-maraming salamat. Again, that’s our first episode, unang siguwada…

SEC. ANDANAR:                            Marami pa…

LEO:                                                      ng Cabinet Report sa Teleradyo…

SEC. ANDANAR:                            Marami pa (laughs)…

LEO:                                                      At siyempre, mapapanood ninyo po kami sa lahat ng PCOO platform…

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat sa ating Executive Producer, si Weng Hidalgo… Secretary Panelo, good afternoon at lahat po ng ating production staff… hindi ko na papangalanan ang dami nila dito…

LEO:                                                      Well again, ito po muli si Leo Palo III…

SEC. ANDANAR:                            Ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo.

LEO:                                                      Cabinet Report sa Teleradyo.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource