Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Ruth Abao (DWIZ – Push Mo ‘Yan Teh)


RUTH ABAO:   Ito, nandito na siya nasa kabilang linya. Naku matagal ko nang hina-hunting itong mamang ito (laughs). PCOO Secretary, si Secretary Martin Andanar. Hi Secretary, Happy New Year, Merry Christmas, Happy Three Kings.

SEC. ANDANAR:  Happy New Year sa pinakamagandang anchorwoman…

RUTH ABAO: Kaya sabi ko, gusto kita palaging na-i-interview, hindi ka lang available. Kaya nagtatampo ako… nagtatampo ako sa—“Bakit ganoon, Julius, nandodoon naman si Secretary, bakit hindi nagpapa-interview sa akin?(laughs)

SEC. ANDANAR: Kasi nagpalit ako ng cellphone unit, oo. Tapos noong sinynchronize ko iyong mga numbers, buti na lang nag-sync. So, hindi ko nasasagot sino iyong mga tumatawag. Kaya pasensiya na, pero ang mahalaga nag-uusap na tayo ngayon at salamat sa pagkakataon.

RUTH ABAO: ‘Ayan, okay. Secretary naku, ito muna, bago doon sa mga plano mo sa Radyo Pilipinas, etcetera, PCOO. Ano ba—what is this talk about NO-EL at saka federalism? Anu-ano po ba ito?

SEC. ANDANAR: Well, siyempre kaniya-kaniyang approach… klase ‘yan; kaniya-kaniyang idea… tapos mayroong mga kasamahan sa gobyerno iyon ang kanilang ine-espouse. Pero makakasiguro po kayo na sa Executive Branch of government ang amin pong gustong mangyari ay… mayroon pong—matuloy po iyong ating sistema, ito pong halalan sa 2019. At ang proseso namang ito ay iyong federalism ‘di ba, dahil gusto nating baguhin ang ating Saligang Batas para itong bagong porma ng gobyerno ay mangyari – ay ito ang magiging sunod na form of government.

But then again alam mo, federalism ay dadaan pa ‘yan sa Constitutional Assembly or Constitutional Convention, whichever will ano… prevail. Tapos mayroon panukala para for a Constitutional Commission, pag-uusapan ito tapos saka after pa…magkakaroon ng plebisito. So… (choppy signal)

RUTH ABAO: Okay.Secretary, sandali nagcho-choppy ka. Mobile po ba kayo? Mobile kayo?

SEC. ANDANAR: (Choppy signal)…Nasa loob kasi ako ng building. Hello? Naririnig mo ako?

RUTH ABAO: ‘Ayan, okay na, okay na. So Secretary ganito, iyong timeline lang ha kasi hindi lang maliwanag para sa akin. Magkakaroon ng eleksiyon. Alam ninyo kung bakit mas gusto kitang makausap? Kasi alam ko na ikaw, kadikit ka ni President Duterte so alam na alam mo, even before noong campaign period dikit na kayo. So, alam mo iyong talagang mga goals niya.

So 2019 magkakaroon ng eleksiyon, kasama po ba dito ang ie-elect, iyong members ng Constitutional Convention, is that the right term? Ganoon po ba ang plano?

SEC. ANDANAR: Depende po. Kasi… alam mo nakalap ko ngayon mas gusto ng mga miyembro ng Kongreso na Constitutional Assembly. So meaning, sila ang magbabalangkas,  iyong mga kasalukuyang miyembro ng Kongreso magbabalangkas nitong federalism. So ang proseso kasi niyan ay babalangkasin nila, tapos iyong both Houses of Congress will vote for it. Once pumasa, magkakaroon ng isang plebisito.

Ang tanong ngayon, kung ito ba ay aabot sa 2019 elections or ito ba ay ipagpaliban at isabay na lamang sa barangay election.

RUTH ABAO: Kailan po ba iyong barangay election Secretary uli?

SEC. ANDANAR: Hindi ko sigurado kung ano eh, kung 2018 – ngayon or 2019. But dalawang eleksiyon kasi ‘yan, barangay at saka iyong midterm. Now kung sana aabot iyong pagbalangkas at kung saan aabot… aabutan  para magkaroon ng isang plebisito. But nevertheless, ang mahalaga ho ay this is a—priority po ito ng gobyerno. Priority po ito ng Lower House na maipasa na nga itong federalism.

