Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Thogs Naniong (Radyo Pilipinas – Agenda ng Bayan)


SEC. ROQUE: (coverage cut) …hindi po sigurado kung mamaya niya gagawin. Bagama’t kagabi inanunsyo po niya na merong mga 70 na mga kapulisan kasama ang ilang mga heneral at isang chairman na sisibakin na naman siya.

THOGS: Iyon ho bang chairman ay iyong chairman na namumuno ng isang ahensiya ng pamahalaan na nasangkot sa kontrobersiya just recently?

SEC. ROQUE:  Hindi  ko po masabi kung sino dahil—magkasama po kami ngayon dito ni Presidente sa Mindanao, pero hindi ko po alam kung iyong binabanggit niya ay iyong binanggit na rin niya sa akin dati. Kasi iyong isa naman papalitan lang, hindi naman dahil sa korapsyon; pero mukhang iyong sinabi niya kagabi ay iba pa iyan doon sa sisibakin niya dahil sa korapsyon.

THOGS:  Sir, sino iyong papalitan? Are you are at liberty na sabihin kung sino po?

SEC. ROQUE: Hindi pa po; pero mamayang alas-kuwatro po kami ay magkikita.

THOGS:  Okay. And so ang sigurado po rito magkakaroon ng announcement ang Pangulo at kabilang sa kanyang i-a-announce ay ang pagsisibak sa isang opisyal.

SEC. ROQUE: Isa na namang Chairman.

THOGS: Isa na namang chairman, hindi naman PCSO ito?

SEC. ROQUE:  Ay hindi po natin alam. Basta ang sabi niya isang chairman na naman at saka napakadaming mga pulis, hindi lang po sisenta, ang sabi niya 70 plus eh.

THOGS:  Oo, saka tatlong heneral.

SEC. ROQUE:  Tatlong heneral ang sinabi niya kagabi.

THOGS: Sir, iyon ho bang heneral, heneral ng pulis o militar?

SEC. ROQUE:  Baka heneral po ng pulis iyan, kasi he was talking about policemen.

THOGS: Okay, okay. And so antabayanan namin ang iyong press briefing mamaya, ayaw ko namang maging anti-climactic para sa doon sa iyong pagsalita mamaya at magiging buo ang pagbibigay ng impormasyon.

SEC. ROQUE: Baka wala pa po mamaya, wala pa po mamaya. Kasi ang press briefing ko po ay maya-maya na, pero mamayang alas-kuwarto pa po kami magkikita ni Presidente.

THOGS:  Okay; at ito ay saan gagawin diyan sa party ni Speaker o sa Davao City?

SEC. ROQUE:  Ang aking press briefing po maya-maya lamang ay narito ako ngayon sa Valencia City, Bukidnon. Pero ang aming pagpulong ni Presidente mamaya – may isang interview ang isang media – ay alas-kuwatro po ng hapon sa Davao, sa Davao.

THOGS: Sige po, hindi namin muna pipigain iyong mga impormasyon para hindi naman mabitin iyong ibang mga kababayan natin. Thank you very much, Secretary.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po.

###

Source: PCOO – NIB (News Information Bureau)

Resource