ERWIN TULFO: Magandang hapon, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Magandang hapon Erwin; at sa lahat ng nakikinig sa atin, magandang hapon po.
ERWIN: Alam mo kahit anong paliwanag na ang gawin ko, Sec., ha paulit-ulit na pati ikaw nagpapaliwanag, we are trying our best na this is not to (unclear) with press freedom, bagkos ito ay paglabag sa mga batas ng negosyo, ng Konstitusyon. Pinipilit pa rin ng lintik na Rappler na ito, pati ng kanilang reporter – nagiging tanga na tuloy, kawawa naman iyong bata – na press freedom. Press freedom sir.
Nagsalita na rin ang National Press Club at sinasabi, hindi ito pagsikil sa press freedom, Sec.
SEC. ROQUE: Tama po iyan dahil wala naman tayong ipinagbabawal, kahit sino na i-eksersisiyo ang karapatan ng malayang pamamahayag. Ang sinasabi lang natin iyong kumpanya. Iyan ang sabi ng SEC, iyong kumpanya na diumano ay rehistrado din sa Pilipinas ay dapat sumunod doon sa ating pinakamataas na batas sa ating bayan o ang Saligang Batas.
At ni minsan po wala naman pong kinalaman diyan ang Presidente; lahat po ng mga nagdesisyon diyan ay hindi naman kakampi ni Presidente, natalaga lahat iyan ng mga dilawan. So hindi po talaga natin maintindihan kung bakit ngumangawa sila ngayon tungkol sa press freedom.
Ang katotohanan ay ito po ay usaping pera. Usaping pera, milyong milyong dolyares na tinanggap ni Maria Ressa sa mga dayuhan at ngayon sinabi na mali ang pagtanggap niya sa mga dayuhan na iyan dahil binigyan niya ng control sa kaniyang negosyo na Rappler, sinasabi niya isang paglabag sa press freedom. Wala pong paglabag sa press freedom, siguro po ang nilalabag natin, the right of Maria Ressa na tumanggap ng napakalaking bilyon-bilyones na mga contribution sa mga dayuhan.
ERWIN: Sir isa pa, napansin ng mga kababayan natin iyong reporter kagabi—ay hinayaan ninyo na nga ‘di ho ba mag-cover, pero medyo maangas at may kabastusan. Wala po bang mga disciplinary action ang grupo nila? Iyong Malacañang Press Corps man lang? Iyong presidente diyan na medyo paghinay-hinayin. Hindi ho magandang tingnan na rin sir iyong medyo bastos na rin. Iyong kausap niya hinalal ng 16 million katao, siya ay kinuha lang ni Maria Ressa para mag-reporter. Sana gumalang naman siya dahil iyong labing anim na milyong Pilipino, ginalang, nirespeto, binoto iyong tao bilang Pangulo. Sana mayroon pong proper decorum ika nga. Sana mayroon namang proper way of asking question. Huwag naman iyong bastusan. Eh medyo nakakapika, Secretary Roque, sir?
SEC. ROQUE: Hindi po talaga naituturo ang pagiging magalang pero hindi huwag silang magrereklamo kapag sila ay sinagot ng tamang pamamaraan ng ating Presidente. Huwag silang magrereklamo na bakit ganiyan ang sagot ng Presidente. Kasi unang una, ang mga bastos, dapat binabastos din.
ERWIN: Oo, oo. Alright isa pa ho, sir. Ito napansin ko lamang. Ano po ang reaksiyon ninyo na napansin ninyo na siguro, lahat tayo napapansin. Banat nang banat kay Pangulong Duterte, hindi tumatalab, sabi nga natin ay parang teflon ang Pangulo, tumatalbog lang iyong banat, hindi umuubra.
Ngayon nakakakita sila ng babanatan iyong kawawang pobreng nananahimik sa gilid ng Pangulo na si Secretary Bong Go o si Special Assistant Bong Go, ang inuupakan ngayon at iniuugnay dito sa procurement controversy ng Philippine Navy sir. Ano po ang reaksiyon ninyo diyan, Secretary?
SEC. ROQUE: Wala pong katotohanan iyan dahil unang una, ito namang kontrata pong ito, ito po ay nagkaroon ng bidding at nagkaroon ng desisyon kung kanino i-a-award iyan, sa panahon pa ni PNoy. Huwag po nila tayong tignan, dahil ang ginawa lang natin ministerial – iyong pagbigay ng Notice of Award.
Nung nagdesisyon kung sino ang pinakamananalo ng bidding, hindi po tayo ang gumawa noon; noong nakaraang administrasyon pa po iyan.
So ang tanong ko naman ay kung mayroon ng desisyon, mayroon ng resulta ang bidding, bakit pa dapat manghimasok kahit sino sa administrasyon na ito. Lalong lalo na na-issue na po iyong Notice of Award?
ERWIN: Kaya nga po. So ibig sabihin panahon pa ni PNoy iyan. Bakit sinisisi ang administrasyong Duterte, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, iyon nga po naghahanap talaga ng butas at saka talagang—ewan ko gumagawa siguro talaga ng issue. Pero ngayon po may isang bagay ako na nadiskubre. Magpupulong po kami ngayon dito sa Malacañang. Hihingi lang po ako ng clearance para ilabas ito. Pero ito po ang magpapatunay na kung mayroon ditong pagkakamali, lahat po iyan administrasyon ni PNoy. Huwag nila tayong tignan.
ERWIN: Naku, maraming salamat. Sige antabayan po namin iyan, Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson, good afternoon, sir.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang hapon po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)