RUTH ABAO: So Secretary sandali lang ha. So ang isang option—pero kakayanin po ba, kasi kung later—usually ‘di mga 3rd quarter of the year ang barangay elections. You think it is possible na matapos po, ma-convince nila as a Constitutional Assembly itong both Houses of Congress? Kaya nilang tapusin ‘yan this year in time for the barangay elections, later part of the year?

SEC. ANDANAR: Depende po ‘yan sa bilis ng trabaho ng Congress at ng Senate. But realistically speaking, siyempre buwan ang aabutin niyan, ‘di ba? Taon pa nga. So—but we are very hopeful that this will pass as a law, and voted in a plebiscite sapagka’t si Presidente Duterte ay inihalal naman ng taumbayan na kasama iyong kaniyang pangako sa kaniyang plataporma de gobyerno na baguhin ang ating porma – from presidential to federalism.

RUTH ABAO: So ibig sabihin Secretary, as far as the midterm elections are concerned, talagang may eleksiyon? Hindi ho iyong pino-float nila na akusasyon kay Speaker Pantaleon Alvarez na sini-setup na niya iyong utak ng mga tao na NO-EL on 2019.

SEC. ANDANAR: Hindi ho. Mayroon ho talaga tayong election. Of course Speaker Alvarez, mayroon po siyang sariling idea kung papaano ito itutulak. Lahat naman kasi may kaniya-kaniyang ano, may kaniya-kaniyang recommendation. Pero as far as the law is concerned, as far as the process is concerned ay mayroon ho talagang eleksiyon 2019.

RUTH ABAO:  ‘Ayan, okay. Tapos—so ang target po ng gobyerno, by the time that President Duterte steps down, parang ano po iyon, hindi na magkakaroon ng election ng presidential elections, tama po ba iyon? Ganoon ang mangyayari?

SEC. ANDANAR: Depende po sa kung anong porma ang papasa. Kasi maraming types of federalism – may iba’t ibang version ‘yan. So depende kung anong papasa, kung mayroong… halimbawa, kung mayroong bababang presidente by that time, iyong federalism type—presidential type, na presidente, mayroon ding prime minister. So iyong mga ganoong question ba.

But sa palagay ko naman, kahit—kung anong porma man ang papasa sa Kongreso, sa taumbayan, hindi ho maaaring walang eleksiyon – mayroon ho talagang eleksiyon.

RUTH ABAO: Alam ninyo kasi, ngayon pa lang ang pinag-iisipan ng marami sa ating mga kababayan – because of the support with President Duterte – para bang natatakot sila na what will happen if President Duterte steps down. So balikan naman siguro lahat, parang we go back to our old ways. Kaya siguro isang senaryo na parang bang, “Huwag na nating pababain si President Duterte…(Laughs)

SEC. ANDANAR: (Laughs)Well, you cannot blame the people for thinking that way, sapagka’t napaso na, nadala na. Oo, pero alam din naman natin na ang ating Pangulo ay hindi po siya gahaman sa kapangyarihan, hindi ho hayok sa power. In fact siya ho nagsasabi na bababa na siya once pumasa iyong federalism.

At we can all be rest assured na marami namang—kayo mismo, mga kababayan natin… kayo po ay matured voters. Alam ninyo naman kung sino ang ihahalal. Alam ninyo naman kung sino iyong mga kandidato in the future na karapa’t-dapat na ipagpapatuloy ang mga reporma ni Presidente. The power really rests upon the voting public, nasa atin pa rin iyong kapangyarihan.

RUTH ABAO: ‘Ayan, okay. So ito na… Secretary ito muna, bago kita pakawalan. Ano ang mga plans mo for 2018 dito sa PCOO at iyong mga hawak mo – PNA, like Radyo Pilipinas?

SEC. ANDANAR: Salamat sa tanong. Tuloy-tuloy na iyong ating mga pagbabago. Iyong ating PTV ay magiging 120,000 watts na this year, hopefully by June. Iyong reporma sa Radyo Pilipinas, tuloy-tuloy po; sa Philippine News Agency.

Magkakaroon po tayo ng isang government strategic communication center dito po sa Visayas Avenue sa PIA building kung saan ang mga information officers ng gobyerno, mula LGU hanggang national ay magkakaroon na po sila ng isang center kung saan sila puwedeng mag-training pagdating sa communications.

And then this coming February nga pala meron tayong isang National Information Convention. So ito po ay lalahukan ng mahigit 1,300 na mga information officers around the Philippines at ito po iyong pinakamalaki na information convention na gagawin po ng gobyerno. Never in history of government na ginawa po ito at paguusapan dito iyong mga bagong teknolohiya, TV, radyo, diyaryo, online, mga basic tips para sa ating mga communicators, paano humarap sa TV, paano sumagot sa  radyo, paano magsulat sa diyaryo. Ito po iyong—mahalaga ito para sa ating mga communicators nationwide.

And of course meron din po iyong pag-uusapan iyong sa online, meron din pong fake news, iyong mga seminar para po maturuan natin ang ating mga kababayan, ang ating mga kasama sa gobyerno, how to decipher at ma-educate pa ang kanilang mga constituents about fake news.

RUTH ABAO:   Ayan. Okay. So siguro sa susunod na iyong mga—ito lang excited lang ako Secretary, iyong Chinese internet. Ano papasok na ba dito iyong China Telecom? Kelan ba iyan magiging operational?

SEC. ANDANAR: Well, maganda at natanong mo iyan, dahil kagabi nagkaroon po tayo ng Cabinet meeting with the President, for the 21st Cabinet meeting at kauna-unahang Cabinet meeting for this year. At nabanggit nga ng DICT Acting Secretary Rio na dalawa ang so far interested na maging third player sa telecommunications industry. Una, iyong China Telecom, plus iyong consortium na hindi pa ho nababanggit; at pangalawa pong nasa listahan ay iyong grupong PT&T ay iyong kanilang partner na Korean telecom company.

RUTH ABAO: Mga kailan iyan, yes target?

SEC. ANDANAR: Ang target po nito ay first quarter of this year. First quarter magsimula, second quarter this year masimulan na sana iyan at minamadali na po iyan, talagang inaapura po iyan ng DICT para maging competitive po ang ating telecoms industry.

Pero alam mo hindi pa nga nagsisimula iyong pagpasok ng third player nakita mo na nag-commit na po ang PLDT Group sa pangunguna ni MVP o Manny Pangilinan ng 58 billion pesos. Tapos nag-commit na rin po ang Globe ng karagdagang halos 50 billion din…mahigit 47 billion pesos iyong kanilang kinomit na investment, karagdagang investments para sa kanilang kumpanya na Globe and Smart.

So, we can really see that even just the announcement itself ay nahikayat po iyong dalawang telco giants na ito na mag-invest ng pera para pagandahin pa iyong kanilang serbisyo. So, that in itself is already victory for the Filipino people.

RUTH ABAO: Oo. Kasi ang inaabangan namin, ewan ko lang totoo ito Secretary. Kasi I’ve been Googling, sine-search ko ito sa internet, merong lumalabas na rumor na 990 pesos up to 50 mbps. Sabi ko, naku kelan kaya magsisimula iyon utang na loob. Even at 20% malaking bagay iyon, mga 20 mbps, ang bilis na noon, Secretary.

SEC. ANDANAR: Oo, so iyon ang maganda diyan, Ruth. Kasi the mere announcement by the President na binubuksan ang merkado para sa isa pang telco player, really get them up in their toes.

I’m talking about PLDT and Smart na… ganito lang iyan, magre-reinvest si MVP ng 50 billion pesos, naku di ang daming taong bibigyan ng trabaho noon. At the same time gaganda iyong serbisyo; ganoon din iyong Globe, iyong kanilang i-invest halos 50 billion na rin ang i-invest nila.

So that in itself, a hundred billion na iyong iikot po sa ating ekonomiya this year alone from those two telco’s. Idagdag mo pa iyong papasok na third player. I am sure si third player will invest more money kasi magsisimula sila sa zero.

RUTH ABAO: Correct, malaki-laki iyon.

SEC. ANDANAR: So, this is is really going to be an exciting year for the telco industry for 2018.

RUTH ABAO: Secretary Martin Andanar, naku maraming-maraming salamat. Good luck po sa inyo sa lahat sa 2018. At kung meron kayong mga gusto ipa-announce, please free to call us para po makapanayam po namin kayo muli.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Ruth at mabuhay ka, mabuhay po ang DWIZ.

###

Source: PCOO – NIB (News Information Bureau)

Resource